You are on page 1of 4

i.

PAMAGAT NG AKDA: “IMPENG NEGRO”


MAY AKDA: ROGELIO SIKAT
ii. BUOD

                               Sa giray na batalan ay naghuhugas ang maglalabing-anim na


taong gulang na si Impeng ay natigilan nang dahil sa pangangaral ng nanay niya
sa kanya.Baka mapaaway na naman siya.Sa apat na magkakapatid ay tanging si
Impeng lamang ang maputi sapagkat sina Kano,Boyet at DingDing ay mapuputi
lalo na si Kano.Pag-alis niya ay isinuot niya ang kamisetang dati ay masikip
ngayo'y maluwag na.
             
                                Parating sinasabi ng kanyang ina na huwag na lamang
pansinin si Ogor dahil ito ay basagulero talaga sa kanilang lugar.Laging
tinatandaan ni Impeng ang sinabe ng kanyang ngunit hindi niya
matagalan ang panlalait nito sa kanya.Si Ogor ay hindi itinuring na kaibigan si
Impeng.Siya ang malakas na agwador sa kanilang lugar.Di nagtagal ay
tinanggap niya na lamang dahil yun naman talaga ang totoo.
                                Pagkadating sa niya sa may gripo ay agad siyang pumila.Sa
paglipas ng oras, ay nakaipob na agad siya ng sisenta sentimos at may isa pang
nagpapa- igib sa kanya.Kahit naiinitan siya ay hindi nalang siya sumilong
sapagkat sina Ogor at iba pa nitong kasama.Nang si Ogor naman ang iigib ay
biglang siyang sumingit,dahilan iyan upang umuwi na lamang ngunit bigla siyang
pinatid nito.Dahil dyan ay dumugo ang pisngi ni Impeng.
                                         Pagkatapos ay sinipa siya at gumulong siya sa mga
balde.Nagtawanan ang mga tao.Sinipa ulit siya at sa akmang sisipa ay kinagat ni
Impeng ang paa kaya't pumailalim si Ogor at si Impeng ang nasa
ibabaw.Pinaulanan niya ito ng mga suntok dahilan upang humina at
sumuko.Tumayo at tinignan ang mga tao, ang mga ito ay nahihiya na sa
kanya.Dahil dito ay natuklasan niya ang kakaibang lakas na taglay at nadama
ang tibay,katatagan at kapangyarihan.Sa gitna ng sikat ng araw, siya'y naging
sugatang mandirigma na ang tangning hiling ay ang kapayapaan kahit na siya ay
iba sa lahat.

iii. MGA TAUHAN


IMPENG - responsableng anak sa kanyang ina, may maitim na kutis,isang batang
laging kinukutya pero nagtitimpi
INA NI IMPENG-Kung ating susuriing Mabuti, siya ay ina ng iba’t iba ang pinagmulan na
lahi ng kanyang mga anak o sa madaling salita ay may iba’t ibang asawa, Ina ni impen.
OGOR- Kaaway ni impen, isang mapang api at mapangutyang tauhan sa kwento na
siyang nagbigay ng dahilan upang gawin o palabasin ang napunong balde ng galit
na ibinuhos ni impeng sa kanya sa pamamagitan ng pakikipagsagupaan.
MGA AGWADOR- Mga taong nagiigib ng tubig sa palagid, mga taong saksi sa
pakikipagsagupaan ni impeng kay ogor.

iv. MGA TEORYANG PAMPANITIKAN


REALISMO- Masasabing ito ay realismo dahil ang ganitong tagpo at karanasan
ni impeng ay nangyayari sa totoong buhay. Ang deskriminasyon sa kapwa base
sa kutis ng kanyang balat, ang ina na may iba’t ibang lahi ang mga anak at ang
lugar kung saan hango sa isang aktwal na lugar sa totoong buhay.

