You are on page 1of 4

ARALIN 1

Sa pamamagitan ng pagpapahayag ng tao ng kanyang damdamin, kaisipan at mga naisin sa buhay


ay nagkakaunawaan ang bawat isa kung kaya’t isa itong mahalagang elementong nag-uugnay sa
bawa’t isa. Subukang miminsang alisin ang pagpapahayag ay para mo na ring kinitilan ng buhay ang
isang tao.
Sawikain o Idyoma
Ang sawikain o idyoma ay isang uri ng pagpapahayag na kusang nalinang at nabuo sa ating wika.
Kung ating susuriin, ginagamit natin ito sa ang ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan;
pasalita man o pasulat. Maging ang mga mamamahayag sa radyo, telebisyon at pahayagan ay
gumagamit din nito upang mabigyang diin at gawing kaakit-akit ang kanilang pagsasalita at
pagsusulat (https://vdocuments.site/tungkol-saan-ang-modyul-na-ito-alsdivision-nbsppdf-
filekumilala .html).
Ang sawikain ay tulad din ng salawikain na may ibang kahulugan bukod sa literal na kahulugan ng
mga salitang pinagkabit-kabit upang mabuo ito o sa ibang pagpapakahulugan ay pagpapahayag na
ang kahulugan ay hindi komposisyonal— sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang
mga kanya-kanyang salita na nabuo.
Ito’y ‘di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar na
ang kahalagahan ay ang sumusunod:
Ito'y nakatutulong upang mas mapagyaman ang pagbuo ng salita dahil ito'y nagpapabisa at
nagpapakulay.

Mahalaga ito sa larangan ng panitikan dahil may mga pagkakataon na kailangan gamitin ang idyoma
ng mga manunulat upang magpahayag ng mga ideya gamit angmatalinhagang istilo. Mahihikayat
ang madla sa pamamagitan ng mga idyoma kung sakaling ikaw ay isang mambibigkas.
Mahalaga ang paggamit ng idyoma lalo na sa pakikipag-usap, dahil sa paggamit nito hindi natin
tuwirang nasasaktan ang ating kausap kung may sasabihin tayo sakanyana masakit
(https://www.coursehero.com/file/38095681 /Fil-Rdoc/).
Ang idyoma ay pagpapahayag na kusang nalilinang at nabuo sa lingguwaheng Filipino. Ang mga ito
ay may dalang aral na kadalasan ay nagpapahiwatig ng sentimyento ng isa o grupo ng mga tao.
Malalalim na salita ang ginagamit sa sawikain subalit pinapalitan ito ng mga karaniwang katawagan
kung kaya’t ito’y nagiging matalinghaga. Napakalaking bahagi nito sa kultura maging sa kasaysayan
sa lahat ng bansa sa mundo sapagkat sumasalamin ito sa pagkakapareho’t pagkakaiba ng mga
paniniwala ng ibang bansa. Kadalasa’y taglay nito ang maraming pangkulturang bagay: malarawan,
mapagbiro at mapagpatawa. Nagtataglay rin ito ng pansosyal at panliteral pagpapahiwatig na
kahulugan. Mahalagang malaman at maunawaan mo na kailangang makabisado mo ang mga
salitang bumubuo rito maging ang ayos nito. Kung sakaling ang mga ito ay ginagamitan ng kilos o
galaw, ang bahaging pandiwang ito ay kailangang sumunod sa tatlong panahunan ng mga pandiwa
na gaya ng mga sumusunod:
Mga Halimbawa ng Sawikain
1. Alilang-kanin

Kahulugan: Utusang walang bayad o libre ang pakain at pabahay subalit walang suweldo
Halimbawa: Karamihan sa mga mag-aaral sa kolehiyo ay pumapayag maging alilang-kanin kapalit ng
kanilang pag-aaral.
2. Balitang kutsero

Kahulugan: Mga balitang walang katotohanan


Halimbawa: Makabubuting huwag ka nang makinig kay Aling Rosa, puro balitang kutsero lang ang
kanyang sinasabi.
3. Naghalo ang balat sa tinalupan

Kahulugan: Matinding labanan o awayan sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tao.
Halimbawa: Naghalo ang balat sa tinalupan nang malaman niyang niloloko lamang siya ng kaniyang
mga kanegosyo.
4. Bahag ang buntot

Kahulugan: Duwag
Halimbawa: Palibhasa’y bahag ang buntot mo kaya hindi ka makalaban nang patas.
5. Butas ang bulsa

Kahulugan: Walang pera


Halimbawa: Dumanas ng pandemya ang buong mundo kabilang ang bansang Pilipinas kung kaya’t
butas ang bulsa ng gobyerno.
6. Bukas ang palad

