You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG

PILIPINO 11
S.Y. 2020-2021
(WEEK 4)
MID TERM
TIME ALLOTED: 2 HRS

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa
lipunang Pilipino.
B. Pamantayan sa Pagganap
Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong kultural
o lingguwistiko ng napiling komunidad.
C. Mga Pamantayan sa Pagkatuto
A. Naipapaliwanag ang heograpikal, morpolohikal at ponolohikal na varayti ng wika.
B. Nasasabi kung ang mga halimbawang pangungusap ay nagpapakita ng varayti ng
wika sa heograpiya, morpolohiya at ponolohiya.
C. Nakapagtatala ng mga tiyak na halimbawa ng varayti sa heograpiya, morpolohithjya,
at ponolohiya partikular sa mga wika sa Pilipinas

II. Paksang Aralin


Aralin 4 : Heograpikal, Morpolohikal, at Ponolohikal na Varayti ng Wika

III. Kagamitang Panturo


1. Sanggunian
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, Pahina 61-67
2. Iba pang Kagamitang Panturo
Laptop, Powerpoint Presentation at Textbook

IV. Proseso ng Pagkatuto

A. Pagbati sa klase
Ang katahimikan ang ibigay sa akin.
Makinig sa aking sasabihin
Ang mapupulot na kaalaman ay ipunin
Dahil sa bawat letra,salita,pangungusap na aking sasambitin
Makukutulong ito upang baonin
Sa magandang kinabukasan na haharapin.

B. Pagdarasal

Bago tayo magsimula, gabay sa panginoon ay kailangan. Tatawag ang guro ng isang
mag-aaral na siyang mangunguna sa panalangin

C. Pagsasaayos ng klase

Sa pagkakataong ito, ibibigay ko muna ang dapat tandaan.Magkakaroon muna ng tsek


at tatawagin itong “VARAYTI Tsek”.

D. Pagtatala ng liban

Ating alamin kung sino ang nawawala. (Ang guro ay tatawag ng ilang mag-aaral upang
sabihin kung sino ang liban ngayong araw)

E. Pagganyak
Mahuhulaan mo kaya ang kahulugan ng mga salitang nakasulat sa Hanay A? Hanapin
sa Hanay B ang sa palagay mo ay kahulugan ng bawat salita sa Hanay A. Isulat sa patlang ang
letra ng iyong sagot. Pahina 61

F. Aktibiti

Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Narinig mo nab a ang mga pahayag na “napatak ang mga dahon,” nasuray ang
dyipni,” mapurol ang ulo”? Sa anong pagkakataon oo sitwasyon mo narinigang mga ito?
2. Ano-anong bagay ang alam mong pumapatak, sumusuray at mapurol? Isulat sa
kahon ang iyong sagot.

Pumapatak Sumusuray Mapurol

G. Talakayan

Bago tayo tuluyang magtungo ang mga mag-aaral sa paksang aaralin,


kinakailangang unawain ang mga malalalim na salitang nakahain.Ihanay sa Hanay B
ang tamang pagpapakahulugan sa bawat salita sa Hanay A.

HANAY A HANAY B
1. Panlapi A. Ang pagkakaiba-ibang ito sa bigkas at
2. Tumbasan tunog ng mga salita.
3. Morpolohikal B. Ang pagkakaiba ay nasa anyo at
4. Heograpikal ispeling ng salita at hindi sa taglay na
5. Ponolohikal kahulugan nito.
C. Nasa katawagan at kahulugan ng salita
ang pagkakaiba.
D. Kapalit
E. Ikinakabit sa isang salitang-ugat
Matapos ang talasalitaan, ang guro ay may inihandang presentasyon na
kinakailangang makinig at unawain ng mga mag aaral ang pagtatalakay ng guro.

D. Abstraksiyon

Ang mga mag-aaral kinakailangang masagot ang bawat katanungan.


1. Ano ang heograpikal na varayti ng wika?
2. Ano ang morpolohikal na varayti ng wika?
3.Ano ang ponolohikal na varayti ng wika?
4. Ano/ ano-ano ang salik sa pagkakaroon ng varayti sa heograpiya, morpolohiya, at
ponolohiya?

IV. Ebalwasiyon
SALOK DUNONG. Basahin at pag-aralan ang sumusunod. Tukuyin kung ang varayti ay (A)
heorapikal; (B) morpolohikal; at (C) ponolohikal. Titik lamang ang isulat sa unahan ng bawat bilang.
Pahina 71.

V. Takdang Aralin
Bumuo ng grupong may limang miyembro. Magsagawa ng maikling saliksik sa ponolohikal at
morpolohikal na varayti ng wika. Mas mainam kung mas maraming makakalap na mga halimbawa
mula sa mga wika at diyalekto sa Pilipinas. Matapos nito, bumuo ng diyalogo na nagpapamalas ng iba’t
ibang paraan ng pagbigkas at paglalapi ng mga salita. Humandang iparinig ang diyalogo sa mga
kaklase.

Inihanda ni
_________________________________
Bb. Maybelyn de los Reyes
Guro

Iniwasto ni:
_______________________________
G. Lucio B. Guzman Jr,
Punong guro

You might also like