v. SIMULA
Si Impen ay anak ng isang negrong sundalo na bigla nalang naglaho ngsiya’y
ipaninanganak, Si impen ay isang agwador o taga igib sa kanilang pook. Siya ay
maglalabing anim na taong gulang na lagi nalang siyang pinagkukumpara
kaya’t ang kanya na lamang ina ang nag-aalaga sa kaniya at sa tatlo pa niyang
kapatid. sa kaniyang kapatid na si Kano, kung tutuusin nga naman siyalang ang
tanging matim o Negro sa pamilya.Gumising si Impen habang pinapangaralan siya ng
kanyang ina
"BAKA makikipag-away ka na naman, Impeng."Tinig iyon ng kanyang ina.
Nangangaral na naman. Mula sa kinatatalungkuang giray na batalan, saglit
siyang napatigil sa paghuhugas ng mumo sa kamay. "Hindi ho," paungol niyang
tugon. "Hindi ho...," ginagad siya ng ina. "Bayaan mo na nga sila. Kung
papansinin mo'y lagi ka ngang mababasag-ulo."May iba pang sinasabi ang
kanyang ina ngunit hindi na niya pinakinggan. Alam na niya ang mga iyon.
Paulitulit na niyang naririnig. Nakukulili na ang kanyang tainga. Isinaboy niya ang
tubig na nasa harap. Muli siyang tumabo. Isinawak niya ang kamay, pinagkiskis
ang mga palad at pagkaraa'y naghilamos. 

vi. SAGLIT NA KASIGLAHAN


  Sa pamamagitan ng pagpapakilala sa pamilya niya malalaman kung anong uri
ng pagkatao mayroon sila ng kanyang pamilya. Sa pamamagitan din ng
paglalahad ng may akda sa katangian ni Impeng doon makikita kung bakit siya
inaapi at kinukutya ng kanyang mga nakakasalamuha sa lipunan.
      Sa pang aapi ni Ogor nagawa niyang ipaglaban ang kanyang sarili nagawa
niyang ipaghiganti ang pamilya dahil sa mga pang-aapi at pangungutyang
natatanggap niya. Ibinuhos niya ang sama at galit ng loob sa pamamagitan ng
mga dagok na binitawan niya sa kasagupaang si Ogor.

vii. SULIRANIN
Paano kaya maiiwasan ni Impeng ang pangungutya at pangaapi sa kanya ng
mga tao? Paano niya mapipigilang isipin ng mga tao sa kanyang kapaligirang
ang panghuhusga sa kanyang ina at mismong pamilya?
       Sa pamamagitan ng pakikipagsagupaan niya kay Ogor nalaman niyang kaya
nitong ipaglaban ang kanyang sarili na hindi siya dapat tinatapak-tapakan ng
mga tao dahil lamang sa kung anong kulay at uri ng ina mayroon siya.
Pinatunayan niya na di dapat nilalalait-lait at kinukutya ang mga katulad niya.

viii. TUNGGALIAN
Di-kalayuan sa gripo ay may isang tindahan. Sa kalawanging medya-agwa niyon
ay nakasilong ang iba pang agwador. May naghubad na ng damit at isinampay
na lamang sa balikat. May nagpapaypay May kumakain ng halu-halo.
Sa pangkat na iyon ay kay Ogor agad natutok ang kanyang tingin. Pnilit niyang
supilin ang hangaring makasilong. Naroon sa tindahan si Ogor. Hubad-baro at
ngumingisi. Mauupo na lamang siya sa kanyang balde. Mabuti pa roon, kahit
nakabilad sa init. Pasasaan ba't di iikli ang pila? naisip niya. Makasasahod din
ako. Kasalukuyan siyang nagtitiis sa init nang may maulinigan siyang siga mula
sa tindahan: "Hoy, Negro, sumilong ka. Baka ka pumuti!"Si Ogor iyon. Kahit hindi
siya lumingon, para na niyang nakita si Ogor. Nakangisi at nanunukso na
naman. "Negro," muli niyang narinig, "sumilong ka sabi, e. Baka ka masunog!"
Malakas ang narinig niyang tawanan. Hindi pa rin siya lumilingon. Tila wala
siyang naririnig. 

