You are on page 1of 21

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik – 11

Alternative Delivery Mode


Ikatlong Kwarter – Modyul 1: Tekstong Impormatibo
Unang Edisyon

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in
any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalties.
Barrowed materials (i.e.,songs, stories, poems, pictures, photos, brand
names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to
use these materials from their respective copyright owners. The publisher and
authors do not represent nor claim ownership over them.

Development Team of the Module:

Author: Layout Gerelyn H. Tupac Janice E.


Artist: Calapis
llustrator: Jay Michael A. Calipusan

Management Team:
Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Chairperson: Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Asst. Regional Director Mala Epra B.
Magnaong CES, CLMD
Dr. Bienvenido U. Tagolimot, Jr.
Members: Regional ADM Coordinator Elesio M.
Maribao
EPS, Filipino

Printed in the Philippines by: Department of Education – Regional Office 10


Office Address: Zone 1, Upper Balulang Cagayan de Oro City 9000
Telefax: (088) 880-7071, (088) 880-7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph
Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik
Ikatlong Kwarter – Modyul 1
Tekstong Impormatibo

This instructional materials was collaboratively developed and reviewed by


educators from public and private schools, colleges, and or/universities. We
encourage teachers and other education stakeholders to email their feedback,
comments, and recommendations to the Department of
Education at

We value your feedback and recommendations.

Kagawarang ng Edukasyon . Republika ng Pilipinas


TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

Pangkalahatang Ideya ------------------------------------------------- 1


Nilalaman ng Modyul ------------------------------------------------- 1
Mga Layunin ------------------------------------------------- 2
Pangkalahatang Panuto ------------------------------------------------- 2
Paunang Pasulit ------------------------------------------------- 3
Aralin ------------------------------------------------- 4
Mga Gawain ------------------------------------------------- 5
Paglalahat ------------------------------------------------- 13
Panghuling Pasulit ------------------------------------------------- 14
Referenses ------------------------------------------------- 16
Pangkalahatang Ideya

Kasabay ng pag-unlad nang bayan ay ang pag-unlad


ng kanyang mamamayan, sa lahat ng aspeto ng buhay. Tugon
sa pag-unlad at pagbabago sa bawat sulok ng mundo ang
pagyakap at pakikipagsabayan sa agos na ito ng iba’t ibang uri
ng teksto. Ang pagpapalit-anyo nito at pagbibihis mula sa makalumang tradisyon
hanggang sa kasalukuyan upang manapay maipabatid sa karamihan, lalo’t higit sa
mga kabataan ang kayamanang angkin ng panitikang natatangi,ang Pantikang
Pilipino. Alinsunod sa pagbabago ng kurikulum, ang pagbuo sa mga kagamitang
panturo at pampagkatuto upang makaagapay sa pagpapalawak ng kaalaman ng
mga mag-aaral sa Asignaturang Filipino. Pinaglaanan ng mahuhusay at
makabagong pamamaraan upang higit na maiangkop sa uri ng mga mag-aaral ang
mga gawain sa modyul na ito. Sapagkat naniniwala ang Kagawaran ng Edukasyon
na ang mahusay at kalidad na edukasyon ay makakamtan ng bawat isang Pilipinong
mag-aaral mula ngayon at sa mga susunod pang henerasyon.
Taos-pusong nagpapasalamat ang mananaliksik sa mga manunulat ng mga
tekstong ginamit sa modyul na ito. Hindi matatawaran ang naging ambag ng
kanilang mga akdang pampanitikan upang linangin ang pagpapahalaga sa kulturang
Pilipino. Hindi na rin mapasusubalian ang kabisaan na maidudulot ng mga teksto
upang higit na mapagtibay ang pagkakakilanlan ng mga mag-aaral sa kanyang
identidad bilang mamamayang Pilipino.

Nilalaman ng Modyul

Ang modyul na ito ay naglalayong mapalawak ang


kaalaman at malinang ang kasanayang pag-unawa ng
mga mag-aaral sa Baitang 11 ng Open High School ng
Senior High School gamit ang iba’t ibang uri ng teksto.
Ang mga gawain sa bawat paksa sa modyul na ito
ay nakapokus sa kasanayang pampagkatuto na nasusuri ang kahulugan , katangian
at kalikasan ng tekstong impormatibo at deskriptibo . Ang mga uri ng tekstong ito ay
lilinang sa kasanayang pampanitikan at magpapalago sa kaisipan ng mga mag-
aaral. Mahalagang mauunawaan ang iba’t ibang teksto at ang layunin nito upang
masuri ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig. Ang
pag-aaral sa proseso ng pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang teksto ay makatutulong
sa pagbuo at pagsulat ng sistematikong pananaliksik.

