You are on page 1of 2

MALAYANG PAMAMAHAYAG

Isang mapagpalang araw sa ating kagalang-galang na Tagapangulo, sa aking mga kapanalig na


kagawad, sa ating masisipag na kalihim at ingat-yaman ng barangay.

Bilang isang neophyte na Barangay Kagawad, personal kong sinasalamin ang mga
responsibilidad na iniatang sa akin bilang Tagapangulo ng Komitiba ng Pamamahala ng Trapiko
at Transportasyon (Committee on Traffic Management & Transportation)

Ang aking panununtuan sa buhay ay may 3P’s: PAGPIPILIAN, PAGKAKATAON AT


PAGBABAGO. Kailangan mong gumawa ng Pagpipilian, upang kumuha ng Pagkakataon, kung
gusto mo ng Pagbabago sa buhay mo.

Sa pagkakataong ito Kagalang-galang na Tagapangulo, isang katotohanang binibigyan diin ng


paulit-ulit ang suliranin tungkol sa mga colorum sa ating barangay. Ang ating Pangulong
Rodrigo Duterte ay nagkaroon ng malawakang pagpapahayag at direktiba sa paghuhuli ng mga
colorum na sasakyan na isa sa pagunahing tungkulin natin ang maglingkod at protektahan ang
ating mamamayan

Bago ang Mahal na Araw ilan sa mga grupo ng TODA ang dumulog sa aking tanggapan upang
sumangguni ng suliranin tungkol sa mga COLORUM. Kasama sa pag-uusap Si Hepe Bolofer at
Deputy Baylon. Ang mga nabanggit nilang suliranin ay ang mga sumusunod:

1. Naagawan sila ng pasahero


2. Ang miyembro ng TODA ay nanghihinayang sa regular na nagrerenew ng barangay
permit kung hindi nasosolusyunan ang lumalaki at dumadaming COLORUM
3. Napag-alaman na karamihan sa mga COLORUM ay may mga humahawak o protector
kung tawagin at may sariling sticker.
4. Napag-alaman din na ang karamihan sa nagmamay-ari ng mga COLORUM na tricycle ay
sa mga kawani ng barangay at kawani ng cityhall.
5. Nagkakaroon ng insidenteng holdap na nakasakay sa COLORUM.
6. Ang pananamantala ng mga COLORUM sa mataas na singil ng pasahe.
7. Ang mga lugar na kung saan pumipila ang mga COLORUM:
a. Phase 3
b. Sto. Nino Church
c. Puregold at Kingsmart
d. Healthwatch

Nagkaroon ng pagtugon ang ating barangay na patuloy na pinapatupad na hindi bumababa sa 10


tricycle ang nahuhuli araw araw. Naglagay ng maniniket sa mga designated na lugar na aalalayan
ng ating Task Force at ibang miyembro ng TODA mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00
ng hapon at hiniling sa mga TODA na sila ay pumila saa kani-kaniyang terminal hindi kasama
sa mga COLORUM.

At akin din pong ipinapanukala na magkaroon ng kautusan na ang barangay na ang lahat ng
miyembro at opisyales ng lahat ng TODA sa ating barangay ay magkaroon o magsuot ng sariling
uniporme para may pagkakakilanlan ang bawat TODA. At maturuan at mabigyan ng
impormasyon ang ating mamamayan sa mga legal na tricycle at terminals kung saan at sino ang
dapat nilang sakyan na tricycle. At makakatiyak po tayong ito ay makakahadlang sa operasyon
ng mga COLORUM. At maitataguyod natin ng buong proteksiyon at kaligtasan para sa
kapakinabangan ng publiko.

You might also like