You are on page 1of 7

Learning Activity Sheet

Ikatlong Markahan Markahan


Ikalawang Linggo
FILIPINO 10
Pangalan: __________________________________________Lebel:______________
Seksiyon:___________________________________________Petsa:______________
GAWAING PAMPAGKATUTO
Anekdota Mula sa Persia
Aralin 1: Anekdota Mula sa Persia
Panimula (Susing Konsepto)

Ang anekdota ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng


isang tao. Layon nito ay makapagpabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y
magagawa lamang kung ang karanasan o pangyayari ay makatotohanan

Isang malikhaing akda ang anekdota. Pangunahing layunin nito ang ipabatid ang katangian ng taong
pinapaksa. Dapat na ang bawat pangungusap ay kukuha ng interes ng mambabasa. Dapat na ang panimulang
pangungusap ay kapana-panabik. Ang isang magandang panimula ay magbibigay ng pagganyak sa
mambabasa at mahihikayat na ipagpatuloy ang pagbasa ng anekdota. Iba pang layunin ng anekdota ay ang
sumusunod: mang-aliw,manghikayat,magpaalala,makapagturo ng pag-iingat,makapaglarawan ng katangian,
gawi, asal ng tauhan, at magbigay inspirasyon.

Naririto ang ilang katangian ng anekdota:

May isang paksang tinatalakay. Ito ay dapat bigyan ng kahulugan sa pagsulat ng anekdota. Lahat ng
mga pangyayari ay dapat mabigyan ng kahulugan sa ideyang nais ilahad. Ang isang anekdota ay nagdudulot
ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais nitong ihatid sa mga mambabasa. Di dapat mag-iwan ng anumang
bahid ng pag-aalinlangan na may susunod pang mangyayari.

Mga paalala sa pagsulat ng sariling anekdota:

Ano ang layunin mo sa pagsulat nito at para saan mo ito gagamitin upang maging angkop ang iyong
paksa.
Maayos na paglalahad ng mga detalye ng pangyayari. Maging espisipiko sa paglalarawan ng mga pangyayari
sa mga lugar, panahon o oras. Sundin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ayon sa elemento
nito. Sikaping mailahad ang kasukdulan sa kapana-panabik na bahagi sa bandang dulo na kuwento. Gumamit
ng mga payak o simpleng mga salita para mas madali ang pagkaunawa ng mambabasa o nakikinig. Sa
bahaging wakas, bigyang diin ang layunin kung bakit ito isinulat.

Panuto: Basahin at unawain ang halimbawa ng Anekdota.

Mula sa mga Anekdota ni Saadi


Persia (Iran) ni Idries Shah
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Mongheng Mohametano sa kaniyang pag-iisa.

Isang araw, ang Mongheng Mohametano ay nag-iisa at namamanata sa disyerto. Ang Sultan
naman na namamaybay sa kanyang ruta, sa kanyang nasasakupan ay matamang nagmamasid sa mga tao.
Nakita niya na hindi nagtaas ng kanyang ulo ang Mongheng Mohametano habang dumadaan siya.

Nagalit ang Sultan at nagwika “Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya ng
hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at kababaang loob.”

Kung kaya’t ang vizier o ministro ay nagwika “Mongheng Mahametano! Ang Sultan ng buong
mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit hindi mo siya binigyan ng kaukulang paggalang?”

Sumagot ang Mongheng Mohametano, “Hayaan mong ang Sultan ang magbigay ng paggalang
para hanapin ang magbebenipisyo sa kanyang magandang gawa. Sabihin mo sa kaniya, ang hari ay
nilikha para sa kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan para paglingkuran
ang Sultan.”

Kasanayang Pampagkatuto:
1. Nasusuri ang binasang anekdota batay sa paksa, tauhan, tagpuan, motibo ng awtor, paraan ng
pagsulat, at iba pa;(F10PB-IIIb-81)
Gawain 1:Ating Palawakin: Punan ang bawat kahon ng tamang sagot.