1
Mga Layunin

Ang mga sumusunod na kasanayan sa pampagkatuto ang lilinangin sa bawat


tekstong nakapaloob sa modyul batay sa Gabay ng Pagtuturo sa Baitang 11:
a. Nasusuri ang paksang tinalakay sa tekstong binasa.(F11PB-IIIa-98))
b. Natutukoy ang kahulugan, katangian at kalikasan ng tekstong impormatibo.
(F11PT-IIIa-88)
c. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa, at daigidig. (F11PB- IIId- 99)
d. Nakasusulat ng sariling halimbawa ng tekstong impormatibo. (F11PU-IIIb-89)

Pangkalahatang Panuto

Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa


kasanayang pampagkatuto ay binubuo ng pambungad. Ito
ang simula ng bawat aralin kung saan binabanggit ang
pamagat at ang iba pang mga impormasyon tungkol sa
akda. Matatagpuan din sa bahaging ito ang mga kasanayang pampagkatuto na
lilinangin sa bawat aralin kasama na rin ang mga tiyak na layunin.Kasunod ang
panimulang pagtataya, ang bahaging maghahanda at gaganyak sa mga mag-aaral.
Binabalikan din sa bahaging ito ang mga naimbak na kaalaman ng mga mag-aaral
upang maiugnay sa bagong aralin at mapaunlad pa.

Sa bahaging yugto ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng


maikling pagsasanay (Pre-Test) kaugnay sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang
pampagkatuto na dapat malinang. Matutunghayan sa bahaging linangin ang mga
halimbawa ng tekstong impormatibo at deskriptibo na siyang ginamit na lunsaran sa
pagkamit ng layunin ng kasanayang pampagkatuto sa bawat aralin. Makikita sa
bahaging pagnilay at unawain ang mga mahahalagang kaisipan na napapaloob sa
teksto at sa kasanayang pampagkatuto na lilinangin sa aralin.Tinatasa sa ilipat na
bahagi kung natamo ba ang mga layuning pampagkatuto sa bawat aralin at kung
sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang dito ang ilang
gawaing magpapaigting ng mga natutunan sa araling tinalakay.
Panimulang Pagtataya

I. Panuto: Sabihin kung tama o mali ang mga sumusunod na pahayag.

1. Ang tekstong impormatibo ay naglalayong magbigay ng impormasyon.


2. Ang mga impormasyon o kabatirang inilahad ay nakabase sa sariling
opinion ng may-akda.
3. Laging may nadadagdag na bagong kaalaman ang tekstong
impormatibo.
4. Maituturing na tekstong impormatibo ang isang balita o sulating
pangkasaysayan.
5. Hindi kailangang ilahad ang talasangguniang ginamit sa tekstong
impormatibo.

II. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1 – 4. Elemento ng tekstong impormatibo
5 – 7. Uri ng tekstong impormatibo
ARALIN 1
TEKSTONG IMPORMATIBO

Tatalakayin natin sa araling ito ang tungkol sa tekstong impormatibo. Susuriin


at tutukuyin natin ang kahulugan, katangian at kalikasan ng tekstong impormatibo.

YUGTO NG PAGKATUTO

TUKLASIN

Gawain 1: Simulan Natin


Gusto mong bumili ng aklat kaya’t nagpasama ka sa
iyong kaibigan sa pagpunta sa bookstore. Sapat lang ang
pera mo para sa aklat o isang babasahin. Alin sa
sumusunod ang bibilhin mo? Lagyan ng tsek ang kahong katapat nito.

aklat na di piksyon tungkol sa pang-araw-araw na paksa sa buhay

aklat tungkol sa mga hayop, halaman at iba pang nabubuhay sa mundo

aklat tungkol sa mga natatangi at kagilas-gilas na mga tunay na pangyayari

aklat tungkol sa paborito mong isports

aklat tungkol sa pagbuo ng paborito mong craft o libangan

bagong nobela

isang magasin

talambuhay o memoir ng isa sa mga hinahangaan mong tao


Bakit ang aklat o babasahing ito ang napili mo?

