Professional Documents
Culture Documents
Handout 1 4th Quarter 1 Justine Visda
Handout 1 4th Quarter 1 Justine Visda
ARALING PANLIPUNAN 10
Mga Kontemporaryong Isyu
Handout #1
Alam mo ba?
Mamamayan/Citizen - Tawag sa taong kabilang sa isang samahan o bansa.
Pagkamamayan/Citizenship- Kalagayan ng isang tao at pagiging kasapi nito sa isang bansa o
samahang
pampulitiko.
Dayuhan/ Foreigner - Mga naninirahan sa Pilipinas na may ibang pagkamamamayan.
A.Ligal na Pananaw:
• Sinu-sino ba ang mga mamayang Pilipino? Ako ba? Ikaw? Paano ba natin natutukoy na
ang taong kausap o kakilala natin ay Pilipino?
ARTIKULO IV PAGKAMAMAMAYAN
• Ayon din sa Seksiyon 4 ng Saligang Batas ng 1987, ang isang mamamayan ng Pilipinas
na nakapag-asawa ng isang dayuhan ay mananatiling isang Pilipino maliban na lamang
kung pinili niyang sundin ang pagkamamamayan ng kaniyang napangasawa. Batay
naman sa Republic Act 9225 na nilagdaan ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo
noong Setyembre 17, 2003, ang mga dating mamamayang Pilipino na naging
mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay maaaring muling
maging mamamayang Pilipino. Siya ay magkakaroon ng dalawang pagkamamamayan
(dual citizenship). Ang Mamamayang Pilipino
Sa kabila nito ay maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal. Unang dahilan
ay kung siya ay sa sa ilalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa. Ang ilan sa mga ito
ay ang sumusunod:
1.Jus sanguinis
• Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa
kaniyang mga magulang. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Pilipinas.
• Ang jus sanguinis ay sinusunod sa Pilipinas. Ang anak ng isang Pilipino ay nagiging
Pilipino kahit isa lamang sa kanyang mga magulang ang Pilipino. Itinuturing siyang likas
o lehitimong Pilipino. Kung siya ay isinilang sa Italy, siya ay mananatiling Pilipino kahit
ang ama o ina lamang niya ang Pilipino.
• Ito ay patakarang nababatay sa dugo ng magulang. Ang pagkamamamayan ng
magulang ang batayan sa pagkilala sa sinuman. Ang lugar kung saan ipinanganak ang
isang indibidwal ay hindi nakaaapekto sa kanyang pagkamamayan.
Dati, maaaring mawala ang pagkamamamayang Pilipino ng sinumang sumailalim sa
proseso ng naturalisayon sa ibang bansa. Kadalasan nangyayari ito kapag pinili ang
pagiging mamamayan kung saan naninirahan na nang matagal ang isang Pilipino.
Kailangan nilang gawin ito dahil sa pagnanais nilang matamasa ang mga pakinabang ng
pagiging mamamayan ng ibang bansa.
•
2.Jus soli o jus loci
• Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak. Ito ang
prinsipyong sinusunod sa Amerika.
• Ito ay patakarang nababatay sa lugar na sinilangan ng isang indibidwal. Ang dugo ng
magulang ay hindi mahalaga. Hindi nakaaapekto ang pagkamamamayan ng kanyang
magulang:
Ang jus soli ay patakarang umiiral naman sa ibang bansa, tulad ng Estados Unidos.
Kung ang isang Pilipino ay nagsilang sa Estados Unidos, ang kanyang anak ay
kinikilalang mamamayan ng Estados Unidos. Sa kabilang banda, itinuturing din siyang
mamamayan ng Pilipinas.
• Halimbawa, maraming Pilipinong nasa Estados Unidos ang naging mamamayang
Amerikano upang magkaroon sila ng maayos na kalagayan sa buhay at trabaho.
Kailangan din iyon para magkaroon sila ng pensiyon sa pagtanda.
• Opo, pwede silang maging Pilipino kung gusto nila. Ang isang dayuhan na gustong
maging Pilipino ay dapat magtaglay ng mga sumusunod na katangian:
Mga maaaring maging Dahilan para hindi maging naturalisadong Pilipino ang isang
dayuhan :
1. Muling naturalisasyon
2. Aksiyon ng Kongreso
3. Pagbabalik sa Pilipinas at muling pagsumpa ng katapatan sa Republika ng Pilipinas
4. Pagpapatawad sa hatol ng hukuman sa isang tumakas na miyembro ng Sandatahang
Lakas
TANDAAN MO !
●Nakasaad sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas ang mga katangian ng isang mamamayang
Pilipino.
• May dalawang uri ng pagkamamamayan: likas o katutubo at naturalisado.
• May dalawang prinsipyo ng likas na pagkama-mamayan ayon sa kapanganakan: ang Jus soli
at Jus sanguinis.
● Ang mga dayuhan ay maaaring maging mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng prosesong
naturalisasyon.
●Ang pagkamamamayan ay maaaring mawala at makamit muli.