You are on page 1of 1

Isabela

Ang probinsya ng Isabela ay hango sa karangalan ng maharlikang Espanya na nagngangalang Reyna


Isabela II. Sa silangan ng probinsiya matatagpuan ang bundok na saklaw ng Sierra Madre, na pinaliligiran
ng mga kagubatan at kabundukan na may taas na 8,000 ft. Isa ito sa pinakamalaking kagubatan sa bansa
na may iba’t ibang hindi karaniwang hayop ng flora at fauna at maliban sa mga natural na pagkakaiba na
mayroon ang probinsya. Ang mga baybayin na may lawak na 208 kilometro sakop nito. Ito ay tirahan ng
mga magagandang kuweba, baybayin, at mayaman sa buhay na pandagat.

Ang Isabela ang pinakamalaking probinsya sa rehiyon at pangalawa naman sa Pilipinas. Ang probinsiya
ay binubuo ng hilaga sa probinsya ng Cagayan, sa timog ay Nueve Vuzcaya, Quirino at Aurora, sa
kanluran ay Cordillera Administrative Region at sa silangan ay ang karagatang pasipiko.

Ang Isabela ay kilala bilang “rice and corn granary of Luzon” at kabilang ito sa sentro ng kalakalan at
industriya sa hilagang-silangang Luzon. Gayunpaman maraming trabaho ang kinakailangang tapusin para
bumuo ng malayang turismo para sa buong probinsiya. Mayroon dito ang kawili-wiling lugar gaya ng
makasaysayang simbahan at nakamamanghang pook na maaari mong bisitahin.

Ang bayan na napaliligiran ng mga baybayin ay ang mga lugar na Maconacon, Divilican, Palanan,
Dinapigue. Ilan lamang ito sa lugar na may tinatagong kagandahan sa naturang lugar na kailangan
bigyang pansin upang matuklasan.

You might also like