You are on page 1of 2

PAGSUSULIT SA PAGSULAT NG

REBYU/PAGSUSURI NG PELIKULA GRADE 8

Panuto: Piliin ang tamang sagot.

1. Ito ay isang paraan ng pagpapahalaga sa sining ng pelikula kung saan ang manunuri ay
maingat na nagtitimbang at nagpapasya sa katangian nito.
A. Pagsulat ng Iskrip
B. Pagsulat ng Rebyu o Pagsusuri
C. Panonood ng Pelikula
D. Paggawa ng Pelikula
2. Sa iyong palagay, ano ang pinakatema ng pelikulang Anak na pinagbibidahan ni Vilma
Santos?
A. Tungkol sa kahirapan
B. Tungkol sa korapsyon
C. Tungkol sa pag-iibigan
D. Tungkol sa edukasyon

3. Ang elementong ito ay tumutukoy sa istorya o sa mga pangyayari kung saan umiikot ang
pelikula.

A. Cinematography
B. Kuwento
C. C.Diyalogo
D. Tema

4. Ang elementong ito ay ang paksa ng pelikula. Ito rin ang diwa, kaisipan, at pinakapuso ng
pelikula. Ano ito?

A. Tema
B. Tauhan
C. Pamagat
D. Diyalogo

5 Ang elementong ito ay siyang naghahatid ng mensahe ng pelikula at panghatak nito.

A. Diyalogo
B. Pamagat
C. Tauhan
D. Iba pang Aspektong Teknikal
6. Tumutukoy sa mga gumaganap at nagibigay kuwento sa pelikula. Sa pagsusuri ay
pinatutuonan ng pansin ang kalinawan ng karakterisasyon nila, kaangkopan at pagiging
makatotohanan sa kanilang karakter.

A. Diyalogo
B. Pamagat
C. Iba pang Aspektong Teknikal
D. Tauhan

7. Sa pagsusuri ng elementong ito, pinagtutuonan ng pansin ang kaangkopan sa paggamit ng


lenggwahe ng mga tauhan. Ano ito?

A. Diyalogo
B. Pamagat
C. Cinematography
D. Tauhan

8. Ito ay matapat na paglalarawan sa buhay ng pelikula. Sa pagsusuri ng elementong ito


pinatutuonan ng pansin ang kahusayan ng anggulo na kinunan na naipakita ang kaisipang nais
palutangin.

A. Iba pang Aspektong Teknikal


B. Diyalogo
C. Cinematography
D. Tauhan

9. Ito paglalapat ng tunog sa pelikula, pagpapalit-palit ng eksena, special effects, editing. Ano
ang tawag ditto?

A. Iba pang Aspektong Teknikal.


B. Cinematography
C. Pamagat
D. Diyalogo

10. Sa pelikulang Anak, tama ba ang ginawang pagrerebelde ni Carla sa kanyang Ina?

A. Oo, dahil hindi sila naalagaan ng kanyang Ina


B. Oo, dahil hindi nakapunta ang kanyang Ina ng mamatay ang kanyang ama
C. Hindi, dahil hindi niya alam ang pinagdaanan ng kanyang Ina ng nasa ibang bansa
ito.
D. Hindi, dahil naghirap ito para sa mabuhay lamang silang magkakapatid,

You might also like