You are on page 1of 17

Takdang Aralin Igaya,Regina Patricia N.

BUOD TUNGKOL SA NAKARAANG TAGPO SA ASIGNATURANG RIZAL

1. Ika-16 ng Marso, 2017 (4:00-7:00 pm) : Midterm Examination

Wala kaming tagpo sa asignaturang Rizal dahil kami ay may Midterm

Examination sa araw na to. Na magsisimula sa ika- 12 ng tanghali hanggang alas 4 ng

hapon.

2. Ika-23 ng Marso, 2017 (4:00-7:00 pm) : Mahabang Pagsusulit

Nag simula kami sa ganap na 3:45 ng hapon upang simulan na ang aming

mahabang pagsusulit tungkol sa asignaturang rizal. Pagkaraan namin sa aming

pagsusulit, nagtanong ang aming guro na si Ginoong Ricky Navarro kung sino ang may

gusto na mag lahad ng representasyon sa susunod na pagtatagpo. Nagtaas kami ng

kamay ngunit pitolamang ang kanyang kailangan kung kayat hindi kami napili lahat.

Pagkaraan ibigay ang kani-kanilang paksa, ibinahagi na rin sa amin ang mga

kakailanganin sa pagkuha namin ng clearance kasama rito ang syllabus, pagsasanay

(libro), family tree, pagsusulit (1 and 2) at summary. Ito ay ipapasa sa ikatlong linggo ng

Mayo. Pagkaraan nitoy maaga kaming pinalabas upang kami ay makapag pahinga sa

kakatapos lamang na mahaba habang midterm examination.

3. Ika-30 ng Marso, 2017 (4:00-7:00 pm) : Unites Ball

1
Takdang Aralin Igaya,Regina Patricia N.

Wala kaming tagpo sa Asignaturang Rizal sa kadahilanang ito ang araw na

ginanap ang Unites Ball sa Activity Center, Bustos Campus, Bustos Bulacan na parte ng

proyekto ng Unites and BA.

4. Ika-6 ng Abril, 2017 (4:00-7:00 pm) : Pagtalakay ng mga paksa

Ito ang araw ng pagtalakay ng mga taga lahad ng kani-kanilang paksa tungkol sa

asignaturang rizal.

 Ronald Ian Delposo : Unang taga-ulat

Nagtagal ang kanyang pagsisimula dahil siya ay kinakabahan sa harap

kayat nagbigay ng mga biro ang aming propesor upang mawalaang kanyang

kaba. Kinalaunan ay nagsimula na siya, Ang kanyang paksa ay tungkol sa

Ikalawang paglisan ni Dr. Jose Rizal ng Bayan (1888-1981 sa idad na 27-30).

Ang kanyang unang destinasyon ay ang :

HONGKONG (1888)

Pebrero 3, 1888 nang umalis sa pilipinas si Dr. Rizal papuntang Hongkong.

Noong ika-11 ng Pebrero ay natapat na may pagdiriwang ang mga intsik kung

2
Takdang Aralin Igaya,Regina Patricia N.

kayat dinalaw niya si Jose Maria Basa sa kanyang kinaroroonan. Siya ay isa

mga kaibigang abogado ni Rizal. Pagkaraan ay tumungo sya sa Macao noong

ika-18 ng Pebrero lulan ng bangkang Kiu-Kiang. Pumunta sila sa bahay ni Don

Juan Francisco Lecaros. Siya ay isang Pilipinong nakapag-asawa ng isang

Portuges na ang hanapbuhay ay ang pag-aalaga ng halaman. Pagkaraan rito

ay naglibot siya sa iba't ibang lugar at pinasyalan rin niya ang groto ni Luis

Camoens,tanyag na makata ng Portuges. Bumalik siya sa Hongkong lulan

muli ng Kiu-Kiang.

HAPON (1888)

Noong ika-22 ng Pebrero, 1888 , lulan ng barkong Oceanic nang nagtungo

sila sa bansang Hapon. Labis niyang hinangaan ang lugar na ito dahil sa

kariktan ng kapaligiran na tulad ng mga bulaklak at puno at mga payapang

mamamayan nito. Maraming magagandang bagay ang hinahangaan ni Rizal

rito mula sa pamumuhay at mga kagamitan nito. Ang hindi niya lang

nagustuhan ay ang rickshaw kung saan tao ang humihila sa naturang

sasakyan.Nag-ara siya ng wikang Niponggo at ng sining ng pagtatanggol sa

sarili. Nakilala rin niya at napalapit sa kanyang puso si Usui Seiko na tinawag

niyang O-Sei San. Ngunit sa huli ay nagpaalam siya rito dahil nanaig pa din

ang pagmamahal niya sa bayan.

