You are on page 1of 4

Learning Area MAPEH - Music Grade Level 5

W1 Quarter 3 Date

I. LESSON TITLE Istruktura ng Anyong Musikal


II. MOST ESSENTIAL LEARNING Natututukoy ang Disenyo o Istruktura ng Isang Payak na Anyong Musikal
COMPETENCIES (MELCs) ● Unitary
● Strophic
III. CONTENT/CORE CONTENT Anyo
Suggested
IV. LEARNING PHASES Timeframe
Learning Activities

A. Introduction 5 minuto Mahilig ka bang umawit? Ano ang paborito mong awitin? Bakit ito ang
Panimula iyong napili? Aling bahagi ng awitin ang iyong naibigan?
Ang anyo ay isa sa mga elemento ng musika na tumutukoy sa kayarian ng
isang komposisyon batay sa kaanyuan o pagkakabuo ng mga parirala nito.
Sa araling ito inaasahang matutukoy mo ang istruktura ng isang payak na
anyong musikal na nasa anyong unitary at strophic.
Makikita sa anyo ang larawan ng isang kabuuang awit o tugtugin. Ito ay
madarama sa daloy ng himig ng bawat parirala. Sa pamamagitan ng
paghahambing ng mga pariralang bumubuo sa isang awit ay malalaman
ang anyo nito.

Parirala o
taludtod

Upang maging maganda at hindi nakababagot ang isang komposisyong


musikal, ang isang kumakatha ng tugtugin ay gumagamit ng iba’t ibang
pamamaraan. Upang maipahayag niya ang kaniyang damdamin, maaring
ang mga pariralang himig at ritmo ay kaniyang uulit-ulitin, pagkokontrahin,
pagbagay-bagayin at lalagyan ng sukdulan o climax.
Lahat ng uri ng sining ay may anyo o form. Ang anyo o form ay may
kaugnayan sa hugis, istruktura ng organisasyon, at pagkakaugnay-ugnay ng
mga elemento ng sining.
Ang pag-aaral at pag-unawa sa konsepto ng anyo ay nagsisimula sa
pinakamaliit na bahagi o ideya ng musika na tinatawag na motif. Ito ang
nagsisilbing pundasyon o batayan ng komposisyon dahil ito ay kadalasang
lumalabas nang paulit-ulit sa bahagi ng awitin. Ang bawat note ay hindi
magiging makahulugan at makabuluhan kung ito ay tutugtugin nang paisa-
isa. Kung ang mga note ay aawitin o tutugtugin nang magkakasunod o
sama-sama, ito ay maaring maging isang ideya na tinatawag sa musika na
motif. Ang motif ay maaring melodic o rhythmic. Ang mga unang notes ng
Bahay Kubo ay isang halibawa ng melodic motif.
Ang mga awitin at musikal ay binubuo ng maraming linya, pattern o
melody at rhythm. Isa sa pinakamahalagang kakayahan na dapat taglayin
ng isang kompositor ay ang kaalaman sa pagsasaayos ng mga pattern ng
musika. Ang paglalagay ng pattern ay nagpapakita ng pagkakaisa ng mga
ideya. Samantalang ang paglalagay ng magkakaibang pattern ay
nagpapakita naman ng iba’t ibang ideya.
https://www.youtube.com/watch?v=DiTpgfKFaVQ
B. Development 15 minuto Anyong Unitary at Strophic
Pagpapaunlad Maraming uri ng anyo sa musika na maaring gawing basehan sa paglikha
ng isang awit o musika. May mga simpleng anyo ng musika tulad ng unitary
at strophic.
Ang unitary ay isang anyo ng musika na iisa lang ang bahagi.
Halimbawa:
(https://www.youtube.com/watch?v=_z-1fTlSDF0)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:


Pag-aralan ang iskor ng awiting “Pilipinas kong Mahal.” Sagutin ang mga
tanong ukol dito. (https://www.youtube.com/watch?v=PmP5jfwKCII)

1. Ano ang ipinahihiwatig ng awitin?


2. Saang palakumpasan ito nabibilang?
3. Awitin ang “Pilipinas Kong Mahal”. Suriin ang himig nito, may
bahagi bang inuulit- ulit?
4. Anong anyong pangmusika ang bumubuo sa komposisyong
musikal nito?
5. Masasabi bang nasa unitary na anyo ang awit? Bakit?

Isa pang simpleng anyo ng musika ang strophic. Ang isang awitin o musika
ay maituturing na may anyong strophic kung ito ay may iisang melody o
himig na maririnig nang paulit-ulit sa bawat taludtod ng kanta. Kahit mabago
ang titik ng awit, ang melodiya nito ay mananatiling pareho sa kabuuan ng
awit.

