You are on page 1of 308

Breaking the Bad Boy (Completed) #Wattys2016

by blue_maiden

Skie Gonzales is a just a typical Bad Boy. He doesn't follow rules, He makes the
rules. He know he's bad but there's no stopping him. But that's what he thought,
not until Angel Beatrix Dela Fuente came into his life.. the girl who's going to
break him.

Written by blue_maiden
Start date: August 19, 2015
Completed: April 17, 2016

=================

Prologue

I can't fvking believe I'm riding this stupid bus.

If it isn't just for my girlfriend I wouldn't go out without a car. Bakit kasi
mahal na mahal ko si Anya? Tinamaan ata ako ng sobra sakanya. Maybe Dad was right,
kapag ang Bad Boy nag mahal sobrang seryoso. Kaya siguro ganon din siya kay Mom,
kahit ano nagagawa niya kahit na maging sobrang under niya.

"Code Red!" sigaw ng lalaki sa kanan ko.

Napatingin agad ako don sa babaeng nasa harapan ko. Maluwag ang space ng bus pero
lahat ng upuan may nakaupo na kaya nakatayo na lang siya. Tinignan ko yong tao sa
paligid ng babaeng nasa harap ko at lahat sila kasama ng lalaking nasa kanan ko.
Nasa iisang school lang sila. Wala man lang ni isa sakanila yong nag paupo don sa
babae. Pakiramdam ko may masama silang balak.

"Puporma na ako dude." sabi nung lalaki sa harap namin.

Tumayo siya at lahat sila nagtinginan sakanya kasama na ako. Tumabi siya don sa
babaeng nasa harap. Hindi niya namalayan yong pagtabi sakanya ng lalaki dahil may
earphone sa tainga niya. Sinadya ng lalaki na itulak yong sarili niya don sa babae.

"Sorry, miss." sambit pa niya.

Hindi siya pinansin ng babae at patuloy lang siyang nakikinig sa earphone niya
habang nakatinging sa bintana. Maya maya may dalawa pang lalaki na tumayo kasama na
yong nasa kanan ko at tinabihan yong babae. Sa tingin pa lang nila alam kong
mamanyakin na nila yong babae. Dahan dahang pinatong ng lalaki yong kamay niya sa
balikat ng babae. Agad akong tumayo.

"Stop that." sambit ko.

Napatingin silang tatlo sakin. "Wag kang makialam dito boy."

"Binabastos niyo na yong babae eh." seryoso kong sabi.

"Aba, papalag ka pala to eh!" sigaw ng lalaking nasa kanan ko. Pumorma agad siya at
sinuntok niya ako pero nasalo ng kamay ko yong kamay niya. "Bitawan mo ako! Gago
ka!" Ngumiti ako sakanya at pagkatapos sinapak ko siya. Nag tilian na yong mga tao
sa bus.

"Don't mess with me." sambit ko pa.

Binawian ako ng dalawa pa niyang kasama pero kagaya kanina, na iwasan ko sila.
Sinapak ko sila sa mukha hanggang sa matumba sila. Napahinto yong bus kaya napa
hakbang ako papunta duon sa babae. Napatingin ako sa mukha niyang maamo. Maganda
siya.

"Sa likod mo!" sigaw niya.

Lumingon agad ako at sinuntok ko yong lalaking susugod sakin. Halos kalahati pala
ng laman ng bus kasama ng mga lalaking yon. Pinalibutan nila agad ako at dahil
samadami sila kaya medyo nahirapan ako na labanan silang lahat. Dalawang beses
akong nasuntok ng kasama nila. Sa pangatlong suntok ay napahiga ako. Lalapitan pa
ako ng dalawa at hindi ako makagalaw dahil hawak hawak ako ng dalawa pa nilang
kasama. Nagsibabaan na yong ibang pasahero at naririnig ko yong pag awat samin ng
konduktor pero wala siyang magawa dahil madami sila. Akala ko masusuntok na yong
mukha ko pero isa isa silang natumba. Nakita ko yong babae kanina, kinuha niya yong
kamay ng lalaking nasa harap ko at binalibag niya. Nanlaki ang mata ko sa nakita
ko. Black belter ata siya.

Inabot niya sakin yong kamay niya para tulungan akong tumayo.

"Hanga na sana ako sayo eh kaso mahina ka pa din pala." tumawa siya bigla. "Alam mo
ang pogi mo na sana sa paningin ko kaso turn off agad ako. Ang hina mo eh,
napatumba ka nila." tumawa na naman siya. Nainis ako bigla. What the hell is wrong
with this woman?

"I helped you with those guys." paalala ko.

"I can handle them better, I don't need your help." ngumiti siyas akin at para bang
nang aasar pa siya. Ano bang problema niya? "Shoot, nakalagpas na pala ako."

Kinuha niya yong bag niya at tumakbo palabas ng bus pero bago siya tuluyang
makaalis nilingon niya ako. "Thank you Pogi!" kinindatan niya ako tska siya
tuluyang bumaba ng bus.

Naiwan akong nakatanga sa bus. Ngayon pa lang ako nakakita ng ganong babae. Well,
except for my Mom na talagang amazona na pero kakaiba pa din talaga siya.
Pakiramdam mo nga nakita mo na siya kung saan pero hindi ko lang maalala kung saan.
Anak ba siya ni Jet Li? Ang amo ng mukha niya pero nakakatakot pala siya.

Minulat ko ang mata ako at napangiti ako. That was the moment that I will never
forget. The moment when I first met her..

---You don't need to read my other stories to read this.

Breaking the Bad BoyBad Boy Series #7: Skie Gonzales Story.Written by blue_maiden

All Rights Reserved. Copyright © 2015

=================

Chapter 1: I'm in trouble

Skie's point of view.

From that stupid bus now I'm here at the police station. And it's just because I'm
trying to help that girl.

"Dude, nakaalis ka na dyan?" Tanong ni Matt. Napahawak na lang ako sa buhok. I feel
so damn frustrated right now. "Masasayang lahat ng surprise natin kay Anya."

I know that. This can't fvcking happen. I want to punch someone right now straight
to their fvcking face.

"These cops won't allow me to go. Gusto pa nilang makausap si Dad kahit na nag
bigay na ako ng statement." Tumingin ako sa mga lalaking nakaaway ko. Kapag
nakalabas ako hahanapin ko sila at bubugbugin ko sila hanggang sa magmakaawa sila
sakin. "Hintayin niyo lang ako."

"Skie? Anong nangyari?" Napatayo agad ako ng marinig ko ang boses ni Papa. "May
ginawa ka na naman? Ilang beses ba kitang kailangan pag sabihan ha?"

Just by looking at him, he looks very disappointed. Palagi naman eh. I'm always a
failure to him.
"Dad I was just trying to help." Paliwanag ko.

"So helping will lead you to jail?" Sarkastiko niyang tanong.

Fine. Palagi naman siyang hindi nakikinig sakin. Hindi din naman niya
pinapaniwalaan ang sinasabi ko. What a father.

"Sir, kayo ba si Mr. Gonzales?" Tanong ng pulis. "Nakipag away kasi sa bus yong
anak niyo kasama yong grupo ng mga lalaking to. Isa pa nag cause yon ng delay sa
mga pasahero at sa operation ng bus yong nangyari."

"Pasensya na po. Ako na lang po ang bahala." Tinginan ako ni Dad at masama pa din
ang tingin niya sakin. "Pumasok ka sa kotse ko, hintayin mo ako don."

"Kailangan kong puntahan si Anya." Protesta ko. "I need to go."

"You will not go anywhere, Skie." Nakita ko na naman yong seryosong tingin ni Dad.
Nakakatakot. Okay. He wins.

"Fine." Matipid kong sagot. "Whatever."

Nilagay ko sa bulsa ko yong kamay ko pagkatapos lumabas ako ng police station.


Parang gusto kong sipain yong kotse ni Dad pero mas makakadagdag pa yon sa galit
niya sakin kaya mas mabuti pang wag na lang. Mas maganda siguro kung tao yong
masasapak ko. Mga taong may dahilan ng problema na to at kung hindi lang siya babae
kasama ko ng sasapakin yong babae kanina.

Umupo ako sa likod ng kotse. Pinikit ko yong mata ko. Naisip ko yong nangyari
kanina. Naalala ko ulit yong babae kanina at hindi ko maiwasang mainis. Kung hindi
dahil sakanya, hindi ako malalagay sa problema ngayon.

Ang angas pa niya. Dapat talaga hindi ko na siya tinulungan. Dapat hinayaan ko na
lang siya. Aish. Puchang buhay to.

Kalahating oras din akong naghintay sa kotse. Nakalimutan ko na ngang tawagan si


Matt. Kinuha ko ang cellphone ko at nagulat ako ng may tatlong missed call galing
kay Anya, Matt at kay Cole. Great. I'm totally screwed up.

Tinawagan ko si Anya pero hindi niya ako sinasagot. Kaya binasa ko na lang yong
text message niya.

'I can't believe you forgot about our anniversary. It feels like I'm nothing to you
anymore. Are you still the Skie, I know?'
"Damn it." I said in frustration. Kung lalaki lang talaga yong babaeng tinulungan
ko kanina hahanapin ko siya at bugbugbugin ko siya. "What a day." Bulong ko.

Pumasok si Dad sa kotse.

"You're grounded. No credit cards. No cars. No party. No going out." Seryoso niyang
sabi. "We'll go home, your mom is waiting for us."

Isn't it great? Nag away kami ng girlfriend ko, grounded ako at once again
disappointed na naman si Dad sakin. May mas lalala pa ba sa araw ko ngayon?

Nauna akong bumaba sa kotse. Dumaan ako sa likod ng bahay baka sakaling makaiwas
ako kay Mom. Ayoko lang muna na kausapin nila ako ngayon. Hindi ko na kayang
tumanggap ng kahit na anong sermon ngayon dahil baka sumabog na ko.

Binuksan ko yong pinto sa likod papasok sa dirty kitchen. Napaatras agad ako ng may
sumalubong sakin na babae.

"Who the hell are you?!" Sigaw ko. Tinignan ko siyang mabuti at hindi ako pwedeng
magkamali. Siya yong babae kanina. "What the fvck are you doing here?!"

"Ganyan ka ba sa mga bisita niyo, bastos?" Sinamaan niya ako ng tingin. Pareho sila
ni Dad kung makatingin, nakakatakot. "Hindi uubra sakin yang pagiging bad boy mo."
Maangas pa niyang sabi.

"Sino ka ba?!" Inis kong tanong.

"Skie?" Biglang singit ni Mom. Oh great nakita pa niya ako. Thanks to this girl,
I'm in trouble again. "Bakit sa likod ka dumaan? May ginawa ka na naman ba?"
Lumapit siya samin. Tinignan niya yong babae. "Oo nga pala, gusto kong makilala mo
si Angel. Siya yong sinasabi kong anak ng friend namin, si Tito Shawn mo. Dito muna
siya sa atin titira kaya be good to her, okay?"

Bitch, please.

"Alright. I need to rest. Bye Mom." Lumapit ako at hinalikan ko si Mama. Sinamaan
ko ng tingin yong Angel na yon habang paalis ako ng hindi ako nakikita ni Mom.

Nagmadali akong umakyat.

"Skie! We need to talk!" Sigaw ni Papa ng makita niya akong paakyat ng hagdan.
Hindi ko siya pinakinggan. Dumiretso lang ako papunta sa kwarto ko. "Skie!"

I shut the door closed. I don't want to talk to anyone right now, even my dad and
mom.

Sinubukan kong tawagan si Anya pero nakapatay ang cellphone niya. Kahit sa Facebook
hindi siya online. Pakiramdam ko mababaliw na ako kakaisip sakanya. Ang nakakainis
pa, wala akong magawa dahil grounded ako. I can break dad's rule pero ubos na yong
pera ko kaya hindi ko siya pwedeng suwayin ngayon. It's hard to live without money.
Nakakainis.

Lecheng buhay to.

Naririnig ko sa baba ang boses ni Papa. Galit siya at ayokong marinig kung ano man
ang sasabihin niya. Sabagay alam ko na naman kung ano yon. I'm a great
disappointment. Palibhasa successful yong kapatid at mga pinsan ko. Ako lang talaga
yong total failure. Ano pa nga bang bago?

"My life really sucks." Bulong ko sa sarili ko.

Kung hindi lang talaga dahil sa Angel na yon, hindi lalala ang sitwasyon ko.
Humanda lang talaga siya sakin Hindi bagay sakanya ang pangalan niya. She doesn't
even look and act like an angel. She's more of a devil and I'll make her life here
a living hell.

Pinikit ko na lang ang mata ko at natulog. Baka pag gising ko, maayos na ang lahat.

Akala ko umaga na pero it turns out na gabi pa din pala. Ilang oras lang din ang
tulog ko. Tumayo agad ako at lumabas ng bahay. Patay na halos lahat ng ilaw at
tulog na silang lahat. Naisip ko agad na tumakas. Hindi naman nila yon malalaman.
Pumunta ako sa office ni Dad kung saan nakatago ang mga susi ng sasakyan namin at
tska ako dumiretso sa garahe namin. Malayo sa kwarto nila Mom ang garahe kaya hindi
din nila ako maririnig kung gagamitin ko ang kotse.

"Saan ka pupunta?" Napahawak agad ako sa dibdib ko dahil sa matinding pagkagulat.


"Tatakas ka noh?"

Humarap ako sakanya. Nagpipigil lang talaga ako ng galit para hindi ko siya
patulan.

"The hell you care?!" Malapit na talaga akong pumatol sa babae dahil sakanya. "Go
away and just leave me alone."

"Fine I'll leave you alone but I'll tell your parents about this." Nakangisi niya
pang sabi. Lumapit ako sakanya at tinignan ko siya ng masama. Sinara ko ang kamay
ko dahil sa matinding galit. "Wag mo akong tignan ng masama dahil hindi din yan
uubra sakin. Hindi ako natatakot sayo. Kargo na kita simula ngayon dahil nakita
kitang tumatakas kaya kapag may nangyari sayong masama, responsibilidad na kita."

Natawa ako. This girl is crazy. She's impossible. How I wish pumapatol ako sa babae
para nasuntok ko na siya matagal na.

"It's either sasama ako sayo or isusumbong kita kala Tita."

Nakagat ko na ang labi ko sa sobrang pagpipigil ko ng galit ko. Gusto ko na


talagang saktan ang babaeng to kung hindi lang siya anak ni Tito Shawn. P

I sighed. She fvcking wins.

"Sige na sumama ka na pero wag kang makikialam sa lakad ko." Inis kong sabi.

Hindi ko na hinintay ang isasagot niya at dumiretso na ako sa kotse. Sumunod siya
at umupo siya sa likod. Pinaandar ko ang kotse without even talking to her. Why
would I?

"Pasensya na nga pala dahil sakin kaya ka grounded. Hindi mo naman na kasi ako
dapat tinulungan eh. Hindi naman ako humingi ng tulong." Tinignan ko siya sa rear
mirror at nagkatinginan kaming dalawa. Ang amo ng mata niya hindi bagay sakanya.

"Can you just thank me that I helped you?" Irita kong sabi. "You're so impossible."

"Nagpasalamat na naman ako ha. Sabi ko, thank you pogi. Kulang pa ba yon?" Masigla
pa niyang tanong.

"Kulang? Sa tingin mo sapat na yon? Sa problemang dinala mo sakin, tingin mo sapat


na yon?! You're crazy!"

"I never asked you to help me because in the first place, I can handle myself
better than you do so don't blame me." Seryoso niyang sabi. "Kung hindi ka lang
kasi palaging nagpapasaway, hindi ka magiging grounded agad agad."

"Wag kang magsalita na parang alam mo lahat tungkol sakin." Napahawak ako ng
mahigpit. She's really testing my temper. "Just shut your fvcking mouth!"

"That's the last time you're going to talk to me that way, bad boy."

Nagkatinginan ulit kami sa rear mirror at sobrang sama ng tingn niya sakin. Mas
nakakatakot pa yong tingin niya kaysa kay Dad. Umiwas agad ako ng tingin sakanya.
Maybe I shouldn't make her mad.

Kalahati pa lang ng byahe papunta sa bahay nila Anya, nag patugtog siya sa
cellphone niya. And the thing is, I freaking hate the music.

Paramore.
I hate Paramore. I hate the genre. And I fvcking hate the girl who's playing it. I
think I'm going crazy. I think I'm gonna explode any minute now because of this
girl.

Yes I am a Bad Boy and nobody wants to messed with me because they're fvcking
scared of me until this day that I met this crazy girl.

Siya na ba magiging katapat ko?

Whatever happen, I'll make sure she's not gonna break this Bad Boy.

=================

Chapter 2: Guardian Angel

Skie.

Pinatay ko agad yong makina ng kotse pag park ko pa lang sa tapat ng bahay nila
Anya. Nakahinga ako ng maluwag ng tinigil ni Angel yong sounds sa phone niya. If
that plays long, I swear I'm going to explode. Damn that music.

"Just stay here." Utos ko.

"I will give you, twenty minutes." Nilingon ko agad siya at sinamaan ko siya ng
tingin pero hindi siya nagpatinag. Sinamaan din niya ako ng tingin. "May angal ka?"
Maangas niya pang tanong. Nakakainis talaga tong babaeng to. Buiset. Ano kayang
gagawin niya kapag pinatulan ko siya?

"Sino ka para utusan ako, ha? Bisita ka lang sa bahay namin. Matuto kang lumugar."
Seryoso kong sabi pero natawa siya bigla sa sinabi ko. "Anong nakakatawa?!"

Baliw na talaga siya.

"Sino bang wala sa lugar sa ating dalawa? Ako na nagmamalasakit at binabantayan ka


o ikaw na sinuway ang magulang mo tumakas pa sa inyo?" Ipinakita niya sa akin yong
cellphone niya. "Gusto mong tawagan ko sila Tita? Sasabihin ko lang naman na
tumakas ka."

"You're crazy!" Sigaw ko. Naiinis na talaga ako sakanya. "Why are you doing this to
me?!"

"I'm just doing what's right. Gabi na at hindi alam ng parents mo na umalis ka.
Paano kapag nagising sila tapos wala ka? Eh 'di nag alala sila ng sobra. Palibhasa
selfish ka."

Kung makapagsalita siya akala mo perpekto siya at kilalang kilala na niya ako. "Can
you please shut your mouth?"

"Twenty minutes, okay? Kapag wala ka pa dito ng twenty minutes, tatawagan ko na


sila Tita." Nakangisi pa niyang sabi. "Your timer starts, now." Pinakita nga niya
sakin yong timer sa phone niya.

"Fine!" Sigaw ko.

Bumaba agad ako sa kotse ko. Tinignan ko ang relos ko para orasan ang sarili ko.
Why am I even doing this?

Nag door bell agad ako sa bahay nila, kinakabahan ako kasi ilang minuto na wala pa
ding lumalabas. Buti na lang si Anya yong nagbukas ng pintuan. Nagulat siya ng
makita niya ako.

"What are you doing here?" Tanong niya.

"Babe let me explain, I was in the police station that's why I didn't show up.
Believe me, I didn't forget our anniversary." Pagmamakaawa ko.

"Enzo already explained to me." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Buti na
lang. "But our anniversary was ruined."

"I'll make up to you. I love you so much."

"You do?" Hinawakan ko ang mukha niya at tinignan ko siya sa mata niya.

"Yes, I do." Lumapit ako sa mukha niya at hinalikan ko siya. "I love you, babe."

"Okay, forgiven but just make sure you'll make up to me." Napangiti ako at ganon
din siya. Kahit kailan hindi niya ako matiiis. That's the reason why I love her.
"Pumasok ka na sa loob, I baked cake for you."

"Uhm, babe I can't. Grounded ako at tumakas lang ako ngayon para makita ka. I need
to go. Promise I'll make up to you tomorrow."

Sumimangot siya kaya akala ko galit siya pero niyakap niya ako bigla. "Thank you
for coming here tonight. I'll see you tomorrow. I love you, babe." Niyakap ko din
siya pabalik.

Hinalikan ko siya ulit at hinintay na makapasok sa looney pagkatapos tumakbo ako


papunta sa kotse ko.

"Lover boy ka din pala noh?" Nang aasar pa niyang sabi. "Buti may nakatagal dyan sa
ugali mo." Pinaandar ko agad yong kotse. Ayokong mahuli nila Dad.

"Wala bang preno yang bibig mo ha?" Inis kong tanong. "Kung wala kang magandang
sasabihin, better shut your mouth."

"Ever heard of, freedom of speech?" Sarkastiko niyang sabi. "Wag mo akong itulad sa
mga babaeng nauuto at napapasunod mo."

Hinigpitan ko na lang ang pagkakahawak ko sa manibela. Pinipigilan ko ang sarili ko


na kausapin ang baliw na Angel na to. Baka mamaya masapak ko na lang siya bigla.
Ayokong madungisan ang kamay ko. I never hit a girl.

Binilisan ko ang pag park sa garahe namin. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso
ko. I'm fvcking dead if they caught me.

Dahan dahan akong pumasok sa loob ng bahay. Patay lahat ng ilaw kaya kahit papaano
nakahinga ako ng maluwang.

"Fvck." Bulong ko sa sarili ko at napaupo ako sa sahig dahil sa sobrang gulat dahil
bigla na lang bumukas ang ilaw. "Dad?"

Narinig ko ang tawa ni Angel. Napalingon agad ako sakanya at tawa siya ng tawa.
"Gotcha!"

"Ikaw nag bukas ng ilaw?!" Naiinis kong sabi. "What we're you thinking?" Lumapit
ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya. "Ano bang gusto mo ha?!"

"Gusto ko? Mag tino ka." Tipid niyang sabi.

"Kung makapagsalita ka, akala mo kilalang kilala mo na ko." Tinignan ko siya ng


masama. "Ngayon lang naman tayo nagkakilala eh."

Nagulat ako kasi bigla siyang natahimik. Parang biglang nawala yong aura niya ng
pagiging matapang. May nasabi ba ako?

"Umakyat ka na baka makita ka pa nila." Walang gana niyang sabi. Tumalikod siya
sakin at umakyat sa taas.

Anong nangyari sa babaeng yon?

Umakyat na lang ako sa kwarto ko. Hindi ko na magawang makatulog kakaisip kay
Angel. I know I hate her but can't help thinking of her. Para siyang biglang naging
maamong pusa. Wala naman akong nasabing masama. Ano bang problema niya? Bipolar ba
siya? Minsan matapang tapos minsan maamo?

I should be happy. Hindi niya na ako ginulo kanina. Yon naman ang gusto ko eh. Ang
tantanan niya ako dahil unang una, nakakainis at nakakairita siya. She talks like
she knows everything about me even if I just met her.

Argh! I can't believe I'm thinking of her. Baliw na din ata ako. I better sleep.

After three hours nagising ako at bumaba agad ako sa dining area. Nandon na silang
lahat pati Angel. Tinignan niya ako ng kakaiba kaya napaiwas agad ako ng tingin.

"Angel will be transferring to your school." Sambit ni Mom.

"What?!" Gulat kong tanong. "Why?!" Why on earth on my school?

"They will be staying here for good." Sagot ni Dad. "Is there a problem?" Tanong
niya gamit ang sesyoso niyang boses. Kapag ganyan si Dad, hindi mo dapat siya
kinokontra.

"No." Tipid kong sagot. Tinignan ko si Angel pero hindi siya makatingin sakin.

Tahimik kaming kumain. Nakakabingi. Pakiramdam ko hindi ako makahinga. I want to


get out of here. I wish Anya was here.

"Pasok na ako." Sambit ko.

"Wait for Angel." Pigil ni Dad.

"Dad, malaki na siya hindi ko na siya kailangang bantayan pa."

"Hindi ikaw ang magbabantay sakanya. Siya ang magbabantay sayo. Simula ngayon,
palagi ka na niyang babantayan kapag nasa labas ka ng bahay. Napag usapan na namin
yon ni Angel."

Seriously?

"I'm not a kid anymore!" Sigaw ko.

"Then don't act like a kid! Be a man, Skie. Kapag nagtino ka tska mo lang makukuha
ang freedom mo."
"This is too much, Dad!" Sigaw ko ulit. Hinawakan na ni Mom ang braso ko. "What
kind of father are you?"

"Skie, tama na." Pag aawat ni Mom. "He's just concern about you. Sundin mo na lang
ang Dad mo."

"Ganyan na ba kababa ang tingin niyo sakin? Kailangan pang may mag bantay sakin?
Sobra na yon!" napataas na naman yong boses ko. Parang umiinit yong buong katawan
ko sa galit.

"Kung ayaw mong bumaba ang tingin namin sayo, sana hindi ka tumakas kagabi. Sana
hindi mo ako sinuway."

Paano nila nalaman? Saktong dumating si Angel. "Sinabi mong tumakas ako?"

"Sinabi ko lang yon kasi ayokong mag alala sila sayo." Sagot niya. How dare her. I
hate her so much.

"Traitor!" Sigaw ko.

Tinalikuran ko sila pagkatapos nagmadali akong lumabas ng gate. Wala akong pakialam
kung maglakad ako papuntang school makaalis lang ako sa loob ng bahay.

Lahat ng problema ko nagsimula ng dumating ang Angel na yon. Humanda siya sakin.
Wala na akong pakialam kung babae siya. I will make her life a living hell.
Puputulin ko yong pakpak niya. Papahirapan ko siya hanggang sa kusa na lanh siyang
umalis sa bahay at sa buhay ko. She should know her place.

Just wait and see, Angel.

=================

Chapter 3: Who are you?

Skie's point of view

Nag taxi ako papunta sa University. I hate to do this but I don't have my car.
Thanks to Angel. That stupid b*tch.

"Skie!" Sigaw ni Luke. "Dito pare!" Lumapit ako sakanila.

"Ang aga aga nakasimangot ka. Hindi pa ba kayo magkaayos ni Anya?" Tanong ni Enzo.
"We're good. It's just my parents. Tinatrato na naman nila akong bata." Sagot ko.

"Skie, magulang mo sila. Nag aalala lang yon kaya sumunod ka na lang." Singit ni
Caleb.

Palagi na lang silang kampi sa magulang ko. Hindi ko alam kung anong pinakain sa
kanila ni Mom at Dad. Silang tatlo pa naman yong inaasahan ko. They're my fvcking
best friends pero kapag usapan na about sa parents ko, parang mas kaibigan pa nila
yong magulang ko kaysa sakin.

"Oo nga pala, I'm going to surprise Anya again. I'll sing to her later sa class."
Sambit ko.

"Sure, kami ng bahala." Sagot ni Luke. "The Lover boy is in the house again!"

"Oh yeah!" Sigaw nilang tatlo.

They're crazy and that's why I they are my best friends.

"Whatever guys."

Dumiretso muna ako sa locker ko para magpalit ng sando. Pinagpawisan ako kanina ng
magkalakad ako palabas ng village namin, wala kasing taxi sa loob so I have to get
it outside. Palagi akong may extra sando sa locker dahil palagi akong
pinagpapawisan sa basketball. Nilagay ko yong gamit ko sa locker pagkatapos hinubad
ko ang polo ko. Wala pang masyadong tao dito dahil wala pang ibang nag lo-locker
dito kaya hinubad ko na ang sando ko. Pinunansan ko ng towel ang katawan ko. Sinara
ko ang locker ko ng may marinig ako sa gilid ko. Tinignan ko kung sino siya.

And look who's here?

"Wah!" Sigaw niya ng makita niya ako. "Bakit naka hubad ka?" Natataranta niyang
tanong. Tinignan ko lang siya at nakatingin lang siya sa katawan ko.

"May problema ba don?" Maangas kong tanong. "It seems your enjoying the view."
Inalis niya agad yong tingin niya sa katawan ko at parang namumula pa ang mga
pisngi niya.

"May abs nga wala namang appeal." Bulong niya pero dahil tahimik sa lugar na to,
narinig ko pa din yon.

"Walang appeal?" I teasingly said to her. Lumapit ako sakanya kahit na wala pa ding
akong suot na damit. Inilapit ko sakanyang mabuti ang katawan ko. "Now tell me,
wala pa din bang appeal?"
Tinignan ko siya at blanko lang ang mukha niya. The heck? Hindi ba siya naaakit sa
katawan ko? I have a fvcking six pack abs. Or she is just acting like its nothing
to her but deep inside she want to fvcking touch it? Thats how girls do when they
see my body.

"Pwede ba? Lumayo ka sakin." Seryoso niyang sabi. "Next time wag kang basta basta
mag huhubad sa harap ng ibang babae kasi for sure, hindi yan magugustuhan ng
girlfriend mo."

Natigilan ako sa sinabi niya. Yeah she was right. Ano ba kasing nasa isip ko at
ginawa ko yon?

Binuksan niya ang locker sa tabi ko at nilagay niya ang gamit niya don. Damn.
Magkatabi pa pala kami ng locker. Isnt that fvcking nice?

Sinara niya ang locker niya at tahimik siyang umalis. Pinagmasdan ko na lang siya
mula sa likod. I cant deny, she's pretty.

What? No. She's not. Yeah, no.

Just wait how I'll break you, Angel.

Pinuntahan ko na lang si Enzo at dala dala na niya ang bulaklak na pinabili ko para
kay Anya. Pumunta na kami sa room at nakaupo na sa gitna si Anya habang nakapiting
siya. Nagsitilian ang classmates namin pero pinatahimik agad sila ni Caleb. Binigay
sakin ni Luke ang gitara at nagsimula na akongkumanta.

(Now playing: Sabihin mo na - Top Suzara)

"Gusto kong magpaliwanag sa iyo.Ngunit di kinakausap..Di ko inasahang diringgin


mo.Nakatingala sa ulap."

Dahan dahang inalis ni Anya ang piring sa maya niya at kita ko ang pagkagulat sa
mukha niya. Tinignan ko siya sa mata niya at hindi niya na mapigilan na mapangiti.

"Alam kong nasaktan na naman kitaNgunit di ko naman sinasadyaHinding-hindi na


mauulit sintaSanay maniwala ka."

Isa isang tumayo ang mga classmates ko at ibinigay nila ang bulaklak kay Anya.

"Kung anong gusto moKahit anoy gagawinPara lamang sa yoSabihin mo naPapaano mo


mapapatawad."

Tumayo ako at inilapag ko ang gitara ko sa upuan. Lumapit ako kay Anya at lumuhod
ako sa harapan niya.
"You know how bad I am. You know how a player I am but when I finally met you, I
know I've been good and all I can see is you. You are the sun in my life, the moon
in my night. I love you so much, Anya. Happy Anniversary."

Umiyak siya pero hinila niya ako patayo at niyakap niya ako. "I love you Skie!"
Sambit ni Anya. "Thank you dito. Simple lang pero sobrang touched ako. Thank you,
babe. You're forgiven."

"Talaga? Hindi ka na galit sakin?" Tanong ko. "Can I kiss you now?" Ngumiti siya at
tumango.

Unti unti kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya at dahan dahan ko siyang
hinalikan. Dinig ko ang tilian ng mga classmates namin at ang hiyas nila Caleb.

Niyakap ko muli si Anya. Nang mapatingin ako sa likod, nagulat ako ng makita ko don
si Angel na nakatayo at nakatingin samin. Mas nagulat ako ng makita ko siyang
umiiyak. Nang magtama ang mata namin, bigla na lang siyang tumakbo palabas. Anong
problema niya?

"What's the meaning of this?" Napatingin kami sa professor namin si Mr. Lazaro. Ang
sama ng tingin niya samin. "Gonzales, ikaw na naman may pakana nito?"

"Sir, hayaan niyo na po. May surprise lang si Skie kay Anya." Depensa sakin ni
Caleb.

"Whatever. Go back to your seats."

Pinisil ko muna ang pisngi ni Anya bago ako umupo sa upuan namin sa likod. Sa harap
sila nakaupo ng mga friends niya.

"Oh ayos na kayo. Mag painom ka samin mamaya ha." Bulong ni Luke. "Kailangan ko ng
chicks mamaya."

"Gago. Kakaayos pa lang nila ni Anya gusto mo mag bar na agad tayo. Gusto mo ulit
sila mag away?" Sambit ni Caleb. "Isa pa, I think Skie is grounded."

"Woah! Pumayag ka talaga na magpa grounded? Dude, under ka na ba ngayon sa parents


mo?" Pang-aasar sakin ni Enzo. Natawa sila ni Luke. "That's not the Skie Gonzales,
we know. You're a freaking bad boy."

"Shut up, dude. Walang grounded grounded sakin. Mag papainom ako mamayang gabi.
Hindi naman ako mambababae kaya walang problema yon kay Anya." Sambit ko.

"Okay, so it's a deal? Later at Mendoza's club." Sambit ni Enzo. "Yeah girls here
we come."

Madali lang naman akong makakatakas mamaya kala Dad. Wag lang eepal ulit sakin si
Angel.

"Angel Dela Fuente?" Tanong ni Mr. Lazaro. "Is she here?" Walang sumagot kaya
nagpatuloy na si Sir sa pag susulat niya sa attendance record niya.

Napatingin ako sa tabi ko, sa bakanteng upuan kung saan nakatayo si Angel kanina.
Is she supposed to be here? Classmates pala kami. Bakit ba kasi siya umalis at
bakit siya umiyak? Yes, I hate her but why can't I stop worrying about her? It's
the first time I saw her cry. Damn it.

Class is over. May pratice kami ng basketball pero nag pass muna ako. Nagpaalam na
sakin si Anya. Sunundo siya ng parents niya dahil may family dinner sila. Hindi ako
pwede sumama dahil kay Dad and Mom kaya naiwan ako sa University.

Bumalik ako sa locker ko para kunin iyong sando ko pero bago ako makalapit don,
nakita ko si Angel na nakatitig sa locker ko. Napagkamalan ba niyang locker niya
ang locker ko?

"Hey!" Sigaw ko.

Napatingin siya sakin. Nagkatitigan kami at halata mo sa mata niyang umiyak siya.
Umiwas agad siya ng tingin sakin at tumakbo siya palayo.

Ano bang problema ng babae na yon?

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ako pwedeng maawa sakanya. She's my enemy.
Worst enemy. And I hate her.

Umuwi na ako sa bahay. Nadatnan ko sa sala si Tita Candice at ang pinsan kong si
Dwayne.

"Hi, Skie! Ang laki mo na ha?" Bati sakin ni Tita Candice. "Kasama mo ba si Angel?
Gusto ko kasi siyang makita eh."

"Hindi ko po alam kung nasan siya." Sagot ko. "Do you have her number?" Tanong ko.

"Skie, bakit hindi mo man lang sinabay pauwi si Angel dito? How selfish are you."
Singit ni Dad. "Now we dont know where is she."

Hindi ko maligilan na magalit sa mga sinabi niya. Kahit pala sa harap ng kapatid
niya nagagawa niya akong ipahiya. What a father.
"Akala ko ba siya ang magbabantay sakin? Hindi niyo ako sinabihan na ako pala ang
dapat magbantay sa babaeng yon." Inis kong sabi.

"What did you say?!" Sigaw ni Dad at lumapit siya sakin. "Hindi kita ganyan
pinalaki."

"Hindi Dad, ganito ako ngayon dahil sa inyo." Sagot ko.

"Sumasagot ka na?!"

"Kuya Charles tama na!" Pag aawat ni Tita Candice. "Kuya, don't be so hard to
Skie."

"Anong nangyayari?" Singit ni Mom. "Why are you fighting?" Pumagitna din siya sa
amin. "Skie, umakyat ka muna. Dwayne samahan mo ang Kuya Skie mo."

Ang sama pa din ng tingin sakin ni Dad pero umiwas na lang ako ng tingin sakanya.
Umakyat ako sa taas kasama si Dwayne pero bago pa kami tuluyang makaalis, narinig
ko ang pag uusap nila Mom.

"Tumawag sakin si Kim. Nasa hotel daw si Angel at hindi muna siya uuwi dito."
Sambit ni Mom.

"I'll talk to her later." Sagot ni Tita Candice.

Hindi na ako nakinig pa at dumiretso na lang kami ni Dwayne sa kwarto ko. Binuksan
ko ang PS3 ko ang naglaro na lang kaming dalawa.

"Bakit nandito ka, Dwayne?" Tanong ko habang naglalaro kami. "Nakita mo pa tuloy
kung gaano kabuting ama sakin si Dad." Sarkastiko kong sabi.

"Ako muna ang driver ni Mommy dahil wala si Tatay. Hindi ko naman alam na may ganon
akong maabutan."

"This is all her fault." Sambit ko.

"Who?" Tanong ni Dwayne.

"Si Angel."

Natigilan siya sandali. Parang may anghel na dumaan sa harap namin sa sobrang
katahamikan.
"You know.. Kuya Skie.. Hindi ka dapat nagagalit ng ganyan kay Angel." Sagot niya.

Medyo nagulat at naguluhan ako sa sagot niya. "What do you mean? Do you know her?
Are you friends with her?"

"Basta." Napabuntong hininga siya. "I know her and she's a good person. You
shouldn't treat her this way."

Hindi na niya natuloy pa kung anong sasabihin niya dahil tinawag na siya ni Tita
Candice. Naiwan na lang ako sa kwarto ko.

Napahiga ako.

Naisip ko si Angel. She's so mysterious. I felt everyone know her expect me. But I
know she's bad. She's crazy and I hate her. Why do everyone seems to like her?
Kahit ang Tita at pinsan ko. Ano bang meron sakanya?

Sino ka ba talaga, Angel?

=================

Chapter 4: Kiss or Take it off?

Skie's point of view.

It's ten in the evening. Tulog na ang lahat sa bahay at hindi pa din tumitigil sila
Enzo sa kakatawag at text sa akin kung nasan na ako. Hindi ako pwedeng masira
sakanila. Ako ang leader ng grupo namin at hindi ko hahayaan na bumaba ang tiningin
nila sakin.

This can't happen. My pride and ego can't handle that.

Sumilip ako sa labas at patay na ang mga ilaw. Dahan dahan akong lumabas ng bahay.
Hindi ko na dinala ang kotse ko dahil mas lalo akong mahuhuli nila dad. Naglagay
ako ng isang malaking stuff toy sa kama ko para mag mukhang natutulog lang ako
habang nakatalukbong ako ng kumot.

Hindi nila ako mapipigilan sa gusto ko.

Yan ang bulong ko sa sarili ko habang naglalakad ako papunta sa labas ng village
namin at duon ako naghintay ng taxi para pumunta sa bar nila Tito Troy.
Wala pang 20 minutes, nakarating na agad ako sa bar nila. Sa labas pa lang, madami
ng tao dahil friday night ngayon. Kaya pala excited na excited ng mga loko mag bar.
Pumasok ako at hinanap ko agad sila Enzo.

"Woah! Here comes Skie!" sigaw ni Luke at lahat sila napatingin sakin. Lumapit agad
ako sakanila. "I thought you're really grounded man!"

Napailing ako.

"Me? I'm the boss and that will never change." maangas kong sabi. "Bad boys dont
follow rules, they make rules." cool kong sabi.

"You're the man, bro!" sigaw ni Enzo. "Let's drink to that!"

Kumuha ako ng isang shot glass at sabay sabay kaming uminom. Kinuha ko ang yosi na
hawak ni Enzo. Matagal na akong hindi nakapag yosi dahil kay Dad. Para talaga akong
bata kung itrato nila ako and I do fvcking hate it. I'm not a kid anymore! I'm on
the legal age to drink and smoke. Kung pagbawalan nila ako parang hindi ginawa yon
ni Dad dati.

"Does your Dad know that you're here?" Tanong ni Caleb.

"No and he will never know unless may mag sumbong sakin." sagot ko. "Don't tell me,
isusumbong mo ako, caleb? Are you being their pet again?"

"Of course not, bros before anything else."

Napangiti ako sa sinabi niya. Minsan na niya akong tinabla para sa magulang ko pero
pinatawad ko na siya don dahil mas matimbang pa din sakin ang pagiging best friend
naming dalawa. Siya sa lahat ang nakakaintindi sakin. At alam ko namang nag aalala
lang din siya sakin.

"That's why you're the closest to me." sambit ko.

Sakanilang tatlo, si Caleb ang pinaka close ko. Siguro nuon si Kiro pero simula ng
kunin niya lahat sakin, matagal ko na siyang kinalimutan dahil isa lang siyang
malaking problema sa buhay ko. Buti nga at nasa states siya ngayon at hindi ko siya
nakikita palagi sa bahay. Hindi ko nga alam kung kapatid pa din ang turing ko
sakanya.

Umupo kami sa gilid at duon kami nagpatuloy sa pag-inom. We are hard drinkers but
we never do drugs. Bad boy kami pero hindi patapon ang buhay namin, well tingin ko
hindi. We all do have a dream and businesses. Luke has a coffee shop and is a good
barista, Enzo is a tattoo artist and is going to be the next CEO of their company.
Caleb is an artist, he can paint and do sculptures and he will also be the next CEO
of their company. Maybe I'm going to be the least successful among them but I want
to have my own gallery with different kinds of photography. At least I have a
dream.

"Skie!" sigaw ni Luke. "Ano dare?"

"Huh?" clueless kong tanong. "What are you talking about?" maybe I've been too pre-
occupied.

"We're going to play spin a bottle. If the bottle points on you, you'll going to
kiss the chick that will walk in front of us." Sambit ni Enzo. "If you can't you'll
drink a full glass of vodka and you will take one thing you're wearing." natawa
ako.

The're crazy. Yeah hindi patapon ang buhay namin but when they gone bad, they're
really bad.

"No way, you know how faithful I am to Anya, right?"

"Ano bang napakain sayo ni Anya, bro? Bago mo siya makilala, you do one night
stands and now it's just a kiss." Sambit ni Enzo.

"You'll never know because you dont have a serious girlfriend." Sagot ko.

"Then do the other way. Drink and take it off." Singit ni Caleb. "C'mon, lover boy.
Don't be a baby."

Napabuntong hininga ako. I cant just say no to them. My ego is so high. "Okay,
Dare!"

"Yeah man!" sigaw ni Enzo. "So I'm going to spin it now!" inikot niya ang bote ng
beer at muntik muntikan ng tumutok sa akin yon, buti na lang kay Caleb tumapat.

"Kiss or take it off?" tanong ni Enzo.

"Are you asking me that? Of course, kiss."

"I like how this is going!" masayang sigaw ni Luke.

Nag abang kami ng chick na dadaan. There are no exemption to the rule. Pangit man o
maganda, we need to kiss the girl. That's the rule but I will take the other way
around because I dont want be unfaithful to Anya.

Dumaan ang isang maganda at sexy na chick. Swerte talaga sa babae ni Caleb, sa
aming lahat siya ang pinaka chickboy. Kayang kaya niyang paglaruan ang mga babae.
Tumayo si Caleb at bago pa makalayo ang chick na dumaan sa harap namin ay hinila
niya na ito at hinalikan niya ng hard. Well that's his trademark, his deep hard
kiss.

Expected na namin na hindi siya sasampalin ng babae at ngumiti pa ito sakanya at


hinihila pa si Caleb palayo pero tumanggi si Caleb. Bumalik siya sa amin na may
ngiting tagumpay.

"Woah! Salute to you man!" Sigaw ni Luke. "The notorius Caleb Maniego is in the
house, yow!"

"That's the way you do it baby." maangas niyang sabi. "Okay, I'm the next to spin."
kinuha niya ang bote at pinaikot niya ito. "Who's gonna be the next victim?"

Dahan dahan na umikot ang bote, dahan dahan itong huminto papunta sakin. What the
fvck. I'm not gonna do that damn kiss.

"Kiss or take it off?" tanong ni Caleb.

"Go for the kiss man!" sigaw ni Luke. "C'mon, it's just for fun." there's no way
I'm going to do it. My loyalty is with Anya.

"I'm going to take it off." hinubad ko ang belt ko. "No way manm there's no way I'm
going to kiss another girl."

"Uh, what a sweet and loyal lover boy." pang aasar ni Enzo.

"Shut up dude, I'm going to make sure you will be the next." sambit ko. Pinaikot ko
na ang bote at sinigurado ko na tatapat yon kay Enzo. Hindi naman ako nagkamali.
"Told yah, bro."

"I'll take the kiss! Bring it on!" maangas pa niyang sigaw.

Naghintay kami sa susunod na babeng dadaan sa harap ng table namin. Nanlaki ang
mata naming lahat ng isang pangit na babae ang dumaan sa harap namin. Natawa pa nga
ako eh. "Bring it on Enzo!" sigaw ko.

Nag aalangan pa siya pero tinulak siya ni Luke papunta duon sa babae. Nabanggan
niya yong babae at gulat na gulat siya. May suot siyang hipit na hipit na damit at
meron siyang nagmumurang dibdib pero kapag tinignan mo yong itsura niya
mapagkakamalan mo pa siyang bakla. Makapal na make up at meron pa siyang mapang-
asar na ngiti.

"Hi baby boy." sambit pa niya. Natawa kaming tatlo sa kinakaupuan namin. Yeah,
Karma is a bitch. Take that, Enzo. "Want to dance and fvck with me?" tanong pa ng
babae. Lahat kami nagulat, wild pala siya.

Tumingin siya sa amin at umiling siya. Halatang diring diri siya at nag aalangan
siyang halikan ang babae.

Wala na din siyang nagawa dahil ang babae na mismo ang humila sakanya at hinalikan
siya ng todo. That was hard. Bulong ko sa sarili ko habang natatawa pa din ako.

Halos mawalan na ng hininga si Enzo ng bumalik siya samin at parang masuka suka pa
siya. Tawa pa din kami ng tawa pagbalik niya. Kinindatan pa siya ng babae at
sumenyas pa na tawagan siya ni Enzo.

"Awatin niyo ako, susuntukin ko na talaga yong pangit na yon!" Angal niya. Natawa
lang kami lalo sakanya. "My turn! Gaganti din ako sa inyo. Damn you."

Pinaikot niya yong bote at tumapat yon kay Luke. Nag alangan pa siya pero dahil sa
mga pang-aasar ni Enzo, pinili niya ang kiss.

Hinintay ulit namin yong dadaan na babae. Akala namin pangit ang dadaan pero hindi,
maganda at hindi lang iisa. Tatlo sila! What the hell? Lucky bastard.

Masaya siyang lumapit sa tatlong babae at isa isa niya itong hinalikan. Hindi naman
umangal ang mga babae at game din sila kay Luke. Sumama tuloy ang itsura ni Enzo.
Akala niya siguro makakaganti na siya samin. Nice try, bro.

"Okay my turn!" Masayang sabi ni Luke. "Who's gonna be next?" Tanong niya.

Pinaikot niya ang bote at sakin na naman tumapat yon. Hindi na nila kailangang
hintayin ang sagot ko. Hinubat ko ang t-shirt ko. The last thing that I can take
off is my pants. Sana lang matapos na to.

"Skie cmon, take the kiss." Angal ni Enzo. "Next time, you'll take the pants
including the boxers."

"Woah, wait. That's unfair."

"C'mon dude, you cant go with that until we finished." Sambit ni Luke.

"Whatever." Gusto ko na lang matapos to. Gusto ko ng umuwi. Pinaikot ko na lang


ulit ang bote. Tumapat ulit sakin. "Counted ba yon? Ako ang umikot ng bote!" Angal
ko.

"Just take it off bro." Sambit ni Caleb.


I cant go naked here. Shit. Anya, forgive me. It will just gonna be a quick kiss.

"Kiss!" Sigaw ko.

Lahat sila tuwang tuwa at halos maghiyawan pa. They are really crazy. Napailing na
lang. Mga kaibigan ko ba talaga to?

Naghintay kami.

Natigilan ako ng dumaan na siya. Parang hindi ako makagalaw. Anong ginagawa niya
dito at sandali, siya ba talaga ang hahalikan ko? What the hell is happening?

"Dude, kiss her." Sambit ni Enzo.

Tinulak nila ako papunta sakanya at ginawa ko na lang ang dare. Hinila ko siya
palapit sakin at hinalikan ko siya. Mabilis lang sana ang gagawin ko pero may
kakaiba sa mga labi niya. Para bang sa ayoko ng matapos ang paghalik ko sakanya.

Tinulak niya ako at gulat na gulat siya sa nangyari. Tinignan niya ako pagkatapos
sinampal niya ako.

"Jerk!" Sigaw niya at tumakbo siya palayo sakin.

Natulala na lang ako sa kinakatayuan ko. Hindi lang ako ang gulat, pati sila Caleb.

What the hell was that, Angel?

=================

Chapter 5: Revenge

Skie's point of view.

Bumalik ako sa table namin na wala sa sarili. What the fvck just happen?

I kissed her. I kissed Angel. My enemy.

"Dude that was epic.. Fail!" Bungad ni Enzo at sabay sabay silang nagtawanan na
tatlo. "Ngayon ko pa lang nakita na may sumampal sayong babae. Nakahanap ka na ata
ng katapat mo?" Natatawa pa din niyang sabi.

"Shut up dude." Inis kong sabi. "Nagulat lang ako sa nangyari kaya hindi ako
nakaiwas sa sampal niya."

"Nagulat? bakit? First time mo bang humalik ng isang babae? Excuses, bro." Sambit
ni Luke. "Sabihin mo lang, you're no match to her."

"I know her, okay? Siya si Angel. Yong sinasabi kong dahilan kung bakit ako napunta
sa police station at kung bakit hindi ako nakapunta sa anniversary namin ni Anya.
Nagulat lang ako na sa lahat pa ng babae siya pa mahahalikan ko. I was just caught
off guard." Paliwanag ko.

"So siya pala yong babae na kinakainisan mo? Hindi mo naman sinabing maganda siya
at hot." Sambit ni Enzo.

"Yeah bro, she's hot." Dagdag ni Luke.

"Seriously?"

"Pwede ko ba siyang maging kaibigan?" Singit naman ni Caleb.

"C'mon bro, I know you just want to have sex with her but no. Walang pwedeng
gumalaw sakanya kung hindi lagot ako kay Dad." Sambit ko.

"Bro," Pangungulit pa ni Caleb. "Marunong din naman ako magseryoso eh."

Napatingin kaming tatlo sakanya. "Lul! Kwento mo sa pagong." Sabay sabay naming
sabi.

"Ang hard niyo naman sakin. Kapag ba nakikita niyo ako puro sex na lang naiisip
niyo?" Tanong niya.

"Oo!" Sabay sabay ulit naming sabi.

"Ouch bro."

"Trust me Caleb, you will not like her at all."

Kinuha mo ang shot glass ko at uminom ako ng uminom. Tinigil na namin ang dare at
nag decide na kaming umuwi. Kung nagpatuloy pa yon baka mawala na ako sa sarili ko.

Hinatid ako ni Caleb sa bahay.

Pumasok agad ako sa bahay at nagulat ako ng naghihintay na pala sakin si Mom at Dad
sa sala. Ang sama ng tingin nila sakin. Kinabahan ako bigla. Alam kong hindi
maganda ang mangyayari.

"Ganyan ka na ba kalala, Skie?" Sambit ni Dad. "Hindi ka na ba talaga sumusunod


samin ng mommy mo?" Mahinahon lang ang boses ni Dad pero alam mong galit siya.

Dalawang beses ko pa lang siyang nakitang ganito. Una, nang mapahamak si Kiro dahil
sakin at pangalawa ng pumunta ako sa Canada ng hindi nag papaalam.

"Skie, ano bang problema mo? Bakit ba nag rerebelde ka na naman sa amin?" tanong ni
Mom. "San ba kami nagkulang ng Dad mo?"

Nakaramdam ako ng inis. Sinara ko ang kamao ko at pinipigilan ko ma mainis pa lalo


dahil alam ko, wala akong laban sakanilang dalawa.

"Sige sabihin mo samin, ano bang problema mo samin? Ano bang gusto mo?" Tanong ni
Dad.

Gusto talaga nilang malaman? Sige sasabihin ko sakanila.

"Nakakatawang hindi niyo alam kung anong problema ng anak niyo." Tumawa ako ng
bahagya. "All this time, si Kiro na lang palagi niyong nakikita. Si Kiro na
matalino, si Kiro na magaling, si Kiro na mabait at si Kiro na nakukuha kung anong
gusto niya. Ako? Ano ba ako sa pamilya natin? Isa lang naman akong black sheep
dito, right dad? Si Skie na basagulero, si Skie na walang alam, si Skie na masama.
I'm so useless na kailangan niyo pa talaga akong pabantayan kay Angel. You never
trust my decisions. Para sa inyo, bata ako. And all I want? Is for you to leave me
alone." Sambit ko.

Natahimik kaming tatlo.

"Is that what you really want?" Tanong ni Dad. "Answer me."

Pareho kaming nagulat ni Mom sa sinabi ni Dad. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya
o ano pero malinaw ang pagkarinig ko sa sinabi niya.

"From now on, malaya ka ng gawin kung anong gusto mo. Hindi na kita pagbabawalan pa
sa kung anong gusto mo. You're now responsible for yourself. Sa huli, wag mo kaming
sisisihin ng Mommy mo."

Agad siyang umalis at umakyat papunta sa kwarto nila ni Mommy. Lalapitan ko sana si
Mommy pero tinalikuran niya ako at umakyat na din siya sa taas.

What the hell was that?

Pakiramdam ko sumasakit ang ulo ko. Nakuha ko nga ang gusto ko pero pakiramdam ko
mas lalo lang lumayo ang loob sakin ni Mom and Dad. Kung hindi lang sana nila ako
nahuli ulit na tumakas.

Bago ako makahiga sa kama ko, naisip ko kung sinong nagsumbong sakin. Iisa lang
naman ang pwedeng gumawa non eh, walang iba kung hindi si Angel. Siya lang naman
ang pwedeng maglaglag sakin. Palagi na lang talaga niya akong pinapahamak. Simula
ng dumating siya sa buhay ko, wala na siyang nadulot na maganda sakin.

Humiga ako sa kama ko.

Makakaganti din ako sayo Angel at mapapalis din kita hindi lang sa bahay namin pati
sa buhay ko.

--

Cold treatment.

Ayan ang binibigay sakin nila Mom and Dad. Dahil ito sa nangyari kagabi. Ang aga
masira ng araw ko. Buti na lang wala si Angel dito kung hindi baka kung ano na
talagang nagawa ko sakanya.

Nasakyan ko na ulit ang kotse ko. Kahit paano masaya na din ako dahil nakuha ko na
ang kotse ko at pwedeng pwede na ulit akong umalis sa bahay kahit anong oras ko
gusto. Ilang taon na ba mula ng magawa ko to? After three fvcking years?

Dumating ako ng maaga sa school. Pumunta ako sa locker ko at nakita ko don si


Angel. Expected ko din naman na makikita ko siya dito. Tamang tama lang dahil gusto
ko siyang makausap.

"Nag sumbong ka na naman kala Dad. Ang daldal din niyang bunganga mo noh?" Bungad
ko sakanya. "Bakit ba ang laki ng problema mo sakin ha?"

Humarap siya sakin at sinamaan niya ako ng tingin. "Wala akong sinusumbong. Hindi
ko alam kung anong pinagsasabi mo." Sinara niya ang locker niya at aalis na sana
siya pero pinigilan ko siya.

"Nag uusap pa tayo." Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. "Wag ka ng mag maang-
maangan, alam kong ikaw yong nagsumbong sakanila. Ano bang problema mo sakin ha?"

"Bitawan ko nga ako." Inalis niya ang kamay ko sa kamay niya. "Problema ko sayo?
Madami. Isa na don yong pagiging jerk mo, yong pagiging spoiled brat at cry baby
mo."

Nginisian pa niya ako at halatang nang aasar siya. Nakaramdam ako ng inis kaya
tinulak ko siya papunta sa locker. Nakasandal siya sa mga locker habang ako
nakatingin sakanya. "Sinusubukan mo talaga ako noh?"
"Hindi ako natatakot sayo." Seryoso niyang sabi. "Hindi mo ako kaya, Skie."

"Bakit ba ang tapang tapang mo ha?" Lumalit ako lalo sakanya at tinignan ko ang
labi niya. Kahit itago niya sakin, alam kong kinakabahan siya ngayon. "Akala mo ba
maloloko mo ko na matapang ka? Eh kitang kita kita na umiiyak kahapon. Wag kang
magpanggap na matapang ka, Angel. You're too weak for me."

Tinulak niya ako palayo at ang sama sama ng tingin niya sakin na para bang iiyak na
siya. May naramdaman akong kakaiba. Hindi ko siya maipaliwanag pero gusto ko siyang
lapitan at yakapin. Ano ba tong nararamdaman ko?

"Skie!" Pareho kaming napatingin ni Angel kay Anya. "So it's true? You're cheating
on me!" Sigaw niya.

Inis na inis siyang lumapit samin ni Angel. Sinampal niya ako at binato niya sa
harap ko ang mga pictures, pagkuha ko don nagulat ako ng makita ko na pictures ko
yon habang hinahalikan ko si Angel kagabi.

"Alam mo yong masakit? Yong makikita ko pa talaga kayong magkasama dito!" Naiiyak
na siya habang sinisigawan niya ako. "Gaano mo na ako katagal niloloko ha?! Tell
me!" Hinawakan ko ang kamay niya.

"Babe let me explain first." Sambit ko. "Hindi totoo lahat ng sinasabi mo. Hindi
kita niloloko, I'm not cheating on you. Aksidente lang yang nasa picture. Please
babe."

Tinignan niya si Angel. "Ikaw! Tell me the truth."

"Wala kaming relasyon na dalawa. Ayan, yan ang truth. Masaya ka na?" Sagot ni
Angel.

Aalis na sana siya pero hinila siya ni Anya at sinabutan niya si Angel. Inawat ko
sila pero nasampal na ni Anya si Angel. "Malandi ka! Wala kayong relasyon pero
hinalikan mo yong boyfriend ko! Slut!"

"I'm not a slut, yang boyfriend mo ang humalik sakin kagabi! Kaya pwede ba, wag ako
yong awayin mo! You're so pathetic!"

Umalis na si Angel at naiwan na lang kami ni Anya. Umiiyak pa din siyang nakatingin
sakin. "Nagawa mo talaga sakin yon, Skie?"

"Oo hinalikan ko siya pero babe--"

"Don't call me babe! I can't believe you cheated on me. I trust you so much tapos
ganito?" Sigaw niya. "I don't want to see you anymore!" Tumakbo siya palayo. Hindi
ko na siya nahabol pa dahil nag bell na.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pumunta na lang ako sa class ko kung nasan yong
tatlo. Nag cut kami ng class at pumunta kami sa may bilyaran.

Kinwento ko sakanila lahat ng nangyari. Gusto ko man silang sisihin dahil sila
naman talaga ang may pasimuno ng dare na yon pero hindi ko magawa dahil best
friends ko sila and it will always be bros before anything else. Mas naiinis ako
kay Angel. Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi dahil sakanya. Dapat
nanahimik na lang siya kanina. Gustong gusto niya talaga akong napapahamak. Ano
bang problema niya sakin?

I want her out of my freaking life!

"Alam mo bro, ipapahanap ko kung sino kumuha ng litrato niyo ni Angel tapos
ipapabugbog ko. Tarantado yon!" Sambit ni Luke.

"Sorry sa nangyari sa inyo ni Anya bro. Tutulungan ka namin humingi ng sorry


sakanya. Sasabihin namin na kami may pakana non. Wag ka mag alala." Singit ni
Caleb.

"Thanks bro. I know maayos pa namin ni Anya ang lahat dahil wala naman talaga akong
ginawang masama." Sambit ko. "Ang gusto ko lang talaga ngayon, makaganti kay Angel
at mapaalis na siya sa buhay ko."

"How will you do that? Your Dad is keeping eye on her kaya hindi mo siya pwedeng
galawin. Isa pa, sa mga sinabi mo parang hindi basta basta to si Angel." Sambit ni
Luke habang nagsasargo siya. "Paano nga tayo makakaganti kay Angel at paano mo siya
mapapaalis sa bahay niyo?"

"Paano ba nasasaktan kadalasan ang mga babae?" Tanong ni Enzo. "Dahil ikaw ang
expert sa mga babae, sagutin mo yan Caleb."

"Madalas kaya sila nasasaktan dahil heart broken sila kapag sinabi kong hindi ko
naman talaga sila mahal na I was just playing with her. Madalas lumayo na din sila
sakin pagkatapos non para daw makapag move-on sila. Funny, right?"

"Now we have an answer to your question!" Sigaw ni Enzo. "I am so brilliant."

"Anong pinagsasabi mo, Enzo?"

"Papaibigin ni Caleb si Angel, kapag mahal na siya ni Angel, makikipaghiwalay na


siya at gagamitin na niya ang famous line niya na, 'I don't love you, I'm just
playing with you.' Iiyak siya at masasaktan, ayan nakaganti ka na. Lalayo siya kay
Caleb at kapag palaging nasa bahay niyo si Caleb, ibig sabihin aalis na din siya sa
inyo dahil nga gusto niyang lumayo kay Caleb."
Natawa ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya don? That's so stupid.

"Nababaliw ka na." Sambit ko. "Hindi pwede yang sinasabi mo."

"Why not? I think it's brilliant." Sagot ni Luke.

"Yeah, I think I like the idea." Nakangising sabi ni Caleb. "I can do that."

"No you can't." Sagot ko.

"Then, just wait and see."

=================

Chapter 6: The war is on

Skie's point of view

Maaga akong gumising para makapunta ako sa bahay nila Anya. Kailangan kong makipag
ayos sakanya. Hindi ko kayang makita na galit siya sakin. Hindi ko kayang mawala
siya sakin at dahil lang sa Angel na yon.

No fvcking way.

Palabas na ako sa kwarto ko pero paghakbang ko palabas, natumba ako. May pumatid
sakin.

"What the?!" Sigaw ko.

Tumingala ako at nakita ko si Angel. Nakangisi siya sakin at siya yong pumatid
sakin.

Seriously? Anong problema niya?!

"Masakit ba?" Tanong pa niya.

Nainis agad ako. Tumayo ako at hinarap ko siya. Tinignan ko siya ng masama. "Anong
problema mo ha?!"

"Wala. Hindi ko sinasadya yon." Inirapan pa niya ako pero bago niya ako
matalikuran, humarap ulit siya sakin tapos tinuhod niya ako sa baba. "Para yan sa
paghalik mo sakin kagabi." Seryoso niyang sabi. "Kulang pa yan."

Napaupo ako sa sakit. Masasaktan ko na talaga siya. Malapit na malapit na. Hindi
Skie, relax. Wag mong ipakita na apektado ka sakanya. She should fear me not the
other way around.

Hindi siya ang sisira sakin. No way.

Natawa na lang ako. "Don't tell me, hindi ka nasarapan sa halik ko?" Nakangisi kong
sabi.

"Nasarapan? Mukha ba akong nasarapan? Nandidiri nga ako eh. Kaya don't flatter
yourself too much." Tinarayan niya ako at bago pa siya umalis, binangga niya pa
ako.

What the fvck is wrong with that girl?!

Muntik na akong matumba. Ang lakas talaga ng babaeng yon. Hindi siya mukhang
anghel, mukha siyang halimaw. Damn, nakakadami na siya sakin. Wag niya lang
dagdagan pa yong inis ko sakanya ngayon dahil baka mapatulan ko na talaga siya at
makalimutan ko na babae siya.

Dumiretso ako sa dining table. Kumakain na silang lahat don. Tahimik akong umupo sa
upuan ko katabi si Mom. "Good Morning Mom."

"Good morning, Skie." Matipid na bati ni Mon.

Tahimik lang kaming kumain. Nakakabingi. Napapatingin ako kay Angel paminsan minsan
pero hindi siya tumitingin sakin. Sayang, sasamaan ko pa naman sana siya ng tingin.

"Oo nga pala, gagamitin namin ng mommy mo yong mga sasakyan kaya sayo sasabay
ngayon si Angel."

Tinignan ko si Dad at alam ko na may kakaiba na sakanya. Hindi na siya katulad ng


dati na nakakatakot but he cared less for me now. I don't know but I really hate
the treatment he is giving me now. I felt everything is messed up.

"Tito, okay lang po. Mag ta-taxi na lang ako." singit ni Angel. Hangang hanga ako
sakanya, alam na alam niya kung paano mag paawa. You'll gonna think that I'm the
bad guy here. What the hell. "Don't worry about me."

"No, sumabay ka na sakin." sambit ko.

Natigilan silang lahat kasama si Dad. I honestly don't want her near me pero
ayokong lumabas na masama na naman kala Mom and Dad. Binigay nga nila sakin ang
freedom na hinihingi ko pero lumayo naman ang loob nila sakin lalo na si Dad. Yes I
want the freedom I think I deserve but I don't want to lose my parents because of
that. Well, thanks to Angel, I'm getting all this trouble.

Kailan ba siya mawawala sa buhay ko?

