You are on page 1of 22

g -a ar

in
a

IP
g
mah
P

I
a

NA
laa

GBI
n
BI
L I
4
Pa I
I ND
H
Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 2: Linggo 3
Ang Relatibong Lokasyon ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


AP– Grade 4
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 - Modyul 2: Ang Relatibong Lokasyon ng Pilipinas
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang – sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip sa ano mang akda ng
AP Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan
o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may
karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publishiers) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City


Schools Division Superintendent: Rebonfamil R. Baguio
Development Team of the Module

Author: Cherrylyn G. Antonio

Editor: Nicolasa R.Taronzon

Reviewers: Cecilia E. Ingotan, PSDS


Chona C. Dilangen
Susan I. Alavanza
Evaluator: Tina Marie F Apdohan

Illustrator: Fernando A. Ombayan

Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso

Management Team:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Schools Division Superintendent
Co-Chairperson:
Eugene I. Macahis, Jr.
Asst. Schools Division Superintendent

Members:
Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES
Ruel C. Duran, EPS – Araling Panlipunan
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas ng:


Department of Education - Division of Valencia City
Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615
Website: deped-valencia.org

1
4
Araling Panlipunan
Unang Markahan- Modyul 2:
Linggo 3
Ang Relatibong Lokasyon ng Pilipinas

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang na


inihanda at sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong
paaralan. Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa
larangan ng Edukasyon na mag-email ng kanilang puna,
komento at rekomendasyon sa Kagawaran ng Edukasyon sa
region10@deped.gov.ph.

Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mga puna at


rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


blank)

2
Panimula

Ang Modyul na ito ay inihanda ng may- akda upang maging


kagamitan para sa mag-aaral na matuto sa asignaturang Araling
Panlipunan ng Ikaapat na Baitang. Ang nilalaman at aralin ay naaayon
sa pangangailangan na nakasaad ng pamantayan sa pagkatuto mula
sa unang markahan.

Ang tungkol sa wastong kinalalagyan ng ating bansang Pilipinas


ay kailangan mo ring matukoy at ang relatibong lokasyon nito batay sa
mga nakapaligid gamit ang pangunahin at pangalawang direksiyon at
matukoy ang kinalalagyan ng bansa sa rehiyong Asya at sa mundo
gamit ang mapa at globo. Bilang isang mamamayang Pilipino, ito ang
ating bansang sinilangan, kaya nararapat lang na matutunan natin ang
mahalagang kasaysayan nito lalo na ang iba’t ibang mga bansa at lugar
at mga anyong lupa at anyong tubig na nakapalibot dito batay sa
pangunahin at pangalawang direksiyon.

Inaasahang sa pamamagitan ng kagamitan na ito ay


makatutulong sa pagiging lalong matuto, at magsilbing kasanayan sa
lubusang pagkatuto ng mga mag-aaral.

Mga tala para sa Guro

Gabayan ang mga mag-aaral sa


paggamit ng modyul sa Araling Panlipuan ng
Ikaapat na Baitang.

3
Alamin

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, makakaya mo


nang gawin ang sumusunod:

Mga layunin sa pagkatuto:

1. Makikilala ang globo bilang modelo ng mundo


2. Makikilala ang Pilipinas bilang bahagi ng mundo
3. Matutukoy ang relatibong lokasyon ng Pilipinas batay
sa mga nakapaligid dito at mga katubigang nakapligid
dito gamit ang pangunahin at pangalawang direksiyon
4. Matutukoy sa mapa ang kinalalagyan ng bansa sa
rehiyong Asya at sa mundo.

Paano matuto sa Modyul na ito:

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang


mga sumusunod na hakbang:

• Basahin at unawain nang mabuti ang aralin.

• Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagsasanay


at pagtataya.

• Sagutin ang lahat na pagsasanay at pagtataya.

4
Icons sa Modyul na ito

Alamin Ang bahaging ito ay naglalaman ng


layunin sa pagkatuto na inihanda
upang maging gabay sa iyong
pagkatuto.
Subukin Ito ay mga pagsasanay na sasagutin
upang masukat ang iyong dating
kaalaman at sa paksang tatalakayin

Balikan Ang bahaging ito ay may kaugnayan


sa nakaraang aralin at sa iyong
bagong matututunan

Tuklasin Ipakikilala ang bagong aralin sa


pamamagitan ng gawaing pagkatuto
bago ilahad ang paksang tatalakayin

Suriin Ito ay pagtatalakay sa pamamagitan


ng gawain sa pagkatuto upang
malinang ang iyong natuklasan sa
pag-unawa sa konsepto.
Pagyamanin Ito ay mga karagdagang gawain na
inihanda para sa iyo upang ikaw ay
magiging bihasa sa mga kasanayan.

