You are on page 1of 40

Mga Diyos At Diyosa Ng

Mitolohiyang Griyego At
Romano

Inihanda ni:
Gng. Charlou Mae S. Sarte
Zeus / Jupiter
Pinuno ng mga Diyos sa Olympus.
Ang pinakamakapangyarihan,
pinakamataas o supremong Diyos.
Ginagamit niyang sandata ang
kidlat na may kasamang kulog.
Ang kanyang simbolo ay agila,
toro, kulog at puno ng oak.
Hera / Juno
Diyosa ng langit, mga
babae, kasal at
panganganak.
Kapatid na babae at asawa
ni Zeus.
Ang kanyang simbolo ay
korona, trono at peacock.
Poseidon / Neptune
Diyos ng karagatan.
May kapangyarihan sa
pagmamanipula ng alon,
bagyo at lindol.
Ang kanyang simbolo ay
piruya o trident na hawig
sa isang malaking tinidor.
Hades / Pluto

Diyos ng kamatayan at
ang pinuno ng Tartarus.
Asawa ni Persephone
Ang kanyang simbolo ay
setro na may ibon sa
dulo, itim na karwahe at
itim na kabayo.
Ares / Mars
Diyos ng digmaan.
Anak nina Zeus at Hera at
kalaguyo ni Aphrodite.
Ang kanyang mga
simbolo ay buwitre,
kalasag at sibat.
Apollo / Pallas Apollo
Diyos ng propesiya,
liwanag, araw, musika at
panulaan.
Anak nina Leto at Zeus
at kakambal ni Artemis.
Ang kanyang mga
simbolo ay pana, uwak,
lyre.
Artemis / Diana
Diyosa ng buwan, pangangaso,
ligaw na hayop at tagapagtanggol
ng mga bata.
Anak nina Zeus at Leto at kakambal
ni Apollo.
Ang kanyang mga simbolo ay pana
at chiton (isang uri ng damit.)
Athena / Minerva
Diyosa ng karunungan, sining,
industriya, digmaan at
katusuhan.
Anak nina Metis at Zeus.
Ang kanyang simbolo ay ahas,
puno ng oliba, helmet at kalasag
Hephaestus / Vulcan
Diyos ng apoy at
sining ng iskultura.
Anak nina Zeus at
Hera at asawa ni
Aphrodite.
Ang kanyang
simbolo ay martilyo
at buriko .
Hermes / Mercury
Diyos ng komersyo, siyensiya
biyahero, medisina, laro, pagnanakaw
at panlilinlang
Kilala siya bilang mensahero ng mga
diyos at ang gabay ng mga
manlalakbay.
Ang kanyang mga simbolo ay
sandalyas at sumbrerong may
pakpak at baton na may nakapulupot
na ahas at pakpak sa dulo.
Aphrodite / Venus
Diyosa ng kagandahan at pag-
ibig.
Asawa ni Hephaestus at
naging kalaguyo ni Ares dulot
ng pagtataksil.
Ang kanyang mga simbolo ay
kalapati, rosas, salamin, kabibe
at sisne.
Hestia / Vesta
Diyosa ng tahanan, at
apoy mula sa pugon.
Anak nina Cronus at
Rhea.
Ang kanyang mga
simbolo ay takure at
walang hanggang apoy.
Iba Pang
Diyos At
Diyosa
Demeter / Ceres
Diyosa ng butil, halaman at
agrikultura.
Siya ang nagturo sa mga
taong magsaka.
Ang kanyang simbolo ay
korona ng butil ng trigo.
Dionysus / Bacchus
Diyos ng alak, pista,
kasiyahan, kaguluhan at
pagkagumon.
Ang kanyang simbolo ay
ubas, kopita at tigre.
Persephone / Proserpine
Diyosa ng kamatayan at
tagsibol. Reyna ng Tartarus
at asawa ni Hades.
Anak ni Zeus at Demeter.
Ang kanyang mga simbolo
ay bungkos ng palay, paniki
at nagliliyab na sulo.
Eros / Cupid
Diyos ng pag-ibig at
pagkahumaling.
Anak ni Aphrodite.
Ang kanyang mga simbolo
ay pana at palaso.
Hedone / Voluptas
Diyosa ng kasiyahan.
Anak nina Cupid at Psyche.
Ang kanyang mga simbolo
ay pana at palaso.
Iris / Arcus
Diyosa ng bahaghari,
karagatan at kalangitan.
Personal na mensahera
ni Hera.
Ang kanyang simbolo
ay bahaghari.
Zephyrus / Zephyr
Diyos ng kanluraning
hangin.
Mas gusto ng mga
mandaragat at mga
magsasaka dahil mabini
ang dala nitong simoy ng
hangin.
Asawa ni Iris.
Pan / Faunus
Diyos ng kalikasan, mga
pastol at pangangaso.
Anak ni Hermes at ng
isang nimpa. Kalahating
kambing, kalahating tao.
Ang kanyang simbolo ay
plawta.
Adonis
Diyos ng kagandahan at
pagnanais.
Mahusay na mangangaso kaya
kinainggitan ni Artemis.
Anak ni Theias (hari ng Syria) at
Myrrha (anak ni Theias.
Kinahumalingan ni Aphrodite
at pinaalagaan kay Persephone.
Eris / Discordia
Diyosa ng pagbibiro,
sigalot, kaguluhan,
karamdaman at pag-
aawayan.
Ang kanyang simbolo ay
gintong mansanas.
Calypso
Isang magandang nimpa
(diwata) na nakatira sa
Ogygia
Isa siya sa mga karakter ni
Homer sa Odyssey
Nabihag ang kaniyang puso
ni Odysseus kung kaya’t
kinulong niya ito ng pitong
taon sa kaniyang isla.
Circe
Isang magandang
mangkukulam na nakatira sa
Aeaea
Anak nina Helios (Titan ng
Araw) at Perse (nimpa ng
karagatan)
Ginawa niyang baboy ang
mga tauhan ni Odysseus at
naging kalaguyo ang huli at
pinamuhay ito ng marangya sa
kanyang tabi.
Ilang Mga Kilalang
Persona Sa Mitolohiyang
Griyego At Romano
Charon / Kharon
Ang bangkero ni
Hades sa Ilog Styx.
Siya ang tagadala ng
mga kaluluwa
papuntang Tartarus.
Cerberus
Asong may tatlong ulo
at buntot na ahas.
Ang bantay ni Hades
sa pintuan ng Tartarus
at sinisiguro nilang
walang makakatakas na
mga kaluluwa.
Atlas
Ang lider ng mga
higanteng Titan at
kumampi kay Chronus.
Natalo sa labanan nila ni
Zeus kaya’t pinarusahan
siya nitong pasanin ang
mundo.
Narcissus
Isang binatang
nahulog sa kaniyang
sarili matapos makita
ang kaniyang
repleksyon sa tubig.
Medusa
Isa sa tatlong Gorgons
(kakila-kilabot na nilalang).
Isang babaeng may
kahindik-hindik na mukha at
buhok na ahas.
Ang sinumang lalaki na
tumitig sa kanyang mata ay
nagiging bato.
Oreadas Nimfas
Mga Ordinaryong Nimpa

