You are on page 1of 11

Ang unang laging dapat gawin ay dapat na tandaan na sa Google Chrome Browser ay

nakalog-in na ang pangalan mo mam … gaya nito

Para po kapag papasok sa google classroom ay maging madali na po…

May dalawang options po para makapasok sa google classroom mo po.. una po ay click mo po yang
arrow …
Pangalawa naman po ay sa nine dots po at hanapin ang classroom

Nine Dots

Classroom

Yan na po… kapag naclick mo po yan ay makakapasok na na po dito sa page na ito ng chrome … at iyan
na po ang lahat ng google classroom mo po…
Bawat click mo po jan sa room na iyan ay makikita mo po ito at dapat po na iclick ang meet link para po
makapasok kayo sa google meet at doon na po kayo magkikita kita ng mga students mo po… yan po lagi
ang dapat iclick po kada magkaklase po kayo… basta tandaan po click the google classroom po tapos po
click the meet link po…

Tapos po nun ay mareredirect na po kayo sa google meet… kapag po nakapula ang mic at camera ibig
sabihin po ay naka-off …iclick lang po mga nakapula na iyan para po maging on na siya… basta tandaan
po kapag pula yang icon na iyan ay naka off ka po… tapos po click po yung join now para po makapasok
ka na po sa google meet.
Kapag nakapasok na po kayo sa loob ay ganito po ang makita mo … nakaoff po ang camera niyan kaya
picture mo pa lang po nakikita mo po… yung cursor po natin ay importante po para makapapresent
po… kapag inilagay mo po ang cursor sa kanan ibabang bahagi ay lalabas po ang turn on caption (subtitle
po yun hindi na dapat iclick) at present now …. Iclick po ang present now… paalala lang po dapat po ang
cursor ay nasa ibabang bahagi para po lumabas ang present now dahil kapag yan po ay napunta sa taas
or gitna ay hindi mo po makikita ang present now po…

Yan po ang cursor, dapat po ay nasa ibaba po siya para lumabas ang present now.

=====================================================================================

Kapag naclick ang present now ay iclick ang chrome tab…


Sa google chrome tab po mam ay papipiliin ka po kung ano po ang gusto ipresent… yung choices po ay
yung mga tab na nakabukas sa google chrome browser mo po… isa lang po muna ang pwede mo piliin
po diyan … pero one at a time ay pwede mo po sila ipresent ng isa-isa… lima po ang choices po na
pagpipilian mo po dahil sa lima po ang nakabukas po na tab… yung una po na tab 1 kapag pinili mo po
iyan ay makikita ng mga students mo po ay yung google classroom nyo po lahat po gagalawin mo po sa
tab1 ay nakikita na po ng mga bata… yung tab 2 naman po ay yung mismong google meet hindi po dapat
piliin dahil ang makikita lang po ng mga bata ay ikaw lang din po at mga sarili nila… yung tab 3 po ay
yung google drive po … lahat po ng binubuksan mo po ( google docs, slides, video sheets) diyan po
makikita … nasaan po ang google drive? Makikita po yan sa nine dots po ulit ( see page2) at piliin ang
drive …. Tab 4 po ay google slide mo po about spiritual view of self yan na po yung ipepresent mo po
kung magkaklase ka na po… yang tab 5 po ay google slide room po yan na makikita mo po lahat ng
ginawa mo po sa google slide makikita mo po din yan sa nine dot mo po … if you will ask me mam kapag
magpepresent ka po ay mas maganda na pumasok ka na po dun sa kung ano ang ginamit mo po
halimbawa po slide ang gusto mo ipresent dun ka na po pumasok… kung docs po naman ay dun ka na
din pumasok sa docs (nasa nine dots din po yan ) sa drive po kasi magulo… lahat lahat po kasi ay labu
labu sa drive may docs… may slides… may sheets… kaya mas madali po ay sa slide ka na pumasok kung
slide ang presentation mo po at docs kapag docs po ang presentation mo….

tab1 tab 2 tab 3 tab 4 tab 5


halimbawa nga po ay yung slide na Ge 1 Spiritual view of self…. Click mo lang po yun at click share… yun
na po at mapupunta ka na po sa Ge 1 Spiritual view of self tab para po ipresent na ito…

1 click

2. click
Kapag napunta ka na po sa tab ng Ge 1 Spiritual view of self … wag po kakalimutan mam na iclick ang
present na nasa top right side po para makikita po ng bata ay full screen po…. Hindi mo po sila makikita
mam… tuloy tuloy lang po na magdiscuss ka na po… maski ikaw po ang makikita mo po ay full screen po
ng Ge 1 Spiritual view of self tab…pindot ka lang po sa space bar para sa next slide hanggang matapos ka
na po… kung gusto mo po ipakita ang google classroom or google slides tab po ay pwede po din… click
mo lang po yung tab ng google classroom po… tandaan mo lang mam na lahat ng nasa google tab mo po
ay pwede mo na ipresent po… (explanation next po)

1. click
Gaya po nito kapag naclick mo po tab ng google slide mo po ay pwede mon a po ipresent din po yan…
click mo lang po yung share this tab instead ay makikita na po yan ng mga students natin… automatic po
na mahihinto na yung presenation mo sa Ge 1 Spiritual view of self at mapupunta na po ang mga
students sa tab na bagong nai-share, kaya nga po sabi ko po sa iyo na lahat ng tab mo ay pwede mo po
ipresent pero isa-isa lang po… kapag tapos ka na po at ayaw mo na po magpresent ay click po stop at
pwede ka na po pumunta sa google meet tab para po kausapin na ulit mga bata…

Click for the new presentation

Click to stop all presentation


How to get the attendance

Napakadali lang po nito mam… once na nag-join ka po sa google meet ay automatic makikita mo po iyan
nasa left side po… click mo po yung icon na may tao…

Click for the attendance


Tapos po ay click mo po take attendance… pagclick mo po niyan ay lalabas lahat ng name nila jan at
mababasa mo agad mam… advice ko po kapag nagstart ka na po ay click mo na po yang take attendance
tapos po kapag tapos ka na po sa klase mam ay plabasin mon a po sila lahat sa google meet tapos po ay
click mo po yung export as txt tapos po automatic po na magda-download po yung attendance po sa
computer po… yun na po may attendance na po mga bata sa mga pumasok sa google meet… kapag
nagclick ka po ng clear ay mabubura po lahat ng nasa attendance kaya dapat po kapag accidentally
naclick mo po yung clear ay dapat iclick mo po ulit yung take attendance… yang edit po wag na
pakialaman po di naman masyado importante po… yung attendance po ay makikita po sa download
folder ng computer mo po…

Click to get the attendance

Click to automatic download of attendance

Click to clear the list of names of students

You might also like