Mullah Nassredin

Paksa ng Anekdotang Binasa

Ano ang mga katangian ang Ano kaya ang nadama ng mga
nangingibabaw sa anekdotang tauhan at nadama mo rin
binasa? pagkabasa mo sa anekdotang ito?

Ano-ano kaya ang mga motibo ng awtor Base sa iyong mga nabasa, masasabi mo
sa paglalahad ng mga anekdotang ito? ba kung ano ang isang anekdota at sa
paanong paraan ito maaaring magamit?

Ano-anong mga aral ang taglay ng anekdotang binasa na magagamit sa pang-araw-araw na


pakikisalamuha sa kapwa?

Aralin 2: Ang Panlapi


Panimula(Susing Konsepto)

Ang panlapi ay isang morpema na ikinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo ng isang salita. Ito ay
ikinakabit sa salitang-ugat na may taglay na kahulugan. Ang payak na salita/salitang-ugat ay maaaring magbigay
ng ibat-ibang pakahulugan kapag ito ay ginamitan o dinagdagan ng panlapi. Nagbabago kasi ang kahulugan ng
mga salita depende sa paraan ng paglalapi.

Mga Uri ng Panlapi

1. Unlapi. Ginagamit sa unahan ng salitang ugat. Ang madalas na ginagamit na mga unlapi ay ma-, (mag-, na-,
nag-, pag-, pala-)
Tandaan: ang pagkakasulat ng unlapi ay nasa hulihan ang gitlin)
Halimbawa: mabait, magtanim, pagbasa

2. Gitlapi. Ginagamit sa gitna ng salitang ugat. Ang mga madalas ginagamit na mga gitlapi ay -um, at -in
Tandaan: ang pagkasulat ng gitlapi ay nasa unahan at hulihan ang gitling
Halimbawa: tumakbo, kinain, sumayaw, pinalitan

3. Hulapi. Ito ay nasa huli ng salitang-ugat. Ang karaniwang ginagamit na hulapi ay -an, -han, -in, -hin.
Tandaan: ang pagkakasulat ay nasa unahan ang gitling
Halimbawa: palitan, basahin, diligan, puntahan

4. Kabilaan. Ito ay nasa unahan at hulihan ng salitang-ugat. Ang karaniwang ginagamit sa kabilaan
karaniwang ginagamit sa kabilaan ay magka-, m/nag-, pag-, -an, -in,-han, -hin.
Halimbawa: magkatuwaan, pagsabihan, nag-awitan, pagsabayin

5. Laguhan. Ito ay nasa una, gitna at huling bahagi ng salitang-ugat.


Halimbawa: pagsumikapan, magdinuguan

Ang salitang maylapi ay binubuo ng salitang-ugat at panlapi. Napag-alaman mo na ang tungkol sa mga uri ng
panlaping unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan at laguhan. Ito ay ikinakabit sa salitang-ugat.

Kasanayang Pampagkatuto:
1. .Nabibigyang-kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi; (F10PT-IIIb-76)
Gawain 1: Kilalanin ang kahulugan ng mga salita batay sa ginagawang paglalapi. Piliin ang tamang
sagot at isulat sa sagutang papel.
_______1. nasasakupan a. nakapaloob sa kanilang pamamahala
_______2. sinakop b. balak na ipasailalim sa kanilang pamamahala
_______3. sumakop c. taong siyang namamahala sa pagsakop
_______4. sasakupin d. lugar na napsailalim ng kanyang pamamahala
_______5. nasakop e. kabuuang nasa ilalim ng kanyang pamahala
Aralin 3: Apat na Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo
Panimula (Susing Konsepto) Nakatutulong sa ating lahat ang pagiging isang mahusay na tagapagsalita dahil ito
ang isa sa pinakamahalagang kasanayan na pwede mong matutuhan dahil magagamit mo ito kahit saan at kahit
kailan. Upang maging isang masanay na komunikatibo, may apat na komponent o sangkap na kailangan mong
matutuhan ayon kay Michael Canale at Merril Swain.

