You are on page 1of 3

Department of Education

Region IV-A CALABARZON


Division of Batangas
Second Quarter Assessment in
Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Pangalan: _______________________________ Petsa: _____________
Antas/Seksyon: __________________________ Iskor: _____________

I. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa puwang
bago ang bawat bilang.
_____1. Ito ay isang kilos na isinasagawa ng tao na may kaalaman, kalayaan, at pagkukusa.
a. Makataong Kilos (Human Act) b. Kilos ng Tao (Act of Man) c. Likas (Natural)
_____2. Ito ay isang kilos ng tao ayon sa kanyang kalikasan a hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob.
a. Kilos ng Tao (Act of Man) b. Makataong Kilos (Human Act) c. Likas (Natural)
_____3. Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa ng kilos ay may lubos na pagkaunawa
sa kalikasan at kahihinatnan nito.
a. Kusang-loob b. Di Kusang-loob c. Walang Kusang-loob
_____4. Uri ng kilos na may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon.
a. Di Kusang-loob b. Walang Kusang-loob c. Kusang-loob
_____5. Dito, ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos.
a. Walang Kusang-loob b. Kusang-loob c. Di Kusang-loob
_____6. Isa sa pinakamahalagang elemento ng makataong kilos na tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman
na dapat taglay ng tao.
a. Masidhing damdamin b. Kamangmangan c. Takot
_____7. Isang elemento ng makataong kilos na nagmumula sa dikta ng bodily appetites, pagkiling sa isang bagay
o kilos (tendency) o damdamin.
a. Takot b. Masidhing damdamin c. Kamangmangan
_____8. Ito ay tumutukoy sa pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anomang uri ng pagbabanta sa
kaniyang buhay o mga mahal sa buhay.
a. Kamangmangan b. Takot c. Masidhing damdamin
_____9. Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na
labag sa kaniyang kilos-loob at pagkukusa.
a. Takot b. Karahasan c. Gawi
____10. Ito ay tumutukoy sa mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa
araw-araw.
a. Karahasan b. Gawi c. Takot
II. Panuto: Tukuyin ang salik na nakaaapekto sa resulta ng kilos ng isang indibidwal batay sa mabuti o
moral na pagpapasya. Piliin ang iyong sagot sa loob ng kahon. Isulat lamang ang letra ng tamang
sagot sa puwang bago ang bawat bilang.
a. Layunin b. Paraan c. Sirkumstansya
____11. Tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob.
____12. Maituturing na pinaka pakay o pinatutunguhan ng kilos.
____13. Panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin
____14. Sa salik na ito nakapaloob na may nararapat na obheto o pakay ang isang kilos (appropriate object of the act)
____15. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan
o kasamaan ng isang kilos.
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas

III. Gamit ang talahanayan, tukuyin kung ang kilos sa unang hanay ay nagpapakita ng presensiya ng
Isip, Kilos-loob, at kung ito ay Mapanagutang Kilos. Lagyan ng tsek (/) kung ang kilos ay ginamitan
ng isip, kilos-loob, at mapanagutan, at ekis (X) naman kung hindi.
Mga Kilos at Gawain ng Tao Isip Kilos– loob Mapanagutang Kilos
16. Pagtulong sa gawaing bahay sa kabila ng pag-
aaral
17. Pagtuturo sa kaklaseng nahihirapang magsagot
ng mga Gawain sa modyul
18. Pagsusuot ng facemask at faceshield sa tuwing
lalabas ng tahanan
19. Paghikab ng malakas na hindi tinatakpan ang
bibig.
20. Pagsasalita ng masama dahil sa sobrang galit

IV. 21-30. Pag-isipan, pagnilayan at pumili kung alin ang tama sa dalawang pangungusap. Ipaliwanag
ang iyong sagot sa ilalim na bahagi ng papel.

Alin ang tama?

A. Ang kilos ng tao (act of man) ay maaring maging makataong kilos (human act).
B. Ang makataong kilos (human act) ay maaring maging kilos ng tao (act of man).

_______________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

Inihanda ni: Binigyang pansin ni:

JOVELYN M. CUADRA MA. ELIZABETH S. ANDINO, Phd.


Guro Ulong Guro
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas

You might also like