Mga diyosa o
bathaluman sa
kagubatan.
Minotaur
Kalahating tao, kalahating
toro.
Nakatira sa Labyrinth (isang
istrukturang maze) na
ipinagawa ni Haring Minos
ng Crete.
Inaalayan siya ng mga
birheng babae taon-taon
para kainin.
Sphinx
Isang nilalang na may
katawan ng leon, ulo ng
babae at pakpak ng ibon.
Kilala sa pagbibigay ng mga
palaisipan at ang hindi
makasasagot ay
makakaranas ng kamalasan
o di kaya’y kakainin ng mga
halimaw.
Pegasus
Isang kabayong
lumilipad at putim-
puti ang kulay.
Anak nina Poseidon
at Medusa.
Chiron
Kapatid nina Zeus, Hera,
Hades, Demeter at Poseidon.
Kalahating tao, kalahating
kabayo o tikbalang.
Siya ay naging guro ng
ilang mga bayani ng Greece.
Haring Midas
Hari ng Phrygia.
Kilala siya sa taguring, “King
Midas’ golden touch” kung
saan ang bawat mahawakan
niya ay nagiging ginto. Ito’y
hiniling niya kay Dionysus
dahil sa kaniyang kasakiman.
Heracles / Hercules
Anak ni Zeus sa mortal na si
Alcmene.
Kilala siya sa kaniyang
taglay na lakas at
paglalakbay.
Itinuturing na bayani at
kinaiinisan ni Hera.
MARAMING
SALAMAT

You might also like