You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Filipino 4

Petsa:Pebrero 9, 2021 Oras: 3:30—4:30 Pangkat: Rizal-A

Pamantayang Pangninilaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa pagkakilanlang Pilipino batay sa
pagpapahalaga sa pagkakaiba-iba ng mga pamayanang pangkultural.
Pamantayan sa Pagganap:
Naipagmamalaki ang pagkakakilanlang kultural ng Pilipino batay sa pag-
unawa,pagpapahalaga at pagsusulong ng pangkat kultural, pangkat
etnolinggwistiko at iba pang pangkat panlipunan na bunga ng migrasyon at “
inter─ marriage”.
I. Kasanayang Pampagkatuto
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang pamana ng sinaunang Pilipino bilang bahagi ng
pagkakakilanlan ng kulturang Pilipino.
b. napahahalagahan ang pamana ng sinaunang Pilipino sa pang araw-araw
na buhay.
c. nakababahagi ng kaalaman sa pamamagitan ng pagsulat ng isang talata
tungkol sa pamana ng sinaunang Pilipino

II. Nilalaman
Paksa: Ang Ating Pamanang Malayo
Kagamitan: Powerpoint Presentation
Sanggunian: Curriculum Guide AP4LKE-Iie-f-7
Asignaturang Pinagsanib: ESP at Araling Panlipunan
Pagpapahalaga: Kooperasyon at pagpapahalaga sa ideya ng mag─aaral.

III. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
A.1 Dril: ”Guess Me”
Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan at hulaan kung ano ito.

A.2 Pagbabalik-aral:
Mga Gabay na Tanong
 Ano ang ang naalala ninyo sa aralin kahapon??
 Magbigay ng isang teorya tungkol sa Pinagmulan ng Filipino?

B. Panlinang na Gawain

B.1 Pagganyak- “Three Pics 1 Word”


Suriin ang mga larawan hulaan kung ano ito. Sagutin lamang ito sa loob
ng tatlong minuto.
B.2 Paghahawan ng Balakid

Pomaras. Isang alahas na hugis rosas.


Ganbanes. Isang uri ng gintong pulseras na isunuot nila sa braso
at binti.
Desinyo- paraan ng pagkakabuo ng isang bagay
Palamuti- isang uri ng bagay na ginagamit upang maging kaaya-
aya ito.
Fayu o fale.. Ito ay hugis piramide at yari sa makapal na patong ng
kugon kung kaya’t madilim ang loob nito

B.3 Paglalahad
Pagganyak na tanong:
1. Ano- ano ang pamana ng sinaunang Pilipino?
2. Ano ang pangunahing pagkain ng mga Sinaunang Pilipino?
3. Ano-ano ang mga kasuotan at palamuti ang ginagamit ng mga
ninuno?
4. Ano ang ibat-ibang uri ng tirahan ng sinaunang pilipino?
5. Ano ang kaugalian ng mga ninuno sa pagpapakasal.

B.4 Pagtatalakay

1. Pangunahing pagkain ng mga Ninuno


2. Pananamit at Palamuti
3. Mga tato
4. Mga bahay at tirahan
5. Mga kaugalian sa Pagpapakasal

B.5 Indibidwal na Gawain


Suriin mo!:
Isulat ang PSP kung ito ay kabilang sa Pamana ng Sinaunang Pilipino at HK
naman kung hindi ito kabilang . Basahing mabuti ang bawat aytem at isulat ng maayos
sa patlang ang napiling sagot. Sagutan ito sa isang kapat na papel. Sagutin lamang ito
sa loob ng (3) tatlong minuto.

_______________ 1.Bahay kubo

_______________ 2. Kotse

________________3.Fayu

________________4.Bahag

________________5.Baro at saya

________________6.Kompyuter

_______________ 7.Tato

________________8. Putong

________________9. Ispageti
_______________10. Ballpen

C. Pangwakas na Gawain

C.1: Paglalahat
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1.Ano-ano ang mga pamana ng sinaunang Pilipino ?
2. Paano mo pahahalagahan ang pamana ng sinaunang pilipino
sa pang araw-araw na buhay?

C.2: Paglalapat
Gawin mo!: Gamit ang iyong natutuhan tungkol sa Pamana ng sinaunang
Pilipino . Gumawa ng isang talata na may limang pangungusap kung bakit
mahalagang pag-aralan ang pamana ng sinaunang Pilipino. Isulat ito sa malinis
na papel. Sagutin lamang ito sa loob ng (5) limang minuto.

Rubriks
PAMANTAYAN KABUUANG PUNTOS
Malinaw na nailahad ang kaisipan 10 puntos
batay sa pagsangguni sa mga datos
na natutunan mula sa talakayan
Malinis na nasulat ang sanaysay . 5 puntos
KABUUAN 15 puntos

IV. Pagtataya:

A. Basahing mabuti ang tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ang katutubong tirahan ng mga Filipino. Ito ay yari sa mga materyales
na madaling matagpuan sa kalikasan. Hugis parisukat ito na may isa o
dalawang silid.

A. Bahay-kubo
B. Fayu
C. Rakuh
D. Torogan

2. Isang tahanan sa Mindanao na makikita ang impluwensiya ng Islam sa


artitektura ng rehiyon. Ito ay hindi pangkaraniwang tahanan sa
sultanato, bagkus ay para sa datu.

A. Bahay-kubo
B. Fayu
C. Rakuh
D. Torogan

3. Ito ay kaibang tahanang nabuo sa batanes dulot ng lokasyon nito. Ito


ay binubuo ng dalawang silid: ang rakuh kung saan matatagpuan ang
sala at tulugan at ang kusina.

A. Bahay-kubo
B. Fayu
C. Rakuh
D. Torogan

4. Isang uri ng gintong pulseras na isunuot nila sa braso at binti.


A. Baro at saya
B. Pomaras
C. Kanggan
D. Putong

5. Ito ibinabalot ng mga kalalakihan sa kanilang ulo.Sinasalamin din ng


putong ang katangiang may suot nito.

A. Baro at saya
B. Pomaras
C. Kanggan
D. Putong

B. ENUMERASYON: Sagutin ang sumusunod na tanong.

A. Magbigay ng limang (5) pangunahing pagkain ng mga sinaunang


pilipino.
1.
2.
3.
4.
5.
B. Ano ang apat (4) na uri ng tirahan ng mga sinaunang Filipino.
1.
2.
3.
4.

V. Pagpapayamang Gawain
Panuto: Bumuo ng isang slogan tungkol sa kahalagahan ng pamana ng
sinaunang pilipino. Ito’y di dapat lumagpas sa (10) sampung salita. Isulat ito
sa sangkapat na bahagi ng kartolina na ginupit ng parihaba.Sundin Ang
pamantayan sa pagsulat ng slogan.

Rubriks
10 puntos 5 puntos
Nilalaman Ang mensahe ay Di gaanong naipakita ang
mabisang naipapakita mensahe.
Pagkamalikhain Napakaganda at Maganda at malinaw ang
napakalinaw ng pagkakasulat ng mga titik.
pagkakasulat ng mga titik
Kaugnayan May malaking kaugnayan Di gaanong may
sa paksa ang islogan kaugnayan sa paksa ang
islogan.
Inihanda ni: Escabusa, Jade Loi
Espiritu,Maricel

You might also like