ix. KAPANAPANABIK NA PANGYAYARI


"Gutom na ako, Negro," sabi ni Ogor. "Ako muna."Pautos iyon. Iginitgit ni Ogor
ang bitbit na balde at kumalantog ang kanilang mga balde. Iginitgit din niya ang
sa kanya, bahagya nga lamang at takot na paggitgit. "Kadarating mo pa lamang,
Ogor, nais niyang itutol. Kangina pa ako nakapila rito, a. Ako muna sabi, e," giit
ni Ogor. Bantulot niyang binawi ang balde, nakatingin pa rin kay Ogor. Itinaob
niya ang kaunting nasahod na balde at ang tubig ay gumapang sa semento at
umabog sa kanilang mga paa ni Ogor. Uuwi na ako, bulong niya sa sarili. Uuwi
na ako. Mamaya na lang ako iigib uli. Nakatingin sa araw,humakbang siya upang
kunin ang pingga ngunit sa paghakbang na iyon, bigla siyang pinatid ni
Ogor. "Ano pa ba ang ibinubulong mo?"Hindi n a niya narinig iyon. Nabuwal siya.
Tumama ang kanan niyang pisngi sa labi ng nabiawang balde. Napasigaw siya.
Malakas. Napaluhod siya sa madulas na semento. Kagyat na bumaha ang
nakaliliyong dilim sa kanyang utak.

x. KALUTASAN SA SULIRANIN
tila nasasalinan pa siya ng lakas. Bigla, ubos-lakas at nag-uumiri siyang umigtad.
napailalim si Ogor. Nahantad ang mukha ni Ogor. Dagok, bayo, dagok, bayo,
dagok, bayo, dagok...Kahit saan. Sa dibdib. Sa mukha. Dagok, bayo, dagok,
bayo, dagok, dagok, dagok... Mahina na si ogor. Lupaypay na. Nalalaglag na ang
nagsasanggang kamay. Humihingal na rin siya, humahagok. Ngunit nagliliyab pa
rin ang poot sa kanyang mga mata. Dagok. Papaluka. Dagok, bayo, dagok,
bayo, dagok... 
Gumagalaw-galaw ang sabog na labi ni Ogor. "Impen..."
Muli niyang itinaas ang kamay. "I-Impen..." Halos hindi niya narinig ang halingling
ni Ogor. "I-Impen...s-suko n-na...a-ako...s-suko...n-na...a-ako!"Naibaba niya ang
nakataas na kamay. Napasuko niya si Ogor! Napatingala siya Abut-abot ang
pahingal. makaraan ang ilang sandali, dahan-dahan at nanlalambot siyang
tumindig, nakatuon ang mga mata kay Ogor. Wasak ang kanyang kamiseta at
duguan ang kanyang likod. May basa ng dugo't lupa ang kanyang nguso.

xi. WAKAS
makaraan ang ilang sandali, dahan-dahan at nanlalambot siyang tumindig,
nakatuon ang mga mata kay Ogor. Wasak ang kanyang kamiseta at duguan ang
kanyang likod. May basa ng dugo't lupa ang kanyang nguso.

            Maraming sandaling walang nangahas magsalita. Walang makakibo sa


mga agwador. Hindi makapaniwala ang lahat. Lahat ay nakatingin sa kanya.
Isa-isa niyang tiningnan ang mga nakapaligid sa kanya. Walang pagtutol sa mga
mata ng mga ito. Ang nababakas niya'y paghanga. Ang nakita niya'y pangingimi.
Pinangingimian siya! May luha siya sa mata ngunit may galak siyang nadama.
Luwalhati. Hinagud-hagod niya ang mga kamao. nadama niya ang bagong tuklas
na lakas niyon. Ang tibay. Ang tatag. Ang kapangyarihan. Muli niyang tiningnan
ang nakabulagtang si Ogor. Pagkaraa'y nakapikit at buka ang labing nag-angat
siya ng mukha. Sa matinding sikat ng araw, tila sya ang mandirigmang sugatan,
ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagihang larangan.

xii. ARAL O KAISIPANG NAPULOT SA AKDA


Ipinapakita lang ng akda na ito na nangyayari ang deskriminisyon sa totoong
buhay ano man ang dahilan nito sa paningin ng diyos at ng batas mali ito. Huwag
sumuko kung sa buhay pakiramdam mo ikaw na ay naaapi magpatuloy kang
lumaban gawin mong lakas ang mga kahinaan mo dahil sa ganitong paraan
makakamit mo ang tagumpay na ninanais mo.

WILLJHAN M. DELACRUZ
BSE-FILIPINO 2

You might also like