You are on page 1of 2

MUSIC

Ikatlong Markahan –
Aralin 1: Mga Anyo ng Musika

Sa Modyul na ito ay ating matutunan ang iba’t ibang uri ng anyo ng musika (MU5FO-IIIa-1)
at inaaasahang makakamit ang mga sumusunod:
a. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng anyo ng musika tulad ng unitary at strophic.
b. Nakakaawit ng mga awiting unitary at strophic.
c. Napapahalagahan ang mga unitary at strophic na mga awitin.

Ang mga Anyo ng Musika ay isang mahalagang elemento na tumutuon sa disenyo at


estruktura ng musika.

Ang unitary ay isang anyo ng musika na tumutuon sa disenyo o istruktura na may


isang berso lamang na di inuulit ang pag-awit. Madalas ang mga maiikling awitin o mga
awiting tulad ng nursery rhymes ay nasa anyong unitary. Ang mga note na nakasulat sa
staff ang nagsasaad ng melody o tono ng ‘Pilipinas Kong Mahal’ at makikita mo dito na ang
melody na ito ay hindi inulit.

Makikita mo rin sa iskor ng awit na ito ay mayroon lamang iisang saknong o verse ng
titik o lyrics. Ang simbolong ginagamit para sa awit na nasa anyong unitary ay ‘A’.

melody

Isa pang simpleng anyo ng musika ay ang strophic. Ang isang awitin o musika ay
maituturing na may anyong strophic kung ito ay mayroong iisang melodiya na paulit-ulit
sa bawat berso ng buong awit. Kahit magbago ang mga titik ng awit, ang melodiya nito ay
mananatiling pareho lamang sa buong awit.

Ang ‘Leron, Leron Sinta’ ay isang halimbawa ng tagalog folk song. Ito ay nasa anyong
strophic. Ang anyong strophic ay isang anyo ng musika na may iisang melody rin pero
inuulit-ulit ito. Maaaring may dalawa o higit pa itong verses na magkaiba o magkapareho
ngunit inuulit-ulit lamang ang melody nito. Makikita na ang ‘Leron, Leron Sinta’ ay may
iisang melody lamang pero mayroon itong apat na magkakaibang verses.

‘A’ din ang ginagamit na simbolo para sa mga awit na nasa anyong strophic. Pero ito
ay inuulit-ulit depende kung ilang beses mong inulit ang melody ng awit. Halimbawa, apat
na beses inulit ang melody ng ‘Leron, Leron Sinta’ kaya ang simbolo ng anyo nito ay apat
na A o ‘AAAA’. Kung ang melody ay dalawang beses mong inulit ang simbolo nito ay ‘AA’ at
kung tatlong beses naman ay ‘AAA’.

Mas madali nating nakakabisado ang melody ng kanta kung ito ay nasa anyong
strophic.

melody

verses

You might also like