Lulan ng barkong Belgic tumungo si Rizal sa San Francisco, California. Isa

sa pasaherong nakasama niya ay si Tetcho Suehiro, na isang Hapon katulad

rin niya na umalis sa kanyang baya dahil sa kanyang liberal na kaisipan.

3
Takdang Aralin Igaya,Regina Patricia N.

Sumulat din si Tetcho ng isang nobela na may malaking pagkakahawig sa Noli

Me Tangere. Kaya't noong napagtibay ang kanilang Saligang Batas natupad

na ang kanilang pangarap. Sa kanyang ilang tala, nabanggit niya ang isang

matalinong Pilipino na nagngangalang Rizal na nakasakay niya patungong

Estados Unidos.

ESTADOS UNIDOS (1888)

Noong Abril 28, 1888 nang dumaong ang barko sa San Francisco. Nilagay

ang barkong Belgic sa kuwarantina. Hindi kagad pinababa sila Rizal sa

kadahilanang napagkamalan silang may dalang kolera. Nagprotesta sila

kaya't pinababa na sila subalit hindi lahat ay pinababa sa huli napag alaman

niyang dahil ito sa pulitika.

Sa pananatili niya roon natuklasan niya ang mataas na pamumuhay at

maraming oportunidad sa bansang Amerika. Ngunit sumulat siya kay

Mariano Ponce upang ipaalama ang hindi pagkakapantay-pantay ng mga lahi

rito na hindi niya nagustuhan.

Nooong 1890, tinanong siya ng isang mag-aaral na si Jose Alejandro, "

Ano ang pananaw mo sa Amerika?" . Ang tugon niya ay " Isang malayang

bansa subalit para lamang sa mga puti".

LONDON (1888-1889)

Mula Mayo 1888 hanggang Marso 1889 nanirahan si Rizal sa Londres,

Inglatera. Pansamantala siyang tumira kay Antonio Maria Regidor. Pagkaraan

ay lumipat siya sa tahanan ng mag-anak na Beckett sapagkat malapit ito sa

4
Takdang Aralin Igaya,Regina Patricia N.

Museo. Sa mungkahi ni Blumentritt, ninaiis niyang manirahan dito dahil dito

matatagpuan ang Sucesos de las Islas Filipinas ( Mga Makaysaysayang

Pangyayari sa mga Isla ng Pilipinas) ni Dr. Antonio de Morga. Ang aklat na ito

ay tungkol sa Pilipinas na sinalin ni Lord Stanley. Binigyan ni Rizal ang aklat

nga 679 na mga puna at paliwanag. Dito rin ginawa ni Rizal ang Liham sa

mga Kababaihang taga- Malolos na batay sa udyok ni Marcelo H. Del Pilar.

Pinuri niya rito ang mga kababaihan sa Malolos.

Umalis siya rito dahil isa sa anak na dalaga ni Beckett na si Gertrude ay

nagkaroon ng pag-ibig sa kanya. Ayaw niyang lokohin si Leonor Rivera dahil

mas matimbang parin ito.

PARIS (1889)

1889 noong dumating si Rizal sa Paris panahon kung saan ay masaya dito

dulot ng Eksposisyong Unibersal. Pansamantala siyang tumira sa bahay ng

kanyang kaibigan na si Valentin Ventura. Dito niya inayos ang anotasyon niya

ng aklat ni Morgan.

Naging ninong si Rizal kay Maria dela Paz Blanca Laureana Hermenegda

Juana Luna y Pardo de Tavera na anak nila Juan Luna at Paz Pardo de Tavera.

Katulad ng mga kaibigan niya sumali rin si Rizal sa patimpalak ng

Eksposisyon. Ang lahok niyang likhang sining sa pintura ay nakapasa ngunit

hindi nagkamit ng ano mang puwesto.

