You are on page 1of 1

Antoneth Joy Tecson 9 Saint Stephen

Ako ay Asyano at Ipinagmamalaki Ko Ito

Kahit ano man ang kulay mo, kahit saan ka man, dapat mong ipagmalaki na
ikaw ay isang Asyano ito ang madalas na naririnig ko sa ating mga
kababayang Asyano na nag tatrabaho sa ibang bansa sa Europa at Amerika.
Marami na rin sa ating mga kapwa Asyano ang nakaranas na n diskrminasyon
mula sa mga tao sa mga dayuhang bansa. Palagi na lang mababa ang trato at
pagtinin sa atin ng ibang lahi. Ngunit sa kabila ng mga diskriminasyon, kailangan
nating ipakita na tayon mga Asyano ay mayroong mga katangiang ating
maipagmamalaki.
Alam nating lahat na ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente sa buong
mundo. Kasama nito ay ang marami nitong populasyon. Kapag narinig natin ang
salitang Asya, marami ang pumapasok sa ating isipan. Sagana ito sa mga likas
na yaman, mga pasyalan at iba pa. Hindi lang iyan, nakilala rin tayong mga
Asyano sa ibang panig ng mundo. Sa larawan ng sining, musika at palakasan,
sikat din tayong mga Asyano. Isa na rito si Lea Salonga na gumanap sa Miss
Saigon at si Jackie Chan na kilala sa larangan ng marsyal arts. Sa madaling
salita, tayong mga Asyano ay may natatanging kakayahan at mga talent na kaya
nating ipakita sa buong mundo.
Maraming mga bansa sa Asya na madalas na naapektohan ng mga natural na
kalamidad kagaya ng lindol, bagyo at iba pa. Isa na rito ang Pilipinas. Marami
ang mga namatay, nasugatan at na apektohan noong natamaan ng Bagyong
Yolanda ang Leyte. Ang ating mga kapwa Asyano ay tinulongan ang ating mga
kapwa Pilipino na naapektohan sa Bagyo. Pinapakita ng mga sitwasyong kagaya
ng mga kalamidad ang puso ng mga Asyano na nagkakaisa para tumulong sa
kanilang mga minamahal na kapwa Asyano.
Kung iyong mapapansin, maraming magagandadng pasyalan ang makikita sa
Asya. Sa aking obserbasyon, maraming dayuhan and dumarayo rito upang
mamasyal at masilayan ang ganda ng Asya. Marami ring ma ibat-ibang kultura
at tradisyon na nananatili parin hanggang ngayon ang makikita lang sa Asya. Isa
na rito an Budhismo sa Tsina at kulturang Islam at Ifugao sa Pilipinas. Dapat
hindi nating kalimutang ipagmalaki ang mga kultura at tradisyong ito dahil ito ang
humubog sa atin na maging mga masisipag at palabang mga Asyano. Hindi natin
hahayaan na mayroong aapi sa atin. Tayong mga Asyano ay nag sisikap upang
maiangat ang buhay ng ating mga pamilya. Handa tayong mag tiis para lang sa
ating mga pamilya. Tunay na mapagmahal talaga tayong mga Asyano.
Bilang isang Asyano, alam ko na marami tayong dahilan upang ipagmalaki an
gating lahi. Kapag ikaw ay isang Asyano, hindi mo dapat hayaan na ikaw ay
apihin ng ibang lahi. Ipinanganak tayo upang ipagsigawan at ipagmalaki na tayo
ay Asyano. Kahit na ikaw ay isang ordinaryong Asyano lamang, maaari mong
patunayan at ipakita sa buong mundo na ikaw ay karapat dapat na i respetong
Asyano. Ako ay Asyano at ipinagmamalaki ko ito.

You might also like