You are on page 1of 2

Alamat ng Mindanao

Mayroon isang Sultan sa isang pulo na kilala hindi lamang dahil siya ay isang dugong bughaw,
kundi dahil rin sa kanyang katangian. Di lamang siya mayaman, si Sultan Gutang ay matapang,
magandang lalaki at may matipunong pangangatawan. Si Sultan ay may natatanging anak, bukod
sa isang prinsesa , nakakaakit ang kanyang kagandahan. Saan ka man maparoon, usap-usapan
ang kagandahang niyang taglay. Prinsesa Minda ang ngalan niya. Dahil sa tanyag na kagandahan
ni Minda, maraming tagahanga ito saan dako ng karatig pook. Marami ang nanliligaw: mga
mayayaman, matalino, at may dugo ring maharlika. Dahil nga sa dami ng masugid na tagahanga
nito, walang tulak siyangkabigin. Kaya minarapat ni Sultan Gutang na magkaroon ng isang
pagsubok upang malaman kung sino ang higit na mapalad at karapat-dapat sa kanyang anak na si
Prinsesa Minda.

Nangyari nga ang ibig ng Sultan. Marami ang sumubok sa layuning makuha ang kamay ni
Minda. Halos lahat ng sumubok at nagwagi sa una at ikalawang pagsubok, ngunit nabigo sa
ikatlo. Ngunit may isang prinsipe ang nagaasm-asam na sumubok sa mga patakaran ng nasabing
sultan. Ngunit, bago siya sumali sa palahok, matinding pag-iisip ang kanyang ginugol. Dahil sa
una ay sigurado siyang magtatagumpay, ang ikalawa ay sigurado siyang mabibigo. Kaya't
muling nag-iisip . Napagpasyahan niyang humiram ng mga kaing-kaing na ang mga ginto mula
sa kanyang mga kaibigang mayayaman at prinsipe upang makabuo ng labintatlong tiklis ng
ginto. Dahil ang ikalawang pagsubok ay kung paano mahihigitan ang kayamanan ng Sultan.

Lalong nabuhayan ng loob ang prinsipe sa mga pagkakataon na kapag nagkakatinginan sila ng
prinsesa ay para na ri siyang humahanga sa kanya. DAhil di kaila ang kagandahang lalaki ng
prinsipe at kakisigan. Nabatid ng prinsipe na may pagtingin din ang prinsesa.

Sinimulan n a ang unang pagsubok kay Prinsipe Lanao sa pagsasalaysay niya sa kanyang mga
ninuno mula sa umpisa hanggang sa sampung henerasyon. Higit ang tuwa niya ng makapasa sa
unang pagsubok sa dahilang hindi totoo ang ika-sampung henerasyon dahil ito ay may halong
imbento lamang.

Agad sumunod ang ikalawang pagsubok. Tinanong ng Sultan kung gaano karami ang kanyang
dalang ginto. Agad siyang sumagot na labintatlong kaing. Walang duda ang tagumpay ni
Prinsipe Lanao sa ikalawang pagsubok dahil may pito lamang tiklis nag into mayroon ang
Sultan.

Ang hulong pagsubok ay agad din pinabatid sa Prinsipe kung ano ang dapat na sumunod niayang
gagawin pang ganap nang mapasakamay ang mayuming si Prinsesa Minda. Pagtulay sa lubid ang
ikatlong pagsubok. Pagtulay sa lubid na kapag ikaw ay nahulog sa isang malalim na bangin ay
sigurado ang iyong kamatayan .

Pinagpabukas pa ang huling pagsubok upang makapagpahinga ang binata. Subali't lingid sa
kaalaman ng binata na kaya pala ipinagpabukas pa ay upang mapaghandaan din ng Sultan ang
gagawing patibong upang ang Prinsipe ay hindi magtagumpay. Kaagad na lumisan si Prinsipe
Lanao upang makapagpahinga at mapag-aralan ang kanyang plano para sa darating na pagsubok
kinabukasan.
Subali't si Prinsesa Minda ay may nabalitaan na may patibong na ilalagay ang mga tauhan ng
Sultan upang mahulog ang Prinsipe.Agad na pinasiyast ni Prinsesa Minda kung ano ang ilalagay
na patibong. Napag-alaman ng katulong na kakabitan ng tali an gang lubid na tatawiran ng
Pinsipe na siyang magiging dahilan ng pag-uga ng lubid na magiging dahilan ng pagkahulog ng
Prinsipe.

Dahil sa nabatid na patibong, kaagad na tinanggal ng mga katulong ang patibong upang walang
maging balakid sa pagtawid ng butihing Prinsipe. Pagdating kinaumagahan ay naganap ang
pagsubok na siya namng pinagtagumpayan ng Prinsipe. Walang nagawa ang Sultan kundi
tuparin ang pangakong kasalan. Nang mamana ng Prinsipe, ang pamamahala ng lugar, marami
ang nasiyahan sa pamamalakad ng mag-asawa sa pulo at mula noon pinangalanan ang isla ng
Mindanao na hango sa pangalang Minda at Lanao.

Pinoy Edition © 2021 - All rights reserved.

Source: https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/alamat-ng-mindanao/

You might also like