You are on page 1of 2

Ang alamat ng maya

Noong unang panahon,may mag-asawang


nagngangalang Juan at Juana sila ay nakatira sa kaharian
ng mga ibon, si Juan ay isang Prinsipe at si Juana naman ay
isang mandirigma ng mga ibon.Matagal na nilang gustong
magkaroon ng kambal na anak. Isang araw,habang sila’y
naglalakbay para maghanap ng pagkain may nakita silang
isang pulubi na humihingi ng pagkain at agad namang
binigyan ng mag-asawa ng pagkain ang
pulubi.Pinasalamatan ng pulubi ang mag-asawa at biglang
nag-iba ang anyo nito, ang pulubi ay naging Mahiwagang
Parrot, humiling ang mag-asawa na “Sana ay magkaroon
kami ng kambal na anak “.Sinabi ng Mahiwagang Parrot na
“Tutuparin ko ang inyong hiling, basta’t ang inyong anak
ay magiging mandirigma at pangalanan niyo itong May at
Aya”.Biglang nawala ang Mahiwagang Parrot at masayang
umuwi ang mag-asawa sa kaharian ng mga ibon.
Makalipas ang isang araw, nagulat si Juan sapagkat
nakita niya na mayroong itlog si Juana,at dalawa ito. “Tama
nga ang sinabi ng Mahiwagang Parrot”.wika ni Juana.Nang
mabiyak ang itlog pinangalanan nilang May at Aya,kambal
nga sila ngunit mag-kaiba ang kanilang kaugalian. Si May
ay masungit at mainggitin at si Aya naman ay maganda at
mabait lagi silang hindi magkasundo dahil sa
inggitan.Habang naglalakbay ang mag-asawang Juan at
Juana sa kagubatan hinuli sila ni Uwak dahilgusto niyang
agawin ang kaharian ng mga ibon nang nahuli ni uwak ang
mag-asawa . Napansin nina May at Aya na wala ang
kanilang magulang sa kagubatan habang sila’y naghahanap
nakita nila ang Mahiwagang Parrot na nagpanggap na
pulubi. Sinabi ng pulubi na “Kayo ang napilikong maging
mandirigma kaya kayo ay magtulungan,magkaisa at
magmahalan.Huwag kang maghanap ng wala ka, mahalin
mo at tanggapin mo kung anong meron ka”wika ng
Mahiwagang Parrot.”Maraming-maramimg salamat po sa
inyo,dahil kung hindi po dahil sa inyo,hindi po naming
malalaman an gaming mga pagkakamali”.wika nina May at
Aya.”Sana patawarin mo ako Aya sa mga pagkakamaling
ginawa ko”.wika ni May.Pagkatapos nilang
magkapatawaran tinuro ng Mahiwagang Parrot ang daan
kung saan naroon ang kanilang magulang, nang makarating
sila agad-agad na tinulungan ng kanilang magulang at
kinalaban nila ang mga kawal ni Uwak.Nagawa nilang
iligtas ang kanilang mga magulang at sa huli naging
Prinsesa sina May at Aya,kaya pinangalanan silang Maya ,
ang pinagsamang pangalang May at Aya.

You might also like