Ano ang naibibigay o naidudulot sa iyo ng pagbabasa ng ganitong uri ng aklat o


babasahin?

Gawain 2: Lusong- Kaalaman


Alalahanin ang isang pinakabagong balitang
napakinggan, napanood, o nabasa. Isulat ang buod ng
balita at ilagay ang mahahalagang impormasyong naaalala
sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa
talahanayan.

Paksa ng Balita:

Tanong Sagot
1. Ano ang nangyari?
2. Sino ang mga kasangkot?
3. Saan nangyari?
4. Kailang nangyari?
5. Paano nangyari?

TEKSTONG IMPORMATIBO: PARA SA IYONG KAALAMAN

Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di piksyon. Ito ay


naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang
pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa.
Ang mga impormasyon o kabatirang inilahad ng may-akda ay hindi nakabase
sa kanyang opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito
masasalamin ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa. Karaniwang may
malawak na kaalaman tungkol sa paksa ng manunulat o kaya’y nagsasagawa siya
ng pananaliksik o pag-aaral ukol dito.
Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa mga pahayagan o
balita, sa mga magasin, textbook, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng
encyclopedia, gayundin sa iba’t ibang website sa internet. Naglalahad ng mga
bagong impormasyon, bagong pangyayari, bagong paniniwala, at mga bagong
impormasyon ang tekstong impormatibo. Layunin ng tekstong ito na magbigay ng
mahalagang impormasyon upang alisin o linawin ang mga agam-agam na
bumabalot sa isipan ng mambabasa kaugnay ng isang paksa o isyung tinatalakay.
Ang mga kaalaman ay nakaayos nang sekwensyal at inilahad nang buong linaw at
kaisahan.

Elemento ng Tekstong Impormatibo

Kung ang tekstong naratibo ay may mga elementong kinabibilangan ng


tauhan, tagpuan, suliranin, at mahahalagang pangyayaring tulad ng simula,
kasukdulan, kakalasan, at wakas, ang tekstong impormatibo ay mayroon din mga
element.
Layunin ng may-akda – Maaaring magkaiba-iba ang layunin ng may-ari sa
pagsulat niya ng isang tesktong impormatibo. Maaaring layunin niyang
mapalawak pa ang kaalaman ukol sa paksa; maunawaan ang mga
pangyayaring mahirap ipaliwanag; matuto ng maraming bagay ukol sa ating
mundo; magsaliksik; at mailhad ang mga yugto sa buhay. Gayunpaman,
anuman ang layunin ay mapapansing kaugnay ito lagi ng pagbibigay o
paglalahad ng impormasyon.
Pangunahing Ideya – Inilalahad ang dagliang pangunahing ideya sa
mambabasa. Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa
bawat bahagi – tinatawag din itong organizational markers na nkatutulong
upang agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ang
bababsahin.
Pantulong na Kaisipan – Mahalaga rin ang paglalagay ng mga angkop, mga
pantulong na kaisipan o mga detalye upang makatulong mabuo sa isipan ng
mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa
kanila.
Mga istilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay
na binibigyang-diin – Makatutulong sa mga mag-aaral na amgkaroon ng mas
malawak nap ag-unawa sa binabasang tekstong impormatibo ang paggamit
ng mga istilo o kagamitan/sangguniang magbibigay-diin sa mahahalagang
bahagi tulad ng sumusunod:
 Paggamit ng mga nakalarawang interpretasyon – makakatutulong ang
paggamit ng mga larawan, guhit, dayagram, tsart, talahanayan,
timeline, at iba pa upang higit na mapalalim ang pag-unawa ng mga
mambabasa sa mga tekstong impormatibo.
 Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto – nagagamit dito ang
mga estilong tulad ng pagsulat nang nakadiin, nakahilis,
nakasalungguhit, o nalagyan ng panipi upang higit na madaling makita
o mapansin ang mga salitang binibigyang-diin sa babasahin.
 Pagsulat ng mga talasanggunian – karaniwang inilalagay ng mga
manunulat ng teskstong impormatibo ang mga aklat, kagamitan, at iba
pang sanggunian ginamit upang higit na mabigyang diin ang
katotohanang naging basehan sa mga impormasyong taglay nito.

