You are on page 1of 1

Ayman M.

Mangangarig
Replektibong Sanaysay

Batay sa aking napanood hinggil sa paksang sulat ni Tatay para sa anak, ito ay
nakakaantig ng damdamin. Ang pagmamahal mula sa ating ama ay taos puso na pagmamahal
ang ipinapakita sa kanilang mga anak. Ang pagmamahal mula sa magulang ay ang nagtutulak
sa kanila na gawin ang lahat, tulad ng pagtratrabaho, pag-aaruga, pagsasakripisyo alang alang
sa kanilang mga kayamanan, sa kanilang mga anak.

Mula pagkabata natin lagi tayo sinusundo ng ating Tatay sa paaralan, pinoprotektahan
tayo laban sa mga kasamaan, tinutulong tayo sa paggawa ng takdang aralin. Lahat ng ito ay
sakripisyo mula kay Tatay para mabuhay ang kanilang mga anak, maging matagumpay sa
kanilang pangarap, makamit ang kanilang kagustuhan gawin. Bunga ito ng pagmamahalan sa
kanilang Tatay at pagmamahal sa kanilang anak..

Lalo pa itong makikita sa panahon ng pagpapalaki nila sa atin. Mula sa pagkain na ating
nakakain sa araw-araw, mga inumin, mga laruan, mga kasuotan at iba pang materyal na
pangangailangan natin. Sila din ang nagtuturo sa atin ng mga asal na magagamit natin sa
mundo sa labas ng ating tahanan. Kung susumahin, hanggat kailangan natin sila ay hindi nila
tayo iiwanan. Kahit na dumating ung puntong kaya na nating tumayo sa sarili natin, pwedeng
pwede natin silang takbuhan sa oras ng kagipitan.

Dahil sa letrang ito, lalo kong naisip na ang lahat ng hirap ng dinaranas ng ating mga
magulang para lang sa atin. Aking napagtanto na bilang isang anak na kanilang pinalaki ng
maayos at inalagaan ng buong puso, karapatan nilang maalagaan din sa panahon na hindi na
nila kaya. Bilang mga anak, tungkulin natin silang mahalin at arugain ng buong puso bilang sukli
sa lahat ng ginawa nila sa atin.

Darating ang panahon, magiging magulang din tayo, at ang lahat ng naranasan ng ating
mga magulang ay mararanasan din natin. Dito lubusan nating maiintindihan ang konsepto ng
pagiging magulang. Masasaktan tayo, mahihirapan, iiyak, tatawa, magagalit, at lahat lahat na
saka lang natin masasabing naging mabuting magulang nga tayo.

You might also like