Kahulugan: Matulungin
Halimbawa: Sa kabila ng pandemyang dinanas ng buong mundo ay marami pa ring bukas ang palad
sa mga higit na nangangailangan ng tulong.
7. Maglubid ng buhangin

Kahulugan: Magsinungaling
Halimbawa: Dahil sa sinapit na hirap na dinanas ng mga tao sa kasalukuyang pandemya, marami sa
kanila ang naglulubid ng buhangin sa pagbibigay ng pahayag upang mabigyan ng tulong pinansiyal
ng gobyerno.
8. Makati ang dila

Kahulugan: daldalero o daldalera


Halimbawa: Hindi pa rin maiwasang ipagkalat ng mga makakati ang dila ang kahiya-hiyang
pangyayari sa buhay ni Berna.

Ibaon sa hukay
Kahulugan: Kalimutan
Halimbawa: Pagkatapos ng masasakit karanasan na dinanas ni Lea sa kanyang naging amo sa Saudi
Arabia, minabuti niyang ibaon na lamang ito sa hukay at ipagpatuloy ang kanyang buhay kasama ng
kanyang pamilya.
10. Abot-tanaw
Kahulugan: Naabot ng tingin
Halimbawa: Abot-tanaw pa rin ni Jim ang bus na lulan ang kanyang mga kaibigan patungong Manila.

A. Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. “Itaga mo sa bato, babalik ako sa lugar na ito upang patunayan sa inyo na nagtagumpay ako sa
propesyong pinili ko.” Ito ang mga katagang binitiwan Vanessa.
a. Mananaga si Vanessa
b. Tatandaan ni Vanessa ang kaniyang sinabi.
c. Tatagain ni Vanessa ang bato.
d. Pupukpukin ni Vanessa ang bato.

2. Oh, bakit para kang natuka ng ahas? Bakit hindi ka makaimik, dahil ba may katotohanan ang
lahat ng sinasabi ko?
a. Namumutla
b. May ahas na nakapasok sa bahay
c. Nangangati ang lalamunan
d. Hindi na nakapagsalita; nawalan na nang lakas ng loob na magsalita

3. Biglaan ang pag-uwi ni Joseph mula Qatar dahil sa balitang ang kanyang asawang si Judith ay
naglalaro ng apoy.
a. Nagluluto sa kalan
b. Nagpapainit ng ulam
c. Nasunugan ng bahay
d. Nagtataksil sa kanyang asawa

4. Itong si Brandon ay ubod ng tamad, araw-araw na lamang na nagbibilang ng poste.


a. Binibilang ang poste sa kanto
b. Ang trabaho niya ay magbilang ng poste ng OMECO.
c. Walang trabaho
d. Hindi tanggap ng pamilya niya ang kanyang trabaho.

5. Ang lahat ng mga mag-aaral na amoy tsiko ay inanyayahan sa tanggapan ng kanilang Guidance
Councilor.
a. Amoy prutas
b. Amoy alak
c. Amoy sanggol
d. Amoy ng nakipag-away
B. Ibigay ang ibig ipakahulugan ng mga sumusunod na Sawikain Pagkatapos ay gamitin ang mga
salitang binigyang-kahulugan sa makabuluhang pangungusap.
1. Makati ang paa: ____________________________________
Pangungusap: ______________________________________
___________________________________________________
2. Maitim ang budhi: _________________________________
Pangungusap: _____________________________________
_________________________________________________
http://www.aralingpilipino.com/2018/06/halimbawa-ng-sawikain-maitim-ang-budhi.html
3. Panakip-butas: _________________________________
Pangungusap : __________________________________
______________________________________________
4. Mabulaklak na Dila: ______________________________
Pangungusap: ___________________________________
________________________________________________
http://www.aralingpilipino.com/2018/06/halimbawa-ng-sawikain-maitim- ang-budhi.html
5. Anak-dalita: ___________________________________
Pangungusap: _________________________________
_____________________________________________
http://www.aralingpilipino.com/p/sawikain-idyoma.html
6. Isang kahig, isang tuka: ________________________
Pangungusap: ________________________________
_____________________________________________
https://hubpages.com/education/Filipino-Idioms
7. Balat-sibuyas : ________________________________
Pangungusap: ________________________________
8.Matabil ang dila: ______________________________
Pangungusap: _________________________________
_____________________________________________
https://hubpages.com/education/Filipino-Idioms
9. Kalapating mababa ang lipad: ____________________
_____________________________________________
Pangungusap: _________________________________
_____________________________________________
https://hubpages.com/education/Filipino-Idioms
10. Balat-kalabaw : ______________________________
Pangungusap: ________________________________
____________________________________________
____________________________________________

You might also like