You are on page 1of 1

Maraming dahilan kung bakit ipinagmamalaki ko na ako’y isang Asyano ngunit sa ngayon ay magbibigay

muna ako ng tatlo: Una, ang balat natin na kayumangi, tayong mga Asyano ay hindi na kailangan magpa-
tan ng balat dahil nasa lahi na talaga natin ito. Pangalawa, ang pagiging “hospitable” natin, Maraming
tao sa ibang bansa ang gusto ng ganitong “quality of service” para umunlad ang kanilang kabuhayan o
kaya magkaroon ng mga kaibigan. Pangatlo, ang “fighting spirit” natin, tignan natin si Manny Pacquiao
kahit siya ay nasasabihan ng maliit at hindi niya kayang mag-boxing, nagpursige siya para maipakita niya
sa mga tao na kahit maliit siya, kaya pa rin niya ito at naipakita naman niya ito sa atin ng ilang beses
dahil sa kaniyang mga panalo.

Kahit ano man ang kulay mo, kahit sino ka man, dapat mong ipagmalaki na ikaw ay isang ASYANO” – ito
marahil ang kasabihang naririnig ko sa ating mga kababayang Asyano na nagta-trabaho sa ibang lugar.
Marami na rin sa atin ang nakararanas ng diskriminasyon sa ibang lugar tulad sa Europa at Amerika. Lagi
nalang mababa at trato at pagtingin sa atin ng ibang lahi. Ngunit bilang isang Asyano, paano mo
maipapahayag sa buong mundo na ipinagmamalaki mo ang pagiging isang Asyano?

Alam nating lahat na ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo. Kasama nito
ay ang marami nitong populasyon. Kapag narinig natin ang salitang “Asya”, marami ang pumapasok sa
ating isipan. Sagana ito sa mga likas na yaman, pampalasa, mga pasyalan at iba pa. Hindi lang iyan,
nakilala rin tayo sa ibang panig ng mundo. Sa larangan ng sining, pantikan, musika at palakasan, sikat din
ang mga Asyano. Isa na rito si Lea Salonga na gumanap na “Kim” sa Miss Saigon, si Sitti Nurhaliza na may
ginintuang tinig at puso ng Malaysia, si Yao Ming na kilala sa larangan ng basketball at si Jackie Chan na
kilala sa larangan ng “martial arts”. Sa madaling saita, ang mga Asyano ay may natatanging kakayahan at
may “talento”.

Kung iyong mapapansin, maraming magagandang pasyalan ang makikita sa Asya. Sa aking
obserbasyon, maraming dayuhan ang dumarayo rito upang mamasyal at makita ang ganda ng Asya.
Marami rin mga iba’t-bang kultura at tradisyon sa nananatili pa rin hanggang sa ngayon ang makikita
lang sa Asya. Isa na rito ang Animismo ng Japan, Budhismo sa China at kulturang Islam at Ifugao sa
Pilipinas. At higit sa lahat, dapat nating ipagmalaki na masisispat at palaban ang mga Asyano. Hindi nila
hahayaan na may mang-api sakanila. Pinagsisikapan nila na umangat sa kanilang pamilya. Handa silang
magtiis para lang sa kanilang mga pamilya.

Bilang isang Asyano, maraming dahilan para ipagmalaki mo ang iyong lahi. Kahit na ikaw ay isang
Asyano, hindi mo dapat hayaan na ikaw ay apihin ng ibang lahi. Ipinanganak tayo upang isigaw sa buong
mundo na tayo ay Asyano. Hindi mo kailangang maging sikat o mayaman para ipagmalaki na ikaw ay
isang Asyano. Kahit na ikaw ay isa lamang ordinaryong Asyano, maari mong patunayan at ipakita sa
buong mundo na ikaw ay karapat dapat na irespetong Asyano.

You might also like