You are on page 1of 12

Edukasyon sa

Pagpapakatao
4
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Nakakapagtala ng tamang pag-aalaga sa sarili
at kapwa-tao.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Sonia E. Picar
Editor: Nida C. Francisco
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC, Ph.D., Josephine Z. Macawile
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Manuel A. Laguerta EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio RGC PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao
4
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 2

.
Pagtatala ng tamang pag-aalaga sa sarili at
kapwa-tao.
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Edukasyon sa Pagpapakatao 4)
Modyul para sa araling Nakakapagtala ng tamang pag-aalaga sa sarili at kapwa-
tao !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Modyul ukol


sa Nakakapagtala ng tamang pag-aalaga sa sarili at kapwa-tao!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
INAASAHAN
Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahang
makapagtatala ng tamang pag-aalaga sa sarili at kapwa-tao.

PAUNANG PAGSUBOK
PANUTO: Isulat ang T kung tama ang pahayag at M
naman kung mali ang pahayag.
_____1. Ang pagkain ng nilagang saging at kamote ay mas
mabuti kaysa sa junk foods.
_____2. Lahat ng taong matataba ay malulusog.
_____3. Dapat uminom ng walong basong tubig araw-araw.
_____4. Ang pag-eehersisyo araw-araw ay nakatutulong upang
mapabuti ang ating kalusugan.
_____5. Sapat na ang anim na oras ng pagtulog sa gabi sa batang
tulad mo.

BALIK-ARAL
Ano-ano ang mga biyayang galing sa Diyos ang isinasaad ng
bawat larawan? Isulat ang iyong sagot sa patlang.
ARALIN

Sina Cynic at Jak ay magkababata at matalik na


magkaibigan. Palagi silang magkasama saan man sila magpunta.
Pero sa di inaasahang pangyayari, sila’y nagkahiwalay. Si Cynic
na dumalaw lamang sa ate niya sa Pasig ay di na nakauwi sa La
Union simula noong nag-lockdown dahil sa pandemiya. Sinabi ng
magulang ni Cynic na doon muna siya mag-aaral ngayon taon at
labis itong ikinalungkot ni Jak. Wala naman silang internet o
cellphone para sana kumustahin ang kaibigan. Kaya naisipan ni
Jak na gumawa na lamang ng liham.
Ating basahin ang nilalaman ng liham ni Jak.
Caba, La Union
Ika-26 ng Agosto, 2020
Mahal kong Cynic,
Kumusta ka na diyan? Sana ay nasa maayos ka pa ring
kalagayan. Patuloy kong panalangin sa Diyos na nawa
matapos na pandemiyang ito at makabalik ka na rito.
Palagi akong sinasabihan ni Inay na pangalagaan ko ang
aking sarili para di ako mahawa sa sakit. Kaya kahit wala ka
rito, patuloy pa rin akong nag-eehersisyo sa may buhanginan
na paborito nating tambayan. Nakagawian ko na rin ang
itinuro mo sa akin na uminom ng gatas ng kalabaw araw-
araw. Gaya rin ng bilin lagi ni Inay, naliligo at lagi akong
naghuhugas ng kamay. Patuloy pa rin akong kumakain ng
sariwang prutas at gulay na tanim sa aming bakuran. Maaga
pa rin kaming natutulog dito dahil wala pa rin kaming
kuryente. Ikaw, baka lagi kang puyat diyan dahil sa paglalaro
mo ng computer? Ingatan mo rin sana ang sarili mo diyan at
hihintayin ko ang iyong pagbabalik.
Ang iyong kaibigan,
Jak
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Sino ang matalik na magkaibigan?
Sagot:_______________________________
2. Bakit sila nagkahiwalay?
Sagot: ______________________________
3. Anong ginawa ni Jak para kumustahin ang kaibigan?
Sagot: ______________________________
4. Ano-ano ang mga paraan upang mapangalagaan ni Jak ang
ang kanyang sarili? Itala ang iyong mga sagot.
√ ___________________________________________
√ ___________________________________________
√ ___________________________________________
√ ___________________________________________
√ ___________________________________________
MGA PAGSASANAY