I finished eating my food and I walked to my car right away. Ang sarap iwanan ni
Angel, pasalamat siya nag papa-good shot ako sa parents ko.

"Hop in." utos ko sakanya.

Parehong masama ang tingin namin sa isa't isa. I'm glad the feeling is mutual. I
hate her and she hates me. At least may bagay kaming pinagkakasunduan.

Pinaandar ko ang kotse ko habang nasa likod si Angel. "Ang galing mo." Sambit ko.

"Huh?" Clueless niyang tanong. Akala mo napaka inonsente niya. "Anong pinagsasabi
mo?"

"Ang galing mo mag panggap. Ang galing mo magpaawa. Akala nila mabait ka pero hindi
nila alam, halimaw ka."

"Oo magaling talaga ako magpanggap." Nakangiti niyang sabi pagkatapos tumingin na
lang siya sa may bintana.

Binuksan ko na lang yong sounds ng kotse ko dahil nabibingi na naman ako sa


katahimikan pero maya maya lang, nag patugtog na naman si Angel ng kanta ng
Paramore. That freaking music will kill me.

Decode pa talaga. The hell?!

"Stop that!" sigaw ko pero hindi niya ako marinig dahil sa lakas ng volume ng iPod
niya. Hininto ko bigla ang kotse ko. "This is not your car and you can't do
whatever you want here." inis kong sabi.

"Paano kung ayokong patayin yong music ko? May magagawa ka ba ha?" Tanong niya.
"Bilisan mo, malalate na tayo." Utos niya pa. Ang angas ng dating niya. Nagtitimpi
na lang talaga ako sakanya.

Pinaandar ko ng mabilis yong kotse ko. Pumasok ako sa village nila Anya pero bago
ako pumunta sa bahay nila, hininto ko yong kotse sa pinaka dulong part ng village.

"Nasiraan ako ng gulong, bumaba ka muna." Sambit ko. "Dali na, late na tayo."
Bumaba siya kasama yong gamit niya. Pag baba niya, ni lock ko agad yong pinto ng
kotse ko. Binaba ko yong windshield ko.

"Gusto mong mag taxi 'di ba? Sige mag taxi ka na. Susunduin ko pa si Anya eh. Bye."

Hindi ko na hinintay yong sasabihin niya at pinaandar ko na ng mabilis palayo


sakanya yong kotse ko. Kitang kita ko sa side mirror ko yong pagkainis niya.

Tignan ko lang kung makahanap ka ng taxi dito dahil once a blue moon lang may
dumaan na taxi dito at malayo pa yong lalakarin mo papunta sa gate.

Umpisa pa lang yan, Angel. Pagbabayaran mo lahat ng gulong dinulot mo sakin.


Sisiguraduhin ko na ikaw na mismo yong kusang aalis hindi lang sa bahay kung hindi
sa bunay ko.

You shouldn't have mess with a bad boy.

Nag park ako sa tapat ng bahay nila Anya. Bago pa ako makababa nilapitan na ako ng
Yaya niya. Umalis daw si Anya kasama ang parents niya. Damn. Hindi man lang siya
nagpaalam sakin? She's still mad at me but at least she should have talked to me.

No choice, umalis na lang ako.

Ilang metro pa lang yong natatakbo ng kotse ko pero may narinig na akong pumutok sa
bandang likod. Nag park ako sa gilid tska ako bumaba ng kotse ko. Flat tire. Great.
Ngayon pa talaga? Ang malas ko naman.

May bumusina sa likod ko, pagkatingin ko si Angel at nakasakay siya sa taxi. "Need
a ride?" Nakangisi niyang tanong.

That smirk.

"No thanks." Sagot ko.

"Sige, sabi mo nga once a blue moon lang may dumaan na taxi dito. Tara na manong."

Bago niya maibaba yong windshield sumigaw ako. "Teka! Sasabay na ko!"

Kinuha ko yong gamit ko sa kotse pagkatapos bago ako makasakay ng taxi, saktong
sinara ni Angel yong pinto kaya natamaan yong mukha ko at napahiga pa ako. Tumayo
ako pero nag wave na sakin si Angel habang unti unting umaandar palayo yong taxi.

"Ahhh!! That girl!!" Sigaw ko.


Humanda lang talaga siya sakin.

Tinawagan ko na lang yong tatlo pero si Caleb lang yong sumagot sakin. Buti na lang
papunta pa lang siya sa school kaya nadaanan niya pa ako.

"Ginawa niya yon?" Natatawa niyang tanong. "She's funny."

"Funny? Anong nakakatawa don?" Inis kong tanong. "Ang sama talaga ng babae na yon."

"Karma ang tawag dyan, bro. Well, I think it serves you right." Pang-aasar pa niya.
"I think I'm liking her."

Naisip ko ulit yong sinabi kahapon ni Enzo. Yong plano namin para kay Angel.

"Papaibigin ni Caleb si Angel, kapag mahal na siya ni Angel, makikipaghiwalay na


siya at gagamitin na niya ang famous line niya na, 'I don't love you, I'm just
playing with you.' Iiyak siya at masasaktan, ayan nakaganti ka na. Lalayo siya kay
Caleb at kapag palaging nasa bahay niyo si Caleb, ibig sabihin aalis na din siya sa
inyo dahil nga gusto niyang lumayo kay Caleb."

The plan to make her fall for Caleb, to make her cry, for her to get out of my
life. Wala na din akong maisip na ibang paraan kaya mas mabuti pang gawin na lang
namin yon. Wala naman mawawala sakin eh at tingin ko game pa si Caleb sa plano
namin.

"Tuloy yong plano." Sambit ko ng makarating kami sa room. "Just make sure, you'll
not gonna fall for that girl kasi papalpak tayo."

"So, seryoso na talaga tayo don? Mukhang may ginawa na naman sayo si Angel ah."
Singit ni Luke. "Wag ka mag alala, si Caleb na bahala dyan."

"Don't worry bro. Kailan ba ako na in love sa babae? I know how to play with them.
Trust me. Kaya kung ako sayo, relax lang ako."

"Caleb Maniego yan eh." Sambit ni Enzo. "Wag mong madaliin bro, hayaan mo kaming
mag enjoy."

"What? I want her out of my life as soon as possible." Sagot ko. "I can't take her
anymore."

"Woah, so ibig mong sabihin, sumusuko ka na dito kay Angel? Ang weak mo bro, babae
lang yan eh." Sambit ni Luke. Kung alam lang nila kung anong klaseng babae si Angel
baka hindi din sila makatagal sa ugali ng babae na yon. "Oh, speaking of the devil,
este the angel."
Dumaan sa harap namin si Angel na may ngiting tagumpay. Sus. Akala mo nanalo na
siya sakin. Akala niya lang yon. Madaming namamatay sa maling akala. Baka maging
isa na siya don.

Pagkaupo ni Angel sa upuan niya, tumunog ng malakas na para bang umutot siya.
Nagtawanan kaming lahat.

"Pwede ba, kung magpapakawala kayo ng bomba don kayo sa banyo!" Sigaw ko. Tumalikod
ako at tinignan ko siya na may ngiting tagumpay. "Nasa baba lang yong girl's room
Angel."

Sinamaan niya ako ng tingin. Ganon din ako. Hindi ako nagpatalo sakanya.

The war is on, Angel Dela Fuente.

=================

Chapter 7: Our deep secret

Angel's point of view.

(Now playing: Let me know - BTS)

Lahat sila pinagtatawanan ako at alam ko lahat ng 'to kagagawaan ni Skie.


Sinusubukan niya talaga ako. NapailIng na lang ako. Mas malala pa siya ngayon kaysa
sa dati.

Dumating yong professor namin at lahat sila tumahimik. Rinig na rinig ko pa din
yong bulungan at tawanan nila Skie. Yeah, I know they're talking and laughing at
me. What a bunch of jerks.

Ganito pala talaga yong gusto mo, Skie. Sige ibibigay ko sayo. Madali naman akong
kausap eh. Ayaw mo talagang magtino eh.

Nag ring ang bell at dali dali akong lumabas ng room. Inabangan ko sa pintuan sila
Skie at saktong pag labas niya, pinatid ko siya gamit ang paa ko. Natumba siya sa
sahig at nagulat lahat ng mga classmates namin pati yong tatlo niyang tropa. Kahit
siya nagulat sa nangyari. Hindi niya siguro inaasahan na gaganti ako sakanya. Akala
ba talaga niya lahat ng tao kaya niya? Gusto kong ipamukha sakanya na hindi niya
ako pwedeng api-apihin. Hindi pwedeng siya na lang ang palaging masusunod.

"What the fvck?" inis niyang sabi.


"Oops, sorry." sambit ko. "Nadulas pala yong paa ko." simaan ko siya ng pati na din
yong mga tropa niya. "Next time para hindi ka mapatid, tignan mo yong dinadaanan
mo."

Nagtawanan yong mga classmates ko. Karma is a bitch, Skie. Remember that. I never
started this war, you did. You triggered me to fight you back. Now face it.

Sa totoo lang, una pa lang ayoko na siyang patulan pero he keeps pushing my limits.

I still have one class pero mag sisimula pa yon after two hours kaya tumambay muna
ako sa coffe shop malapit sa University. Nag skype ako hoping na online si Kiro.
Good thing he is. Nag video call ako sakanya and it took him only 3 minutes to
answer.

"Hi Trix." bati niya. Siya lang talaga yong tumatawag sakin sa second name ko,
well, siya na lang pala. "Thank you for disturbing my sleep." Nakahiga pa siya sa
kama niya and good thing sanay na akong palagi siyang shirtless kung hindi
sisigawan ko siya.

Lalaki na din siguro yong tingin niya sakin kaya komportable na siyang maghubad ng
shirt sa harap ko. Tss. Pasalamat siya best friend ko siya.

"Sorry, akala ko kasi nag bar ka na naman kaya ang nasa isip ko, gising ka pa." he
gave me a blank stare but I just smiled at him. "Sorry okay."

"You know I'm being good now, right? No more night out." nagsuot siya ng shirt niya
at nag ayos ng buhok. Good thing I'm not attracted to this guy. "Teka, bakit ka nag
video call sakin? Is this about my brother again?"

"Kapag ba kinamusta kita, may problema agad ako? hindi ba pwedeng miss lang kita?"
pagmamaktol ko. "But yeah, it is about your older brother." Mukhang na excite pa
siya sa sinabi ko, I can see him doing a lip bite. Kilala ko siya at ginagawa lang
niya yon kapag na e-excited siya.

Ang weird nilang magkapatid.

"Let me guess, my brother is bullying you and you can't help to fight back." How
can he be so good at it? "So, I'm right?" proud niyang sabi.

"How do you freaking know about it? You're such a psycho, Kiro." Seriously.

"I'm not a psycho, Trix. It's just so happen that he's my brother and you're my
best friend that's why I've known the both of you very well." Tumayo siya at
tumapat siya sa picture frame na nakasabit sa tapat ng kama niya. Hindi pa pala
niya inaalis yon. "See, we're all close back then."
"Stop it, you're not helping." Seryoso kong sabi. "Nahihirapan na nga ako dito eh.
Ayoko nang patulan si Skie pero hindi ko mapigilan yong sarili ko. He's being so
mean and bad to me and I can't help to fight back. Kung hindi nga talaga humingi
sakin ng pabor ang daddy mo, hindi na ako babalik dito, I'll just leave and go back
there."

"Is that really the reason? or is it because you're still hoping that one day he
will remember you, that he will go back--" pinutol ko na yong sasabihin niya.

"No I'm not!" hindi ko na napigilan na mapasigaw dahil sa emosyon ko. Little did I
know, nakatingin na pala yong mga tao sakin. Kinalma ko yong sarili ko. "What are
you talking about Kiro?"

"C'mon Trix, you can fool them but not me. Madali lang iwasan si Skie pero alam
kong hindi mo gagawin yon dahil gusto mong maulit yong mga nangyari sa inyo dati
kasi umaasa ka na kapag naulit lahat, baka maalala ka na niya at baka bumalik ulit
siya sayo."

"Hindi yan totoo." Diin ko.

"Talaga? Saan ba kayo nagsimula ni Skie? Ganyang ganyan din kayo dati. Aawayin ka
niya pero lalaban ka. Hindi ka nagpapatalo sakanya. You made him realized na ikaw
na yong babaeng katapat niya. That's the main reason why he falls for you, right?
Para sakanya, nag iisa ka lang sa mundo at nagawa mo siyang patinuin. Nagawa mo
siyang baguhin. That's what exactly you're doing."

Natigilan ako. At some point tama siya pero ginagawa ko 'to hindi para maalala niya
ako. Matagal ko ng tanggap na wala na kami. I'm just doing this because I want him
to go back to his good side. Yong panahon na ang tino tino niya at hindi na
kailangan pang mag alala nila Tito at Tita para sakanya.

"Trust me, Kiro. Mas gugustuhin ko pang wag na lang niya akong maalala." Hindi ko
napigilan maiyak ako. Hanggang ngayon hindi pa din maalis sakin yong nangyari one
year ago. "Hindi naman talaga ako yong nakipag hiwalay sa aming dalawa, siya. Hindi
na niya ako mahal bago pa man yong aksidente kaya kahit maalala niya ako, wala na
din mangyayari. Yan talaga yong dahilan kaya hindi na din ako ulit nagpakilala
sakanya pagkatapos niyang magka amnesia. Inisip ko, gumawa na ang tadhana para
mapaghiwalay na talaga kami."

Natigilan kami pareho.

"I know you don't love him anymore but I know you still care for him."

"Hindi naman mawawala yong care ko para sakanya eh, after all siya naman yong first
love ko eh. Masakit man paminsan minsan na makitang may iba na siya pero matagal ko
ng tinanggap na wala na talaga. I'm just doing this because I care for him."

Napabuntong hininga na lang si Kiro. "Mabuti naman at alam mo, iba na ang sitwasyon
niyo ngayon, Trix. May girlfriend na si Skie, si Anya at mahal na mahal niya yon.
Bumalik man yong alaala niya, hindi ibig sabihin non na mabubura non yong feelings
niya para kay Anya at hindi non masisigurado na mamahalin ka ulit niya."

"Alam ko yon, kahit bumalik yong alaala niya, hindi na siya babalik sakin." Ngumit
ako sakanya kahit pilit pa. "Alam ko na okay? Wag mo nang ulit ulitin pa."

"I'm just concern about you, Angel Beatrix Dela Fuente. Ayokong masasaktan ka
naman."

Siguro kung hindi ko lang siya kapatid ni Skie at kung hindi ko lang siya best
friend baka mahulog na din ako sakanya.

"Oo na, Kiro Rave Gonzales." Gusto niya pala ng buong name eh. "Kapag okay na siya,
babalik na ako dyan. Wag ka ng mag alala, okay?"

"I'll wait for you, okay? Go back to your class now and I'll go back to sleep. May
date pa kami ni Cyrene bukas."

"Are you dating her?" Binigyan lang niya ako ng nakakaloko niyang ngiti. "Be good
to her, okay? Good night, Kiroro."

I ended the video call. It's a breath of fresh air for me to talk to him.

Pumunta ako sa locker ko. At some point, hiniling ko na sana hindi ko makita si
Skie pero talaga atang pinagtatagpo kaming dalawa. For sure, gagantihan niya ako.
Well, I'm ready. Kung nakaya ko siya dati, bakit hindi ko siya kakayanin ngayon?

Hindi ko siya pinansin. Nilagay ko yong ilang books ko sa loob ng locker ko.
Hanggang sa makaalis ako sa locker area, wala man lang akong narinig na kahit ano
kay Skie. What's wrong with him?

Pumunta na lang ako sa class ko. Good thing hindi ko classmate si Skie dito pero
yong isang tropa niya classmate ko at kung mamalasin, nakatabi ko pa siya.

"Hi, Angel." Bati niya pero hindi ko siya pinansin. "I hope we can be friends."
Dagdag pa niya.

Nagpatuloy lang ako sa sinusulat ko at hindi ko pa din siya pinapansin. Hindi ko


siya kinausap hanggang sa matapos ang class namin. Ayokong ma involve sa mga
kaibigan ni Skie at alam ko naman hindi sila magandang impluwensya. I hate them for
tolerating Skie's bad attitude. Para sakin, hindi totoong mga kaibigan ang ganon.

Pumunta ako sa cafeteria namin at umorder na ako ng early dinner food ko. Pagkuha
ko ng tray ko ng pagkain ko, tumalikod na ako para maghanap ng mauupuan pero may
nabangga ako. Tumapon sa puti niyang polo yong red iced tea ko. Pagtingin ko kung
sino, yong tropa na naman pala ni Skie. Sinusundan ba niya ako?

"Sorry, Angel." Sambit niya at isa isa niyang pinulot yong mga gamit ko. "Gusto mo
ba palitan ko na lang yong food mo?" Alok niya.

"Wag na, okay na ako. Pasensya na sa polo mo." Umalis ako at kinuha ko na lang yong
gamit ko.

Naghanap agad ako ng upuan. Buti na lang may chocolate pa ako sa bag. Bago pa ako
makakain, nakita ko ulit yong tropa ni Skie sa hindi malayo. Punas siya ng punas sa
damit niya gamit yong panyo niya pero pati yong panyo na basa na. Nakaramdam agad
ako ng guilt. Kasalanan ko pa din yon, ako pa din yong nakabangga sakanya. Kinuha
ko ang gamit ko at tumayo ako papunta sakanya.

Umupo ako sa tabi niya. Nagulat siya ng makita niya ako. Kinuha ko yong tissue sa
bag ko. Kinuha ko yong parte ng polo niya na natapunan ko, at pinunansan ko yon ng
tissue ko. Pasalamat talaga siya, kasalanan ko kung bakit siya nabasa dahil kung
hindi, hindi ko to gagawin.

Pagkatapos ng ilang ulit na pagpunas, naging tuyo na ang damit niya. "Ayan ha, wala
na akong kasalanan sayo."

Tinignan ko siya at nakatingin na pala siya sakin kanina pa. Hindi lang pala siya
ang nakatingin sakin, pati yong mga tao sa paligid namin. Pinagtitinginan na nila
kami.

"Hindi ka na dapat nag abala pero salamat pa din. Ako nga pala si Caleb, ilang
beses ko na sinabi 'to pero I hope we can be friends."

Inabot niya sakin yong kamay niya pero hindi ko yon inabot. "You're welcome."
Sambit ko.

Tumayo ako at naglakad na ako palayo. Maya maya lang hinabol ako ni Caleb. Ugh.
Bakit ba kasi niya ako gustong maging kaibigan?

"Pwede ba, ayokong maging kaibigan ka. Kaya please lang wag mo na ako lapitan."

"Kung ayaw mo, hindi kita pipilitin. Hinabol kita kasi naiwan mo 'tong panyo mo."
Sambit niya habang nakatingin siya sa mga mata ko. Ganito ba talaga siya makipag
usap? He's kinda intimidating. "Take care."

Habang nag lalakad ako, naisip ko si Caleb. Kung hindi lang siya kaibigan ni Skie,
aakalain ko talaga na malinis yong intensyon niya na kaibiganin ako at maiisip ko
din na mabait siya pero hindi naman sila magiging magkaibigan ni Skie kung hindi
sila pareho ng ugali.
Habang papauwi na ako sakay ng isang taxi, napadaan ako sa coffe shop malapit sa
village nila Anya, nakita ko don yong isa pang tropa ni Skie at may kausap siyang
babae. Hindi ko na nakita kung sino siya dahil nakalagpas na kami.

Pag uwi ko, umakyat agad ako sa taas. Nadaanan ko yong kwarto ni Skie na nakabukas.
Tinignan ko kung nandon na ba siya pero wala pa siya. May kung anong nagtulak sakin
papasok sa kwarto niya.

Dumiretso agad ako sa picture frame na nakasabit sa tabi ng study table niya.
Picture nila 'to nung mga bata pa sila. Si Skie at Hiro. Kinuhanan to twelve years
ago. Gustong gusto to ni Skie dahil accidentally akong napasama sa picture. Nakaupo
ako sa likod nila habang nag lalaro ako ng mga barbie dolls ko. Kinuha ko yong
picture frame at tinignan ko kung nandito pa din yong picture naming dalawa ni Skie
nung high school graduation namin. May kung anong kumirot sa puso ko ng makita ko
ulit siya. Hindi niya pa din pala nakita 'to dito. Buti na lang.

Kinuha ko siya at tinignan.

It was a picture of him kissing me while we're on our high school graduation. Eto
'yong first kiss namin pareho. It was so memorable.. it's sad to know that I'm the
only one now, who can remember it.

"Angel?" Sa gulat ko, nabagsak ko yong picture frame kaya nabasag siya. "What are
you doing here?!"

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nilagay ko agad sa likod ko yong picture namin.
Hindi niya 'to pwedeng makita.

Lumapit siya sakin. "Ano yang hawak hawak mo sa likod mo?"

Damn. I have no choice now but to do this.

=================

Chapter 8: Picture Frame

Skie's point of view

Kanina ko pa tinatawagan si Anya pero hindi siya sumasagot. Naiinis na ako. Ayoko
na nag aaway kami ng ganito para lang sa isang walang kwentang bagay. Parang hindi
ako makapag isip ng maayos kapag magkaaway kaming dalawa. Minsan natatakot na ako
sa pwedeng maging epekto sakin ng matinding pagmamahal ko sakanya.

This is so damn hard.


Kung hindi lang talaga dahil kay Angel, hindi ako mahihirapan ng ganito. Bakit ba
kasi kailangan na siya 'yong maging dahilan ng lahat ng paghihirap ko? Sinasadya
niya ba 'yon?

"Sir Skie, sabi po ni Sir Charles baka bukas pa sila makauwi kasi nasa Tagaytay pa
sila ngayon." Bungad sakin ni Yaya pagdating ko sa bahay. "Kumain na po ba kayo?"

"Okay lang po ako Yaya. Si Angel?"

"Nasa taas na po."

Umakyat na ako at napansin ko ang bukas na pinto ng kwarto ko. Pumasok agad ako
duon at nakita ko si Angel na nakatayo malapit sa study table ko. "Angel?" Tanong
ko at dahil sa gulat nahulog niya yong picture frame na nakasabit don. What the
hell. "What are you doing here?!" Tanong ko.

Hindi siya makasagot sakin at parang kinakabahan siya. Hindi ko maiwasan na magduda
sa kinikilos niya lalo na nang may kung ano siyang tinago sa likod niya.

Lumapit ako sakanya. "Ano yang hawak hawak mo sa likod mo?"

Ayaw niya pa din ilabas kung ano man ang nasa likod niya kaya hinila ko ang braso
niya para makita yon. Nilabas niya yong laman ng kamay niya at hindi ko alam kung
lukot lukot na puting papel ba 'yon o ano. Binulsa niya agad yon kaya hindi ko na
nakita pa.

"Sakin ba yang hawak hawak mo?" Pag uusisa ko pa pero umiling lang siya. "Ano ba
kasing ginagawa mo dito?" Inis kong sabi.

Parang hindi siya mapakali. "Napadaan lang ako tapos na curious lang ako sa picture
niyo. Pasensya na." Sambit niya.

Lumuhod siya para pulitin ang bubog na dulot ng basag na frame. Nanginginig siya at
parang hindi mapakali. Hindi na niya ata alam ang gagawin niya kaya nabubog siya at
mabilis na dumaloy ang dugo sa daliri niya. Mas lalo siyang nanginig at hindi na
siya makagalaw sa kinakaupuan niya. Bigla na lang siyang hinigal kaya nag alala na
ako. Kinuha ko ang kamay niya at hinila ko siya papunta sa kama ko. Hinawakan ko
ang mukha niya at tinignan ko ang mata niya. "Huminga ka ng malalim," utos ko
sakanya.

Ginawa niya ang sinabi ko. "Okay lang ang lahat, kaya kumalma ka. Inhale, exhale."

Pumunta agad ako sa medicine kit sa banyo ko at nilagyan ko ng gamot ang kamay
niya. Pinuluputan ko ang sugat niya ng maliit na gasa. Nilapag ko ang kamay niya sa
hita niya at tinignan ko muli siya. Kalmado na siya kumapara kanina pero tulala
lang siya.
"Okay lang ba?" tanong ko. "Angel?" natauhan siya sa boses ko at parang wala siyang
kaalam alam sa nangyari. Hirap pa din siyang huminga. "May asthma ka ba?" tanong ko
at tumango siya. "Asan yong inhaler mo?"

"Nasa kwarto ko." mahina niyang sabi.

"'Yong kwarto mo ba 'yong gumagamit ng inhaler mo? hindi ba ikaw, kaya bakit hindi
mo siya dala dala?" inis kong sabi. "Minsan pala ang stupid mo." dagdag ko. "Akala
ko ang tapang tapang mo pero simpleng dugo lang natatakot ka na."

"Wala ka namang alam eh, kaya pwede ba." inis din niyang sabi. Ano bang problema
niya? buti nga kahit naiinis ako sakanya, nakuha ko pa din mag alala para sakanya.
"Salamat sa ginawa mo at pasensya na ginawa ko." tumayo siya at umalis ng kwarto
ko.

Tss. Minsan kahit ayaw mong mainis sakanya, hindi mo pa din maiwasan dahil sa ugali
niya. In the first place, bakit pa kasi ako nag alala sakanya? dapat hinayaan ko na
lang siyang maubusan ng dugo at manginig ng manginig sa takot.

"Damn it." bulong ko sa sarili ko.

Lumapit ako sa picture frame na nabasag at nakita ko ang litrato namin. This is Me,
Kiro and Hiro. I used to like this picture so much pero hindi na ngayon. Mabuti na
din siguro na nabasag siya.

Pinalinis ko kala Yaya ang kalat pagkatapos nag shower ako saglit pagkatapos humiga
na ako sa kama ko.

Napatitig ako sa labas ng kwarto ko kung saan kitang kita ang bilog na bwan. Naisip
ko si Angel, naisip ko yong mukha niya kanina habang nakaupo siya at takot na takot
sa sarili niyang dugo, yong istura niya habang hinahabol niya ang hininga niya at
yong mukha niyang walang kalabanlaban. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ako
nagalala sakanya kanina. Siguro sanay akong makita siyang matapang at walang
kinakatakutan kaya kahit ako naawa sakanya kanina pero mali 'to, hindi dapat ako
naaawa sakanya dahil siya ang dahilan ng paghihirap ko ngayon. I should be happy
seeing her suffer but don't know why I fvking cant.

I sighed. Maybe I wasn't that bad at all that's why I still care for her even
though I hate her.

Why am I even thinking of her?

Tinignan ko na lang ang phone ko pero walang kahit na anong text o tawag galing kay
Anya. Kaya niya ba talaga akong tiisin ng ganito? Kailangan ba ako na lang palagi
ang susuyo sakanya? Kung kaya ko lang sana siyang tiisin katulad ng pagtitiis niya
sakin pero hindi ko kaya. Hindi ko kaya kasi mahal na mahal ko siya.
Tumayo ako at kinuha ko ang jacket ko. I'll talk to her again and apologize. She's
more important than this fvcking pride.

Saktong pagbaba ko may narinig akong kung ano sa garden. Pumunta ako duon at nakita
ko si Angel na umiiyak. I shouldnt care for her, it's her problem not mine and I
think it's better if I keep away from her. Tumalikod ako at dumiretso sa front door
pero natigilan ako at naisip ko ulit si Angel.

"Damn it, really." bulong ko sa sarili ko.

Bumalik ako sa garden kung nasaan si Angel at hanggang ngayon ay umiiyak pa din
siya. Lumapit ako sakanya at nang puntong nagtama ang mata namin, tumigil siya sa
pag-iyak niya.

Nagkatinginan na lang kaming dalawa.

"Why?" walang emosyon niyang sabi. "What do you want from me?"

"Wala. Aalis ako, kaya ikaw na bahala sa bahay." I cant think of a better excuse
kaya yan na lang ang sinabi ko. Ayokong sabihin na nag aalala ako sakanya. "Bye."

"Gabi na. San ka na naman ba pupunta?" Tanong niya.

"Wala kang pakialam kung saan ako pupunta."

"Pinagkatiwala ka saking ng Mom at Dad mo kaya kapag may nangyari sayo, ako ang
mananagot. Sasama ako sa pupuntahan mo."

Nakaramdam ako ng inis. Bakit ba ang hilig niya pakialamanan ang buhay ko?

"Nakikitira ka lang samin, kami ang nagpapalamon sayo kaya wag kang umasta na sayo
tong bahay na to." Natigilan siya sa sinabi ko. I don't want to say it that way
pero ayon ang lumabas sa bibig ko. "Umalis ka na sa bahay namin dahil hindi ka
welcome dito lalong lalo ka sa buhay ko." Dagdag ko pa. Masyado akong nadala ng
emosyon ko.

Tumayo siya at hinarap niya ako. Tinignan niya ang mata ko gamit ang matutulis
niyang tignin. 'Yong nanghihina at nakakaawang Angel ay nawala na at bumalik na
siya sa maangas at matapng na Angel. "What you want will never happen." nakangisi
niyang sabi. "From now on, hindi mo na basta basta makukuha ang gusto mo. It
shouldn't be that way, Skie. You need to know the rules." seryoso niyang sabi. "And
rules are made to be followed."

Tinalikuran niya ako pero pinigilan ko siya. Hinawakan ko ang braso niya at
tinignan ko siya ng masama. "Rules are just for weak people and I don't give a damn
to those rules."

"Break the rule and I will break you, remember that." maangas niyang sabi. Bigla na
lang nag init ang ulo ko. Sino ba siya para sabihin yon sakin? Akala ba niya kaya
niya ako? Hindi niya ata talaga kilala kung sino ang kinalaban niya. "Let go of my
hands."

Hindi ko siya sinunod. "I told you, I don't give a damn."

"Isa, dalawa," mas lalo ko lang hinigpitan ang paghawak ko sa kamay niya. Hindi
niya ako matatakot. "Tatlo."

Hinawakan ng isa niyang kamay ang leeg ko pagkatapos tinulak niya ako papunta sa
sahig hanggang sa mapahiga ako sa damuhan.

Nabitawan ko ang kamay niya pagkatapos dinaganan niya ako at pinulupot niya ang
kamay ko. Nakaramdam agad ako ng matinding sakit sa buong braso at kamay ko.
"Bitawan mo ako!" sigaw ko.

"I thought, you don't give a damn?" pang-aasar pa niya.

"Damn you, b*tch!" sigaw ko. Hindi ko na talaga kaya yong sakit na nararamdaman ko.
Anytime, masasaktan ko na talaga siya. "Let go of me!" tinignan niya lang ako ng
masama at parang wala man lang siyang pakialam kahit na nasasaktan na ako. "Stop
it!"

"I can break you even more, just remember that" sambit niya. "And don't you ever
dare call me a b*tch again." tinginan niya ulit ako pagkatapos bunitawan niya ang
kamay ko. Tumayo siya at napahinto siya ng makita niya si Caleb.

"Woah." gulat na sabi ni Caleb. "That was.. hard."

Tignan niya lang ng masama si Caleb at umalis na siya. Lumapit sakin si Caleb at
tinulungan niya akong makatayo. Hinawakan ko ang braso ko at ramdam ko pa din ang
sakit. Kinalma ko ang sarili ko dahil gustong gusto ko ng sumabog ngayon at gusto
ko ng habulin si Angel at saktan siya.

"Bro honestly, I'm starting to be scared at her." sambit ni Caleb. Kinuha ko ang
yosi sa bulsa ko at sinindihan ko yon gamit ang lighter ni Caleb. "Nakakatakot pala
siyang galitin."

"Just stick to the plan, Caleb and you better make it fast because I can't take her
anymore." sambit ko habang nagyoyosi ako. I need to calm myself. "She's so
impossible, bro." inis ko pa ding sabi.

"Relax bro, do you want some drink tonight?"


"Kailangan kong puntahan si Anya, kailangan ko siyang kausapin. Hindi ko kaya na
ganito kami." sambit ko.

"I'll come with you. Sumakay ka na lang sa kotse ko."

"Thanks bro."

Good thing wala si Mom and Dad kaya pwede kong gawin kung anong gusto ko. I would
have been much happy if Angel wasnt there. I regret caring for her, helping her.
Dapat talaga pinabayaan ko na lang siya kanina. She's really getting into my nerves
and I fvcking hate it.

Napahinto kami sa sandali kaya napatingin ako kay Caleb. Parang nakakita siya ng
multo. Magsasalita pa lang ako pero pinaandar na niya yong kotse. Napadaan na kami
sa bahay nila Anya pero hindi kami tumigil. Tinignan ko si Caleb. "Saan tayo
pupunta?" Tanong ko.

"May nakalimutan pala ako sa bahay, puntahan muna natin sandali." Sambit niya. Same
village lang si Anya at Caleb at malapit lang ang bahay nila sa isa't-isa. "Dito ka
na lang sa kotse."

Naghintay ako after ten minutes bumalik na din si Caleb. "Anong nakalimutan mo?"
Tanong ko.

"Wala yon." Sagot niya. "Oo nga pala, nag text sakin Jeon, yong best friend ni
Anya. Umalis daw sila ngayon pero hindi sinabi kung nasaan sila."

Umalis siya ng hindi man lang nagsasabi sakin?

Napabuntong hininga na lang ako. "Bumalik na lang tayo sa bahay." Sinandal ko ang
ulo ko sa upuan at napapikit na lang ako.

"Baka nagpapalamig lang yon, wag kang mag-alala, magiging maayos din ang lahat."
Sambit ni Caleb.

"Thanks bro." Sagot ko. "Paano mo pala nakilala yong best friend ni Anya?"

"Isa yon sa mga chicks ko." Natatawa niyang sagot. "Gusto mo mag bar na lang tayo?"
Alok niya.

"Wala akong gana, mabuti pa umuwi na tayo." Sambit ko.

Nag drive kami pabalik sa bahay. Hindi na pumasok sa loob si Caleb kaya dumiretso
na ako sa kwarto ko. May nakita akong kung ano sa sahig malapit sa study table ko.
Kunuha ko yon at punit na picture ng isang babae na naglalaro ng mga manika. Parang
nakita ko na yong picture na to kasama yong isa lang picture pero hindi ko na
matandaan. Tinignan kong mabuti kung sino yong babae at may kamukha siya. Tinignan
ko pa siyang mabuti pero--

"Ahhh!" Ang sakit ng ulo ko.

Napapikit ako at nawalan ng malay. Pagdilat ko nakita ko ang sarili ko na nasa


concert ng paramore, masayang masaya ako at may kasama akong isang babae na malabo
ang mukha. Pakiramdam mo mas lalong sumakit ang ulo. Why am I here?

"Skie!" Sigaw ng isang babae. "Skie gumising ka!" Sigaw pa niya.

Minulat ko ang mata ko at nakita ko siya. Then it hits me. I suddenly remember.

"Trix.." Sambit ko sakanya.

=================

Chapter 9: Persistent

Angel's point of view

Pabalik na ako sa kwarto ko ng marinig ko si Skie na sumigaw. Nagmadali agad ako na


pumunta sa kwarto niya. Nakita ko siyang nakaupo sa sahig at hawak hawak ang ulo
niya. Kinabahan ako ng sobra para kay Skie. Lumapit agad ako sakanya. Nakapikit na
siya at parang wala na siyang malay.

"Skie!" Sigaw ko. "Skie gumising ka!"

Nakapikit pa din siya kaya inalog alog ko na ang katawan niya.

Dahan dahan niyang minulat ang mata niya. Tinignan niya ako diretso sa mga mata ko.
Mas lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso ko.

"Trix.."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sinabi niya ba talaga ang second name ko? Tama
ba talaga ako ng narinig? Parang gusto konh maiyak.

"Naaalala mo na ba ako, Skie?" Tanong ko. Nakatingin lang siya sakin. "Skie, ayos
ka lang ba?"
"Oo naaalala na kita." Naiyak na talaga ako sa puntong 'yon. Ang tagal kong
hinintay na maalala kiya ako na-- "Ikaw 'yong babaeng nagpahirap sakin nung fourth
year high school ako. Ikaw 'yong greatest enemy ko non, kayong dalawa ni Kiro,
'yong best friend mo." Napanganga ako sa sinabi niya. Parang may mali sa mga sinabi
niya.

"Ha? Ayon lang ba naaalala mo sakin?" Tanong ko.

"May kailangan pa ba akong maalala sayo bukod sa kinakamuhian kita? Kaya pala isa
ka sa mga bagay na nabura sakin simula ng magka amnesia ako kasi isa ka sa mga
kinakamuhian ko, kayong dalawa ni Kiro. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko pa
nakalimutan yang si Kiro. Kaya pala hanggang ngayon, naiinis ako sayo." May kung
anong kumirot sa puso ko. Sa lahat ba naman ng alaala na babalik sakanya bakit yong
memories pa niya nung fourth year high school kami, bakit 'yon lang? "Bakit ba
bumalik ka pa dito? Bakit iniwan mo don 'yong best friend mo ha?" Inis na inis
niyang sabi. "Pwede ba umalis ka na lang sa kwarto ko? Naiinis lang ako kapag
nakikita kita."

Tinignan ko lang siya at halata ngang naiinis siya sa akin. Umalis na lang ako sa
kwarto niya. Dumiretso ako sa kwarto ko sa hindi malayo. Humiga ako sa kama ko
pagkatapos duon na ako umiyak.

"Ang tanga mo Skie.. sa lahat ba naman ng maaalala mo 'yong bad start pa natin?"

Pinikit ko ang mata ko at hinayaan ko na lang na tumulo ang mga luha ko. Akala ko
pa naman maaalala niya na ako. Konting alaala na lang sana makakapunta na siya sa
araw ng science camp namin nung fourth year, kasi hindi pa din umabot.

Napatingin ako sa bilog na bwan sa bintana ng kwarto ko. Bilog din ang bwan nuong
science camp namin nung fourth year high school kami. Nung gabi na nakulong kaming
dalawa ni Skie sa classroom namin, duon nawala ang galit niya sa akin at kay Kiro.
Naintindihan niya na kaya lang kami ganon sakanya ni Kiro dahil nag aalala lang
kami sakanya. Duon niya na realized na yong mga tinuturing niyang best friends ay
siya lang din palang mang iiwan sakanya. Naintindihin din niya na all along, puro
kapahamakan lang pala yong dulot ng mga tinuring niyang best friends. Iyon ang araw
na from best enemies ay naging best friends kami. Iyon din ang araw na nagsimula ko
siyang gustuhin at ganon din siya.. 'Yong ang araw na hindi ko makakalimutan.

"Sa lahat ba naman.. 'yon pa 'yong makakalimutan mo.." Bulong ko sa sarili ko. "Mas
lalo pa tuloy nadagdagan 'yong galit mo sakin.." Pinunasan ko ang luha sa mga mata
ko. "Oo nga pala, kailangan lang naman kitang mapatino ulit pagkatapos non tapos
na, babalik na ako sa New York."

Tama, hindi dapat ako magpaapekto sa nangyari. Hindi na din dapat bumalik pa ang
feelings ko sakanya dahil sa huli, ako lang din ang masasaktan. Nakapag move-on ka
ako at tama na 'yon.

Pinikit ko ang mata ko at hinayaan ko na ang sarili kong makatulog. Masyado ng


mabigat yong mga nangyari sa akin ngayong araw.
Pagkatapos ng ilang oras na tulog, gumising ako only to see if Skie was awake.
Umalis na siya ng bahay at maagang umalis. Mas okay na din sa akin para hindi kami
magkita, baka awayin na naman niya ako at baka hindi na ko na naman mapigilan ang
sarili ko.

Biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag sa akin si Mommy. Sinagot ko agad ang phone
ko. "Mom?"

"How are you?" Bungad niya.

Sinabi ko lahat ng nangyari habang kumakain ako ng breakfast. Sa boses pa lang ni


Mom, alam kong nag aalala din siya sakin. She never agreed to this anyway, ako lang
talaga 'yong nagpumilit.

"Kung nahihirapan ka na, wag mo ng pilitin. Alam mo naman kung gaano kakitid ang
utak ni Skie."

"Mom, hindi makitid ang utak niya." Depensa ko. "Mom you're being hard on him."

"Trix, I'm talking about the old Skie. 'Yong Skie na nakilala natin nung hindi ka
pa dumadating sa buhay niya, nung hindi mo pa nabago 'yong ugali niyang 'yon. Let's
face reality, hindi na siya 'yong boyfriend mo."

"He's acting like this because he lose his memory."

"I know, I just want you to open your mind. Hindi porket nagawa mo siyang patinuin
dati eh magagawa mo ulit 'yon ngayon. This is too much lalo na hindi na naman kayo
even before the accident."

Pinikit ko ang mata ko. I know Mom will never understand me because I know she just
don't want to see me hurting and crying again because of Skie. She's done with it.

"Uuwi din ako Mom, don't worry."

"Okay fine, but I just you to know that your Dad is missing you so much and of
course me as well. Kapag hindi ka pa umuwi after three months, pupunta na kami dyan
ng dad mo."

"It wouldn't take that long, mom. I have to go, okay? Please say to dad that I miss
and love you both. Bye." I immediately ended the call. "I miss New York.." Bulong
ko sa sarili ko.

Naghanda na ako papunta sa school. Hanggang ngayon wala pa din si Tita Serina at
Tito Charles kaya wala pa ding naghahatid sakin sa school, ang alam kasi nila si
Skie ang kasabay ko pero dahil inis sakin si Skie, iniwan niya ako. Well, ayoko din
naman muna siyang makasama after what happened last night.

Paglabas ko ng gate nagulat ako ng bumungad sa harap ko ang isang itim na kotse.
Pagbaba niya ng side mirror, bumungad sakin si Caleb.

"Hi Angel, pinapasundo ka pala sakin ni Skie. Tara sakay ka na." Sambit niya.

"No thanks, kaya ko ang sarili ko." Tinalikuran ko agad siya at naglakad na ako.
Hindi ako tinigilan ni Caleb, sinasabayan ng kotse niya ang paglalakad ko. "Will
you stop following me?" Pagtataray ko sakanya.

"If you want me to stop, just hop in. Hindi naman ako rapist eh, wala akong gagawin
sayong masama."

"Wala akong pakialam kung may gagawin ka man sakin masama o wala, I just don't want
to ride in your car. Leave me alone."

Binilisan ko na lang ang paglalakad ko. I tried to avoid him as much as I can.
Hanggang sa paglabas ng Village nakasunod pa din siya sakin. Makulit din pala siya
eh, noh. "Angel, please just hop in. Wala naman akong masamang intensyon sayo eh."

Tss. Wala daw? Maniwala ako sakanya.

Hindi ko siya pinansin at pumara agad ako ng taxi. Pagtapat pa lang sakin ng taxi,
binuksan ko na agad ang pinto at sumakay agad ako. "Manong sa East University. Paki
bilis lang po."

Pinaandar na ni manong yong taxi niya pero nakasunod pa din samin si Caleb.
Seriously? Stalker ko ba siya? Nakakairita na siya ha.

Pagbaba ko ng taxi magmadali agad akong pumasok sa school para hindi na ako
masundan ng Caleb na 'yon. Hindi na muna ako pumunta sa locker ko baka magpang-abot
pa kami ni Skie. Dumiretso na ako sa room ko.

Umupo ako sa upuan ko sa likod. Nandon na si Skie pati yong dalawa niyang kaibigan.
Wala din sa room si Anya. Hanggang ngayon ba hindi pa din sila okay ni Skie?

Dumating si Caleb sa room. Nakatingin saknya sila Skie pero nilagpasan lang niya
yong mga kaibigan niya at dumiretso siya sa tabi ko. Seriously? Hanggang dito ba
naman, didikit siya sakin?

Mukhang takang taka sila Skie sa ginawa ni Caleb. Kahit 'yong ibang classmates
namin nakatingin sa aming dalawa. Medyo nailang ako dahil sa mga tingin nila.
"Anong ginagawa mo sa tabi ko?" Bulong ko sakanya. "Pwede ba, layuan mo ako?"

"Ayoko kasi tumabi kala Skie, wala akong natutunan don kaya dito na lang ako. Hindi
naman kita guguluhin eh. Wag mo na lang akong pansinin." Sagot niya.

Napabuntong hininga na lang ako. Bahala nga siya basta wag lang niya akong
guguluhin dahil kapag ginulo niya ako, makakalaban niya ako.

Dumating ang professor namin. Aba, nag surprise test pa siya. Sa sobrang pre-
occupied ko nung nakaraang linggo, hindi na ako nakapagbasa ng text book namin sa
physics. Ngayon tuloy nahihirapan ako sumagot sa test namin. Maya maya kinuha ni
Caleb ang papel ko.

"What are you doing?" Bulong ko para hindi kami marinig ng professor namin. "Akala
ko ba hindi mo ako guguluhin?"

"I'm trying to help you, okay?" Bulong niya.

After eight minutes, binalik niya sakin 'yong test paper ko at lahat 'yon may sagot
na. Tama naman kaya 'to?

"Pass your paper." Utos ng professor namin. "Sa lahat ng babagsak sa test na 'to,
you will stay in the class for another lesson about this topic and sa mga
makakapasa, you can go."

Pinasa ko yong test paper ko. Expected ko na naman na babagsak ako kasi hindi
talaga ako nag aral and for sure, wala din naman tama sa mga sinulat ni Caleb.
Mukha namang hindi sila nag aaral na apat. Mukhang pinagtripan lang niya ako.

"Ms. Lim, Ms. Aquino, Mr. De Vera, Mr. Maniego at Ms. Dela Fuente, you may go."

Napatingin ako kay Caleb at nakangiti lang siya sa akin. Hindi pa din ako
makapaniwala na pumasa ako sa exam. Ibig sabihin, tama 'yong mga pinaglalagay ni
Caleb sa test paper ko? Hindi ko alam mung lalabas ba ako ng room o ano pero bago
pa ako makapag decide, kinuha ni Caleb 'yong kamay ko at hinila niya ako palabas ng
room. Nakita ko 'yong mukha nila Skie na parang gulat na gulat sa mga nangyayari.

Malayo layo din 'yong narating namin ni Caleb bago ako nakawala sa pagkakahawan
niya sakin. Malakas din siya kaya hindi ko maalis ang kamay ko. "Sinong nag sabi
sayo na pwede mong hawakan ang kamay ko ha?" Inis kong sabi sakanya.

"Gusto lang kitang makausap." Sambit niya. "Gusto ko lang malaman kung ano bang
dapat kong gawin para pumayag kang maging magkaibigan tayo." Natawa na lang ako sa
sinabi niya.

"Wala kang dapat gawin kasi hindi tayo magiging magkaibigan. Gets mo?" Tinalikuran
ko siya pero hinawakan niya 'yong kamay ko. Inalis ko agad 'yong kamay niya sa
kamay ko. Hinawakan ko yong braso niya tapos yong kamay niya pagkatapos inikot ko
yong buong kamay niya papunta sa likod niya. "Sa susunod hawakan mo pa ako mas
grabe pa dito 'yong gagawin ko." Mas lalo kong inipit 'yong kamay niya.

"Ouch! Angel, tama na!" Sigaw niya. "Sige na, sige na! Hindi na kita hahawakan."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon, binitawan ko siya. "Grabe, ang lakas mo."

"Mas malala pa 'yong gagawin ko sayo sa susunod kapag inulit mo pa yan." Sambit ko.
"Lubayan mo na ako, okay?"

"I just want to be friends with you. Bakit ba ayaw mo? Dahil ba playboy ako? Dahil
bad boy ako? Ano? Good naman 'yong intensions ko sayo, eh."

Akala ba niya ganon ganon na lang ako maniniwala sakanya?

"Angel, please. If you really don't want to be friends with at least give me a
valid reason." Pangungulit pa niya.

"I don't want to be friends with you because your Skie's best friend. I think
that's valid enough." Seryoso kong sabi. "And yeah, I don't want to be friends with
you because you're a jerk."

"That's so unfair. Kilalanin mo muna ako then you decide if you want to be friends
with me or not." Habang tumatagal, nagiging desperado na siya sa paningin ko.

"Really, you're going go down to that level just to be friends with me? That's so
funny, bakit ba gustong gusto mo akong maging kaibigan? Ano bang mapapala mo sakin,
wala naman hindi ba?"

Natigilan siya at tumingin siya sa mga mata ko. He looks so serious by the way. I
wonder what will he gonna say?

"Because I Iike you, Angel."

Wow. What a confession but no. I don't need him to like me. I don't want him to
like me.

"Sorry Caleb but I don't feel the same way. Just leave me alone. Madami pang ibang
babae dyan, okay?"

Tinalikuran ko siya pero habang naglalakad ako palayo, sumigaw siya kahit na may
mga studyante na sa corridor.

"I like you Angel and I will not give up on you!"


Nagmadali akong pumunta sa second subject ko, buti na lang hindi ko na classmate si
Caleb or kahit sila Skie hanggang last subject ko.

Nagmadali akong pumunta sa locker ko para ilagay ang mga books ko at para makauwi
na ako. Feeling ko, hindi na ako safe sa school dahil parang palaging may
nakatingin sakin. Nakakainis kasi 'tong si Caleb eh. Pakiramdam ko stalker ko siya.
Ugh. Sa lahat ba naman ng magugustuhan niya, ako pa?

"Why don't you give him a chance?" Napatalon ako sa gulat dahil sa boses ni Skie.
"He's never been this persistent to a girl before. At kahit ayoko sayo, mas gusto
kong sumaya 'yong best friend ko." Tinginan niya ako at sinara niya 'yong locker
niya. Umalis din siya habang ako naiwan na nakatanga sa harap ng locker ko.

Will I give Caleb a chance?

=================

Chapter 10: Friends?

Angel's point of view.

Pagkatapos kong mag ayos, bumaba na ako ng kwarto ko. It's already ten in the
morning pero ayos lang kasi my class starts at twelve. Pumunta ako sa dining area
at nakita ko don si Tita Serina at Tito Charles na kumakain ng breakfast. "Good
Morning po." Bati ko sakanila.

"Hi Angel, kakauwi lang namin galing Tagaytay. Sorry ha, hindi ka namin naasikaso."
Bungad ni Tita Serina. "Nauna na pala si Skie sa school kaya ipapahatid ka na lang
namin sa driver."

"Hindi na po Tita, gusto ko din kasing sanayin yong sarili ko sa pag commute." I
said with a smile. "Mauuna na po ako."

"Hindi ka ba muna kakain?" Tanong ni Tito Charles. "Samahan mo na muna kami dito."

"Honestly Tito, I'm craving for McDonalds burger kaya I'm planning to eat there na
lang. I hope you don't mind."

"Sure, I know you're missing eating there because I know you're missing New York so
much. I'm really sorry you have to do this for us." Sambit niya. Ramdam ko 'yong
pag aalala niya para sa akin. "If you really want to go home, we will not going to
stop you. I think we can handle Skie by our own. Right sweety pie?"

"Yeah, Angel you don't have to do this if you're having a hard time." Sagot ni
Tita.

"No it's fine. I want to help him so it's not a big deal. And I'm enjoying my stay
here so no need to worry." Maybe it's okay to say I am enjoying rather than saying
the truth, ayoko silang mag alala pa sakin. "Well, I must go. Bye."

Hindi naman nila ako pinilit na pumunta dito at bumalik sa buhay ni Skie. Ako ang
may gusto nito. I know how hard it is for them kaya masaya akong tulungan sila. Ito
na lang din siguro 'yong way ko para pasalamatan sila para sa mga bagay na nagawa
nila sa akin dati.

Paglabas ko ng gate napasigaw ako dahil nakita ko si Caleb sa tapat ng bahay nila
Skie. Ano na naman bang ginagawa niya? Talagang ang kulit niya.

"Good Morning, mag co-commute ka lang ba?" Tanong niya at lumapit siya sa akin.
"Pwede ba akong sumabay sayo? Tinatamad kasi akong magdrive."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Paano na lang pala kung nag pahatid ako sa driver nila
Skie, paano ka na?"

"Makikisabay din ako sa inyo. Kilala naman ako ng mga driver nila kahit pati mga
maids nila." Masigla niya pang sabi. "So ano, gusto mo bang mag bus? Walang thrill
kapag sa taxi eh."

Mautak din pala siya. Parang wala talaga akong kawala sakanya. "Mag co-commute ako
mag isa. Mag commute ka din mag isa. Okay ba yon?" Pagtataray ko.

"Okay sige, basta wag mo lang akong intindihin." Sagot niya.

Buti na lang at hindi siya umangal at hindi na siya nangulit pa. Naglakad ako
palabas ng gate at pagdating ko sa bus stop, sumakay agad ako. Nagulat na lang ako
kasi kasunod ko na pala si Caleb sa likod. At ang malas pa nakatayo pa kaming
dalawa kaya pumunta siya sa likuran ko. Tinignan ko siya pero nakatingin lang siya
sa may bintana pagkatapos nag lagay siya ng earphones sa tainga niya. Hinayaan ko
na lang din siya.

Nang malapit na kami sa bus stop malapit sa University, bigla na lang huminto 'yong
bus na sinasakyan namin kaya napaatras ako sa likod ko, buti na lang nasalo ako ni
Caleb dahil kung hindi, sumubsob ako sa sahig.

"Okay ka lang?" Tanong niya. "Sa susunod, magpahatid ka na lang sa driver nila
Skie, baka mapaano ka pa. Halatang hindi ka sanay sa mga ganito." Sinabi niyo 'yon
habang hawak hawak pa din niya ako sa magkabilang braso ko.

"Okay lang ako, kaya ko 'yong sarili ko." Sambit ko. Ngumiti siya sakin. Hindi ko
maiwasan na mainis sa mga ngiti niya. "Okay na ako kaya bitawan mo na ako."
"You're welcome."

Kinuha niya 'yong bag ko pagkatapos bumaba na siya ng bus. Anong ginagawa niya?
Nagmadali akong bumaba para na din mahabol ko siya. "Akin na 'yong bag ko!" Sigaw
ko sakanya.

"Ako na lang magdadala para hindi ka mabigatan."

"Malaki na ako, alam ko na 'yong ginagawa ko kaya pwede? Hayaan mo na ako."


Pagsusungit ko pa. "Hindi ko kailangan ng tulong."

"Alam mo mas madaling magpasalamat kaysa sa magsungit."

Ngumiti na naman siya at kinindatan niya ako. Naglakad siya at dumiretso siya sa
McDonalds. Wag mong sabihin na alam niya na kakain ako sa Mcdo? O baka nagkataon
lang nakakain din siya don.

Nagiging paranoid na ata ako. What's happening to me?

Pumasok ako sa loob at nag order agad ako quater pounder na meal na may chocolate
sundae. Malapit na pala 'yong lunch time kaya puno na halos 'yong mga table dito.
Katabi lang kasi siya ng University kaya madaming studyante dito. Umakyat na lang
tuloy ako sa second floor pero pati don, puno na din. Pumunta ako sa gilid at
nakita ko si Caleb na nakaupo mag isa sa table na pang animan. Nakita niya din ako.
"Angel, dito oh." Tawag niya sakin. Sa lakas ng boses niya halos lahat napatingin
sakin. "Angel!" Sigaw ulit ni Caleb.

Pumunta na lang ako sa table niya pagkatapos nilapag ko 'yong tray ko. "Pwede ba?
Bakit mo kailangan na ipagsigawan ang pangalan ko? Pinagtitinginan tuloy nila ako."

"Ano bang paki alam mo sakanila? Sila lang ba 'yong pwedeng kumain dito? Kumain ka
na, fourty minutes na lang mag start na 'yong class natin."

Umupo na lang din ako sa harapan niya. Hindi na ako nagpaka choosy wala na namang
bakanteng upuan at baka malate pa ako. "Okay, thanks." Sambit ko.

"You're welcome my Angel." Masigla niyang sabi. Para siyang bata. "Pakabusog ka."

Inalis niya 'yong tinapay sa taas ng burger niya pagkatapos nilagyan niya ng french
friens 'yong  taas ng patty. Sinawsaw pa niya yong tirang fries sa chocolate sundae
niya. Hindi ko maiwasan na mapatingin sakanya at mapangiti.

Parehong pareho kami ng ginagawa tuwing kakain ako sa Mcdo. Hindi ko tuloy alam
kung gagawin ko din ba 'yon sa harap niya.
"Bakit hindi ka pa kumakain?" Tanong niya at inalis ko ang tingin ko sakanya.

Hindi ko siya sinagot, tinanggal ko yong tinapay na nakapatong sa burger ko tapos


nilagyan ko siya ng madaming fries pagkatapos 'yong tira, nilagay ko sa sundae ko.
Tinignan ko si Caleb at nakatingin lang siya sa akin habang kumakain kaya medyo na
conscious ako pero hindi pa din niya ako napigilan sa pagkain ko.

"Alam mo ba, tuwing kakain ako ng ganito dito sa McDonalds, palaging nawiwirduhan
'yong mga tao na nakakakita sa akin. Kaya natuwa ako ng sobra ng makita kitang
ginagawa din 'yong ginagawa ko."

"Anong weird don? Normal lang naman 'yon lalo sa US." Sagot ko. "Well, may ilan nga
na nawiwirduhan sa ginagawa natin."

Katulad na lang ni Skie. For him I should just enjoy and eat my food right away
rather than doing that weird thing.

Meron pa din palang makakaintindi sakin at si Caleb pa talaga yon. Medyo

"Tara na?" Alok niya.

Tumayo na ako at naglakad palabas. Nakasunod lang sakin si Caleb pero buti na lang
hindi niya ako kinukulit.

"Aray!" Sigaw ko.

Nadapa ako o sabihin na lang natin na pinatid ako. Napaupo ako sa sahig pagkatapos
lumapit sa harapan ko si Anya.

"Masakit ba? Alam mo hindi lang yan ang aabutin mo dahil sa paglandin mo sa
boyfriend ko." Mataray niyang sabi. "Hindi mo kilala kung sino 'yong binangga mo."

"Anya anong ginagawa mo?!" Sigaw ni Caleb. Lumapit siya sa akin pagkatapos
tinulungan niya akong tumayo. "Kitang kita ko na pinatid mo siya. What's wrong with
you?" Halatang inis na inis siya.

Nagulat si Anya sa sinabi ni Caleb. "Wait, are you defending this bitch?"

"Mag ingat ka sa mga sinasabi mo." Seryoso niyang sabi. "She's not a bitch."

"Magkaibigan ba kayo ha? Bakit mo siya pinagtatanggol? Isa na din ba siya sa mga
babae mo ha?" Inis na tanong ni Anya. "Alam ba 'to ni Yumi?"
"I'm just saying the truth, hindi siya bitch. At hindi siya isa sa mga babae ko
dahil seryoso ako sakanya."

"Seryoso?! Kailan ka pa nag seryoso ha?!"

"Ngayon," kinuha ni Caleb ang kamay ko. "Kay Angel." Hindi na maipinta ang mukha ni
Anya pati ng mga kasama niya.

"Caleb," biglang singit ni Skie. "Anong nangyayari dito?" Tanong niya. Lumapit
sakanya si Anya at parang iiyak pa ata siya.

"Skie kasi 'to si Angel, kung ano anong pinagsasabi sakin tapos si Caleb naman
pinagtatanggol pa niya."

Napatingin kami pareho ni Caleb sa isa't isa. That was a fvcking lie. I can't
believe she has to lie para lang baliktarin ako.

"What?! Caleb, what are you doing? Bakit mas kunakampi ka pa kay Angel kaysa kay
Anya? You know Anya is my girl." Halata mong inis siya kay Caleb. "Bros before
hoes, right?"

"Skie, pinatid ni Anya si Angel kaya tinulungan ko siya. 'Yong girlfriend mo 'yong
may problema kaya siya 'yong pagsabihan mo." Seryosong sabi ni Caleb. "Tara na,
Angel."

"Caleb!" Sigaw ni Skie pero hindi siya nilingon ni Caleb.

What is he actually doing? Skie would be mad at him and he doesn't seem to care.

Hinila niya ako palayo don at papunta sa classroom namin.

Hindi pa din ako makapaniwala na ginawa 'yon ni Caleb. Pinagtanggol niya ako at sa
girlfriend pa ng best friend niya. Parang tinalo na din niya si Skie sa ginawa niya
kaya hindi talaga ako makapaniwala na mas pinili niya ako kaysa kay Skie na best
friend niya.

"Thank you sa ginawa mo." Sambit ko. "Sorry din kasi dahil sakin mukhang
magkakagalit pa kayo ni Skie."

"Galit na talaga sakin si Skie. Pagdating kay Anya, kumikitid lalo ang utak niya.
Kahit ako ang tama, ako pa din ang magiging mali pero wala 'yon, si Anya naman
'yong may mali at hindi tayo." Sambit niya. "Sa totoo lang, ayoko naman talaga kay
Anya dahil simula ng maging sila mas lalo lang lumala si Skie."

"Talaga?"
"Simula kasi ng maging sila, hindi na siya masyadong nakikinig samin lalo na sa
parents niya. He started to smoke and to party all night, all week. Kami naman,
used to do that, once in awhile at kung uminom man kami don kami sa bahay ko or sa
bahay nila."

Hindi ko mapigilan na mainis. Anong klaseng girlfriend ba meron si Skie?

Nakaramdam ako ng guilt. Buong paniniwala ko, sila ng tropa niya 'yong naging
dahilan ng pagsama lalo ni Skie pero hindi pala, 'yong girlfriend pala niya.

"Kapag inaway ka pa ulit ni Anya, sabihin mo lang sakin." Sambit niya.

"Kaya ko ang sarili ko." Sagot ko. "Nagulat lang siguro ako kanina kaya hindi na
ako lumaban pero kaya ko ka 'to."

"Oo nga pala, ako nga nagawa mong ibalibag eh." Natatawa niyang sabi. "Subukan ka
lang niyang galitin, ewan ko na lang."

Natawa na lang din ako sa sinabi ni Caleb. May something na nagsasabi sakin na okay
din naman palang kausap si Caleb.

Dumating 'yong professor namin at may mga tinuro siya na hindi ko masyadong
naintindihan pero buti na lang tinulungan ako ni Caleb. Matalino pala talaga siya
at habang nag uusap kami narealized ko na madami siyang alam. Maloko nga lang
talaga siya at talagang playboy siya.

Pagkatapos ng pang apat kong klase, nakita ko ulit si Caleb na naghihintay sakin sa
labas ng room.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Susubukan ko sana kung papayag ka na ihatid na kita sa inyo." Halatang nahihiya


siya sa akin. Napangiti pa ako dahil sa itsura niya ngayon. "Sige na, sino na lang
sasalo sayo kapag huminto 'yong bus at nakatayo ka?"

"Sige na, ang kulit mo eh."

"Yes." Bulong niya pero masyado siyang excited kaya narinig ko pa din yon. "Tara?"

Sumakay ulit kami sa bus pero buti na lang hindi tayuan kaya nakaupo kaming dalawa.
Madami din kaming napagusapan at masasabi ko na may sense talaga siyang kausap
hindi katulad sa inaasahan ko.
Pagdating namin sa bahay nila Skie, pinapasok ko siya para makainom siya ng tubig o
kahit kumain man lang ng miryenda pero ayaw niya daw makita si Skie kaya umalis na
din siya.

Pagpasok ko sa loob, wala pa din pala si Skie. Dumiretso na ako sa kwarto ko. Nag
open ako skype at nakita kong online si Kiro.

Nag kwento agad ako sakanya.

"What do you think, should I give him a chance?" Tanong ko.

"Para taluhin niya si Skie, you must be very important dahil hindi madaling taluhin
ang bro mo because that could end your friendship." Seryoso niyang sabi. "I think
that's enough reason para maging friends na kayo. He seems to be okay."

"Really?"

"Trix, don't be so hard on him. Hindi dahil best friend siya ni Skie at parehong
pareho na sila. He maybe different in a way. Like what you said, matalino pala siya
at may sense kausap."

Napaisip ako. Maybe Kiro was right.

"Just don't let your guard down. Ayokong makita na umiiyak ka dahil sakanila dahil
kapag nangyari 'yon, susunduin kita dyan."

He may seems to be playful at times pero he's sweet and responsible. I wish Skie
can be like that again.

"Thank Kiro, I think I know what to do now."

"I should be going, Cyrene is waiting for me outside. See you when I see you! Bye."

Humiga ako sa kama ko.

Caleb seems to be okay, hindi naman siguro masama kung magiging magkaibigan kami.
Yeah, we could be friends.

Bigla na lang may nag text sakin, akala ko si Mom or si Dad pero hindi.

From: UnknownHindi pa tayo tapos, bitch.


=================

Chapter 11: Best friend

Skie's point of view

"Relax bro, masyado kang hot eh." paalala ni Enzo. "Let him explain."