Ang Sucesos ni Morga ang isa sa maipagmamalaking nagawa niya. Pinuri

ni Blumentritt ang ginawa ngunit meroon ding pag puna. Dito rin planong

5
Takdang Aralin Igaya,Regina Patricia N.

itatag ni Rizal ang Asosasyong Internasyonal ng mga Filipinohista. Ngunit

hindi ito natuloy dahil hindi ito pinayagan ng pamahalaang Prances.

Umalis rin si Rizal sa Paris hindi na niya kinayanan ang mga gastos

dito.Ngunit sila Valentin at Marcelo ay naniniwala na kaya siya umalis upang

iwasan ang pag-iibigan nila ni Nellie Boustead. Sa panahon ding iyon, napag

alaman niyang kinasal na si Leonor Rivera kay Charles Henry Kipping.

BELHIKA (1890)

Naglakbay si Rizal patungong Bruselya, kapital ng Belhika noong ika-22

hanggang 28 ng Enero, 1890. Nabalitaan niya kina Juan Luna at Valentin

Ventura na nahihilig na ang mga Pilipino sa sugal sa Madrid. Kaya't sumulat

siya kay Marcelo na paalalahanan ang mga kababayan na hindi sila tumungo

sa Europa upang magsugal kundi para magsagawa ng mga hakangin upang

ikakalaya ng lupang sinilanganan.

MADRID (1890-1891)

Dumating si Rizal sa Madrid noong Agosto, 1890. Nilapitan niya agad ang

samahang Asociacion Hispano-Filipino na itinatag ni Miguel Morayta at mga

pahayagang liberal upang makamit ang katarungan. Marami siyang nilapitan

tao ngunit ang iba ay simpansya lamang ang kanyang natamo. Bago pa man

matapos ang taong ito nagkaroon ng hindi inaasahang kumpetisyon sa

pagitan nina Rizal at Del Pilar tungkol sa pamumuno. Nakilala sa kanyang

katalinuhan si Rizal samantalang si Del Pilar naman ay sa kanyang prestihiyo

bilang abogado at bilang patnugot ng La Solidarid. Dahil sa hindi pagkakaroon

6
Takdang Aralin Igaya,Regina Patricia N.

ng unawaan, ginanap ang halalan noong Pebrero 1891. Nahati sa Rizalista at

Pilarista ang pangkat. Sa unang araw at pangalawang araw ay mas

nakakahigit si Rizal ngunit kulang parin ang kanyang boto sa napag

kasunduang dalawang-katlong bahagi. Kaya kinausap ni Mariano Ponce ang

ibang Pilarista na kay Rizal ibigay ang boto ngunit pinapahalagahan niya ang

kanyang dangal kaya hindi niya tinanggap ang posisyon.

PRANSYA AT BELHIKA (1891)

Sinimulang isulat ni Rizal ang El Filibusterismo sa Calamba noong

Oktubre, 1887 at natapos niya ito noong Marso 29, 1891.Kagaya ng Noli

kinapos din siya sa pagtustos ng Fili. Sinanla niya ang kanyang mga alahas

upang maipang tustos ngunit hindi pa rin sumapat ito kahit nagtipid na siya.

Nalaman ni Valentin Ventura ang kanyang suliranin kung kaya pinadalhan

siya ng salapi. Lumabas sa imprenta ang Fili noong Setyembre 18, 1891.

Inihandog niya ang nobelang ito sa tatlong paring martir. Maraming nobela

ang hindi natapos ni Rizal at ang iba naman ay hindi na niya nalagyan ng

pamagat.

Sakay ng SS Melbourne, nilisan ni Rizal ang Merseilles noong Oktubre,

1891. Dala niya ang isang sulat rekomendasyon ni Jual Luna para kay Manuel

Camus at mga 600 sipi ng El Fili.

HONGKONG (1891)

Nobyembre 20, 1891 nang makarating si Rizal sa HongKong. Masaya ang

naging pasko niya rito dahil nakasama niya ang kanyang pamilya. Sa kabila ng

7
Takdang Aralin Igaya,Regina Patricia N.

mga gawain niya na isalin niya sa wikang tagalog ang The Rights of Man

(ipiniroklama sa Rebolusyong Pranses noong 1789) at naisulat din niya ang A

la Nation Espanola (Para sa Nasyong Espanyol).Marami pang mga artikulo

ang nagawa ni Rizal at kahit matayog ang kanyang pamumuhay rito ay

kinakailangan parin niyang bumalik sa pilipinas.

