You are on page 1of 1

BALIK-ARAL SA ESP 5 (Ikatlong Markahang Pagsusulit)

I. Piliin sa ibaba ang wastong salita na tinutukoy sa bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
(maaaring maulit ang sagot)

a. Disiplina sa sarili b. Responsibilidad c. Pananagutan

_______ 1. Ito ay nangangahulugan ng pagiging responsable ng sinuman sa isang tungkulin o gawain na


kayang managot sa anumang desisyon o hakbang na kanyang gagawin.
_______ 2. Tungkuling inaasahan sa isang tao na kaakibat ng kanyang iba’t ibang papel na kailangan
gampanan nang maayos at mabuti.
_______ 3. Ginagamit ang sariling pag-iisip upang unawain ang mga nangyayari at gagawin ang tama
upang maayos ang sitwasyon.
_______ 4. Ito ang kakayahang magpatuloy sa ginagawa kahit walang nakabantay at nagsasabi kung ano
ang dapat gawin.
_______ 5. Kakayahang magtimpi o pigilan ang damdamin tulad ng galit.

II. Piliin ang wastong Responsibilidad na Pangkalahatan na tinutukoy sa bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang. (maaaring maulit ang sagot)

a. Moral na responsibilidad b. Responsibilidad sa Pamilya


c. Responsibilidad sa Pamayanan d. Responsibilidad sa Kultura
e. Responsibilidad sa Sarili

_______ 6.Ito ay pagsali sa mga gawain at pagtulong upang maging malinis at mapayapang panirahan ng inyong
pamayanan.
_______ 7. Ito ay ang kabuuang responsibilidad ng isang tao sa paggawa ng mga tama o maling gawain.
_______ 8.Tungkulin na pangalagaan ang mga paniniwala, pinagmulan at mga tradisyon na kinabibilangan.
_______ 9.Tumutukoy sa mga tungkulin o pananagutan ng bawat miyembro sa loob ng isang pamilya.
_______ 10.Ito ay paggalang at pangangalaga sa ibang tao, mga hayop, at daigdig.

Gamit ang talaan, magsulat ng tatlong bagay na ipinag-uutos ng iyong magulang. Batay sa mga utos na iyong isinulat, ano
sa palagay mo ang maaaring maging resulta o bunga ng pagsunod at di pagsunod sa mga ito?

Mga Utos Bunga ng Pagsunod Bunga ng Di-Pagsunod


1.
2.
3.

Ibigay ang hinihingi sa ibaba.

A. Tatlong (3) pagsasanay upang maging isang ganap na batang responsable.

1.
2.
3.

Ipaliwanag ang pagkakaiba ng pagiging responsable at pananagutan. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

You might also like