Explain what? Malinaw naman sakin 'yong ginawa niya kanina. Isa siyang malaking
gago. Binastos niya 'yong girlfriend ko at sa harap ko pa talaga. Nag iinit na
naman 'yong ulo sakanya. Anong klaseng kaibigan siya? Nagawa niya talaga akong
taluhin, bakit? dahil kay Angel? That's a complete bullsh*t.

"Maybe it's all part of our plan." sambit ni Luke. "He's your best friend kaya
hindi niya gagawin sayo 'yon ng walang dahilan. He knows how much you love Anya so
there's no way he will do that." are they defending that bastard? Mas lalo lang
akong nainis.

Magsama sama sila!

"Chill ka lang, Skie. Remember bahay nila to so don't do anything stupid." dagdag
ni Enzo. So what?

"I don't fvcking care. If he can't give me a good damn reason, I'm going to beat
him up and I don't care if he's my friend anymore. That person involve here is my
girl." inis kong sabi. "Why is he taking too long? Hinapatid pa niya siguro si
Angel sa bahay namin."

Halos sampung minuto pa kami naghintay bago dumating si Caleb.

"Yaya, please clean the pool, I'll swim later. Thanks!" sigaw ni Caleb. Pagdating
niya sa sala nila, nagulat siya ng makita niya kaming tatlo. "What are you doing
here?" hindi ko siya sinagot. Lumapit ako sakanya at kinuha ko agad 'yong kwelyo ng
damit niya. "Skie, anong problema mo?" tanong pa niya.

"Nag tatanong ka pang gago ka?! Binastos mo 'yong girlfriend ko! at sa harap ko pa
talaga?! T*ngina bro, best friend mo ko." lumapit sakin si Luke para awatin ako
pero hindi ko pa din inalis ang pagkakahawak ko kay Caleb.

"Ano bang masama sa ginawa ko? Nag sabi lang ako ng totoo, pinatid ni Anya si
Angel. She's not telling the truth and I'm sorry to say this but she's being a
fvcking b*tch again." sa inis ko, sinuntok ko siya.

Napahiga siya sa sahig at kitang kita sa bibig niya 'yong sugat na dulot ng suntok
ko. Pinahid niya 'yong dugo sa labi niya habang tinutulungan siya ni Enzo para
makatayo. Lumapit ako sakanya pero hinawakan agad ni Luke ang magkabilang braso ko.
"Skie, tama na!" sigaw ni Luke.
"She's not like that so don't you dare call her a b*tch!" sigaw ko. "Mukhang mas
kinakampihan mo na si Angel ngayon, bakit ha?! seryoso ka na ba kay Angel?!
Ipapaalala ko lang sayo, this is just all part of our plan. Make her fall for you
and break her heart, that's it. It's just a show and you fvcking shouldn't take
this seriously!" inalis ko ang pagkakahawak sakin ni Luke.

"Okay, sorry. Sorry for calling her like that but don't be stupid, Skie." sambit ni
Caleb. "This is also a part our plan. Earning her trust, making her see na mas
kampi ako sakanya rather than all of you. This is my way of getting close to her.
She's no easy to get, she's not like any other girls we've known. And you, Skie in
all of the people should have known better."

Natigilan ako. Kinalma ko ang sarili ko. Caleb's right, I should have known better.
Kakampi ko si Caleb at si Angel ang kaaway ko. "I'm sorry bro." sambit ko. "Nadala
lang ako ng emosyon. Alam niyo naman gaano kahalaga sakin si Anya, kung gaano ko
siya kamahal."

"We know bro." Sagot nila.

"Why don't we drink tonight? Para mas lalong mawala yang init ng ulo niyo." Alok ni
Caleb. "Yaya, please bring us beer."

Pumunta kami sa pool side nila Caleb para uminom ng beer. Naging kalmado na din ako
paunti unti.

"So, okay na kayo ni Anya? We thought you're not in good terms." Sambit ni Luke.

"We're not exactly okay, she just started to talk to me and that's it. After ko
siyang ipagtanggol kanina, she avoided me again." Paliwanag ko. Kinuha ko ang isang
bote ng beer at halo naubos ko ang kalahati sa isang inom. "I really don't know
what to do anymore. Ginawa ko na lahat eh."

"Just give her time bro, hindi ka din matitiis non. Alam mo naman si Anya, paiba
iba ng mood." Sambit ni Enzo. "If you want I'll talk to her."

"No that's fine. Let me handle this myself. Siguro nga she just needed time and
space kaya hindi na muna ako mag paparamdam sakanya." Halos lahat sila nagulat sa
sinabi ko. "What's wrong?"

"Can you actually do that? Isang araw pa nga lang kayong magkaaway halos mabaliw
baliw ka na. Paano pa kapag hindi ka na nagparamdam sakanya?" Tanong ni Caleb.

"I love her so much that I can give her anything she wants kahit na masaktan pa
ako." Seryoso kong sabi. "Bro, I'm that into her. I know it's crazy but I just love
her so much."
"Paano kapag gusto na niyang makipag break sayo? Kaya mo bang ibigay sakanya 'yon?"
Tanong ni Enzo. "Don't tell me papayag ka nga?"

Minsan hinahanda ko din na 'yong sarili ko kung sakali man na makipag hiwalay sakin
si Anya kasi baka bigla na lang akong mag collapse at baka hindi ko na alam kung
anong magawa ko.

"I'll fight her kahit na mahirapan ako ng sobra pero if that what she really wants,
I'll let her go."

"Nagiging emosyonal na 'yong usapan natin mga bro, ayoko nyan baka magka iyakan pa
tayo eh. Inom na lang tayo," singit ni Caleb. "Cheers!" Sigaw niya.

Halos dalawang bucket na ng beer ang naubos namin. Nag slow down na ako ng
makaramdam ko ng konting pagkalasing, mag mamaneho pa ako.

"Caleb, bro, how's our plan going?" Tanong ni Enzo. "Mukhang seryso ka talaga sa
plan natin kahit kami minsan akala namin may gusto ka na talaga kay Angel."

Ngumisi si Caleb. "I'm almost there but I must admit, she's different from other
girls I've known. Just give me time." Sagot niya.

"Just take you time bro, ayoko na din madaliin ang lahat baka mas lalo lang tayong
pumalpak." Sambit ko. "As much as I trust you bro, gusto ko lang ipaalala sayo na
wag kang mai-in love sakanya. Just always put in mind na this just all our plan."

"I'm always keeping that in mind, don't worry." Sambit niya. "I'm not going to fall
for her, that's the thing I'm sure of."

I really hope so.

Hindi na ako nagpahatid sa driver nila Caleb at umuwi na lang akong mag isa.

I know Caleb so much and he will not betray me, I know that. Hindi niya magagawang
baliktarin ako at lalong hindi niya kayang umatras na lang bigla sa plano namin. I
really need to get Angel out of our house and out of my life. Mas lalo lang
lumalala ang sitwasyon ko dahil sakanya. I never had this kind of chaos before she
entered my life.

After kong mag park, dumiretso ako sa sala. Nagulat ako ng makita ko si Dad pero
natutulog siya sa sofa. Dumating bigla si Angel na may dala na kumot at kinumutan
niya si Dad.

"I'm sorry about everything Tito. Alam kong nahihirapan ka na din kay Skie, after
all that happens, I know were you're coming from. I can't blame your actions. I
just wish he will--" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita niya. Nilapitan ko
agad sila.

"Anong nangyari kay Dad?" Maangas kong tanong. Hindi ko pa din maiwasan na mainis
sakanya.

"Gusto mo ba talagang malaman?" Sarkastiko pa niyang sabi. "Wag mo ng alamin."

"Just tell me." Mahina pero galit kong sabi.

"Nakatulog na si Tito Charles kakahintay sayo. Hindi kasi kayo sumasagot sa mga
tawag niya kaya ayon nag alala na naman siya sayo. Nakatulog na din Mommy mo sa
taas kasi maaga pa siyang aalis bukas." 'Mahinang sabi sakin ni Angel. "Kailan ka
ba talaga magtitino? Kailangan pa bang mag hirap ng parents mo para sayo? How,
selfish."

"Ayan ka na naman, stop talking like you know everything about me and about us.
Ngayon ka nga lang ulit dumating sa buhay ko eh." Natigilan siya sa sinabi ko.

"I don't need to know everything for me to say that you're a total jerk and an
irresponsible son. You just think for yourself. That's not you."

"What? Not me?"

"Never mind. Matutulog na ako." Tinalikuran niya ako pero nilapag niya sa mesa yong
isang extra na kumot.

She never fails to get me mad. Palagi na lang siyang may way para mainis at magalit
ako sakanya.

I ignored her.

Pinagmasdan kong mabuti si Dad. Mukhang pagod na pagod siya. I can see white hairs
on his head already, then it hits me, tumatanda na talaga sila ni Mom. Nakaramdam
agad ako ng guilt. I was with my friends, drinking and having fun while my Dad is
here, sitting and waiting for me. How bad I am as a son. No wonder, galit sila
sakin ni Mom kasi ang sama sama ko.

"I'm sorry Dad. Sorry if I'm like this. If I'm the pain in the ass to you and Mom.
I don't really know till now why am I acting like this? A total jerk. A total bad
boy." Napabuntong hininga ako, hinawakan ko ang buhok ko. "Siguro, hindi lang ako
sanay na sobrang higpit niyo sakin, na you're always right and I'm always wrong and
most especially, si Kiro lang ang mabait na anak para sa inyo. He's not."

Humiga ako sa sofa at naglagay ako ng kumot. I don't want to wake him up kaya
sasamahan ko na lang siya ditong matulog. "I just want you to understand me, that's
all." Sambit ko. "I'm not a kid anymore. I can take care of myself so you don't
have to be over protective to me. Nagkaroon lang ako ng amnesia dahil simpleng
pagkauntog ng ulo ko, as if nanggaling ako sa matinding accident but I'm not."

Pinikit ko ang mata ko. "I wish we could be just like before, when Me and Kiro were
just young and we used to go to Disney Land. I miss that, Dad. I wish we could get
it back again."

When I was about to sleep, bigla na lang sumakit ang ulo ko. Nagkaroon ulit ako ng
mga flashbacks.

I'm in the resto, waiting for a girl. Nung dumating siya, I said something na
nagpaiyak sakanya. She gave me a ring pagkatapos umalis na siya. Her face was not
really clear to me but I know she was the same girl that I saw before in my first
flashback.

Minulat ko ang mata ko at damang dama ko ang matinding pawis sa katawan ko. What
was that? Is that something I forgot because of my amnesia? Pero Mom and Dad told
me everything I need to know. And that doesn't include that.

Maybe it was just a dream. "Whoever you are, stop going into my head." Pinikit ko
na ng tuluyan ang mata ko. I shouldn't think that, hindi naman siya importante para
sakin.

What's important to me now is my family and my girlfriend, Anya.

And for Angel to get out of my damn life.

=================

Chapter 12: We are now

Angel's point of view

"So.. ayon nga." Sambit ko kay Kiro habang nag vi-video chat kami. Sinabi ko
sakanya lahat ng nangyari kahapon, about Caleb defending me against Anya. "What do
you think?"

"Well, that's enough reason for you to give him a chance. Hindi madaling taluhin
ang best friend mo. It takes a lot of courage and as what I can see, he really
wants to be your friend." Seryoso niyang sabi. "Why don't you give him a chance?"

Tinignan ko lang siya habang pinagiisipan ko ang mga sinabi niya. Maybe I really
should give him a chance after what he did. "Yeah, I guess he deserves it after
all. Mamaya kakausapin ko siya." Sambit ko.
"Yeah, talk to him. Mag enjoy ka naman habang nandyan ka. Palagi ka na lang
stressed. Baka pag uwi mo dito, mukha ka ng losyang." Tinawanan niya pa ako.

"Ah ganon? Kapag uwi ko dyan, humanda ka sakin." Sinamaan ko siya ng tingin pero
tinawanan pa din niya ako. "What a best friend." Bulong ko sa sarili ko.

"Okay Trix, got to go. Ihahatid ko pa si Cyrene sa school."

"Uhh, what a sweet husband." Pang aasar ko. Para naman makabawi ako. "Okay, go
ahead you playboy."

"Whatever, Trix." In-end na niya 'yong video call. Yes, I win. Alam ko na talaga
ang kahinaan niya. Natawa tuloy ako.

"Breakfast."

Sa gulat ko nahulog ako sa kama ko. Unang bumagsak ang balakang ko. Hindi agad ako
nakatayo dahil sa sakit.

"Bilisan mo, we're waiting for you." Sambit ni Skie at umalis na siya even without
helping me. What a jerk.

Sana man lang tinulungan niya ako, siya naman may kasalanan kung bakit ako nalaglag
eh. "Ang sama talaga ng ugali ng dating Skie. I hate it." Humawak ako sa kama ko
para makatayo.

Nahirapan man ako, nagawa ko pa din na makababa. Thanks to Skie nahihirapan ako ng
ganito. Konti na lang, papatulan ko na talaga siya. Kulang pa yong pang babalibag
ko sakanya dati. Sayang nga lang, hindi pa bumalik ang alaala niya dahil don.

"Angel, ayos ka lang ba?" Tanong sakin ni Tita Serina pag dating ko sa dining room.
"Mukhang hirap ka maglakad? May nangyari ba?" Ngumiti ako at tumabi sakanya.

"May pusa po kasing nang gulat sakin kanina kaya nahulog ako sa kama ko." Sagot ko
habang nakatingin ako kay Skie. Poker face lang siya habang kumakain. "Okay lang po
ako."

"May pusa ba sa bahay, sweety pie?" Tanong niya kay Tito Charles. "Alam ko puro aso
lang ang meron tayo dito."

"Skie, may alam ka bang pusa sa bahay?" Tanong ni Tito kay Skie. Nagkatingninan
tuloy kaming dalawa. Gusto kong tumawa pero hindi ko magawa. "Sayo ba 'yong pusa na
'yon?"
"I don't know. Baka ligaw lang na pusa." Sagot niya.

"Oo nga pala, uuwi next month si Kiro dito. Magbabakasyon siya." Singit ni Tito
Charles. Nagkaroon ng katahimikan. "I expect you'll be good to him, Skie." Tinignan
namin si Skie pero parang wala siyang narinig at nagpatuloy lang siya sa pagkain
niya.

"Angel, balita ko mga may girlfriend na si Kiro don sa States, kilala mo ba siya?"
Tanong ni Tita. Tumango muna ako dahil ngumunguya pa ako ng pagkain. "Balak nga
namin sumamama sakanya sa States after ng bakasyon niya dito." Nabulan pa ako dahil
sa narinig ko. "Ayos ka lang ba?"

Kumuha agad ako ng isang basong tubig. "Sorry Tita, nagulat lang po ako. Opo may
girlfriend na po siya pero mas mabuti po siya na lang ang mag kwento sa inyo."
Uminom ulit ako ng tubig. Naku, lagot si Kiro pag nagkataon.

"Mauna na po ako, may practice pa kami sa soccer. Bye Dad, bye Mom." Tumayo si
Skie, "Sasabay ka ba sakin?" Tanong niya sakin. Aba anong nakain niya at isasabay
niya ata ako ngayon?

"Ah, sige mauna ka na. Gusto ko kasi mag commute eh." Sagot ko. "Alis na din po
ako. See you later po." Paalam ko kala Tito Charles at Tita Serina.

Nasa garage pa ang kotse ni Skie nang lumabas ako ng bahay. Napatalon ako sa gulat
ng makita ko si Caleb sa tapat ng bahay nila Skie. "Sorry, nagulat ba kita?" Tanong
niya habang papalapit siya sa akin.

"Ayos lang, nasosobrahan na ata ako sa kape kaya ganito." Sagot ko. Natigilan siya
at napatitig siya sa akin. "Bakit? May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko.

"Actually wala, nagagandahan lang ako sayo." He said smiling. Simaan ko siya mg
tingin. Akala ba niya madadaan niya ako sa pangbobola niya? "Oh, tinatarayan mo na
naman ako. First time mo na nga akong hindi sungitan kanina tapos ngayon nag
susungit ka na naman."

"Stop flirting with me." I said while looking at him. "I know that style."

Tumawa na naman siya. "Alam mo, kakaiba ka talaga sa lahat ng babae na nakilala
ko."

"Hindi ako kakaiba, hindi lang talaga lahat ng babae, pwede mong makuha." Sagot ko.
"Sasabay ka ba sakin?" I asked. Well, I shouldn't have asked it 'cause I know he
would say yes. And he did.

Habang nasa bus stop kami, dumaan sa harap namin 'yong sasakyan ni Skie. Tumigil
sandali ang kotse niya sa harap namin pero hindi man lang niya binaba ang
windshield niya. "Magkagalit pa din ba kayo si Skie?" Tanong ko kay Caleb ng
makasakay kami sa bus. Good thing, may naupuan kami.

"To be honest wala akong paki alam kung magalit siya sa akin o hindi. Wala namang
mali sa ginawa ko." He even said while smiling. Hindi ba talaga siya apektado? "And
don't even think na may kasalanan ka don."

From that moment, it made think that maybe I was wrong. Maybe he's not that bad as
what I'm thinking that he's different from his friends. Tama nga talaga si Kiro, I
should give him a chance to be my friend.

"Saan ang first class mo ngayon?" Tanong niya ng makarating kami sa school. "I
don't think, classmates tayo." He said after looking at my registration cars. "I'll
see you later then."

"Okay, see you later." I said smiling. What? Ngumingiti na ba ako sakanya? "Weird."
Bulong ko sa sarili ko.

Dumiretso na ako sa class ko. Wala dito ang mga kaibigan ni Skie pero Skie himself
is here. Buti na lang hindi kami magkatabi. Nasa harapan ako at nasa likod siya.
Habang nag le-lecture 'yong professor ko, nakaramdam ako ng kakaiba. 'Yong feeling
na may nakatingin sa akin. Nilabas ko ang salamin ko at tinatapat ko yon kay Skie
sa likod. Nagulat ako ng makita ko na nakatingin siya sa akin, nahulog tuloy 'yong
salamin ko at dinig na dinig sa buong room ang pagbasag nito. Huminto sa
pagsasalita 'yong professor namin at lahat sila napatingin sakin. "What's that, Ms.
Dela Fuente?"

"Nothing Ma'am, sorry." Pinulot ko agad 'yong basag na salamin para hindi na ako
mag create ng sobrang distaction sa class pero dahil sa katangahan ko, nabubog ako
at dumugo agad ang daliri ko. Ang daming dugo kaya agad akong nanghina. "Nahihilo
ako.." Bulong ko sa sarili ko.

Napahiga na ako sa sahig at dinig na dinig ko ang sigawan sa loob ng room. Matagal
akong napapikit at sa tuwing bubuksan ko ang mata ko, naaaninag ko ang mukha ni
Skie pero hindi ako sigurado dahil nahihilo pa din ako kaya malabo pa ang paningin
ko. Pinikit ko na lang ang mata ko ng tuluyan.

---

"Angel?"

Unti unti kong minulat ang mata ko. Nakita ko si Caleb sa tabi ko. Apparently, he's
the one who's waking me up. "How do you feel?" He asked.

Dahan dahan akong umupo. I feel better now but what the hell happened? "Tell me,
what happened?"

"May hemophobia ka daw sabi ng nurse kaya pagkita mo sa sugat mo na puno ng dugo,
nahimatay ka."

I thought of it again. I've got this hemophobia because of the accident. I guess I
can't escape this thing anymore. It will always remind me of the tragic accident.

"I'm okay now. Gaano ako katagal nawalan ng malay?" Tanong ko. "And what time is
it?"

"It's three in the afternoon and you've slept for four hours." Sagot niya.

"Ang tagal pala. Sinong naghatid sakin dito?" I asked while looking at him. "Is it
you?"

"Uhm.. Yeah, ako nga. Dadaanan kasi kita sa room mo then saktong nawalan ka non ng
malay so nag presenta na agad akong dalhin ka dito."

I thought it was Skie pero mali pala ako.

"Thank you." I genuinely answered. He really did care for me. "Kumain ka na ba?
Gusto sana kitang i treat eh, para naman makabawi ako sayo."

"Sakto hindi pa. Gusto mo ba sa cafeteria?" Tanong niya. "Tara na?"

Inalalayan pa din ako ni Caleb hanggang sa makapunta kami sa cafeteria. I will


admit, he's quite a gentleman. Ibang iba kay Skie. Hindi naman pala nag a-apply sa
lahat 'yong kasabihan na birds of the same feather, flock together

"Ako na mag o-order. Hanap ka na lang ng upuan natin." He said.

"This is my treat, ako na mag o-order." Angal ko. "Ikaw na maghanap ng upuan
natin."

"Just treat me some other time. Isa pa baka mabigatan ka sa pagkain na o-orderin
ko. Sige na maghanap ka na ng pagkain don."

Defeated, naghanap na nga lang ako ng mauupuan namin. Konti pa lang ang tao kaya
nakahanap agad ako ng table. Hindi pa tapos sa pag order si Caleb, dumating sila
Skie at kasama niya si Anya pati mga kaibigan nila. Umingay tuloy sa cafeteria
sabayan mo pa ng pagdating ng mga studyante. Sana pala nag Mcdo na lang kami.

"Hey Caleb!" Sigaw ng tropa ni Caleb. Nasa iisang table lang sila. "Over here bro!"

"I'll join you next time." Sagot niya. Nilagpasan niya ang table nila Skie at
dumiretso siya sa table ko. "Here you go." Nilapag niya sa table ang dalawang
malaking burger at dalawang malaking cola, na may dalawang choco sundae. "Enjoy
your food." He said smiling.

All eyes on us. Hindi lang sila Skie pati 'yong ibang students. They're even
talking about us. Hindi ko tuloy maiwasan na mailang.

"Don't mind them." Caleb said in a serious tone. "Hindi lang sila sanay na sa ibang
tao ako sumasama at hindi kala Skie."

"Why don't you join them?" I asked.

"I enjoyed more being with you." He said, still on serious tone. I know I shouldn't
flatted myself too much but I can't help it. "That's not flirting, I'm just telling
the truth so wag mo akong sungitan." I don't know but I laugh naturally because of
that, drawing more attention from the students and from Skie's company. "Nasabi ko
na ba sayo, na mas lalo kang gumaganda kapag nakangiti ka o kaya nakatawa ka."

"Well, that's flirting." I said, still laughing and he then joined me. "I think we
should stop. Ang sama na ng tingin nila satin lalo na si Skie at Anya."

"Why do you even think of them?" He said. "Mas sasaya ka kapag kung hindi mo
iisipin ang sasabihin ng iba." I stared at him. Sometimes, he's having a very good
point.

I ignored their stares and continued to eat. I must admit, I'm having a good time
with Caleb. It's too much than what I expected.

"Angel, I'm really sorry. Hindi kita maihahatid sa bahay nila Skie. We have a
family dinner. Gusto mo ba ipahatid na lang kita sa driver namin?"

"That's too much, I can handle myself so don't worry. Sige na, baka ma late ka pa.
I'll just put my things in my locker."

"Alright, but before I go. Can I ask for your number?" Inabot niya sakin ang phone
niya. Hindi na din ako nagdalawang isip na ibigay sakanya ang number ko. "Woah, I
was just trying but I never expect that you'll really going to give it."

"Well, friends know each others number so I think that's okay." I answered, hoping
he'll know what that means.

"Wait, what? Does that mean, we're friends now?" He asked surprisingly and I can
hear excitement on his voice. "Are we friends now?"

"I supposed we are." I answered. Binuhat niya ako habang nagtatatalon siya. "Hey,
stop that!" I shouted.
"Sorry," good thing naisipan niya rin akong ibaba. "I was just so happy. Akala ko
talaga, hindi na kita magiging kaibigan."

"We are now, okay? Go ahead, you'll be late."

"Yeah, I forgot. Thank you Angel, you really made me so happy." I can see that on
his eyes. Big deal pala talaga sakanya na maging kaibigan ko siya. "Bye, see you
tomorrow!"

Mukhang masayang masaya nga siya. Unconsciously napangiti ako, I don't know why but
maybe because of Caleb's reaction.

Nilagay ko halos lahat ng gamit ko sa locker para hindi ako mahirapan pagsakay ko
sa bus.

"So," muntik na ako mapatalon sa gulat pero buti na lang hindi na naman ako
napahamak. I looked at him. Palagi na lang ba niya akong gugulatin? "You're friends
with Caleb."

"Yes, I am. Is there a problem?"

"Nothing." Sagot niya. "Are you feeling better?" Napatitig ako sakanya. Nag aalala
ba siya sakin? What? Siya mag aalala sakin? That's too impossible. Baka na gu-
guilty lang siya dahil sa ginawa niya sakin kanina. "Sumabay ka na sakin."

Is he really--

"Utos ni Dad." Sinara niya ang locker niya at hindi man lang niya ako hinintay.
What a gentleman. Magkaiba nga sila ni Caleb. "Hurry up!" Sigaw niya.

Sinundan ko na lang siya. I better go with him because I feel exhausted now.

Before I ride in to Skie's car, I received a text message and it's from Caleb.

From: +63927*******I'm glad we're friends now, Trix.

I stared at his text blankly, how did he actually know my second name?

=================

Chapter 13: Busted


Late na akong nagising kaya wala na akong naabutan sa bahay. Umalis na sila Tito
Charles at Tita Serina para mag work. Si Skie naman, maaga din daw na umalis para
sunduin si Anya.

At that point I realized, may mga bagay pa din pala talaga na hindi nawala kay
Skie. He's always sweet and caring to his girl. That's how he is to me before.
Before that cruel accident that changed our life completely.

I can't deny that I am missing the old Skie.

I remember one time I told him I miss him so much and I was so shocked to see him
in front of my unit's door the next day. I didn't expect he will do that. He flew
all the way to New York just to see me even if he didn't have enough sleep. That's
how sweet he is.

"I guess you'll now just a part of my sweet memory." bulong ko sa sarili ko habang
iniinom ko ang kape ko.

Tinapos ko lang ang kinakain ko at umalis na ako ng bahay. I suddenly miss my


parents and my best friend, Kiro. I wish they are all here with me. But I'm glad I
have a friend now, who happens to be Skie's best friend. How odd is that?

"Wala siya?" Tanong ko sa sarili ko paglabas ko ng gate. I was a bit disappointed


about it. Akala ko nandito siya para sabayan ako. What am I thinking anyway, he's
not supposed to be here always. "And why am I even thinking of him?"

Naglakad na ako palabas ng village at nagulat ako sa unang bus na huminto sa harap
ko. Rush hour na kaya punuan na sa bus pero wala naman akong choice dahil mala-late
na ako kung hihintayin ko pa ang kasunod na bus. Medyo kinabahan ako dahil mag isa
lang ulit akong sasakay sa bus. I used to ride a bus in New York but not to a
crowded bus like this.

Sa dami ng tao, napunta na ako sa gitna. Walang Caleb na sasalo sa akin ngayon kaya
kumapit ako ng mabuti para hindi na ulit ako tumalsik patalikod o paharap.

"Bastos ka ha!" sigaw ng isang babae sa likod ko. "Gago ka! Manyak!" lahat ng tao
sa bus napatingin sakanilang dalawa. Apparently hindi lang mag isa 'yong lalaking
nambabastos sakanya, madami sila at nasa likod lang 'yong iba. Natakot ako bigla
para duon sa babae, paano kung pagtulungan siya ng mga gago na 'to? Buti na lang
hindi.

Naisip ko tuloy 'yong unang araw ko dito sa Philippines, 'yong araw na nakita ko
ulit si Skie pagkatapos ng aksidente na 'yon. I was supposed to be drive home by
our driver but then I saw Skie riding the bus so I choose to follow him. Hindi ko
nga lang inaasahan na maiinis siya sakin dahil sa pagkikita namin na 'yon. How
ironic.

Akala ko mag kakaroon pa ng gulo ng lumuwag na ang bus pero bumaba na 'yong babae
sa parehong bus stop na pagbabaan ko. Nauna siyang naglakad sa akin pero nagulat
ako ng naglakad ng mabilis sa harap ko 'yong mga lalaki kanina na nang bastos sa
babae. Naisip ko agad na gagantihan nila 'yong babae. Sinundan ko sila hanggang sa
ma corner ng mga lalaki 'yong babae. Nilapitan siya nung lalaking kaaway niya
kanina at bago pa siya mahawakan ng lalaki na 'yon, naibalibag na siya ng babae.
Kahit ako nagulat sa nakita ko. May anim pang lalaki sa paligid niya at isa isa din
silang lumapit sakanya. Dahil madami sila, hindi na din siya nakapalag kaya
nahawakan siya ng dalawang lalaki. Duon na ako sumingit. Lumapit ako sakanila.

"Mga duwag ba kayo para pag tulungan niyo pa siya?" tanong ko sakanila. Napatingin
silang lahat sa akin.

"Sino ka ba?!" tanong nila. "Gusto mo bang idamay ka namin dito?" maangas pa nilang
tanong.

"Try me." Cool kong sabi. "Mga bakla."

Nilapitan ako ng dalawang lalaki pero sinipa ko agad sila pareho kaya natumba sila
sa sahig. Dahil don nakawala sa pagkakahawak ng dalawang lalaki 'yong babae.
Pinagtulungan namin silang lahat at dahil marunong din makipaglaban 'yong babae,
nakaya naming silang lahat. Mabilis pa sila sa kidlat kung tumakbo palayo sa amin.
Sabay pa tuloy kaming natawa nang babae na kasama ko.

"Black belter ka?" tanong niya sakin.

"What do you think?" I said with a smirk. "I think we're the same. You're actually
better than me."

"Kung ano pa man yon, salamat sa pag tulong mo sakin. Paano ba ako makakabawi
sayo?" tanong niya. "Oo nga pala, ako si Ailee. Ikaw?" inabot niya sakin 'yong
kamay niya.

"I'm Angel." Sagot ko at nakipag kamay ako sakanya. "Wag mo na isipin yon, wala
yon."

"Oh crap, late na ako. Nice to meet you Angel but I have to go. Bye!" nagmamadali
siyang umalis. Saan kaya siya nag aaral? "Thank you!" Sigaw niya sa malayo.

Sandali nga, late na nga din pala ako. Tumakbo na din ako papunta sa University.
I'm so late. Sana lang hindi ako mapagalitan ng professor ko. Nakakahiya naman kung
magiging pasaway ako sa school at kung malalaman pa yon nila Tito Charles.

Hingal na hingal akong pumasok sa room namin. Lahat sila napatingin sakin. This is
what I hate about being late. Kung tignan ka nila akala mo may ginawa kang isang
crimen. "Sorry, I'm late." Sambit ko.

"That's okay, have a seat." Sagot ng professor namin.


Naglakad ako papunta sa likod. Nadaanan ko 'yong mga kaibigan ni Skie at nasa likod
lang din pala nila si Skie at Anya na sweet na sweet sa isa't isa. Inalis ko na
lang agad 'yong tingin ko sakanila dahil kung nakakamatay lang ang tingin, baka
sugatan na ako ngayon. Minsan naisip ko, ang sarap siguro dukutin ng mata ni Anya.
Napangiti na lang ako sa kalokohan ko. Minsan talaga ang maldita ko. Sabi ni Dad
nag mana daw ako kay Mom.

"Sorry, I'm late!" sigaw ni Caleb. Natigilan kaming lahat dahil sakanya. Dumating
siya five minutes pagkatapos kong makadating sa room. "Hi Sir, sorry I'm late."

"Mr. Maniego, is there any chance na magkasama kayo kanina ni Ms. Dela Fuente?"
tanong ng professor namin. "She's also late and she just came in, five minutes
ago."

"Ayieeee!" asar ng mga classmates namin. "Pag-ibig nga kaya?" sabay sabay pa silang
kumanta. Seriously?

"No Sir, hindi kami magkasama kanina." Sagot ni Caleb. "I wish we were but we're
not."

Nagtilian na naman 'yong mga classmates namin. Halos lahat sila kinikilig. Para
silang mga ewan. Anong bang nakakakilig don? "Okay, take your seat." Sabi ng
professor namin.

Dumiretso sa likod si Caleb at umupo siya sa tabi ko. Nakatingin sa amin 'yong mga
kaibigan niya kasama na don si Skie at Anya. Big deal ba sakanila 'yong pagtabi
sakin ni Caleb? As if naman na aagawin ko siya sakanila pero in the first place
siya naman 'tong gustong makipag kaibigan sakin. It's just so happen na iba
sakanila si Caleb kaya pumayag akong maging kaibigan siya. At least that's what I
can see, that he is different from them.

"Hinanap mo ba ako kanina?" bulong niya sakin.

"Ha? Hindi." Sagot ko. I lied. I don't want to feed his ego that much. "Bakit naman
kita hahanapin?"

"Ouch, akala ko pa naman, hahanapin mo ako." Umakto pa siyang parang nasaktan


talaga siya. Makikita mong may pagka laid back lang siya pero minsan maloko din
siya. "Magkaibigan na tayo, hindi ba? You should at least texted me on where I am."

"Magkaibigan tayo, hindi magka-ibigan." Sagot ko. "And why should I text you
first?" pagtataray ko. Pinisil niya ng bahagya ang pisngi ko pagkatapos nginitian
niya ako.

"Kahit na nagtataray ka, maganda ka pa din." Hindi ako nag react sa sinabi niya at
patuloy ko pa din siyang tinarayan. "Gusto ko lang kahit papaano ma miss mo ako
pero I think I expect too much. Nasanay na kasi ako na ako 'yong hinahabol habol ng
mga babae. I get them so easy unlike you."

"That is because I'm not like them." Sagot ko.

"I know that's why I like you so much." Natiglan ako sa sinabi niya. Medyo naiilang
ako kapag sinasabi niyang gusto niya ako lalo na ngayon na magkaibigan na kami.
"Sorry if I'm being like this. Nag a-adjust pa kasi ako sa personality mo kaya
intindihin mo na lang ako. Pakiramdam ko first timer na naman ako pag dating sa mga
babae."

"Whatever." I said with a smile. I smiled because I can understand him. "And, don't
you ever consider me as one of your girl."

"Yes, I will." He said. "You're my friend, right?"

Sa itsura at appeal niya, I can fully understand kung bakit hinahabol habol siya ng
mga babae. Sa mga sweet words at gestures pa lang niya, hindi mahirap ma fall
sakanya. Good thing, there's always an exemption to that and that is me but the
friendship I have for him is genuine. Sometimes I'm doubting his true intention to
me but he already gain my trust and with that, if he'll going to fool me or not I
don't care. It's his loss if he's going to break my trust and once my trust is
broken, it's broken.

"Class dismiss." Sambit ng professor namin.

Lumapit samin sila Skie kasama sila Anya. They all looked at us and I hate their
stare.

"Caleb, we're going to drink later. Tara?" alok nung isa niyang friend at kung
hindi ako nagkakamali, Luke ang pangalan niya. "May gagawin ka ba?"

"Sorry, pass muna." Sagot ni Caleb. "Next time na lang." Akala ko aalis na sila
pero bigla na lang lumapit sa amin si Anya and she looks pissed off.

"Talaga bang mas pipiliin mo na 'yang babae nay an kaysa sa amin?" she said while
looking at me. "Oh come on, Caleb. We all know that you're just playing with her."
She grins at me and that pisses me off. Ano ba talagang problema ng babae na 'to
sakin?

"We're friends and I'm serious about it." He said with with a serious tone. I
didn't expect he will say that in front of them. "Please, kung may problema kayo
sakin wag niyo idamay si Angel." Hinawakan ni Caleb ang kamay ko. "Mauna na kami."
hinila niya ako palabas ng room. We left them with an awe in their face. Actually
kahit ako nagulat.

"Kaya mo na ba talagang taluhin 'yong mga kaibigan mo para sakin?" tanong ko ng


makarating kami sa cafeteria. "Ipapaalala ko lang sayo, ilang araw mo pa lang akong
nakikila." Ngumiti siya sa akin.

"I want to flatter you with that but I will be honest. Kaya ko silang taluhin pa
minsan minsan pero hindi ko pa rin sila kayang ipagpalit para sayo. Well at least,
hindi pa ngayon dahil sabi mo nga, ngayon pa lang kita nakilala kumapara sakanila
na ilang taon ko nang nakasama." I'm happy about the sincerity he's giving me. At
least hindi niya ako binobola. I don't like people, fooling me. Lumapit siya sa
akin at nakangiti pa din siya. "Pero alam mo, nag e-enjoy akong kasama ka kaya wala
muna akong pakialam sakanila. Ngayon ko lang naramdaman 'yong ganitong thrill sa
isang babae."

"Paano ba ang mga babae sayo?" I asked out of curiosity.

"The total opposite of how you are to me. I can easily get them. I can make out
with them even if we just met. I can make them crazy over me. I never had been
serious about a girl because I always play with them. That's how it is." Yes, he
may be different from his friends in some ways but I realized he's still a douche
bag and I don't think that will ever change. "I know what you're thinking about me
but that's okay, that's the truth I won't deny. I can always change for someone."

"Change for yourself, not for someone else." I said. "Yeah, I don't like you being
a douche bag but I can't do anything about it. It will not start with me, it will
start with you."

"I' glad you're my friend now. You're like a breath of fresh air for me." Nakita ko
na naman ang genuine na ngiti niya. At that point, nag iiba ang paningin ko
sakanya. "Did you receive my text last night?"

"Yes, I did." Pumasok bigla sa isip ko 'yong text niya. "By the way, how did you
know my second name? And why did you call me Trix instead of Angel?"

"Oh, you left your driver's license in my car." May kinuha siya sa bag niya at
nilabas niya ang license ko. How could I be so careless? "'Yong ex-girlfriend kasi
ni Skie dati, Trix ang pangalan. Gandang ganda ako sa pangalan niya and by the way
Skie is describing her, I know she's beautiful kahit na never ko pa siyang nakita.
Sayang nga lang hindi napakilala ni Skie sakin 'yong girlfriend niya, nag ka
amnesia na kasi siya non and his parents asked me not to mention her name anymore
after that accident. Hindi ko din alam kung bakit at hanggang ngayon naiisip ko pa
din yon. Ako lang sa aming tatlo na kaibigan ni Skie ang nakakaalam ng lahat, mas
nauna kasi niya akong naging kaibigan. Ang weird nga eh, pareho pala kayo ng name
tska pareho din kayo ng ugali.." He suddenly stops. Biglang bumilis ang tibok ng
puso ko. He's like solving the last piece of the puzzle. I'm not yet ready for
this. Hindi niya dapat malaman ang lahat. "Ikaw si Trix? Ikaw 'yong ex-girlfriend
ni Skie?"

I'm dead. How can I escape this?

=================
Chapter 14: Chance

"Nagpapatawa ka ba? Ako magiging girlfriend ni Skie?" Tumawa ako kunwari para
makalusot ako. Makakalusot nga ba ako? Kinakabahan ako. "Nakita mo kung anong ugali
meron siya? Hindi ako papatol sa ganon kasamang lalaki."

Tinitigan lang niya ako na para bang nag iisip siya. Shit. Sana maniwala siya
sakin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nahuli niya ako.

"Sabagay, kung ako nga hindi pumasa sayo, si Skie pa." Sambit niya. Tumalikod ako
sakanya para hindi niya makita 'yong reaksyon ng mukha ko. Nakahinga talaga ako ng
literal sa sinabi niya. "Pero kilala mo ba kung sino siya? Magkapangalan talaga
kayo eh."

"Alam ko namatay na siya duon sa aksidente kaya nga hindi na siya pinapabanggit
nila Tito Charles." Palusot ko. "Oo beatrix din ang pangalan niya."

I hate lying but I don't have any choice. And the hell, I just killed myself.

"Namatay na siya? Talaga? Nakakagulat naman. Sayang hindi ko na siya nakilala pa."
Nakita ko sa mata niya 'yong disappointment. Sorry Caleb kung nag sinungaling ako
sayo. "Pero alam mo kung naging ikaw si Trix, nako malaking gulo 'yon. For sure
hindi ganito 'yong treatment niya sayo at baka magkalabuan sila ni Anya. Sana nga
mag hiwalay na lang sila."

"Bakit gusto mo silang mag hiwalay?" I asked because my effin' curiosity is killing
me. Mukha naman kasing ayaw talaga ni Caleb kay Anya. "And it seems you don't like
her."

Natigilan siya sandali pero hinarap niya din agad ako.

"Cause she's a b*tch." Straight forward niyang sabi. Feeling ko may malalim na
pinanghuhugutan si Caleb. Mas lalo lang akong na curious pero I'll let it pass for
now. "Sorry, ayoko lang talaga sakanya." Dagdag niya.

"I don't like her too so that's fine." Sabay kaming natawa sa sinabi ko. Well he's
telling the truth anyway, ang b*tch naman talaga ni Anya. Ewan ko lang kung may
redeeming quality siya na nagustuhan ni Skie or talagang nabulag lang si Skie
sakanya. Naisip ko tuloy, paano nahulog sakanya si Skie ng ganito? Nakakapagtaka.
"Oo nga pala, saan ka galing at late ka din?" Tanong ko.

"Sinundo ko pa sa airport 'yong baby sister ko. Aminin mo na kasi, hinanap mo


talaga ako kanina." Sambit niya. Tinarayan ko na lang siya. Hindi ko sasabihin
sakanya 'yong totoo, lumaki pa 'yong ulo niya. Tinawanan na lang niya 'yong
pagtataray ko. "Late ka din pala kanina, anong nangyari? Naghirapan ka ba na
sumakay? Sorry ah, wala ako kanina."
Naisip ko 'yong nangyari kanina kay Ailee.

"Punuan kasi sa bus kaya ayon, late na ako nakadating dito." Sagot ko. "Ilang taon
na pala 'yong kapatid mo?" Tanong ko.

"Fourteen na siya at dito na din siya mag aaral. Third year high school na siya."
Nilabas niya 'yong wallet niya at pinakita niya sakin 'yong family picture nila.
"Ayan siya, eto naman si Dad at Mom tapos siya 'yong ate ko kaso nasa US siya
ngayon."

"Lahat pala kayo maganda at gwapo." Bulong ko sa sarili ko ng pagmasdan ko silang


lahat. Halos magkakamukha din silang lahat. "Nice family." Sambit ko.

"Narinig ko 'yong binulong mo. Gwapo ba ako sa paningin mo?" Tanong niya with his
excited voice. "Tell me honestly, gwapo na ba ako sa paningin mo?" Mas lumapit pa
siya sa akin kaya bigla akong na tense.

I hate lying so I'll just tell the truth.

"Oo, gwapo ka." Tipid kong sagot. "Ang ipokrita ko naman kung sasabihin kong
hindi."

I saw a smirk on his face. "May chance ba na sagutin mo ako kapag nanligaw ako
sayo?" Tanong niya. Straight forward nga talaga siya.

"Wala." Sagot ko. "Sabi ko nga sayo, 'di ba? I'm not gonna be one of your girls.
Hindi ako mahuhulog sa charisma mo, noh." Pagtataray ko.

"I know you'll say that." Natatawa niyang sabi. Alam naman pala niya eh. "Pero it
will not change the fact that I like you. Pwede naman siguro 'yon 'di ba? 'Yong
gustuhin kita kahit hindi mo ako ginugusto."

Hindi ako bato para walang maramdaman sa sinabi niya. Naramdaman kong nag init ang
mga pisngi ko kaya umiwas ako ng tingin sakanya I can't help to be so tensed.

"It's up to you. It's not your thing, you're not used to it. Kailan ka pa ba
naghabol sa isang babae? Eh 'di ba, ikaw palagi ang hinahabol nila." Sagot ko.

"Ngayon lang naman ako nag kaganito.. sayo." What he said makes me blush a little.

Whatever he's doing it's damn working. But no, I can't fall for him. "Friends,
remember?" Paalala ko sakanya.

"Yes we are but you can't forced me not to like you. Hindi naman kita pipilitin. We
can just be friends if you really want. If you don't like me that's fine but just
allow me to like you and be by your side even just a friend."

Natigilan ako. I can't believe he can do that. Ang layo sa personality niya para
magtitiis sa isang babae. He always gets what he want. I'm doubting he's feelings
toward me but sometimes I can't help to believe him.

"Bahala ka, all I know is we're friends and that's it." Sambit ko. Ngumiti siya
pero alam ko may lungkot sa mga ngiti na 'yon. I feel bad about it. Even if he's a
jerk, he's completely good to me.

"Yes, friend." Tumawa siya habang hindi niya pa din inaalis ang tingin niya sakin.
Nawala din agad 'yong ngiti sa mukha niya at naging seryoso siya. "Alam mo, ngayon
lang ako na reject ng isang babae. Masakit pala specially the girl who rejected me
is the girl I like the most."

I can feel his pain. Did he consider that as a rejection? Sabagay, I think wala
kahit ni isang babae ang humindi sakanya sa kahit anong bagay.

"Caleb, I'm sorry--" pinutol niya agad ang sasabihin ko.

"Don't be sorry. It's not your fault you don't like me. Ikaw na siguro 'yong karma
ko." Pinilit niyang ngumiti. "Hindi lang ako handa sa pagdating mo."

Medyo nagiging awkward na 'yong usapan namin. Siguro dahil hindi ako sanay na
nakikita kong ganito si Caleb.

"There you are!" Sigaw ng isang babae. Paglingon ko sakanya, nanlaki ang mata ko.
"Hi Angel!" Lumapit siya sa amin pero natigilan siya ng makita niya si Caleb.
"Caleb?"

"Ailee?" Sagot ni Caleb. Pareho akong napatingin sakanila. "Kilala mo si Angel?"


Sabay nila akong tinignan.

"I just met her awhile ago. Is she your girlfriend?"

Tinignan ulit ako ni Caleb. "No, she's just my friend." I can see the sadness in
his eyes.

"Wow, may girl friend ka na pala, as in babae na kaibigan." Umupo siya sa ni Caleb.
"Akala ko kasi lahat ng babae nagiging syota mo, well except kay ate." Sambit niya.

"So hindi kita kaibigan?" Sagot niya. Umakto pa siyang parang nasasaktan siya.
"After all, you're not even considering me as your friend?"
"OA mo, oo na friend na kita." Pinagmasdan ko silang dalawa. Mukhang close naman
sila. "Paano mo pala nakilala 'to si Caleb, Angel?" Tanong niya.

"Classmate ko siya." Sagot ko.

"Paano naman kayo nagkakilala kanina ni Angel?" Singit ni Caleb pagkatapos tumingin
siya sakin. "Kaya ka ba late kanina dahil kay Ailee?"

"Uhm.." Tinignan ko si Ailee at hinihintay din niya ang isasagot ko. "Actually
nakasabay ko sa bus si Ailee pagkatapos nakita ko siya na pinagtutulungan ng mga
lalaking kasabay namin sa bus kaya tinulungan ko siya."

Tumango si Caleb. "Wow, pareho nga pala kayong badass. Birds of the same feather
nga talaga." Natawa ako sa sinabi niya. The he imitates my voice while saying the
last line is cute.

"Buti hindi ka pinormahan nito." Natatawang sabi ni Ailee. Medyo boyish si Ailee
pero maganda at sexy siya. "Ay mali, buti hindi ka nahulog sa pangbobola niya."

"Sana nga pero hindi." Caleb said with disappointment. "We're just friends." Kita
ko pa din sa mukha niya na malungkot siya. He really does like me.

"Sabi ko naman sayo, hindi lahat ng babae magkakagusto sayo. Kagaya ko." Sagot ni
Ailee.

"Hindi ka naman babae, lalaki ka."

"Lul! Kaya pala baliw na baliw sakin si Luke dati." Pagtataray niya. Kung hindi ako
nagkakamali, si Luke 'yong isa nilang kaibigan. So naging sila pala? That's why
magkakilala sila ni Caleb. "Angel, wag ka basta basta magpapaniwala dito kay Caleb
ha. Playboy 'to eh."

"Alam mo Ailee, kung may galit ka pa din kay Luke, wag mo akong idamay." Depensa ni
Caleb.

"Birds of the same feather flocks together." Sambit ni Ailee pero tumawa din siya.
"Pero aaminin ko naman, okay kaibigan si Caleb. What do you think, Angel?"

"Yeah, I think?" Sagot ko.

"You're not yet sure about it?" Tanong ni Caleb habang nakatingin sakin. "You've
hurt me twice now, Angel."

"Ang OA mo talaga, positive naman 'yong sinabi niya eh. Ikaw talaga." Singit ni
Ailee. Natigilan siya habang nakatingin sa likuran ko. "Oh, Caleb and the gang. It
looks like they're heading towards us."

Napalingon ako at nakita ko sila Skie. Papunta nga sila sa direksyon namin.

"So you're hanging out with my ex, Caleb?" Tanong ni Luke. "Pinagpalit mo kami para
kay Angel at kay Ailee? That's new."

Tumayo si Ailee. "Anong problema mo don ha, Luke?" Tinignan ng masama ni Luke si
Ailee. Mukhang masama ang break up nila. "Hindi na ba pwedeng makipagkaibigan sa
iba si Caleb?"

"I'm not even talking to you, Ailee." Sagot ni Luke. Ramdam mo 'yong galit sa boses
niya. "Don't even consider talking to me again."

"Fine." Seryosong sagot ni Ailee. "Ikaw na nga 'yong nanloko ikaw pa 'yong may
ganang maging bitter." Natatawa niyang sabi. "Makaalis na nga, nakakasira ka ng
araw." Humarap siya sa amin. "Bye, Angel. See you around!" Agad siyang umalis.

"What's the matter?" Seryosong sabi ni Caleb. "Can't you see I'm with Angel?" Hindi
niya tinitignan sila Skie at halos sa mga mata ko lang siya nakatingin.

"We're just here to tell you that there's a practice game. We're expecting you."
Sambit ni Skie. Sa tono ng boses niya mukhang iritable siya.

"I'll pass. I'll take Angel home." Nanlaki ang mata nila sa sagot ni Caleb, kahit
ako.

"Seriously bro?" Inis na sabi ni Enzo. "Let me just remind you that this is just
for the fvcking--"

Tumayo si Caleb at hinarap niya si Enzo. Kinuha niya ang kwelyo ng damit ni Enzo.
"Don't. you. even. dare." Galit niyang sabi.

"Easy bro." Pag aawat ni Luke.

"That's enough. Enzo better shut your mouth." Skie said with a very serious tone of
voice. "If you don't want to go then fine but if you go missing the next time,
better find another team." I can feel the tension building up so I came in between
them.

"Caleb, I'll just leave. You can go to your practice game." I said with a weak
smile in my face. "I'll go home." I didn't even wait for his reply but before I can
even walk away he grabbed my hand.

"No, I'll take you home." Ngayon ko lang siya nakita na ganito ka seryoso. I'm
getting worried about him, about his friendship with these guys. "I'll come but
I'll be late. I need to take Angel home."

"What?!" Enzo said in frustration.

"Let him be, Enzo." Sagot ni Skie. "We'll wait for you." Tinignan niya ako bago
sila umalis. I can feel something about that look. As if he's saying I'm stealing
his best friend.

"You don't have to do this, seriously." I said when we reached his car. "Baka bukas
niyan, wala ka ng kaibigan."

I heard him chuckle. "That's fine as long as I have you and hey maybe even Ailee."
We both laugh at that then he droves me home.

I can't believe he stood up for me. Does he like me that much?

"Caleb.." We both looked at each other. I did feel something today. Something that
made me say I like him. "Thank you for everything, I really appreciate everything
you do for me."

I smiled at him and he touched my face while looking straight to my eyes. There
goes my heart, beating so fast. "Everything for you, my Angel."

I can his genuine smile. That smile that made me believe in his every word. And I
can't deny that he's so damn sexy when he smile at me like that.

"See you tomorrow." I said then I jump out of his car. "Bye!" I waved at him then I
immediately walked to my room.

Binuksan ko ang laptop ko at agad akong nag skype. I'm really hoping Kiro is
online.

It only took him five minutes to answer me.

"Yes, Trix? Thank you for waking me up this early. How can I help?" His voice is
husky since he just woke up.

"I'm really sorry about this."

"No no, you go and tell me what happened."

"Kiro.." I started, trying to find the right word to say. "I think.. I think.. I'm
now starting to like Caleb. I don't completely like him but I'm now starting to.."
"And?"

"And?! Kiro, I'm starting to like him!" I shouted. "This is not good, right?"

Tumawa siya ng malakas. "Trix, lalaki siya at babae ka, what's wrong?" Nagiging
pilosopo na naman siya. Hindi ko siya sinagot at tinignan ko lang siya ng masama.
"Come on, it's been how many years? I can't see something wrong about you liking a
guy. He's single and I think he's good. Why don't you try?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Maybe he was right. We're both single. He's been so
nice to me since we've met. And I think he's serious about everything he said. "Do
you really think that I should just let myself like him too?"

"Yup."

I sighed. Maybe I was being too hard on myself. It's been years since I've been on
a relationship. Maybe I should try again?

"Well.. yeah. I'll take chance on him now."

=================

Chapter 15: The Plan

Skie's point of view

After our dismissal, pinuntahan namin si Caleb sa likod. We all looked at them, sa
kanilang dalawa ni Angel.

"Caleb, we're going to drink later. Tara?" Pag-aaya ni Luke. "May gagawin ka ba?"
It took a minute for him to answer.

"Sorry, pass muna." Nagulat kaming lahat sa sagot ni Caleb. Since when he fvcking
ditch us? That's new. But i remained calm. "Next time na lang."

I want to get mad at him but I thought about the plan. Maybe this is all part of
it. No. This is all part of it. I'm sure about that. Hindi ako pwedeng taluhin ni
Caleb. Not this time.

Paalis na sana kami pero nagulat ako ng lumapit sakanila si Anya.

"Talaga bang mas pipiliin mo na 'yang babae na yan kaysa sa amin?" she said while
looking at Angel. She looked pissed off. "Oh come on, Caleb. We all know that
you're just playing with her."

Hindi pa alam ni Anya na nakatira sa amin si Angel at ang tungkol sa plano. Wala
akong balak sabihin. Malalaman lang niya na sa iisang bahay lang kami nakatira ni
Angel at alam ko na magagalit lang siya sakin. I don't want to upset her again. And
I promised her that I'm not going to he involved with Angel, again.

"We're friends and I'm serious about it." Caleb said and he's saying it as if he's
so serious about it. I'm keeping the thought that this is just for the plan.
"Please, kung may problema kayo sakin wag niyo idamay si Angel." Hinawakan niya
'yong kamay ni Angel. "Mauna na kami." She pulled her away before we could say
anything.

"What's wrong with your friend, babe?" Tanong ni Anya. "Why is he on that bitch's
side. I thought he's your best friend?" I grab her close to me and smiled.

"Don't get mad about it. It's nothing. I'll talk to him later." I said. "Why don't
we find something to eat?" Good thing, we all agreed to that.

Nagpaalam na sakin si Anya after that. May family dinner sila mamaya at nag text
sakin si coach na may biglaan kaming practice kaya hindi ako makakasama sakanya.

We're all good now. I'm so glad that we are. Alam ko naman na mahal na mahal niya
ako at hindi niya ako matitiis. That's why I love her so much too.

"We need Caleb and where the hell is he?" Enzo asked looking annoyed. "Kung hindi
ko lang alam na may plano tayo, baka nasapak ko na siya kanina pa."

"Easy. He's just doing that for the plan, for me. Whatever he is doing right now is
just a show so chill." I reminded them. "We'll find him."

"He's really doing good." Singit ni Luke. "Muntik na niya akong mapaniwala na totoo
'yong mga sinasabi niya."

I know it's not. I know him.

Dumiretso kami sa cafeteria para hanapin si Caleb. Nakita ko agad silang dalawa ni
Angel and to my surprise, kasama nila si Ailee.

"Dude, si Ailee 'yon 'di ba?" Tanong ni Enzo.

Hindi nagsalita si Luke at dumiretso na agad siya sa table nila Caleb. Sinundan na
lang namin siya ni Enzo.
"So you're hanging out with my ex, Caleb?" Bungad ni Luke. I know he's mad about
seeing Ailee again. "Pinagpalit mo kami para kay Angel at kay Ailee? That's new."

Tumayo si Ailee at mukhang ayaw niya din makita si Luke. "Anong problema mo don ha,
Luke? Hindi na ba pwedeng makipagkaibigan sa iba si Caleb?"

Ramdam ko 'yong tensyon na meron ngayon si Ailee at Luke. Once upon a time they're
so in love with each other but now thet hate each other to death.

"I'm not even talking to you, Ailee." Galit na sabi ni Luke. "Don't even consider
talking to me again."

"Fine." Sagot ni Ailee. Nilagay niya sa bulsa ng panatalon niya 'yong mga kamay
niya. Kahit saang anggulo ko tignan, hindi sila magkamukha ng ate niya. "Ikaw na
nga 'yong nanloko ikaw pa 'yong may ganang maging bitter." Natatawa niyang sabi.
"Makaalis na nga, nakakasira ka ng araw." Humarap siya kay Caleb at Angel. "Bye,
Angel. See you around!"

Umalis siya agad. Humarap kaming tatlo kay Caleb. Mukhang ayaw niya kaming harapin.

"What's the matter? Can't you see I'm with Angel?" Hindi man lang niya kami
tinignan, nakatingin lang siya kay Angel.

"We're just here to tell you that there's a practice game. We're expecting you."
Sambit ko. Kahit na alam ko na kasama 'to s plano hindi ko pa din maiwasan na
mairita. Hindi ako sanay na ganito si Caleb.

"I'll pass. I'll take Angel home." Nanlaki ang mata namin. I didn't expect that.

"Seriously bro?" Inis na sabi ni Enzo. "Let me just remind you that this is just
for the fvcking--"

Hindi na natuloy ni Enzo 'yong sasabihin niya dahil tumayo si Caleb at kinuha niya
ang kwelyo ng damit ni Enzo.

"Don't. you. even. dare." Galit niyang sabi.

Sinenyasan ko si Luke para awatin si Enzo.

"Easy bro." Paalala ni Luke habang hawak hawak niya si Enzo. "Kalma." Bulong niya.

"That's enough. Enzo better shut your mouth. If you don't want to go then fine but
if you go missing the next time, better find another team."
Tinignan ko sa mata si Caleb. Gusto kong ipaalala sakanya kahit sa tingin lang na
this is just for the fvcking plan.

"Caleb, I'll just leave. You can go to your practice game. I'll go home." Singit ni
Angel.

Bago pa makaalis si Angel, hinila ni Caleb ang kamay niya. Lahat kami nagulat sa
ginawa niya. Sinubukan kong ikalma ang sarili ko at hindi mainis. The plan, this is
for the plan.

"No, I'll take you home." Sambit niya kay Angel. "I'll come but I'll be late. I
need to take Angel home."

Tinignan ko lang siya pero hindi siya makatingin sakin.

"What?!" Enzo said in frustration.

I'll trust him with this. Iisipin ko na lahat ng 'to kasali lang sa plano namin.
Siguro nga ganon talaga 'to. Magaling naman si Caleb sa mga ganito eh, sa mga
babae. Baka ganito niya talaga kunin ang loob ng mga babae. In time it will all be
over.

"Let him be, Enzo." Singit ko. "We'll wait for you."

Tinignan ko si Angel bago sila umalis. Kilala ko ang mga tipo ni Caleb at hindi
siya pwedeng maging isa sa mga 'yon. Malayo na magustuhan talaga siya ni Caleb.
Hindi ko alam kung bakit ba ako nagagalit ng ganito.

"Kausapin mo yan si Caleb, Skie. Baka kasi nakakalimutan na niya 'yong plano natin
at siya pa 'yong nahuhulog sa Angel na yan." Frustrated na sambit ni Enzo. "T*ngina
niya kung dahil lang sa isang babae tataluhin niya tayo."

"Bro, you gotta chill. Let him explain later." Sambit ni Luke. "C'mon, may pratice
pa tayo." Sumunod lang ako sakanila.

Thirty minutes late si Caleb sa practice namin. Tahimik lang kaming lahat ng
dumating siya at ganon din siya. Naglakas loob si Enzo na kausapin siya. "Caleb,
don't fvcking tell me, you like her."

"Seriously?" He said with a grin on his face. "Lahat ng 'yon, palabas lang."

Nagkatinginan kaming tatlo at lahat kami natawa. I knew it. I knew him more than
these guys know him. "Damn you bro, muntik mo na talaga kaming mapaniwala lahat
don." Sambit ni Luke.
"Alam mo nalapit na kita masuntok eh." Singit ni Enzo. "Ang tindin mo talaga sa
chicks. Ewan ko na lang kung hindi pa mahulog sayo yan si Angel." He said with a
grin in his face.

"That's how you do it men." Cool niyang sabi. "You just got to trust me with this."

I'm glad to know he's not forgetting what we've talked about. He's my best friend
and he will never betrayed me.

"Let's go back to practice." I said.

Inabot kami ng dalawang oras sa practice game. Malapit na 'yong next season for
soccer tournament at kailangan namin mag practice palagi para manalo ulit kami this
year.

"I'm glad you're always at my side." I said to Caleb while we're changing clothes.
"I'm glad you're my best friend."

Tinignan niya ako at ngumiti siya. "Anything for you, bro."

"Woah, some kinky moments huh?" Singit ni Luke. "So how was our plan going, Caleb?"

"She's my friend now. Alam kong makukuha ko din siya pero kailangan ko pa ng
konting oras. She's really hard to get."

"We know, she's really different." Sambit ni Luke. "I hope you get rid of her soon,
I dont' like her."

"We all do, bro." Dagdag ni Enzo.

I want to agree with all of them but there's just can't and I don't know the reason
why.

"Kamusta pala kayo ni Anya?" Tanong ni Luke ng makapunta kami sa parking lot. "You
all good?"

"Yes we're all good." I said smiling. "Hindi ko na hahayaan na mag away ulit kami."

We said our goodbyes. Bago ako umuwi dumaan ako sa McDo sa labas lang ng gate ng
St. Charble Village. Nagutom ako sa practice game namin kaya kailangan kong kumain.

Nag order ako ng quarter pounder meal and isang sundae. Nilagyan ko ng fries 'yong
taas ng burger ko tapos 'yong tira sinawsaw ko sundae ko.
Nung nagka amnesia ako, palaging sumasakit ang ulo ko at nakikita ko ang sarili ko
na kumakain ng ganito sa McDo sa New York kasama ang isang babae na hindi ko alam
kung bakit malabo ang mukha niya.

Palagi kaming kumakain ni Anya McDo at palaging ganito ang ginagawa namin. Akala ko
ako lang gumawa ng ganito pero nagulat ako na pati pala si Anya ganito. Minsan
naiisip ko na baka siya din 'yong babae na palagi kong naiisip. 'Yong babae na
malabo ang mukha.

Pagkatapos kong kumain, umuwi na ako sa bahay. Wala pa sila Dad kaya dumiretso na
ako sa kwarto ko. Nadaanan ko ang kwarto ni Angel. Nakabukas ng konti 'yong pintuan
ng kwarto niya.

"Ginawa niya talaga 'yon." Sambit niya habang nakaharap siya sa laptop niya.
Mukhang kinakusap na naman niya 'yong magaling kong kapatid. Hindi niya ako nakita.
"Konti na lang, maniniwala na talaga akong gusto niya ko."

"Well you need to believe now, Trix. He likes you for pete's sake." Sambit ni Kiro.
"I know you've been hurt before but that doesn't mean that you'll be hurt again.
You need to try to love again."

"I don't know, Kiro."

"Do you still love my brother?" Natiglan ako at nanlaki ang mata ko sa narinig ko.
"Do you still love, Skie?"

What the hell is that?

--

Caleb's point of view.

I drove back home, only to be welcomed by my sister, Carmy.

"Kuya, punta tayo sa Mcdo please? Kanina pa ako nag crave sa cheeseburger." She
pleaded. "I know you're tired and all but it's just near our village. Please?"

How can I resist her?

"Okay, your treat?" She nodded. She seems so excited. Ganon na ba katagal since
hindi siya nakakain ng Mcdo? "Let's go?"

Malapit lang ang Mcdo samin kaya ayos lang na ipag drive ko siya dito pero kahit
naman hindi, tingin ko hindi ko pa din matatanggihan ang kapatid ko.
We ordered our favorite, cheeseburger meal. We put fries on our burger. Since I was
a kid, this is what we do every time we're eating here.

Naghanap ako ng mauupuan habang nasa rest room si Carmy. Iisa na lang 'yong table
na bakante. Nasa dulo siya katabi 'yong isang babae at isang lalaki na buti na
nakatalikod sa table namin.

"How'd you know all of that?"

Pakiramdam ko nanigas ako ng marinig ko ang boses niya. Hindi ako pwedeng
magkamali, siya 'yon.