Isaisip Mga gawaing idinisenyo upang


maproseso ang inyong natutunan
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay mga gawaing dinisenyo upang


maipakita ang iyong mga natutunan
na kasanayan at kaalaman at ito ay
magamit sa totoong sitwasyon.
Tayahin Ang pagtatayang ito ay ginamit upang
masusi ang inyong antas ng
kasanayan sa pagkamit ng layunin sa
pagkatuto
Karagdagang Ito ay mga karagdagang gawaing
Gawain pagkatuto na dinisenyo upang mas
mahasa ang iyong kasanayan at
kaalaman.

5
Subukin

Panuto: Isulat sa patlang ang T kung tama ang pahayag at M kung


mali.

____ 1. Ang globo ay isang representasyon o modelo ng mundo.

____ 2. Mayroong limang pangunahing direksiyon.

____ 3. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa rehiyong Timog Silangang


Asya sa kontinente o lupalop ng Asya.

____ 4. Kapag nakaharap ka sa mapa, ang direksiyon sa itaas ay


ang timog.

____ 5. Dagat Celebes ang anyong tubig na nasa timog na bahagi ng


Pilipinas.

____ 6. Ang direksiyon ng Vietnam mula sa Pilipinas ay nasa gawing


Kanluran.

____ 7. Ang pangunahing gamit ng mapa ay ipakita ang eksaktong


lokasyon ng isang lugar.

____ 8. Ang relatibong lokasyon o kaugnay na kinalalagyan ng bansa


ay ang direksiyon o lokasyon ng isang lugar batay sa
kinalalagyan ng mga katabi o kalapit nitong lugar.

____ 9. Ang Asya ang pinakamalaking kontinente o lupalop sa buong


daigdig.

____ 10. Ang Karagatang Pasipiko ay nasa silangang bahagi ng


Pilipinas.

6
z

Aralin
Kinalalagyan ng Bansa
2
Natutuhan mo na may sariling teritoryo ang Pilipinas na mahalaga
sa pagtugon ng pamahalaan sa mga pangangailangan ng mga tao at
pagpapanatili ng kalayaan ng bansa.

Bilang isang Pilipino, mahalagang matukoy mo ang lokasyon ng


Pilipinas sa Asya at sa mundo batay sa mga nakapaligid na mga bansa
at anyong tubig dito. Magagamit mo sa pagtukoy ang mga pangunahin
at pangalawang direksiyon na natutuhan mo noong ikaw ay nasa
Ikatlong Baitang.

Source: Araling Panlipunan 4 Kagamitan ng Mag-aaral Pahina 8

Balikan

Ihanda ang iyong sarili. Subukan mong sagutin ang


sumusunod na mga tanong.

Panuto:. Basahin ang bawat tanong at kunin ang sagot sa loob


ng kahon at isulat sa iyong activity notebook.

Amerika 7,107 lupa tubig Globo


Pilipinas Hilaga Timog Kanluran Silangan

1. Sa anong bansa ka nabibilang? _____________________


2. Ano ang tawag sa isang representasyon o modelo ng mundo
na nakakatulong sa paghahanap ng lokasyon sa isang lugar?
_______________________
3. Anu-ano ang apat na pangunahing direksiyon: __________,
________________, _________________, ______________
4. Ano ang dalawang bahagi ng mundo? _______ at _______

5. Ilang pulo ang bumubuo ng bansang Pilipinas? __________

7
Tuklasin

Panuto: Tukuyin ang mga kinaroroonan ng mga bagay na nasa


loob ng silid-aralan ayon sa pangunahing direksiyon na
nasa ibaba.

Hilaga

Kanluran Silangan

Timog

https://www.google.com/search?q=chalkboard++in+public+domain&tbm=isch&ved=2ahUKEwi207Hv38HqAhWFy4sBHd6TDCkQ2cCegQIA
BAA&oq=chalkboard++in+public+domain&gs_lcp=CgNpbWcQAzoGCAAQBxAeOggIABAHEAUQHjoICAAQCBAHEB5QpzxYo2Zg9nBoAHA
AeACAAZ8CiAGeH5IBBDItMTeYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=UuEHX7biO4WXr7wP3qeyyAI&bih=657&biw=1366

https://www.google.com/search?q=jalousie+window+in+public+domain&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=mfyD9lxi_HC7GM%252CR
vtVyAlzztzVnM%252C_&vet=1&usg=AI4_-kRayG8KzVeuVYwGJeLhobNkyDCfYA&sa=X&ved=2ahUKEwiLoI-x-
cHqAhVIE4gKHQvmDf0Q9QEwAXoECAkQBw&biw=1366&bih=657#imgrc=mfyD9lxi_HC7GM

https://wwwgoogle.com/search?q=teachers+table++in+public+domain&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiEgv
y04sHqAhWWHHAKHWrxBpkQ_AUoAXoECAoQAw&biw=1366&bih=608#imgrc=QiRKcl1ZCTxdMM

https://www.google.com/search?q=classroomdoorin+public+domain&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiKy9W
O5sHqAhVhw4sBHeS0D40Q_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=jJGZw1rWEEZewM

