You are on page 1of 10

MUKHA

Panimula

May iba’t ibang mukha ang Pilipino

Sa mukha nasasalamin

Ang samo’t saring karanasan

Salamin ng buhay ang mukha

Makulay ang buhay Pilipino

Binhing Pinagyaman

Kagyat mukhang Pilipino

Mahirap ipinta

Katutubong binhi

Nalahian ng mga taga:

China, India, Europa,

Africa, Amerika, central Asia,

Far East, Southeast Asia,

Marami pang iba.

Mayabong ang lahing Pilipinong

Pinagbinhian ng dayuhang semilya,

Matibay ang ating naturalesa

May likas na panaggalang

Sa mga sakit na dala

Ng bagong teknolohiya
Mga Bahagi ng Mukha
May Sari-saring Kakanyahan

Sa mukha nababanaag

Ang agus-os ng buhay

Naguhit sa mukha

Ang damdami’t kalooban

Pagkataong nililok

Ng kulturang karanasan.

Bawat bahagi ng mukha’y

May sari-saring kakanyahan:

Noo, kilay, pilik, mata,

Ilong, bibig, baba,

Magkabilang pisngi

Na kayganda

Tampulan ng paghanga

Ng magulang at balana

Noo

Malapad ang noo- matalino

Makitid ang noo- makitid ang isip

Kunot ang noo- malalim ang suliranin

Taas noo- matibay ang paninindigan


Kilay

Makapal, kalat, waring iginuhit

Aregladong kilay,

Salubong na kilay

Matapang, galit, mainitin ang ulo.

Taas kilay

Suplada, isnabera

Mata

Nangungusap ang mata

Ayon sa laki, hugis, kulay,

Galaw, tingin, at damdamin

May matang malaki

At may maliit din

May dilat, mulat pikit

At kukurap-kurap.

May singkit, dilat, kirat at mapungay:

May banlag, duling, at sulimpat

May malabong mata

May malinaw din.

May matang bulag;

May nakakakita

Mata ay may kulay; Ulandes, itim, bughaw,

Mata ay may pilik;

Maikli, mahaba, malantik

Tingin ay marami: titig, sulyap, irap.


Pakahulugan

Sanlibo, sangkalaksang ulirat.

Kilatis na pagtingin- panukat ng pagkatao,

Agkit na tingin- may pag-ibig na ipinararating,

Nakatutunaw na tingin- tinging may tangka

Tinging para kang hinuhubaran- nanunukso

Matang mapag-akit- magiliw

Matang mapanuyo- nakikiusap

Matang mapanudyo- palabiro

Matang mabalasik- matapang at galit; mapusok

Matang nanlilisik- papatay ng tao,

Nakangiting mata-kaligayahan

Namumungay ang mata- inaantok, nanghahalina

Kumikislap ang mata- Malaki ang pag-asa

Luhaang mata- kalungkutan at siphayo,

Namumuti ang mata- nahihintakutan, matagal na paghihintay.

Namumula ang mata- malulumbay, nangungulila

Nangingitin ang gilid ng mata-puyat

Nangingilid ang mata- nahahabag

Nangangalumata- nanghihina, may karamdaman

Umiikot ang mata- hinihimatay, sinasapian, malikot.

Mata, mata, mata,

Bintana ng pilipinong kaluluwa


Ilong

May matangos ang ilong

May pangong ilong

May ilong na gumagapang

Sa pisngi

Pangsingho, pagsinga,

Pambahing, panghatsing,

Katulong na bahagi

Sa paghinga,

Pang-amoy

May ilong na nangingintab

May parang lorong ilong.

Bibig

Makati’t maluwang ang bibig-dalahira- dalahira

Maliit ang bibig- tahamik,

Sara ang bibig- naglilihim

Ngiwi ang bibig- may tampo

Bukang bibig- karaniwang kasabihan

Mabangong bibig- sanggol o gumagamit ng Clorets

Mabahong bibig- bad breath

Maduming bibig- masamang magsalita


Labi

May labing makapal

At manipis din.

Kulay ay maputi,

Maputla, maitim.

Labing may gatas pa- walang karanasan, musmos

Labing may mantika- ipinanganak na mayaman,

Ang palabi-labi- nagmamaktol

Nanginginig ang labi- giniginaw, natatakot, ninenerbiyos

May mga labing gamit sa loving-loving

Dila

Di-panlasa lamang

Ang gamit ng dila,

Ito’y kasangkapan

Sa pagsasalita,

May padila-dila,

At may nandidila.

May dilang matalas-masakit magsalita

May mahabang dila- naglulubid ng balita

May malapad na dila,

At may maikli rin,

Mayroong nawawalan ng dila

Umid.
Ngipin

Ngipin ay pangkain,

Pampaganda rin:

Pantay-pantay,

Sungki-sungki,

Bungi-bungi,

May maputing ngipin

May dilaw na ngipin

May ngiping marumi

Tinga’y kapansin-pansin

May buo ang ngipin

May pustisong ngipin

May ngiping ginto

May ngiping may pasta

May porselanang ngipin

Ang ngipin ay:

Nangangalit,

Ikinakagat, ikinakain

Nangigigigil,

May ngiping matibay

May ngiping marupok

Taong nagngingipin:

Ngipi’y nalalaglag,

Sumasakit,

Kumikirot
Nguso

Ang nguso ay labing

Gamit na panturo.

Patis paki-abot

Sumutsot, ngumunguso

Baba

mahabang baba- babalu

sandok ang baba-sandoy

pangahan- tsino-malayu

Pisngi

May pisngi ang langit

May pisngi ang manga

Magkabilang pisngi

Sa mukha ng tao

Ay kaaya-aya

Sa pisngi idinadampi ang halik

Sa pisngi ipinaaabot ang sampal

Magkabilang pisngi

Magkabilang halik,

Mag-asawang sampal

May pisnging malapad.

May pisnging matambok

May pisnging kuyapis

May pisnging kulubot


May pinong pisngi

At may magaspang din.

Sa dalang ng araw

Pisngi’y namumula.

Sariling Kakanyahan ng Mukha

Mukha… pinagsama-samang

Noo, kilay, pilik, mata,

Ilong, bibig, labi, dila,

Ngipin, nguso, baba,

Magkabilang pisngi,

Mukha.

May sarilibg kakanyahan

Ang mukha:

Maganda-pangit

Maaliwalas-madilim

Mapintog- kulubot

Masaya-malungkot

Maamo-matapang

Mabait-may kabagsikan

Pino- garapal

Lantad-di-hayag

Hayag na mukha- walang itinatago

Walang mukhang ipakita- kahiya-hiya

Mahiyaing mukha-shy

May itinatagong mukha- maylihim

Pamukha-balatkayo
Dalawang mukha- harap at likod

Nakakatakot na mukha-kilabot

Kamukha, kaparis, kawangis:

Mukhang birhen

Mukhang anghel

Mukhang aswang

Mukhang satanas

Mukhang kabayo

Mukhang matsing

Mukhang “only a mother can love”

Pagkataong Pilipino

Nababanaag sa Mukha

Pilipinong mukha

Mukhang nangungusap

Karanasa’y pinagyaman

Ng iba’t ibang bahagi

At sangkap

di-nagkukuyong:

isinisiwalat

ibinabahagi

itinatanyag

Pilipinas

Bansang pinagpala

Ng mangitiing

mukha

You might also like