You are on page 1of 11

Edukasyon sa

Pagpapakatao
4
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Natutukoy ang mga biyayang handog ng Diyos
sa araw-araw.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Sonia E. Picar
Editor: Nida C. Francisco
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC, Ph.D., Josephine Z. Macawile
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Manuel A. Laguerta EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio RGC PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao
4
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 1
.

Natutukoy ang mga biyayang handog ng


Diyos sa araw-araw.
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 4
Modyul para sa araling Natutukoy ang mga biyayang handog ng Diyos sa araw-
araw!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Modyul ukol


sa Natutukoy ang mga biyayang handog ng Diyos sa araw-araw!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
INAASAHAN

Pagkatapos ng modyul na ito ang mag-aaral ay inaasahang


matutukoy ang mga biyayang handog ng Diyos sa araw-araw.

PAUNANG PAGSUBOK

Ano-ano ang mga bagay na naiisip mo kapag narinig mo ang


salitang “biyaya”? Isulat mo ang mga salitang ito sa loob ng
Bubble Map.

biyaya

BALIK-ARAL

Narito ang ilan sa mga basura na makikita sa loob ng


inyong tahanan. Ang mga ito ay patapon na at ang iba naman ay
pwede pang iresiklo. Paghiwalayin ang mga ito at ilagay sa
tamang basurahan.
bote ng suka newspaper balat ng upo
hasang ng isda tirang pagkain karton ng pizza

Patapon na: Nareresiklo:


ARALIN

Ang magkapatid na sina Melvin at Magno ay nakagawian ng


manalangin bago sila matulog. Sa kanilang panalangin ay palagi
silang nagpapasalamat sa mga biyayang kanilang natatanggap
araw araw. Narito ang kanilang panalangin:

Panginoon, lubos po kaming nagpapasalamat sa aming


buhay na kaloob Ninyo sa bawat isa sa amin. Sa kabila po ng
pandemiyang aming nararanasan, patuloy Ninyo pa rin
kaming binibigyan ng maraming pagpapala.
Panginoon, marami pong salamat sa aming pamilya na
puno ng pagmamahalan, sa mga pagkain na inihahain ni Inay
sa aming hapag kainan, sa aming tahanan na siyang aming
nasisilungan, sa kasuotan na meron po kami ngayon, sa
aming kapitbahay na laging namimigay ng gulay, sa
proteksiyon po Ninyo kay Itay sa pagmamaneho ng tricycle,
sa kalusugan na patuloy na lumalaban sa COVID19, at higit
po sa lahat ang walang hanggan Ninyong pagmamahal sa
amin.
Panginoon, marami pong salamat sa lahat ng mga
biyayang ito.
Amen.

Sagutin ang sumusunod na mga katanungan:


1. Sino ang dalawang magkapatid?
Sagot:_______________________________________________________
2. Ano ang nakagawian nilang gawin bago matulog?
Sagot: ______________________________________________________
3. Ano ang palaging laman ng kanilang panalangin?
Sagot:_______________________________________________________
4. Ano-ano ang mga biyayang pinagpapasalamat nila sa
Panginoon?
Sagot: _______________________________________________________

MGA PAGSASANAY

Gawain 1
Hanapin ang mga biyayang ipagpapasalamat nina Melvin at
Magno sa kanilang panalangin gamit ang crossword puzzle.
Bilugan ang mgasalitang ito:

Q K W E D T H U O P X E C
D F P R O T E K S I Y O N
1. buhay P F G K G H T N I A M W D
2. pamilya D A G H A B V A Y R T U Y
3. pagkain K X G C V P H L H E R A E
4. tahanan A C B K N T I Y U A H K L
S D F G A M H T K U N L O
5. kasuotan
U D C V A I N H B I Y A M
6. kapitbahay
O W E P E T N U I A O P N
7. proteksiyon
T V C B Y U I P L A H W D
8. kalusugan A C F G K A L U S U G A N
N F R T Y U I O P N M C Y

Gawain 2
Interbiyuhin ang mga kasama sa bahay. Tanungin sila kung
ano ano ang mga biyayang kaloob sa kanila ng Diyos araw araw.
Mga Biyayang Kaloob ng Diyos
Tatay
Nanay
Ate
Kuya

Gawain 3
Ikaw, ano ang pinakagusto mong biyaya na natanggap mo
ngayong araw? Iguhit ito sa loob ng kahon at maari mo rin itong
lagyan ng kulay. Magsulat ng 3 pangungusap tungkol dito.

PAGLALAHAT

Ano-ano ang mga biyaya na natatanggap mo at ng iyong


pamilya sa araw araw?
Ang mga biyayang natatanggap namin sa araw-araw ay
________________________________________________________________
__________________________________________________________.
PAGPAPAHALAGA

Gumawa ng isang simpleng panalangin ng pasasalamat sa


lahat ng mga biyayang natatanggap mo sa araw araw mula sa
Diyos.

PANALANGIN

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Anong biyaya mula sa Diyos ang isinasaad ng bawat


larawan? Isulat ang iyong sagot sa ibaba ng larawan.

1. __________2. _________ 3. __________ 4. _________ 5.__________


SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain 1

Sanggunian
CLIP ARTS:

https://www.pngitem.com/middle/hRJJimi_family-png-clipart-happy-
family-cartoon-happy-family/
https://clipartstation.com/bahay-kubo-clipart-png-6/
https://clipart4school.com/product/filipino-food-clipart-philippines/
https://vdocuments.site/mga-ibat-ibang-uri-ng-kasuotan.html
https://pngtree.com/freepng/mother-holding-a- baby_2802393.html
http://sweetclipart.com/trash-can-clip-art-2012

You might also like