You are on page 1of 6

Intro

Debonning/
Kaliskisin muna ang bangus. Tapos hugasan. Piliin natin
yung bagong huling bangus upang di madaling mabutas
ang balat nito. At yung medyo malaki na!
Tangalin ang laman loob nito.
Katapos nito ay pukpukin natin gamit ang meat mallet
upang lumambot at mas madaling malabas ang laman.
Mamaya na natin putulin ang mga palikpik at buntot!
Importante yan mga mommies! Mas importante pa sa
mahalaga!
Malalaman mong okay na ang nabugbog na laman kapag
medyo nalulusaw na at kaya mo ng palabasin ang laman
ng bangus sa loob.

Baliin na natin yung tinik na nag dudugtong sa ulo at


katawan ng bangus para masama kapag pipigain na natin
ang laman palabas. Ipush out po natin ang laman mula sa
palikpik pa baba sa hasang. Kung hindi mo ma push
palabas. Ibig sabihin kailangan mo pang pukpukin.
Dahil laman lang ang napiga. Yung tinik naman ang ilalabas
natin. Bali-baliin uli ang tinik sa palikpik para mahila mo
ang buong backbone o gulugod ng bangus. Dahan dahan
pong hilahin yan. Ibali baliin mo hanggang maramdaman
mong humihiwalay na yung gulugod. Suportahan mo yung
paghila sa pamamagitan ng iyong kabilang kamay. Ayan.
Natanggal na yung backbone.

Hanggat may laman sa loob pigain ito. Ngayon papakita ko


paano baligtarin ang bangus. Kaya ko sya babaliktarin para
makuha natin ang lahat ng laman sa loob! Walang
matitira! tulad ng mga sahod natin.. ahahah!

Ipasok natin ang buntot pa loob at suportahan natin ng


ganitong sandok yung hindi patulis ang dulo Para tuluyang
mabaliktad palabas at makita natin ang balat at konting
laman.

STUFFING

Kapag tuluyan ng nabaliktad kumuha tayo ng kutsara para


makayod yang natitirang laman. Pag may nakita kang tinik
bunutin na rin para di natin makain. baka pag di mo
natanggal e pintasan kapa ng kapitbahay nyo!
Chos....Yang palikpik madaming tinik yan. Talagang
simutin natin ang laman nya.
Gamitan ko na nga kamay.. Pati na rin kutsilyo pero dahan
dahan sa pag putol.

Kunin natin ang palikpik nya kaya di natin pinutok kanina


para may mahawakan tayo at madaling mabaliktad
pabalik. Dahan-Dahan, ayun buo nating nabaliktad at
walang butas sa balat. Wala ng tinik sa loob, wala ng
laman!

Ngayon na natin gupitin ang palikpik nya.

Pakuluin na natin ang laman. tubig lang na konti ang


ilalagay. Sakto lang para maluto ng konti. tansyahin nyo
lang na hindi magsasabaw kapag nahimay natin.Kapag
ganyan na ang itsura at wala ng bahid ng pagkahilaw ay
pwede ng himayin.
Igisa na natin! Kapag mainit na ang mantika, Ilagay na ang
bawang at sibuyas. Kapag golden brown na. Ilagay na ang
baboy. Kapag pumutla na ang pork saka ilagay ang patatas
at carrots. Tapos ilagay na din ang celery. Nakakapag bigay
ng pleasant at fresh na amoy ang celery sa stuffing natin.

Sunod naman ang hinimay na laman ng bangus, pasas at


kalamansi, at toyo. Bigyan ng seasoning na paminta.
Ipaghalo halo at takpan na po. Palamigin natin yan para
mapasok natin sa casing nya.

Simple lang ang paglagay ng laman. Basically, ipupush lang


ng ating kamay at kutsara. Sabay massage pababa. Ngunit
dapat hawak hawak nyo ang batok ng bangus upang hindi
matanggal ang ulo. Mas maganda na yung kutsara ay di
manipis.

Pag marami ng laman. Ihiga na natin. Ang remedyo kapag


nabutas, tatahiin ngunit mas maganda ng marahan ka sa
pagpapasok ng stuffing. May chances na pag nabutas ay
lalabas at sasalbag ang laman kapag pinirito.
Ako nilalagyan ko ng flour bago i pirito para di masyadong
matalamsik. Kase may kasabihan na kapag nagpriprito ng
bangus, naghahabol yan.

FRYING

Ang teknik dyan, bago mo ilagay sa kawali, hawakan mo


ang buntot at ulo, saka mo punggukin. Kung baga, ini-
intack natin ang katawan sa ulo. para di matanggal kapag
ipirito. Huwag mo ring balabaliktarin palagi baka mabutas.
Pagnakita mong brown na yung gilid saka nabawasan ang
tilamsik saka mo baliktarin. Palipaliguan mo din ng
mantika.

Sa pagbaliktad, gumamit ng dalawang tyanse, ung isa sa..


susuportahan ang ulo, yung isa sa katawan. Dahan dahan
ibaligtad para di masira.

Kung may tanong kayo sa relyenong bangus na ito,


Magcomment lang kayo. Huwag mahihiyang magtanong
mga mommies!
Kapag masyadong malaki ang bangus, iusog ng kaunti at
pahigain ng konti para mapirito din yung ulo, para crispy
din ang ulo at hindi mukhang hilaw. Mukha syang deep
fried nyan.

Malapit ng matapos yan.! sa wakas! Kakain na! Kung may


request kayong recipe i-comment lang.. :D Huwag
kakalimutang mag subscribe!

You might also like