You are on page 1of 4

DEPARTMENT OF EDUCATION

DIVISION OF SAN JOSE DEL MONTE CITY


San Ignacio St., Poblacion, City of San Jose del Monte 3023

LEARNING
ACTIVITY SHEETS
( LAS )
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
Home Economics
Ikalawang Markahan

“TUNGKULIN SA SARILI”
MELC : EPP5HE- Od-8
Layunin :
Pagkatapos ng aralin na ito, ang mga bata ay inaasahang:
1. Nagagampanan ang tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata.
2. Naiisa-isa ang mga tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga at pagdadalaga

Subukin Natin :
Basahin at kompletuhin ang sumusunod na pangungusap.
1. Kumain ng ___________________pagkain upang gumanda at lumakas ang
katawan.
2. Magkaroon ng __________________na oras ng pagtulog sa loob ng isang araw.
3. Magiging kaakit-akit ka kung ikaw ay maliligo__________________.
4. Ang pagkain ng ________________ay hindi makabubuti sa katawan.
5. Uminom ng _______baso ng tubig araw-araw.

Talakayan:

Panahon ng pagdadalaga at pagbibinata o puberty ang tawag sa yugto ng buhay


kung kalian maraming pagbabagong nagaganap sa iyong pangangatawan. Ito ang
panahon kung kailan ang pangangatawang pisikal ng tao ay umuunlad. Normal
lamang sa kabataang hahantong sa pagiging tinedyer ang makaranas ng mga
pagbabago sa pangangatawan. Ito ay hindi dapat ikahiya at sa halip ay pag-aralan
at unawain. Inihahanda sa yugto ng buhay na ito ang katawan upang maging ganap
na lalaki o babae.
Mga Pagbabago sa Nagdadalaga at Nagbibinata

1. Pagsulong ng taas at bigat. Ang higit na pagsulong sa taas at bigat ay nagaganap


bago maging pangkasariang ganap. Sa panahon na ito ang isang normal at
malusog na batang lalaki ay karaniwang tatangkad ng mula sa 7 hanggang 12
sentimetro at ang babae mula 6 hanggang 11 sentimetro. Ang biglaang paglaki ay
unang mapapansin sa mga babae kaysa lalaki lalo na kung magsisimula nang
magkaregla. Ngunit sa gulang na 14 hanggang 19, mabilis na humahabol sa taas
at timbang ang mga kalalakihan

2. . Pagbabago sa sukat ng katawan. Kasabay ng pagsulong sa taas at timbang ang


mga pagbabagong sukat ng iba’t-ibang bahagi ng katawan. Mabilis na umuunlad
ang laki at komposisyon ng pangangatawan.

3. Pag-unlad ng mga pangunahing bahaging pangkasarian. Unti-unting ginigising


ng pituitary glandsang iba’t-ibang bahaging pangkasarian ng isang nagbibinata o
nagdadalaga upang magsimulang gampanan ang kani-kanilang tungkulin. Sa
mga babae nagsisimulang lumaki at magkahugis ang dibdib. Sa panahong ito rin
nagkakaroon nan g buwanang daloy o menstruation. Ang ari naman ng mga
kalalakihan ay unti-unti ring lumalaki at nagbabago upang maging pangkasariang
ganap.

4. Pagtubo ng buhok sa iba’t-ibang bahagi ng katawan May mga pagbabagong


nangyayari sa panlabas na anyo ng nagdadalaga at nagbibinata na nagbibigay
sa kanila ng mga katangiang higit na nagpapatunay ng kanilang kasarian. Ang
mga kababaihan ay tinutubuan ng buhok sa kilikili at sa ibabaw ng ari. Bukod sa
nagkakahugis ang dibdib, lumalapad ang balakang ng nagdadalaga. Ang mga
kalalakihan din ay tinutubuan ng buhok sa mukha tulad ng bigote, sa kilikili, sa
ibabaw ng ari, binti at dibdib.
5. Pagtubo ng tagihawat Ang mga kababaihan ay nagkakaroon ng tagihawat lalo
na kapag malapit na ang buwanang daloy dahil sa glandular disturbances.Ang
mga kalalakihan din naman ay nagkakaroon din ng tagihawat sanhi ng
pagbabagong dulot ng pagbibinata. 6. Pagiging pawisin Ang mga kalalakihan
ang labis na nagiging pawisin kapag sila ay nagbibinata na.
GAWAIN 1:
Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang Tama kung ito ay
nagpapakita o tumutukoy sa pagbabagong pisikal ng mga nagbibinata o
nagdadalaga at isulat ang Mali kung hindi
_______ 1. Pagkulubot ng balat sa katawan.
_______ 2. Pagtubo ng buhok sa kilikili at iba pang bahagi ng katawan.
_______ 3. Paglabas ng sobrang pawis sa katawan.
_______ 4. Pagputi ng buhok.
_______ 5. Pagtubo ng ngipin.
_______ 6. Pagkakaroon ng tagihawat sa mukha at leeg.
_______ 7. Pag-alsa ng dibdib.
_______ 8. Pagkakaroon ng buwanang daloy
_______ 9. Pagbigat ng timbang.
_______ 10. Pagbaluktot ng likuran.

GAWAIN 2:
Punan ang patlang upang makumpleto ang pangungusap. Piliin sa loob ng kahon
ang sagot.

1. Gumagamit ng _____________ upang kumintab at maalis ang dumi at alikabok ng


buhok.
2. Linisin ang ngipin pagkatapos kumain gamit ang ______________ at _____________.
3. Kung ang kuko ay mahaba na, ito’y putulin gamit ang _________________ na
matalim.
4. Ikuskos ang _____________sa buong katawan upangito’y luminis at libag ay maalis.
5. Katawan ay patuyuin pagkatapos maligo gamit ang ____________ malambot at
malinis.
6. Iba-iba ang kulay at lasa, ngunit parehong nagpapalinis ng ngipin kung ika’y
gagamit ng _________________.

GAWAIN 3:
Basahin ang mga sitwasyon. Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang tauhan ay
nagpapakita ng pamamaraan ng paglilinis at pag-aayos sa kanyang sarili. Lagyan ng
ekis (X) kung hindi.
___________ 1. Si Allan ay naliligo araw-araw ngunit ang suot na damit ay paulit-ulit.
___________ 2. Ang buhok ni Sandra ay mahaba at makapal, kaya naman pinananatili
niya ito na malinis, maganda at maayos.
___________ 3. Payat at laging nanghihina ang batang si Jessica dahil sa hindi
pagkain ng masusustansyang pagkain.
___________ 4. Mahilig sa matatamis na pagkain ang magkapatid na Lito at Ana.
Kaya naman ang paalala ng kanilang ina na laging magsipilyo ng ngipin ay kanilang
sinusunod.
___________ 5. Tuwing gabi ng Linggo, nakagawian na ni Lando ang gupitin ang
kanyang kuko upang sa pagpasok sa kinabukasan sa paaralan ay malinis ang mga ito.

SUSI SA PAGWAWASTO

SUBUKIN NATIN GAWAIN 1

1. Masusustansiya 1. MALI
2. Tama 2. TAMA
3. Araw-araw 3. TAMA
4. Junk Foods 4. MALI
5. Walong (8) 5. MALI

6. TAMA

7. TAMA

8. TAMA

9. MALI

10. MALI

GAWAIN 2 GAWAIN 3

1. SHAMPOO 1. X
2. SIPILYO AT TOOTHPASTE 2. 
3. NAILCUTTER 3. X
4. BIMPO 4. 
5. TUWALYA 5. 
6. TOOTHPASTE

You might also like