Ang pagtatag ng La Liga Filipina, isang samahan ng mga makabayang

Pilipino para sa mga layuning pansibiko ay orihinal na ideya ni Jose Ma. Basa

ngunit si Rizal ang sumulat at nagtatag nito. Hunyo 21 nilisan nila Rizal ang

Hongkong dala ang permisong ibinigay ng Espanyol na konsul-heneral sa

Hogngkong.

 Maribeth Lazaro : Pangalawang taga-ulat

Ang kanyang paksa ay tungkol sa mga gawa at naisulat ni Dr. Jose Rizal.

Ito ay ang mga sumusunod:

Satiriko

- Ang Pangitain Ni Prayle Rodriguez

8
Takdang Aralin Igaya,Regina Patricia N.

- Sa Pamamagitan ng Telepono

- Liham ni Rizal kay Barrantes

- Mga Salawikain, Bugtong at Berso ni Rizal

- Dalit sa Paggawa

- Ang Ligpit Kong Tahanan

- Awit ng Manlalakbay

Tula

- Ang Tanglaw ng Bayan

- Matalik Na Pagtutulungan ng Relihiyon at Ng Espanya

- Imno ng Talisay

- Sa Lumalang Sa Akin

- Ang Aking Mga Kababata

- Sa Kabataang Pilipino

- Pinatutula Ako

- Sa mga Bulaklak ng Heidelberg

- Isang Alaala sa Aking Bayan

- Ang Pagsakay

9
Takdang Aralin Igaya,Regina Patricia N.

- Si Colon at si Juan II

- Ang Pilipinas

- Kay Birheng Maria

- Sa Kapita-pitagang si Paris Pablo Roman, S.J

Liham sa mga kababaihan ng Malolos, Anotacion De morga

- Ito ay tungkol sa 21 kadalagahang taga-Malolos na hinangaan ni Rizal.

Binigyan niya ito ng inspirasyon upang ipagpatuloy ang kanilang gawain nang mahango

sa kamangmangan at pagka-alipin ang mga mamamayan.

El Filibusterismo

- Ang nobelang ito ay may layuning panlipunan. Katulad ng Noli, ito ay

bunga ng isang uri ng pagpapabangon sa katauhan ng bayani, noong panahong iyon ay

maituturing na isang matapang na hakbang sapagka't alipin ang mga Pilipino.

 Andrian Lias: Pangatlong taga-ulat

10
Takdang Aralin Igaya,Regina Patricia N.

Ang kanyang paksa ay tungkol sa Ikalawang pagbabalik- Bayan sa Pilipinas

ni Dr. Rizal at ang panganib sa buhay na kanyang hinarap (1891-1892)

Ang kanyang paglalahad ay naging kapansin pansin dahil sa kanyang soot

na tila si Andres Bonifacio. Nagsimula siya maglahad tungkol sa ang bitag sa ikalawang

paglalakbay ni Rizal sa pilipnas. Noong Hunyo 26, 1892 bumalik sa Pilipinas si Rizal

kasama ang kanyang kapatid na si Lucia. Ang layunin ni Rizal sa pag-uwi sa Pilipinas ay

upang malaman kung maaari pang magbago ang pasya ni Gob.Hen. Despujol tungkol sa

kanyang proyekto sa Borneo,itatag ang samahang La Liga Fiipina at harapin ang mga

may kapangyarihan dahilan sa mga paratang sa kanya at tuloy matigil na ang

pagpaparusa sa kanyang pamilya at kababayan.

Noong ika-7 ng Hulyo, 1892 ay nabigla na lamang siya nang siya ay

ipadakip. Siya ay dinala sa isang piitan sa Fort Santiago. Nanatili siya rito hanggang

Hunyo 14 at kinaumagahan ay lihim na sinakay sa bapor Ceb patungong Dapitan.

Natapos ang aming tagpo sa ganap na ika-7 ng gabi.

5. Ika-13 ng Abril, 2017 (4:00-7:00 pm) : Semana Santa

Wala kaming tagpo sa Asignaturang Rizal sa kadahilanang walang pasok sa araw

na to dahil sa pagdiriwang ng Semana Santa at upang makapag nilay-nilay at sariwain

ang ginawang sakripisyo ng ating Panginoon.