Uri ng Tekstong Impormatibo


 Paglalahad ng totoong pangyayari/ kasaysayan – Sa uring ito ng teksto
inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o
pagkakataon. Mababasa dito an gang pinakamahalagang impormasyon tulad
ng sino, ano, saan, kailan, at paano nangyari ang inilahad.
 Pag-uulat pang-impormasyon – Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang
kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na
nabubuhay at di nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa paligid. Ito’y
nangangailangan ng masusing pananaliksik sapagkat ang mga impormasyon
at delalyeng taglay nito ay naglalahad ng katotohanan at hidi dapat samahan
ng personal na pananaw o opinion ng manunulat.
 Pagpapaliwanag – Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay
paliwanag kung paano o bakit nagana pang isang bagay o pangyayari.
Karaniwan itong ginagamitan ng mga larawan, dayagram,o flowchart na may
kasamang mga paliwanag. Halimbawa nito’y ang siklo ng buhay ng mga
hayop at insekto.

LINANGIN

Gawain 3: Pag-usapan Natin


Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa
tekstong binasa. (F11PS-IIIf-92)
Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong:
1. Ano ang tekstong impormatibo?

2. Ano-anu ang mga katangian ng ganitong uri ng teksto?

3. Ano-anu ang mga elemento ng tekstong impormatibo?

4. Ano ang iba’t ibang uri ng tekstong impormatibo?

5. Bakit kailangang ilahd ng talasangguniang ginamit sa tekstong impormatibo?

6. Sa paanong paraan magiging mas epektibong maipararating ng manunulat


ang mahahalagang impormasyon sa kanyang mambabasa?

Halimbawa ng Tekstong Impormatibo

Cyberbullying
Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, isang uri
ng pambu-bully ang nabibigyang-daan nito; ang cyberbullying o ang pambu-bully sa
kapwa gamit ang makabagong teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay ang
pagpapadala ng mensahe ng pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng
masasamang salita maging sa text o e-mail; pagpapalaganap ng mga nakasisirang
usap-usapan, larawan, video, at iba pa sa e-mail at sa social media; pag-bash o
pagpo-post ng mga nakasisira at walang basehang komento; paggawa ng mga
pekeng account na may layuning mapasama ang isang tao; pag-hack sa account ng
iba upang magamit ang sariling account ng tao; sa paninira sa may-ari nito; at iba
pang uri ng harassment sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang mga ito’y karaniwang
nagbubunga ng pagkapahiya, pagkatakot, o kawalan ng kapayapaan sa nagiging
biktima nito.Naririto ang ilan sa mga epekto ng cyberbullying: mga senyales ng
depresyon, pag-inom ng alak o paggamit ng ipinagbabawal na gamut, pagliban o
pag-iwas sa pagpasok sa paaralan, pagkakaroon ng mababang marka sa paaralan,
pagkawala ng tiwala sa sarili o pagkakaroon ng problema sa kalusugan at pagiging
biktima rin ng harapang bullying.
Ayon sa ulat sa Googe Trends, ang ikaapat sa mga bansa sa buong mundo
kung saan may pinakamaraming naghahanap ng impormasyon ukol sa cyberbullying
noong 2013 ay ang Pilipinas. Isa itong indikasyon na ang isyu ng cyberbullying ay
isa nang realidad sa ating bansa. Bagama’t sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na
istadistika ang Pilipinas patungkol sa cyberbullying, sa bansang Amerika ay
lumalabas na nasa 9% ng mga mag-aaral sa Grade 6 hanggang 12 ang nakaranas
ng cyberbullying noong 2010 at 2011 at noong 2013, tumaas sa 15% ang mga mag-
aaral sa Grade 9 hanggang 12 na nakaranas ng cyberbullying.

(Halaw mula sa Pinagyamang PLUMA, p.16-17)

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Gawain 4: Layag - Diwa


Naipapaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob
sa tekstong binasa. (F11PS-IIIf-92)
Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga
tanong: Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang cyberbullying?


2. Paano ito naiiba sa pambu-bully nang harapan?

3. Paano nakaapekto ang cyberbullying sa nagiging biktima nito?

4. Anu- anong katangian ng tekstong binasa ang magpapatunay na ito nga ay


isang tekstong impormatibo?