Mga tanong:

1. Mula sa gitna ng silid-aralan, ano ang makikita sa gawing


Hilaga? ________ Silangan? _________? Timog? _________
Kanluran ?___________

2. Bakit mahalagang malaman ang kinaroroonan ng lokasyon ng


isang bagay?
___________________________________________________

Mapag-aralan natin ang kinalalagyan o relatibong lokasyon ng Pilipinas


sa susunod na pahina.

8
Suriin

Tingnan ang mapa sa ibaba. Pansinin ang nakaitim na kulay


sa mapa ito ang Pilipinas.

Ito ang mapa ng Timog- Silangang Asya na kinabibilangan ng


Pilipinas. Ang mapa ay patag na representasyon ng mundo. Mayroon
ding iba pang modelo ng mundo na tinatawag itong globo. Ang globo
ay isang modelo ng mundo na may imaginary lines at ginagamit ito
upang malaman ang mga anyo, hugis at lawak ng mga kontinente, mga
karagatan at mga bansa sa mundo. Makatutulong rin sa paghahanap
ng lokasyon ng isang lugar at sa pagtukoy ng kinalalagyan ng Pilipinas
sa mundo. Saang bahagi ng mundo matatagpuan ang Pilipinas? Ano-
ano ang nakapaligid sa Pilipinas kung pagbabatayan ang mga
pangunahing direksiyon? Ano-ano ang pumapalibot sa Pilipinas kung
pagbabatayan ang mga pangalawang direksiyon?

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa rehiyong Timog-Silangang Asya


at ikalawang pinakamalaking kapuluang sa gawing itaas ng ekwador.
Ang pinakamalaking kontinente o lupalop sa buong daigdig ay ang
Asya. Ang Pilipinas ay tinagurian bilang “Pintuan ng Asya’’ dahil sa
kinalalagyan nito sa Pasipiko at bilang bahagi ng kontinente at lupalop
ng Asya. Nasa pagitan ito ng latitud na 4°-21° hilagang latitud at 116°-
127° silangang longhitud.

9
Ito ang mga bansang nakapaligid sa Pilipinas. Ang Taiwan,
China, at Japan sa hilaga; ang Micronesiaat Marianas sa silangan
Brunei at Indonesia sa timog; at ang Vietnam, Laos, Cambodia, at
Thailand sa kanluran.

Pilipinas

https://www.google.com/search?q=map+of+the+world+timog+silangang+asya+in+public+domain&tbm=isch&ved=2ahUKEwi6nO7Gq5nqAhVHWpQKHc7UCb4Q2cC
egQIABAA&oq=map+of+the+world+timog+silangang+asya+in+public+domain&gs_lcp=CgNpbWcQA1CAmQNY2uUDYIXpA2gBcAB4AIABcogBgRGSAQQxMy45mA
EAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=wbHyXvq3Mce00QTOqafwCw&bih=657&biw=1366#imgrc=dBlPeRsdqguLdM

Ang kinalalagyan ng Pilipinas ay maaaring matutukoy rin batay


sa kaugnay kinalalagyan nito. Ang relatibong lokasyon o kaugnay na
kinalalagyan ng bansa ay ang lokasyon ng isang lugar ayon sa
kinalalagyan ng mga katabi o kalapit nitong lugar.

10
Ang Pilipinas ay napapaligiran din ng mga sumusunod na
nakasulat sa table kung pangunahing direksiyon ang pagbabatayaan.

Pangunahing Mga Katabing Anyong Tubig


Direksiyon Bansa
Hilaga Taiwan Bashi Channel
Silangan Karagatang Pasipiko
Timog Indonesia Dagat Celebes at Dagat
Sulu
Kanluran Vietnam Dagat Kanlurang Pilipinas o
dating Timog China

Ang mga pangalawang direksiyon naman ay sa pagitan ng mga


pangunahing direksiyon. Kung natatandaan mo pa, ito ang Hilagang-
Silangan, Timog-Silangan, Hilagang –Kanluran, at Timog -Kanluran.