1. Gramatikal. Ito ang sangkap kung saan nagbibigay-kakayanan sa nagsasalita kung paano bigkasin sa
wastong kaayusan ang mga salita/pangungusap na kanyang ginagamit at kung angkop ang kanyang ginagamit na
mga salita. Mahalaga ang komponent na ito upang magkaintindihan kayo ng kausap mo dahil maaaring maging
sanhi nang hindi pagkakaunawaan kapag hindi wasto ang paggamit ng balarila at epektibo ito sa pagbuo ng salita,
tamang pagbigkas, pagbabaybay at maging sa pagbibigay kahulugan ng salita. Ang mga tanong na sinasagot ng
gramatikal na komponent ay:

*Anong salita ang angkop gamitin?

*Paano magagamit nang tama ang mga salita sa mga parirala at pangungusap?

2. Sosyo-lingguwistik. Ito ang sangkap na magagamit nang nagsasalita ang kalawakan ng kanyang bocabularyo at
ang pagpili ng salitang naaangkop sa sitwasyon at sa kontekstong sosyal ng lugar kung saan ginagamit ang wika.
Dapat alam ng nagsasalita ang paggamit ng angkop sa anomang pagkakataon. Dito makikilala ang pagkakaiba ng
isang taong mahusay lang magsalita kompara sa isang katutubong nagsasalita ng wika. Ang mga tanong na
sinasagot ng sosyo-lingguwistik komponent.

*Anong salita o parirala ang angkop sa particular na lugar at sitwasyon?

*Paano maipahahayag nang maayos at hindi mabibigyan ng iba o maling interpretasyon ang inilalahad na
paggalang, pakikipagkaibigan, paninindigan, at iba pa?

3. Diskorsal. Ito ang sangkap na nagbibigay kakayahan sa nagsasalita na ipalawak ang mensahe upang mabigyan
ng wastong interpretasyon ang salita at mapahayag ang mas malalim na kahulugan nito. Ang komponent na ito ay:

*Sa paanong paraan ang mga salita, parirala, at pangungusap ay mapagsama-sama o mapag-ugnay-ugnay
upang makabuo ng maayos na usapan, sanaysay, talumpati, e-mail, artikulo, at iba pa?

4. Strategic. Ito ang sangkap na nagagamit ng nagsasalita ang berbals upang wasto niyang maipahayag ang
kanyang mensahe at maiwasan o maisaayos ang hindi pagkaunawaan o mga puwang sa komunikasyon.
Nakatutulong din ang mga hindi berbal na hudyat sa pagsasalita kagaya ng kumpas ng kamay, tindig, at
ekspresyon ng mukha upang mailahad ang tamang mensahe. Ang mga tanong na sinasagot ng strategic
component.

Kasanayang Pampagkatuto:.Nagagamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa pagsulat at


pagsasalaysay ng orihinal na anekdota. (F10WG-IIIb-72)
Gawain 1: Tukuyin Mo! Panuto: Tukuyin kung anong kasanayang komunikatibo ang kailangang linangin
sa sumusunod na sitwasyon. Isulat ang gramatikal, sosyo-lingguwistik, diskorsal, o strategic.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