5. Ano ang mga layunin ng tekstong impormatibo?

6. Bakit mahalaga ang malawak na pang-unawa ng tekstong impormatibo?

7. Mahalaga ba ang malawak na karanasan upang makabuo o makaunawa


ng isang mahusay na tekstong impormatibo? Ipaliwanag.
ILIPAT

Gawain 5: Lambat – Likha


Naunawaan sa nakaraang aralin ang mga layunin
at katangian ng isang tesktong impormatibo. May mga
tiyak na halimbawang ibinigay rin sa aralin. Pumili ng isa
sa mga sumusunod na gawain na nagpapakita ng
kaalaman at kasanayan na naunawaan mula sa talakayan
sa katangian at kalikasan ng tekstong impomatibo.

1. Paglikha ng Patalastas Tungkol sa Pangangalaga sa Kalikasan


Ang patalastas na ito ay maaaring sa pamamagitan ng video o polyeto.
Anumang porma ng patalastas ang piliin, kailangang naglalaman ito ng mga
impormasyon at kampanya tungkol sa pangangalaga ng kalikasan. Ang video ay
kailangang tumagal lamang ng isa hanggang dalawang minuto habang ang polyeto
naman ay nakaayos depende sa haba ng impormasyon na nais ipahayag tungkol sa
partikular na paksa.

Tatayain ang patalastas sa pamamagitan ng sumusunod na batayan:


Batayan ng Grado Kaukulang Puntos Grado
Tumpak ang mga datos at impormasyong ginamit
10
Napapanahon at kapaki-pakinabang ang napiling
paksa tungkol sa kalikasan 10
Maayos ang sistema at malinaw ang paglalahad
ng mga bahagi 10
Malikhain at maayos ang kabuuang presentasyon
ng mga datos 10
Kabuuan: (40)

2. Pagsasagawa ng Pag-uulat / Broadcasting


Makinig/Manood ng mga programang pambalitaan sa paborito mong
estasyon. Pumili ng isang paksang tinalakay. Iuulat mo ito na paraang nagbabalita
sa radyo o telebisyon. Tiyaking mailalahad ang lahat ng mga impormasyong may
kaugnayan dito.
Tatayain ang pag-uulat sa pamamagitan ng sumusunod na batayan:
Batayan ng Grado Kaukulang Puntos Grado
Tumpak ang mga datos at impormasyong ginamit 10
Napapanahon at kapaki-pakinabang ang napiling
paksa 10
Maayos ang sistema at malinaw ang pag-uulat 10
Malinaw at maayos ang daloy at pagkakaugnay ng
kabuuang pag-uulat 10
Kabuuan: (40)

Gawain 6: Salok-Dunong
A. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng
mahahalagang salitang ginamit ng tekstong binasa.
(F11PT-IIIa-88)
Tukuyin ang kahulugan at katangian ng mga salitang
ginamit sa teksto at nakasulat nang madilim sa bawat
bilang.

1. Ang sumusunod ay mga babasahing di piksyon: talambuhay, balita, artikulo


sa magasin. Batay sa mga halimbawang ito, anong pagpapakahulugan o
katangian ang maibibigay mo para sa di piksyon?

2. Ang sumusunod naman ay mga babasahing piksyon: maikling kwento, tula,


nobela. Batay sa mga halimbawang ito, anong pagpapakahulugan o
katangian ang maibibigay mo para sa mga babasahing piksyon?

3. Ang salitang impormatibo ay nagmula sa salitang Ingles na inform.Batay sa


pinagmulan ng salita, anong kahulugan ang maibibigay mo para sa tekstong
impormtibo?
4. Ang ilan sa mga elemento ng tekstong impormatibo ay ang layunin ng may-
akda, pangunahing ideya, pantulong na kaisipan, estilo sa pagsulat at
kagamitan o sanggunian. Ano ang ibig tukuyin ng pahayag na pangunahing
ideya?
5. Kailangan ng mga pantulong na kaisipan upang mabuo ang pangunahing
ideya. Ano ang ibig ipahiwatig ng pantulong na kaisipan?
B.Natutukoy ang paksang tinalakay sa tekstong binasa. (F11PB-IIIa-98)
Tukuyin kung anong uri ng tekstong impormatibo nabibilang ang binabasa ng
mga tauhan sa bawat sitwasyon sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa
kahon.

Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Pangkasaysayan


Pag-uulat Pang-impormasyon
Pagpapaliwanag

1. Mahilig sa mga insekto si Tony. Nais niyang ngayong malaman kung paano
at bakit nagbabagong anyo ang mga ito. Hawak niya ang isang tesktong
may pamagat na “Ang Pagbabagong Anyo ng Salagubang.”
2. Patuloy na nararanasan ng mga bansa sa daigidig ang matitinding tag-init
at napakalakas na bagyong nagresulta sa malawakang pagkasira. Nais ni
Rodel na magkaroon ng mas maraming impormasyon ukol dito kaya’t
hawak niya ngayon ang tekstong may pamagat na “Mga Epekto ng Global
Warming sa Kapaligiran.”
3. Maraming pag-aaklas ang naganap sa ating bansa laban sa mananakop.
Iba’t iba rin ang dahilan sa mga pag-aaklas na ito. Gustong malaman ni
Donna ang kasaysayan sa likod ng pinakamahabang pag-aaklas sa
kasaysayan ng Pilipinas Ang Pag-aaklas ni Dagohoy sa Bohol.
4. Nagbabasa ng balita si Jean. Makikita sa hawak niyang pahayagan ang
balitang ito: “51st International Eucharistic Congress. Ginanap sa Cebu
noong Enero 24-31, 2016.”
5. Masayang-masaya si Ginang Cruz sa balitang nasa pahayagang hawak
niya. Sinasabi ritong “Si Pia Wurtzbach ay nagwagi bilang Ms. Universe
2016.”

C. Isulat ang T kung wasto ang kaisipang ipinahahayag sa sumusunod na


pangungusap at M kung hindi.
1. Hindi mahalaga ang malawak na karanasan sa pag-unawa ng tekstong
impormatibo dahil sapat na ang pananaliksik upang maunawaan ito.
2. Bukod sa katumpakan, mahalagang kapaki-pakinabang ang paksa ng
isang tekstong impormatibo.
3. Iisa lamang ang sinusunod na estruktura ng mga tesktong impormatibo.
4. Mahalaga ang malawak na bokabularyo ng mambabasa sa pag-unawa ng
mga tesktong impormatibo.
5. Hindi sinasagot ng tekstong impormatibo ng tanong na “bakit.”
Gawain 7: Buoin Natin
Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong
binasa. (F11PS-IIIb-91)
Anu-ano ang mga katangian at kalikasan ng tekstong
impormatibo? Gawing basehan ang mga binasa at tinalakay
sa pagpuno ng mga kahon.

Ang tekstong
impormatibo
EFERENSES
Ray…….

PAGLALAHAT

Binabati kita! Natapos mo ng gawin ang Modyul 1. Sa kabuuan, napagtanto na ang tekstong impormatibo
ay isang uri ng babasahing di piksyon. Ito’y naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang
malinaw na walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa. Hindi nakabase sa sariling opinyon ng sumulat
kundi sa katotohanan ng mga datos na kadalasang makikita sa mga pahayagan, balita, magasin,
textbook, encyclopedia, gayundin sa iba’t ibang website sa internet.
Maaari mong ipagpapatuloy ang mga gawain na matatagpuan sa susunod na modyul. Nawa’y
patnubayan ka ng Maykapal.
Pangwakas na Pagtataya

I. Panuto: Sabihin kung tama o mali ang mga sumusunod na pahayag.

1. Ang tekstong impormatibo ay naglalayong magbigay ng impormasyon.


2. Ang mga impormasyon o kabatirang inilahad ay nakabase sa sariling
opinion ng may-akda.
3. Laging may nadadagdag na bagong kaalaman ang tekstong impormatibo.
4. Maituturing na tekstong impormatibo ang isang balita o sulating
pangkasaysayan.
5. Hindi kailangang ilahad ang talasangguniang ginamit sa tesktong
impormatibo.

II. Panuto: Ibigay ang mga sagot sa mga


sumusunod: 1 – 4. Elemento ng tekstong
impormatibo
5 – 7. Uri ng tekstong impormatibo
REFERENSES

Almario, Virgilio. KWF Manwal Sa Masinop Na Pagsulat. Manila: Komisyon ng


Wikang Filipino, 2014.

Bargo, Darwin. Writing in the Discipline. Quezon City: Great Book Publishing, 2014.

Bernales, R.A. et.al. Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Malabon City: Mutya


Publishing House, 2011.

Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma. Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc.,
2016.

De Laza, Crizel S. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik. Manila: REX Bookstore,

You might also like