You are on page 1of 4

Department of Education

Region III
Division of Nueva Ecija
PEÑARANDA NATIONAL HIGH SCHOOL
Peñaranda, Nueva Ecija

Mga Gawaing Pampagkatuto


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
Ikatlong Markahan, Ika-unang Linggo

Pangalan: _________________________________________ Petsa:_________________


Baitang:___________________________________________________________________
KATARUNGANG PANLIPUNAN

I. Kasanayang Pampagkatuto

Nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan (EsP9KP-III-9.1)

Nakapagsusuri ng mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga tagapamahala


at mamamayan (EsP9KP-IIId-9.3)

II. Layunin

Natutukoy ang pangangailangan ng kapwa o pamayanan na kailangang tugunan.

Natutukoy ang mga paglabag sa mga katarungang panlipunan ng mga


mamamayan.

III.Mga Gawain
Gawain 1 PAMIMILI

Panuto: Basahin ang mga katanungan at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat sa patlang
ang sagot.

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa sagutang papel.
______1. Ano ang katarungan?
a. Paggalang sa sarili. b. Pagsunod sa batas.
c. Pagtrato sa tao bilang kapwa. d. Lahat ng nabanggit.
______2. Ano ang tamang pagpapatupad sa katarungan?
a. Ikulong ang lumabag sa batas. b. Patawarin ang humingi ng tawad.
c. Tumawid sa tamang tawiran. d. Bigyan ng limos ang namamalimos.
______3. Sino ang may tungkuling ipatupad ang batas?
a. mamamayan b. pamahalaan
c. pulis d. Lahat ng nabanggit.
______4. Bakit kailangan ng mga batas?
a. Upang matakot ang mga tao at magtino sila.

1
b. Upang magabayan ang mga tao sa tamang pagkilos.
c. Upang parusahan ang mga nagkakamali.
d. Lahat ng nabanggit.
______5. Alin sa mga sumusunod ang hindi makatarungan?
a. Ang pagbibigay ng bagsak ng grado sa hindi nakakatupad sa mga
kakailanganin sa klase.
b. Ang pagpatay sa mga nahuling kargador ng droga sa Tsina
c. Ang pagbigay ng limos sa namamalimos sa kalye
d. Wala sa nabanggit.
______6. Alin sa mga sumusunod ang pagpapamalas ng katarungan?
a. Pagsumbong sa guro ng kaklaseng nangongopya.
b. Pagpapautang ng 5-6.
c. Pagturing sa mga fixer ng lisensya bilang kapwa-naghahanap-buhay.
d. Wala sa nabanggit.
______7. Ang mga sumusunod ay mga panukalang makatarungan maliban sa:
a. “Mata sa mata, ngipin sa ngipin.”
b. “Kunin mo lamang ang kailangan mo.”
c. “Walang sala hanggat hindi napapatunayang nagkasala.”
d. “Tulungan ang lahat ng nanghihingi ng tulong.”
______8. Ang katarungang panlipunan ay:
a. ideyal lamang at hindi mangyayari sa talaga. b. ukol sa parehong komunidad at sarili.
c. pinatutupad ng pamahalaan. d. Wala sa nabanggit.
______9. Nagsisimula ang katarungang panlipunan sa:
a. sarili. b. pamahalaan.
c. lipunan. d. Diyos.
______10. Nakapaloob sa katarungang panlipunan ang mga sumusunod:
a. batas, kapwa, sarili. b. Diyos, pamahalaan, komunidad.
c. baril, kapangyarihan, rehas. d. batas, konsensya, parusa.
______11.Ang katarungan ay pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya. Alin sa mga
sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita nito?
a. kumakain nang sabay-sabay ang mga miyembro ng pamilya.
b. pinapayuhan ang kapatid na gawin ang kaniyang Gawain bahay.
c. May Feeding Program ang paaralan para sa mga mag-aaral na kulang ng timbang.
d. May bumilbili sa lahat ng paninda ng tindera sa palengke upang makauwi ito ng maaga.
______12. Alin sa mga sumusunod ang kilos ng isang makatarungang tao?
a. PInaguusapan ng mga mangggagawa ang kasalukuyang nangyayari sa sistemang legal
ng bansa.
2
b. Inalam ng mga mag-aaral ang knilang tungkulin at karapatan sa lipunan.
c. Binisita ng guro ang mga mag-aaral na ayaw nang pumasok upang bumalik ito sap ag-
aaral
d. Nagkikita-kita nga mga kabataang lalaki tuwing sabado upang maglaro ng basketbol.
______13. Ano ang pangunahing prinsipyo ng katarungan?
a. Palaging nakasasalamuha ang kapuwa
b. Paggalang sa karapatan ng bawat isa
c. Tutulong ang mga mamamayan sa mga mahihirap
d. May ugnayan na namamagitan sa dalawang tao
______14. Bakit isinasaalang-alang ng katarungang panlipunan ang paggalang sa dignidad
ng tao?
a. Binubuo ng tao ang lipunan.
b. Magkakasama na umiiral ang lipunan ang mga tao.
c. Mahalaga ang pakikipagkapuwa sa lipunang kinabibilangan.
d. May halaga ang tao ayon sa kaniyang kalikasang taglay bilang tao.
______15. Alin ang nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan?
a. Natututong tumayo sa sarili at hindi umaasa ng tulong mula sa pamilya.
b. Nagiging bukas ang loob na tumatanggap sa pagkakamali at hindi naninisi ng iba.
c. Nagkakaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at mga kapatid.
d. Nagagabayan ng mga mahal sa buhay na lumalaking may paggalang sa karapatn ng
iba.

Gawain 2
Panuto: Tukuyin ang paglabag sa Katarungang Panlipunan ng mga mamamayan. Isulat ang
mga ito sa talahanayan.

Mga Paglabag sa Sanhi o Dahilan Epekto sa Buhay Epekto sa Paraan ng


Katarungang ng Tao Lipounan Paglutas
Panlipunan
Halimbawa:
-pagnanakaw -kahirapan -Makukulong -Magulong -Maghanap
ang may sala lipunan ng matinong
-Masisira ang trabaho
pangalan
1.

3
2.

3.

4.

5.

IV. SANGGUNIAN
Gayola, G. et.al. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para
sa Mag-aaral. Pag-aari ng Kagawaran ng Edukasyon.

You might also like