"I've read his diary." Nanlaki ang mata ko at pakiramdam ko pati si Enzo nagulat
din. "Yup, nasa akin ang diary niya. But don't ask for it because I'm not gonna
give you that."

"He's been looking for that for a year. You're so impossible." Enzo said in
frustration. "Give it back to him."

"Enzo, he can't read this. Just understand me, okay? I love him and there's
something here that can end our relationship so just let me have this."

"I can't believe you."

Naglakad palayo si Enzo at agad din siyang sinundan ni Anya. Buti na lang hindi
nila ako nakita. Sakto din na dumating si Carmy. That was close.

"Why do you look so tense?" She asked while she sat in front of me. "May problema
ba, Kuya?"

I shook my head. "Nothing."

"Okay, let's eat?" I nodded.

"Kamusta si Ate don?" Tanong ko habang kumakain kami ng sundae. "May boyfriend na
ba siya?"

"She's seeing someone right now."

"What?! Sino?! Kailangan ko siya makilala." Sambit ko. Pinagtawanan ako ni Carmy.
"Why?"
"You have to relax, Kuya. She's just getting to know the guy. Okay? Let's not talk
about Ate. Let's talk about you and your girl." She looks excited about it, I'm
not.

"Well, her name is Angel." I said looking so tense. What the hell is happening to
me?

"Are you serious about her?"

I'm not serious about her, no. But think that was before. Before it was just part
of the plan but now I don't know. She's so beautiful and she's so different with
all the girls I've met before. I can't help to think of her every time.

I know I'm starting to like her or even fall for her.

I just can't admit that damn thing to Skie because I know he'll get mad at me and I
don't want that to happen. He still comes first.

"You don't have to answer. I know you are."

"How'd you know?"

"It's the first time I've seen you so tense just by hearing a girl's name." She
smiled as if she's teasing me. "I want to meet her already."

"You will, soon."

I don't know what will happen. I don't want to hurt her and my best friend. I need
to find a way that I can do the plan without hurting, Angel. I can't afford to lose
her.

=================

Chapter 16: Tell me your secret

Angel's point of view.

(Now Playing: Hold me tight - BTS)

"Tell me," nanlaki agad ang mata ko ng marinig ko siya. Sa boses pa lang niya
kilala ko na siya. Naglakad siya papalapit sakin at bigla na lang bumilis ang tibok
ng puso ko. Posible bang narinig niya kami? "What does it mean?" Tumayo siya sa
harapan ko habang ako hindi makagalaw. Narinig niya nga kami. Ano nang gagawin ko?
Anong sasabihin ko? Napahawak na ako sa dibdib ko dahil sobrang bilis ng tibok ng
puso ko.

"What are you talking about?" I said pretending that I don't know anything.

"I'm not stupid. I've heard my brother." Magsasalita pa sana siya pero bigla na
lang sumigit si Kiro.

"Since when did you become a nosy person, huh?" He said sounding irritated. "Leave
us alone, it's not your business."

Nakita kong sinara ni Skie yong dalawa niyang kamay. I know he's pissed off and for
some reason it's scares me. "Shut up Kiro. I'm not talking to you." He said while
looking at my laptop. Humarap ulit siya sakin at tinignan na naman niya ako diretso
sa mata ko. "Why would you love me? Tell me."

I don't know what to say. It feels like I'm running out of air, I can't breath. I'm
not ready for this, I don't want him to know about us, for now or maybe never. I'm
not part of his life anymore, right? He's someone else now, not the Skie I know.

"It's nothing." I answered. "Don't mind that." I turned my back at him trying
escape this but he grabbed my hand.

"No, you'll not gonna get away from me with just like that. I'm not stupid! I know
it has something to do with me. What is it?!"

What would I say? I don't really know. I know I could escape this, I can make up an
excuse but Kiro stopped me from saying anything. "Come on, just say it Trix.
Malaman man niya ang totoo, wala nang magbabago. He broke up with you before the
accident. You two are already over before he got that damn amnesia, so the truth
will not matter anymore. Just say it."

Pareho ulit kaming napatingin sa screen ng laptop ko, kay Kiro. I can't believe
he's gonna say it but I've just realized that he's right. The truth wouldn't matter
anymore. It's over for us even before. Malaman man niya ang totoo, wala naman
magbabago eh. Ayaw na niya sakin. Wala na kami. Bakit nga ba tinatago ko pa sakanya
ang totoo?

"Wait, what are you talking about, Kiro?!" Litong lito na si Skie. Tinignan niya si
Kiro pagkatapos bumalik ang tingin niya sakin. Hanggang ngayon ang bilis pa din ng
tibok ng puso ko. "What is he talking about? How come I broke up with you if we're
not even together?"

Tumayo ako at hinarap ko siya. It's time for him to know. Whatever happens, after
this I know I'll be free. Free from my past. The past that's always haunting me.
Maybe that's the last piece I need for me to completely move-on with him.

"Can you fvcking explain what does that mean?! I can't understand what the hell is
going on."

Pinikit ko ang mata ko at huminga ako ng malalim. It's about time.

"Skie, I'm your ex-girlfriend."

Natahimik kami pero maya maya bigla na lang tumawa si Skie. "You're kidding! This
is not true, this can't be true!"

"Skie, I'm saying the truth."

"No, you two are playing with me, what a joke but you know what, it's not funny."
Tumalikod siya pero nagsalita na naman si Kiro.

"You shouldn't have ask if you'll not going to believe her. You're really stupid,
you know? Bur yeah, what can you do? You have amnesia. There's an album under
Trix's bed, get it and you'll see."

Bumalik siya at tinignan niya ako at si Kiro. Hindi siya nagsalita pero naglakad
siya papunta sa kama at para hanapin 'yong album ko sa ilalim ng kama ko. Binuksan
niya 'yon at nanlaki agad ang mata niya sa mga nakita niya. Nandon lahat ng picture
namin mula high school hanggang araw na nakipag break siya sakin sa resto.

"May selective amnesia ka at ang tanging alaala lang na nakalimutan mo ay ang


tungkol sakin, satin. One week bago 'yong car accident mo, nakipag break ka sakin
sa paborito nating resto sa New York. Hindi ko alam kung bakit kaya sobrang
nasaktan ako. Nung nangyari 'yong aksidente, pumunta agad ako sa hospital para
kamustahin ka, alalang alala ako sayo non pero hindi mo na ako maalala, sa lahat ng
tao, ako lang ang nakalimutan mo, Skie. Sobrang nasaktan ako. That's why I've
decided not to enter your life again. Para saan pa? Wala na tayo, tinapos mo na din
ang lahat satin." Kahit anong pigil ko hindi ko na napigilan na maiyak sa harap
niya. "I thought maybe that's how we should end. I thought maybe it's really meant
to happen. That's our fate."

Nagkaroon ng ilang minutong katahimikan. Hinihintay ko 'yong sasabihin ni Skie pero


walang lumalabas sa bibig niya. Nakita kong sinara niya ulit yong dalawa niyang
kamay. Nakayuko lang siya sakin kaya hindi ko makita 'yong mukha niya.

"Skie, I'm sorry.."

Tinginan niya ako pero hindi ko mabasa kung anong nasa isip niya. Ang alam ko lang
puno siya ng galit. "Alam ba 'to nila Mom at Dad?"

"Skie--"

"Just answer me!" Sigaw niya at hindi ko maiwasan na matakot sakanya. "Alam ba nila
'to?!"

"Oo, pero--" hindi ko na natuloy 'yong sasabihin ko kasi tumakbo na siya palabas ng
kwarto ko dala dala ang almbum. Tinignan ko si Kiro.

"Sundan mo na siya." He said.

Dumiretso siya sa garden kung nasan si Tito Charles at Tita Serina. Kinakabahan ako
sa pwedeng mangyari. Mukhang galit siya sa parents niya.

"Is Angel my ex-girlfriend?" Mahina lang 'yong boses niya pero ramdam mo 'yong
galit niya. Pinakita niya 'yong album. "Tell me, totoo ba lahat ng nandito sa album
na 'to, lahat ng mga sinabi ni Angel?"

Parehong nagulat si Tito Charles at Tita Serina. Tinignan nila ako mula sa likuran
ni Skie at tumango na lang ako. Ayoko silang maipit sa problema na ako ang may
gawa. Alam kong ginagawa nila ang lahat para kay Skie kaya ayokong magalit si Skie
sakanila.

"Totoo lahat ng 'yon." Sagot ni Tito Charles. "Let me explain, Skie."

"I can't believe you hide this to me Dad. Sa lahat ng tao si Anya at kayong dalawa
lang ni Mom ang pinagkakatiwalaan ko pero nagawa niyo akong lokohin. Galit na galit
kayo kapag nagsisinungaling ako sa inyo pero all this time nag sisinungaling din
pala kayo sakin, anong klase kayo?! Kung kailan bumabalik na 'yong loob ko sa inyo,
kung kailan parang mabubuo na ulit tayo, malalaman ko 'to? Pinagmukha niyo akong
tanga eh!" May mga luha ng pumapatak mula sa mata ni Skie. "Wala akong kaalam alam
sa lahat.. well, may amnesia nga pala ako so wala akong naaalala pero dapat sinabi
niyo pa din sakin. Just so you know, I have the right to know all of this."

Lumapit ako kay Skie at hinawakan ko ang kamay niya. Tinignan niya ako na punong
puno ng galit. "Hindi nila kasalanan ang lahat, ako ang nakiusap sakanila na wag
nang sabihin sayo ang lahat. I'm the one to blame here, Skie."

Sa mga tingin niya ngayon sakin parang sobrang tindi na ng galit niya sakin. It
hurts me to see him like this. He hated me and I know I deserved it. "Oo ikaw ang
may kasalanan ng lahat ng 'to. Alam mo simula ng bumalik ka sa buhay ko, wala ka ng
nagawang tama! Ayaw mo na palang pumasok ulit sa buhay ko pero bakit nandito ka?!
Bakit ginugulo mo na naman 'yong buhay ko ha?! Akala mo ba babalik pa ulit ako
sayo? Hindi na! Ayoko ngang tanggapin na maging girlfriend kita! Dapat hindi ka na
bumalik pa eh, masaya na ako sa buhay ko may mahal na akong iba at hindi na kita
kailangan kaya sana hindi ka na lang bumalik! Ginulo mo lang 'yong isip ko! Ginulo
mo lang ulit 'yong pamilya ko!"

I can't help to cry hard. It hurts me so damn much. I know I'm over him but the
words he said is hurting me damn so much.

"Skie kami ang nagpabalik dito kay Angel. We can't even control you anymore at si
Angel na lang ang naisip namin ng Dad mo na makakatulong samin kaya kinausap ko
siya, kaya siya nandito. Siya lang 'yong nag iisang nagpatino sayo non. She was
just trying to help you get better." Sambit ni Tita Serina.

"To get better? Bakit ganon na ba ako patapon sa paningin niyo Mom? Ganon na ba ako
kawalang kwenta para pabalikin niyo pa dito 'yong ex-girlfriend ko? Kayo 'yong
magulang ko pero kayo pa 'tong walang tiwala sakin." Tumalikod siya samin.

"Where are you going, Skie?" Tanong ni Tito Charles. "Come back here!"

"No, this time hindi na talaga ako makikinig sa inyo. I don't really know what to
believe anymore. Aalis na ako sa bahay na 'to!"

Sinubukan siyang habulin ni Tita Serina pero pinigilan siya ni Tito Charles.
"Hayaan mo na muna siya Serina. Kilala ko na siya at hindi niya tayo papakinggan
kapag galit siya."

"Susundan ko po siya." Paalam ko.

Hindi ko na hinintay 'yong isasagot nila, tumakbo na ako para sundan si Skie.
Sumakay agad siya sa sasakyan niya. Good thing may susi ako sa isa sa mga kotse
nila Tito. Sinundan ko agad siya at hindi na ako nagulat ng mapunta kami sa bahay
nila Anya. Pinarada ko 'yong kotse sa hindi malayo para hindi niya ako makita.

Umiiyak siya at hindi ko maiwasan na masaktan habang nakikita siyang ganito. Alam
ko na matapang siya at iiyak lang siya kapag talagang nasasaktan siya. Ganon ko ba
siya nasaktan? Naramdam ko na may mga luha na din na tumutulo galing sa mata ko.
Kaya siguro ayoko na malaman pa niya ang lahat dahil alam ko na masasaktan lang
siya kapag nalaman niya na halos lahat kami nag lihim sakanya. Tama siya eh, dapat
hindi na ulit ako pumasok sa buhay niya kung pinili ko din naman na umalis two
years ago. Ang tanga tanga ko. Gusto ko siyang tulungan pero mas lalo ko lang
pinalala 'yong sitwasyon.

I hate myself.

I wish I didn't come back. I wish I can turn back time, maybe this wouldn't be so
hard.

Bumukas ang gate at sumalubong agad sakanya si Anya. Niyakap agad siya ni Skie
habang umiiyak siya. May kung anong kumirot sa puso ko. We used to be like that.
Kakatok siya sa bahay namin at iiyak siya sa mga balikat ko. Mahirap palang makita
siyang ginagawa yong mga mga bagay na ginagawa namin.. sa iba.

Nakaharap sakin si Anya at nagulat ako ng magtama ang mata namin. Alam kong
nakikita niya ako dahil hindi niya inaalis sakin ang masama niyang tingin.
Pinaandar ko na lang 'yong kotse at umalis na agad ako.
Nag drive ako palayo at kung saan ako pupunta, hindi ko alam. Ayoko pang umuwi sa
bahay nila. Ayokong makita ako nila Tito Charles na umiiyak, ayokong malaman nila
Mom at Dad na umiiyak na naman ako dahil kay Skoe dahil panigurado kakamuhian na
nila si Skie.

Nag drive lang ako at kung hindi pa dahil sa mga signs, hindi ko malalaman na nasa
MOA na pala ako. Ang tagal na din nung huling nakapunta ako dito. Dumiretso ako sa
seaside para makita ko 'yong dagat.

Naglakad lakad ako hindi ko alam kung saan ba talaga ako pupunta. Ang daming tao
kaya pumunta na lang ako dulo ng seaside sa bandang ferris wheel. Walang masyadong
tao dito. Alam ko na umiiyak pa din ako at ayokong madaming tao ang makakita sakin.
Umupo ako sa gilid paharap sa dagat.

Hinayaan ko na yong sarili ko na umiyak. Nilagay ko sa tuhod ko 'yong ulo ko. Wala
na akong pakialam pa kahit may umupo pa sa tabi ko. Naiiyak na talaga ako. Ang
sakit lang ng mga nangyari ngayon.

Pag angat ko ng ulo ko, may nakita akong panyo sa harapan ko. Tinignan ko agad kung
sino 'yong nag abot sakin non. "Caleb? Anong ginagawa mo dito?"

"Pupuntahan sana kita sa bahay nila Skie kaso bago ako mag park nakita ko 'yong
Montero ni Skie palabas tapos nakita kita kaya sinundan kita hanggang dito.
Natatakot kasi ako baka maligaw ka."

Napangiti ako pero hindi pa din non napigilan ang pag-iyak ko.

Pinunansan niya 'yong mga luha sa mata ko gamit 'yong panyo niya pero umiwas agad
ako. "Caleb, kaya ko na 'yong sarili ko. Sorry kung nakita mo pa akong umiiyak."

"Alam mo okay lang naman paminsan minsan na sabihin mo na hindi ka okay. Minsan mas
nakakagaan 'yon ng loob, kapag linabas mo 'yong totoo mong nararamdaman. I know
you're not okay. Wag mong sabihin na tears of joy yan?"

I smiled at his words. Para na siguro akong baliw na umiiyak habang nakangiti.

"Maganda ka pa din kahit mukha ka ng baliw ngayon." Pagbibiro pa niya. Pinunasan ko


'yong mga luha sa mata ko. "Kung gusto mo akong gawing sandalan, okay lang. Kung
kaya mo akong pagkatiwalaan ng problema mo, sabihin mo lang sakin para kahit
papaano matulungan kita. Hindi ako sanay na nakikita kang ganito."

Tinignan ko siya at tinignan niya din ako. Maybe I could cry on him. I really want
to ease this pain coz' honestly it's starting to kill me now.

Sinandal ko 'yong ulo ko sa balikat niya. "Thank you.. Caleb."


=================

Chapter 17: It's time

Angel's point of view.

"So here it is," sambit ni Caleb pagdating namin sa condo unit niya malapit sa
school. Sinabi ko sakanya na hindi muna ako tutuloy kala Tito Charles dahil ayoko
muna na makita si Skie. Inalok niya agad sakin 'yong unit niya at hindi na din ako
tumanggi. Galing MOA hinatid niya ako dito. "I have two rooms here, just choose
whatever you like. I have plenty of foods here and I think anything you'll need
will be here."

Malaki 'yong unit ni Caleb at maganda. Black and white ang kulay at simple lang. I
think I'll like it here but I don't want to stay here for too long. Baka bumili na
lang din ako ng unit dito. "Thanks Caleb, I'll find my own unit soon. Maybe I can
buy one here?"

"I'll talk to the owner and I'll let you know."

"Thank you Caleb. Kung wala ka siguro baka kung saan saan hotel na lang ako
matutulog ngayon. Thank you for your help." Sambit ko.

Humakbang papalapit sakin si Caleb at hinawakan niya ang kamay ko. May parang
kuryente na dumaloy mula sa kamay niya papunta sa buo kong katawan. Bakit ganon?
Bumilis tuloy 'yong tibok ng puso ko. Ngayon pa lang siya naging ganito kalapit
sakin na isang maling galaw lang, mahahalikan na niya ako. "Anything for you, my
angel." He said while smiling at me. I can't take my eyes of him. Ngayon ko lang na
appreciate 'yong kagwapuhan niya. 'Yong mahaba niyang pilikmata, matangos na ilong
at namumula niyang labi. Huminga siya ng malalim. "Stop looking at me, it makes me
want to kiss you so bad but I know I can't. I do respect you, Angel."

I can't help but to smile. I know that this might be just a flirting game with him
that he's just overwhelm with me and he doesn't really like me but there's really
something that makes me believe in him. Ito na ba 'yong charisma niya sa mga babae?
Never ko nakita ang sarili ko na mahuhulog don pero wala na akong pakialam, masaya
ako kapag kasama ko siya. "Ilang beses pa ba ako mag papasalamat sayo, Caleb?"

"You don't have to thank me," inayos niya ang buhok ko at lumayo siya sakin. "If
you don't need any help, I'll go ahead." He looked at me and smiled. "Just call me
when you need me, okay?"

Pagkaalis ni Caleb inayos ko 'yong gamit ko. Duon ako sa kwarto sa kanan dahil mas
mukhang babae ang gumagamit nito kaysa sa lalaki, siguro dito palaging natutulog
'yong kapatid niyang babae.

Nilibot ko muna 'yong unit at madami ngang food sa refrigerator. Sabi niya hindi na
niya madalas ginagamit 'to pero bakit ang dami pa ding food?
Humiga na ako sa kama at naisipan kong mag text kala Tito Charles na hindi na muna
ako uuwi sakanila. Tinawagan ko si Mom.

"Hello?" Sagot niya. "Angel, bakit ka napatawag?" I don't want to worry them but
they deserve to know what happened. "May problema ba anak?"

"Mom, Skie already know the truth and he's mad at us." I answered. "I don't want to
see them yet so I'm here at my friend's condo unit. I think I'll just buy a unit
here. Parang ayoko na muna umuwi kala Tito Charles."

"You don't need to buy a unit, babalik ka din naman dito and hindi ka na naman
siguro magtatagal dyan. Right?"

Natigilan ako. Naisip ko si Skie. Paano siya? Alam ko na galit siya sa amin at baka
mas lalo lang lumayo ang loob niya sa parents niya at lalo lang siyang mag rebelde
at knowing na bad influence sakanya ang girlfriend niya, parang hindi ko siya
kayang iwan. Hindi pa din siguro ngayon. "I will Mom but I don't really know when.
Mom please understand me. Oo nahihirapan ako pero kailangan ko 'tong gawin."

"Kailangan mo yan? Bakit Angel, girlfriend ka pa din ba ni Skie para maging


responsibilidad mo siya? You're not his girlfriend anymore, right?" Dinig ko sa
boses ni Mom ang pagkainis. "Do you still love him?"

Napaisip ako. Mahal ko pa nga ba siya? "I don't know Mom but one thing is for sure,
tanggap ko nang hindi na siya babalik sakin at 'yon lang naman ang importante eh.
Mom please, give me more time."

She sighed. I know she's against this but I know she'll understand me. "Basta after
three months, uuwi kami dyan kung wala ka pa dito. Okay?"

"Okay Mom. Magpapahinga na po ako. Tell Dad I miss him. I love you both."

Nagpalit shower ako at nag palit ng damit pantulog. Sinigurado ko na naka lock ang
pinto pagkatapos pinatay ko lahat ng ilaw at natulog na ako.

...

"Mmm.."

May nagsalita ba o nanaginip ako?

"Uhmm.."
Napadilat ako at dahil sa liwanag sa labas nakita ko na may nakahiga sa tabi ko
pero hindi ko alam kung sino. Sa gulat ko napasigaw na ako.

"What the?!" Bumangon ang katabi ko. Mas lalong lumaki ang mata ko ng makita ko si
Skie. "Anong ginagawa mo dito?!" Gulat niyang sabi.

"Ikaw ang dapat kong tanungin, anong ginagawa mo dito sa tabi ko? Nauna akong
matulog dito. Paano nakapasok dito?" Tanong ko. Tumayo ako para makalayo sakanya.
Tinignan ko siya at nakatitig siya sa katawan ko. Huli na ng ma realized ko
nakapantulog lang pala ako. Napasigaw tuloy ulit ako. "Just stop looking!"

"Angel!" Biglang bumukas 'yong pintuan. "Anong nangyaya--" natigilan si Caleb at


napatingin din siya sakin. "Shit, Angel." Lumapit siya sakin at kinuha niya 'yong
kumot at tinakip niya 'yon sa katawan ko.

Bigla akong nahiya. "Magpapalit lang ako." Excuse ko tapos tumakbo ako papuntang
banyo dala 'yong bag ko.

Pagdating ko sa rest room, pulang pula 'yong pisngi ko. Napansin kaya nila 'yon?
Nakakahiya talaga. Ayoko nang lumabas ng banyo. What am I going to do now? Bakit
kasi nandito si Skie?

Nagpalit ako ng damit at lumabas na ako ng banyo. Nakaupo pareho si Skie at si


Caleb sa sala at parang hinihintay pa nila ako.

"What is she doing here, Caleb?" Iritang sabi ni Skie. "Ginulo niya pa 'yong tulog
ko."

"Skie, Angel will be staying here for awhile," sagot ni Caleb. Tumingin siya sakin.
"Angel, sorry nakalimutan ko na may susi nga pala si Skie sa unit ko. Hindi nasabi
sakanya na nandito ka."

"That's okay. I'm going to find my own unit as soon as possible." I said without
looking at them. I walked straight to my room but Caleb grabbed my hand. "Caleb,
don't worry about me."

"Angel, you don't have to leave. You can stay here for as long as you like. Skie
will not going to be here again." Tinignan niya si Skie at halatang inis siya.

"Bro paano kung sabihin kong wala din akong mapuntahan, sakanya mo pa din ba
ibibigay 'tong unit mo?"

"Yes, she's gonna be the one to stay here, not you."

"Wow, so pinagpapalit mo na talaga ako sakanya huh?" Lumapit si Skie kay Caleb at
mukhang galit siya. "Akala ko ba bros before hoes?"
"Bro, hindi isang hoe si Angel. Iba siya okay? Isa pa, pwede ka naman mag stay sa
bahay namin kaya pwede, wag kang mag inarte dyan."

Papaharap na sana sakin si Caleb pero nagsalita ulit si Skie. "Tell me, do you like
this girl?" Pareho kaming napatingin sakanya. May kung anong kumurot sa puso ko
nang sabihin ni Skie 'yong salitang 'this girl' parang ibang tao na talaga ako
sakanya.

Humarap sakin si Caleb at tinignan niya ako sa mata ko. "Yes Skie, I like Angel. I
like her so much." Kusa na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Lahat ng pagdududa ko
sa feelings niya para sakin nawawala kapag tinitignan niya ako sa mata ko dahil
nakikita ko sa mata niya na sincere siya sa lahat ng sinasabi niya sakin.

"I can't believe you," tinignan niya ako ng masama. "I'll pack my things. Sa inyo
na muna ako uuwi, ayokong umuwi sa bahay."

"Alam na ba nila Tito Charles kung nasan ka?" Tanong ni Caleb. "Bro, mag aalala
'yon sayo."

Ngumisi siya. "Wag ka mag alala, for sure may magsasabi na sakanila kung nasan ako.
Duon naman siya magaling eh, ang mag sumbong sa parents ko." Tinalikuran na agad
niya kami at pumasok siya sa kwarto.

"Sorry about Skie. May pinagdadaanan lang siguro siya kaya siya nagkakaganyan."
Hindi pa alam ni Caleb ang tungkol samin ni Skie. Ang alam lang niya ayokong umuwi
kala Tito dahil hindi ko na kayang pakisamahan ang ugali ni Skie. I don't to tell
him about it. I don't know, I just don't want to and I guess Skie doesn't want to
tell it too. "Alam mo ba kung anong nangyari?"

"Hindi ko alam." Sagot ko.

Mabilis na umalis si Skie. Hindi niya ako kinausap o kahit tignan man lang. Galit
nga talaga siya sakin. Tama nga si Kiro, kahit malaman ni Skie ang totoo, walang
magbabago. Mas lalo lang siyang nagalit sakin.

"Mukhang malungkot ka? Iniisip mo pa din ba si Skie? Pag pasensyahan mo siya, ganon
lang talaga siya pero mabait naman 'yon eh."

"I know, I just miss my family."

"Are you staying here for good or you'll come back there?" I looked at him and he
seems to be sad too.

"I don't know but most probably, I'll go back there as soon as I've finished my
studies here." Or kahit hindi pa ako nakakagraduate dito. 'Yon naman talaga ang
plan ko, isang sem lang ako magtatagal dito then I'll go back to US at duon ko ulit
ipagpapatuloy ang studies ko. Complicated oo pero wala eh, ginusto ko 'to. "Why?"

"I hope you can stay here for good because honestly I don't want you to go,"
hinawakan ni Caleb ang kamay ko at tinignan na naman niya ako sa mata ko. "I like
you Angel."

"I'm not going to lie, I do have a little doubt about your true feelings about me
but I trust you now so I'll believe you," I looked at him and smile.

Hindi ko alam mung nagulat lang ba siya kaya ganito 'yong reaksyon niya or hindi
lang siya masaya?

"Angel.. I want to tell you something. I really like you but there's something you
should know. All of this is just--"

"Caleb!" Sigaw ni Skie. "Nakalimutan ko 'yong phone ko." Pumasok siya at napatingin
siya sa kamay namin ni Caleb. Nilayo ko tuloy ang kamay ko sa kamay ni Caleb.
Bumalik agad sa sala si Skie. Lumapit siya kay Caleb at may binulong siya. Umalis
na din si Skie.

"Ano nga ulit 'yong sasabihin mo?" Tinignan niya lang ako sa mata ko. Hindi siya
makapagsalita. "May problema ba, Caleb?"

"Uhm.."

"Ano ba kasi 'yong sasabihin mo?"

"I just want to tell you that.. that.. I'm now falling in love with you and I
really want you to be my girlfriend. I want to have a serious relationship with
you. Angel, pwede ba kitang ligawan?"

Nabigla ako sa tanong niya pero naalala ko 'yong sinabi sakin ni Kiro. 'It's time
for you to love again.. sundin mo lang 'yong sanasabi ng puso mo.'

Tinginan ko si Caleb at ngumiti ako sakanya. "Oo pumapayag na akong ligawan mo


ako."

Puro na lang si Skie 'yong nasa isip ko nakalimutan ko na 'yong sarili ko. Maybe
it's time for me to think about myself. I want to fall in love again..

=================

Chapter 18: First date


Angel's point of view.

Two weeks na akong nandito sa unit ni Caleb. Hindi na muna ako bibili ng bagong
unit kasi sabi ni Mommy dito na daw kami mag stay for good at pupunta na sila dito
next month pagkatapos nilang ayusin lahat duon sa Canada. Mag o-open na daw kasi ng
branch dito 'yong company nila Lolo at si Daddy daw 'yong mag ha-handle non. So
ayon dito na daw kami for good. Biglaan ang lahat kaya hindi ko alam kung matutuwa
ba ako sa balitang 'yon o hindi. Front lang naman namin kay Skie na dito na kami
mag stay for good pero hindi ko inexpect na magkakatotoo nga.

Alam na 'yon nila Tito Charles pero ayaw pa din nila na nandito ako sa unit ni
Caleb mas okay daw kasi kung nanduon ako sakanila pero nirerespeto naman nila 'yong
desisyon ko. Si Skie, umuwi na siya sakanila pero sabi ni Tita Serina, mailap pa
din si Skie sakanila. Gustong gusto ko siyang kausapin pero kahit sakin ilag siya.
Ayaw niya nga akong makita eh, kaya siguro one week ma siyang hindi pumapasok sa
mga class na classmate niya ako. Ganon ba talaga katindi 'yong galit niya sakin?

"Here," inabot sakin ni Caleb 'yong food. Nandito kami ngayon sa cafeteria. "Kumain
ka ng madami kasi mamaya magugutom ka sa date natin." Masaya niyang sabi.

Two weeks na din simula ng ligawan ako ni Caleb. Ever since mas naging sweet siya
sakin. Hatid sundo, palagi siyang nakaalalay sakin. Sabi nga ni Ailee, first time
daw niyang makita na ganito si Caleb kaya bilib na bilib daw siya sakin. Tinatanong
pa nga niya kung anong napakain ko kay Caleb. Never pa daw kasing nag effort si
Caleb sa isang babae, ngayon pa lang daw. Syempre hindi naman ako bato para hindi
kiligin sa mga efforts niya. Never ko nga siyang nakita na mag e-effort sa isang
babae dahil siya ang hinahabol ng mga babae.

"Saan naman tayo pupunta mamaya?" Tanong ko.

"Later you'll find out." Ngumiti siya sa akin at halata mo sakanya na may surprise
siyang gagawin mamaya. Hindi na naman ganon kahirap basahin kung anong iniisip
niya. Madami na din siyang na open up sakin like sa interest niya, sa past
relationships at pati sa family niya. Pretty much, komportble na siyang magsabi
sakin ng kahit ano at ako paunti unti na din akong nag o-open up pero never kong na
open 'yong tungkol kay Skie, sa past namin. "Are you excited?"

"Yeah, I am." I said trying to contain my feels. Palagi na lang kasi akong
nasusurpresa sa mga ginagawa niya.

One time, habang nasa soccer game sila, bigla siyang tumingin sakin at sumigaw, "I
love you Angel Beatrix Dela Fuente." Syempre lahat ng tao sa field, napatingin
sakin. Nakakahiya pero na touch ako sa ginawa niya. Hindi ko kasi inexpect na
ipagsisigawan niya 'yon harap ng napakadaming tao.

Well, kilalang tao sa school si Caleb dahil varsity player siya sa soccer at
syempre campus heartthrob kaya kalat sa buonh school 'yong panliliwag niya sakin.
Minsan nga ang sama ng tingin sakin ng mga babae dito sa school minsan pa
pinagbubulungan nila ako. Hindi ko ka lang din sila pinapansin.
"Hi guys!" Bati ni Ailee samin. "Hindi naman siguro ako nakakaistorbo sa inyo noh?"
Nagkatingin kami ni Caleb. "Why? Am I interrupting something?"

"No, it's okay." Sagot ko. "So what's up? Ilang araw ka na naming hindi nakikita."

"Busy ako sa banda ko but I'm back! Did you guys miss me? Kasi ako, oo." Masigla
niyang sabi. "Napa-oo mo na ba 'to si Angel?" Humarap siya kay Caleb at si Caleb
naman tumingin sakin.

"Not yet but I'm willing to wait." He said.

"Shit dude, ang lakas ng tama mo kay Angel," humarap sakin si Ailee. "Haba ng hair
mo girl." Sambit niya habang tawa siya ng tawa pero nawala agad 'yong ng makita
niya si Anya. "Here comes the devil."

"So, friends na din pala kayo ng sister ko." Sabi niya habang nakatingin siya
sakin. Napatingin naman ako kay Ailee. Magkapatid silang dalawa? "Bagay naman
kayong maging magkaibigan, pare-pareho kayong loser." Biglang napatayo si Ailee.

"Pwede ba sis? Just shut your fvcking mouth. Bumabaho kasi dito sa place namin."
Pang aasar niya. Kitang kita sa mukha ni Anya ang pagkainis. "Wag mo akong simulan,
baka gusto mong kumalat 'yong totoo?"

Tinignan lang niya ng masama si Ailee pagkatapos binalik niya 'yong tingin niya
sakin. "Hindi pa tayo tapos, Angel."

"Pag pasensyahan mo na 'yong kapatid ko, maldita talaga 'yon." Sambit ni Ailee.
Hindi pa din ako makapaniwala na magkapatid sila. Malayo kasi 'yong ugali nila sa
isa't isa. "Alam ko hindi ka makapaniwala. Well ako din naman minsan." Natatawa
niyang sabi. Magkaibang magkaiba talaga sila kahit sa humor.

"Angel, okay ka lang?" Hinawakan ni Caleb 'yong kamay ko pagkatapos tinignan niya
ako. "Wag ka mag alala, hindi ko hahayaan na awayin ka ni Anya."

"Thank you Caleb pero wag ka na mag alala. I can handle myself." Hindi ko naman
hahayaan na apihin lang ako ni Anya.

Pagkatapos namin kumain, dumiretso na kami sa class namin. Hindi ko classmate si


Caleb sa next subject pero hinatid niya ako sa room ko. Umupo agad ako sa likod.
Akala ko hindi papasok si Skie pero nakaupo siya sa tabi ko, nakapatong 'yong ulo
niya sa desk. Mukhang tulog siya?

Ang tagal dumating ng professor namin. Inangat ni Skie 'yong ulo niya at nagtama pa
'yong mata namin. Biglang bumilis 'yong tibok ng puso ko. Nakatingin lang siya
sakin at ayaw niyang ialis ang tingin niya. Sa sobrang pagkailang ko, kinuha ko
'yong bag ko at lumabas ako ng room. Thirty minutes na din naman late 'yong
professor namin kaya pwede nang umalis

Pumunta ako sa rest room. Naghilamos ako pagkatapos dumiretso ako sa locker. Habang
inaayos ko 'yong gamit ko, may biglang humawak ng kamay ko. Nakita ko 'yong
nanlilisik na mata ni Skie. Nakakatakot siya. Tinulak niya ako at ngayon nakasandal
na ako sa mga lockers. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Tell me, paano ako na in love sayo?" Seryoso niyang tanong. "Paano naging tayo?"

"Skie, lahat naman 'yon nakasulat sa diary mo eh. Lahat ng tungkol sayo at satin,
nandon." Bigla siyang napaisip. "Tinapon mo na ba 'yon?"

"Nawawala na 'yong diary na 'yon." Sagot niya. Hindi pa din niya inaalis 'yong
pagkakahawak niya sa kamay ko at habang tumatagal mas lalong humihigpit 'yong
pagkakahawak niya sakin. "You decided not to enter my life anymore but why are you
here? You ruined everything for me."

"Skie, I'm sorry," yan na lang 'yong mga nasabi ko. Hindi ko na din napigilan 'yong
pag-iyak ko. "Sobrang nasaktan lang ako nung nakipaghiwalay ka sakin nuon kaya
naisip ko na wala na din dahilan para bumalik pa ako sa buhay mo kasi tinapos mo na
din naman ang lahat sa atin. Kaso nung sinabi nila Tito na out of control ka na
naman, naisip kong bumalik para lang tulungan kang bumalik sa dati."

"Do you think kapag bumalik ako sa dati, mamahalin ulit kita? Umaasa ka pa bang
babalik pa ako sayo?" 'Yong mga ngisi sa mukha niya 'yong mas lalong nag trigger
sakin para umiyak. Para niya akong sinasaksak diretso sa puso ko. "Hinding hindi na
ako babalik sayo. Si Anya na 'yong mahal ko, siya at hindi ikaw! Kaya pwede ba?
Bumalik ka na lang sa New York!"

"Ayokong iwan ka na ganyan! Skie hindi ka naman ganito eh! You're so better than
this!" Hindi ko na din napigilan na sumigaw dala ng emosyon ko. "Alam ko! alam kong
hindi ka na babalik sakin, malinaw naman lahat 'yon eh nung nakipag break ka sakin
sa New York! Ang gusto ko lang tumino ka! Para sayo at sa parents mo!"

"Sino ka ba para sabihin kung anong mas makakabuti sakin?! Wala ka nang kahit anong
halaga sa buhay ko kaya wala kang karapatan na diktahan ang buhay ko!"

Hindi ko na kayang magsalita. Iyak na lang ako ng iyak na para bang nauubusan na
ako ng hininga. Napaupo na ako dahil unti unti akong nahihirapan na huminga.

"Shit." Bulong ni Skie. "Where's you're fvcking inhaler?!" Tinuro ko 'yong bag ko
at natanaw ko siyang hinahanap 'yon. Buti na lang naibigay niya 'yon sakin bago ako
tuluyan mawalan ng malay.

Hinayaan ko 'yong sarili ko na makahinga. Sinandal ko 'yong sarili ko sa mga


locker. Hinang hina ako na pakiramdam ko hindi ko kayang tumayo.
"Okay ka na ba?" Tanong ni Skie. Hindi ako nagsalita pero tumango lang ako.
"Dadalhin kita sa clinic." Inabot niya 'yong kamay ko pero umiling ako.

"Iwan mo na ako, kaya ko na 'yong sarili ko." Hindi pa din niya binibitiwan 'yong
kamay ko. "Bitiwan mo na ako. Kaya ko na 'to."

Matagal bago niya tuluyang binitawan 'yong kamay ko. "Look, I'm sorry--" hindi ko
na pinatapos pa 'yong sasabihin niya.

"Skie if you want me out of your life then fine. I won't bother you anymore. I'll
try my best to avoid you all the time but you can't expect me to go back to New
York because my parents will be staying here for good and I want to be with them,"
pinahid ko 'yong mga luha sa mata ko at pinilit ko na makatayo kahit na nanghihina
pa din ako. "Isang taon na lang naman graduate na tayo so most probably never mo na
ako makikita after school year. Konting tiis na lang." Sinara ko 'yong locker ko at
naglakad ako palayo sakanya. Kahit ilang beses ko atang punasan 'yong mata ko hindi
pa din siya tumitigil sa pag-iyak.

Bumalik ako sa rest room at pumasok ako sa isang cubicle. Duon ako umiyak pero as
much as possible pinipigilan ko na makagawa ng kahit anong ingay.

Pagod na ako. Kahit anong gawin ko hindi na ata talaga magbabago si Skie. Mas
mabuti nga siguro lumayo na lang talaga ako sakanya baka mawala pa 'yong galit niya
sakin kapag lumayo na ako ng tuluyan. Hindi ko alam pero sana may way para
mapabalik ko siya sa dati na hindi siya nagagalit sakin. After all, umaasa pa din
akong titino siya.

Nagtext sakin si Caleb at hinihintay na pala niya ako sa parking. Hindi ako
sigurado kung sasama pa ako sakanya ngayon o magkukulong na lang ako sa unit niya.
Wala na ako sa mood para lumabas pa.

Kinalma ko ang sarili ko pagkatapos lumabas ako ng cubicle. Ayokong makita ko ni


Caleb na umiiyak dahil alam ko kung gaano siya nag aalala sakin.

"Hi Angel!" Sigaw niya habang papalapit ako sakanya. Ang laki ng ngiti niya at
halatang excited na excited siya kung saan man kami pupunta. "Ready ka na ba?"

"Yes, tara na?" Umiwas na lang agad ako ng tingin sakanya para hindi niya mahalata
na umiyak ako. Ayokong sirain 'yong mood ni Caleb. Halatang masaya siya ngayon at
ayokong sirain 'yon. "Where are we going?" Tanong ko.

Tinulungan niya muna akong ayusin 'yong seatbelt ko. Halos magdikit na 'yong mukha
naming dalawa. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko.

"Secret muna." Sagot niya.


Nag drive siya at nagpatugtog siya sa iPod niya. Nagulat ako kasi puro paramore
'yong pinapatugtog niya. Naalala ko bigla si Skie.

He used to like paramore so much. Nung una ayaw niya pero dahil sakin nagustuhan na
niya. Palagi niya pa akong sinasamahan sa mga concerts nila. Siya pa nga 'yong
bumibili ng tickets at palagi pang VIP. He's such a sweet boyfriend. I miss him so
much.

"Here we are," hindi ko na namalayan kung nasan kami dahil masyadong pre-occupied
'yong isip ko. "I hope you'll gonna like it here." Bumaba si Caleb at pinagbuksan
niya ako ng pinto.

Nasa isang perya kami. Sa itsura ni Caleb, hindi siya 'yong mga tipo na pumupunta
sa ganitong lugar. Well ako, nakapunta na ako dito dati, kasama ko si Skie.

"Sure ka ba dito?" Tanong ko.

"Ayaw mo ba dito?"

"No, it's fine. Nakapunta na naman ako dito before. Ikaw ang iniisip ko. Pumupunta
ka ba talaga sa mga ganito?"

Hinawakan niya ang braso ko at hinarap niya ako. He looked at me. "To be honest, I
never go to fun fairs, I hate this place because I think it's for poor people. We
always go to high class theme parks but never in here."

"Then why are we here?" I said shouting. Ang lakas ng music sa loob.

Nilapit niya ako sakanya. Pakiramdam ko matutunaw na ako sa mga tingin niya. "I
want to be with you with my every first," binaba niya 'yong pagkakahawak sa braso
ko para mahawakan niya 'yong kamay ko. "I will never forget this day, Angel."

Unti unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Is he going to kiss me?
Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. Wala na din akong nagawa kung hindi ipikit
ang mata ko. Lumapit pa siya lalo sakin pero hindi niya ako hinalikan sa mga labi
ko, hinalikan niya ako sa noo ko.

That's so.. romantic.

"Tara? Gusto kong I try 'yong octupus ride nila." Hinila niya ako papasok.

Kapag pinagmamasdan ko siya para siyang bata. May ganitong side din pala si Caleb.
Akala ko bad boy side lang meron siya bukod sa pagiging sweet syempre.

Sumakay kami don at tuwang tuwa ako na pagmasdan si Caleb. Ang manly niya pa din
kahit na nakasakay kami don. Next na sinakyan naman 'yong bump car. Tuwang tuwa din
siya don habang ako walang ginawa kung hindi kuhanan siya ng pictures at pagmasdan
siya. Nung napagod kami, umupo kami sa bench at kumain kami ng hotdog at soda.

"Masaya din pala dito noh? I enjoyed every ride." Kitang kita ko nga sa mukha niya.
"Syempre, nag enjoy ako kasi kasama kita."

Napangiti na lang ako. I don't know what to say. Cliche na 'yong mga sinasabi niya
at most probably ganon na din 'yong mga sinasabi niya sa iba niyang naka date pero
kinikilig pa din talaga ako. Tingin ko nga, nahuhulog na din ako kay Caleb.

"I want to win a stuff toy for you. Para may remembrance ka sa first official date
natin!"

Natawa na lang ako. "May first official date pa talaga ha?" Tinignan na naman niya
ako. Hindi ba siya nagsasawa sa mukha ko?

"You're not my first girlfriend, you're not my first love, you're not my first kiss
and my first uhm.. you know," pareho kaming natawa dahil sa 'you know' niya na alam
mo naman ang meaning. "You came into my life a little late so you haven't got my
every first. So now, I want to try new things with you."

"Thank you, Caleb. That's so.. sweet." Yes, it is. And I'm very happy.

Masaya niya akong hinila sa mga games. Game na game naman siya maglaro at nanalo
naman siya. Binigyan niya ako ng stuff toy na minion. Masaya naman ako pero kasi
ito din 'yong binigay sakin ni Skie, two years ago nung nag punta din kami sa
perya.

"You don't like it?" Tanong niya.

"No, I like it. I just remembered something."

"Kayong dalawa po?" Tanong nung operator. Pasakay na kami sa maliit na Ferris
wheel. "Enjoy!"

"What did you remember?" Tanong niya ulit. "Is that the same stuff toy your ex-
boyfriend gave you?" Napatitig lang ako sakanya. Paano niya nalaman?

"Whoever he is, I want to punch his face. He ruined out moment." Kinuha niya 'yong
minion. "Don't take this, I'll just but you a new one." Kinuha ko pa din 'yong
minion sakanya.

"No, I want this one. Pinaghirapan mo 'to eh."


"Okay then," inakbayan niya ako at pinatong niya 'yong ulo niya sa balikat ko.
"Masaya ka ba ngayon?"

"Oo naman." Sagot ko. Totoo, masaya ako.

"Is it because you enjoyed the ride or is it because you are with me?" Humarap siya
sakin. He genuinely smiled at me. "For me, I enjoyed everything because I'm with
you."

May kinuha si Caleb sa box sa bulas niya. Pag bukas niya isang necklace na may
pendant na star sa dulo. Sinuot niya agad sakin 'yon.

"That's my gift."

"Thank you, Caleb. It's so beautiful."

"Just like you, Angel."

Lumapit siya sakin at niyakap niya ako nang mahigpit. "Oo,  na in love na ako dati,
isang beses nung high school ako to be exact pero never pa ako na in love ng
ganito. Mula pag gising ko hanggang sa pag tulog ko, ikaw palagi 'yong naiisip ko.
Marinig ko pa lang 'yong pangalan mo, naaapektuhan na ako. Tuwing malapit ka sakin,
bumibilis ng sobra 'yong tibok ng puso ko. Feeling ko first time ko ulit ma in love
eh. Kahit ako namamangha sa mga nagagawa mo sakin."

Humarap siya sakin at hinawakan niya ang kamay ko. Tinignan niya ako diretso sa
mata ko. May kakaiba akong nararamdaman. Pakiramdam ko tumayo na ngayon 'yong mga
balahibo sa katawan ko.

"I'm so damn in love with you, Angel Beatrix Dela Fuente."

Niyakap niya ulit ako at akala ko hahalikan na niya ako sa labi ko pero hinalikan
niya lang ako sa noo ko.

But for me, a kiss on the forehead is one of the sweetest things in the world.

=================

Chapter 19: I trust you

Angel's point of view

Medyo awkward manuod ng game nila Caleb. Maliban kasi sa mag isa lang ako dito sa
harapan, katabi ko pa sila Anya. Kanina pa niya ako pinapatay sa mga tingin niya
buti na nga lang may dalawang tao sa pagitan namin.

Why is she so mad about me?

Kung hindi lang to pinareserve ni Caleb para sakin, hindi ako uupo dito. Hindi
naman ako pinilit ni Caleb pumunta dito pero gusto ko siyang i cheer. Mag iisang
buwan na kaming nag da-date at sa bawat araw mas lalo ko siyang nagugustuhan. Hindi
niya ako minamadali which is a sweet thing. Siya kasi 'yong tipo na kapag may gusto
siya kailangan makuha niya agad pero pagdating sakin, malawak 'yong pasensya niya.
I'm still on his condo. Next week na darating sila Mom at Dad dito.

"Ang gwapo ni Caleb noh? Sayang I only get a chance to have sex with him once."
Nanlaki 'yong mata ko sa sinabi nang friend ni Anya. I don't know her name. "Maybe
I could ask him again? What do you think, Anya?" Pinipigilan ko 'yong sarili ko na
wag lumingon. Ayokong isipin nila na nakikinig ako sa usapan nila.

"Ask him, I'm sure he'll say yes." Kahit hindi ko siya nakikita, I know she's
smiling from ear to ear. Inaasara niya ba ako? "Alam mo naman si Caleb, hindi 'yon
marunong mag seryoso. One day ikaw ang ka-date niya, the next day iba na." Alam ko
naman na ganon si Caleb.. dati. Alam kong nagbago na siya pero bakit pa din ako
naiinis?

"Yeah, you're right. Kaya nga I don't take him seriously, you know hook ups lang
talaga. Ewan ko ba sa iba dyan, masyadong ambisyosa. Feel na feel na seryoso
sakanya si Caleb well in fact he's just playing with her."

Nagtawanan silang magkakaibigan.

That moment I knew, it was me they're talking about. Alam naman nila na nag da-date
kami ni Caleb, alam yon sa buong campus. They want to get into my nerves. Kinalma
ko na lang 'yong sarili ko, ayoko silang patulan. Ayokong magkalat sa game ni
Caleb. At isa pa, ayokong ibigay sakanila 'yong satisfaction na gusto nila. They
want me affected by their words. Well, I'm somewhat affected but I don't want them
to see it.

"Angel!" Napalingon ako sa likod to see Ailee. Tumakbo siya papunta sa pwesto ko at
walang kung ano ano, umupo siya sa tabi ko. Tinignan siya ng masama nang isa sa mga
friend ni Anya pero umiwas din agad siya ng tingin. For sure, sinamaan din siya ng
tingin ni Ailee at so far masasabi ko na isa siya sa may mga nakakatakot na tingin
sa lahat mga nakita ko. "Dapat hindi ka dito umupo, puro mga basura 'yong nakaupo
dito." Ang lakas ng boses niya. Lumingon sila Anya sa direksyon namin pero ngumiti
lang si Ailee sakanila. I really admire her for being so fearless.

"Nakakahiya kay Caleb, pinareserve niya talaga 'tong seat para sakin." Sagot ko.

"Seryoso? Wala pa siyang pinapareserve ever na upuan dito para sa isang babae. Ikaw
na talaga!" Ngumiti siya at tumigin sa field. "Oh my gosh! Si George Sy ba 'yon?
Ang gwapo niya!"
Nag fangirl na si Ailee at ako naman nakatingin lang kay Caleb. Palagi siyang
lumilingon sa side ko. Nang magtama 'yong mata namin, ngumiti siya sakin at ngumiti
din ako sakanya pero nawala din agad 'yon ng nagtitili na naman 'yong friend ni
Anya na may gusto kay Caleb. "Oh my gosh! Nakita niyo 'yon girls? Tumingin si Caleb
sakin tapos ngumiti siya!"

Excuse me, sakin siya ngumiti.

"For sure he'll gonna ask you out, Briana. Looks like he's into you again." Sambit
nung isa. "Oh my gosh. Just make sure you have condom mamaya."

Hindi ko na kaya. Tinignan ko sila and they are all looking at me. Gusto talaga
nila akong asarin. Pathetic.

Tumawa bigla si Ailee. "Hoy bitches, ang lakas niyo mag ilusyon. Malinaw naman na
kay Angel ngumiti si Caleb."

"Ailee can you please shut up? We're not talking to you!" Singit ni Anya.
"Pinapaasa mo masyado yang friend mo. Baka masaktan siya masyado kapag nalaman niya
na pinaglalaruan lang siya ni Caleb. You should be honest with her."

"You know what my evil sister? It's so obvious that you're all bitter," tumawa
siya, 'yong tawa na nakakaasar. Why is she so good on this? "Why? Kasi hindi niyo
matanggap na si Angel, sineseryoso ng isang katulad ni Caleb. The great Caleb
Maniego. Si Caleb Maniego na pinapangarap niyong mga wannabe kayo. Now, just shut
the fvck up you bitches."

Bubuksan pa sana ni Anya 'yong bibig niya para magsalita pero sinara niya din agad
'yon at tinarayan na lang niya kami ni Ailee. Hands down na talaga ako kay Ailee.

"The game is over, umalis na tayo dito. Skie is waiting for me." Utos ni Anya at
umalis na sila mga alipores niya.

"That's how you burn them." Natatawang sabi ni Ailee. "Burn them alive."

"Thank you for defending me, Ailee." I said. I'm really glad she's my friend.
"Ayoko na lang kasi silang patulan."

"Hindi mo naman talaga kailangan. Wag mong ibaba 'yong level mo sakanila, hayaan mo
na ako don." Pinisil niya 'yong magkabilang pisngi ko. She really loves to do that.
Mukha ba akong stuff toy? "Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit inis na
inis sayo 'yong evil sister ko. For sure insecure siya sayo, sino ba kasing hindi?
Ikaw ba naman ligawan ni Caleb. Never siyang nanligaw at never siyang tumagal sa
isang babae. Halos lahat ng dito gusto mapunta sa posisyon mo."

"Do you think seryoso talaga sakin si Caleb?"


"Angel! Bulag ka ba? Sobrang effort ng ginagawa sayo ni Caleb. You should be
thankful. Wag kang makinig kala Anya."

I should be happy but I can't help to think na baka nga hindi seryoso sakin si
Caleb. Baka masyado lang siyang na overwhelm sakin kaya niligawan niya ako.

"Hey girls!" Tumabi agad sakin si Caleb. "We won so we need to celebrate, where do
you want to eat? My treat."

"I need to go. Pupunta pa kami sa bahay ng lola ko sa Makati. Kita kits na lang
bukas. Bye!"

Mabilis na umalis si Ailee at ngayon kaming dalawa na lang ni Caleb dito. "Hey,
what's wrong?" Tanong niya.

"Hm? Nothing." I lied but it's because I don't exactly know what's wrong with me.
"Congrats pala."

"Thank you, palagi kitang tinitigan kanina. Napansin mo ba?" Ang genuine ng mga
ngiti niya kaya hindi mo maiwasan na mapatitig sakanya. "You know what? Ipagluluto
na lang kita ng pesto sa unit ko. C'mon?" He said smiling.

Dumaan muna ako sa rest room bago kami umalis. Nauna na si Caleb sa parking.
Pagpasok ko nakita ko si Anya at si Briana na nagsasalamin. Hindi ko sila pinansin.
Pumasok ako sa isa sa mga cubicle. Medyo tinagalan ko ka sa loob hoping na aalis na
sila pero hinintay talaga nila ako.

"So.. looks like everything is going well with you and Caleb." Singit ni Briana.
"Maybe you're good in bed that's why he's still sticking with you."

"Pwede ba? Wala akong oras sayo." Paalis na ako pero nagsalita si Anya.

"Do you know Caleb is just playing with you?" Sambit niya. "Poor you, paniwalang
paniwala ka sakanya."

I can't take it anymore.

"Caleb is serious about me and I know that. And for the record, wala pang
nangyayari sakin and I don't think there will be because he respects me a lot."

"How do you know he's serious about you? Ganyan din naman siya sa ibang hook ups
niya. Nothings new." Sagot ni Briana. "Don't feel so special."
"Hindi ko kasalanan na hindi ako pang one night stand lang na katulad mo."

Susugurin na sana ako ni Briana pero pinigilan siya ni Anya. "Hayaan mo na siya
Briana. Darating din ang araw na magkakaalam ang lahat at sa araw na 'yon,
tatawanan ka na lang namin, Angel." Pareho silang ngumisi sakin. "Wag mong sabihin
na hindi ka namin pinagsabihan."

"I can't wait for that day."

Umalis sila habang ako nakatanga lang sa harap ng salamin. Posible kayang totoo
'yong sinasabi nila?

Naglakad ako papunta sa kotse ni Caleb. Pagpasok ko don, hindi ako nagsalita. Akala
ko papaandarin na niya 'yong kotse pero hindi.

"Angel, what's wrong?"

"Nothing." I said.

"May nagawa ba akong mali para magalit ka? Can you please tell me? Hindi ako
magaling sa ganito." Hinawakan niya 'yong kamay ko. "I'm not good at girls so you
got to tell me what's wrong."

At first I hesitate but then kusa na lang siyang lumabas sa bibig ko. "Where are
you good at, Caleb? making girls cry over you, breaking their hearts, getting under
their pants?" It's too late, nasabi ko na siya and I know I've crossed the line.

Nagkaroon ng katahimikan. Nakakabinging katahimikan.

"Look I know I'm a fvcking douchebag. I won't deny that but I'm trying my fvcking
best to change, for you." Sinandal niya 'yong sarili niya sa driver's seat tapos
inayos niya 'yong buhok niya. Alam kong ginagawa lang niya 'yon kapag frustrated
siya. "I thought you'll gonna appreciate that. Everything I've done for you. All my
efforts. But I think whatever I do I'm still a douchebag to you."

Hindi ako makatingin sakanya. Hiyang hiya ako. Hindi ko dapat sinabi pa 'yon.

"We should go." Sambit ni Caleb.

Hindi na lang muna ako nagsalita. Baka may masabi na naman akong mali. Alam kong
nasaktan ko si Caleb, damang dama ko 'yon.

Pagdating namin sa unit ni Caleb, dumiretso siya sa kitchen. Hindi pa ulit siya
nagsalita mula kanina and it's bothering me. Ganon ko ba talaga siya nasaktan?
It hurts me to see him like this.

"I'm sorry." I said while leaning against the wall near the kitchen. "I shouldn't
said that. I'm so stupid, Caleb. I'm sorry."

"That's okay." Sagot niya.

Nagkaroon na naman ng katahimikan. Alam kong hindi okay ang lahat. Nasaktan ko
siya.

"Nakausap ko si Anya at Briana. Sabi nila pinaglalaruan mo lang daw ako at darating
din ang araw na magkakaalaman ang lahat." Tumigil siya sa kung ano man ang ginagawa
niya. Natigilan siya na mas lalong nagpakaba sakin. May nasabi na naman ba ako?
Lumapit siya sakin at hinawakan niya ang kamay ko. Tinignan niya ako sa mata ko.

Tinignan niya ako ng napakatagal. He sighed in frustration. "Angel--"

"Caleb, sorry. Hindi dapat ako naniwala sakanila. I should have known better. Hindi
mo naman niloloko, 'di ba? Seryoso ka naman sakin, 'di ba? Hindi mo naman gagawin
sakin lahat ng 'yon dahil alam mong masasaktan ako ng sobra. I trust you a lot
because I know you wouldn't break my trust." Ngumiti ako at niyakap ko siya "Sorry
talaga, Caleb. Simula ngayon kahit ano pang sabihin nila, ikaw na lang ang
pagkakatiwalaan ko."

Tinulak niya ako para maiharap sakanya. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi
niya tinuloy. Hinalikan niya na lang ako sa noo ko. "I love you Angel at pangako,
hindi kita sasaktan. Hindi ko hahayaan na masaktan ka."

"Thank you Caleb."

I'm now slowly falling for him and I wouldn't stop this because I know he'll be
there to catch me.

"Before I fill your heart, I'm gonna fill that empty stomach of yours. Okay? Just
sit down and watch." Masaya niyang sabi. I'm glad he's okay now.

Amoy pa lang ng pesto niya nakakagutom na at hindi ako nagkamali, ang sarap niya.
Napabilib na naman niya ako.

"How is it? Is it good?" Tanong niya habang nakatingin sakin. "Do you like it?"

"Yes, I like it."

"I'm glad you liked it."


There's just one thing that I really need to know. I hope he's not going to be mad.
"Sabi ni Briana, may nangyari na daw sa inyo.. totoo ba?"

Halos mabulunan si Caleb sa tanong ko. I hope he's not mad. "Angel!"

"What? I'm just asking!"

"Yes, it's true but she just throw herself at me! I don't even like her. I'm drunk
that night and she seduced me to death." I'm trying not to laugh. There's a disgust
in his face while he's talking about it. "Wait, are you jealous?"

"No!" I said. "I just want to know.." Tinignan niya ako. I don't know if I should
really ask him this but it's really bothering me. "How many girls have you had..
sex with?" nag alangan pa ako sa huling line. Uhm. Awkward.

Hindi agad siya nakasagot. Mukhang gulat na gulat siya sa tanong ko.

"You make me feel so embarrassed right now, Angel Beatrix Dela Fuente." Umiwas pa
siya ng tingin sakin. "Why do you ask?"

"I just want to know and you shouldn't be embarrassed, it's not a new thing for
you."

"I know. I can talk about sex anytime but not with the girl I.. love." Namumula na
siya ngayon. Dapat pala hindi ko na tinanong. "But if you really want to know, I
think it's nine but I'm not sure. And it's all safe, I have condoms so don't think
I have STD." I can't help but to laugh although I've realized it is really
embarrassing to talk about this. "Are you turned off?"

I smiled at him. "Don't worry I'm not."

"Well glad to know that."

Naghugas kami ng plato at nanuod kami ng movie pagkatapos non umalis na si Caleb.
May celebration pa sila ng team niya. Inaaya niya ako pero tumanggi ako. For sure
nandon si Skie at ayoko muna siyang makita.

Minsan naiisip ko pa din siya pero ayoko siyang isipin kapag kasama ko si Caleb.
Ayokong maging unfair kay Caleb. Hindi pa din niya alam ang tungkol samin ni Skie
pero ayoko na din sabihin pa.

Hindi na kami madalas magkita ni Skie sa school at kung magkita man kami, hindi din
kami nagpapansinan although bago mag game kanina parang gusto akong kausapin ni
Skie or baka mag iilusyon lang ako.
Matutulog na sana ako ng biglang nag ring 'yong phone ko. Si Tita Serina tumatawag.

"Tita?" Sagot ko.

"Angel.. I have a big favor to ask. I know it's too much but I don't have anyone to
ask to look for Skie. Wala daw si Anya at may party sila Caleb. Can you go over our
house and look for Skie? Ang taas daw ng lagnat niya at ayaw niyang magpapasok ng
kahit na sino sa kwarto niya except Anya. We're on our way home, may business
convention kasi kami ng Tito Charles mo dito sa Hongkong. Angel--" pinutol ko na
'yong sasabihin ni Tita.

"Don't worry Tita, pupunta pa ako para tignan si Skie." What Am I thinking?

"Thank you Angel, thank you so much."

"No worries Tita. Have a safe flight." Binaba ko na 'yong phone.

Hindi dapat ako pumayag. Ayaw nga akong makita ni Skie eh tapos papasok pa ako sa
kwarto niya para alagaan siya. Kaso hindi ko na lang siya pwedeng pabayaan. Sakitin
si Skie at sa simpleng lagnat pwedeng lumala 'yong lagay niya.

Nagbigis agad ako at umalis.

Siguro, may mga bagay talaga na hindi mo kayang talikuran kahit na matagal mo nang
tinapos ang lahat.

=================

Chapter 20: I'll take care of you

Angel's point of view.

(Now Playing: Terrified - Katharine McPhee)

Nag taxi ako papunta kala Skie. It's already eight in the evening but I don't care.
I'm worried about him. I know when he's sick all he got to do is lay down and cry.
Ang daming alaala 'yong pumapasok sa isip ko ngayon. Mga alaala na dapat
nagpapasaya sakin pero ngayon kapag naaalala ko 'yon, naiiyak na lang ako. Alam ko
kasi mananatili na lang siyang isang alaala.

"Miss nandito na tayo." Sambit nang taxi driver.


Masyado akong pre-occupied hindi ko na napansin na nandito na kami. Pagpasok ko sa
loob ng bahay, sinalubong ako ni Manang Josie, 'yong yaya ni Skie. "Beatrix buti na
lang dumating ka na. Ang taas ng lagnat ni Skie pero ayaw niya talagang uminom ng
gamot eh." Alalang alala siya. Simula bata siya na ang yaya ni Skie at close kami.
Isa lang siya sa mga taong tumatawag sakin sa second name ko. "Alam ko ikaw lang
ang makakapasok at makakatulong kay Skie."

Hindi, hindi ako 'yon.

Tumango na lang ako kay Manang Josie. Hindi man ako 'yon wala akong magagawa dahil
ako lang ang nandito para kay Skie. Thanks to her damn girlfriend.

"Nasa table na 'yong nga gamot ni Skie. May warm water na din don. Beatrix, wag
mong pabayaan si Skie," hinawakan ni Manag Josie 'yong kamay ko. "Sa totoo lang mas
gusto pa din kita para sa alaga ko. Never naman pumunta dito si Anya para alagaan
si Skie kapag may sakit siya kaya nasanay na din ang alaga ko na mag isa sa mga
ganitong sitwasyon." Feeling ko maiiyak na siya. Mahal niya si Skie na parang anak.
"Mabuti na lang bumalik ka na." Ngumiti na lang ako at pumasok sa loob.

Tumindi lang lalo 'yong inis ko kay Anya. Anong klaseng girlfriend ba siya? Mahal
ba talaga niya si Skie? Hindi naman malayo 'yong Makati sa QC kung ikukumpara sa
New York to QC. Damn her.

Balot na balot si Skie ng kumot. Walang ibang ilaw dito maliban sa lamp shade sa
side table niya. Tumayo ako sa gilid niya. Kung dati alam na alam ko kung anong
gagawin ngayon hindi na. Hindi na kasi siya 'yong Skie na kilala ko. Ibang iba na
siya at ayaw na ayaw na niya sakin. Masaya ako na makita siya dahil for the past
few weeks hindi kami nagkikita sa school kahit na sa hang out nila Caleb. Kaso
bukod sa masaya ako, malungkot din ako kasi sa tuwing makikita ko siya, naiisip ko
kung gaano na kalayo 'yong loob namin sa isa't isa.

