You are on page 1of 2

ANGELICA LEIANNE M.

LOPEGA
BSBA – Operations Management

“Unang-una. Nagiging
taksil ang ilan dahil sa
kaduwagan at kapabayaan
ng iba.”

“Ikalawa. Ang taong nagpapaalipusta


ay kulang ng pagmamahal sa sarili at
labis na nasisilaw sa umaalipusta.”

“Ikatlo. Ang
kamangmangan ay
pagkaalipin; sapagkat
kung ano ang isip ay
ganoon ang tao: ang taong
walang sariling isip ay
taong walang pagkatao;
ang bulag na tagasunod sa
isip ng iba ay parang hayop na susunod-sunod sa tali.”

“Ikaapat. Kapag nagtago


ka, para mo na ring
hinimok ang ibang
magtago rin, dahil kung
pabayaan mo ang iyong
kapwa ay pababayaan ka
rin naman; madaling
baliin ang nag-iisang
tingting, pero mahirap
baliin ang isang bigkis
na walis.”

“Ikalima. Kung hindi


magbabago ang babaeng
Tagalog, hindi siya
dapat magpalaki ng
anak, at sa halip ay
gawing paanakan lamang; dapat alisin sa kaniya ang kapangyarihan sa bahay,
sapagkat kung hindi ay walang-malay niyang ipapahamak ang asawa, anak, bayan, at
lahat.”
“Ikaanim.
Ipinanganak ang
tao na pare-
parehong hubad
at walang tali.
‘Di sila nilikha ng
Diyos upang
maalipin, ‘di
binigyan ng isip
para
magpabulag, at
‘di biniyayaan ng katwiran upang maloko ng iba. Hindi pagmamataas ang hindi
pagsamba sa kapwa-tao, ang pagpapaliwanag ng isip, at pagiging tuwid sa anumang
bagay. Ang mapagmataas ay ang nagpapasamba, ang nambubulag sa iba, at ang ibig
panaigin ang kaniyang gusto sa matuwid at tama.”

“Ikapito. Pagnilayan ninyong


maigi kung ano ang relihiyong
itinuturo sa atin. Tingnan
ninyong mabuti kung iyan ba
talaga ang utos ng Diyos o ang
pangaral ni Kristong panlunas
sa hirap ng mahirap, pang-aliw
sa dusa ng nagdurusa.
Alalahanin ninyo ang lahat ng
itinuturo sa inyo, ang
pinatutunguhan ng lahat ng
sermon, ang nasa kaibuturan ng
lahat ng misa, nobena, kuwintas,
eskapularyo, larawan, milagro,
kandila, sinturon, at iba’t iba
pang iginigiit, inihihiyaw at
idinidiin araw-araw sa inyong
loob, tainga, mata. Hanapin
ninyo ang puno’t dulo at
ihambing ninyo ang relihiyon sa
malinis na relihiyon ni Kristo. At
tingnan kung ang inyong pagka-
Kristiyano ay kapareho ng
inaalagaang gatasang hayop o
kaya ng pinatatabang baboy, na
pinatataba hindi dahil sa
pagmamahal sa kaniya, kundi
upang maipagbili nang mas mahal at nang lalong pagkakitaan.”

You might also like