You are on page 1of 1

Katotohanan at walang pinapanigan, balitang totoo at tapat na serbisyo.

Magandang araw Pilipinas, magandang araw Zambales.

Para sa balita, PAGPUPULONG TUNGKOL SA TRICYCLE ROUTE PLAN SA BAYAN NG SAN


MARCELINO, ITINALAGA.

Ika-walo ng Enero taong dalawampung libo dalawampu’t isa, nagtalaga ang Lokal
na Pamahalaan ng San Marcelino sa pamunuan ni Mayor Elvis Ragadio Soria ng
pagpupulong tungkol sa tricycle route plan.

Pinangunahan ito ng Municipal Planning and Development Coordinator (MPDC)


Office sa pangunguna ni ENP. Floralyn Ramat-Mendoza, mga punong barangay, mga
representante ng bawat Zone, PNP at iba pa.

Ang tricycle route plan ay magiging basehan kung saan pwedeng dumaan at hindi
pwedeng dumaan ang mga tricycle. At kung wala talagang alternatibong daanan ay
kailangan na maglaan ang LGU pansamantala.

Bukod sa mga tricycle, magkakaroon din ng bike lanes sa pangunahing kalsada sa


bayan ng San Marcelino. Hindi naman lingid sa kaalaman ang mga karaingan ng
mga tricycle driver. Nagkakaroon rin ng mga ilang pagaaral, at konsultasyon
para pakinggan ang lahat ng mga posibleng suhestyon at rekomendasyon para
maging maayos ang lahat.

Live mula rito sa San Marcelino, Zambales, Hannah Rae Asuncion nag-uulat.

You might also like