__________1. Ang isang dayuhang mag-aaral ay nahihirapang makisalamuha sa mga kaklase dahil
hindi pa niya masyadong nauunawaan ang wikang Filipino. Sinisikap niyang magamit ang angkop
at mabigkas ng maayos ang wikang Filipino.
__________2. Nagtatalo ang dalawang lasingero sa pinagyayabang ng isa na ang kanilang pating
ang napatayog kung lumipad samantalang ang isa ay nagsasabing ang kanilang pating ay mabilis
lumangoy. Bangayan sila nang bangayan.
_________ 3. Magtatapos na ang pasukan at abala na ang lahat para kompletuhin ang mga
requirements. Hindi matapos-tapos ni Hannah ang kanyang sulating pangwakas dahil nag-
aalangan siya sa kanyang ginawang komposisyon. Nahihirapan siyang pag-ugnay-ugnayin ang
kanyang mga kaisipan.
________ 4. Nadatnan ni Tess sa bahay ang anak na iyak nang iyak. Itinuturo nito ang isang laruan
na hindi niya maabot. Hindi pa kasi ito marunong magsalita.
________ 5. May biglang tumawag sa cellphone ng titser habang maingay ang mga bata. Inilagay
ng guro ang kanyang hintuturo sa labi sabay sutsut bago sinagot ang cellphone. Tumahimik naman
ang mga bata.
Aralin 4: Pagsulat ng Anekdota
Panimula (Susing Konsepto)
Sa araling ito ay susulat ang mag-aaral ng kanyang sariling anekdota. Mayroong ibat-ibang paraan ng
paglalahad ng anekdota. Maaari kang pumili ng isa sa mga paraang nakalahad sa ibaba. Kailangang muli
mong iayos ang orihinal na anekdota upang umayon sa pormat na pipiliin mo.
Isalaysay o ilahad ang iyong nabuong anekdota sa pamamagitan ng isa sa mga sumusunod na mga
paraan:

 Diyalogo (magpapalitan ng mga linya o magsasagutan ang dalawang tao upang mailahad ang
nilalaman ng anekdotang isinulat)
 Monologo (mag-isang maglalahad ng mga pangyayari sa anekdota habang nakikinig ang iba)
 Soliloquy (mag-isang maglalahad ng anekdota sa entablado nang walang ibang tauhang makaririnig
maliban sa tagapanood.)
 Komik-istrip (mailahad ang iyong anekdota kung mahusay ka sa pagguhit at pagbuo ng komik-istrip)
Komiks- isang grapikong midyum na bonubuo ng diyalogo, mga salita at larawan
na siyang nagsasalaysay sa diwa ng kuwento.
Mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng Komik Istrip
1. Alamin ang sariling hilig o istilo
2. Tukuyin ang pangunahing tauhan
3. Tukuyin ang tagpuan
4. Tukuyin ang balangkas ng kwento
5. Ipokus ang atensyon sa diyalogo at daloy ng kwento.
6. Ayusin at pagandahin ang gawa.
Mga Bahagi ng Komiks
1. Kahon ng salaysay
2. Kuwadro
3. Pamagat ng Kuwento
4. Larawang guhit ng tauhan
5. Lobo ng usapan

Kasanayang Pampagkatuto:
Naisusulat ang isang orihinal na komik strip ng anekdota.(F10PU-IIIb-79)
Gawain 1: Panuto: Kilalanin ang mga bahagi ng komiks. Punan ang patlang ng tamang sagot. Isulat
ang tamang sagot sa sagutang papel.
_________ 1. Dito nakapaloob ang lahat ng nais ilahad sa pahina ng komiks.
_________ 2. Nakasulat ang pagsasalaysay ng pangyayari.
_________ 3. Sa pinakaharapan at pinakaitaas na bahagi ng komiks.
_________ 4. Dito nakasulat ang usapan ng mga tauhan.
_________ 5. Ito ang mga anyo ng tauhan sa kuwento.
Gawain 2: Tama o Mali: Ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng komiks.
Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M naman kung ito ay mali. Isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel.
__________1. Alamin ang sariling hilig o istilo
__________2. Huwag tukuyin ang pangunahing tauhan
__________3. Ilarawan ang tagpuan
__________4. Pagagandahin ang guhit at ayos ng komiks.
__________5. Ipokus ang atensyon sa diyalogo at daloy ng kwento.

Repleksyon:
Itala ang kaalamang iyong natutuhan mula sa araling natalakay.
_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Susi ng Pagwawasto:
Aralin 2 Aralin 3 Aralin 4
1. A 1. Gramatikal 1. kuwadro
2. D 2. Sosyo-lingguwistik 2. Kahon ng pagsasalaysay
3. C 3. Diskorsal 3. pamagat
4. B 4. Strategic 4. Lobo ng usapan
5. E 5. Strategic 5. Laraang guhit ng tauhan
Gawain 2
1. T
2. M
3. T
4. T.
5. T

You might also like