Ang kinalalagyan ng Pilipinas ay matutukoy rin kung


pagbabatayan ang pangalawang direksiyon. Ito ay napapaligiran ng
Dagat ng Pilipinas sa hilagang-silangan, mga isla ng Palau sa timog-
silangan, mga isla ng Paracel sa hilagang-kanluran at Borneo sa timog-
kanluran nito.

11
Pagyamanin

Panuto: Batay sa iyong napag-aralan, tingnan ko kung


nauunawaan mo ba nag araling iyong binasa. Sagutin
ang mga tanong sa ibaba, piliin ang sagot sa
loob ng kahon at isulat ito sa patlang.

Isla ng Palau Taiwan


Isla ng Paracel Vietnam
Bashi Channel Indonesia
Dagat Celebes Borneo
Karagatang Pasipiko Asya
Timog-silangang Asya relatibong lokasyon
Dagat Kanlurang Pilipinas

1. Ano ang ibig sabihin ng kaugnay na


kinalalagyan? _______________________________

2. Ano-ano ang pumapalibot na anyong tubig at mga


katabing bansa? Mga anyong tubig: ____________
____________, ______________, _____________
Mga katabing bansa: ___________, ____________
_____________________, ___________________

3. Ano-ano ang mga lugar pumapalibot sa Pilipinas


kung pagbabatayan ang mga pangalawang
direksiyon? _____________, ________________

4. Saang bahagi ng Asya matatagpuan ang Pilipinas?


___________________

5. Ano ang pinakamalaking kontinente o lupalop sa


buong daigdig? __________

12
Isaisip

Panuto: Ang sunod na gawain ay pag-aralan ang mapa. Ano-ang


ang makikita sa paligid ng Pilipinas ayon sa mga
pangunahing direksiyon? sa mga pangalawang direksiyon ?
Isulat ang iyong sagot gamit ang diyagram.

13
A. Mga Pangunahing Direksiyon

v v
v

B. Mga Pangalawang Direksiyon

v v

v v
v v
v
v v

v v

14
Isagawa

Panuto: Piliin ang sagot na nasa table, isulat sa loob ng


biluhaba ang mga lugar , ayon sa pangunahin at
pangalawang direksiyon nito.

5. HK 1. H 6. HS
v v v

3. K Pilipinas 4. vS
v

7. TK 2. T 8. TS
v v v

Lugar Lokasyon
Taiwan Hilaga
Karagatang Pasipiko Silangan
Indonesia Timog
Vietnam Kanluran
Dagat ng Pilipinas Hilagang-Silangan
Isla ng Palau Timog-Silangan
Isla ng Paracel Hilagang-Kanluran
Borneo Timog-Kanluran

15
Tayahin

Gawain A:
Panuto: Isulat sa patlang ang H kung sa gawing hilaga, S kung sa
silangan, T kung sa timog, at K kung sa kanluran ng
Pilipinas makikita ang mga nasa ibaba.

____ 1. Dagat Celebes

____ 2. Vietnam

____ 3. Indonesia

____ 4. Bashi Channel

____ 5. Japan

Gawain B: Piliin ang tamang sagot ng mga tanong sa ibaba sa kahon


at isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.

A. Globo D. Karagatang Pasipiko


B. Pilipinas E. relatibong lokasyon
C. Timog-silangang Asya F. Estados Unidos

____ 1. modelo ng mundo.

____ 2. kaugnay na kinalalagyan


ng bansa

____ 3. anyong tubig sa silangang


bahagi ng Pilipinas

____ 4. rehiyon ng mundo na na


matatagpuan ang Pilipinas

____ 5. pintuan ng Asya

16
Karagdagang Gawain

Panuto: Sa ibaba ay ipinapakita ang mapa ng bansang


Pilipinas. Isulat ang mga lugar o bansa na nakapaligid
sa Pilipinas batay sa bawat pangalawang direksiyon.