Gawain 1
PANUTO: Suriin ang larawan. Lagyan ng tsek ( √ ) kung
nagpapakita ito ng tamang pangangalaga sa katawan at ekis ( X )
kung hindi.
1.___ 2. ____ 3. ____

4.______ 5. _____

Gawain 2
PANUTO: Bilugan ang kung ang pangungusap ay
nagpapahayag ng tamang pag-aalaga sa sarili at kapwa-tao.
Bilugan naman ang kung hindi.
1. Natutulog nang maaga si Dina gabi-gabi.
2. Mas gusto ni Dennis uminom ng softdrinks kaysa
tubig kapag siya ay nauuhaw.
3. Palagi pa ring nagyayakapan sina Divine at Debbie
tuwing sila’y magkikita kahit alam nila na delikado
pa ito sa panahon ng pandimeya
4.Para di makahawa sa kapwa, laging nagtatakip ng
bibig si Darwin tuwing siya’y bumabahing at umuubo.
5.Tuwing umaga, laging nag-eehersisyo sina Darra at
Danica sa loob ng kanilang bahay.
Gawain 3
PANUTO:
Magsulat ng maikling talata tungkol sa pangangalaga mo
sa iyong sarili mula paggising hanggang sa pagtulog. Punan ng
iyong pangalan upang mabuo ang pamagat.

Isang Araw sa Buhay ni _________________


__________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
__

PAGLALAHAT

PANUTO: Buuin ang mga pangungusap.


Ang pinag-aralan namin sa araw na ito ay tungkol sa
paksang _________________________________________.
Ang mga natutunan ko ngayon ay ___________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
.
PAGPAPAHALAGA

Gumawa ng isang liham. Pumili ka ng isa sa mga kaklase


mo na nais mong padalhan ng iyong liham. Ibahagi mo sa kanya
ang mga paraan mo ng pag-aalaga sa sarili at sa kapwa-tao.

___________________________

___________________________

_____________________,

__________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_________________________________________________________.

___________________________,

____________________________

___________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Pumili ng tamang salita sa loob ng kahon upang


mabuo ang mga pangungusap. Isulat sa patlang ang iyong
sagot.

masustansiya walo mahawaan


takpan umiwas

Mga paraan ng ngangalaga sa sarili at sa kapwa:


1. Palaging uminom ng _____ o higit pang baso ng tubig araw-
araw.
2. Kumain ng sapat at _____ na pagkain tulad ng prutas at gulay.
3. Magkaroon ng sapat na pahinga at _____ sa pangmatagalang
paglalaro sa computer.
4. Sa panahon ng pandemiya, iwasan muna ang yakapan at
pakikipag-kamay sa kapwa upang di makahawa o _____ ng sakit.
5.Dapat _____ ang bibig at ilong ng panyo o tissue kapag umuubo
o bumabahing.

SUSI SA PAGWAWASTO

5. takpan 5. 5. M
5. / 5. buhay
4. mahawaan 4. 4. T
4. X 4. Pagkain
3. umiwas 3. 3. T
3. / 3. Damit/kasutan
2. masustansiya 2. M
2.
2. X 2. Bahay/tahanan
1. walo 1. T
1. 1. / 1. Pamilya
Pagsubok Pagsubok
Panapos na Gawain2 Gawain 1 Balik-aral Paunang

Sanggunian
Barcelon, Villa Eden C., Cuaňo, Felicidad Q, Ang Pagyabong - Batayan at Sanayang
Aklat sa Edukasyong Pagpapahalaga sa Elementarya 4, Unang Edisyon 2009

https://ph.lovepik.com/image-501276485/sports-children-drinking-milk.html
https://www.kingofsleep.net/10-benefits-of-early-bedtime-for-your-child/
https://www.smartparenting.com.ph/life/news/study-junk-foods-cause-stunted-growth
https://community.today.com/parentingteam/post/kids-gaming-addiction-tips-
prevention_1573821960
https://phoenixptstudio.com.au/training/kids-class-bookings
https://www.dreamstime.com/emoji-reaction-isolated-vector-icons-red-yellow-green-colors-
set-icon-smile-sad-face-angry-eps-image171777844

You might also like