6. Ika-20 ng Abril, 2017 (4:00-7:00 pm) : Team Building

11
Takdang Aralin Igaya,Regina Patricia N.

Wala muli kaming tagpo sa Asignaturang Rizal dahil natapat na ito ay araw ng

Team Building ng mga Propesor ng Unites and BA.

7. Ika-27 ng Abril, 2017 (4:00-7:00 pm) : Pambansang Seminar

Wala muli kaming tagpo sa Asignaturang Rizal sa kadahilanang dadalo ang aming

propesor ng Pambansang Seminar na gaganapin sa BSU Malolos. Iniwan niya kami ng

gawain ito ay ang mga pagsasanay sa aming aklat bilin niya na sagutan na ang mga ito.

8. Ika-4 ng Mayo, 2017 (4:00-7:00 pm) : Pag-uulat ng mga Paksa

Nahuli ang aming propesor kaya nagsimula na kami sa ganap na ika-5 ng hapon.

Nagsimula naman kaagad ang mga taga-ulat sa araw na ito.

 April Montano: Unang Taga-ulat

12
Takdang Aralin Igaya,Regina Patricia N.

Ang kanyang paksa ay tungkol kay Dr. Jose Rizal sa Dapitan,Mindanao sa

idad na 31 hanggang 35 Buhay -bilango sa Dapitan, Mindanao at Mga kontribusyon ni

Rizal sa pag-unlad ng pamumuhay sa Dapitan.

Buhay ni Rizal sa Dapitan bilang isang ;

- Bilang isang manggagamot nagbukas siya ng isang klinika para sa

lahat ng uri ng tao lalo na sa mga mahihirap.

- Bilang isang guro nagtayo siya ng paaralan at ginanyak ang mga

kabataang mag-aral. Labing-anim ang kanyang naging estudyante.

- Bilang isang inhinyero, gumawa siya ng paraan upang ang

malinis na tubig sa bundok ay makarating sa bayan ng Dapitan sa pamamagitan ng ,ga

kawayan.

- Bilang isag imbentor at negosyante, iba't ibang hayop ang

kanyang pinangalap at pinag-aralan. Nakatuklas siya ng ibang specimen na kinabitan ng

kanyang pangalan. Nagsaka siya at nagnegosyo. Kumita siya bilang isang magsasaka at

bilang mangangalakal.

- Si Dr. Rizal at ang Katipunan. Nahati sa dalawang grupo ang mga

kasapi ng La Liga Filipina ang Cuerpo de Compromisarios na naniniwala pa din na

ipagkakaloob ang reporma at ang grupo ni Andres Bonifacio na naniniwala sa paggamit

ng armas at dahas para makamit ang kalayaan ay itinatag ang Kataastaasang

Kagalanggalangan na Katipunan.

13
Takdang Aralin Igaya,Regina Patricia N.

 Florizza Reymatias: Pangalawang taga-ulat

Naaliw kami sa kanyang presentasyon na gamit ang isang box na

pinapaikot na nandun ang mga detalye na kanyang iuulat.

Ang kanyang paksa ay tungkol sa Pag-aresto, paglilitis at pagharap sa

kamatayan ni Dr. Rizal mula sept-dec 1896 sa idad na 35.

Ang Paglilitis kay Rizal, 1896

Nagkaroon ng isang masusing pagsisiyasat bilang pang una sa pormal na

paglilitis sa hukumang militar. Ang pag-uusig ay ginampanan ni Koronel Francisco Olive.

Dalawang uri ng katibayan ang inilahad laban sa kanya una ay ang sinumpaang pahayag

at ang katibayang dokumento. Noong Disyembre 7, 1896 ang usapin ay iniharap kay

Huwes Nicolas Dela Pena at inihayag ng huwes ang kanyang mga mungkahi. Disyembre

8, ang usapin ay ibinigay kay Piskal Enrique de Alcocer. Isang karapatan lamang ang

ipinahintulot sa kanya ito ay ang makapili ng kanyang tagapagtanggol. Si Tenyente Luis

Taviel de Andrade ang kanyang na pili. Noong Disyembre 1, 1896 ang mga paratang ay

14
Takdang Aralin Igaya,Regina Patricia N.

binasa kay Rizal at sa kanyang tagapagtanggol. Siya ay inakusahan nang Pag-

aalsa,Sedisyon at pagtatag ng mga ilegal na samahan. Disyembre 26, 1896 ay araw ng

paglilitis, nahatulan siya ng kapurasahang babarilin. Marami ang nakipaglaban para

hindi mahatulan si Rizal ngunit wala rin silang nagawa.

