You are on page 1of 3

KAHILINGAN KAY PANGULONG PNOY PARA

EDEKLARANG PIYESTA OPISYAL ANG DISYEMBRE 10


BILANG PAMBANSANG ARAW NG KARAPATANG PANTAO

(Bukas na Liham)
KAMI, mamamayan ng Aurora, kinatawan ng mga samahang nakapaloob sa alyansa ng Multi
Sectoral Action Group (MSAG)-Aurora at ng Bikaryato ng Valley-Ding ng Prelatura ng Infanta-
Aurora ay nagkasama-sama sa araw na ito para muling gunitain ang Pandaigdigang Araw ng
Karapatang Pantao (Human Rights Day). Na ang araw na ito ay lubhang mahalaga sa amin
bilang mga mamamayang nagmamalasakit at nakikiisa sa pagtataguyod ng karapatang pantao
sa ating bansa at sa buong daigdig.
Na ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na nakikiisa at lumagda sa Universal Declaration on Human
Rights (UDHR) noong 1948 at may pangako na tatalima sa pagtataguyod ng karapatang pantao,
subalit marami pa ding nagaganap na mga paglabag sa karapatan lalot higit sa panahon ng
Diktadurang Marcos at sa mga sumunod pang administrasyon.
Na lumala pa ito sa panahon ng panunungkulan ni Gng. Arroyo na naging talamak ang Human
Rights Violations tulad ng ginawa ni dating Heneral Jovito Palparan. Na magpahanggan sa
ngayon ay may mga elemento pa din sa ating mga alagad ng batas at sa mga politikong nasa
poder ang patuloy na lumalabag sa karapatang pantao. Kanilang tinatakot at pinatatahimik
ang mga mamamayang sumasagka sa kanilang kagustuhan.
Magkagayunman, tanging sa panahon lamang ng inyong panunungkulan mahal na pangulo
inusig ang mga tulad ni Palparan na numero unong human rights violator. Na batid po naming
hindi ninyo kukunsintehin ang mga maling gawi sa pamahalaan at ang mga paglabag sa
karapatang pantao bahagi ng inyong programa sa TUWID NA DAAN.
Kaugnay nito ay malaki ang aming pag-asa na makakatulong sa pagpapalaganap ng karapatang
pantao kung may natatanging araw sa ating bansa para ipagdiwang ito. Sa gayon po sa tuwina
ay naipapaalala sa sambayanan ang dakilang adhikain ng UDHR at maging mulat ang bawat
Pilipino sa paggalang at pagtataguyod sa karapatang pantao.
Kaya magalang po naming hinihiling, sa bisa ng kapangyarihang ipinagkaloob sa inyo ng
sambayanang Pilipino, para edeklarang PIYESTA OPISYAL ANG DISYEMBRE 10 BILANG
PAMBANSANG ARAW NG KARAPATANG PANTAO sa buong bansa.
NAGPAPASALAMAT AT UMAASA:
Mga mamamayan ng Aurora
Ika-8 ng Disyembre, 2012
Casiguran, Aurora
KAHILINGAN KAY PANGULONG PNOY PARA
EDEKLARANG PIYESTA OPISYAL ANG DISYEMBRE 10
BILANG PAMBANSANG ARAW NG KARAPATANG PANTAO

BLG. PANGALAN:
(Printed)
EDAD: TIRAHAN: LAGDA:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25

You might also like