You are on page 1of 4

Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Paranaque

FILIPINO 10 IKAANIM NA LINGGO


KWARTER 4
EL FILIBUSTERISMO
PAMAGAT

Mga Kasanayang Pampagkatuto

F10PT-IVg-h-85 1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salitang wikang Espanyol


.
F10PU-IVg-h-88 2. Naisusulat ang maayos na paghahambing ng binuong akda sa
iba pang katulad na akdang binasa.

Layunin:
Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito sa loob ng isang linggo,naipamamalas ng
mag-aaral ang kaalaman sa kahulugan ng mga salitang hiram. At sa araling ito
matutunan mo ang paraan ng paghahambing batay sa akdang iyong nabasa sa iba
pang akda.

UNAWAIN NATIN

Ating basahin…

Naubos agad ang tiket sa isang palabas sa teatro kung saan nagpaskil
doon sina Camarroncocido at kaibigan niyang si Tiyo Kiko. Nagsimula ang
palabas pagkadating ng Heneral, magulo at maingay sa loob ng dulaan.
Maingay na rin ang mga artilyero.Nagkita sila Paulita at Isagani sa parke at
doon ay kanilang napag-usapan ang kanilang mga pangarap. Dumating si
Simoun sa bahay ni Kapitan Tiyago , naroon si Basilio at abalang-abala
inatasan ni Simoun si Basilio na itakas si Maria Clara, sinabi ni Basilio na patay
na si Maria Clara.Hindi makapaniwala si Simoun at naalala niya ang pagtunog
ng agunyas sa kumbento. Maringal ang libing ni Kapitan Tiyago. Si Padre Irene
ang naging albacea na gaganap ng huling habilin ni Kapitan Tiyago. Si Huli ay
humingi ng tulong sa hukom ng tagapamayapa, ngunit ipinayo na kay Padre
Camorra lumapit, ayaw pumunta ni Huli sa kumbento. Kahit ayaw ni Huli ay
napilitan siya. Sinamahan siya ni Hermana Penchang patungo sa kumbento.
Kinagabihan naging usap-usapan ang nangyaring iyon kay Huli , tumalon sa
bintana ng kumbento at namatay.May matandang babae na lumabas sa
lansangan at tila baliw na nagsisigaw. Nagtungo pagkatapos ang matanda sa
bahay ng Gobernadorcillo, sa hukom ng tagapamayapa at sa Tenyente Mayor
ngunit sila ay pawang nasa kumbento, kaya nagbalik na lamang ang matanda
sa nayon at doon nag-iiyak.

1|
Mga Dapat Tandaan:
Malaki ang naging impluwensiya ng mga mananakop sa ating bansa — hindi lamang sa
kultura kundi maging sa ating wika.Maraming salita sa wikang Filipino ang nagmula sa wikang
Kastila o Espanyol. Bagamat mula sa kanila ang orihinal na salita, ginamit ito ng mga Pilipino
ayon sa sariling kayarian ng ating wika. Ang wikang Kastila ay naging wika ng pamahalaan ,
edukasyon at kalakalan noong buong panahon ng pananakop ng mga kastila at nagsilbi pa
bilang lingua franca hanggang sa unang gitnang bahagi ng ika-20 siglo. Ang wikang kastila
ang opisyal na wika ng Republikang Malolos “sa ngayon”, ayon sa Saligang Batas ng Malolos
ng 1899.
Mga Halimbawa ng Salitang Hiram sa Espanyol
apellido – apelyido,
cuenta – kwenta,
siempre – siyempre,
labios – labi,
lunar – nunal
fiesta – pista,
muňeca – manika
liquido - likido
educacion - edukasyon atbp.

ILAPAT NATIN
Panuto: Ibigay ang iyong sariling opinyon.
1. Isinakripisyo ni Huli ang sarili para sa kasintahang si Basilio, ikaw
handa ka bang magsakripisyo para sa taong mahal mo?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
2. Ang naiwang kayamanan ni Kapitan Tiyago ay pinaghati-hatian. Kung
ikaw ay mababahaginan ng kayamanan ng kapitan, ano ang gagawin
mo dito?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
3. Ano ang kahalagahan ng paggamit ng wikang kastila o wikang hiram sa iyo?
_________________________________________________________
_________________________________________________________

2|
SURIIN NATIN
GAWAIN 1
Panuto:. Basahin ang pangungusap at piliin sa Hanay B ang tamang
kahulugan ng salitang may salungguhit sa Hanay A.

HANAY A HANAY B
1. Lumapit sina Huli sa eskribyente dahil
siya ang nakakaalam ng A. Amerikanang
kaso ng lahat sa hukuman. Mahaba
2. Tinanggihan sila nito kaya sinubukan
naman nilang lapitan ang Juez de Paz B. Kainang piging sa
handaan
3. Maraming handa sa ginanap na bangkete
ng mga estudyante upang kunwaring C. Kalihim
parangalan ang mahahalagang tao
sa lipunan.
4. Nakasuot ng lebita si Tiyo Kiko na hanggang D. Tagapaghatol sa
tuhod na akala mo ay tunay siyang Europeo. inaakusahan
5. Naroon sa mga tanging palko ng tanghalan E. Teatro
ang matataas na opisyal ng pamahalaan upang
manood ng opera. F. Tagapamahala ng
teatro

GAWAIN 2
Panuto : Sa binasang buod, suriin at piliin ang mga mahahalagang pangyayari at
paghambingin ito sa mga nagaganap sa kasalukuyan at ipaliwanag.

PANGYAYARI SA AKDA PANGYAYARI SA KASALUKUYAN

1
2
3
4
5

TAYAIN NATIN

PAGSASANAY 1
Panuto: Mula sa buod na ating binasa, bigyang paliwanag ang mga salitang wikang
Espanyol.
1. teatro-
2. albacea-
3. Gobernadorcillo-
4. agunyas-
5. Tenyente Mayor-

3|
PAGSASANAY 2
Panuto: Mag-isip ng isang kaugnay na akdang nabasa at paghambingin ito sa
binuong akda batay sa hinihingi sa talahanayan.

EL FILIBUSTERISMO AKDANG NABASA


1. Tauhan

2. Kasamang Tauhan

3. Paksa

4. Pangyayari

5. Damdamin

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

PAMANTAYAN PUNTOS
1. May naisagawang paghahambing 4
2. Maayos na paglalahad ng mga pangyayari 3
3. Kawastuan ng mga sagot 3
KABUOAN 10

LIKHAIN NATIN

Panuto: Sumulat ng isang kwento batay sa iyong karanasan o maaring karanasan


ng iba na may katulad sa pangyayari sa nobela. Isaalang-alang ang paggamit ng
mga salitang Wikang Espanyol.

PAMANTAYAN SA PAGSULAT PUNTOS


1. Kaugnayan sa paksa 2
2. Kaakit –akit na pamagat 2
3. Pagkakaugnay ng mga 2
pangungusap
4. Paggamit ng mga salitang wikang 2
Espanyol
5. Orihinalidad 2
KABUOAN: 10

4|

You might also like