Pwede pala 'yon noh? Pwede pala na makaramdam ka ng saya at lungkot at the time.

Tulog pa din si Skie. Naisip ko na lang na punasan siya ng warm water. Kinuha ko
'yong bowl at umupo ako sa tabi ko Skie. Dahan dahan kong inalis 'yong kumot niya
at kinuha ko 'yong kamay niya. Ang init nga niya.

"Ano ba kasing ginagawa mo sa sarili mo, Skie?" Bulong ko sa sarili ko.


"Napapabayaan mo na 'yong katawan mo. Ang laki ng pinayat  niya. Habang pinupunasan
ko 'yong kamay niya, hindi ko maiwasan na mapatitig sa mukha niya. He's still
handsome just like when I first saw him.

"Mommy, sino pong imi-meet natin?" Tanong ko. Kanina pa kami nag hihintay sa lobby,
naiinip na ako. Gusto ko nang laruin 'yong doll house ko. "It's boring here,
mommy."

"Honey, parating na sila. If you want you can go outside with your yaya." Dad said.
Hinila ko si Yaya palabas malapit sa beach. I want to swim but I don't want to be
tan. My friends in Canada will tease me.

"Angel, tignan mo 'yon oh!" Yaya pointed a boy, he's talking to another boy. "Ang
cute niya, hindi ba?" I nod. Yes, he's cute.

Lumapit kami sakanila ni Yaya. "Hi." Bati ko. "What's your name?" I asked.

"Kuya Skie, nosebleed. Ikaw na kumausap." Tinignan ako nung lalaking kausap niya.

"Anong kailangan mo?" He asked. I can't take my eyes off him becuase he's so
handsome. "Hello!" I snapped.

"I was just asking for his name."

"Nakakaintindi ka ng tagalog?" I nod. "Yon naman pala eh, magtagalog ka na lang


din. Pasosyal ka naman masyado." I didn't fully understand the word "pasosyal" so I
asked Yaya about it and I got mad when she told me what it was.

"I'm not pasosyal!" I shouted. "It's just that, I'm not good at tagalog!"

"Nasa Philippines ka dapat marunong ka magtagalog. Psh. Pasosyal kasi."

"I'm not!"

Nagulat na lang ako na sila pala 'yong dapat namin i meet nila Mommy. Nalaman ko
ang pangalan niya dahil kay Daddy at sa tuwing makikita ko siya palagi siyang nag
tatagalog ng malalalim dahil alam niyang hindi ko 'yon maiintindihan. That's how he
teases me before.

From that day, nag aral ako magtagalog.

"Bata ka pa lang, pilyo ka na." Bulong ko. "Sana mga bata ulit tayo."

Pagkatapos ko siya punasan, umupo ako sa upuan sa tabi ng kama niya. Buti na lang
tulog siya kung hindi kanina pa siguro ako wala dito.

"Paano nga kaya kung bumalik 'yong alaala mo? May magbabago ba, Skie?"

Nanatili lang ako sa tabi niya hanggang sa magising siya. Nagulat siya ng makita
niya ako. Expected ko na naman 'to eh kaya hindi na ako nagulat. Expected ko na din
na papaalisin niya ako sa kwarto niya.
"Anong ginagawa mo dito?"

"Nakiusap sakin si Tita Serina na tignan ka. Maayos na ba 'yong pakiramdam mo?"
Nakangiti lang ako kay Skie kahit na siya ang sama sama ng tingin sakin. "Sorry,
alam kong nangako ako na hindi na kita guguluhin pa pero hindi ko pa din kasi
maiwasan na mag alala sayo. Inomin mo 'yong gamot mo ha? Sige aalis na ako."

Tumayo ako pero hinawakan ni Skie 'yong kamay ko. "Can you stay just for awhile?"
Okay, I wasn't expecting this. Nananaginip ba ako? Pinigilan ko na lang kurutin
'yong sarili ko sa harap ni Skie baka magmukha akong tanga sa harapan niya. "May
gusto lang akong itanong sayo."

"A-ano 'yon?" Feeling ko halata sa boses ko na kinakabahan ako. Bakit nga ba? Ugh.
Baka mamaya kung ano pang isipin ni Skie.

"Anong nakasulat sa diary ko?"

Napahawak ako ng mahigpit sa bag ko. "Madami, halos lahat ng nasa isip mo."

"Wala naman akong diary dati, hindi ko siya maalala kaya nagkaroon lang ako non
nung.. naging tayo." Nag aalangan pa siyang sabihin 'yong huling words kaya parang
may kung anong kumurot sa puso ko. "Alam mo na lahat ng memories ko nung naging
tayo, hindi ko na maalala. Ano bang meron don?"

Lahat lahat ng tungkol satin.

"Hon, ano yang hawak mo?" Ang lapad ng ngiti niya kaya mas lalo akong na curious sa
hawak niya at sa kung anong sinusulat niya. "Patingin naman!" Sinubukan kong agawin
sakanya 'yong hawak niya pero mabilis 'yong kamaya niya kaya nailayo niya agad 'yon
sakin. "Ang daya mo naman eh!"

"Honey, diary ko 'to." Hindi pa din mawala 'yong ngiti sa labi niya. "Bawal mo 'to
basahin, okay?" Ngumuso na lang ako at nagulat ako ng biglang lumapit sakin si Skie
at hinalikan niya ako. Napahiga ako sa kama ko habang si Skie patuloy pa din akong
hinahalikan. "I said don't do that because I'll surely kiss you. You know how
naughty I can be." Ngumisi siya at niyakap niya ako.

"Can you not?" I said. Hinampas ko siya sa balikat niya pero nginitian lang niya
ako. "You're so bad."

"I'm just teasing you honey." Bumalik siya sa sinusulat niya. "You can't read
this."

"Why not? Akala ko ba wala tayong secret sa isa't isa." Pagmamaktol ko. "Ang daya
mo talaga hon." Ginulo niya 'yong buhok ko.
"Oo na pwede mo ng makita 'to pero wag kang pumunta sa last page ha?" Kinuha ko
'yong diary sakanya. "Hon, not the last page okay?" Tumayo siya at pumunta siya sa
labas ng kwarto ko.

Forever and always.

Ito 'yong title ng diary niya? Ang weird. Binuksan ko na lang at binasa ko. Nag
start siya nung unang araw na magkita kami sa beach.

Hindi ko pa siya gusto nang unang beses na magkita kami. Oo maganda siga pero
feeling ko kasi ang arte niya at ang sungit. Isa pa, halos lahat ng atensyon niya
nakay Dwayne kaya mas lalo akong nainis. Kaya ayon, palagi ko siyang inaasar.

Hindi ko naiwasan na mapangiti. Ganon pala 'yong iniisip niya non?

Bumalik si Skie na may dalang food. Tumabi siya sakin at nakita niya kung nasaan
page ako. "Aminin mo hon, may crush ka dati kay Dwayne noh?" He asked.

"Well, to be honest mas gusto sana kita kaso you're such a jerk that time that's
why I just put my attention to Dwayne." Humiga siya sa tabi ko at hinila niya ako
palapit sakanya.

"I'm glad you're attention now is with me," kinuha niya 'yong diary niya pagkatapos
niyakap na naman niya ako. He really loves to hug me, everytime and anywhere.
"Actually, it's not just my diary. It's our relationship diary that's why it's
entitled that way."

"So, kung diary ng relationship natin yan dapat pwede din akong magsulat dyan hindi
ba?" Kukunin ko sana 'yong diary pero pinigilan niya ako. "Hon!"

"You can't! It's on my point of view!" Hinila niya ako palapit sakanya at niyakap
niya ako na parang isa siyang wrestler. Favorite hobby namin ang wrestling pero
syempre in a cuddle way. I dunno if that's normal for a couple pero ganon kami.
"When we get old, we'll sit near the beach or a lake then we'll read this
together." Humiga ako sa dibdib niya habang siya nilalaro niya ang buhok ko.

"Do you think til the end, tayo pa din?"

"Of course. We'll be together until the end. That I will promise you." He kissed my
forehead and he hugged me like there's no tomorrow. "Forever and always.."

Skie is not the type to say I love you everytime but he's the sweetest man I've
ever since, well next to my daddy. He's more of the doing what he wants to say and
that's why I love him so much.

"Trix?"
Napatingin ako kay Skie. Masyado akong naging pre-occupied. Palagi na ba niya akong
tatawagin na Trix?

"Uhm.. lahat ng nandon tungkol lang lahat sating dalawa, sa relasyon natin."

Nagkaroon ng katahimikan.

"Anong oras na pala, mabuti pa uminom ka na ng gamot mo." Kinuha ko 'yong gamot at
tubig sa side table at inabot ko 'yon kay Skie. Kinuha niya 'yon at ininom. "Sige,
mauna na ako. Sorry ha. Wag ka mag alala after nito hindi na ulit kita guguluhin."

Nakatingin lang sakin si Skie parang medyo gulat pa siya sa mga sinabi ko. When he
was about to say something tumayo na ako at nagmadali akong umalis.

Ayoko ng magtagal dito. Lumalambot na naman 'yong puso ko kay Skie at hindi tama
'yon.

Nang nasa baba ako, hinabol ako ni Skie. "Trix wait!" Napahinto ako kahit na
gustong gusto ko nang umalis. Ang hirap kasing tingnan ni Skie, bumabalik lahat ng
mga alaala namin na matagal ko ng gustong kalimutan. "Just stay here, gabi na and
walang maghahatid sayo." Tinignan ko 'yong relo ko, mag eleven na.

"Uhm, okay--"

"Babe!" Napalingon kami pareho ni Skie kay Anya. Tinignan niya agad ako mula ulo
hanggang paa. "What is she doing here?!"

"Babe, let me explain." Napahawak si Anya sa bibig niya. Hinila siya ni Skie
palapit sakanya pero tinulak siya palayo ni Anya. "It's not what you think!"

"Then tell me what it is, huh? Wag mo sabihin na tama talaga ako nung una pa lang
na kabit mo 'tong babae na 'to!" Binalik niya 'yong tingin niya sakin. Lumapit siya
sakin at sinabunutan niya ako. Kayang kaya ko siyang ibalibag sa sahig pero hindi
ko magawa dahil nasa harapan namin si Skie. For sure ako lang 'yong magmumukhang
masama. "Skie wag mo akong awatin! Kakalbuhin ko 'tong malanding babae na 'to!"

Tinulak niya ako kaya natumba ako sa sahig. Inaawat na siya ni Skie pero ayaw niya
pa din magpatigil. Lumapit siya ulit sakin hinawakan niya ako sa buhok ko at
inuntog niya ako sa sahig.

I really can't take this pero ayokong mas lalong magalit sakin si Skie.

"Ouch!" Nagulat na lang ako ng kusa siyang lumayo sakin at ngayon nasa nakaharap
siya sa sahig na akala mo tinulak ko siya ng malakas. Hindi ko pa nga siya
hinawakan eh. "'Yong ulo ko, sobrang sakit." Tinulungan agad siya ni Skie na
makatayo at ako naman tinulungan ni Yaya Josie. Pahawak hawak pa siya sa ulo niya
na akala mo talaga nasaktan siya. Eh siya mismo nagtulak sa sarili niya. "Babe,
tinadyakan niya ako! She's not fair! And my head, it hurts so much!"

What the. Best actress ba siya?

"Angel, anong problema mo?"

"Wala akong ginawa sakanya!" Protesta ko. "Hindi ko siya sinaktan! Ako nga 'yong
sinaktan niya eh!"

"Babe, paalisin mo na siya dito! Ayoko na siyang makita!" Singit ni Anya. Habang
hindi nakatingin sakanya si Skie, ngumisi siya saki . Umaarte nga lang siya para
ako 'yong mag mukhang masama. The nerve. "Babe.." Nagkunwari pa siyang umiiyak.

"Umalis ka na dito Angel."

"Skie, wala akong ginagawang masama sa girlfriend mo. Hindi ko--"

"Tama na! Tingin mo ba mas maniniwala pa ako sayo kaysa sa girlfriend ko? Sino ka
ba? Umalis ka na!"

Sino ako? I'm your fvcking ex-girlfriend you jerk!

Kanina lang gusto niya na mag stay ako dito pagkatapos papaalisin niya ako dahil sa
kay Anya? Natawa na lang ako. Oo nga pala, girlfriend siya kaya siya ang susundin
kahit na siya pa ang mali. Pathetic.

Hindi ko gustong umaiyak sa harap nila pero kusa na lang pumatak 'yong mga luha ko.
Sa inis, sa galit, sa halo halong emosyon. Kinuha ko 'yong bag ko sa sahig at dali
dali akong lumabas ng bahay.

"Beatrix!" Sigaw ni Yaya Josie. "Sandali anak, paano ka uuwi? May mag susundo ba
sayo?"

"Yaya don't worry about me. Black belter ako kayang kaya ko na sarili ko."
Hinawakan niya ang kamay ko. Mas lalo lang akong naiyak sa mga tingin ni Yaya
Josie. "Yaya, don't look at me like that."

"Alam ko hindi mo sinaktan si Anya. Dahil kung may intensyon ka man na gawin 'yon,
nako hindi na nakakalakad 'yon." I know her, she's trying to cheer me up. Niyakap
ko na lang siya. "'Mag ingat ka pauwi, Beatrix."

"Thank you, Yaya Josie."


Naglakad ako papunta sa labas ng gate. Safe naman sa village nila kasi may mga
umiikot na guards.

Hindi ko na tinawagan si Caleb. Ayokong makaistorbo sa celebration nila at isa pa,


hindi pa naman niya ako girlfriend.

Pumara agad ako ng taxi.

Nag text sakin si Caleb. Madami na pala siyang text at miss call sakin.

What are you doing?Sana nandito ka sa tabi ko.Don't forget to lock the doors.Are
you still sleeping? I want to see you.I miss you so much, Angel.

I can't help but to smile.

I was about to text him but I smell something weird then I feel numb. I can't move
my feet anymore. "Kuya, para sa tabi."

He didn't stop. That's when I realized he's going to do something bad to me.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. I wanted to cry.

"Stop the car!"

Hindi pa din siya humihinto at nakita ko siyang tumingin sakin sa rear mirror at
nakangisi siya sakin.

Ginamit ko lahat ng lakas ko para mabuksan ko 'yong pintuan ng taxi. Tumalon agad
ako palabas at buti na lang sa sidewalk ako napunta. Hindi ko pa din maigalaw ang
paa ko. Huminto 'yong taxi at mukhang hahabulin pa ako ng driver. Papalapit na siya
sakin pero hindi ko na alam 'yong mga sumunod na pangyayari dahil tuluyan na akong
nawalan ng malay..

Caleb.. nasan ka na?

=================

Chapter 21: Confused

Skie's point of view

(Now playing: We can't be by Krissy Villongco)


"Sorry kung hindi ko agad nasabi sayo 'yong totoo. Ayoko kasing magalit ka na naman
sakin. Ayokonh mag away ulit tayo." Ngumiti siya pagkatapos niyakap niya ako. "I
love you so much, babe."

"I love you too babe," lumapit pa siya lalo sakin pagkatapos hinalikan niya ako.
She wrapped her arms around me while kissing me so deeply. Parang uhaw na uhaw siya
sa halik ko. "Just promise me, hindi ka na lalapit sa babae na 'yon. I don't like
her. Nakita mo naman 'yong ginawa niya sakin hindi ba?"

"Babe, wag kang mag alala hindi na ulit mangyayari 'to. Hindi ko hahayaan na
masaktan ka ulit." Ngumiti ulit siya sakin pagkatapos humiga siya sa dibdib ko.
Hinawakan ko ang kamay niya. Basta nasa tabi ko lang siya, okay na ako. "Thanks for
coming anyway. Alam kong importante 'yong family dinner niyo pero pinuntahan mo pa
din ako dito."

"You always come first." She said. Well, that made me smile. Her love for me is so
unconditional that's why I love her do much. "How about you babe, do I comes first
to you?" Humarap ako sakanya.

"Of course, babe." niyakap ko ulit siya. I love her so much that I will do
everything for her. "You know how much I love you, right?" I lean into her and kiss
her. She run her fingers through my hair and it feel so damn good. She moved her
hands down to my back and along my spine.

"I want you tonight babe," bulong niya sakin. "Go inside me, please." I can feel
her need. She's really wanting for more but I can't. I respect her so much.

"Babe I'm sick, I can't do it now." She rolled her eyes and sighed. "I'm sorry,
babe."

"Sorry din, nakalimutan ko bigla na may sakit ka. Magpahinga ka na lang para bukas
gumaling ka na at para makapasok ka. Mid term na natin bukas." Pinaglaruan na lang
niya 'yong buhok ko, alam na alam niyang gustong gusto ko kapag ginagawa niya 'yon.
"I hope you get well soon. I miss you, you inside me.. I'm wanting you more and
more babe.. I love you so much."

"Naughty girl." We both laugh at it. All I want is her beside me. "I love you even
more."

She stayed for another hour pagkatapos tinawagan ko si Enzo para ihatid siya
sakanila. Sira pa din kasi 'yong kotse ko at 'yong isang kotse naman sinundo si Dad
at Mom. Tinignan ko 'yong orasan, alas una na pala.

Bigla kong naisip si Angel.

Gusto kong mainis sakanya dahil sa ginawa niya kay Anya pero hindi ko magawa at mas
nangingibabaw sakin ngayon 'yong pag aalala. Gabing gabi na at umuwi siya na mag
isa. Ayos lang kaya siya? Nakauwi na ba siya sa unit ni Caleb?

Bago ko pa siya matawagan, nag ring ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Caleb
sa screen. Bigla na lang akong kinabahan. Bakit siya tatawag sakin ng ganitong
oras? May kinalaman ba si Angel dito? "Hello bro." Sagot ko.

"Fvck you bro!" Bungad niya. "Isa kang malaking gago." Hindi ko mapigilan na mainis
sakanya. Anong problema niya? "Alam kong galit ka kay Angel pero bro, gabing gabi
na pero hinayaan mo siya na umuwi na mag isa? Anong klase ka?!" Kalmado lang siya
pero ramdam ko sa boses niya 'yong pagkainis. "Alam mo bang muntik nang mapahamak
si Angel? Buti na lang may nakakita sakanyang pulis habang nasa sidewalk siya at
walang malay. Muntik na siyang saktan nung driver ng taxi na sinakyan niya."

Suddenly, nakaramdam ako ng matinding guilt. I know, it's all my fault. "Bro,
sorry. Hindi ko naman sinasadya na pabayaan siya. Andito kasi si Anya and you know
our situation."

"I can't believe you! You've gone too far, Skie. Pasalamat ka na lang, hindi malala
'yong nangyari sakanya dahil kung hindi.. baka makalimutan kong magkaibigan tayo."
Nagulat ako sa sinabi ni Caleb. Kahit minsan hindi ko naisip na kaya niyang sabihin
'to sakin. All this time, siya 'yong nag iisang tao na alam kong hindi ako
tatalikuran pero bakit niya nasasabi 'to ngayon? Huminga siya ng malalim. "Let's
not talk about that, mas mahalaga 'yong kondisyon ni Angel ngayon. Ayoko ng makipag
away sayo. I just want to let you know what have you done." He ended the call
without even letting me talk.

I already have this feeling that he's not doing this anymore for the plan. He's
doing this because he's already falling for Angel.. and what he said confirmed it.

Si Angel..

Pinuntahan niya ako dito kahit na gabi na at kahit ang sakit ng mga sinabi ko
sakanya nung huling magkita kami. Is she doing this because she's still in love
with me?

Nagawa niya ba talagang saktan si Anya? Gusto kong paniwalaan si Anya sa lahat ng
mga sinabi niya pero sa mga mata ni Angel kanina parang wala naman talaga siyang
intensyon na masama kay Anya. But too late. Nasaktan ko na naman si Angel at muntik
ko na siyang ipahamak. Nadala na naman ako ng damdamin ko kanina katulad ng
nangyari sa amin sa locker. Hindi ko dapat 'yon sinabi 'yon Angel.. maybe hindi
ganon kasakit.

Ang totoo, matagal ko na siyang gustong makausap. Gusto kong mag sorry sakanya
about sa mga nasabi ko nuon sa locker. Alam mo sumobra ako sa mga masabi ko. Sa mga
panahon na nilalayuan niya ako, narealized ko na naging sobrang sama ko sakanya.
Habang tumatagal, nakikita ko naman na mabait talaga si Angel. Siguro naman mabait
nga siya dahil naging girlfriend ko siya dati. Palaging pumapasok sa isip kung
paano ko siya nagustuhan, kung paano ako nahulog sakanya. Ang huling alaala ko
sakanya, nung nasa school kami, sa science camp. Galit na galit ako sakanya at kay
Kiro dahil pinagpipilitan nila na bad influence sakin 'yong mga kaibigan ko kahit
hindi naman. Palagi nila akong pinapahamak lalo na kay Mom at Dad.

All of a sudden naisip ko 'yong plan namin, dapat ko pa bang ituloy 'yon? Siguro
nga dahil ayoko ng naguguluhan ako.

"Why can't you just get out of my life?" Bulong ko sa sarili ko. "You're making me
so confused.. about my feelings."

She's out of our house now and she'll be out of my life soon. I should be happy
about it but I can't. It's all I wanted in the first place but what's with my
sudden feeling? Dahil ba sa nalaman kong ex-girlfriend ko siya? I really wanted to
remember everything about us but I can't. Damn. It's really driving me crazy.

Sinubukan kong matulog but all I can think of is Angel. She's always haunting me
and I hate it. I hope she's okay.

--

I'm still looking out at the window. Simula kagabi hanggang ngayon, hindi na maalis
sa isip ko si Angel. I don't exactly know how would I feel about her. It's really
weird that I suddenly care for her so much.

"You okay bro?" Tanong ni Enzo. "Are you still thinking about the plan? Relax,
mukhang mapapasagot na naman ni Caleb si Angel. Our plan is working."

Honestly, I don't care about the plan anymore.

"Skie!" I snapped out. Tinignan ko si Enzo. "Wala ka sa sarili mo huh? Nag away ba
kayo ni Anya?"

"No, we're all good. I'm just not in the mood, okay? Give me space, will you?"

"Tss. Astronaut ka ba at gusto mo ng space? Whatever, I'll just ditch the class."
Tumayo siya dala dala 'yong bag niya.

Everything's going smoothly with me and Anya. Bumalik na siya sa dating Anya na
kilala ko. Understanding and sweet. I know she could be a bitch sometimes but I
don't care, I know she has reasons.

Nag text sakin si Anya, I Can't attend class. Aalis kami ni daddy. I'll see you
tomorrow baby. I love you.

I was about to text her back but then I saw Angel. Tinginan ko siya pero never
tumama 'yong mata niya sa mata ko. Mukha siyang nanghihina. Nakaramdam na naman ako
ng pag aalala. I hate this feeling, it confuses me a lot.
Sumunod agad sakanya si Caleb at dala dala niya 'yong mga gamit ni Angel. Nagtama
ang mata namin pero umiwas agad siya ng tingin sakin.

Hindi ako mapakali buong class. I don't exactly know why. Wala din si Luke dito
kaya mag isa lang ako.

After class, mabilis na nawala si Caleb at Angel. Dumiretso na lang ako sa locker
ko. Nang mapatingin ako sa locker ni Angel, na guilty na naman ako. Kumuha ako ng
post it note at sinulatan ko si Angel.

I'm sorry. I didn't mean to hurt you. I didn't mean to put you in trouble. I'm
sorry, Trix.- Skie

Nilagay ko 'yon sa locker niya. Umalis na ako at pumunta ako sa field para sa
practice game namin. Wala pa din si Enzo at Luke pero nandon na si Caleb. Tumabi
ako sakanya. Hindi agad nakapagsalita. Hindi ko alam kung saan ba ako magsisimula.

"How is she?" Tanong ko.

"She's fine," tinignan niya ako. Best friend ko siya at alam na alam ko kapag
tinitignan niya ako ng ganito may gusto siyang sabihin sakin na importante. "Skie,
I want to tell you something." Hindi ako sumagot, hinayaan ko lang siya na
magsalita. "You're my best friend and you know you're important to me. Ayokong
magalit ka sakin bro kaya nung panahon na nagulog na talaga ako kay Angel, hindi ko
'yon sinabi sayo kasi alam kong magagalit ka. Alam kong wala tayong nililihim na
kahit ano sa isa't isa pero bro, tinamaan talaga ako kay Angel."

Hindi na ako nagulat. Sa totoo lang alam ko na naman na nahulog na nga talaga siya
kay Angel pero mas nangibabaw sakin 'yong thought na hindi ako babaliktarin ni
Caleb, na kung may una man makakaalam ng sikreto niya, ako 'yon dahil mag best
friend kami.

"Bro, kakaiba si Angel sa lahat ng nakilala kong babae. Kilala mo ko, tignan ko pa
lang ang isang babae, kindatan at ngitian ko pa lang sila, nakukuha ko na agad sila
pero siya, ginawa ko na lahat pero wala pa din. And for that she made me fall for
her so much. Skie, this is not about the plan anymore. Mahal ko na talaga si Angel
at dahil don, ayoko nang ituloy 'yong plano natin. Hindi ko na siya kayang saktan
pa. Skie, I'm sorry. Wag mong isipin na trinaydor kita."

Natahimik kaming dalawa.

Dapat ngayon nagagalit na ako ng sobra kay Caleb. Dapat ngayon nakahiga na siya sa
sahig habang sinusuntok ko siya. Dapat ngayon, hindi ko na siya tinuturing na
kaibigan pero mahirap man aminin, ayoko na din ituloy 'yong plano namin. Sapat na
siguro na umalis na siya sa bahay. Sapat na siguro na iniiwasan na niya ako. Sapat
na siguro 'yon para hindi na kami mag away ni Anya. Sapat na siguro lahat ng 'to.
"Then, let's forget about the plan."

Tinginan ko siya at gulat na gulat siya sa sinabi ko. "Are you serious?"

"I've been so bad to her kahit na wala naman talaga siyang ginagawang masama sakin.
Ako lang 'tong nag iisip ng kung ano ano. Gusto lang niya akong mapatino tulad ng
gusto ng magulang ko. Isa pa, kung mahal mo na talaga siya, wala na akong
magagawa."

Ngumiti siya sakin. "Damn, all this time natatakot ako sa magiging reaskyon mo.
Sana nung una pa lang sinabi ko na. Thank you bro."

Ngumiti na lang din ako.

Pagdating ni Enzo at ni Luke sinabi namin ni Caleb ang lahat. Nung una nagalit sila
pero wala na din silang nagawa. Pumayag na din naman ako na wag nang ituloy pa
'yong plano. Ngayon ko pa lang nakita na nag seryoso ng ganito si Caleb kaya alam
kong mahal niya talaga si Angel kaya masaya na din ako sa kung anong nangyari.

Maybe I can be friends with Angel but all of a sudden I thought about Anya, ayaw
niya kay Angel at for sure pag aawayan lang namin siya kaya baka hindi na lang din.

Pagbalik ko sa locker ko, may nakita akong post it note sa loob.

Apology accepted. :)- Angel Beatrix

Kumuha ako ng panibagong post it note at nag sulat ako. I know Anya doesn't want me
to be friends with Angel but.. my heart wants to.

So... friends?- Skie

=================

Chapter 22: So.. friends?

Angel's point of view

"Welcome home anak!" Lumapit agad si Tita Serina sakanya pagkatapos niyakap niya si
Kiro. "I miss you so much!" Halos hindi na makahinga si Kiro sa yakap ni Tita pero
natawa lang ako kasi ang cute nila tignan. "How are you?"

"I'm good, mom." Tumingin siya samin, sa pwesto namin ni Tito Charles, alam ko
hinanap niya si Skie pero lumapit na lang siya kay Tito. "Dad, I miss you."
Masasabi ko na mas close si Kiro kay Tito kaysa kay Tita.

"I miss you too anak. Umuwi na tayo para makapagpahinga ka." Sambit ni Tito. Kitang
kita sa mukha niya na masaya siya.

"Trix!" Lumapit siya sakin at niyakap niya ako. "I miss you best friend, you look
good." Ngumisi siya sakin kaya hindi ko alam kung compliment ba 'yon o inaasar niya
lang ako. "Tita Kim said they'll be here after a week, there's a problem with their
passport."

"Okay lang, hindi pa din naman ayos lahat ng gamit sa bago naming bahay kaya mas
okay na next week na sila umuwi." Inakbayan niya ako hanggang sa makapasok kami sa
van nila. "So, alam na ba nila Tito 'yong tungkol kay Cyrene?" Bulong ko sakanya.

"No, it's not for real so why would I tell them?" Biglang nagseryoso 'yong mukha
niya. Gusto ko siya tanungin pa tungkol kay Cyrene pero mukha ayaw niya kaya
tumahimik na lang ako. "Did you say yes?" Bigla niyang tanong.

"Huh?"

"Did you say yes to his note? Are you friends again?" He doesn't seem to like the
idea. Parang ayoko tuloy siyang sagutin. "Don't tell me, lumambot na naman 'yang
puso mo kay Skie?" He's really waiting for my answer. Ugh. Okay fine.

"Kiro, there's nothing wrong if we'll be friends again. Malay mo, kapag magkaibigan
na kami, mapatino ko na siya."

"Asa ka pa." Umiwas siya ng tingin sakin. Alam kong ayaw niya na maging malapit
ulit ako kay Skie pero hindi ko naman hahayaan 'yong sarili ko eh. We'll just be
friends and that's it. Nakapag move-on na ako so walang masama kung maging
magkaibigan ulit kami. "I want to meet Caleb, can you ask him for a coffee?" Ito na
naman siya sa pagiging protective best friend. Wala naman akong magagawa kung hindi
ang pumayag kasi for sure magtatampo siya sakin.

Pagdating namin sa bahay nila, sinalubong agad siya ni Yaya Josie. Ang daming
hinanda nila Tito at may banner pa talaga for Kiro. Medyo nag aalala lang ako kay
Skie. I know him and most likely, iisipin na naman niyang mas paborito ng parents
niya si Kiro. "Kumain na tayo, madami kaming hinandang pagkain para sayo, anak."
Pag aaya ni Tito Charles. "Paborito mo lahat ng pinaluto ko kala Yaya Josie."

Nakaupo na si Skie sa dining table pero hindi man lang siya tumayo ng makita niya
kami. I know he's still mad at Kiro and we can all see that on his eyes.

Close na close si Skie at Kiro dati kaso dahil puro bad influence 'yong mga naging
kaibigan ni Skie kaya sakin na lang nag stick si Kiro. Madalas akong nasa bahay
nila dahil pabalik balik si Mom and Dad sa Canada kaya naging close ko lalo si Kiro
pero hindi si Skie dahil iba ang mga hilig niya. Palagi kaming magkasama ni Kiro
pero si Skie ayaw sumama samin. Habang tumatagal mas lalong tumitindi 'yong galit
ni Skie kay Kiro dahil sa palagi namin sinusumbong 'yong mga ginagawa niya pero ang
gusto lang lang naman namin ni Kiro na tumino siya. Palagi siyang nag ditch ng
class niya para mag billiard kasama 'yong friends niya tapos minsan kahit under age
pa siya, palagi silang nasa bar at umiinom, nagpagawa pa talaga siyang fake ID para
lang makapasok sila sa bars at casino. Feeling niya trinaydor siya ni Kiro at akala
niya lahat inaagaw ni Kiro sakanya, ang magulang niya, si Yaya Josie pati 'yong
opportunity na makapag-aral abroad. Gusto ni Skie na mag aral sa New York pero
dahil sa mga ginawa niya dati, hindi na siya mapagkatiwalaan nila Tito. Nang naging
okay kami ni Skie, kahit papaano naging okay na din sila ni Kiro kaso lang umalis
din agad si Kiro papunta ng New York kaya hindi na nabalik 'yong dating closeness
nila.

"Hey what's up, brother?" Cool na bati ni Kiro pero hindi siya pinansin ni Skie.
Nagkatinginan kaming apat. "Still mad at me, huh?" Siniko ko na lang si Kiro.

Bago pa makapagsalita si Tito Charles, nagsalita ako. "Wow! Adobo ba yang nakikita
ko? Paborito ko yan!" Ngumiti ako kay Yaya Josie at naintindihan naman niya ako.

"Mabuti pa kumain na kayo, mas masarap yan kapag bagong luto." Sambit ni Yaya.
"Kiro, damihan mo ang kain mo ha, alam kong na miss mo ang luto ko."

"Yes Yaya Josie, I miss your dishes and of course I also miss you." Niyakap niya si
Yaya Josie. Tinignan ko si Skie at ang sama ng tingin niya kay Kiro. Para sakanya,
pangalawang magulang na niya si Yaya Josie at gusto niya siya lang ang ituring
nitong alaga. Medyo possessive kasi si Skie. "Let's eat?"

Habang kumakain kami halatang wala sa sarili niya si Skie. Kapag tinatanong siya ni
Tita Serina wala siyang maisagot. Sinusubukan niyang itago 'yong feelings niya pero
halata naman na apektado siya sa pagdating ni Kiro. Natatakot siguro siya na baka
maagaw na naman ni Kiro 'yong atensyon ng magulang nila. Naawa tuloy ako sakanya.
Hindi ko alam 'yong feeling kasi nag iisang anak lang ako pero alam kong nasasaktan
siya, nakikita ko 'yon sa mga mata niya.

Pagkatapos namin kumain, dumiretso agad si Skie sa kwarto niya. Sila Kiro naman
nasa pool side at nag kwe-kwentuhan. Umupo lang ako sandali don pagkatapos umakyat
ako papunta sa kwarto ni Skie. Nakabukas 'yong pintuan kaya nakita ko si Skie na
nakayakap kay Yaya Josie.

"Yaya, ako naman talaga 'yong alaga mo hindi ba? Wag mo akong ipagpapalit kay Kiro,
please." Para siyang bata na nagmamakaawa na wag siyang iwan ng Yaya niya. Kusa na
lang tumulo 'yong mga luha sa mata ko. Hindi ko mapigilan na maawa kay Skie.
"Ngayon nandito na naman siya, sakanya na ulit lahat ng atensyon nila Dad tapos
maiiwan na naman akong mag isa." Kahit hindi ko nakikita 'yong mukha niya dahil
nakayakap siya kay Yaya Josie, alam kong umiiyak siya.

"Skie, wag mong sabihin yan. Pareho kayong mahal ng parents niyo. Bagong dating
lang kasi si Kiro kaya ganyan ang binibigay na atensyon sakanya. Miss lang nila si
Kiro. Hindi ibig sabihin non lahat ng atensyon sakanya na. Anak, hindi ka nag iisa,
ikaw lang ang nagiisip non. Wag ka na malungkot, okay?" Inayos niya Yaya Josie ang
buhok ni Skie. Dati pa man, siya na ang nagpapatahan kay Skie kapag umiiyak siya.
"Gagawan na lang kita ng favorite mong clubhouse sandwich, okay?"
"Thank you, Yaya."

Ngumiti sakin si Yaya ng makita niya ako sa labas. "Beatrix, kailangan ka ni Skie.
Sige na, kausapin mo siya." Tumango ako. Kahit bukas ang pinto, kumatok pa din ako.

Nilingon niya ako at nagulat siya ng makita niya ako. "Trix? Anong ginagawa mo
dito? Bakit wala ka don sa baba kasama sila Kiro?"

"Pwede ba akong pumasok?" He said yes. Then I walk right beside him. "Nagsasawa na
ako sa mukha non ni Kiro. Isa pa, gusto din kita makausap." Kinuha ko 'yong note
niya sa bag ko. "Hmm.. ikaw ba talaga nag sulat nito?" Hindi siya makatingin sakin.
Nahihiya ba siya?

"Yeah, I wrote that." Finally, tinignan niya na din ako. "About what happened the
other night, I'm really sorry. I didn't mean to hurt you and for you to get in
trouble." Kita ko naman sa mata ni Skie 'yong sincerity.

"I already accepted your apology."

"Thank you, Trix.." Hindi pa din ako sanay na tawagin niya ulit akong Trix. "So,
about my note, is it a yes or a no?"

I smiled at him. "Sure, friends."

"Really? Thank you." Then I saw his genuine smile. The smile that made me smile
too. It's been awhile since I saw that. "Also, thank you for saving me awhile ago
from Dad. I know you stop him from embarrassing me in front of you guys."

"Don't worry about it, that's nothing." We smiled at each other. Mas masarap talaga
sa pakiramdam na okay kami ni Skie kaysa sa magkaaway kami. "Nag away ba kayo ni
Anya dahil sa nangyari nung isang gabi?" I don't want to bring her up but then I
want to know.

"Yeah we did fight over it but we're good now. She's understanding and sweet. If
you'll be able to know her more, she's more tham what you think." 'Yong mga ngiti
niya habang sinasabi niya 'yon, halatang mahal na mahal nga niya si Anya. I don't
know what to feel about it but it shouldn't affect me anymore, I've moved on. I
just wish she's a good influence to Skie. "Are you moving to your new house? Your
parents is still not here."

"Nakalipat na ako kagabi, tinulungan ako ni Caleb. Sanay na naman akong mabuhay mag
isa so okay lang sakin."

Natigilan si Skie. Mukhang may malalim siyang iniisip. "Hindi pa din nahuhuli 'yong
driver na 'yon, right? It's not safe for you to live there alone."
"Skie, that's--"

"No Trix, I think you should stay here until your parents come home. Ayokong
mapahamak ka na naman dahil sakin." I can't say anything. Nagulat siguro ako sa
inasal ni Skie. Is he concern about me? That's new. "Mahal ka ng best friend ko at
ayokong mapahamak ka kasi alam kong masasaktan siya."

Yeah right, that's the reason.

"I lied. I actually can't sleep there alone knowing that suspect is still at large.
So yeah, I'll just stay here."

Ngumiti na naman siya sakin. Nakakapanibago, parang ibang Skie 'yong nasa harapan
ko ngayon. "You know what? If we just have a good start, I think I'm not going be
mad at you like.. before." Pareho kaming natawa. Well, I think that's how fate
wants us to meet.

Kumatok si Yaya Josie sa pinto. "Mukhang okay na kayo ha? Okay yan, mas magandang
pagmasdan na okay kayo." Nilapag ni Yaya Josie 'yong sandwich sa side table ni
Skie. "Sige, maiwan ko na kayo, madami pa akong gagawin."

"Thank you, Yaya Josie."

Sabay namin kinanin ni Skie 'yong sandwich ni Yaya Josie. After non umuwi muna ako
sa bahay namin para kumuha ng konting damit. Paglabas ko ng bahay saktong dumating
Caleb. "Angel, saan ka pupunta?" Lumapit agad siya sakin pagkatapos kinuha niya
'yong bag ko. "Bakit ang dami mong dalang gamit?"

"Caleb, duon muna kasi ako kala Skie. Next week pa kasi darating sila Mom so.. sabi
nila kala Skie muna ako." I don't why I lied to him. Hindi ko din alam kung bakit
hindi ko masabi sakanya 'yong about sa note ni Skie, I mean hindi ko masabi lahat
ng detalye about don. "Wag ka mag alala, okay na kami ni Skie. Friends na kami."

"Talaga?" Hindi siya makapaniwala. "That's good news. 'Yong best friend ko tska
'yong babaeng mahal ko, friends na. Hindi na ako mahihirapan sa sitwasyon natin.
Pwede na din kitang dalhin sa mga lakad namin." Hinawakan niya 'yong kamay ko.
"Gusto kong maging kaibigan mo din 'yong mga kaibigan ko. Gusto kong makasama ka
tuwing may mga lakad kami kasi gusto kong ipagsigawan sa mga mukha nila na ikaw
'yong babaeng mahal ko." Hinawakan niya 'yong mukha ko pagkatapos hinalikan niya
ako sa noo ko. "I love you, Angel."

Ngumiti ako sakanya. "I'm getting there, Caleb."

"That's enough for me. I don't want to rush you, Angel. I can wait for you."
Hinatid niya ako papunta kala Skie. Hindi na din siya nagtagal. May binigay siya
sakin na letter at umalis na din siya. Inayos ko 'yong gamit ko don sa guest room.
Pumunta akong kusina at nag timpla ako ng kape, umupo ako sa garden para
magpahangin. Naliligo pa din kasi si Kiro hanggang ngayon, ang tagal talaga niya
maligo kahit kailan.

"Hey, Trix." Buti na lang walang kape sa bibig ko kung hindi naibiga ko 'yon sa
mukha ni Skie. "Sorry, nagulat ata kita."

"Okay lang, may kailangan ka ba sakin?"

Nagings seryoso 'yong mukha niya. "I just want to ask you something."

"Ano 'yon?"

"Mahal mo na ba si Caleb?"

Hindi agad ako nakasagot. Bakit ang random ni Skie? Nagugulat tuloy ako sa mga
sinasabi niya. "I'm getting there.. I just need a little more time."

"Just don't hurt him. He's really serious about you and it's the first time he's
been like this." Seryoso siya habang sinasabi niya ang mga 'yon. "I'll go ahead,"
hinawakan niya 'yong tasa ng kape pagkatapos tumayo siya. "Good night." Paalam
niya.

"Good night.. Skie." Bulong ko sa sarili ko.

Alam ko. Alam ko kung gaano siya ka seryoso sakin at ayoko siyang saktan kaya nga
hindi ko pa din siya sinasagot til now kasi gusto kong makasigurado muna sa
feelings ko sakanya at sa feelings ko about kay Skie.

Bago ako tumayo, may napansin akong note sa tasa ko. Kaya ba niya hinawakan 'to
kanina?

Sa tuwing uuwi si Kiro galing New York, palagi kong nararamdaman na mag isa na
naman ako pero kanina dahil sinamahan mo ako, hindi ko naramdaman 'yon. Thank you,
Trix.

Ayokong maging unfair kay Caleb kaya gusto ko sa oras na sagutin ko siya, alam ko
sa sarili ko na wala na akong nararamdaman na kahit anong feelings pa kay Skie.

Meron pa kasi eh, meron pang konting konting feelings na natitira para sayo Skie.
Sana nga kagaya mo din ako na may amnesia para makalimutan ko na lahat tungkol sayo
at mabuksan ko na ng buong buo 'yong puso ko kay Caleb.
Sana ganon kadaling kalimutan ang isang tao pero kapag naging mundo mo na siya
minsan sa buhay mo, mananatali na siya sa puso at isip mo habang buhay.

Suddenly I thought about Caleb's letter that's why I opened it.

Dear Angel,

Thank you. Thank you kasi dumating ka sa buhay ko. Dito sa buhay ko na walang
kwenta at patapon na. Alam mo para ka talagang anghel sa buhay ko kasi feeling ko
pinadala ka talaga ni God para sakin, para magkaroon ng meaning 'yong buhay ko. I
will always be grateful to you no matter what because you changed my life
completely. Kahit ilang beses ko pang sabihin sayo 'to, hindi ako magsasawa kasi
ito talaga 'yong nararamdaman ko... I love you, Angel Beatrix Dela Fuente.

Love,Caleb Andrei Maniego

Pero kahit mag stay pa siya panghabang buhay sa isip at puso mo kapag wala na, wala
na talaga. Kailangan mo na lang buksan ulit 'yong puso mo sa taong nagmamahal na
sayo. Sa taong kayang kaya ka nang saluhin kapag nahulog ka sakanila.

And for me, I know it's Caleb.

=================

Chapter 23: Who got your back?

Angel's point of view

Minsan kapag natutulog ka at may tumititig sayo may tendency na magising ka at 'yon
ang nangyari sakin. Pagmulat ko ng mata ko nakita ko si Kiro na nakatitig sakin.
Very unusual.

"May pasok ka pa." Paalala niya. "Bangon na, Trix." Minsan nakakatunaw 'yong mga
tingin niya. Sa ibang babae, attractive 'yong mga tingin niya pero ewan ko, hindi
lang talaga siya tumatalab sakin.

"Ito na nga, babangon na." Umupo ako at nag unat. Tumayo ako at naghilamos. "So,
what's your agenda for today?" Tanong ko habang pababa kami.

"I'm going to Aunt Candice's house. How about you? Do you have a date later?" He
ask in a teasing way. "I want to know that guy. I want to see if he's really
serious with you, if not I'm going to break him into pieces." Cool niyang sabi.
Well, to be honest mas malaki at mas maganda ang katawan ni Caleb compared kay Kiro
pero underground fighter si Kiro sa New York kaya hindi mo siya pwedeng maliitin.
"Good Morning." Bati samin ni Tita Serina. "Kumain na tayo ng breakfast." Hinanap
ko agad si Skie pero wala siya.

"Nauna na si Skie sa school. Angel, ihahatid ka ka lang ni Kiro." Sambit ni Tito


Charles. Nagkatinginan kami ni Kiro. "May problema ba?"

"No need for me to do that. Caleb will pick her up." I stared at him. Hindi ko pa
nasasabi kala Tita ang tungkol kay Caleb. Napa "oh" na lang siya. "Sorry, Trix. I
thought they already knew."

"Angel, nanliligaw ba sayo si Caleb? Si Caleb na kaibigan ni Skie?" Tanong ni Tito


Charles. Umupo muna ako tska bago ako magsalita.

"Yes Tito, nanliligaw po sakin si Caleb." Bakit parang medyo awkward sabihin
sakanila 'yong tungkol don? Dahil ba sa magulang sila ng ex-boyfriend ko. "Balak ko
po talaga sabihin sa inyo kaso naunahan na ako ni Kiro."

"Angel, sasagutin mo ba siya?" Singit ni Tita Serina. Tinignan ko siya at parang


nag aalala siya. Nagtinginan sila ni Tito Charles. "Well, siguro nga oras na din
para buksan mo ulit 'yong puso mo para sa iba." Ngumiti sakin si Tita pero alam
kong pilit lang 'yon. Disappointed ba siya?

Tahimik lang kaming kumain. Sana hindi na lang nasabi ni Kiro 'yon kanina. Medyo
awkward kasi lalo na hindi pa naman ako handang sabihin sakanila 'yong tungkol don.

"I know it's a bit awkward. I'm sorry about that." Sambit ni Kiro. "Mom is still
hoping for you and Skie to be together again." Alam ko pero hindi na pwedeng
mangyari 'yon. "Oh, your suitor is here."

Dala dala ni Caleb 'yong black audi niya. Papalapit pa lang siya samin ang laki na
nang ngiti niya. "Good morning, Angel." Napatingin siya sa kanan ko kung nasan si
Kiro. "And your are?"

"I'm Kiro, Skie's younger brother and Angel's best friend." Napanganga si Caleb.
Alam ko hindi maganda 'yong mga sinasabi ni Skie sakanila tungkol kay Kiro kaya
hindi na ako nagulat na ganito 'yong naging reaksyon niya. "Caleb, tama? Madalas ka
makwento sakin ni Trix."

"Ah talaga? Sana magaganda 'yong na kwento niya tungkol sakin." Nakatingin siya
sakin habang sinasabi niya 'yon. Maganda naman 'yong mga sinasabi ko kay Kiro about
sakanya, nung una nga lang hindi. "So, nasabi na din ba niya sayo na nanliligaw na
ako sakanya?" Mukhang cool naman silang dalawa habang nag uusap so tingin ko okay
si Kiro sakanya.

"Yup and I hope you don't have a plan to hurt her because if you do, I'll hunt you
down and break you into pieces." He said in a very serious tone. He's being the
protective best friend again. "I'll go back inside, take care of her. Bye Trix."
Feeling ko nakahinga nang maluwag si Caleb nang pumasok na sa loob si Kiro.
Nakakatakot naman kasi talaga siya. Natawa tuloy ako sa isip ko. Ang cute ni Caleb
kapag medyo natatakot siya.

"Buti na lang best friend mo siya kasi kung hindi iisipin ko na may gusto siya
sayo." Sambit niya habang inaayos niya 'yong seat belt ko. "Sa pagkakakwento sakin
ni Skie, hindi naman siya nakakatakot pero kanina parang papatayin niya ako sa
tingin niya." Pinaansar niya na 'yong kotse niya pagkatapos binuksan niya 'yong
iPod niya.

"Wala siyang gusto sakin, best friend lang talaga kami. Ganon lang talaga si Kiro,
protective lang talaga 'yon. Parang kapatid na kasi turing niya sakin at oo
nakakatakot siya. Underground fight 'yon sa New York."

"Wala naman akong dapat ikatakot sakanya kasi hinding hindi naman kita sasaktan
eh." Iniwas ko agad 'yong tingin ko sakanya kasi pakiramdam ko namumula 'yong mga
pisngi ko. Minsan kahit sa simpleng salita lang ni Caleb, kinikilig na ako.
Sabagay, matagal din naman akong naging single at sa panahon na 'yon never akong
nagkipag date. Para tuloy bago ang lahat sakin. "Tingin mo ba, gusto niya ako para
sayo?"

"Hmm.. well, hindi ko pa masabi sa ngayon. Kailangan ko pa siyang tanungin."

"Sana gusto niya ako para sayo. Para mas may reason ka para sagutin ako." Ang lapad
na naman ng ngiti niya kaya napangiti na din ako. Nakakahawa 'yong mga ngiti niya.
"Oo nga pala, bakit Trix ang tawag niya sayo at hindi Angel?"

"Sa second name ako tinatawag ng mga taong malapit sakin."

Pinagbuksan niya ako ng pinto pagkatapos kinuha niya 'yong bag ko. Habang
naglalakad kami sa corridor pinagtitinginan kami ng mga tao.

"Pwede na din ba kitang tawagin sa second name mo? Malapit na ba ako sayo?"
Tinignan ko siya at tumango ako. "Talaga? Malapit na ako sayo?" Parang hindi pa din
siya makapaniwala. Hindi naman ako palaging sasama sakanya kung hindi pa din siya
malapit sakin. "Thank you.. Angel." Tinignan ko siya, akala ko tatawagin niya ako
sa second name ko. "Mas preferred ko pa din ang Angel kasi para sakin isa kang
anghel na dumating sa buhay ko."

Sana mas maaga kitang nakilala Caleb baka hindi ako nasaktan nang ganon dati.

Sa likod pa din kami ng classroom nakaupo pero 'yong dalawang friends ni Caleb, sa
harap na namin umupo. Si Skie naman nandon pa din sa harapan at kasama niya si
Anya. As usual, ang sama na naman ng tingin sakin ng babaeng 'yon.

After three classes, nagpaalam sakin si Caleb. Kailangan niyang samahan 'yong
kapatid niya sa ballet class niya. Nakakatuwa na ang sweet niya sa kapatid niya.
Gustong gusto nga niya akong ipakilala sa family niya pero sabi ko after nang
makauwi sila Mommy at Daddy dito para mapakilala ko na din siya sakanila. Alam nila
Mom na nanliligaw sakin si Caleb. Akala ko magagalit si Dad pero natuwa pa siya.
Sabi niya panahon na daw talaga para buksan ko ulit 'yong puso ko. Pareho sila ni
Mom ng sinabi, pagod na silang makita akong umiiyak dahil kay Skie.

Pumunta ako sa locker ko. Naabutan ko si Skie na nagpapalit ng sando. Mas nagulat
pa siya nang makita niya ako. "Sorry, Trix. Hindi ko alam na darating ka." Hindi
siya mapakali habang sinusuot niya 'yong damit niya. "Hindi na dapat talaga ako
nagpapalit ng damit dito." Bigla siyang ngumiti sakin. Hindi pa din ako sanay na
ganito na niya ako kausapin.

"No big deal." Sagot ko.

"Asan si Caleb?"

"Sasamahan niya 'yong kapatid niya sa ballet class." Casual na kami mag usap ni
Skie.

Wala na 'yong pagkailang kapag nag uusap kami dati. Nakakapanibago talaga pero mas
okay nang magkaibigan na ulit kami. Kahit papaano naman may pinagsamahan pa din
kami at isa pa kahit anong mangyari, naging malaking parte siya buhay ko. Ang
pangit naman kung magiging mag kaaway na lang kami. Ayoko din na magkaroon sila ng
ilangan ni Skie. Ayokong sirain 'yong friendship nilang dalawa.

"Asan si.. Anya?"

"May isa pa siyang class." Sinara niya 'yong locker niya pagkatapos humarap siya
sakin. "Trix, Anya doesn't know anything about our past and I don't have a plan to
tell her. Sana wala kang mabanggit na kahit ano sakanya tungkol don pati sana kay
Caleb, ayoko lang din naman maging komplikado pa ang lahat. Tapos na 'yon kaya
kalimutan na natin ang lahat."

Natigilan ako sa sinabi niya. May plano na talaga akong sabihin kay Caleb ang lahat
pero naghahanap pa ako nang tamang panahon para don. Naisip ko na baka tama si
Skie, mas mabuting wag ko nang sabihin pa kay Caleb ang lahat. Ang lahat ng meron
samin dati, isa na lang 'yong alaala. Alaala na ako na lang ang nakakaalam. Maybe
it's time for me to completely forget those memories but I'm not sure if I really
can erase everything. "Sure, let's just forget about that." I smiled at him to
assure him everything is okay. It is, right? "Sige, mauna na ako. Bigla akong nag
crave sa java chip."

"Well bigla din ako nag crave sa java chip. Mind if I come with you? Mamaya pa
naman kami magkikita ni Anya sa parking lot so mag co-coffee na lang din muna ako."

Sabay kaming pumunta sa SB sa tabi ng school. Palagi kaming nasa SB dati kapag
dumadalawa siya sakin sa New York. We used to drink three java chips a day, venti
size. Tawag mga samin ni Kiro dati, Java chip lovers. I miss those times.
"Alam mo, I really don't like Java chip. Isa 'to sa mga hated flavors ko sa
Starbucks," yeah, I remembered. Bago maging kami ayaw na ayaw niya sa Java chip
pero dahil pinilit ko siya kaya uminom siya at hindi nagtagal na adik na din siya
sa don. "Pero simula nang nakilala ko si Anya, pinilit niya ako na uminom ng Java
chip. After I tasted it several times, I'm Jave Chip addict. Funny, isn't it?"
Nagsalubong bigla ang kilay ko. Hindi ako makapaniwala na may pagkakapareho kaming
dalawa. Unfortunately. "Did I like Java chip before?"

Yes, you do but it's because of me.

"I thought we're going to forget about our past?" I smiled at him only to tease
him.

Napa "oh" na lang siya. He's caught off guard and that made me smile. "Yeah, sorry.
Mag kwento ka na lang tungkol kay Caleb."

We talked for half an hour. Puro si Caleb at Anya 'yong napag usapan namin. Well,
sa mga kwento niya mukhang okay naman si Anya or baka okay lang siya sa harap ni
Skie. I don't know but one thing is for sure, that girl hates me a lot. Hindi ko
nga alam kung matutuwa ba ako o maiinis ako na madami kaming pagkakapareho na
dalawa. Fan pala siya ng Game of thrones at nh The Flash Series. Hollywood crush
niya si Ryan Gosling. Mahilig siya sa pesto. Favorite color niya ang red to the
point na magpakulay siya ng red nung summer which ginawa ko din before. At ang
nakakagulat pa, gusto niya daw magkaroon ng bahay malapit sa central park. I don't
know if it's just a coincidence pero nagtataka talaga ako na ang daming
pagkakapareho.

"Skie? What's the meaning of this?" Napatayo kami pareho ni Skie nang makita namin
si Anya. "I've been calling you several times pero hindi ka sumasagot! Pinuntahan
na kita sa kotse at locker mo pero wala ka tapos makikita kita na kasama 'tong
babaeng 'to?" Ang lakas ng boses niya kaya pinagtitinginan na kami ng mga tao.

Lumapit agad sakanya si Skie. "Babe, let me explain."

"Explain what? Akala ko ba nag usap na tayo na hindi ka na lalapit pa kahit kailan
sa babaeng 'to? You broke your promise!" Lumapit siya sakin pagkatapos sasampalin
niya sana ako kunh hindi lang siya napigilan ni Ailee. "Get off me, bitch!"

"Shut up!" Sigaw ni Ailee. "You don't have the right to hurt her!" Pumagitna siya
samin ni Anya. "Skie, pagsabihan mo nga yang girlfriend mong maldita." Inis niyang
sabi.

"Anya please, let's go."

"Wait Skie," tinignan niya ako ng masama na kulang na lang saksakin niya ako. "Tell
me, are you friends with her?!
Please don't tell her no. Don't turn me down, Skie. Not now that we're all okay.

Tinignan ako ni Skie. He feel sorry for me. "No, I'm not friends with her." Now, I
know why.

What a jerk.

"Good. That's all I want to hear. Umalis na tayo ang daming bitch dito." Hinila
niya si Skie palabas. Si Ailee naman hinila din ako palabas at papasok sa kotse
niya.

"Are you okay?" Tumango na lang ako. Baka kapag nagsalita pa ako, mas lalo akong
maiyak. Nag drive lang siya pagkatapos may tinawagan siya sa phone. "Where are you?
Pupuntahan ka namin. Angel, needs you. Okay bye."

"Ailee, hindi mo na dapat siya tinawagan."

"Sabi niya kapag kailangan mo tulong, tawagan ko siya. Isa pa, mas close ka sakanya
kaya feeling mas gagaan ang loob mo kapag nakausap mo siya."

Hindi na ako nagsalita pa. Kinalma ko ang sarili ko dahil ayokong mamaga ang mata
ko kapag nagkita kami ni Caleb. Mag aalala lang siya sakin.

Nag park kami sa McDonalds malapit sa village namin. May kasamang babae si Caleb na
sa tingin ko si Carmy 'yong kapatid niyang babae. Mas lalo tuloy akong nahiya
humarap sakanilang dalawa.

"Are you okay? What happened?" Hinawakan ni Caleb ang kamay ko at kitang kita sa
mata niya ang pag aalala. "Angel, tell me." Pinilit kong ngumit kahit na kanina pa
ako naiiyak. Damn it.

"I'm okay, don't worry about me." Hindi siya naniwala sakin. Tinignan niya si
Ailee.

"Tell me what happened, Ailee."

"Inaway na naman siya nang magaling kong kapatid."

"Ano?!" Galit na galit Caleb, ramdam na ramdam ko 'yon. "I'm sorry kung wala ako
para ipagtanggol ka kanina. Magtutuos kami ng babaeng 'yon. Namumuro na talaga siya
sakin. Humanda siya." Pababa na si Caleb pero pinigilan ko siya. "Angel, hindi ba
sabi ko sayo, hindi ko hahayaan na saktan ka pa ni Anya."

"Please, please Caleb hayaan mo na 'yon." Hindi ko na napigilan na umiyak. "Dito ka


na lang. Ayoko na ng gulo."
Hinila ako ni Caleb palapit sakanya at niyakap niya ako ng mahigpit. Sa isang iglap
nawala 'yong sakit na nararamdaman ko dahil sa yakap ni Caleb, dahil sa alam kong
nandyan siya palagi para sakin, dahil alam kong mahal niya ako.

"Dito ka lang sa tabi ko, Angel. Hindi ko hahayaan na masaktan ka pa."

"Thank you, Caleb." Mas humigpit ang pagkakayakap niya sakin. Wala na kaming
pakialam kahit may mga taong nakatingin samin ngayon. "Thank you kasi palagi kang
nasa tabi ko.."

"Pangako, dito lang ako sa tabi mo hindi kita iiwan." Sa mga sinabi niya kahit
papaano napanatag ka ako. "Tahan na."

Sa totoo lang hindi naman ako umiiyak kasi inaway ako ni Anya. Wala akong pakialam
sakanya. Kaya ako nasasaktan kasi bigla na lang akong iniwan ni Skie sa ere. Siya
naman 'yong nag alok ng friendship pero siya pa 'tong may gana na baliktarin ako.
Akala ko okay na ang lahat samin pero hindi pa pala. O baka hindi na talaga kami
maging okay pa...

=================

Chapter 24: We can't be

Angel's point of view

Hinatid muna ni Caleb si Carmy at si Ailee bago niya ako iuwi. Nag stay muna ako sa
kotse niya.

"Caleb, thank you for this night."

Hinawakan niya ang kamay ko. "I've never been this crazy over a girl and it really
amazed me that I can do everything for her, for you." Lumapit siya sakin. Bumilis
ang tibok ng puso ko. "You're really driving me crazy, Angel. Sometimes it scares
me. Mahirap maging sobrang seryoso. Nakakatakot. Mas prone ako na masaktan kaya
never akong nag seryoso sa kahit na sino pero binago mo 'yong pananawa ko na 'yon.
Naisip ko na kapag hindi ako nagseryoso sayo, mawawala ka sakin at ayokong mangyari
'yon."

"Thank you, thank you Caleb."

Lumapit ako sakanya at niyakap ko siya.

"Magpahinga ka na. Good night my sweet angel." Hinalikan niya ako sa noo ko at
bumaba na ako sa kotse niya. "I'll see you tomorrow!"
"Take care, Caleb."

Hinitay ko siyang makaalis ng tuluyan bago ako pumasok sa loob. Nakita ko agad si
Kiro.

"Are you okay?" Hinawakan niya 'yong braso ko pagkatapos tinignan niya ako ng
mabuti sa mga mata ko. "Umiyak ka ba?"

"I'm okay. Don't worry about me." Minsan nakakainis na din 'yong pagiging sobrang
protective sakin ni Kiro. "Magpapahinga na ako." May sasabihin pa sana siya pero
hindi na niya tinuloy.

"Okay," I'm sorry Kiro. I just want to be alone right now. "Good night, Trix."

Umakyat na ako sa kwarto ko. Humiga ako sa kama ko at niyakap ko ang tuhod ko.
Hindi ko nagawa 'to kanina nang kasama ko si Caleb dahil mag aalala siya. Umiyak na
ako ng umiyak. Naisip ko na naman ang mga nangyari kanina. Bakit ba ako nasasaktan
ng ganito? Siguro kasi minsan nawawala sa isip ko na ibang Skie na nga pala 'yong
nasa harap ko. Hindi na nga pala siya 'yong boyfriend ko. Hindi na siya 'yong taong
nagmamahal sakin. Kaya siguro ako nasasaktan nang ganito. Naisip ko bigla, ano nga
ba kasi talagang pumasok sa isip ko at bumalik pa ako sa buhay niya? Hindi na naman
niya ako naaalala eh at kahit maalala niya ako, tinapos na din niya ang lahat sa
amin nuon. Siguro nga tama si Kiro, baka nga mahal ko pa din siya kaya iniwan ko
ang magandang buhay ko sa New York para lang pumunta dito.

Mahal ko pa nga ba si Skie?

Hindi ko alam pero isa lang ang sigurado ko, nahuhulog na ako kay Caleb. Mas
maganda siguro kung buksan ko na talaga nang tuluyan 'yong puso ko sakanya. Sa
lahat ng pinakita niya sakin, alam kong seryoso siya at totoo na mahal niya ako.

Napaupo ako dahil sa kumatok sa kwarto ko. "Trix, pwede ba tayong mag usap?"
Natigilan ako sa boses ni Skie. "Please, let me explain." Explain what? Tumayo ako
at pinagbuksan ko siya ng pinto. Hinintay ko siyang magsalita. "I know you're mad
at me right now but please let me explain first."

"You don't have to, Skie. It's all clear to me." Pagsasarahan ko na sana siya ng
pintuan pero pinigilan niya ako. Pumasok siya sa loob pagkatapos nilock niya 'yong
pintuan. Kinakabahan ako sa ginagawa niya. "What are you doing?" Mas lalo akong
kinakabahan sa mga titig niya.

"The reason why I said those things was because I don't want Anya to be mad at me.
Trix, seryoso ako sa friendship na inalok ko sayo. I mean it. Ayoko lang talagang
mag away kami ng girlfriend ko. I'm sorry."

Ano pa nga bang aasahan ko? Mas uunahin niyang isipin 'yong nararamdaman ni Anya
kaysa sakin. Sino ba ako sa buhay niya? Isang ex-girlfriend na hindi niya maalala
dahil sa amnesia niya. Samantalang si Anya, ang babaeng mahal na mahal niya.

"I don't think it's a good idea for us to be friends. Kung ayaw mong nagalit sayo
'yong girlfriend mo, sundin mo na lang siya. Just stay away from me like what she
wanted." Maybe that's best for all of us. "I want to sleep, can you go?" Hindi siya
nagsalita. Nakatingin lang siya sakin.

"Believe me, I really want to be friends with you but it's a really complicated
situation. Maybe you're a right. It's better if I stay away from you. Baka kapag
lumayo na ako, hindi na kita masaktan pa."