Ang Huling Araw ni Rizal

Sa Silid ng Fort Santiago siya ipiniit sa loob ng silid ay may isang mesang

sulatan at mga kagamitang panulat , isang kama at isang altar sa dulo. Maraming mga

kaibigan ang dumalaw sa kanya roon. Humingi ng tawad si Rizal sa kanyang ina at bago

ito umuwi ibinigay niya ang kanyang mga mahahalagang gamit. Ibinigay kay Trining ang

lutuang alkohol na niregalo ni Paz Pardo de Tavera. Pagkabigay ay ibinulong sa wikang

ingles ang "There is something inside" upang hindi ito maunawaan ng tanod. Ito ay ang

sipi ng Mi Ultimo Adios. December 30, 1896 kinasal si Rizal at Josephine ni Padre Vicente

Balaquer ayon na rin sa kanyang hiling. Isang aklat na pangrelihiyon ang ibinigay na

alaala ni Rizal na may pamagat na Imitacion de Cristo.

Noong Disyembre 30, 1896 ika-6:30 ng umaga, mula sa Fort Santiago

naglakad si Rizal sa daang Malecon patungong Bagumbayan. Apat na sundalo ang

nangunguna sa kanya,soot niya ay damit na itim,ang kanyang kamay ay natatalian sa

mga siko ngunit may kaluwagan at nakasabit ang isang rosaryo.

Hanggang sa makarating na sila sa Bagumbayan, maraming sundalo sa

kapaligiran at ang lahat ay handa sa pagsaksi sa kamatayan ni Rizal. Tumanggi si Rizal na

baralin siya sa likod sapagkat siya'y hindi naging taksil sa kanyang bayan. Hiniling niya na

15
Takdang Aralin Igaya,Regina Patricia N.

siya'y humarap ngunit hindi siya pinagbigyan. Nang pinakawalan ang punlo, pumihit siya

kaya't nang siya'y mabulagta, nakatuon ang kanyang mga mata sa langit. Noong ika-7:03

ng umaga, Disyembre 30, 1896 ay tapos na ang lahat.

 Jemay Talastas: Pangatlong taga-ulat

Ang kanyang inulat ay tungkol sa buhay pag-ibig ni Dr. Jose Rizal. Nakuha

ang aming pansin ng 13 larawan ng mga babaing nakadaupang palad ni Rizal. ito ay sina;

Julia, Segunda Katigbak, Margarita Almeda Gomez, Leonor Rivera (Taimis), Leonor

Valenzuela (Orang), Jacinta Ybardaloza, Consuelo Ortiga Y Perez, Adelina Boustead,

Nellie Boustead, O-Sei San Kiyo, Gertrude Beckett, Suzanne Jacoby, Josephine

Leopoldine Bracken at Pastora Necesario.

 Christine Villacorat: Pang-apat na taga-ulat

Ang kanyang paksa ay tungkol sa Iba pang bayaning Pilipino at ang

kanilang mga kaisipan hango sa kanilang naisulat at paghahambing nito sa mga

kaisipang halaw sa mga naisulat ni Dr. Jose Rizal kaugnay ng sumibol na

kamuwangang pambayan:

- Andres Bonifacio

- Emilio Jacinto

 Rebolusyonaryong Pilipino

 Lider ng katipunan

 "Utak ng Katipunan"

16
Takdang Aralin Igaya,Regina Patricia N.

- Marcelo H. Del Pilar

 Plaridel (penname)

 Mamahayag ng kilusang propaganda at manunulat

- Apolinario Mabini

- Graciano Lopez Jaena

Natapos na ang ang mga taga-ulat kaya sa susunod na pagtatagpo ay

manood kami ng palabas tungkol kay Dr. Jose Rizal. Binalik na rin ng aming

propesor ang aming unang summary upang isama sa panibago naming summary

sa Asignaturang Rizal.

9. Ika- 11 ng Mayo, 2017 (4:00-7:00 pm) : Panonood

Nanood kami ng Movie na tungkol sa buhay ni Dr. Jose Rizal na si Cesar Montano
ang gumanap.Ika- 6 ng gabi ay pinauwi na kami ng aming propesor pagkatapos naming
manood.

17

You might also like