Ang maikling kuwento ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang
mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at
may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tuklasin ang iba't ibang damdamin sa maikling kuwento at alamin natin ang mensaheng hatid ng kuwentong pinamagatang "Night Job" na nagmula sa bansang Uganda.