Sinara ko ang palad ko. "Why are you saying those things to me? Don't act like you
really care for me because you don't. You don't, Skie." Piniglan kong umiyak sa
harapan niya. Hindi na ako iiyak sa harapan niya. "Just stop whatever you're
doing."

"Trix--"

"Stop calling me Trix." Sambit ko. "And just stay away from me." Tumalikod na ako
sakanya. Hinihintay ko na lang siyang umalis pero nakatayo pa din siya sa likod ko.
"Just go."

"Trix.. Angel.. nung nalaman ko na napahamak ka dahil sakin, sobrang nag alala ako
sayo. That's the time I realized I do care abour you. Even if I can't remember
anything, you're still part of my life. Angel, I do care for you."

Humarap ako sakanya. Tinignan ko siya diretso sa mata niya. "No you don't care
about me because if you really do, you won't deny me as your friend! Ang sakit kasi
na ikaw 'yong may gustong maging magkaibigan tayo pero ikaw pa 'yong may lakas ng
loob na i deny ako! Palagi mo na lang akong sinasaktan kaya mas mabuti pa na lumayo
na lang tayo sa isa't isa." Tumalikod ulit ako sakanya. Hinayaan ko nang tumulo
'yong mga luha ko.

"Angel.. I'm.. Okay.. I'll stay away from you." Hinintay kong sumara ang pintuan
bago ako humiga sa kama ko at umiyak ulit.

Tama siguro si Mom at si Kiro, isang malaking pagkakamali ang bumalik pa ako sa
buhay ni Skie. It's a big mistake for me to care for him. I should just forget him
just what he did. Minsan kasi ang tanga tanga ko.

"Can I get in?"

Hindi ko sinagot si Kiro. Pumasok siya at tumabi siya sakin. "What if, bumalik na
lang ako sa New York?" Tanong ko. Umupo ako at niyakap ko so Kiro. "I missed
everything there.." Sinuklay ni Kiro ang buhok. The things he do to calm me down.
"Your parents are now here and if you leave, what will happen to Caleb?"

Hindi ko naisip si Caleb. Paano na nga siya kapag umalis ako? Masasaktan ko siya at
'yon ayokong mangyari 'yon. Kaso pakiramdam ko lalo lang akong mahihirapan kapag
nanatili ako dito. "You know, I think I already love him but it's really hard for
me to be here."

"Are you having a hard time because of Skie? Why is he still affecting you? I
thought you're over him." I am, I really am but sometimes I can't help to care for
him. "Trix, just stay here and face my brother. Kailangan mong sanayin ang sarili
mo na nakikita siya, don mo lang masasabi na wala na talaga. If he still affects
you that means you still have feelings for him."

Kiro was right.

"Yeah, I need to face him. I need to prove myself that I'm really over him. And I
can't just leave Caleb, I don't want to be unfair with him."

"That's my girl," inayos niya ang buhok ko at hinalikan niya ako sa noo ko. "Now go
to sleep and take some rest, okay? Good night."

I'll stay here for Mom and Dad and for Caleb. Iisipin ko na lang na siya ang
dahilan kung bakit pa ako bumalik dito. Para makilala ko siya.

Everything happens for a reason right?

---

3rd person's pov

Sinindihan niya ang sigarilyong hawak niya. Tinignan niya ang relos niya. Naiinip
na siya sa pagdating ng katagpo niya.

"Hey, sorry I'm late." Sambit ng binatang katagpo niya. "So, what happened?"

"Well, Skie is not going to be near with that girl anymore so we don't have to
worry about anything." Pinatay niya ang sindi ng sigarilyo niya at uminom siya ng
beer. "Mukhang tahimik ka, anong binabalak mo?" Ngumiti ang binata sakanya.

"Nothing. I don't have to do anything anymore because everything is going on my


way. Soon, she'll be mine." Nagsindi din ito ng sigarilyo. "Well, sakin naman
talaga siya eh, inagaw lang siya sakin ni Skie."

"I know. Kaya nga tinulungan kita dati para mapaghiwalay sila hindi ba? Akala ko
malalaman na ni Angel ang lahat pero naging angel in disguise pa pala ang aksidente
ni Skie."

"Don't make me look so bad. Ikaw ang may gusto nang lahat ng 'to. Plano mo lahat ng
'yon." Pinatay ng binata ang sindi ng sigarilyo niya at uminom din siya ng beer.
"Let's just be glad that Skie lost his memory."

"Don't you think they're not really meant for each other? Tadhana na mismo ang
naglalayo sakanila eh."

Kinuha niya ang diary sa bag niya. Binuksan niya ito hanggang sa huling pahina na
may sulat.

Dear diary,

     Nagkamali ako. Hindi totoo na niloko ako ni Trix. Set up lang lahat ng 'yon.
Ang tanga tanga ko dahil naniwala ako sa dalawang 'yon. Isang malaking pagkakamali
na makipag break ako sakanya. Mahal na mahal ako ni Trix at galit na galit ako sa
sarili ko dahil hindi ko siya pinaniwalaan. Pupunta ako ngayon sa apartment niya
para ayusin ang pagkakamali ko.. sana hindi pa huli ang lahat para sa amin.. mahal
na mahal ko siya.

"Yes you're right, they're not really meant for each other. And throw that diary
away. You don't need that anymore." Sabi ng binata. "I'll be there back  in New
York soon, you take care of everything, okay?"

"Sure thing."

Nag toast silang pareho bago sila naghiwalay na dalawa. May malaking ngiti sa mukha
ng dalaga. Pagdating niya sa bahay nila, tinapon niya ang diary sa basurahan.
Tumawa siya habang nakatingin sa diary.

"Goodbye, diary."

=================

Chapter 25: Best friend

Angel's point of view

Nagising ako dahil sa boses ni Kiro. Nakaupo siya sa tabi ng kama ko at nakatingin
siya sakin. "Good morning, Trix."

"Good morning Kiro Rave. Why are you so early today huh?" nag unat unat pa ako tska
ako umupo. "I'm still sleepy." ngumiti lang siya sakin. Simula ng dumating siya
dito sa Pilipinas, may kakaiba na talaga kay Kiro lalo na kung paano niya ako
tignan. "What's with the smile and with the look?"

"Nothing." Tumayo siya at nilagay niya ang kamay niya sa magkabilang bulsa ng
pantalon niya. "It's weekend and you don't have class so I guess we can go out? I
miss my best friend."

"Okay sure." lumabas na siya ng kwarto ko at ako naman nag ready na. Daily routine
na namin dati sa New York ang mag breakfast sa Starbucks kada umaga. Pareho kaming
coffee addict. Bago ako makalabas ng kwarto, tumawag sakin si Caleb. "Good
morning." bati ko.

"Good morning my Angel. Sabi mo palagi mong naka silent ang phone mo tuwing gabi
hanggang umaga, so I guess hindi naman kita naistorbo sa pagtulog mo?" napangiti
ako. Nakakatuwa na naaalala niya kahit mga maliliit na bagay na sinasabi ko
sakanya. "Wait, naistorbo ba kita? Damn, I'm so sorry." natawa na lang ako sakanya,
na i-imagine ko siya habang sinasabi niya 'yon.

"Easy, okay? May nang istorbo na ng tulog ko at hindi ikaw 'yon."

"Huh? sino? si Skie?" all of a sudden natigilan ako ng mabanggit niya ang pangalan
ni Skie. "Loko 'yon ah, binu-bully ka ba niya dyan?" pabiro niyang sabi. "sabihin
mo lang at lagot siya sakin."

"Hindi.. hindi siya. Si Kiro, 'yong kapatid ni Skie. Morning routine niya na kasi
before na gisingin ako." napa "ah" na lang siya. Hindi ko alam kung nag seseslos ba
siya o ano. "So, why did you call me?"

"Aayain lang sana kita mag breakfast sa Starbucks, sabi mo daily routine mo din
'yon dati." napangiti na naman ako. Ang sarap sa feeling na lahat ng sinasabi mo
sakanya, inaalala niya. Minsan duon mo mararamdaman na importante ka sa isang tao.
"Is that a yes or a no?"

"Nauna na akong ayain ni Kiro pero pwede ka naman sumama samin, gusto ka din niyang
makilala pero 'yon ay kung gusto mong sumama samin?"

"Sure, I'll be there in fifteen minutes." He sounds really excited. Na excited din
tuloy ako na makita sila ni Kiro na nag uusap. For sure naman magugustuhan din niya
si Caleb. "See you my Angel."

Saktong paglabas ko ng pintuan, nakasalubong ko si Skie. Nagkatinginan kaming


dalawa pero umiwas agad siya ng tingin sakin. Walang kung anong emosyon sa mga mata
niya. Bumaba na din ako at pinuntahan ko si Kiro sa baba.

"Saan kayo pupuntang dalawa?" Nakangiting tanong sakin ni Tita Serina. "Hindi ba
muna kayo kakain?"

"Pupunta po kaming Starbucks, Tita." Nakaupo sa harapan namin si Skie at nakatingin


siya samin. Hindi ko tuloy maiwasan na ma distract. "Do you want to join us, Tita?"
alok ko.

"No, aalis din kami agad ako. Susundan ko si Charles sa office." Tinignan ni Tita
si Skie. "Why don't you ask, Skie." tumayo si Skie at tumingin siya sakin.

"I'll just stay here." may lungkot sa tono ng boses niya kaya bigla akong naawa
sakanya. Ito naman 'yong gusto ko eh, ang lumayo siya sakin pero bakit ako pa 'yong
affected? Palagi na lang talagang ginugulo ni Skie ang isip ko.

"Well then, we'll go now." inakbayan ako ni Kiro. "Bye, Mom. See you later. Come on
Trix."

"Bye Tita." Paalam ko. Gusto kong tignan si Skie pero pinigilan ko 'yong sarili ko.
Nakaakbay pa din sakin si Kiro hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Hindi
niya agad pinaandar 'yong kotse niya. Tinignan niya ako. "Why are you looking at me
like that?"

"You still look affected and I can see that in your eyes, Trix. You still care for
my brother." inayos niya 'yong seat belt ko tska niya pinaandar 'yong kotse. Hindi
ako nag salita. Tama naman kasi si Kiro, apektado pa din ako sa presence ni Skie.
Hindi naman agad agad mawawala 'yong concern ko para sakanya. Hanggang sa
makarating kami sa Starbucks hindi pa din ako nagsasalita. Bago kami makababa
nakita namin si Caleb na pababa ng kotse. Nagtama agad ang mata namin kaya naglakad
siya palapit samin. "Why is he here?" tanong ni Kiro.

"Sorry, nakalimutan kong sabihin na sasabay siya satin." hindi siya nagsalita.
Nakatingin lang siya kay Caleb na nasa gilid ko na at pinagbubuksan ako ng pinto.
"Thank you. Ang bilis mo ha?"

"Walang traffic eh, tara na?" lumingin ako para tignan si Kiro at ganon din si
Caleb. "Hi, Kiro." bati niya. Ngumiti lang sakanyan si Kiro.

Pareho kaming umorder ng kape at ng ensaymada. Sa labas na kami kumain dahil gusto
daw mag yosi ni Kiro. Akala ko titigil na siya sa pag yo-yosi niya pero mukhang
hindi pa pala. Katapat ko si Kiro at katabi ko si Caleb. Biglang nawala sa mood si
Kiro kaya hindi ko maiwasan na mag alala. Malakas ang feeling ko na may kinalaman
ako sa pagpalit ng mood niya. Kanina naman okay pa siya. May nagawa ba ako para
magalit siya? Nagalit ba siya dahil hindi ko sinabi na sasma samin si Caleb? o
dahil sa nakita niyang apektado pa din ako kay Skie.

"Gaano na kayo katagal magkakilala ni Kiro?" tanong ni Caleb.

"Since eight years old magkakilala na kami then nung nag high school kami, naging
mag best friend na kaming dalawa." sagot ko.

"So ibig sabihin, matagal na din pala kayong magkakilala ni Skie?" muntik ko ng
maibuga kay Caleb 'yong iniinom kong kape. Naubo ako kaya binigyan agad ako ni
Caleb ng tubig. "Okay ka lang, Angel?"

"Uhm.. oo." ngumiti ako sakanya, isang awkward na ngiti. Tinignan ko si Kiro at
pinagtatawanan niya ako. Tignan mo 'to, kanina parang galit tapos ngayon tawang
tawa naman siya. What best friend. "Matagal ko nang kilala si Skie pero hindi kami
close." alam ko pagkakataon ko na sanang sabihin kay Caleb ang lahat tungkol samin
ni Skie pero meron pa ding pumipigil sakin. Siguro ayoko lang na maungkat pa ulit
ang nakaraan at baka hindi ko na din sabihin sakanya ang tungkol duon. Masaya na
naman kaming dalawa at ayokong maging komplikado pa ang lahat.

"Ganon ba, kaya pala hindi kayo in good terms na dalawa." nagkatinginan na naman
kaming dalawa ni Kiro at nagu-guilty ako dahil technically speaking pinagmumukha
naming tanga si Caleb. Nagtatalo tuloy ang isip ko, kung dapat ko na nga ba
talagang sabihin ang lahat kay Caleb. "Naisip ko lang, sa tagal niyong magkaibigan
ni Angel, hindi ba dumating 'yong time na nagkagusto ka sakanya?" tinignan ko agad
si Kiro. Naging seryoso na naman 'yong mukha niya. Never pumasok sa isip ko na
magkakagusto sakin si Kiro dahil bata pa lang kami parang magkapatid na ang turing
namin sa isa't isa at alam din niya na kay Skie ako may gusto.

"Hindi, kaya wag kang mag-alala." sagot niya. "We're just friends. Right, Trix?"

"Best friend to be exact." pang aasar ko. "Isa pa may asawa na si Kiro." nanlaki
ang mata ni Caleb. Napahawak ako sa bibig ko dahil late ko na narealized na ayaw
nga palang ipagsabi 'yon ni Kiro sa iba.

"Talaga? Ang bata mo pa nag asawa."

"Technically yes but no, I'm not married." Sa tingin ni Kiro sakin, alam kong lagot
ako sakanya mamaya. Pareho kaming napatigning kay Caleb at may malaking question
mark sa mukha niya . "I'm just helping her friend to get a green card, that's all."
mukhang na gets na naman ni Caleb ang lahat.

"How many girlfriends do you have before?" tanong ni Kiro. Tinignan ko siya na may
look na 'Be good to him' "I just want to know." dagdag niya.

"Honestly, hindi ko na mabilang. Look, I know I'm a complete douchebag but I've
already changed. If you're worried about Angel, I can assure you that I'm not going
to hurt her." seryosong sabi ni Caleb.

Ngumiti lang si Kiro, isang nakakalokong ngiti. "Are you sure about that?"

"Yes, I'm sure about it. I'm sure about my feelings for her," tignignan ako ni
Caleb at nakita ko sa mata niya 'yong sincerity. "I love her and I'm not going to
hurt her."

"That's good to hear because if you make her cry, I'm going to make sure you'll end
up in the hospital. Remember that." tinignan ko si Caleb at akala ko matatakot siya
pero hindi. Nakangiti lang siya habang nakatingin ng deretso kay Kiro. Pakiramdam
ko may tensyon nang namumuo sa kanilang dalawa pero buti na lang may tumawag kay
Kiro. "Excused me, I have to take this call." lumayo si Kiro samin.

"Sobrang protective pala niya sayo. Buti na lang talaga, best friend lang kayo kung
hindi mag seselos ako." lumapit siya sakin at hinawakan niya ang kamay ko. "Don't
get me wrong. Hindi naman ako seloso, ngayon lang kasi talaga ako nag seryoso sa
isang babae kaya possesive ako. Minsan nga, nagseselos ako kay Skie."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Kay Skie? bakit ka naman mag seselos sakanya?"
bigla akong kinabahan.

"Palagi ka kasi niyang nakakasama." inalis niya ang kamay niya sa kamay ko at
inilagay niya ang buhok ko sa likod ng tainga ko. "Sana nga palagi kitang makasama
pero masaya na ako kahit ganito lang tayo. Kahit na makita lang kita sa malayo,
masaya na ako." para akong nalulunod sa mga tingin ni Caleb. Ang ganda ng mata
niya. I think.. I already love him.

"Sorry," singit ni Kiro. "So, nasan na nga ba tayo?"

Inabot na kami ng lunch sa Starbucks dahil napasarap na ang kwentuhan namin.


Mukhang gusto naman ni Kiro si Caleb although minsan binabara siya ni Kiro. Buti na
lang hindi siya pinapatulan ni Caleb at ngumingiti lang siya. The thing I like
about Caleb is that he knows his place. Kaya niyang kainin ang pride niya para
sakin which I found very sweet lalo na hindi naman talaga siya ganon before. Malaki
nga talaga ang pinagbago niya at kahit ano pang dahilan non, masaya ako sa
pagbabago niya.

"Alam kong na miss niyo ni Kiro ang isa't isa kaya hahayaan ko na muna kayo. Madami
pa naman tayong time para magkita." paalam sakin ni Caleb. Aside from being sweet,
he's also understanding. What more could I ask for? "Pwede ba kitang ayain mag
simba bukas?" tanong niya.

"Ibang iba ka na talaga, Caleb." nakangiti kong sabi. "Sige, I'll see you
tomorrow." lumapit ako para yakapin siya. Pinagbuksan niya ako ng pinto tska siya
nag paalam kay Kiro. Hinintay niya kaming makaalis bago siya pumunta sa kotse niya.
Tahimik lang si Kiro at mukhang hinihintay niya akong magsalita. "First of all, I
want to say sorry because I told Caleb about your marriage with Cyrene--"

"It's all fake so don't look at it that way. We're not married. I'm just doin you a
favor, remember?" okay so bumalik na naman siya sa pagiging masungit niya. Nag away
ba sila ni Cyrene at ganon na lang siya mainis kapag binabanggit ang marriage, fake
marriage nila? "And next time inform me if someone will come with us, okay?" sa
kalsada lang siya nakatingin at hindi niya ako nililingon. So dahil nga kay Caleb
kaya siya naiinis kanina.

"Sorry na nga eh, okay? May menstruation ka ba ngayon? Ang bilis mo mag sungit eh."
pagtataray ko sakanya. Minsan kapag nag susungit siya at sinasabayan ko ng
pagtataray bigla siyang lumalambot. "Nakalimutan ko lang naman sabihin pero wag ka
mag alala, hindi na 'yon mauulit." nakatingin lang ako sa bintana. Ayokong tumingin
sakayan dahil baka matawa ako.
"Okay you won. I'm not mad anymore." napasigaw ako sa isip ko ng 'yes' Humarap ako
sakanya at tumawa ako ng tumawa. Napanganga siya dahil sa ginawa ko. It works all
the time. "Wow, you got me fooled.. again."

"You should know, right?" huminto na ako sa pagtawa ko. Sumandal ako paharap kay
Kiro. Tinignan ko siya at nakangiti na siya. "You know, I'm glad we didn't end up
falling for each other. I just want us to be best friends." Napatingin siya sakin.

"I get it, Trix." bigla siyang nagseryoso. "I know that we can't be more that just
friends. Dati pa lang alam ko na 'yon." he looked hurt. Did I say something wrong
again?

"Kiro, don't get me wrong. I didn't mean to hurt you. Best friends stays forever
and I want to us to stay like this forever. Hindi ba, 'yon din naman nag gusto?"

"Oh.. okay. I thought of something else." ngumiti na ulit siya sakin. "Yeah, I'll
be here for you.. forever."

I'm so glad I have a best friend like him.

---

3rd person point of view.

"Oh maaga ka ata kayo ngayon? Nasa taas pa si Ms. Anya pero pwede naman kayong
maghintay sa sala." sambit ng mayordoma ng bahay. "Naliligo lang siya pero
matatapos na din siya." tumango lang ang binata at pumasok siya sa loob.

Naghintay siya sa sala at hinintay niya si Anya. Aalis sila ngayon para mag bar.
Habang nag hihintay siya ay pumunta siya sa kusina para uminom ng tubig. Napatingin
siya sa basurahan at may nakita siyang isang diary. Kinuha niya 'yon at nilagay
niya agad 'yon sa loob ng pantalon niya sa likod. Saktong dumating si Anya. "What
are you doing here?"

"Uminom lang ako ng tubig. Tara na?" pag aaaya ng binata.

Hindi naghinala si Anya sakanya at sumama ito palabas at papunta ng kotse. Tinago
agad ng binata ang diary sa kotse niya. Umakto itong walang alam. Pumunta sila sa
bar at nagsaya. Pagkatapos nilang makauwi, kinuha niya ulit ang diary. Pinunit niya
ang mga huling pahina. Tinapos niya lahat sa pahina kung saan sinasabi ni Skie kung
gaano niya kamahal si Angel at balak niyang pumunta sa New York sa susunod na
linggo para ayain magpakasal si Angel. Itinago niya ang ibang pahina sa drawer
niya.

Kumuha siya ng kahon at nilagay niya ang diary sa loob. Kumuha siya ng papel at
idinikit niya iyon sa taas ng kahon na may nakasulat na..

To: Skie GonzalesFrom: JLR

"One day, papasalamatan mo din ako sa lahat ng 'to.

=================

Chapter 26: Daddy

Skie's point of view

Habang nakatayo ako sa locker ko, hindi ko maiwasan na mapatingin sa locker ni


Angel. It's been a week that I'm avoiding her and it just makes me think of her
more. I don't know why I'm feeling this way. One day I'm mad at her, the next day
I'not then I'll be mad again and now all of a sudden I wanted to be friends with
her. This is driving me crazy.

"Hey," niyakap ako ni Anya mula sa likod ko. "Do you want to hang out tonight? It's
been awhile since.. you know." humarap ako sakanya at hinawakan ko ang kamay niya.
Mukhang nakuha niya agad kung anong gusto kong sabohin. "Babe, I miss our good
times. Our drinking session, us enjoying the party, making the most of our nights.
Don't you miss it?" umiwas ako ng tingin sakanya. The truth is, I miss Anya but I
don't miss the good times she's telling me. Ilang linggo na akong hindi umiinom at
pumupunta sa mgaparties.

"Babe, we have exams tomorrow. We need to study. Why don't you just go our house
and we can study together." I smiled at her, hoping she'll say yes but she did not.
"Babe, there's a lot of time for parties."

"You changed a lot.. Where's the rebel Skie I know? Where's Skie that knows how to
have fun? I missed that Skie.."

"We only have two semesters and we need to focus. Babe, you need to think of your
priorities." Hinila ko siya papalapit sakin. I looked at her straight into her
eyes. "Ilang taon na lang, aayain na kitang magpakasal at gusto ko sa panahon na
'yon, pareho na tayong matured. Hinay hinay na sa mga parties, okay?" She just
rolled her eyes but she smiled.

"Para akong bata na pinagsasabihan ng tatay niya," tumawa siya at niyakap niya ako.
"Pero ayos lang. Mas gusto ko na nagiging strict ka sakin. Mas gusto ko na ikaw
'yong nag ko-kontrol sakin. Wag ka mag alala babe, babawasan ko na ang pag punta ko
sa mga parties, okay? I don't you to be mad at me. I love you so much." lumapit
siya sakin at tinulak niya ako sa locker ko.  Inangat niya ang ulo niya at
hinalikan niya ako. I kiss her back. The truth is I miss her. The old Anya I know.
She always prefers to be with me rather that going to any parties. I'm not the only
one who changed. "I'll just go to Enzo's party later then that's it. I'll just
study tomorrow morning. I'll go to your house, okay?"
"Okay babe. I love you." Niyakap niya ako bago siya umalis.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Angel. Nakatayo lang siya at nakatingin sakin.
Kanina pa ba siya nandyan? Nakita niya ba kami ni Anya na naghahalikan? Umiwas na
lang ako ng tingin sakanya. Nagkunwari akong may inaayos sa locker ko. Naglakad
siya papalapit sakin pagkatapos binuksan niya 'yong locker niya. Pinipigilan ko
'yong sarili ko na kausapin siya. Gusto kong irespeto 'yong desisyon niya at ayoko
din naman suwayin si Anya. Sinara ko ang locker ko at naglakad na ako palayo.
Pumunta ako sa field kung saan naghihintay sila Caleb. Mukhang may pinag uusapan
silang importante.

"What's up?" bungad ko. "What are you guys up to?"

"Good timing, Skie. Our friend here is planning something romantic." Lumapit si
Enzo kay Caleb tska siya umakbay.

"Tomorrow, he's going to ask Angel to be his girlfriend. Our friend is really in
love."

"What do you think, Skie?" tanong sakin ni Caleb. Umupo ako sa tabi ni Luke.
Napatingin ako sa malayo. Why do I have this weird feeling? "Will she say yes?"

"Yeah, of course." Sagot ko. "I think she liked you too but are you really sure
about your feelings for her?" napatingin silang lahat sakin. "I mean, tinapos na
natin ang plan at hindi mo na kailangan na gawin 'to, na pasagutin pa si Angel."
Nagtinginan silang tatlo. May nasabi ba akongmasama?

"Skie, it's not about the plan anymore. I love her and that's the truth. I know it
all started as a lie but I'm now really in love with her and the three of you know
that this is the first time I became serious for a girl." I know him so well and
he's right, he really love Angel. What am I thinking? "Do you still have issues
with that?"

"Huh, don't tell me you're jealous." Singit ni Luke. Tinignan namin siya. "Whoa,
I'm just kidding."

"I don't have any issues with that. I'm happy for you bro." I am, I really am happy
for him but I still have this weird feeling. "So what are your plans tomorrow?" I
asked.

"Ailee," huminto sandali si Caleb at tumingin siya kay Lukerperi umiwas lang siya
ng tingin. Until now apektado pa din siya kapag nababanggit ang pangalan ni Ailee.
"Ailee will bring her at the field the there would be dancing mobs then Enzo will
play the guitar, Luke will hold the Ballons and then you will hold the flowers. We
will be infront of the Archibuilding then our classmates will show the banner
saying, "Angel Beatrix Dela Fuente, will you be my girlfriend?" And I'm just going
to wait if she's say yes or no." I'm impressed. I never imagine him doing this just
for a girl. Man, he's really serious about Angel.

"Bro, belive me she'll say yes." Confident na sabi ni Enzo. "Ikaw pa ba? Caleb "The
great" Maniego."

"Bro, Angel is not the typical girl. She's very different from the girls we know.
I'm not the Caleb you know when it comes to her."

Lumapit ako sakanya at hinawakan ko ang balikat niya. "I know her and I know that
she'll say yes." I smlied at him just to keep him calm. "Don't worry, we're here."

"Thanks bro."

We all prepared for Caleb's plan. From flower, the song, the banner up to the
dancing mobs. He looks so happy, I've never seen him like this before. Masaya ako
na nakikita siyang ganito. Madami na din napagdaanan si Caleb, sa pamilya niya lalo
na sa Daddy niya. Bago kami nagkakilala, nagkagusto si Caleb kay Georgina na
apparently kabit pala ng Daddy niya. Gustong gusto niya si Georgina kaya nagsipag
siya sa pag-aaral para makagraduate ng high school. Nang first year college kami,
nakita niya si Georgina na nakikipag sex sa Daddy niya. Hindi ko ma imagine kung
gaanong trauma 'yong inabot niya dahil don. Simula din non, never na siyang
nagseryoso sa isang babae. Hindi naman namin siya masisi. Mabait naman talaga si
Caleb. Mapagmahal siya lalo na sa Mommy at dalawa niyang kapatid na babae.
Protective siya sa mga taong mahal niya. Minsan nga nag away pa kami dahil
sinumbong niya kay Dad at Mom na pumupunta ako ng Casino kasama si Anya. Although
jerk siya, nagiging reponsable niya pagdating sa mga taong mahalaga sakanya. Mas
tinuturing ko pa nga siyang kapatid kaysa kay Kiro. Mahalaga siya sakin at ang
gusto ko lang maging masaya siya.

Umuwi na ako sa bahay. Naabutan ko si Daddy sa sala. Alam ko naman na hindi niya
ako gustong kausapin dahil wala naman siyang ibang nakikita kung hindi si Kiro
lang. Nilagpasan ko na lang siya pero bago ako makalayo, tinawag niya ako. "Skie,
can you go with me?" Tanong niya.

"Where?"

"Gusto ko lang sanang dalawin ang lolo mo sa puntod niya." Naglakad na siya palabas
ng bahay. Hindi na niya hinintay 'yong sagot ko.

Sinundan ko siya. Sumakay kami pareho sa kotse niya. Si Daddy ang nag drive habang
ako nakaupo lang sa passenger seat. Medyo kinakabahan ako. High school pa ako nang
huli akong isama ni Dad sa puntod ni Lolo. Yon ang mga panahon na masaya pa kami. I
really miss him. The old Dad I know.

Umupo ako sa tabi ni Dad, nagdasal kaming pareho. Pagkatapos non tahimik na ulit
kaming dalawa pero kahit ganon mas nagiging kalmado ako kapag ganito lang kami ni
Dad.
"Ang tagal na kitang hindi nadala dito. Ang tagal na din simula nang nag kwento ka
sakin tungkol sa mga nangyayari sa buhay mo. Pakiramdam ko tuloy ang layo ng loob
mo sakin," humarap sakin si Dad at may lungkot sa mukha niya. "Simula ng nagkaroon
ng ibang asawa ang Lolo mo, simula ng iwan niya kami naging malayo na ang loob ko
sakanya. Nag tanim pa nga ako ng galit sakanya non. Ang hirap lumaki na may galit
ka sa sarili mong ama. Ang mas sakit kung kailan kami nagkakalapit ulit tska siya
binawian ng buhay." Nilagay ni Dad ang kamay niya sa balikat ko. "Anak alam ko na
malaki na ang pagkukulang ko sayo. Alam ko na galit ka at malayo na ang loob mo
sakin. Skie, patawarin mo ako. Ayokong matulad ka sakin."

Lumapit si Dad at niyakap niya ako. Naiyak na lang ako. "Dad.. sorry din po."

"Ako dapat ang humingi ng sorry sayo anak. Wala akong kwentang ama sayo." Humarap
si Dad at pinunasan niya ang luha sa mata niya. "Mali ako dahil hindi kita
pinagkatiwalaan. Mali ako para husgahan ka. Mali ako para maliitin kita. Nagkamali
ako anak, patawarin mo ako."

"Dad, aaminin ko na may galit ako sa inyo pero kahit kailan hindi kayo naging
walang kwentang ama sakin."

"Wag mong isipin na hindi kita mahal, na si Kiro lang ang mahal ko dahil hindi
totoo 'yon. Pareho ko kayong mahal. Sa nangyaring aksidente sayo, natakot na akong
mawala ka samin ng Mommy mo kaya ingat na ingat ako sayo na minsan akala mo
nagiging over protective na ako, oo tama minsan over na ako pero ayoko lang kayong
mapahamak lalo ka na. Anak, mahal na mahal kita."

Niyakap ko si Dad at umiyak ako. Ang tagal na simula nang mag usap talaga kaming
dalawa. I miss him so much. 'Yong Dad na palagi kong nasasandalan sa lahat ng
bagay. 'Yong Dad na palaging nandyan para sakin. 'Yong Dad na inidolo ko simula
pagkabata. "I'm sorry Dad.. Sorry kung naging pasaway ako sayo. Sorry kung palaging
sakit ng ulo 'yong binibigay ko sayo. I'm sorry Dad."

Para akong bata na pinapatahan ng magulang niya. Ang sarap sa pakiramdam. Ang tagal
kong hinintay na mangyari 'to.

"Skie, simula ngayon gusto kong bumalik tayo sa dati. Naaalala mo pa ba 'yong mga
araw na sabay nating inaalagaan si Kiro? Kapag pinapalitan natin siya ng diapers,
tawa ka ng tawa kapag may naiihian ako ni Kiro sa mukha. Nung elementary ka, hindi
ka pinayagan ng mommy mo na sumama sa camping niyo kaya ang nag nag tayo ng sarili
nating tent sa may garden pagkatapos nag camping tayong dalawa. Nung high school
ka, palagi tayong pumupunta ng Hongkong. I really miss those days.. I miss you
Skie."

"I miss you too Daddy."

Isa 'yon sa mga pinakamagandang gabi ng buhay ko. Alam ko na nagbalik loob na ako
kay Daddy at masayang masaya ako. Ngayon lang din nag si-sink in na lahat ng
ginagawa ni Dad ay para din sakin. Grabeng trauma 'yong binigay ko sakanila nang
maaksidente ako kaya hindi ko sila pwedeng sisihin mung maging over protective sila
sakin. Isa pa kapag naiisip ko 'yong mga ginawa ko dati, mali nga talaga ako.
Nakakatawa lang na ngayon ko lang narerealized lahat ng bagay na 'to. Sana nuon pa.

"Skie," sambit ni Yaya Josie. May dala dala siyang cookies at gatas. "Ipaghanda
daw kita nito sabi ni Sir Charles. Katulad lang ng dati." Nilapag niya sa gilid ko
'yong pagkain. Umupo si Yaya sa tabi ko. "Nagkaayos na ba kayo?"

"Opo yaya, okay na kami ni Dad." Ngumiti siya at niyakap niya ako. "Ang saya ko
yaya. Ang tagal kong hinintay 'yong araw na magkakaayos na din kami."

"Masaya ako para sayo anak. Ipagpatuloy mo lang yan. Masaya akong bumabalik ka na
sa dati." Tinignan ko si Yaya Josie. "Bakit?"

"Ano ba ako dati, Yaya? Gaano ba ako nagbago?"

"Dati, lahat ng sinasabi ng parents mo sinusunod mo lalo na ang Daddy mo. Dati,
hindi ka na naman umiinom at naninigarilyo, hindi ka pumupunta sa mga party at sa
mga casino. Dati, mahilig ka pang mag lambing sa mommy mo at sa akin. Dati, hindi
ka umuuwi ng late o kaya uuwi ng kinabukasan. Dati ang hilig mo lang, mag aral at
kumain sa tabi ng pool kasama sila Sir. Ibang iba ka dati. Dati bago ka nawalan ng
Amnesia."

Parang ibang tao na 'yong kinwento sakin ni Yaya Josie. Ang laki na nga talaga ng
pinagbago ko. Sa lahat ba naman kasi ng makakalimutan ko, bakit 'yon pa?

"Skie, hindi pa huli ang lahat para bumalik sa dati. Alam ko pa unti unti, babalik
ka din sa Skie na ganon. Anak, naniniwala ako sayo." Ngumiti sakin si Yaya. Katulad
din ng dati nung bata pa ako. "Oo nga pala, nakalimutan ko nang sabihin sayo 'yong
tungkol sa package na pinadala sayo. Palagi kasi kitang hindi naaabutan dito."
Tumayo siya at pumunta sa drawer ko. May hawak siyang isang kahon. "Nung isang
linggo pa yan pinadala dito. Sorry anak at nakalimutan ko."

"Okay lang po yaya." Kinuha ko ang kahon. From: JLR. Sino 'to? "Sinong nagpadala
nito, Yaya?"

"Messenger lang ang nagpadala. Wala bang pangalan dyan?" Tinignan ko ang buong
kahon pero wala. Narinig namin si Kiro na tinatawag si Yaya Josie. "Sige Skie,
maiwan na kita dyan. Good night."

"Good night Yaya."

Binuksan ko agad ang kahon. May notebook siyang laman.

Forever and always

Binuksan ko siya at nagulat ako dahil mukhang sulat ko ang lahat ng 'to.. ito kaya
'yong sinasabi ni Angel na diary ko?
=================

Chapter 27: Yes

Angel's point of view

Kung nakakatunaw lang ang mga titig ko, kanina pa siguro nalusaw 'tong phone ko.
Simula ng tumambay kami ni Ailee dito sa Starbucks hindi na naalis 'yong tingin ko
sa phone ko. Simula kaninang umaga hanggang ngayon wala pa din text o tawag si
Caleb. Nag text ako sakanya kung kamusta siya pero wala ding reply. Sinubukan ko
siyang tawagan pero hindi naman siya sumasagot. Nag aalala natuloy ako sakanya.

"Baka busy lang yon." Singit ni Ailee. "Ilang oras pa lang naman siyang hindi
nagpaparamdam sayo, eh." tinignan niya ako at bigla siyang ngumisi. "Ang sayang
makita na 'yong dalawang kaibigan ko, in love na sa isa'tisa."

"Kaming dalawa ba ni Caleb 'yong tinutukoy mo?" tumango siya habang umiinom siya ng
kape. She looked at me with  the expression saying 'Duh, isn't obvious'. "Ganon ba
ako ka obvious?" akala ko ako lang nakakaalam na in love na ako kay Caleb. Although
it's not the same love I felt before with Skie but I know I love him. I do care for
him a lot and I'm happy to be with him.

"Sa mga tingin mo pa lang sakanya, alam kona. Everytime you're with him all I can
see is your smile. Ganyan din ako dati nung in love ako." mukhang nabigla siya sa
mga huling sinabi niya. Umiwas siya ng tingin sakin at pinaglalaruan niya 'yong
kape niya. Ganyan siya kapag kinakabahan siya. Tatlong bwan na kaming magkaibigan
at sa panahon na 'yon medyo kilala ko na siya.

"So, minahal mo talaga si Luke?" natigilan siya tanong ko. Hindi nag kwento si Luke
kala Skie kung ano ba talagang nangyari at kahit si Ailee walang sinasabi sa amin
ni Caleb. Matagal ko nang gustong itanong kay Ailee kung ano ba talagang mangyari
sakanilang dalawa ni Luke pero hindi ako makahanap ng pagkakataon at ngayon nag
open up na siya tungkol sa love life niya, feeling ko ito na 'yong chance ko para
magtanong. "Gusto ko lang malaman pero kung ayaw mo naman sabihin, maiintindihan
ko." napatingin siya sa labas. Feeling ko naiisip niya ulit 'yong mga nangyari
sakanila dati ni Luke at mukha siyang malungkot. Nagsisi tuloy ako bigla dahil
tinanong ko pa yon. "You know, it's fine. You don't have to answer me."

"No, it's okay. You're one of my close friend now and I know I can trust you."
Uminom ulit siya ng kape bago siya nagsalita. "Two years din naging kami ni Luke.
First love namin ang isa't isa. We're truly madly crazy in love with each other
before but then something bad happened. 'Yong.. friend ko. Siniraan niya ako kay
Luke. Para siyang ahas na nagtanim ngvenom sa utak ni Luke. One time, nasa bar ako
para uminom at maglabas ng sama ng loob. Sakto nakita ko si Enzo, close din naman
ako sakanya eh bago pa sila maging close ng bitch kong kapatid," natawa siya pero
may lungkot pa din sa mga mata niya. "That night, iniyakan ko si Enzo. Lasing na
lasing ako non kaya the next thing I know, nasa kama ako nakahubad at kasama ko si
Enzo. Dumating si Luke at nakita niya kami, kaya ayon nakipag hiwalay siya sakin at
hindi man lang niya ako pinag explain pa. Ito naman si Enzo, sinabi na inakit ko
daw siya at lasing lang siya kaya siya napapayag makipag sex sakin, kung hindi ba
naman siya isang malaking gago. Wala naman talagang nangyari samin. Siguro ayaw
niya ako para sa kaibigan niya. Ito naman si Luke kung hind iba naman ta-tanga
tanga, naniwala sa magaling niyang kaibigan pero wala na akong pakialam don. Pare-
pareho naman silang lahat. The best part of it, nalaman ko na si Luke na at nung..
nung ahas kong ex-friend." nakikita ko pa din sa mata niyanag galit. Grabe pala
'yong nangyari sakanila niLuke.

"That was heavy. I'm Sorry."

"Okay lang, masarap din pala sa feeling na may napagsabihan na ako ng tungkol sa
nangyari samin ni Luke. Nakapag move-on na ako pero may galit pa din ako sa tatlong
tao na 'yon. Six months na simula nang maghiwalay kami pero hindi mo naman ako
masisisi kung hanggang ngayon nararamdaman ko pa din 'tong galit na'to." tumango
ako. "Masaya ako na naging close friend kita."

I smiled at her. I'm feeling the same way too. "Me too, Im glad that you're now my
friend, my close friend."

Tumunog 'yong phone ni Ailee. Sinagot niya 'yong phone at pagbalik niya sakin,
hinila niya ako palabas ng SB. "Samahan mo ako sa field, may kikitain ako don."

"Huh?" nagtataka kong tanong.

"Basta, samahan mo lang ako okay?" Hindi na ako nakaangal, paano hila hila na niya
'yong kamay ko.

Pagdating namin sa field, sa gitna pa talaga ng field ha, iniwan niya ako dahil may
kukunin pa daw siya sa locker niya at wag daw akong umalis sa kinakatayuan ko dahil
baka dumating na daw 'yong hinihintay niya. Buti na nga lang hindi maaraw kung
hindi, hindi niya ako mapapatayo dito sa gitna ng field. Para akong tanga dito, eh.
Sino ba kasi 'yong ka meet niya dito? Dito talaga sa gitna ng field? Naghintay pa
din ako kay Ailee.

Maya maya may mga studaynteng nag sisidatingan. Habang tumatagal dumadami sila,
malapit na ako umalis nang biglang sumayaw 'yong mga studyante sa paligid ko.
What's wrong with them? I can't move. Pinapalibutan nila ako. Nasa isang gag show
ba ako?

What makes you beautiful ng One direction 'yong kanta nila. Lahat sila sakin
nakatingin. Ako talaga 'yong sinasayawan nila. Ano batalagang meron? Pakana ba
lahat 'to ni Ailee?

Hinila ako nang isang studyante papunta saharap ng Archi building. May apat na
lalaki sa tapat ng building at paglapit ko sakanila, humarap sila sakin kaya
nagulat ako ng makita ko sila Caleb. Nagsimula nang mag gitara si Enzo. Si Luke may
hawak na baloons tapos si Skie may hawak na bulaklak. Pumunta sa harapan ko si
Caleb pagkatapos kinantahan niya ako ng Boyfriend ni Justin Bieber.
Ang ganda ng boses ni Caleb at habang kumakanta siya nakatingin lang siya ng
deretso sa mata ko. Ang gwapo niya lalo na kapag kumakanta siya. Na i-in love na
naman ako sakanya. Ang bilis tuloy ng tibok ng puso ko. Hindi ko ma explain 'yong
nararamdaman ko ngayon. Hindi mawala sa mukha ko 'yong ngiti.  Para na naman akong
tanga na kinikilig sa harap ng madaming tao pero wala na din akong pakialam dahil
kahit anong pagpipigil 'yong gawin ko, hindi ko magawa.

Pagkatapos ng kanta, lumuhod si Caleb sa harapan ko. "Alam mo Angel, hindi pa ako
nag seryoso sa isang babae. Para sakin laro lang ang lahat at para sakin pare-
pareho lang ang mga babae. Lahat ng 'yon nagbago simula ngmakilala kita. Ibang iba
ka sa lahat ng babae na nakilala ko. Hindi ka katulad ng iba na sa mga tingin at
ngiti ko pa lang, nakukuka ko na. Ikaw'yong klase ng babae na siniseryoso at
pinapahalagahan. Ikaw 'yong babae na nagpabago ng buhay ko. Ikaw din 'yong kauna
unahang babae na minahal ko.. Angel I love you so much."

Bigla na lang may bumaba na malaking banner mula sa 5th floor.

'Angel Beatrix Dela Fuente, will you be my girlfriend?'

Napahawak na ako sa bibig ko. First time na may gumawa sakin ng ganito. Never pa
nagawa ni Skie na kantahan ako sa harap ng madaming tao at mag effort na gumawa ng
banner. Sa lahat pa ng tao na gagawa nito, hindi ko akalain na si Caleb pa ang
gagawa nito. Akala ko kasi nung una puro one night stand lang ang nasa isip niya.
Para sakin isa siyang douche bag na walang alam kung hindi paglaruan lang ang mga
babae. Akala ko hindi niya kayang mag seryoso. Akala ko hindi niya ako kayang
mahalin pero mali pala lahat ng akala ko.

"Angel.. pwede ko na bang makuha ang matamis mong, oo?"

Ito na nga ba 'yong chance na hinihintay ko? 'Yong chance na magmahal ulit ng iba.
'Yong chance na maging masaya ulit ako?

Alam kong deserve ni Caleb kung ano man ang isasagot ko. "Yes, Caleb." Nakatitig pa
din sakin si Caleb at parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "Oo Caleb,
girlfriend mo na ko."

Tumayo siya pagkatapos niyakap niya ako. "Totoo ba talaga 'to? Hindi ba talaga ako
nananaginip?" Humarap siya sakin at kitang kita sa mukha niya na masayang masaya
siya.

"Hindi 'to panaginip. Totoo lahat ng 'to."

Bigla niya akong binuhat. "Girlfriend ko na si Angel! Girlfriend ko na 'yong taong


mahal ko!" feeling ko aabot sa kabilang building 'yong sigaw niya.

"Caleb! Ibaba mo nga ako!" Pag aawat ko sakanya. "Nakatingin silang lahat satin
oh."
Binaba niya ako pagkatapos niyakap niya ulit ako. "Wala akong pakialam kung tignan
man nila tayong lahat. Gusto kong malaman nilang lahat na girlfriend na kita." Nang
hinarap niya ako lumapit siya sakin at hinalikan niya ako sa noo ko. "I love you so
much, my Angel."

"I love you too, Caleb."

Nag ingay sila Enzo sa likod pati 'yong mga studyante na nanunuod samin kinilig
din. Tinignan ko si Ailee at nag approve sign siya sakin. Lumapit naman samin si
Skie pagkatapos inabot niya sakin 'yong bulaklak. Mukha naman siyang masaya.
"Congrats sa inyong dalawa."

"Thank you bro. Thank you sa tulong mo."

"Anytime para sayo." Ngumiti siya samin pagkatapos napatingin siya sakin. "Alam ko
naman na deserve niyo ang isa't isa." May kakaiba sa tono ng boses ni Skie pero
hindi ko na lang din pinansin.

"Ano? Celebrate na yan mamaya oh!" Singit ni Enzo. "Uminom na tayo mamaya."

"Bro, may dinner kami mamaya ni Angel at kaming dalawa lang. Isa pa hindi umiinom
si Angel pero sige mag celebrate kayo tapos sagot ko lahat."

"Sige na nga pero bro congrats sa inyo ha," tinignan ako ni Enzo. "Angel ngayon
lang nagmahal 'yang pare ko kaya napaka swerte mo dyan. Wag mo nang pakawalan 'yan
si Caleb. Mahal na mahal ka niyan eh."

"Swerte din naman si Caleb kay Angel." Biglang singit ni Skie. Napatingin kaming
lahat sakanya. "Swerte sila sa isa't isa."

"Oo swerte ako kasi girlfriend ko na si Angel." Hinawakan ni Caleb ang kamay ko.
"Para akong tumama sa jackpot."

"Iba talaga tama sayo ng kaibigan namin, Angel." Sambit ni Luke. "Ngayong kayo na,
dapat may endearment na kayo."

Nagkatinginan kami ni Caleb. Napangiti siya at parang masaya siya sa naisip niya.
"Okay lang ba sayo 'yong, honey?" Natigilan ako.

"Ang korni, iba na lang." Singit ni Skie.

"Uhm.. babe?" Tanong ni Caleb sakin. "What do you think?"


"Okay babe." Sagot ko. Napatingin ako kay Ailee na paalis na. Hindi siya
komportable na lumapit samin dahil nandito si Luke pero tinawag pa din siya ni
Caleb. "Ailee!" Lumingon siya at lumapit siya samin. Tinignan agad siya ni Luke ng
masama pati si Enzo tinignan siya pero kakaiba 'yong tingin niya kay Ailee.

"Thank you sa pagtulong mo samin." Sambit ni Caleb.

"Wala 'yon, masaya akong nakikita kayong masaya." Samin lang si tumitingin ni
Caleb. Alam niyang nakatingin sakanya si Luke at Enzo. "Sige una na ako, may class
pa ko."

Pagkaalis niya umalis na din bigla si Enzo sumunod sakanya sila Skie. Naiwan kaming
dalawa ni Caleb. "Babe, I want you to meet my family. Tara?"

"Ngayon na?" Ang bilis naman.

"Oo ngayon na, bakit ayaw mo ba?" Nag aalala niyang tanong. "Okay lang naman kuny
sa ibang araw na lang."

"Hindi ayos lang sakin, nagulat lang ako." Ang totoo, hindi ko akalain na
ipapakilala niya agad sa parents niya. Sabi niya kasi dati wala pa siyang
napapakilalang babae sa family niya. Kinakabahan man ako sumama pa din ako sa bahay
nila Caleb. Sumakay kami sa kotse niya at hindi naman ganon kalayo ang bahay nila.
"Magugustuhan kaya ako ng mommy mo?" Tanong ko pag park namin ng kotse niya.

Kinakabahan talaga ako. Matagal na naman akong kilala nila Tita Serina kaya nang
ipakilala ako ni Skie na girlfriend, wala na akong kabang naramdaman pero ito iba.
First time kong makikita ang mommy ni Caleb at hindi ko alam kung ano bang tamang
iasal ko sa harapan nila. "Don't worry, I know she'll like you." Nakangiting sabi
sakin ni Caleb.

Pagpasok namin sa bahay nila, bumungad agad 'yong malaking family pictures nila
pero sa bawat picture nila wala ni isa don ang daddy ni Caleb. Kaya ba never siya
nag open up sakin tungkol sa daddy niya kasi may problema sila?

"Is that her?" Tanong agad ng mommy ni Caleb. "Wow, son she is so beautiful. Hi
Angel, I'm Emma."

"Mom, you wouldn't believe it but she's now my girlfriend." Proud na sabi ni Caleb.
Natutuwa tuloy ako sakanya. "Tamang tama lang talaga ang celebration na 'to."

"I'm so happy for the both of you," todo 'yong ngiti ni Tita Emma sakin. "Sa wakas,
nag seryoso na din for the first time ang anak ako at hindi na ako nagtataka kung
bakit." Napapangiti na lang ako mga magagandang sinasabi niya. Ang bait ng Mommy ni
Caleb.

"Ate Angel, kapag pinaiyak ka niyan ni Kuya Caleb sabihin mo lang sakin." Singiti
ni Carmy. "But don't worry, he's not going to hurt you because he loves you so
much."

I know and that's the reason why I said yes. Ang sarap sa feeling na maramdaman
ukit na special ka. Ang saya na may nagmamahal ulit sayo. Ngayon lang ulit ako
naging masaya ng ganito at hindi ko na hahayaan na mawala pa ang lahat ng 'to.

Salamat Caleb dahil tinulungan mo akong magmahal ulit..

=================

Chapter 28: Bothered

Angel's point of view

"Kiro Rave! What are you doing here?" tumakbo ulit ako papasok sa banyo. Buti na
lang nakabalot pa ng towel ang katawan ko kung hindi nakita niya akong naka
underware lang. "Uso kayang kumatok!" sigaw ko. Rinig na rinig ko ang tawa niya
mula sa labas. Psh, silly best friend. "Can you get my clothes?"

"Come and get it here!" Sigaw niya. Serioulsy? napa what? face lang ako. "I'm just
kidding, okay here it is." sinilip ko 'yong damit ko at kinuha ko agad 'yon sa
kamay niya. Nagbihis agad ako at pagkalabas ko pa lang ng banyo, sinamaan ko na
agad siya ng tingin. "Why are you looking at me like you want to punch me?" tawa pa
din siya ng tawa hanggang ngayon.

Binato ko na lang siya ng unan. Nilakasan ko ang pagbato sakanya para makaganti ako
sa mga pang aasar niya sakin lalo na nung mga nakaraang araw. "Bakit hindi ka man
lang kumatok ha? Paano kung wala akong towel, eh 'dinakita mo akong naka underwear
lang." tumabi ako sakanya at hinampas ko ang braso niya. "Pasaway ka talaga eh,
noh?"

"FYI, I always enter your room without knocking." He said sounding annoyed. What is
his problems? PMS ba siya ngayon? "Since when did you become conscious about me
seeing your body? What's the difference between two piece and underwear? It's the
same, right?" pinisil ko 'yong magkabilang pisngi niya. Minsa sa sobrang close
naming dalawa masyado na kaming nagiging komportable sa isa't isa. Ang problema
lang ngayon, committed na ulit ako at ayokong magbigay ng kahit na anong rason para
magselos o magalit sakin si Caleb.

"Kiro, I haven't got a chance to tell you this last night because I'm already tired
and exhausted but I just want you to know that Caleb is now my boyfriend."

I looked at him. Wala man lang kahit anong pagbabago sa reaksyon niya na parang
expected na niya lahat ng sasabihin ko. Habang tumatagal mas lalong nagiging
seryoso 'yong mga tingin niya sakin. "I have no problems with you being in a
relationship again but I don't want that to affect our friendship." Ginulo niya ang
buhok ko at hindi pa man din ako nakakapagsalita, umalis na siya. May kakaiba sa
mga mata niya.

Natulala tuloy ako sa kinakaupuan ko. Did I hurt him? Wala pa din naman magbabago
sa amin ni Kiro kahit kami na ni Caleb pero magkakaroon na nga lang ako ng ilang
limitations dahil ayoko din naman maging unfair kay Caleb. Kailangan kong isipin
'yong mararamdaman niya sa bawat gagawin ko although pareho naman kaming aware ni
Kiro na hanggang mag best friend lang talaga kami at walang malisya lahat sa amin,
ayoko pa din gumawa ng bagay na pwedeng ipagselos ni Caleb.

Hindi ko tuloy alam kung paano ako mag a-adjust. Nung kay Skie naman kasi madali
lang ang lahat dahil magkapatid naman sila ni Kiro. Parang sumakit bigla 'yong ulo
ko.

Patayo na sana ako nang tumunog ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Caleb.
"Good morning babe." bati ko.

"Good morning din my Angel." kahit hindi ko siya nakikita ramdam ko na abot langit
'yong ngiti niya ngayon. " Kamusta 'yong tulog mo?"

"Okay naman, nakatulog naman ako ng maayos. Ikaw babe?"

"Hindi ako nakatulog kakaisip sayo. Hindi pa din kasi ako makapaniwala na sinagot
mo na ako, na girlfriend na kita. Hanggang ngayon hindi pa din mawala 'yong ngiti
sa mukha ko." I know that, I can feel it just by hearing his voice. Once you're
close enough to him, he'll be transparent to you about his feelings and that's one
of the reason why I fall in love with him. "If this is just a dream please don't
wake me up.. my Angel" sabi niya gamit ang husky niyang boses kaya parang may kung
anong kuryenteng dumaloy mula sa tainga papunta sa buong katawan ko ng marinig ko
'yon.

"Everything we have now is real." sagot ko.

"It's just like my favorite song, you're just too good to be true." Siya din? Wow,
we really have many things in common.

"You know what? That's my favorite song too."

"Really? we always have the same thing in common. Pakiramdam ko tuloy ikaw talaga
'yong destiny ko." Natatawa niyang sabi. Narinig ko 'yong pag start ng kotse niya.
"Oh by the way, I'll be there in ten minutes. Are you ready?"

"Yeah, just call me when you're here. Have a safe drive babe."

"Thank you babe, see you in a bit. I love you."


"I love you too, bye."

Inayos ko ang gamit ko at bumaba na ako ng kwarto ko. Bukas uuwi na sila Mommy at
Daddy kaya uuwi na din ako sa bahay. Nakaayos na lahat ng gamit ko pero bukas ko na
ililipat lahat pag sundo ko kala Mommy. Isa pa may pasok ako ngayon at gusto nila
Tito Charles mag dinner sa bahay mamaya kasama ako bago man lang daw tuluyang
umalis sa bahay nila.

"Good Morning Angel." Bati ni Tita Serina. "Aalis ka na agad? Bakit hindi mo muna
kami sabayan kumain?" Nakita ko si Tito Charles at Kiro sa dinning table pero wala
si Skie. Nasan kaya siya? "Angel?"

"Uhm.. Sorry Tita pero sasabay po ako kay Caleb." Nakatingin pa din ako kay Kiro
pero hindi siya lumilingon sakin. "Hihintayin ko na po siya sa labas."

"Sige, mag ingat ka."

"Bye Tita," niyakap ako ni Tita tapos parang may kakaiba sakanya. "Bye Tito
Charles, bye.. Kiro."

Umalis na ako at lahat pero hindi pa din ako pinapansin ni Kiro. Galit ba siya
sakin? May nasabi ba akong masama kanina? Galit ba siya kasi hindi ko agad nasabi
sakanya na kami ni Caleb? Pero hindi naman siya ganon kababaw, eh. Kilala ko siya
at alam kong isa siya sa mga taong nakakaintindi sakin ng sobra. Sana mamaya pag
uwi ko wala na siyang topak. Malapit na siyang bumalik sa New York eh tapos aalis
na ako sakanila bukas.

Umupo ako sa garden nila Skie na malapit sa gate. Nilabas ko ang phone ko at
hinihintay ko na lang 'yong tawag ni Caleb.

"Why are you here?" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa pagkagulat. Bigla bigla na
lang sumusulpot si Skie kung saan. "It's cold out here, you should go back inside.
Tatawagin na lang kita kapag nandito na si Caleb."

"Don't worry, I'm immune to cold. Remember I lived in New York so this is just a
normal thing for me." Umupo siya sa tabi ko. Nagulat ako dahil may hawak hawak pala
siyang baso na gatas. Nung nakaraang linggo, yosi ang hawak hawak niya ng ganitong
oras. Naalala ko tuloy, tuwing umaga kapag nag vi-video chat kami, sabay kaming
umiinom ng gatas. Umaga dito tapos gabi naman sa oras namin. "Kailan ka pa ulit
uminom ng gatas? Kapag nakikita kita tuwing umaga palaging yosi 'yong hawak mo
kapag umaga eh."

"May nakapagsabi kasi sakin na kapag uminom daw ako ng gatas sa umaga, gaganda daw
ang araw ko kaya 'yon sinubukan ko." Natigilan ako sa sinabi niya. Parang hindi ako
makagalaw. Ganyang ganyan din kasi 'yong sinabi ko sakanya dati. "Alam mo mukhang
effective nga talaga. Tama nga siguro talaga si Anya."
Napataas ang kilay ko. "Si Anya 'yong nagsabi sayo nyan?" Tumango siya. Seriously?
Si Anya sasabihin 'yon kay Skie? Ano namang nakain niya? Hindi ko na natanong pa si
Skie dahil narinig ko na 'yong kotse ni Caleb at tumutunog na din 'yong phone ko.
"Sige, mauna na ako. Bye."

Paglabas ko ng gate sinalubong na agad ako ni Caleb. Bumungad agad sakin 'yong mga
ngiti niya. "Wow, you look so beautiful today." Napangiti ako dahil sa sinabi niya.
Minsan kahit sa mga simpleng salita lang natutuwa na ako. "Tara? I want to give you
something later." Mukhang excited siya sa kung ano man 'yong ibibigay niya sakin.

Puro Paramore songs 'yong pinapatugtog ni Caleb sa kotse niya kaya mas lalo akong
natuwa. Madami talaga kaming pagkakapareho na dalawa unlike kay Skie before na
karamihan ng gusto namin magkaiba. Masaya din pala kapag nagkakasundo kayo palagi
sa halos lahat ng bagay. "May dinner pala kami mamaya sa bahay nila Skie at naisip
ko na i-invite ka kasi gusto kong sabihin kala Tito Charles na tayo na. Kahit
papaano parang magulang na din 'yong turing ko sakanila."

"Talaga? Oo naman sasama ako. Magpapaalam na din ako kay Skie mamaya." Bago kami
bumaba ng kotse, hinawakan ni Caleb ang kamay ko. "Thank you kasi naisip mong
ipakilala ako sakanila. That means so much to me."

Sabay kaming naglakad sa corridor habang dala dala niya ang bag ko at hawak hawak
niya ang kamay ko. Halos lahat ng estudyante na madaanan namin nakatingin samin.
Malapit na nga akong mailang sa mga tingin nila buti na lang nakarating na kami sa
room namin. Nakangiti halos lahat ng classmates namin. Nagkatinginan kami ni Caleb
at inabot niya sakin 'yong phone niya. Nasa isang website siya at naka headline
kami sa website na 'yon.

Star Player Caleb Andrei Maniego is now dating the new student, Angel Beatrix Dela
Fuente.

May picture pa kaming dalawa.

"Bella chikas?" Tanong ko. "Ano 'to?"

"Mga tsimosa sa school na nagkakalat ng mga iba't ibang kwento tungkol sa mga
student dito. Halos lahat dito palaging updated sa mga news nila." So parang gossip
girl wannabe lang? Akala ba nila maganda 'tong ginagawa nila? "Dahil dyan halos
lahat sila alam nang mag boyfriend girlfriend tayo kaya nga kanina halos lahat sila
pinagtitinginan tayo. Nag aalala lang ako sayo dahil baka ayaw mo ng atensyon na
meron tayo ngayon. Kung gusto mo, mag me-message agad ako sa admin ng website na
'to para tanggalin ang article na 'to." Hinawakan ko 'yong mukha niya. Kahit kailan
hindi niya nakalimutang isipin 'yong mararamdaman ko.

"Wag ka nang mag abala pa kasi wala naman sakin 'yon eh. Gusto ko nga malaman nila
na boyfriend na kita para wala nang babaeng lalapit pa sayo."

Ang lapad na naman ng ngiti ni Caleb. Kinikilig ba siya? Namumula 'yong


magkabilaang pisngi niya, eh. "Wag kang mag alala, sayong sayo lang ako babe at
kahit akitin nila ako hindi ko sila papansinin. Mahal na mahal kita, tandaan mo
yan."

Ang tagal ko din naging miserable. Pagkatapos ng aksidente na nangyari kay Skie,
araw-araw akong umiiyak at halos hindi na ako makakain pero sa tulong nila Kiro
kahit papaano naging maayos na din naman ako. Akala ko hindi na ulit ako magmamahal
ulit pero dahil kay Caleb nagawa ko ulit buuhin 'yong puso ko kaya masayang masaya
ako ngayon.

"I still have a class babe but if you want I can call Skie and ask hin to bring you
home. I'll just go there later after school."

"I'll just wait for you. Tatawagan ko na lang si Ailee para samahan ako sa
Starbucks tapos don ka na lang namin hihintayin."

"Okay, see you later." Hinalikan niya ako bago siya umalis at 'yong mga babae sa
paligid namin kilig na kilig. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Matutuwa ba
ako o maiilang?

Tinawagan ko si Ailee at wala pang ten minutes dumating na siya. "Congrats ulit ha.
Masayang masaya ako sa inyo ni Caleb." Sambit niya.

"Salamat din Ailee. Hindi ko agad napansin 'yong plano niyo kaya gulat na gulat din
ako sa ginawa ni Caleb kahapon."

"He loves you so much, Angel." Seryoso niyang sabi. "Ngayong madami nang nakakalam
na kayo na, madami na ding susubok sirain 'yong relasyon niyo. Alam mo naman
madaming patay na patay dyan kay Caleb. And speaking of.."

Lumingon ako at nakita ko sila Anya. Papalapit sila samin ni Ailee at nagsasalubong
'yong dalawa nilang kilay habang nakatingin sila samin. "Ikaw," sambit nung friend
ni Anya namay gusto kay Caleb at kung hindi ako nagkakamali, Briana ang pangalan
niya. "Alam mo ang landi mo eh, inakit mo si Caleb!" Sobrang lakas ng boses niya
kaya halos lahat ng tao sa SB pinagtitinginan kami.

"I don't know what you're talking about." Sagot ko. Hindi ko siya pinansin. Humarap
ulit ako kay Ailee na para bang wala akong nakita o narinig. "Sa ibang lugar na
lang natin hintayin si Caleb." Tumayo ako pero hindi ako pinaalis nila Anya at
Briana.

"Siguro ang wild mo sa kama, noh? Kaya naging kayo ni Caleb." Ngumisi pa sakin so
Briana. Gusto ko siyang sampalin pero kinalma ko lang 'yong sarili ko. "Ano ha?
Bakit hindi ka makapagsalita? Bakit kasi totoo 'yong sinasabi ko!"

"Alam mo hindi mo naman ako katulad na kailangan pang mag hubad sa harap ng isang
lalaki para makuha lang siya." Kung gusto niya ng gulo, ibibigay ko sakanya 'yon.
"Alam ko naman kung bakit ka nagagalit ng ganyan eh, ikaw kasi naghubad ka na at
lahat sa harapan ni Caleb pero hindi mo pa din siya nakuha. Samantalang ako na wala
naman ginagawa ay minahal at sineryoso niya."

Natawa bigla si Anya. "Sineryoso? Gaano ka kasigurado na seryoso nga sayo si


Caleb?" Ngumisi siya sakin at hindi ko naiwasan na mainis dahil sa pagngisi niya na
'yon. "Kawawa ka naman talaga, Anghelita."