Halimbawa:
(https://www.youtube.com/watch?v=rEpBKZJcyYI)

Ang bawat taludtod na may iisang melodiya ay tinatawag na A. Kung ang


melodiya ay inulit ng ikalawang beses, ito ay may anyong AA, at kung inulit
sa ikatlong beses sa ibang taludtod, ito ay may anyong AAA.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
A. Pag-aralan ang iskor ng awiting “Silent Night.” Sagutin ang tanong
ukol dito. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
(https://www.youtube.com/watch?v=UNpiQwgStNA)

1. Ano ang ipinahihiwatig ng awitn?


2. Saang palakumpasan ito nabibilang?
3. Awitin ang Silent Night. Suriin ang himig nito, may bahagi bang
inuulit-ulit?
4. Anong anyong pangmusika ang bumubuo rito?
5. Masasabi bang nasa strophic na anyo ang awit? Bakit?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:


Sa tulong ng nakatatanda, pag-aralan ang dalawang iskor ng awit sa
ibaba. Subuking kantahin o pakinggan ang awiting “The Farmer in the Dell”
(https://www.youtube.com/watch?v=E-krsNziXEw) at ang “Amazing Grace”
(https://www.youtube.com/watch?v=F21Y1hNSGlQ). Paghambingin ang
mga ito, at sagutin ang mga tanong ukol dito. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

1. Anong awit ang nasa anyong unitary?


2. Anong awit ang nasa anyong strophic?
3. Ilang verse mayroon ang awit na “Amazing Grace”?
4. Ilang linya mayroon ang awit na “The Farmer in the Dell”?
5. Ilang linya mayroon ang awit na “Amazing Grace”?

C. Engagement 10 minuto Ang disenyo o istruktura ng anyong musikal na may isang verse na hindi
Pakikipagpalihan inuulit ay tinatawag na unitary. Samantalang ang anyong musical naman na
inaawit mula sa unang verse hanggang sa huling verse na may parehong
tono ay tinayawag na strophic.
Pamilyar ka ba sa mga nursery rhymes at mga awiting pamasko?
Karaniwang naririnig ang mga awiting ito upang magbigay aliw sa mga
nakikinig. Ang mga awiting nasa anyong unitary at strophic ay kalimitang
makikita o matatagpuan sa mga katutubong awitin, awiting bayan, himno,
awiting pansimbahan at sa mga awiting pamasko.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:


A. Pag-aralan ang mga sumusunod na awitin, kilalanin kung ito ay nasa
anyong unitary o strophic. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

1. Twinkle Little Star 4. Jingle Bells


2. Leron Leron sinta 5. Mary Had a Little Lamb
3. Amazing Grace

B. Buhat sa mga tala ng awitin sa Gawain sa Pagkatuto Bilang 4,


pumili ng isang awiting unitary at isang strophic. Magsanay sa tulong
ng nakatatanda. Sa tulong ng iyong kapatid o magulang awitin ito sa
kanilang harapan. Maaring ivideo ang gawain at ipadala ito sa iyong
guro. Markahan ang sarili at lagyan ng tsek (√) sa kolum. Gawin ito sa
sagutang papel.
Rubrik
Pamantayan Kailangan
Napakahusay Bahagyang pang
Mahusay (3)
(4) mahusay (2) paunlarin
(1)
1. Maayos na
pagkakaawit
2. Angkop ang
paggamit ng kilos/tinig
sa pagtatanghal
3. Masining na
pagkakatanghal
D. Assimilation 5 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:
Paglalapat Batay sa inyong natutuhan, magtala ng mga halimbawa ng mga awiting
nasa anyong unitary at strophic. Maaring humingi ng tulong sa magulang o
nakatatandang kapatid. Gamitin ang talahanayan sa ibaba para sa iyong
kasagutan. Isulat ang pamagat ng awitin sa tamang kolum ng talahanayan.
Gawin ito sa kuwaderno.

Unitary Strophic
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4 4
5 5
V. ASSESSMENT 5 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:
(Learning Activity Sheets for Kilalanin ang anyo ng mga awit sa ibaba. Isulat sa kuwaderno ang
Enrichment, Remediation or
Assessment to be given on Weeks
UA kung ito ay nasa anyong unitary at SA kung nasa anyong strophic.
3 and 6) 1. Si Marie
2. Bahay Kubo
3. Sitsiritsit
4. Twinkle Little Star
5. Baba Black Sheep
6. Rain, Rain Go Away
7. Are You Sleeping?
8. Ang Pipit
9. Ako ay may Lobo
10. Row, Row, Row Your Boat
VI. REFLECTION Sa iyong kuwaderno, magsulat ng nararamdaman o realisasyon gamit ang
mga sumusunod na prompt:
Nauunawaan ko na _____________________________________________________.
Nababatid ko na ________________________________________________________.
Kaillangan kong higit pang matutuhan ang tungkol sa
_________________________________________________________________________.

Prepared by: Luciana B. Aclan Checked by: Reginal Grafil / Arthur M. Julian
Personal na Pagtatása sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa
pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong
pagpili.
-Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko
ang aralin.
-Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan
ko ang aralin.
-Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan
ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain sa Pagkatuto LP Gawain sa Pagkatuto LP Gawain sa Pagkatuto LP Gawain sa Pagkatuto LP
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8

You might also like