1. Hilagang-Silangan-

2. Timog-Silangan-

3. Hilagang-Kanluran-

4. Timog-Kanluran-

17
18
Pagyamanin Isaisip
1. relatibong lokasyon A.Hilaga- Taiwan
2.Anyong Tubig:Bashi Channel, Timog-Dagat Celebes
Karagatang Pasipiko, Dagat Celebes, Silangan-Karagatang Pasipiko
Dagat Kanlurang Pilipinas Kanluran-Dagat Kanlurang
Nakapaligid na Bansa: Pilipinas
Taiwan, Indonesia, Vietnam B.HS- Dagat Pilipinas
3. Dagat ng Pilipinas, Isla ng Palau, TS-Isla ng Palau
Isla ng Paracel, Borneo HK- Isla ng Paracel
4. Timog –silangang Asya TK-Borneo
5. Asya
Suriin
Binilugan ang buong mapa ng Balikan
Pilipinas 1. Pilipinas
May Kahon ang mga 2.Globo
Katubigan:Bashi Channel 3. Hilaga, Timog, Silangan
Karagatang Pasipiko,Dagat Kanluran
Celebes,Dagat Kanlurang Pilipinas
4. Lupa at Tubig
o Dagat Timog Tsina
5. 7,107
May tsek(/) Taiwan, Indonesia,
China, Vietnam, Laos, Cambodia
,Brunei, Thailland
Subukin
1. T
Tuklasin
Maaaring Sagot: 2.M
3.T
1. Hilaga- Pisara
Timog- Mesa 4.M
Silangan- Pintuan 5.T
Kanluran- Bintana 6.T
2. Upang matiyak ang tunay na 7.T
kinalalagyan ng mga bagay o lugar 8.T
Maaaring tanggapin din ang ibang 9.T
sagot ng mga mag-aaral. 10.T
Susi sa Pagwawasto
19
Sanggunian:
Karagdagang Gawain
1.HS- Dagat Pilipinas
2. TS-Isla ng Palau
3. HK- Isla ng Paracel
4. TK-Borneo
Isagawa
1. Taiwan
Tayahin 2. Indonesia
A. 1. T B. 1.A
2. K 2. E 3. Vietnam
3. T 3. D 4. Karagatang Pasipiko
4. H 4. C 5. Isla ng Paracel
5.H 5. B
6. Dagat ng Pilipinas
7.Borneo
8. Isla ng Palau
Adriano, Ma. C. V., M. A. Caampued, C. A. Capunitan, W. F. Galarosa,
N. P. Miranda, E. R. Quintos, B. P. Dado, R. A. Gozun, R. S.
Magsino, Ma. L. L. Manalo, J. B. Nabaza, E. P. Naval. Araling
Panlipunan 4. Kagamitan ng Mag-aaral. (Unang Edisyon 2015).
Kagawaran ng Edukasyon

Adriano, Ma. C. V., M. A. Caampued, C. A. Capunitan, W. F. Galarosa,


N. P. Miranda, E. R. Quintos, B. P. Dado, R. A. Gozun, R. S.
Magsino, Ma. L. L. Manalo, J. B. Nabaza, E. P. Naval. Araling 4.
Patnubay ng Guro (Unang Edisyon 2015). Kagawaran ng
Edukasyon

https://www.google.com/search?q=map+of+the+world+timog+silangang
+asya+in+public+domain&tbm=isch&ved=2ahUKEwi6nO7Gq5nq
AhVHWpQKHc7UCb4Q2cCegQIABAA&oq=map+of+the+world+ti
mog+silangang+asya+in+public+domain&gs_lcp=CgNpbWcQA1
CAmQNY2uUDYIXpA2gBcAB4AIABcogBgRGSAQQxMy45mAEA
oAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=wbHyXvq3Mce00
QTOqafwCw&bih=657&biw=1366#imgrc=dBlPeRsdqguLdM

https://www.google.com/search?q=chalkboard++in+public+domain&tbm
=isch&ved=2ahUKEwi207Hv38HqAhWFy4sBHd6TDCkQ2cCegQ
IABAA&oq=chalkboard++in+public+domain&gs_lcp=CgNpbWcQ
AzoGCAAQBxAeOggIABAHEAUQHjoICAAQCBAHEB5QpzxYo2
Zg9nBoAHAAeACAAZ8CiAGeH5IBBDItMTeYAQCgAQGqAQtnd
3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=UuEHX7biO4WXr7wP3qeyyAI&
bih=657&biw=1366

https://www.google.com/search?q=jealousy+windowin+public+domain
&tbm=isch&ved=2ahUKEwjUt6b14MHqAhUOXZQKHYVhCBYQ2c
CegQIABAA&oq=jealousy+windowin+public+domain&gs_lcp=CgN
pbWcQA1BrWKsbYNwjaABwAHgAgAH4AYgBzhqSAQYwLjEuMT
WYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=aIHX5TW
MY660QSFw6GwAQ&bih=657&biw=1366#imgrc=ZeYIY1ORNY4
KmM

https://www.google.com/search?q=teachers+table++in+public+domain
&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiEgvy04sHqAhW
WHHAKHWrxBpkQ_AUoAXoECAoQAw&biw=1366&bih=608

20
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Valencia City

Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

Telefax: (088) 828 - 4615

21

You might also like