"Hoy bitchy sister, pwede ba tigilan niyo na si Angel? Wag nga kayong bitter
sakanya." Singit ni Ailee. "Umalis na kayo."

"Okay sabi mo eh," sinamaan niya ng tingin si Ailee pagkatapos humarap siya sakin.
"You know what? I can't wait to see you cry in front of us. That would be so
exciting." Tumawa siya pagkatapos inirapan nila kaming dalawa ni Ailee bago sila
tuluyang umalis.

"Angel, wag mo na silang pansinin. Mga bitter lang 'yong mga 'yon. Mahal na mahal
ka ni Caleb kaya wag ka na mag alala. Okay?"

May tiwala naman ako kay Caleb at alam kong mahal niya ako pero hindi ko talaga
maiwasan na isipin 'yong mga sinabi sakin ni Anya. Para bang may alam siyang isang
sikreto.

Ano bang nalalaman mo, Anya?

=================

Chapter 29: Lies

Ailee's point of view

"Can we talk?" tanong ni Anya habang nakatayo siya sa pintuan ng kwarto ko. Hindi
ko siya pinansin at nagptuloy ako sa pagsuklay ng buhok ko. Wala akong oras para
sakanya. "Bingi ka ba?" lumapit na siya sakin. Nagsasalubong na 'yong mga kilay
niya. I'm enjoying this.

"Hindi ako bingi, narinig kita." sagot ko.

"Then why aren't you answering me?" pagtataray niya. Gustong gusto ko talaga kapag
naiinis siya ng ganito. "I said, can we talk?"

"Nag uusap na tayo." sarcastic kong sabi.


Mas lalo siyang nainis. Parang gusto ko niya akong sabunutan. "You're so
impossible!" sigaw niya. Kinalma niya 'yong sarili niya pagkatapos inayos niya
'yong damit niya. "Gusto ko wag ka nang lumapit sa Angel na 'yon." tinignan ko siya
at natawa ako. Inuutusan niya ba talaga ako?

"Paano kung ayoko? May magagawa ka ba?"

"Isusumbong kita kay Mommy at Daddy!" sawnag sawa na ako sa pananakot niya na 'yan.
Isumbong niya ako pero wala akong pakialam. Hindi na niya magagamit sakin 'yang
pagsusumbong niya. "Ayaw mo silang magalit sayo 'di ba?" naiirita talaga kapag nag
aasal bata si Anya. Masyado siyang mapagpanggap.

"Oo ayoko pero hindi pa din kita susundin. Pwede ba? Layuan mo na ako dahil kung
hindi sasabihin ko kay Skie ang sikreto niyo." nanlaki 'yong mata niya at biglanh
nagkaroon ng takot sa mata niya. Kung inaakala niya na siya lang ang pwedeng mang
black mail sa aming dalawa, pwes nagkakamali siya. "Ano pang ginagawa mo dyan sa
harapan ko?"

"Kaya mo ba talagang gawin 'yon sakin, Ate?" gusto kong masuka dahil sa pagtawag
niya sakin ng ate. Kailan pa ba niya ako tinuring bilang nakakatandang kapatid
niya? "Kaya mo ba talagang gawin 'yon sa kapatid mo?" magaling talaga siya magpaawa
pero hindi na umuubra sakin 'yon.

"Wag kang mag inarte sa harapan ko Anya. Umalis ka na bago pa ako mainis." tinignan
ko siya ng masama. Nag give up na siya sa pagpapaawa niya at tinaasan na niya ako
ng kilay. Kanina pa siguro niya ako sinabunutan sa isip niya. May sasabihin pa sana
siya pero hindi na niya tinuloy. Subukan niya lang akong inisin. Ilalabas ko talaga
ang sikreto nila. Madali lang naman akong kausap, eh.

Ibang iba na siya sa Anya na kilala ko. Malala na siya at kahit anong gawin ko
hindi ko na siya mababalik pa sa dati. Isa pa hanggang ngayon, hindi pa din
nawawala ang galit ko sakanila. Matatagalan pa siguro bago kami bumalik sa dati ni
Anya, 'yon ay kung magbabago siya at babalik siya sa dati na feeling ko imposible
nang mangyari.

Bumaba ako at bumungad sakin si Enzo. Nasa sala siya at mukhang hinihintay niya si
Anya. Nagtama ang mata namin pero umiwas agad ako ng tingin sakanya. Dumiretso na
ako papunta sa labas, sa sasakyan ko pero sumunod sakin si Enzo.

"Ailee," tinignan niya ako diretso sa mata ko. "Pwede ba tayong mag usap?" in
demand ata ako ngayon, ang daming gustong kumausap sakin pero wala akong panahon
para sakanila. Hindi ko pinansin si Enzo at sumakay na ako sa kotse ko. Nagulat ako
ng haraning ni Enzo 'yong pinto at dahil don naipit 'yong kamay niya. "Ouch!" kung
masama lang ako, mas lalo ko pang inipit 'yong kamay niya pero hindi naman ako
kasing bitch ni Anya.

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

"Nagpaunta talaga ako dito para sayo at hindi para sa kapatid mo." nagpapatawa ba
siya? Ano bang problema niya? "Ailee--"

"Ano bang gusto mo?" inis kong sabi. "Lubayan mo nga ako."

"Gusto lang kitang makausap, please." mukhang hindi talaga siya titigil sa
pangungulit sakin. Pagbibigyan ko siya ngayon para tigilan na niya ako. "Sige na,
please."

"Sige pagbibigyan kita pero ipagdi-drive mo ako." Tuwang tuwa niyang kinuha ang
susi ng kotse sa kamay ko. Lumipat ako sa passenger's seat. Buti na din pala at
nandito siya dahil inaantok pa ako. "Pwede bang sa Starbucks tayo mag usap? Gusto
kong mag kape. Maaga pa naman, eh."

Tumango siya at nag park kami sa SB malapit sa school. Umorder siya ng dalawang
Caramel macchiato at dalawang honey glazed donut, 'yong favorite kong kaini dito.
Dati madalas kaming pumunta ni Enzo sa SB para mag kape. Close kami dati sa isa't
isa at dahil sakanya kaya ko nakilala si Luke. Nagbago lang ang lahat ng dumating
si Anya sa eksena.

"Ano bang gusto mong sabihin?"

"Ngayon lang ako naglakas ng loob para sabihon 'to pero Ailee.. gusto kong mag
sorry sa lahat ng ginawa ko. Alam ko hanggang ngayon galit ka pa din samin pero
sana mapatawad mo ako." ang dali niyang sabihin ang mga 'yon. Hindi ko mapigilang
magalit. Ganon na lang ba kadali 'yon? Mag so-sorry lang siya tapos okay na ang
lahat? Nasaktan nila ako ng sobra sobra. "I'm really sorry, Ailee."

"Forgiveness needs to be earned." sagot ko. "Hindi ganon kadaling magpatawad lalo
na kapag nasaktan ka ng sobra."

"Ailee maniwala ka, hindi kita gustong saktan."

"Bullsh*t!" hindi ko na napigilan ang sarili ko. Wala na akong pakialam kahit
pagtinginan pa kami ng mga tao. "Hindi mo ako gustong saktan? Nagpapatawa ka ba?
kasi alam mo hindi nakakatawa, eh. Alam mong hindi totoo lahat ng sinabi mo kay
Luke. Hindi totoo na inakit kita. Hindi totoo na may nangyari satin. Alam na alam
mo 'yon pero 'yon pa din 'yong sinabi mo kay Luke! How dare you!" nanginginig na
'yong kamay ko sa galit. Ilang bwan na din ang lumipas pero hindi ko pa nakausap si
Enzo simula nang gabi na 'yon.

"Oo hindi totoo na may nangyari satin ng gabing 'yon at hindi totoo na inakit mo
ako pero nasabi ko lang naman 'yon kay Luke dahil inutos sakin 'yon ni Anya at kaya
ko din nasabi 'yon dahil gusto kong maghiwalay kayong dalawa ni Luke." gusto kong
umiyak pero pinipigilan ko lang. Ayokong umiyak sa harap ng madaming tao. "Gusto
kong makipag break sayo si Luke kaya ko 'yon nagawa."

"Gusto mo kaming mag hiwalay ni Luke? bakit ha? kasi ayaw mo sakin para sa kaibigan
mo? bakit ha? Ang babaw mo eh!" dahil sa halo halong emosyon tumulo na 'yong luha
sa mata ko. "Sobrang babaw mo!"

"Ailee, kaya ko lang naman nagawa 'yon kasi mahal kita!" literal akong natigilan.
Tuloy na tuloy pa din ang pagtulo ng mga luha sa mata ko. "Gustong gusto na kita
dati pa kaya nga palagi kitang kinukulit hanggang sa maging close tayo at habang
tumatagal nahulog na ako sayo pero natatakot lang akong aminin ang lahat kasi
nakatatakot ako na hindi tayo pareho ng nararamdaman at baka lumayo ka sakin. Kaso
nagustuhan ka ni Luke, sinabi niya samin ang lahat at sinabi niya din agad sayo ang
nararamdaman niya at dahil sa bro code wala na akong nagawa." hinawakan ni Enzo ang
kamay ko. "Ailee, kaya ko nagawang magsinungaling kay Luke dahil mahal kita, mahal
na mahal kita Ailee."

Napasigaw ako ng biglang hilahin ni Luke si Enzo. "T*ngina mo Enzo! Narinig ko


lahat ng sinabi mo! Gago ka!" sinuntok niya sa mukha si Enzo. Napahiga na siya sa
sahig pero hindi pa din tumitigil sa pagsuntok si Luke. "Niloko mo ko! Traydor kang
hayop ka!" lumapit ako sakanila para awatin sila. "Wag mo niyo akong pigilan,
lulumpuhin ko 'tong gagong 'to!" ayaw pa din talaga magpapigil ni Luke kaya nasiko
niya ako. Napaupo ako sa sahig buti na lang dumating si Caleb at Angel para
tulungan ako.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Angel.

Iniwat ni Caleb si Luke at nang makita niya ako lumapit siya agad akin.

"Ailee, I'm sorry. I didn't mean to hurt you."

"Nagaw mo na Luke, nasaktan mo na ako." tinulungan ako ni Angel tumayo. "Angel,


pwede bang umalis na tayo dito?" tinawag ako ni Luke pero hindi ko siya pinansin.
Inalalayan ako ni Angel papunta sa kotse ko, nag presenta na siyang mag drive para
sakin. Nagpaiwan na si Caleb sa SB habang kami ni Angel pumunta na sa school.

"Ano bang nangyari?" tanong ni Angel. "Ayos ka lang ba?" niyakap ko si Angel. Sa
mga ganitong sitwasyon kailangan ko lang ng masasandalan. Hindi ko alam kung ano
bang dapat kong maramdaman sa mga nalama ko ngayon pero

isa lang ang alam ko, nasasaktan na naman ako dahil sakanila. "Nandito lang kami ni
Caleb para sayo."

"Salamat, Angel. Salamat kasi nandyan kayo ni Caleb para sakin."

"Ganon naman ang magkakaibigan eh, nandyan para sa isa't isa." kahit papaano gumaan
na ang loob ko dahil kay Angel. "Tahan na.."

Pinilit kong pumasok sa class ko kahit na wala kong gana. Halos wala din akong
naintindihan sa mga sinabi ng professor namin. Naiisip ko pa din lahat ng sinabi
sakin ni Enzo pati 'tong mga tingin sakin ni Luke kanina.
'Yong tingin na nag so-sorry siya at parang gusto niya akong kausapin.

Nagugulo na naman ang isip ko at ayoko ng ganito. I hate this damn feeling.

Natapos na ang class namin at lahat lahat pero lutang pa din ang isip ko. Pumunta
ako sa library para magbasa. Nare-relax kasi ako tuwing nagbabasa ako. Ayoko naman
guluhin sila Caleb dahil aalis sila mamaya para sunduin ang parents ni Angel.
Nagbasa na lang ako ng Percy Jackson.

Pagbaba ko ng libro may note akong nakita. Hindi ko na napansin kung sinong
nagbigay non dahil masyado akong tutuok sa binabasa ko.

Pwede ba tayong mag usap?Hihintayin kita sa tambayan natin.- JLR

Paano niya nalaman na nandito ako? Sinusundan ba niya ako? Tinapon ko na lang agad
'yong note niya sa basurahan. Ayoko na siyang kausapin pa. Inayos ko ang gamit ko
at umalis na ako sa library. Kung mamalasin ka pa, nasira 'yong elevator kaya no
choice ako kung hindi dumaan sa fire exit.

Pagbukas ko ng pintuan nakita ko agad siyang nakasandal sa pader. "Hindi ka pa din


nagbabago. Nagbabasa ka pa din ng libro sa tuwing kinakalma mo ang sarili mo. Hindi
ka pa din pala nagbabagpo, Ailee. Alam ko din na hindi mo ako pupuntahan don kaya
hinintay na lang kitang makalabas sa library."

Hindi ko siya pinansin tuloy tuloy lang ako sa paglalakad pero hinawakan niya 'yong
braso ko. Naglapit ang mukha namin at sa sobrang lapit dinig na dinig ko ang
paghinga niya. "Anong ginagawa mo, Luke?" sambit ko.

Hindi niya ako sinagot. Hinawakan niya nag mukha ko at nagulat ako sa sunod niyang
ginawa. Hinalikan niya ako. Gusto kong kumawala pero hindi ko magawa. Hanggang
ngayon kilalng kilala ko pa din ang labi niya. Nang matauhan ako lumayo ako sakanya
pero hinila niya ulit ako papalapit sakanya at niyakap niya ako ng mahigpit. "I'm
sorry.. I'm sorry kung hindi ako naniwala sayo. Sorry kung nasaktan kita. Sorry sa
lahat sa Ailee." tumulo na naman ang luha sa mata ko. "Ailee alam ko mahal mo pa
ako, naramdaman ko 'yon sa mga halik mo. Sabihin mo, mahal mo pa din ako hindi ba?"
hinarap niya ako at kahit ako nagulat nang makita ko siyang umiiyak sa harapan ko.
"Do you still love me? because I think I still do love you."

Mahal ko pa ba siya? Oo pero hindi na mababalik non ang dati. Isa pa hindi ako
naniniwalang mahal pa din niya ako? Paano 'yong bitch niyang girlfriend? Kalokohan
ang sinasabi niya.

"You're six months late, Luke." lumayo ako sakanya. "Sorry but I don't love you
anymore so just get away from me." tumakbo ako pababa, palayo kay Luke.

Nagsinungaling ako sakanya. Wala na din naman saysay kung sabihin ko pa 'yong
nararamdaman sakanya dahil hindi na kami mababalik sa dati. The damage has been
done. Sabi nga nila kahit buuin mo pa ang nabasag na baso may lamat at lamat pa
din siya. Kagaya lang din 'yon sa amin ni Luke. Isa pa sila na ng bitch na 'yon
kaya imposibleng magkabalikan pa kami. Maybe we're really not for each other.

Dumiretso ako sa parking lot, pag punta ko sa kotse hindi ko inaasahan na makikita
ko siya. Sobrang sama ng tingin niya sakin. Alam ko na kung bakit siya nagpunta
dito.

"Get away from him, he's mine."

Nadidiri ako sakanya. Ang lakas ng loob niyang sabihin ang lahat ng yan sakin. Tama
talaga ako, isa siyang fvcking bitch at ang sarap niyang sampalin. Pinipigilan ko
lang 'yong sarili ko.

"Siya 'yong pagsabihan mo," ngumisi ako sakanya na mas lalong nagpagalit sakanya.
"Wag ako."

Pumasok na ako sa loob ng kotse ko. Hindi ko dapat inaaksaya ang oras ko sa mga
walang kwentang tao na katulad nila.

Habang nag mamaneho ako pauwi, naisip ko na tama sila. Wala talagang sikreto ang
hindi nabubunyag at alam ko malapit nang mabunyag ang sikreto nila Anya..

=================

Chapter 30: Meet the parents

Caleb's point of view

Umalis na si Angel at Ailee. Nahila ko naman sa parking sa likod si Luke at Enzo.


Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa Starbucks. Akala ko titigl na si Luke pero
lumapit siya kay Enzo pagkatapos pinagsusuntok na nman niya 'to. Pinigilan ko agad
siya.

"Wag mo akong pigilan Caleb! Lulumpuhin ko yang hayop na yan!" Tinutulak niya ako
palayo pero hinigpitan ko lang lalo 'yong pagkakahawak ko sakanya. "Traydor kang
hayop ka!"

"Luke calm down!" Sigaw ko. "Pag-usapan natin 'to ng maayos!" Tinignan ko si Enzo.
Tumayo siya pero dumudugo 'yong labi niya. Ayaw pa din mag paawat ni Luke. Medyo
hihirapan na akong hawakan siya dahil kanina pa siya pumapalag sakin.

"Bro sorry, mahal ko lang talaga si Ailee." Sambit niya. "I'm really sorry."

"Gago! Wag mo akong tawaging bro! Simula ngayon hindi na kita kaibigan!" Tinulak na
naman ako ni Luke palayo at nakawala siya sa pagkakahawak ko. Lumapit siya kay Enzo
kaya hinabol ko siya pero wala akong nagawa. Galit na galit si Luke at walang awa
niyang pinagsusuntok si Enzo. "Alam ko bang kapatid na 'yong turing ko sayo pero
ginago ko pa din ako!" Sinubukan ko ulit awatin si Luke. Buti na lang dumating na
si Skie kaya napaglayo namin silang dalawa.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Skie. "Luke anong ginagawa mo kay Enzo?
Pumuputok na 'yong labi niyo oh!" Inabutan ni Skie si Enzo ng towel. "Ayos ka lang
bro?" Tanong niya.

"Alam ko ba kung anong ginawa niyang hayop na yan?" Tinulak na naman ako palayo ni
Luke pero hindi na niya sinugod si Enzo. "Sinabi niyang inakit siya ni Ailee na may
nangyari sakanila pero wala naman pala! At ang malupit pa mahal daw niya si Ailee!
Kung hindi ka ba naman isang malaking gago, Enzo!" Pareho kaming nagulat ni Skie sa
sinabi ni Luke. Nung una pa lang naman hindi na ako naniwala sa sinabi ni Enzo
dahil imposibleng gawin 'yon ni Ailee pero mas pinaniwalaan ni Luke si Enzo kaya
hindi ko din masisi kung bakit nagagalit ng ganito si Luke. Naiintindihan kong
mahal ni Enzo si Ailee pero mali pa din 'yong ginawa niya.

"Enzo, maling mali 'yong ginawa mo." Sambit ni Skie. "Naghiwalay sila Luke at si
Ailee dahil don."

"Alam ko! Alam kong mali ako pero naipit lang din ako non. Nagsisisi na naman ako
sa ginawa ko."

"Huli na para magsisi ka! Sinira mo na kami ni Ailee at sinira mo na din ang
pagkakaibigan natin!" Sigaw ni Luke. Hinawakan ko siya sakaling maisipan na naman
niyang bugbugin si Enzo. "Hindi kita mapapatawad, Enzo!"

Pumikit si Enzo at sinara niya ang kamay niya. Halatang nagpipigil siya ng galit.
"Nagkamali ako Luke. Patawarin mo ko."

"Niloko mo ko! Hinding hindi kita mapapatawad! Tandaan mo yan!" Lalapit na naman
sana si Luke pero pinigilan namin siya ni Skie.

Huminga ng malalim si Enzo. "Oo niloko na kita pero ikaw din naman hindi ba?!
Niloloko mo kami!" Bigla namang natigilan si Luke. "Pareho lang naman tayo."

"Don't even try, Enzo." Ang sama ng tingin ni Luke sakanya. "Alam mong ikaw din
naman ang may kasalanan ng lahat ng 'yon kaya wag mo nang subukan." Nagkatinginan
na lang kami ni Skie. Hindi namin alam kung anong pinag uusapan nila. "Ayoko nang
makita yang pag mu-mukha mo. Naiintindihan mo?"

Naglakad si Luke papunta sa kotse niya at pagkaalis niya lumapit agad ako kay Enzo.
"Anong sinasabi mo? Anong niloloko tayo ni Luke?" Tanong ko.

"Wala 'yon. Una na ako."


Hinayaan na lang namin ni Skie si Enzo. "May alam ka ba tungkol sa nangyari
sakanila?" Tanong ni Skie.

"Ngayon ko lang nalaman lahat ng 'yon. Mag kakape nga lang sana kami ni Angel
kanina pero nakita namin sila na nagkakagulo kaya umawat agad ako. Bakit nandito
ka? Kasama mo ba si Anya?"

"Hindi, nauna na siya sa school. Mabuti pa pumasok na din tayo."

Pagdating namin ni Skie sa school pinuntahan ko agad si Angel sa locker niya.


"Kamusta si Ailee?"

"Affected pa din siya sa nangyari kanina. Nag aalala nga ako sakanya eh."

"Kilala ko siya at alam kong magiging okay din siya." Hinila ko palapit sakin si
Angel. "Wag ka na mag alala sakanya." Niyakap ko siya mula sa likod habang siya
inaayos 'yong gamit niya sa locker. "Alam mo babe, excited na akong makilala 'yong
parents mo." Sambit ko.

"Uuwi na sila Tito Shawn?" Sambit ni Skie. Nakalimutan kong nandito pa siya. "Akala
ko next week pa." Sinara niya ang locker niya at ganon din si Angel. Naglakad na
kami papunta sa classroom namin.

"Uuwi na sila mamaya." Sagot ni Angel.

"Buti ka pa bro kilala mo na 'yong parents ni Angel. Kinakabahan ako baka mamaya
ayaw nila sakin." Sambit ko. Minsan lang ako kinabahan ng ganito. Sana magustuhan
ako ng parents ni Angel. "Tingin niyo ba magugustuhan nila ako?" Nagkatinginan sila
pagkatapos tumingin sila sakin. "Ano?"

"Oo magugustuhan ka nila bro kaya wag kang mag alala." Sagot ni Skie. "Sige, don na
ako sa harap." Dumiretso siya sa harap kung saan nakaupo si Anya.

Umupo naman kami ni Angel sa likod. Wala pa din si Enzo at si Luke. Tingin ko hindi
na sila papasok. Sa totoo lang nag aalala ako para sa dalawang 'yon. Hindi biro
'yong pag-aaway nila kanina at may posibilidad na hindi na sila magkaayos.

High school pa lang makaibigan na kaming tatlo ni Luke at ni Enzo. Dati pa lang
alam ko nang gusto ni Enzo si Ailee pero kahit kailan hindi siya umamin samin ni
Luke. Bago ang graduation, sinabi samin ni Luke na gusto niya si Ailee at balak
niya itong ligawan. Sinagot naman siya ni Ailee at nagtagal sila ng three years.
Mahal na mahal ni Luke si Ailee at ganon din si Ailee. Kaso isang gabi nakita ni
Luke si Enzo at Ailee na magkasama sa kama at parehong walang damit. Nagwala si
Luke at nakipaghiwalay siya kay Ailee kahit na hindi pa niya naririnig ang side ni
Ailee. Nag away sila ni Enzo pero nagkaayos din sila. Sinabi kasi ni Enzo na lasing
lang siya at si Ailee ang umakit sakanya kaya may nangyari sakanila. Naniwala naman
si Luke kaya galit na galit siya at simula din non, ayaw na ayaw na niyang marinig
ang pangalan ni Ailee. Si Enzo naman ilang beses ko nang nakitang nakatingin kay
Ailee sa malayo kaya naisip ko na baka totoo 'yong hinala ko na may gusto nga siya
kay Ailee. It turns out na tama ako.

"Pwede ba tayong dumaan kala Skie? Kukunin ko muna 'yong mga gamit ko." Sambit ni
Angel.

"Sige babe. Kumain muna tayo." Pag aaya ko. Dinala ko siya sa favorite resto ko
malapit sa school. Pagdating namin don nagulat kami dahil nandon din si Anya at si
Skie. "Gusto mo ba sa iba na lang tayo?" Tanong ko. Ayokong lumalapit siya kay Anya
dahil alam ko na may posibilidad na saktan siya ng babaeng 'yon.

"Okay lang sakin dito, wag kang mag alala kaya ko si Anya." Hinawakan ko na lang
ang kamay niya. "Gusto mo bang tumabi sakanila?" Tanong ni Angel.

Sasagot pa lang ako ng hindi nakita na kami ni Skie at tinawag niya kami. Nahihiya
naman akong tanggihan siya kaya sumunod na lang kami sa table nila. Tinignan ko si
Anya, sinabi ko sa mga tingin ko na wag niyang subukan awayin si Angel dahil kung
hindi malalagot siya sakin. Hindi ko alam kung nakuha niya 'yon o hindi pero hindi
siya makatingin samin ni Angel.

"Susunduin niyo na ba sila Tito Shawn?" Tanong ni Skie. "Kasya ba sila sa sasakyan
mo, Caleb?"

"Don't worry, 'yong Montero 'yong dinala ko ngayon." Sagot ko. "Dadaan muna kami sa
bahay niyo para--" hindi ko na natuloy 'yong susunod kong sasabihin dahil sa tingin
sakin ni Skie. Hindi nga pala alam ni Anya na duon ulit nakatira si Angel. "Para
puntahan si Kiro." Sambit ko.

"Kilala mo din si Kiro?" Tanong ni Anya.

"Oo kilala ko siya." Sagot ni Angel. "He's my best friend." Habang tinitignan ko
siya na realized ko na kayang kaya naman niya si Anya kung sakali lang na awayin
siya ng babaeng 'to pero hindi ko naman hahayaan na gawin 'yon ni Anya. Dadaan muna
siya sakin bago niya masaktan si Angel.

"Matagal na ba kayong magkakilala ni Skie?" Tanong niya ulit. "Kung close ka kay
Kiro hindi ba dapat close ka din kay Skie?" Napatingin ako kay Angel. Naisip ko na
din 'yon minsan kung bakit kay Kiro lang siya close at hindi kay Skie pero sabi
naman niya hindi lang sila pareho ng hilig ni Skie.

"Magkaiba kami ng gusto ni Skie at isa pa ayoko sa mga kaibigan niya non."

"Bakit ano bang mga gusto mo, Angel?" Ang sarcastic ng dating sakin ng tanong niya.
Tinignan ko si Skie at na gets naman niya 'yong gusto kong sabihin, ang patahimikin
niya 'yong girlfriend niya. "Curious lang naman ako."

"Babe, kumain na lang muna tayo." Sambit ni Skie. "Aalis pa tayo."


"Wala na akong gana babe may nakita kasi akong hindi maganda." Tinignan niya si
Angel tska siya ngumisi. Nag iinit na naman 'yong ulo ko sakanya. Hindi talaga
magandang idea na umupo kami kasama siya. "Angel, ano bang gusto mo?" Piniligilan
ko lang 'yong sarili ko para hindi ko masagot si Anya. Girlfriend pa din siya ni
Skie at ayoko siyang awayin dahil nirerespeto ko si Skie.

"Simple lang, Anya. Kabaligtaran ng mga gusto mo ang gusto ko." Cool na sabi ni
Angel. Napangiti ako sa sinagot niya. My girl really knows how to defend herself.
"Babe bilisan na lang natin kumain dadaan pa tayo kala Kiro." Tumango ako.
Nakatingin sakin si Skie at alam kong hindi na siya komportable sa set up namin.

"Caleb, mauna na kami ni Anya." Paalam niya. "Bye, bye Angel." Sinamaan pa ng
tingin ni Anya si Angel bago sila makaalis.

"Kung hindi lang siya girlfriend ni Skie kanina ko pa siya sinagot. Sumusobra na
siya." Sambit ko. "Awayin na niya lahat wag lang ikaw, babe." Napangiti si Angel at
hinalikan niya ako sa pisngi ko.

"Hayaan mo na siya babe. Wag mong hayaan na sirain niya 'yong araw natin. Okay?"

Ang genuine ng smile ni Angel na wala kang magagawa kung hindi ang mahawa kaya sa
tuwing kasama ko siya palagi akong masaya. Nakakamangha kung paano niya ako binago.
Kahit ako nagugulat sa sarili ko. Ang tagal ko nang hindi umiinom kahit pati
manigarilyo. Wala na din akong gana pumunta sa mga bar. Mas gusto ko pang mahiga sa
kama ko habang kausap si Angel magdamag kaysa uminom o mag bar.  Kahit si Yaya
nagugulat sakin parang ibang tao na daw ako pero mas gusto niya kung ano ako
ngayon.

Kaya mahal na mahal ko si Angel dahil binago niya ang buhay ko.

"Gusto mo ba munang pumasok sa loob?" Tanong niya pagdating namin sa bahay nila
Skie. "Magpapaalam pa pala ako kay Yaya Josie pero sandali lang naman 'yon."

"Sige papasok na lang ako sa loob."

Umakyat agad siya sa taas habang ako umupo muna sa sala. Dumaan si Kiro at nakita
niya ako. Lumapit siya sakin at umupo siya sa tapat ko. "What are you doing here?"
Tanong niya. May hawak hawak siyang beer pero nilapag niya 'yon at tinignan niya
ako.

"Sinamahan ko si Angel dito. Kukunin niya kasi 'yong gamit niya pagkatapos
susunduin na namin 'yong parents niya sa airport." Sagot ko. "Ang aga nyang beer mo
ha." Pagbibiro ko. Dahan dahan lang ako makipag usap sakanya dahil hindi ko gamay
ang ugali niya. Ang hirap basahin ng isip niya kaya minsan natatakot akong kausapin
siya dahil baka may masabi akong masama at magalit siya sakin.
"I have a question for you, Caleb." sambit niya at napaka seryoso niya. Kinabahan
ako bigla. "Are you hiding something to Angel?" Ang talim ng mga tingin niya sakin
kaya mas lalo akong kinabahan.

"What are you talking about?" Sagot ko. "I'm not hiding anything to her." Mukhang
hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Ang tanging tinatago ko lang naman kay Angel ay
ang tungkol sa plano namin nila Skie pero sasabihin ko din naman kay Angel ang
lahat sa tamang panahon.

"Okay," sagot niya. "Just make sure you're saying the truth because if you hurt my
best friend, I'll make sure you'll not going to see her again and I will beat you
to death." Umalis siya dala dala ang beer niya.

Kung hindi lang talaga sila mag best friend ni Angel, iisipin ko na may gusto siya
sa girlfriend ko. Alam kong protective lang siya sa mga mahal niya pero minsan
sobra na siya sa pagiging protective kay Angel.

After five minutes bumava na si Angel dala dala ang gamit niya. "I'm ready!"
Lumapit ako sakanya at dinala ko ang bag niya. "Nagkita ba kayo ni Kiro?"

"Oo nakita ko siya pero umalis din siya agad." Sagot ko.

"May sinabi ba siya sayo?"

"Tinanong lang niya kung bakit ako nandito tapos umalis na siya." Ayokong
sinungaling kay Angel pero hanggat hindi pa ako nakakahanap ng tamang panahon,
hindi ko pa sasabihin ang tungkol sa plano namin dati. Ayokong magalit siya sakin
at worse, ayokong 'yon ang maging dahilan para hiwalayan niya ako. Hindi ko ata
kakayanin kapag iniwan niya ako. "Malapit na ba sila dito?" Tanong ko. Medyo
malapit na din kami sa airport at habang papalapit kami mas lalo akong kinakabahan.

Nakita ko na sa picture 'yong parents ni Angel. Gwapo ang daddy ni Angel pero
mukhang seryoso siya. Ang mommy naman ni Angel parang ang mommy ko lang pareho
silang maganda pero mukhang suplada. Pakiramdam ko pareho akong mahihirapan
sakanila pero gagawin ko ang lahat para magustuhan nila ako. Para sakin lahat ng
mahal ni Angel, mahalaga na din sakin.

"Dito na lang tayo mag hintay babe." Sambit ni Angel. "Nandito na daw sila,
naglalakad na siguro 'yon."

Nilabas ko 'yong maliit na banner na ginawa ko na may nakalagay na 'Welcome back


Mr. and Mrs. Dela Fuente'. Natawa si Angel nang makita niya 'yon kaya bigla akong
nahiya. "Pangit ba 'yong gawa ko?"

"Hindi babe, hindi ko lang ini-expect na gagawa ka talaga ng banner para sakanila."
Lumapit siya sakin at niyakap niya ako. "Ang sweet mo talaga, babe. Thank you."
Hinalikan ko siya sa noo niya.
"Gusto ko kasing magustuhan nila ako kaya gusto kong makita nila na nag e-effort
ako." Sambit ko. "Sana magustuhan nila ako."

"Nagustuhan kita kaya for sure magugustuhan ka din nila, okay? Babe, relax lang."
Kahit sabihin niyang mag relax ako hindi ko pa din magawa pero kahit papaano nawala
na 'yong kaba ko. "Oh look, there they are!" Kumaway si Angel sakanila at ganon din
si Tita Kim. Si Tito Shawn nakangiti pero ang seryoso pa din ng mukha. "Mom! Dad!"
Lumapit sakanila si Angel at niyakap niya ang parents niya. Miss na miss na nga
talaga niya 'yong parents niya. "I miss you so much!"

"We miss you too baby." Sambit ni Tita Kim. Ginulo naman ni Tito Shawn 'yong buhok
ni Angel. "I miss you baby." Sambit ni Tito Shawn.

Naglakad sila papalapit sakin kaya bumalik na naman 'yong kaba ko. Ito na 'yon,
makakausap ko na din sila finally. Ang bilis ng tibok ng puso ko. "Mom, Dad, I want
you to meet Caleb." Lumapit sila sakin. Tinignan nila ako mula ulo hanggang paa. Sa
mga tingin pa lang nila kinikilatis na nila ako. Napalunok na lang ako. "He's my
boyfriend." Nanlaki 'yong mata nila. Hindi pa kasi nasasabi ni Angel 'yong tungkol
sakin dahil gusto daw niya sa personal kaya nga mas lalo akong kinakabahan.

"What? Bakit hindi ka man lang nagsabi samin ng mommy?" Mukhang nainis si Tito
Shawn. Nakatingin lang ako kay Angel, hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko.
Nakakatakot 'yong Daddy niya.

"Dad, I'm sorry. I just want to say it personally. Isa pa, last week ko lang naman
sinagot si Caleb." Ang cool pa din ni Angel pero ako kinakabahan na. Paano na lang
kung nagalit siya dahil sa hindi ako nag paalam na manliligaw ako sa anak nila?
"Dad, come on."

"Honey, hindi ka ba masaya na may boyfriend na ulit ang anak natin? At least hindi
na siya iiyak pa ulit kay--"

"Mom!" Biglang singit ni Angel. "Uhm.. let's not talk about my past." Past? Anong
past? Ang ex-boyfriend ba niya ang tinutukoy niya?

"Oh okay. Well, I'm happy for you guys." Lumapit sakin si Tita Kim at niyakap niya
ako. "Look at him, ang gwapo niya. Bagay na bagay siya sa baby girl natin, hon."

"Mom, look." Kinuha sakin ni Angel 'yong banner na ginawa ko. "He made this for you
guys." She looked at like she's saying, proud girlfriend here.

"Ohh, you're so sweet Caleb. Ngayon pa lang gusto na kita." Pareho sila ng ngiti ni
Angel. Medyo nakahinga na ako dahil nagustuhan ako ni Tita Kim. "Hon?"

"Nabigla lang siguro ako pero kung sayo naman masaya ang anak ko, wala naman akong
tutol don." Napangiti ako. Okay na sakin 'yong sinabi niya. Nakahinga na ako ng
maluwag. "Let's go home? Nagugutom na ako."
"Tulungan ko na po kayo." Kinuha ko agad 'yong bag nila. I want to show them how
serious I am with their daughter.

Pagdating namin sa bahay nila nagpahinga muna sila habang kami ni Angel pumunta sa
dining table para ayusin 'yong pagkain. "I told you, they'll going to like you."
Sambit ni Angel.

"Si Tito Shawn, hindi ba siya galit kaso hindi ako nagpaalam sakanya?" Huminto si
Angel sa ginagawa niya pagkatapos lumapit siya sakin at nagulat ako ng halikan niya
ako. "What was that for?"

"Masaya lang ako kasi ang ikaw 'yong boyfriend na pinakilala ko sakanila kanina."
Kung wala lang ang parents niya dito baka gumanti ako ng halik kaya Angel pero
ayokong makita nila kami na naghahalikan dahil ayokong maging masama ang impression
nila sakin. "They like you babe, I know it." Hinawakan niya ang kamay ko at dahil
don napanatag na 'yong loob ko.

Inusisa akong mabuti nila Tita Kim. Ang dami nilang tanong pero naiintindihan ko
naman sila. They just want what's best for Angel. Although gusto kong magpaimpress
sakanila ayoko naman maging fake kaya nagpakatotoo lang ako kahit na pakiramdam
kong ma tu-turn off sila sakin kagaya na lang ng nakailang girlfriend na ako at
kung mabisyo ba ako, sinabi ko ang totoo pero sinabi ko din naman na nagbago na ako
at dahil 'yon sa anak nila. Mukhang satisfied naman sila sa mga sinabi ko.

Si Tita Kim gustong gusto niya ako pero si Tito Shawn hindi ko masabi. Maganda
naman 'yong kinalabasan ng dinner namin at masaya ako na nakilala ko na ang parents
ni Angel. This is all new for me and I'm every second of it.

"Babe, thank you kasi pinakilala mo ako sa parents mo at thank you din kasi sobrang
effort mo sa pag bibida sakin sakanila." Hinawakan ko ang kamay niya. "Masayang
masaya ako na nagtino na ako at naging girlfriend kita."

"Masaya din ako, babe." Lumapit siya sakin at niyakap niya ako. "Masaya ako kasi
pinatunayan mo na ibang iba ka sa inaakala ko. Akala ko lolokohin ko lang ako pero
hindi, araw araw pinapatunayan mong seryoso ka sakin. I love you so much.. babe."

Gusto kong maging masaya sa mga sinabi ni Angel pero may kung anong kumurot sa puso
ko. Sobrang na guilty ako dahil hanggang ngayon hindi ko pa din nasasabi 'yong
tungkol sa plano namin nila Skie. Pwede kong ilihim na lang sakanya 'yon pero
ayokong magtago sakanya ng kahit ano. "Babe.. may gusto akong sabihin sayo."

"Ano 'yon?" Tinitigan ko ang mata niya. Ang saya saya niya ngayon. Hindi ko pa ata
kayang sabihin sakanya ang lahat. Masyadong maganda ang moment na 'to para sa akin
at ayokong sirain 'yon. "May problema ba babe?"

"Wala babe, gusto ko lang sabihin na mahal na mahal kita." Lumapit ako at hinalikan
ko siya. Forgive me Angel. "I love you so much, my Angel."
=================

Chapter 31: Truth

Angel's point of view

Hilig na siguro ni Kiro na gisingin ako sa mga tingin niya. Para siyang alarm clock
na automatic na gigising sakin. "Wake up, it's already seven." nakatayo siya sa
pintua ng kwarto ko. Bakit siya nandito? Akala ko ba galit siya sakin? "You have
school today, right?" lumapit siya sakin at umupo siya sa tabi ko.

"Nine pa ang pasok ko." Inaantok pa din ako hanggang ngayon at parang tinatawag pa
ako ng malambot kong kama. Ang sarap matulog pero lagot ako kay Caleb kapag hindi
ako pumasok. "Wait, you're not mad at me anymore?" Tanong ko tapos ginulo niya ang
buhok ko tska siya tumawa. "Why are you laughing?" mas lalo pa siyang tumawa kaya
tinarayan ko siya. Sabi nga nila, biruin mo na ang lasing wag lang ang bagong
gising.

"Seriously?" Nakangisi niyang sabi tapos ginulo na naman niya ang buhok ko. "Trix,
you know that I can't be mad at you. I will never be." Ngumiti siya sakin na parang
walang nangyari, na parang hind niya ako sinungitan nang mga nakaraang linggo.

"Kaya pala hindi mo ako pinapansin for the past three weeks." pagmamaktol ko.
"Tapatin mo nga ako, ano bakasing problema mo?" hanggang ngayon nakataas pa din ang
kilay ko sakanya. Minsan para din kaming mag boyfriend at girlfriend na nagkakaroon
ng away at tampuhan pero ang maganda samin niKiro, hindi nagtatagal ang away namin.

"Hindi lang siguro ako sanay na may boyfriend ka na ulit." pinatong niya ang kamay
niya sa ulo ko. Ginagawa na naman niya akong parang bata. "Forget about that,
okay?" pinisil niya ang kaliwang pisngi ko at parang nanggigil pa siya sakin. Na
miss siguro niya ako. "I'll be back to New York next week so I guess you can go out
with me this whole week? Treat it as despedida days for me."

"So kinausap mo lang ako dahil aalis ka na? Ganon?" Pang-aasar ko.

"Of course not!" Depensa niya. "Don't be so childish, Trix."

"Okay fine. I think Caleb is fine with that. Hindi naman siya seloso, eh." kinuha
ko agad 'yong phone ko. May tatlong text na sakin si Caleb. 'Yong una two hours ago
tapos 'yong huli ten minutes ago lang. "Is that Caleb?" tumango ako at ngumiti kay
Kiro. Na gets naman ata niya kung anong ibig sabihin ng mgangiti ko. "Okay okay..
go ahead and talk to him. I'll go downstairs."

Paglabas pa lang ni Kiro tinawagan ko agad siCaleb. "Good morning, babe." bati ko.
"Bakit ang aga mo magising?"
"Secret," ang pilyo ng pagkakasabi niya kaya na excite ako. "I'll be there in
fifteen minutes, see you babe. I love you." Hindi na ako nakasagot dahil binabaan
niya na ako ng phone. Mukhang nagmamadali siya. Na curious tuloy ako lalo kung
anong gagawin niya.

Nag ayos na ako at hindi ko alam kung paanong ligo at pag-aayos ba ang ginawa ko
pero wala pang fifteen minutes, nasa baba na ako. Sakto naman na pagdating ni
Caleb. May dala dala siyang dalawang bulaklak at isang tupperware. Sabi ni Ailee
masarap magluto si Caleb kaya bigla akong natakam. "Good morning po, Tito and Tita.
Binigay niya 'yong isang bulaklak kay Mom at 'yong isa sakin. "Good morning Kiro,
hi babe." He looks so happy.

"Thank you sa flowers, Caleb." Inamoy ni Mom ang bulaklak at mukhang tuwang tuwa
siya. Si Dad mukhang hindi natuwa pero tingin ko dahil naunahan niya si Caleb sa
pagbigay ng bulaklak kay Mom. "Kumain ka na ba?"

"Busog na po ako, kanina pa ako tikim ng tikim sa niluto ko," nilapag niya 'yong
tupperware sa mesa at pagbukas niya nanlaki ang mata ko sa niluto niyang
Pininyahang manok. Pareho pareho namin paborito 'to lalo na si Dad. "Niluto ko po
para sa inyo ni Tito Shawn." Naka poker face pa din si Dad pero alam ko na deep
inside natatakam na siyang kumain. "Sana po magustuhan niyo."

"You really cooked this?" Excied na tanong ni Mom. "It's our favorite, do you know
that?"

"Tinanong ko po kasi si Skie kung anong pagkain ba 'yong magugustuhan niyo at 'yan
'yong sinabi niya." Pare-pareho kaming natigilan.

Wait, what? Si Skie? How did he know?

"May problema po ba?" Tanong ni Caleb. "May nasabi ba akong masama?" Nagkatinginan
kaming lahat.

"Wala babe," hinila ko siya papunta sa upuan sa tabi ko. "Gutom na kasi kami kaya
mabuti pa kumain na tayo."

Habang tumatagal na gui-guilty ako dahil hanggang ngayon wala pa ding alam si Caleb
tungkol sa past namin ni Skie. I still can't decide if I need to say that or not.
"We need to talk before you leave." Bulong ni Kiro at tumango lang ako.

Hanggang ngayon ang dami pa ding tanong ni Dad kay Caleb pero si Caleb naman game
na game sumagot kaya tuwang tuwa kami ni Mom sakanya. Habang kumakain si Dad kitang
kita namin ni Mommy ang ngiti sa dulo ng labi niya. Alam kong nasarapan siya sa
luto ni Caleb, sino bang hindi? Akala mo professional chef 'yong nagluto nito.
Inaasar pa nga ako ni Mommy na hindi na daw ako magkakaproblema kapag naging mag
asawa na kami ni Caleb. Muntik pa akong mabulunan dahil sa don. Pagkatapos naming
kumain may ngiti na sa mukha ni Daddy. Ramdam ko naman na hindi niya gusto si Caleb
pero mukhang nagbabago na 'yon ngayon. Tama talaga 'yong saying na, a way to a
man's heart is through his stomach.

"We need to go Mom, baka ma-late na kami." Tumayo kami ni Caleb at sabay kaming
nagpaalam sakanila. "Bye Dad and Mom."

"Mag ingay kayo. Caleb, ingatan mo ang anak ko." Paalala ni Daddy. Hindi na siya
ganon ka suplado kay Caleb hindi katulad nang unang araw silang nagkita.

Pinauna ko na muna si Caleb sa labas pagkatapos kinausap ko si Kiro.

"How did my brother know about your favorite food?" Tanong niya. Kanina ko pa din
tinatanong sa sarili ko 'yon. "Did you tell him about it?"

"No I didn't! Can you ask him? I'm kinda bothered about it."

"Okay, I'll ask him. Go ahead your boyfriend is waiting for you." He's already
teasing me so I guess we're really okay now. Good to know. "Take care, I'll see you
later."

Sumakay ako sa kotse ni Caleb at hanggang ngayon ang laki pa din ng ngiti sa mukha
niya. Ngayon ko lang din na realized na mababaw lang din naman ang kaligayahan ni
Caleb. Minsan para siyang bata na kapag binigyan ko ng ice cream eh tatahan na siya
sa pag-iyak. Tatlong linggo na din kami ngayon at masasabi kong mahal ko na talaga
siya.

"You know what babe? Ang laki ng utang ko kay Skie. Kung hindi niya sinabi sakin
'yong favorite recipe niyo hindi ako magkakaroon ng pogi points sa Daddy mo." So
kaya pala siya excited dahil magpapapogi points siya kay Dad at kata siya masaya
kanina pa dahil successful siya sa plan niya. I find it cute specially if it's him
doing it. It's not usual for someone like him to do all of this. Kahit si Skie
hindi pinagluto si Daddy at Mommy. "Maybe I should always cook for him, what do
your think?"

Hindi ko na napigilan 'yong tawa ko. "You don't need to do that babe. Dad likes you
now, believe me, I know it. Isa pa ayokong palagi kang nagiging ng maaga baka naman
magkasakit ka niyan."

Lumapit siya sakin at hinalikan niya ako sa noo ko. "Ang sweet talaga ng girlfriend
ko."

"Mas sweet ang boyfriend ko."

Lumapit ulit siya sakin pagkatapos hinalikan na niya ako sa labi ko. Ang tamis ng
labi ni Caleb kaya hindi ko napigilan 'yong sarili ko na halikan siya pabalik. He's
so good at kissing that you can't resist to ask for more. Alam kong marami na
siyang nahilikan dati pero sa tuwing hahalikan niya ako ramdam ko ang pagmamahal
niya sakin.
Huminto siya at tinulak niya ako palayo. "If I kiss you further, I will lose
control and I don't want that to happen." Umiwas siya ng tingin sakin at bigla na
lang namula ang pisngi niya. "Tara na? Baka ma-late tayo."

Pinipigilan kong matawa. Ang cute ni Caleb kapag nahihiya siya. Kapag kasama ko
siya never kong naramdaman na playboy siya at isang jerk. Proud din naman akong
sabihin na nagbago na siya.

"Mauuna kang lumabas sakin pero wag kang magalala susubukan kong tumakas sa prof
ko. Hintayin mo ako sa canteen, okay?" Niyakap niya ako tska siya umalis. Nag bago
na siya pero pilyo pa din siya minsan pero okay lang naman kasi cute naman tignan
sakanya.

Pumunta ako sa class ko. Nakita ko si Skie sa likod katabi ng upuan ko. Pag upo ko
don binati niya agad ako. "Did they like the food?"

"Yeah, we liked it specially Dad," nandito na naman siya so might as well ako na
ang magtanong sakanya. "Ikaw daw nag sabi kay Caleb about don, paano mo nalaman?
Ang pagkakatanda ko, sinabi ko lang naman sayo 'yon nung naging tayo?" Natigilan
ako at parang hindi ako makagalaw.

Posible bang bumalik na ang alaala niya?

"Uhm.. I uh.. I asked my Mom." hindi ko alam kung bakit ako biglang nalungkot.
Hindi ba dapat ako affected sa ganitong bagay. Ano naman kung bumalik na ang alaala
niya? Wala pa din naman magbabago at isa pa masaya na kaming dalawa. "I'm happy to
see him like this. I'm glad you gave him a chance even though he's known as a
douche bag. He really loves you."

"I know and I love him too."

Minsan nakakatakot maging masaya nang ganito dahil pakiramdam ko sooner or later
may mangyayaring hindi maganda pero naisip ko na bala dahil sa bago na ulit sakin
ang lahat ng 'to kaya ako mag aalala ng ganito. Ang tagal din bago ako nakapag
move-on ng tuluyan kay Skie at masaya ako na naging worth it naman lahat ng
paghihirap ko. Masaya na ako ngayon. May boyfriend akong mahal na mahal ako at
kasama ko na din ang parents ko sa iisang bahay. Wala na nga ata akong mahihiling
pa.

Yeah, that's what I thought.

Hinintay ko si Caleb sa canteen. Sinamahan pa ako ni Ailee. Madaming tao dito pero
stand out pa din ang pagdating nila Anya sa place. Napataas ang kilay ni Ailee ng
dumiretso sila sa table namin. "What are you doing here, bitchy sister?" Iritang
sabi ni Ailee.
"May gusto lang akong sabihin kay Angel, tungkol 'to sa magaling niyang boyfriend."
Ngumisi siya at hindi ko gusto ang mga nangyayari. Bigla na lang akong kinabahan
kahit na hindi ko pa naririnig ang sasabihin niya. "Everybody, listen to me!" Lahat
ng tao sa canteen napatingin samin.

Hinawakan ni Ailee ang braso ni Anya. "What are you doing?!"

"Get off me!" Tinulak niya palayo si Ailee at ang nakangisi pa din siya sakin.
"Makinig kayo sakin!" Sigaw niya ulit. Nakatingin lang ako sakanya. "Alam niyo bang
niloloko lang ni Caleb 'tong si Angel?"

What? What the hell is she saying?

"Plano lang nila Skie na mapasagot ni Caleb si Angel para makaganti si Skie
sakanya. Lahat ng 'to isa lang palabas! Pinaglaruan lang nila Caleb si Angel at
itong babae naman na 'to, paniwalang paniwala!" Nagtawanan sila Anya at ang
kaibigan niya.

"Ilusyunda!" Sigaw ng mga kaibigan niya. Sinusubukan ko pa din kumalma kahit na


kanina ko pa gustong sampalin si Anya. "Assumera!" Nagtawanan ulit silang lahat.

"Shut up!" Sigaw ko. "Hindi 'yon magagawa sakin ni Caleb. Mahal niya ako at bitter
lang kayong lahat samin lalo ka na Anya kaya pwede ba? Leave us alone!"

Tumawa na naman siya na mas lalong nagpainit ng ulo ko. "Oh, nandito na pala sila
Caleb. Bakit hindi mo itanong sakanya ang totoo? Ang totoo na plano lang ang lahat
ng 'to. Plano nila na ma-in love ka may Caleb at kapag nangyari na 'yon
makikipaghiwalay din si Caleb sayo para masaktan ka at para bumalik ka na sa New
York! Ngayon alam mo na ang lahat, mabuti pa umalos ka na dito!"

Nilingon ko si Caleb, kasama niya si Skie, Enzo at Luke. Nakatingin lang ako
diretso sa mata niya. Hinihintay ko na sabihin niyang nagsisinungaling lang si
Anya, na mahal niya talaga ako pero wala akong narinig sakanya kung hindi ang
salitang, "Sorry Angel, let me explain." Kusa na lang pumatak ang luha sa mata ko.
Parang unti unting nadudurog ang puso ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

"Explain? Explain what?! Malinaw naman sakin 'yong sinabi niya eh, niloko niyo ako
at pinaglaruan niyo ako!" Wala na akong pakialam kahit umiyak pa ako ng umiyak sa
harapan nila. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon. Kasing sakit 'to ng
naramdamn ko nang nakipag break sakin ni Skie dati. "Pinagkatiwalaan kita Caleb!
Akala ko mahal mo talaga ako! Akala ko nagbago ka na talaga! Nagkamali pala ako!
Ang tanga tanga ko!" Pinunasan ko ang luha sa mata ko. Lumapit sakin si Caleb at
hinawakan niya ako pero nilayo ko agad ang kamay niya. "Wag mo akong hahawakan!"

"Babe nagkakamali ka, oo totoo na plano lang lahat ng 'to pero matagal na namin
tinigil 'yon simula nang mahulog talaga ako sayo. Totoong mahal kita, mahal na
mahal kita. Babe, please makinig ka sakin."
Sinungaling ka! Sinungaling kayong lahat!

"Wag mo akong tawaging babe! Wag ka nang magpanggap dahil nasaktan niyo na ako!"
Tinignan ko si Skie. Kahit kailan hindi ka na magbabago. Galit na galit ako
sakanya. "At ikaw Skie, akala ko sincere ka nang sabihin mong gusto mo akong maging
kaibigan pero hindi pala! Ganyan ba talaga kalaki 'yong galit mo sakin na gumawa ka
pa talaga ng plano para saktan ako at paalisin ako? You're so pathetic!"

"Angel, mali ka nang iniisip. Oo naisip ko 'yon pero tinigil na namin yon at
totoong minahal ka ni Caleb!"

"Hindi niyo na ako maloloko! Magsama sama kayong lahat!"

Tumakbo ako palayo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero gusto ko lang lumayo
sa kanilang lahat.

Akala ko totoo lahat ng sinabi ni Caleb pero ang tanga ko para maniwala sakanya.
Ang sakit lang kasi mahal ko na siya, eh.

Iyak pa din ako ng iyak. Hindi ko alam kung nang gagawin ko. Buti na lang tumawag
siya sakin. Kailangan na kailangan ko siya ngayon.

"Kiro.. please come here, I need you."

=================

Chapter 32: Forgive me

Pagdating ni Kiro, niyakap ko agad siya. Kailangan na kailangan ko ng masasandalan


ngayon. Kailangan ko ng maiiyakan. "Kiro, they all fooled me."

Pinunasan niya ang luha sa mata ko. "Stop crying, they don't deserve your tears." I
know they don't but it still fvcking hurts.

"I trusted him, Kiro. Akala ko nagbago na siya. Akala ko mahal niya talaga ako pero
niloko lang pala niya ako. The most hurtful part is I already love him." I can't
stop myself from crying. Parang pinipiga dahan dahan 'yong puso ko.

"He doesn't deserve you, Trix." Hinigpitan ni Kiro 'yong pagkakayakap niya sakin.
"Just forget about him, I'm here to help you, okay?" Pinunasan niya ulit 'yong mga
luha sa mata ko. "I'll take you home, you need to rest."

Inalalayan ako ni Kiro hanggang sa kotse niya. Hinatid niya ako sa bahay at buti ka
lang wala si Mommy at Daddy sa bahay dahil ayokong makita nila akong ganito. I
don't want them to worry about me.
Humiga ako sa kama ko habang si Kiro pumunta sa kusina para ipagtimpla ako ng tea.
Kanina ko pa pinipigilan 'yong sarili ko na wag umiyak pero hindi ko magawa.
Masyado akong nasaktan.

Kung wala siguro akong nararamdaman para kay Caleb ayos lang pero hindi, eh. Mahal
ko na siya. Binuksan ko na ulit 'yong puso ko para sakanya. Nag risk ako para
sakanya at nagtiwala ako. Paano niya nagawa sakin 'to? Paano niya ako napapaniwala
na mahal niya talaga ako?

Ang tanga ko kasi, eh. Naniwala agad ako. Naniwala akong nagbago na talaga siya.
Naniwala akong iba ako sa lahat ng babaeng nakilala niya. Naniwala ako na mahal nga
talaga niya. Naniwala ako sakanya pero nagkamali na naman ako.

Isa lang din pala ako sa mga babae na pinaglaruan at sinaktan niya. Isa ako don sa
mga babae na itatapon na lang niya bigla. Isa ako don sa mga babae na napaniwala
niya sa mga kasinungalingan niya. Isa ako sa mga tangang babae na minahal siya...
minahal ko siya, eh. Minahal ko siya pero bakit niya ako sinaktan ng ganito? Ang
sakit sakit, eh. Wala naman akonh ginawang masama sakanya pero ginawa niya sakin
'to. Bakit?

"Here's your tea," inabot niya sakin 'yong tasa. Uminom ako para kahit papaano
gumaan ang pakiramdam ko. "Alam ko nasasaktan ka ngayon pero hindi niya deserve
kahit isa sa mga luha mo. Niloko ka niya, Trix."

"Kiro mahal ko na siya, eh. Mahal ko na si Caleb pero bakit ganon?" Umiiyak na
namana ko. Lecheng luha 'to ayaw tumigil. Ayokong umiyak, ayoko na. "Alam kong
naglihim din ako sakanya, tinago ko sakanya 'yong tungkol samin ni Skie pero
sasabihin ko din naman sakanya 'yon, eh. Lahat ng pinakita ko sakanya totoo lahat
'yon.. totoong mahal ko siya."

Hinila ako palapit ni Kiro at niyakap niya ulit ako. Kapag yakap yakap niya ako
gumagaan ang loob ko. Kahit papaano, nababawasan 'yong sakit na nararamdaman ko
ngayon.

"Ang sama nilang lahat! Niloko nila ako. Sinaktan nila ako."

Iniharap ako ni Kiro pagkatapos pinunasan niya 'yong mukha ko.

"Forget about them, Trix. Wala silang kwenta kaya kalimutan mo na sila."

"It's not that easy, Kiro."

"Trix, sumama ka sakin sa New York. Kapag malayo ka sakanila mas madali mo silang
makalimutan."
What? Sa New York?

"Are you serious?" I looked at him and yeah he's serious about it. Napaisip tuloy
ako bigla. What if bumalik nga ako sa New York? "Do you think that would be a good
idea?" I'm not really sure about it but a good escape can work for me.

"Do you still want to see them? After what they've done to you? Trix, come with
me."

Hindi agad ako nakasagot. Oo nasasaktan ako ngayon at oo ayoko silang makita pero
ibang usapan kapag pumunta akong New York. "Kiro, I need to think about it first."

He looked disappointed but he still forced to smile. "Okay, you still have three
days ti think about it. I hope you'll choose what's best for you."

"I will but give me time to think about it."

Bago pa makaalis si Kiro sa bahay narinig namin sa labas si Caleb. Biglang bumilis
'yong tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses niya. Sinilip ko siya at
nagsisisigaw siya sa labas ng gate namin.

"Just stay here and let me face him." Utos ni Kiro. "Wag kang lumabas, dito ka
lang."

Sinunod ko si Kiro. Hindi ako lumabas pero nakatingin ako sakanila mula sa window
glass sa gilid ng pinto. Ang lakas ng boses ni Caleb kaya hanggang dito dinig ko
'yong mga sinasabi niya.

"Asan si Angel?" Tanong niya. Sumilip siya sa loob. "Angel! Lumabas ka dyan! Mag
usap tayo please!" Papasok sana siya pero hinarangan siya ni Kiro. "Ano ba?!
Bitawan mo ko! Kailangan kong makausap si Angel!" Hinawakan ni Kiro ang kwelyo ng
damit niya.

"I told you if you'll hurt her you will never see her and I will hunt you down."

"Hindi ko siya gustong saktan! Let me fvcking explain!" Hindi nag papawat si Caleb
kaya sinuntok siya ni Kiro. Sa sobrang lakas ng suntok na 'yon napahiga na lang si
Kiro. Hindi ko pa din maiwasan na mag alala para kay Caleb. Gusto kong lumabas at
awatin sila pero pinipigilan ako ng fact na niloko niya ako. "Ano bang problema
mo?!" Tumayo siya at lumapit ulit siya pero sinuntok lang ulit siya ni Kiro.

"Ikaw! Sinaktan mo 'yong best friend ko! Gago ka!" Sinuntok na naman niya si Caleb.
Dumudugo na 'yong labi ni Caleb pero hindi pa dib siya lumalaban pabalik. "Niloko
mo siyang hayop ka! You don't deserve her! Pwede ba?! Lubayan mo na si Trix!" Hindi
siya pinakinggan ni Caleb at lumuhod siya.
Bigla na lang siyang umiyak. "Angel, alam ko naririnig mo ko.. please mag usap
naman tayo. Mahal na mahal kita. Please kausapin mo ako!" Unti unting lumalambot
ang puso ko para sakanya pero baka part na naman 'to ng plano nila.

Hindi, hindi ka na dapat maniwala sakanila, Angel.

"Umalis ka na!" Sigaw ulit si Kiro. "Gusto ko bang magpatawag pa ako ng security?"

Tumayo si Caleb at tumingin ulit siya sa bahay. Hindi ko masabi kung nasasaktan ba
talaga siya ngayon o nagpapanggap lang siya para sa plano nila ni Skie. I can't
trust him anymore.

Pag-alis niya pumasok ulit sa bahay si Kiro. "Trix, don't believe him anymore. He
doesn't love you because if he really do, he'll not going to hurt you like this."
Kiro is right. He doesn't love me. "Just call me if you need me, okay? And think
about my offer."

Pagkaalis ni Kiro bumalik ako sa kwarto ko. Humiga lang ako sa kama ko. Hindi ko pa
din maiwasan na maiyak. Oo masakit maloko pero mas masakit kapag 'yong taong mahal
mo 'yong nanloko sayo. 'Yong taong pinagkatiwalaan mo ng sobra. 'Yong taong
nagbigay sayo ng rason para magmahal ulit.

Tama na Angel, kalimutan mo na siya. Niloko ka niya at hindi ka niya mahal.

Kinuha ko ang phone ko at ang daming text at missed call ni Caleb. Hindi ko na
binasa 'yong mga text niya. Binura ko lahat 'yon pati number niya. Binura ko din
lahat ng pictures namin sa phone ko. Kailangan ko na siyang burahin sa buhay ko.

Halos ganito din 'yong naramdaman ko nuon nang makipaghiwalay sakin si Skie nang
walang dahilan. Ang sakit na para bang dinudurog ang puso mo. Alam kong saglit pa
lang naging kami pero sa sandaling panahon na 'yon ay minahal ko na siya.

Natulog ako sandali at nagising ako dahil sa boses ni Mommy. "Beatrix, nasa baba si
Skie."

Napatayo agad ako. "What?!"

"Why? Is there something wrong?" Oo nga pala, walang alam sila Mommy dito. Ayoko na
din sabihin sakanila dahil mag-aalala lang sila. "May problema ba kayo ni Skie?"

"Wala Mom, hindi ko lang inaasahan na pupunta siya dito." Ang kapal ng mukha niyang
puntahan pa ako dito. "Bababa na din po ako." Pinauna ko na si Mom. Kinalma ko muna
ang sarili ko bago ako bumaba para harapin si Skie.

Nasa labas siya at nakaupo sa wooden chair katapat ng lanai. Tumayo lang ako
malapit sakanya. Sa totoo lang ayoko siyang makita. Oo, galit ako sakanya.
"Why are you here?" Nagulat ko pa ata siya. Tumayo siya pero pinigilan ko siyang
lumapit sakin. Akala mo napakaamo ng mukha niya. "May lakas ng loob ka pa talagang
humarap sakin." Pinipiglan ko lang 'yong sarili ko pero gustong gusto ko ka siyang
sigawan at sampalin pero hindi ko gagawin 'yon dahil nandito ang parents ko at
ayokong malaman nila ang lahat.

"Angel, let me explain."

"Explain what? Hindi naman ako tanga Skie, eh. Malinaw naman sakin na pinagplanuhan
niyo ako. For what? Para masaktan ako at para bumalik ako sa New York kasi gusto mo
akong mawala sa buhay mo." The least thing that I want is to cry in front of him
but I can't help it. Masakit pa din sakin ang lahat. "Wala naman akong ginawang
masama sa inyo para saktan niyo ako. Ang sama niyong lahat. Ang sama sama mo."

"Angel, nagkamali ako. I'm really sorry."

"You don't need to be sorry because you won. Nasaktan niyo ako. Nagtagumpay ang
plano niyo." Pinunasan ko agad ang luha sa mga mata ko. Sapat ng malaman niya na
nasaktan ako. Ayoko nang makita pa ng dalawa niya mata kung gaano ako nasasaktan
ngayon.

