Professional Documents
Culture Documents
Paikotnadaloyngekonomiya 171105083856
Paikotnadaloyngekonomiya 171105083856
Apat na pinagtutuunan ng
MAKROEKONOMIKS
1. Binibigyang pansin ng makroekonomiks
ang kabuuang antas ng presyo. Ang pagtaas
ng kabuuang presyo ay pangunahing
pinagtutuunan ng pansin ng mga gumagawa
ng batas o patakaran na nakaaapekto sa mga
mamamayan sa kabuuan.
Apat na pinagtutuunan ng
MAKROEKONOMIKS
2. Binibigyan-pansin ang kabuuang
produksiyon o ang bilang ng kalakal at
paglilingkod na nagawa sa ekonomiya. Ito
rin ang nagiging batayan sa pagsukat sa
kakayahan ng isang ekonomiya kung
papaano matutugunan ang pangangailangan
ng lipunan at ng buong bansa sa kabuuan. •
Apat na pinagtutuunan ng
MAKROEKONOMIKS
3. Binibigyang pansin ng nito ang
kabuuang empleyo. Mahalaga ito para sa
mga nagpaplano ng ekonomiya at
bumubuo ng mga patakarang
pangkabuhayan upang matiyak na may
mapagkukunan ng ikabubuhay ang bawat
pamilya sa lipunan.
Apat na pinagtutuunan ng
MAKROEKONOMIKS
4. Tinitingnan din ang ibang bahagi ng mundo
at ang relasyon nit sa panloob na ekonomiya.
Hindi maihihiwalay ang mga pangyayaring
pandaigdigan sa kalagayan ng ekonomiya
sa loob ng bansa. May malaking epekto ang
kalagayang pang-ekonomiya ng ibang bansa
sa ekonomiya ng iba’t ibang bansa sa buong
daigdig.
Kumuha ng isang buong papel
at sagutan ang mga sumusunod
Pamprosesong Tanong:
4. KITA ng
ENTREPRENYUR
Matapos ang produksiyon, makikipag-ugnayan
ang bahay-kalakal sa sambahayan sa
pamilihanng kalakal at paglilingkod. Dito bibili
ang sambahayan ng produkto na pantugon sa
pangangailangan o kagustuhan nito.
Gagamitin ng sambahayan ang natanggap na
kita upang makabili ng produkto.
Sa pananaw ng sambahayan, ito ay
gumagastos sa pagbili ng produkto. Kung saan
gumagastos ang sambahayan, doon kumikita
ang bahay-kalakal. Mamamalas dito ang
interdependence ng sambahayan at bahay-
kalakal. Ang dalawang aktor ay umaasa sa
isa’t isa upang matugunan ang kanilang
mga pangangailangan at kagustuhan.
Sa pananaw ng sambahayan, ito ay
gumagastos sa pagbili ng produkto. Kung saan
gumagastos ang sambahayan, doon kumikita
ang bahay-kalakal. Mamamalas dito ang
interdependence ng sambahayan at bahay-
kalakal. Ang dalawang aktor ay umaasa sa
isa’t isa upang matugunan ang kanilang
mga pangangailangan at kagustuhan.
Mapapansin din na kumikita ang isang sektor
sa bawat paggastos ng ibang sektor. Dahil dito,
may dalawang pagsukat sa kita ng pambansang
ekonomiya. Ang isa ay sa pamamagitan ng
halaga ng gastusin ng sambahayan at bahay-
kalakal. Ang isa naman ay sa pamamagitan
ng kabuuang kita ng sambahayan at bahay-
kalakal. Ang kabuuang kita ay naglalarawan
din ng produksiyon ng pambansang ekonomiya.
Ang paglago ng ekonomiya ay nakabatay
sa pagtaas ng produksiyon.