"Oo, galit ako sayo at gusto kong mawala ka na sa buhay ko pero dati 'yon, Angel.
Nagbago na ang lahat. 'Yong friendship na inalok ko sayo, totoo lahat 'yon. Totoong
mahal ka ni Caleb. Angel, makinig ka naman samin."

"Do you think I will believe you after what you've done?" Natawa ako. Ganon ba
kababa ang tingin niya sakin? "Hindi ako ganon ka-tanga para maniwala ulit sa inyo
kaya pwede ba? Umalis ka na."

"Angel--"

"Umalis ka na!"

Wala nang ibang nagawa si Skie kung hindi ang umalis. Napaupo ako at napaisip.

Tama talaga si Kiro. Hindi na talaga siya ang Skie na minahal ko. Mas malala pa
siya sa Skie nuon. Galit ako sakanya. Galit ako dahil siya ang dahilan kung bakit
ako nasasaktan ngayon. Galit ako dahil ibang iba na siya sa dating Skie. Ang sama
ng ugali niya. Siya ang nagplano ng lahat ng 'to. Ginawa niya talaga 'to para lang
mawala ako sa buhay niya. How pathetic.

Bago ako matulog, inisip ko ulit kung dapat ba akong sumama kay Kiro sa New York o
magpapaiwan ako dito.

Nakapag-isip na ako.. I'll stay here.


Gaganti ako sakanilang lahat. Ipaparamdam ko sakanila 'yong sakit na pinaramdam
nila sakin. Hindi ako basta basta na lang magpapatalo, babawi ako. I want to see
them miserable, si Luke, si Enzo, si Caleb at lalo na si Skie at ang bitch niyang
girlfriend.

I will all break you, just wait and see.

=================

Chapter 33: Last Chance (part 1)

Tatlong araw akong hindi nagpakita sa kanilang lahat. Nasa Tagaytay lang ako. Nag
paalam naman ako kala Mom at hindi na naman sila nagtanong pa. Wala nakaming pasok
dahil sem break na. Buti na lang din dahil ayoko pang makita kahit sino kala Caleb.
Hanggang ngayon masakit pa din 'yong ginawa nila sakin. Naloko, napahiya at
nasaktan ako. Hindi naman siguro ganon kadaling baliwalain 'yon lalo na 'yong taong
gumawa non sakin ay 'yong taong mahalaga at ang taong pinagkatiwalaan ko ng buo.

Hindi ko na naman tuloy naiwasan na maiyak.

Inisip ko lahat ng mga nangyari. Simula nang bumalik ako sa pilipinas, sa pagkikita
ulit namin ni Skie, sa panliligaw sakin ni Caleb hanggang sa nangyari three days
ago.

Iniisip ko nga kung tama ba talaga na bumalik pa ako dito. Kung nasa New York ako
ngayon, eh 'di sana hind ako nasasaktan ng ganito ngayon. Ano ba kasing nagawa ko
sakanila para saktan nila ako ng ganito? Ang gusto ko lang naman magbago si Skie at
bumalik siya sa dati. Minahal ko din naman ng totoo si Caleb. Ang tanga ko nga
siguro, naniwala ako na mapapabago ko ulit sila.

"Once a bad boy always a bad boy." Bulong ko sa sarili ko.

Naisip ko si Skie.

Nawalan na ako ng pag-asa na babalik pa ang Skie na minahal ko. Natanggap ko na sa


sarili ko na hindi na siya babalik pa at ibang Skie na ang meron ngayon. Kung gusto
niyang mawala ako sa buhay niya, pwes hindi ko 'yon ibibigay sakanya, sakanila.

Gusto kong maramdaman din nila kung ano 'yong naramdaman ko. Niloko ako, sinaktan
at pinahiya. For me that was the most humiliating thing I've been through. Ang
masakit pa, 'yong taong nanloko sakin ay ang taong pinapahalagahan ko.
Binuksan ko ulit ang phone ko.

Buong school alam na ang tungkol sa nangyari sa amin ni Caleb. Mula sa facebook ng
Bella Chicka hanggang sa instagram nila kalat 'yong video kung saan sinabi ni Anya
ang tungkol sa panloloko nila sakin, kitang kita pa don kung paano ako umiyak, kung
paano ako pagtawanan ng mga tao at ang masakit nakatayo lang don si Caleb at wala
man lang siyang ginawa para ipagtanggol ako. Paano ko pa paniniwalaan na mahal niya
talaga ako kung ganon 'yong nakikita ko? Sapat na ba 'yong pagpunta niya sa bahay
namin at 'yong pag-iyak niya? Paano ako makakasiguro na totoo na 'yon at hindi pa
din parte ng panloloko nila sakin.

Hindi ko din alam kung kanino ako maniniwala ngayon o kung may dapat pa ba akong
paniwalaan.

Nakalagay din sa article ng Bella Chicka kung paano nangyari ang lahat. Si Enzo,
siya ang nag bigay ng ideya sa grupo nila, Si Luke ang nag suggest na gawin nila
'yon, si Skie bilang leader nila ang nag utos kay Caleb ng lahat. Ang kailangan
lang niyang gawin ay ligawan ako, pasagutin, paibigin pagkatapos makikipaghiwalay
siya sakin para masaktan ako ng sobra at para mawala na ako ng tuluyan sa buhay ni
Skie at para bumalik ako sa New York.

What a perfect plan kaso may hindi pa sila nagagawa. Hindi pa ako bumabalik sa New
York at hindi ako babalik don dahil dito lang ako. Kailangan pa nilang maramdaman
'yong sakit na binigay nila sakin. Palaging sinasabi sakin ni Mommy na hindi dapat
ako magpaapi at magpatalo kahit kanino. Tinuruan niya akong maging matapang.
Hinding hindi ako magpapatalo sakanila lalo kay Skie at sa bitch na girlfriend
niyang girlfriend.

"Akala mo kasi kung sinong maganda!""Buti nga sakanya!""Masyado kasi siyang


assumera!""Isa lang naman talaga siya sa mga babae ni Caleb."

Humigpit 'yong pagkakahawak ko sa phone ko. Sa tuwing mapapanuod at nababasa ko ang


nga comments sa video na 'to mas lalong tumitindi 'yong galit ko sakanila. Kung
pagtawanan nila ako ganon ganon na lang. Bakit kaya kung sino pa 'yong nasaktan,
siya pa 'yong pinagtatawanan ng lahat? How pathetic.

"Miss, may bisita kayo." Sino naman kaya 'yon? Si Mom, si Dad at si Kiro lang amg
nakakaalam na nandito ako. May kutob ako na isa sa mga taong ayokong makita ang
nasa baba at naghihitay sakin. "Ailee daw ang pangalan niya." napaisip ako bigla.

Hindi ko pa alam kung may alam ba si Ailee sa plano nila Caleb o wala. Sa tingin ko
naging tapat naman siyang kaibigan sakin kaya dapat lang siguro na kausapin ko muna
siya bago ako mag isip ng kung ano sakanya.

"Papasukin niyo na lang po siya sa kwarto ko."

Inayos ko ang sarili ko. Kumatok si Ailee bago siya pumasok.


"Hi Ailee." Bati ko.

Lumapit agad siya sakin. Nakikita ko naman sa mata niya na nag aalala siya para
sakin. Sana lang wala siyang alam tungkol sa plano nila Skie dahil mas lalo akong
masasaktan kung pati siya niloko lang din pala ako. Siya lang ang nag iisa kong
kaibigan dito. "Nung isang araw pa kita tinatawagan pero nakapatay ang phone mo.
Alalang alala ako sayo."

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Kailangan kong malaman ang totoo. "Alam mo ba
'yong tungkol sa plano nila?" ang bilis ng tibok ng puso ko. Habang tumatagal na
hindi siya nagsasalita mas lalo akong kinakabahan.

"Wala akong alam don, Angel. Kung alam ko man ang tungkol don, sasabihin ko agad
'yon sayo." nakahinga ako ng maluwang sa sinabi niya. "Kung ano man 'yong
pinagdadaanan mo ngayon, nandito lang ako." naiyak na naman ako kaya lumapit ako
kay Ailee at niyakap ko siya. "Magiging maayos din ang lahat, Angel. Wag ka nang
umiyak." hinarap niya ako at pinunasan niya ang luha ko. Hindi ko alam kung anong
meron sa ngiti ni Ailee pero kahit papaano gumaan ang loob ko, para bang assurance
'yon na magiging maayos nga ang lahat.

"Hindi, hindi na magiging maayos ang lahat. Ailee, gusto kong iparamdam sakanila
lahat ng naramdaman ko. Gusto kong gumanti sakanila."

"Angel, galit ka lang kaya padalos dalos ka ngayon sa mga desisyon mo. Kalmahin mo
muna 'yong sarili mo para makapag-isip ka ng maayos. Give him one last chance
first."

"Ailee, paanong hindi ako magagalit? Pinagmukha nila akong tanga sa plano nila.
Pinahiya nila ako sa lahat."

"Alam ko kung anong nararamdaman mo ngayon, nangyari na din sakin yan pero sana
naman wag mong isara 'yong isip mo. Wag kang magpadala sa galit." Hinawakan niya
ang kamay ko. "Nakinig ka na ba sa explanation ni Caleb?" Umiling ko.

"Hindi ko na kailangan ng explanation nila. Tingin mo ba Ailee pagkatapos nila


akong lokohin, maniniwala na lang ulit agad ako sakanila?"

"Naiintindihan naman kita eh pero mukhang totoo 'yong mga sinasabi ni Caleb. Ramdam
ko na mahal ka talaga niya." Napatingin ako sa malayo. Sana kaya ko din maniwala
ulit kay Caleb pero hindi ko magawa, eh. Paano ako makakasigurado na hindi na nga
niya ako niloloko? "Angel, kausapin mo muna siya. Pakinggan mo muna 'yong
explanation niya. Hindi ba unfair naman kung hindi mo man lang siya
pagpapaliwanagin? Akala ko ba mahal mo siya?"

Hindi agad ako nakasagot.

Nalilito na din ako sa feelings ko ngayon. Oo minahal ko talaga siya pero dahil sa
sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon, naging unsure na ako sa feelings ko para
sakanya. Hindi pa naman ganon kalalim 'yong pagmamahal ko sakanya pagkatapos ganito
pa 'yong nangyari.

Ang hirap kasi kapag nasira na 'yong tiwala mo.

"Bumalik ka na sa Manila, puntahan mo si Caleb. Sasamahan kita." Mukhang desidido


si Ailee na isama ako pabalik ng Manila. Sa totoo babalik na din talaga ako dahil
mamaya na ang flight ni Kiro pabalik sa New York. "Please Angel, pakinggan mo muna
si Caleb. Kapag narinig mo na ang explanation niya at para sayo hindi pa din siya
nagsasabi ng totoo, tska ka na mag isip ng ganyan pero alamin mo muna 'yong side
niya."

Maybe she's right.

"Give me ten minutes to pack my things."

Ginamit namin 'yong kotse ni Ailee. Siya na ang nag drive habang ako tahimik lang
na nakaupo sa driver's side. Hindi nagsasalita si Ailee at tanging music lang ng
Paramore ang naririnig ko. Alam siguro niya na kailangan kong makapag-isip. Aaminin
ko padalos dalos ako ngayon sa mga desisyon ko pero dala lang naman 'to ng galit
ko.

Pinikit ko ang mata ko at nakinig lang ako sa music.

Tama si Ailee kailangan kong kumalma. Kailangan ko din pakinggan 'yong explanation
ni Caleb. Kailangan ko na din sakanyang sabihin ang tungkol samin ni Skie. Wala
nang point kung itago ko pa 'yon. Bigla akong natawa, may tinago nga din pala ako
sakanya pero kahit na hindi ko sinabi ang tungkol sakin ni Skie, totoo na minahal
ko siya. Totoo lahat ng pinakita ko sakanya. Ang masakit lang 'yong mga pinakita
niya sakin ay dahil lang sa plano nila. "Are you okay?" Tanong sakin ni Ailee
pagdating namin sa condo ni Caleb. Sinabi ko sakanya na dumiretso na muna dito bago
sa bahay. "Gusto mo ba magpahinga ka muna sa bahay niyo?"

"Okay lang ako, Ailee. Gusto mo bang sumama sa taas?"

"Hindi na, kailangan niyong mag usap na dalawa. Hihintayin na lang kita dito.
Angel, pakinggan mo muna siya, ha?" Ngumiti ako at tumango.

Nasa elevator pa lang ako kinakabahan na ako. Pagdating ko sa unit niya, kumatok
ako  at sa pangatatlong katok, pinagbuksan ako ni Caleb. Nagulat ako na wala siyang
damit at naka towel lang siya sa pang ibaba.

"I knew you'd come."

May kakaiba sakanya. Kakaiba ang aura niya. Biglang bumilis 'yong tibok ng puso ko.
Pakiramdam mo may mali pero hindi ko masabi kung ano 'yon.
"What do you want?"

"Pwede ba tayong mag usap?"

=================

Chapter 34: Last chance (Part 2)

Angel's point of view

Pinapasok niya ako sa condo niya. Malaki na 'yong pinagbago unit niya, magulo na at
makalat. Hindi ko tuloy maiwasan na maisip 'yong mga memories na meron kami dito.
All of a sudden gusto kong umiyak pero pinigilan ko 'yong sarili ko. Hindi ako
pwedeng umiyak sa harapan niya, ayoko na.

"Upo ka," pinaupo niya ako sa sofa katapat ng inuupuan niya. Umupo ako at
pinagmasdan ko siya. May kakaiba talaga sakanya. Ang cold niya at mukhang hindi pa
siya komportable na nandito ako. "Anong pag-uusapan natin?" 'Yan agad 'yong bungad
niya sakin. Hindi ko inaasahan 'yong ganitong treatment galing sakanya pero
pagkatapos nang nangyari, ano pa bang aasahan ko?

May mga luha na naman na gustong tumulo galing sa mata ko. Sinara ko ang kamay ko
para pigilan ang sarili ko. You can't cry now Angel, not now.

"Gusto kong mag fair sayo." Wala man lang pagbabago sa expression ni Caleb. Hindi
ako sanay na ganito siya. "Kaya ako nandito para sabihin sayo ang totoo. Hindi lang
ikaw 'yong naglihim sa ating dalawa dahil naglihim din ako sayo." Wala pa din
pagbabago sa expression ng mukha niya. "Ako at 'yong Trix na ex-girlfriens ni Skie
ay iisa." Nakatingin lang ako kay Caleb habang sinasabi ko 'yon, hinihintay ko
'yong magiging reaksyon niya. Ako pa ata 'yong nagulat sa aming dalawa kasi imbes
na magulat siya sa sinabi ko, ngumisi lang siya at para bang alam na niya ang
totoo.

Sandali, alam na ba niya?

"Nung una ayoko pa talagang maniwala sakanila kahit na ang dami na nilang patunay
pero t*ngina, ngayon ito, galing na mismo sayo. Totoo pala talaga ang lahat."
Huminga siya ng malalim pagkatapos kinuha niya 'yong baso sa harapan niya na may
laman na alak. Uminom siya bago siya nagsalita ulit. "Ang giling mo magpanggap,
Angel. Muntik na din akong maniwala sayo." Ramdam ko sa boses niya ang galit.
"Paano mo nagawa sakin 'yon ha?"

"Kaya ko lang naman nagawa 'yon kasi ayoko nang gumulo pa 'yong relasyon natin at
ayokong magkaroon kayo ng hindi pagkakaintindihan ni Skie."

"Anong pinagsasabi mo? Niloko mo ako, Angel! Niloko mo kaming lahat!" Napaatras ako
sa takot. Galit na galit siya at halos mabasag na 'yong baso na hawak hawak niya.
"Alam mo hindi mo deserve si Skie at lalong hindi mo ako deserve kasi manloloko
ka!"

Anong pinagsasabi niya? Bakit parang nagiging baliktad pa ang lahat? Hindi ba sila
ang nanloko sakin? Naglihim lang naman ako sakanya pero lahat naman ng pinakita ko
sakanya totoo. At bakit niya dinadamay 'yong relasyon namin ni Skie. Wala siyang
alam duon!

"Kayo ang nanloko sakin! Hindi ko lang sinabi sayo ang tungkol sa amin ni Skie pero
lahat ng pinakita ko sayo, totoo lahat 'yon Caleb!" Hindi ko na talaga napigilan
'yong pag-iyak ko. "Paano mo din nasabi na hindi ko deserve si Skie? Wala kang alam
don kaya pwede ba, wag mong idamay 'yon!"

"Kung Skie naloko mo pwes ako hindi." Pati siya umiyak na pero bakas pa din sa mata
niya 'yong galit. "Hindi mo na ulit ako malokoko, Angel."

"Ano ba kasing siansabi mo? Hindi kita maintindihan?"

"Caleb? Baby?"

Pareho kaming napalingon ni Caleb. Napahinto ako ng makita ko si Briana. Nakahubad


din siya at may towel lang din na nakapulupot sa kawatan niya. Parang nadudurog ang
puso ko sa mga nakikita ko. Mas lalo akong naiiyak pero pinupunasan ko lang ang mga
luha ko.

"What are you doing here?" Tanong ni Briana. "Hindi mo ba nakikita na nakakaistorbo
ka samin." Lumapit siya sa amin at pumulupot pa siya kay Caleb.

Hinawakan ko ng sobrang higpit 'yong mga tuhod ko. Gusto kong sumabog dahil sa
galit pero kinalma ko pa din 'yong sarili ko.

"Anong ginagawa niya dito, Caleb? May nangyari ba sa inyo?" Nakatingin lang ako
sakanya pero hindi siya makatingin sakin. "Answer me."

"Hindi pa ba obvious sayo?" Singit ni Briana. "Wag ka ngang tanga, Angel."

"Tumigil ka, hindi ikaw ang kinakausap ko. Caleb sagutin mo ako. Did you make out
with her?"

"Yeah.. does it matter to you?"

Oo nga pala, hindi naman nga pala totoo ang lahat. Hindi totoo na minahal niya ako.
Hindi naman totoo ang lahat nang meron samin kaya ano kung makipag sex siya sa iba?
Dapat kasi malinaw na sakin ang lahat na pinaglaruan lang naman niya talaga ako.
I'm so fvcking stupid.
"I thought it's already clear to you that what we had was just part of our plan.
It's now over, Angel. We're over, right? I think I can do whatever I want." Tumayo
siya at hanggang ngayon ang cold pa din ng aura niya. "May sasabihin ka pa ba?
Gusto ko nang maligo." Umiling na lang ako. "Briana, ikaw na 'yong bahala."
Naglakad siya palayo at pumasok siya sa banyo.

Napahawak na lang ako dibdib ko sa sobrang bigat nang nararamdaman ko ngayon. Ang
sakit pa din pala. Ngayon malinaw na malinaw na sakin ang lahat.

"Masyado ka kasing assumera. Akala mo ba talaga makukuha mo si Caleb?" Tumawa siya


ng malakas na para bang natalo niya ako sa isang laban. "Get over it, Angel.
Pinaglaruan ka lang nila at lahat naman alam na ang tungkol don. Pwede ba? Umalis
ka na. Wala kang lugar dito."

Tinitigan ko siya. Kung hindi lang ako nasasaktan ngayon, kanina ko pa siya
binalibag sa sahig.

"Wag kang mag alala, aalis ako pero ito ang tandaan mo, sa susunod na makita mo
ulit ako, ibang Angel na ang makikita niyong lahat. At sisiguraduhin ko na
mararamdaman inyong lahat 'tong sakit na nararamdaman ko ngayon."

Sinara ko ng malakas 'yong pintuan. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko nga
alam kung paano pa ako nakababa at nakabalik sa kotse ni Ailee.

Pagkakita ko pa lang kay Ailee, niyakap ko na siya nang mahigpit. Hinayaan ko na


'yong sarili ko na umiyak. Gusto ko nang iiyak ang lahat ng sakit na nararamdaman
ko ngayon. Gusto ko nang matapos ang lahat ng 'to. "Ailee.. ang sakit sakit."

"Angel, anong nangyari?

"Ailee, talagang niloko lang nila ako. Galing na din mismo sa bibig ni Caleb 'yon
at isa kasama niya si Briana sa condo niya at may nangyari sakanila."

Hinarap ako ni Ailee at pinansan niya ang mga luha ko. "I'm really sorry, Angel.
Akala ko mahal ka talaga ni Caleb pero nagkamali pala ako. Wag ka nang umiyak.
Magiging maayos din ang lahat, nandito pa naman ako para sayo."

"Thank you Ailee." Inayos ko ang sarili ko. Kailangan tanggapin ko na ang lahat.
Nasaktan man nila ako pero hindi ko hahayaan na masaktan pa ulit nila ako. Hindi ko
hahayaan na api-apihin na lang nila ako nang ganito. Hindi ako pinalaki ng parents
ko para magpaapi lang. Kagaya nang laging sinasabi sakin ni Mommy, hindi ako
pwedeng magpatalo o magpaapi sa kahit na kanino. "Hindi ako magpapatalo sakanila,
nararamdaman din nila lahat nang sakit na nararamdaman ko ngayon. Sinisiguro ko
'yon."

Hinatid ako ni Ailee sa bahay. Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa gate sinalubong


na agad ako ni Mommy. "Beatrix, I miss you!" Niyakap niya ako ng mahigpit. "How are
you? Are you okay now?"

"Yes mom, I'm okay. I just need a breath of fresh air but I'm good now."

"Well that's good. I know you're strong just like me." Kumakalma ako kapag nakikita
ko ang ngiti ni Mommy. "Kanina pa naghihintay sayo si Kiro, paalis na siya
papuntang New York."

Pumasok kami sa loob. Nag uusap si Dad at si Kiro pero huminto sila nang makita
nila kami ni Mom. "Beatrix, I'm glad you're back." Niyakap agad ako ni Dad. I'm
glad to be home. "How was your vacation? Was it good?" I smiled, it was good. Well,
I tried to think it that way. Ayoko silang mag alala pa sakin. Alam ko naman na
madami na silang iniisip ngayon lalo na tungkol sa business namin.

"Iwan na namin kayo, alam ko madami kayong pag-uusapan ni Kiro." Paalam ni Mom.
Pag-akyat nila lumapit sakin si Kiro at ginulo niya 'yong buhok ko.

"How are you?"

Niyakap ko si Kiro. Ayoko na din siyang mag alala pa sakin. Ayoko na maging mabigat
ang loob niya pagbalik niya sa New York. Mas mabuti nang isipin niya na maayos lang
ang lahat sa akin dito.

"I'm okay, getting better." Hinawakan ko ang kamay niya. "I will miss you, Kiro.
Wag mong kalimutan mag video chat pagkauwi mo ha?" Pinisil niya 'yong magkabilang
pisngi ko. "Mag ingat ka tska magpakabait ka duon ha? Lalo na kay Cyrene."

"Yes boss." Pang-aasar pa niya. "I know you that's why I know that you're not okay.
Ayoko man umalis pero mag sisimula na 'yong class ko." Hinawakan niya 'yong mukha
ko at tinignan niya ako diretso sa mata ko. "I know you can handle all of this but
promise me one thing, don't let them hurt you again. They're not worth your tears.
Promise me, okay?"

Tumango ako. "Promise."

Hindi na nagpasama si Kiro sa airport kaya sa labas ko na lang siya hinatid. Bago
siya umalis, niyakap ko muna siya nang sobrang higpit. Ayoko muna siyang umalis
pero hindi na siya pwedeng mag stay dito.

"Bye Trix, I will miss you."

"I will miss you too, Kiro. I'll see after six months, okay?" Niyakap ko ulit siya.
Lumapit siya sakin pagkatapos hinalikan niya ako sa pisngi. Medyo nagulat ako sa
ginawa niya pero hinayaan ko na lang. "Ikamusta mo na lang ako kay Cyrene ha? Have
a safe flight."
Pag-alis ng kotse ni Kiro, nakita ko si Caleb na nakasandal sa kotse niya. Ang sama
ng tingin niya pero hindi na siya lumapit o nagsalita pa, pumasok agad siya sa
kotse niya at umalis.

Hanggang ngayon aaminin ko na may feelings pa din ako para sakanya pero gagawin ko
ang lahat para mawala 'yon. Lahat nang nangyari samin ay puro kasinungalingan lang
at dapat ngayon pa lang kalimutan ko na ang lahay ng 'yon.

Pagpasok ko sa bahay, may notification akong nakita sa facebook ko. May nag tag
sakin sa isang picture sa page ng Bella chickas. Picture ni Caleb at Brinana na
magkahalikan sa isang club. Humigpit bigla ang pagkakahawak ko sa phone ko. Ang
kapal ng mukha nila. Talagang lantaran 'yong panloloko nila sakin pero sabagay alam
na naman ng lahat ang totoo.

Ang dami kong picture don na edited, lahat puro panglalait. Mas lalong nag init ang
ulo ko.

Hindi ako makakapayad na gaganituhin lang nila ako. Hindi pa nila alam kung anong
kaya kong gawin. Hindi pa nila ako lubusang nakikilala. Pwes, ipapakilala ko
sakanila kung paano ako magalit at kung paano ako gumanti. Sisiguraduhin ko na
iiyak silang lahat sa harapan ko.

Nagpaalam lang muna ako kala Mom. Pumunta ako sa pinakamalapit sa mall samin at
duon, gagawin ko ang unang step nang pagbabago ko.

Pumunta ako sa salon at duon, nagpagupit ako. Sobrang iksi na hanggang leeg ko lang
at nagpakulay ako na blonde. Pinalitan ko na din 'yong mga damit ko. Mas daring at
mas fierce. Gusto ko kapag nakita ulit nila ako next week, ibang iba na ako.

Get ready, Angel is gone and Beatrix is now here.

=================

Chapter 35: Reasons

Skie's point of view

Three days ago..

Pagdating namin sa canteen may kumpulan sa bandang gitna. Lumapit kami don at
nagulat ako ng makita ko si Anya kasama si Angel. Naunang maglakad sa amin si
Caleb.

"Oh, nandito na pala sila Caleb. Bakit hindi mo itanong sakanya ang totoo? Ang
totoo na plano lang ang lahat ng 'to. Plano nila na ma-in love ka may Caleb at
kapag nangyari na 'yon makikipaghiwalay din si Caleb sayo para masaktan ka at para
bumalik ka na sa New York! Ngayon alam mo na ang lahat, mabuti pa umalis ka na
dito!"

Halos hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko. Paano nalaman niya Anya ang tungkol
don?

Tinignan ko si Caleb at kahit siya gulat na gulat na parang hindi din siya
nakagalaw sa kinakatayuan niya. Hinawakan ko siya sa balikat niya. "Angel, let me
explain." Sambit niya.

Bigla na lang umiyak si Angel. Parang may kumurot sa puso ko. Pakiramdam ko pati
ako nasasaktan.

"Explain? Explain what?! Malinaw naman sakin 'yong sinabi niya eh, niloko niyo ako
at pinaglaruan niyo ako! Pinagkatiwalaan kita Caleb! Akala ko mahal mo talaga ako!
Akala ko nagbago ka na talaga! Nagkamali pala ako! Ang tanga tanga ko!" Pinunasan
niya ang mga luha sa mata niya. Lumalit sakanya si Caleb pero tinulak niya 'to
palayo. "Wag mo akong hahawakan!"

"Babe nagkakamali ka, oo totoo na plano lang lahat ng 'to pero matagal na namin
tinigil 'yon simula nang mahulog talaga ako sayo. Totoong mahal kita, mahal na
mahal kita. Babe, please makinig ka sakin."

Naiiyak na din si Caleb, ramdam ko 'yon.

"Wag mo akong tawaging babe! Wag ka nang magpanggap dahil nasaktan niyo na ako!"
Tinignan ako ni Angel at kitang kita ko sa mata niya ang galit. "At ikaw Skie,
akala ko sincere ka nang sabihin mong gusto mo akong maging kaibigan pero hindi
pala! Ganyan ba talaga kalaki 'yong galit mo sakin na gumawa ka pa talaga ng plano
para saktan ako at paalisin ako? You're so pathetic!"

"Angel, mali ka nang iniisip. Oo naisip ko 'yon pero tinigil na namin yon at
totoong minahal ka ni Caleb!"

"Hindi niyo na ako maloloko! Magsama sama kayong lahat!"

Tumakbo palayo si Angel sa amin. Nakatulala lang kaming lahat pati sila Enzo at
Luke. Totoo ba talagang nangyayari 'to? Parang ayokong maniwala.

"Tignan mo kung anong ginawa mong babae ka!" kitang kita ko sa mata ni Caleb ang
sobrang galit na pati ako natatakot sa mga pwede niyang gawin. Nasa likod ko lang
si Anya at ang higpit ng pagkakakapit niya sa kamay ko, alam kong pati siya
natatakot din kay Caleb. "Hindi mo ba alam na matagal nang tapos ang plano namin at
simula non lahat ng pinakita ko kay Angel lahat 'yon totoo na. Totoong mahal ko
siya! Kaso tignan mo 'yong nangyari, dahil sa ginawa mo nagalit siya sakin at ayaw
na niya akong pakinggan! Ano ba kasing problema mo ha?!"
Hawak hawak ni Enzo si Caleb sa balikat niya para hindi siya makalapit sa'min dahil
sa sitwasyon niya ngayon, hindi imposible na masaktan niya si Anya. "Caleb,
huminahon ka muna. Pag-usapan natin ng maayos 'to." sambit ko.

"Pag-usapan ng maayos? Kitang kita mo naman kung anong ginawa niyang magaling mong
girlfriend 'di ba? Pinahiya niya si Angel at sinaraan niya pa ako." pakiramdam ko
sumasakit ang ulo ko. Parang hindi ko kayang ipasok sa utak ko lahat ng mga
nangyari ngayon o sabihin na lang natin na hindi ko matanggap 'yong mga nangyayari
ngayon. "Alam mo pasalamat nga siya kasi girlfriend mo siya kasi kung hindi kanina
ko pa siya sinaktan."

"Hindi ko naman alam na tapos na 'yong plano niyo eh, akala ko tuloy pa din ang
lahat kaya ko 'yon nagawa! Akala ko mas makakatulong 'to para mas masaktan niyo si
Angel at para na din bumalik na siya don sa New York." hinawakan ni Anya ang kamay
ko at tumingin siya diretso sa mata ko. "Baby, maniwala ka sakin, nagsasabi ako ng
totoo. Akala ko kasi 'yon 'yong tamang gawin kaya ko 'yon ginawa. I'm really sorry.
Baby wag kang magalit sakin, please."

Bago pa ako makapagsalita nagsalita ulit si Caleb.

"Sorry? Ano pang magagawa ng sorry mo ha? Galit na samin si Angel at ayaw na niya
kaming pakinggan! Sabihin mo nga, may magagawa pa ba 'yang sorry mo? Sana tinikom
mo na lang 'yang bibig mo!" hindi pa din nawawala sa mata ni Caleb ang galit. Hindi
ko naman siya masisisi pero nagkamali lang naman si Anya sa ginawa niya. "Hahabulin
ko si Angel at ipanalangin mo lang na magkaayos kami kasi kung hindi, malalagot ka
talaga sakin! Sorry Skie pero ibang usapan na kapag si Angel ang envolve dito."

Kinuha ni Caleb 'yong gamit niya tska siya umalis. Hinarap ko si Anya at umiiyak na
siya. Gusto kong magalit sakanya pero hindi ko magawa. "Hindi ko naman talaga
sinasadya na sirain ang lahat kay Caleb, akala ko kasi.. akala ko mas makakabuti
'yon." humagulgol na siya ng iyak kaya hinila ko siya palapit sakin at niyakap ko
siya.

"Tahan na, magiging maayos din ang lahat. Kakausapin ko si Angel at sasabihin ko
sakanya ang totoo. Wag ka nang mag alala." pinunasan ko ang mga luha sa mata niya.
Kahit na hindi ko gusto ang ginawa niya, ayoko pa din siyang makita na umiiyak.
"I'll take care of everything."

"Kung gusto mo, kakausapin ko din siya para hindi na siya magalit pa."

"Hindi ka din niya papakinggan. Wag ka nang umiyak." ngumiti ako sakanya para kahit
papaano gumaan ang loob niya at hindi na siya umiyak pa. Sa mga ganitong panahon
kailangan kong intindihin si Anya. "Iuuwi na lang muna kita. We both need to talk."

"Are you mad at me, baby? Skie please say no. Hindi ko kaya kung pati ikaw
magagalit sakin. Hindi ko kakayanin kung mag-aaway tayo dahil lang don. Oo
nagkamali ako pero pinagsisisihan ko na 'yon." huminga ako ng malalim. Gusto kong
alisin kung anong inis o galit meron ako ngayon. "Baby, I'm really sorry."
"Let's just go home. We need to talk."

Hindi ko pa siya masagot dahil kailangan ko munang malaman ang lahat. Hindi ako
galit sakanya pero hindi ko din gusto kung anong ginawa niya kanina. Sobra na 'yong
pagpapahiya niya kay Angel.

Tahimik lang din siya habang papunta kami sa bahay nila pero hindi niya binitawan
ang kamay ko. Hindi ko na din muna siya kinausap. Mas mabuti na sa bahay na lang
nila kami mag-usap na dalawa.

"I'll make you your favorite sandwich, okay? Just wait in my room." Sambit niya
pagdating namin sa bahay nila.

Umakyat ako sa kwarto niya pagkatapos humiga ako sa kama niya. Ang daming nangyari
ngayon araw na 'to at medyo overwhelmed pa din ako.

Naisip ko bigla si Angel.

Kitang kita sa mata niya na nasaktan siya ng sobra. Hindi ko alam pero nasasaktan
din ako para sakanya kaya nga galit din ako sa sarili ko ngayon dahil ako ang may
dahilan kung bakit nabuo ang plano na 'yon. Ako ang may kasalanan kung bakit
nasasaktan ngayon si Angel at si Caleb. This is all my fault.

Sinara ko ang kamay ko. Gusto kong suntukin 'yong pader ngayon para mawala 'tong
gali na 'to.

Ang sama ko, ang sama sama ko.

"Baby," pumasok si Anya sa kwarto na may dala dalang tray na may lamang juice at
sandwich. Nilapag niya 'yon sa tabi ko at umupo siya makapit sakin. "Take it as a
peace offering. I'm really sorry, okay?"

"Hindi ka naman dapat sakin nag so-sorry, si Angel 'yong nasaktan at hindi ako."
sumimangot agad siya at mukhang ayaw niya sa idea. "Anya, you need to apologize to
them. Nasaktan mo sila lalo na si Angel. She deserves an aplogy from all of us."

She just rolled her eyes at me. "Fine, I'll do that for you."

"Kakausapin ko siya at kapag kumalma na siya duon mo siya kausapin." Tumango lang
siya. "Paano mo nga pala nalaman ang tungkol sa plano namin at kailan mo nalaman an
tungkol don?" umiwas siya ng tingin sakin pero hinawakan ko ang mukha niya at
hinarap ko siya sakin. "Sinusubukan kitang intindihin ngayon at para magawa ko 'yon
kailangan sabihin mo sakin ang lahat." hinawakan niya ang kamay ko at tinignan niya
ako diretso sa mata ko.
"Narinig ko lang ang lahat kay Enzo at Luke kahapon. Balak naman kitang kausapin
tungkol dito pero nakita na kasi ako ng chance kanina para mapahiya at masaktan ko
si Angel. Hindi ba 'yon naman ang gusto niyong mangyari? Ang masaktan siya para
umalis na siya dito."

Oo 'yon ang gusto kong mangyari pero dati 'yon, iba na kasi ang sitwasyon ngayon.

"Baby may gusto akong aminin sayo." nakahawak pa din ako sa kamay niya.

Kinakabahan ako pero naisip ko na mas makakabuti kung sasabihin ko na 'to.


Nahihirapan na din ako na magtago pa sakanya. Ngayong may alam na din siya mas
mabuti na malaman na niya ang lahat lahat.

"Matagal ko nang gustong sabihin ang lahat ng 'to pero natatakot ako na magalit ka
na naman sakin at mag-away na naman tayo kapag nalaman mo ang lahat kaya sinarili
ko na lang siya. Hindi ko alam kung narinig mo din 'to kala Enzo pero si Angel,
anak siya ng kaibigan nila Mommy at Daddy at simula nang dumating siya dito, sa
bahay na namin siya tumira. Galit na galit ka at pinapalayo mo pa ako sakanya kaya
naisip ko na kapag nalaman mo na sa iisang bahay lang kami nakatira, mas lalo kang
magagalit. Kaya ko naisip ang plan na 'yon para mapaalis na si Angel sa bahay at sa
buhay ko dahil nagiging dahilan lang siya ng mga problema ko at nang pag-aaway
natin."

Hindi nagbago ang exression ng mukha ni Anya. Hindi ko mabasa kung anong iniisip
niya. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Nagalit ba siya sakin? "Naiintindihan naman
kita, eh. Alam ko naman na ginawa mo lang ang mga 'yon para sa relasyon natin."
natuwa ako sa narinig ko pero may isang bagay pa akong kailangan sabihin sakanya at
alam ko magagalit at magagalit siya sakin.

"Baby, may isa pa akong hindi nasasabi sayo." hindi ko na naitago ang pag-aalala ko
at nakita naman niya ata 'yon dahil hinawakan niya ang mukha ko at ngumiti siya.

As if she's saying "Go ahead and say it, I will try to understand." Huminga muna
ako ng malalim bago ako magsalita.

"Ang totoo, ex-girlfriend ko si Angel." nanlaki ang mata ni Anya pero hindi siya
nagsalita, hinintay lang niya 'yong susunod ko sasabihin. "Nang magkaroon ako ng
amnesia, isa si Angel sa mga nakalimutan ko. Wala akong malala na kahit ano tungkol
sakanya, ang naalala ko lang, siya 'yong madalas magpahirap sakin nuonh high
school, silang dalawa ni Kiro. Hindi na sakin sinabi nila Mommy ang lahat tungkol
sakanya dahil si Angel na mismo ang nagsabi na wag na siyang banggitin pa sa akin.
Ang sabi niya bago ako magka-amnesia, nakipag hiwalay ako sakanya nang walang
dahilan kaya nasaktan siya ng sobra at nag decide siya na wag nang magpakilala pa
ulit sakin pagkatapos kong magka-amnesia."

Nilayo ni Anya ang kamay ko. Mukhang litong lito siya. "Hindi ako makapaniwala sa
mga naririnig ko. Tinago mo talaga lahat ng 'to sakin? Skie, maiintindihan ko naman
kung nang una pa lang sinabi mo na 'to sakin." hinila ko siya palapit sakin.
Exptected ko na naman na magiging ganito ang magiging reaksyon niya pero wala na
kong pakialam kung magalit siya. If this is the consequnces of my lies then so be
it.

I just want to be true to her. I've always been true to her ever since not just
until I've met Angel, again. "Hindi ko alam kung paano sasabihin sayo ang lahat.
Ayokong lang na pag-awayan natin 'yon dahil alam ko kung gaano ka kagalit sakanya.
Naisip ko na pagsisimulan 'yon ng mga pagdududa mo sakin at ayokong mangyari 'yon.
Anya, mahal na mahal kita at alam mo 'yon. Ayoko lang nawala ka sakin." Niyakap ko
siya nang mahigpit. Kahit na ang dami na naming pinagdaanan ni Anya, mahal na mahal
ko pa din siya. "Sorry din baby, sorry kung nilihim ko sayo ang mga 'yon. Ayoko
lang na mawala ka sakin. I love you so much."

Hindi siya nagsalita. Niyakap niya lang din ako. Kumakalma ako sa katahimikan na
meron kami ngayon.

"I understand, Skie." Sambit niya. "Apology accepted." Ngumiti siya sakin at
hinalikan niya ako. "Mahal na mahal din kita at ayoko din na mawala ka sakin."
Tinitigan ko siya sa mata niya at hinalikan ko siya. Matagal na simula nang mah
heart to heart talk kaming dalawa at pakiramdam ko mas lalong lumalalim 'yong
relasyon namin dahil dito. Mas lalo ko siyang nakikilala at mas lalo ko siyang
naiintindihan.

"Don't worry, kakausapin ko mamaya si Angel." Sambit ko. "Magiging maayos ulit ang
lahat."

Sana..

Nagpalaam na ako kay Anya at dumiretso ako sa bahay nila Angel. Pagdating ko don
sinalubong ako ni Tita Kim. Mukhang wala pa siyang alam sa nangyari. Naghintay ako
sa pool side.

"Why are you here?" Nagulat ako kay Angel. Tumayo ako at sinubukan kong lumalit
sakanya pero pinigilan niya ako. "May lakas ng loob ka pa talagang humarap sakin."
Puno nang galit 'yong mukha niya ngayon pero hindi ko siya masisisi.

"Angel, let me explain."

"Explain what? Hindi naman ako tanga Skie, eh. Malinaw naman sakin na pinagplanuhan
niyo ako. For what? Para masaktan ako at para bumalik ako sa New York kasi gusto mo
akong mawala sa buhay mo." Umiyak na naman siya. Gusto ko siyang lapitan para
pumanasan ang mga luha niya pero hindi ko magawa. "Wala naman akong ginawang masama
sa inyo para saktan niyo ako. Ang sama niyong lahat. Ang sama sama mo."

Alam ko, ang sama sama ko. Wala akong kwenta at galit ako sa sarili ko dahil sa
ginawa ko sayo.

"Angel, nagkamali ako. I'm really sorry."


"You don't need to be sorry because you won. Nasaktan niyo ako. Nagtagumpay ang
plano niyo." Pinunasan niya 'yong luha sa mata niya at ang sama ng tingin niya
sakin.

"Oo, galit ako sayo at gusto kong mawala ka na sa buhay ko pero dati 'yon, Angel.
Nagbago na ang lahat. 'Yong friendship na inalok ko sayo, totoo lahat 'yon. Totoong
mahal ka ni Caleb. Angel, makinig ka naman samin."

"Do you think I will believe you after what you've done?" Tumawa siya at parang
diring diri siya sakin. "Hindi ako ganon ka-tanga para maniwala ulit sa inyo kaya
pwede ba? Umalis ka na."

"Angel--"

"Umalis ka na!"

Sa expression ng mukha niya mukhang wala talaga siyang balak pakinggan ang kahit na
sino sa amin. Wala na din akong nagawa. Umalis na lang ako at umuwi.

Humiga ako sa kama ko. Ang bigat nang pakiramdam ko.

Kapag naiisip ko ang plan, naiisip ko din kung gaano ako kasama at naiinis ako sa
sarili ko. Ang layo ko sa Skie na nasa diary. Oo ganito ako dati pero simula nang
mabasa ko ang diary ko, nakita ko don 'yong pagbabago ko. Kaya siguro lumayo ang
loob sakin nila Daddy dahil naging ganito ako kasama. I feel so worthless right
now. Ang gago ko.

I really feel sorry for Angel. Pagkatapos kong mabasa ang diary pakiramdam ko
naging mahalaga na din siya sa akin. Hindi ko maiwasan na mag-alala sakanya. Ayoko
siyang masaktan nang ganito.

"Skie?" Kumatok si Yaya Josie at pinapasok ko siya. "May nagpadala ulit sayo pero
nakita ko na lang 'to sa mailbox. Ito oh," inabot niya sakin 'yong maliit na sobre.
"Sige iwan na muna kita dyan, maghahanda pa ako para sa dinner niyo."

"Okay, thank you Yaya."

Binuksan ko ang sobre at may tatlong piraso nang papel na nakalagay don. Mukhang
isa 'to sa mga pages sa diary ko. Binasa ko ang nasa itaas.

Dear Diary,

Manloloko siya. I saw her at my brother's unit and they're fvcking making out. I
can't believe it. I want to punch Kiro, I want to beat him so hard. Traydor siyang
hayop siya. I trust him so much but look what he did. Ginago niya ako. Galit na
galit ako sakanya lalo na sa magaling kong girlfriend. Three years, sa loob ng
theee year naging tapat ako sakanya kahit na ang daming tukso sa paligid ko. Wala
akong ibang tinignan na kahit na sinong babae, siya at siya lang ang palagi kong
naiisip. Damn her. She's a damn cheater and I hate her so much. This would be the
end of everything, tomorrow I'll break up with her and I'll go back to Philippines.
I don't want to see her anymore. Siya at ang traydor kong kapatid. Fvck them.
Magsama silang dalawa.

=================

Chapter 36: Traitor

https://www.youtube.com/watch?v=wKysONrSmew

Skie's point of view

Dear diary,Pinuntahan ko ulit si Kiro sa unit niya para kausapin siya kaso wala
siya pero nakapasok pa din ako sa loob dahil meron akong extra susi ng unit. Naiwan
niya pa ang phone niya at duon nakita ko ang text nilang dalawa ni Trix sa isa't
isa at pati mga litrato nilang dalawa habang magkahalikan. Hindi ko matanggap.
Niloko nila ako. Hindi na nila kailangan magpaliwanag pa dahil malinaw na sakin ang
lahat. Hindi naman ako tanga, eh. Ginago nila ako at hindi ko sila mapapatawad.

Last page..

Dear diary,Nakipagkita na ako kay Trix, sa favorite restaurant naming dalawa.


Hindi ko hinayaan na ako ang matalo sa aming tatlo. Hindi ko hinayaan na ma-satisfy
sila ni Kiro sa pangloloko nila sakin. Hindi ko hahayaan na ako ang umuwing
talunan. Hindi ko sinabi sakanila na alam ko na ang lahat. Nakipaghiwalay ako kay
Trix ng walang dahilan. Hindi na ako nag hintay ng ano pang paliwanag at mabilis
akong umalis. Dito na matatapos ang lahat..

Bigla na lang sumakit ang ulo ko.

Pinikit ko ang mata ko at sa pagpikit ko naalala ko ang pangyayari na nakasulat sa


diary. Simula sa gabing nahuli ko si Kiro at Angel sa unit hanggang sa
pakikipaghiwalay ko kay Angel sa restaurant na hindi ko pa din maalala kung saan.

Naalala ko na ang pangyayari na 'yon. Bumalik sakin lahat ng sakit at galit.


Traydor silang dalawa. Kaya pala kahit wala pa akong maalala, ganon na lang ang
galit ko kay Kiro. At kaya siguro inis na inis ako kay Angel nong una naming
pagkikita.

Siguro nga nakalimot na ang utak ko pero hindi ang puso ko.

Grabe, ang lakas ng loob ni Angel na magalit samin dahil niloko namin siya pero
siya mismo niloko niya ako. Anong klase siya? Ang kapal ng mukha niya.
Panahon na siguro para i confront ko si Kiro. Kailangan ko siyang kausapin.

Tumayo agad ako sa kama ko at pinuntahan ko si Kiro sa kwarto niya. Nakahiga siya
habang nakikinig sa iPod niya. Lumapit ako sakanya, tinanggal ko ang headphone sa
tainga niya at kinuha ko ang kwelyong damit niya. "What's your problem? Get off
me!"

"Sabihin mo, niloko niyo ba talaga ako ni Angel nuon? Tell me the truth!" I didn't
let go of him. He needs to tell me everything or else I'm going to beat him. "Did
you sleep with her while we're still together? Tell me!"

Tinanggal niya ang kamay ko sa kwelyo niya at ngumisi siya. "Do you really want to
know the truth?" He's really getting into my nerves now. Mas tumindi pa ngayon
'yong galit ko sakanya. "Are you sure can handle it?"

"Just tell me the fvcking truth!"

Gusto kong kalmahin ang sarili ko pero hindi ko magawa. Punong puno na ako kay
Kiro. Kung wala lang kami sa bahay ngayon, kanina ko pa siya binugbog.

"Yes, we cheated on you and yes we slept together so many times." He looked at me
straight into my eyes. Napakaseryoso niya. Traydor siya. Hindi ko siya mapapatawad.
"Angel loves me more than anyone of you because you know what? Until now we're
still together."

"What? You're still together? How about Caleb? Did she cheat on him too?"

"How could you consider that as cheating when in the first place, that relationship
is just for your fvcking plan? Overall, quits lang naman tayong lahat, hindi ba?"
ngumisi na naman siya. Kinuha ko ang kwelyo ng damit niya at sinuntok ko na siya.
Hindi ko na talaga kaya. Napahiga siya sa sahig at dumugo ang labi niya. "I thought
you can handle the truth?" Tumawa siya, tawa na nang-aasar. T*ngina niya. "Kaya
lang naman pumayag makipagrelasyon si Angel kay Caleb dahil nag away kami at
kailangan niya ng masasandalan pero ngayon okay na ulit kami. She doesn't need your
friend anymore."

"Gago ka!" Lumapit ulit ako sakanya pagkatapos sinuntok ko siya. Nagdilim na 'yong
paningin ko kaya wala na akong pakialam kung naliligo na siya sa sarili niyang
dugo. "How could you?! Niloko niyo na nga ako pati si Caleb niloko niyo din! Hayop
kayong dalawa!" Sinuntok ko ulit siya pero parang hindi siya nasasaktan. He's just
smiling at me all the time and it drives me so mad.

"Skie!" Sigaw ni Mom pero hindi ko sila pinansin. "Skie stop it!"

Sinuntok ko ulit siya. Sinuntok ko siya gamit ang buong lakas ko. "Dapat lang sayo
masaktan ng sobra! Hayop ka!"
"Skie! Anong ginagawa mo sa kapatid mo?" Tinulak ako ni Dad at lumapit agad sila ni
Mom kay Kiro. "Kiro are you okay? Answer me!" Alalang alala si Dad sakanya. Akala
mo naman malalang malala 'yong lagay niya.

"Dad, I'm fine." Sagot ng traydor kong kapatid. Ang galing niya magpaawa, akala mo
siya talaga 'yong biktima dito. "Don't worry about me." Paawa pa niyang sabi.

Tumayo si Dad at lumapit siya sakin. Nagulat ako ng suntukin niya ako na dahilan
para mapahiga ako sa sahig. "How could you do this to your brother?!" galit na
galit siya. Kitang kita ko 'yon sa mata niya. "Akala ko nagbago ka na pero
nagkamali ako. Wala ka na talagang pag-asa Skie!" lumapit sakanya si Mom at
pinigilan niya na makalapit pa sakin si Dad.

"Charles, huminahon ka." Hindi galit si Mom pero nakikita ko expression ng mukha
niya na disappointed siya sakin. Mas lalo lang tumindi ang galit ko. Ako na naman
ang mali. Ako na naman ang masama. What a life, what a fvcking life I have. "Skie,
kung ano pa man ang misunderstanding niyo ni Kiro hindi mo dapat siya sinaktan."
sinara ko ang kamay ko. Kung pwede ko lang sanang sapakin ulit si Kiro, gagawin ko.

"He deserves that Mom, he's a fvcking asshole."

"Ano? Ulitin mo nga ang sinabi mo?!" sigaw ni Dad. "Hindi naman kita ganyan
pinalaki pero bakit nagkakaganyan ka ha, Skie?"

Tumayo ako ng ako lang. So, it's me against them. I'm alone again. I have nothing
but myself again just because my parents are siding my asshole brother. Isn't it
great?

"Ano ba ako sa paningin mo Dad?" Sinubukan kong pigilan ang sarili ko na wag umiyak
pero nararamdaman ko na ang mga luha sa gilid ng mata ko. "What am I to you, Dad?"

Hindi siya nakasagot at tumulo na ang mga luha sa mata ko. This is the thing I hate
the most. 'Yong hindi nila maiwasan na maipamukha sakin kung gaano ka ka-walang
kwenta.

"You don't need to answer it, I already know. I'm just a failure, a big
disappointment and I'm nothing compared to your favorite son. I'm just nothing. I'm
useless and worthless."

"That's not true, Skie."

"That's how I felt, Dad. That's how you made me feel."

Kahit punasan ko ang mga luha sa mata ko hindi pa ako tumitigil sa pag-iyak. I
can't take it anymore. Tumakbo ako palabas ng kwarto ni Kiro at bumalik ako sa
kwarto ko. Kinuha ko ang bag ko at nag impake ako ng mga gamit, sinama ko na din
pati ng diary ko at lahat ng kailangan ko. Bumaba agad ako pero tinawag ako ni Mom
galing sa taas, tumakbo siya pababa at hinabol niya ako. "Skie, where are you
going?"

"Mom, I can't this anymore. Please just let me go, I need this." umiyak si Mom at
niyakap niya ko. "Mom, don't cry. Don't worry about me, I'll be fine. I just need
some space." I faced her and smiled. I just want to ensure her that everything will
be okay even though it's not. It will never be okay. "I'll be back when everything
is okay."

"Just tell me where you are and I'll be good with that." pinunasan ko ang mga luha
ni Mom. Kahit ano pang mangyari, hindi ko kayang makita si Mommy na umiiyak at
nasasaktan lalo na dahil kung dahil 'yon sakin. "Where would you stay?"

"I'll stay with Caleb. Don't worry, okay?" She just nod, knowing she can't do
anything about it. If there's anyone who understands me the most, it's her and she
knows that I need this. "I should go Mom, I love you always."

"Bumalik ka agad, anak. Mahal na mahal kita, tandaan mo 'yan."

Niyakap ko ulit siya at bago pa ako makaalis, tumingin ako sa taas at nakita ko si
Kiro at si Dad nakatingin sakin. Walang bahid ng pag-aalala sa mukha ni Dad at si
Kiro naman nakangisi lang habang nakatingin sakin. I wish I can beat him again.

There's no point explaining them everything because they'll not going to believe me
anyway. Si Kiro lang naman ang palaging tama para sakanila. Siya lang ang mabait at
ako ang masama sa aming dalawa. Sa nangyari ngayon, mas lalo akong naging masama sa
paningin nila.

Kung alam lang nila ang totoo.

Nag taxi ako papunta sa bahay nila Caleb. Pagdating ko don, hindi ko muna sinabi
sakanya ang totoo. Hindi pa ngayon. Hindi ko pa alam kung paano ko sisimulan ang
lahat sakanya. Alam ko na magagalit at magagalit siya sakin at may posibilidad din
na paalisin niya ako sa bahay nila pero siya lang ang pinaka pinagkakatiwalaan ko
sa lahat kaya dito lang ako panatag pumunta.

Naglabas siya ng beer at naginuman kami sa gilid ng pool nila.

"Ang gago talaga niyang kapatid mo. Gusto mo ako na lang bubugbog sakanya." Mukhang
seryoso siya sa sinabi niyang bubugbugin niya si Kiro, paano pa kung malaman niya
ang totoo? Ang totoo na si Angel at ang magaling kong kapatid ay may relasyon.
"Dati pa ako bad vibes dyan sa kapatid mo pero hindi ko lang siya magalaw dahil
alam ko naman na magagalit sayo ang daddy mo at lalo na si Angel. Ngayon na lumayas
ka na sa bahay niyo at wala na din naman kami ni Angel, pwede na natin upakan 'yon.
One time lang bro, ano sa tingin mo?"

"Wag mo nang aksayahin 'yong oras mo sa gagong 'yon. He's not worth of our time."
Uminom ulit ako. Matagal na din akong hindi nakainom. "He's an asshole."

"Feeling ko nga sinisiraan pa niya tayo kay Angel eh. Kapag napatunayan ko lang
talaga na totoo lahat ng hinala ko, pasensyahan na lang pero bubugbugin ko talaga
siya hanggang sa ma hospital siya."

Natigilan ako. Gusto ko nang sabihin kay Caleb ang totoo. Hindi niya deserve si
Angel dahil kagaya ko niloko lang din siya ng babaeng 'yon.

"Mahal mo pa din ba si Angel?"

Uminom siya at parang natulala pa siya. "Oo bro, mahal ko pa din siya." Huminga
siya ng malalim pagkatapos uminom ulit siya. "Ang lakas ng tama ko sakanya. Hindi
ko nga alam kung anong ginawa niya sakin, eh. I lover her so much." Ngumiti siya
kahit na alam kong nasasaktan siya ngayon.

"Kalimutan mo na lang siya, madami pa namang iba dyan."

"Hindi ganon kadali 'yon Skie. Iba si Angel sa lahat ng babae at hindi ko nga alam
kung makakahanap pa ako ng katulad niya. She's one of a kind."

Gustong gusto ko na talaga sabihin sakanya pero paano?

"There's something you need to know about her, Caleb."

Tumigil siya sa pag inom at tumingin siya ng seryoso sakin. "What?"

"Kasi.."

"Wait, someone is calling." Kinuha niya 'yong phone niya. "Hello? Oh? Oo nandito
ako kasama ko si Skie. Sige hintayin ka namin."

"Who's that?"

"Si Enzo, punta daw siya dito. Nandyan lang kasi siya sa malapit." Hindi muna
pwedeng nalaman ni Enzo ang lahat. Gusto ko si Caleb lang muna ang makaalam ng
lahat. "Ano na nga ulit 'yong sasabihin mo? Tungkol kay Angel?"

"Actually, wala naman talaga." Nagpatay malisya na lang muna ako. Maybe I can say
it tomorrow or later when Enzo's not here anymore. "Tara inom pa tayo."

Nagpatuloy kami sa pag inom. Pagdating ni Enzo, nagpabili pa si Caleb ng isang case
ng beer. Uminom kami hanggang sa maubos namin lahat ng bote ng beer. Kahit papaano
dahil sa alak, nagiging manhid ako pero alam ko na bukas babalik ulit lahat ng
sakit. Ang sakit na dinulot ni Angel at Kiro sa buhay ko.

Medyo nahihilo na ako umakyat na agad ako sa guest room nila Caleb. Hindi na kasi
ako sanay uminom kaya madali akong nahilo.

Natulog ako. Maya maya bumukas 'yong ilaw sa kwarto na tinutulugan ko. Hindi ko
maimulat 'yong mata ko pero naaaninag ko si Caleb. Nakatayo siya sa may study
table.

Ang tagal niya don, pagpikit ko hanggang sa pagdilat ko nandon pa din siya tska
parang may hawak hawak siyang bagay.

Bumilis bigla 'yong tibok ng puso ko ng marealized ko na nakapatong pala sa study


table na 'yon 'yong diary ko.

Nanlaki agad 'yong mata ko at naupo ako sa pagkakahiga ko. Ang sakit ng ulo ko pero
mas naisip ko ngayon si Caleb na ngayon ay hawak hawak na ang diary ko.

Tumingin siya sakin at sobrang seryoso ng mga tingin niya. "Totoo ba lahat ng 'to,
Skie?"

I guess this is, now is the right time to tell him everything.. all the lies and
betrayal.

=================

Chapter 37: Bro code

https://www.youtube.com/watch?v=LfVO2WtaqNs

Caleb's point of view

Ang alam ko lasing na ako pero hindi ako pwedeng magkamali sa mga nabasa ko. Ilang
taon ko nang kilala si Skie at alam ko ang hand writting niya kaya alam ko na sulat
niya ang nakalagay dito sa diary na hawak ko. Isa pa, konektadong konektado 'yong
mga sinabi niya sakin dati sa mga nangyari dito sa diary. Pumunta siya ng Amerika
one year ago para puntahan 'yong girlfriend niya at duon na siya naaksidente.
Pagbalik niya dito, hindi na niya maalala pa ang lahat tungkol kay sa girlfriend
niya. Maliban sa magkapareho sila ng pangalan, nung una pa lang napansin ko nang
pareho sila ng ugali pero mas pinaniwalaan ko si Angel nang sabihin niya na hindi
siya ang ex-girlfriend ni Skie. Naniwala ako sakanya.

Kaso sa mga nabasa ko, hindi ako pwedeng magkamali.


"Si Angel na ex-girlfriend mo at si Angel na girlfriend ko ay iisa?" Sunod kong
tanong kay Skie. Tumayo ako papunta sakanya habang hawak hawak ko ang diary niya.
"Sabihin mo sakin ang totoo, Skie."

Parang hindi pa niya alam kung anong isasagot niya sakin. "Oo, iisa lang sila."

Humigpit lalo ang pagkakahawak ko sa diary niya. "Kailan pa? Kailan mo pa nalaman
ang tungkol dito? Bumalik na ba 'yong alaala mo?"

Umupo siya sa pagkakahiga niya. Halatang masakit pa 'yong ulo niya dahil sa ininom
namin. "Bago pa maging kayo, nalaman ko na ang lahat. Hindi bumalik ang alaala ko,
nalaman ko lang 'yon dahil nakita ko 'yong mga pictures namin ni Angel at dahil sa
diary na 'yan."

Buti napigilan ko 'yong sarili kong sapakin si Skie.m dahil kung hindi kanina pa
siya bumulagtagta sa sahig.

Hindi ko matanggap na naglihim siya sakin. Paano niya tinago ang lahat ng 'to?
Hindi lang siya. Si Angel, naglihim siya sakin, nagsinungaling siya, niloko niya
ako. Paano niya nagawang magalit sakin ng ganito kung siya din naman pala naglihim
sakin?

"Alam ko galit ka sakin bro at maiintindihan ko kung susuntukin mo ako ngayon.


Hindi dapat ako naglihim sayo pero natakot lang ako na magkaroon ng lamat 'yong
pagkakaibigan natin dahil don. Alam kong may feelings ka na kay Angel at ayokong
guluhin pa kung anong meron kayo at isa pa ayoko na din pag-usapan ang tungkol sa
aming dalawa ni Angel. Tapos na naman kami ni Angel at wala na lang sakin 'yong mga
nangyari samin dati. I'm sorry bro."

Huminga ako ng malalim. Wala namang mangyayari kung magpapadala ako sa galit ko.
Pinilit kong intindihin si Skie. Sa lahat ng mga kaibigan ko, siya lang ang
pinagkakatiwalaan ko ng sobra. Isa siya sa mga taong mahalaga sakin dahil para ko
na din siyang kapatid. Alam ko mahalaga din ako sakanya at hindi siya ang taong ta-
traydor sakin. "May balak ka bang sabihin sakin 'to?" Tanong ko.

"Balak ko nang sabihin sayo lahat kanina kaso dumating si Enzo. Bro, maniwala ka
sakin sasabihin ko naman sayo 'yong tungkol don eh, hindi ko lang talaga alam kung
paano ko sasabihin sayo ang lahat."

Hindi ako nagsalita. Kinakalma ko pa din 'yong sarili ko. Hindi ko maalis 'yong
galit ko kay Skie. Galit kasi naglihim siya sakin. Galit kasi kahit papaano, sinira
niya 'yong pagtitiwala ko sakanya.

"Alam mong may posibilidad na paalisin kita dito sa bahay kapag nalaman ko 'yan,
'di ba?"
"Alam ko pero ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat. You know that, right?"
Yes, I know. "Kung papaalisin mo ako, okay lang. Naiintindihan naman kita, eh."

Yes I am mad at him right now but he's like a brother to me. Si Skie lang din naman
'yong nandyan para sakin sa tuwing mag-isa ako. Sa mga panahon na down na down ako.
Hindi niya ako iniwan.

"Do you feel anything for Angel?" I asked. Alam kong hindi pa din bumabalik ang
memories niya pero the fact na nabasa niya 'tong diary, some part him can remember
how he loved Angel before. "Skie, sabihin mo sakin ang totoo. Nung nalaman mo bang
ex-girlfriend mo si Angel, may naramdaman ka ba ulit para sakanya?"

"Bro, alam mo naman na si Anya lang 'yong mahal ko."

Not the answer I'm looking for.

"Yes or no, Skie."

Hindi agad siya nakasagot. Is it a yes? "No, I don't love her anymore."

I smiled. Well, that's all I need. "As long as you feel that way, we'll not going
to have any problem, Skie. You can stay here as long as you want."

Umalis agad ako sa kwarto niya. Kailangan ko pang uminom. Kailangan kong alisin
'yong galit na nararamdaman ko ngayon. Ayokong magalit kay Skie at kay Angel.
Pareho silang mahalaga sakin.

Nakaubos ulit ako ng isang case ng beer.

Sa tuwing tumitingin ako sa langit, si Angel lang ang nakikita ko. Mahal na mahal
ko siya na pakiramdam ko sasabog na 'yong puso ko dahil sa pagmamahal ko sakanya.

Iniintindi ko ngayon kung bakit siya naglihim sakin. Pareho ba sila ng reason ni
Skie? Dahil ayaw niya akong masaktan? Sana ganon nga. Sana din mapatawad niya na
din ako. Sana kausapin na niya ako kasi pakiramdam ko mababaliw na ako kakaisip
sakanya. Kaya ko naman kalimutan lahat ng nangyari para sakanya, eh. Kaya ko silang
patawarin ni Skie sa paglilihim nila sakin basta bumalik lang siya sakin. Mahal na
mahal ko siya, eh.

"Caleb," lumingon ako at nakita ko si Skie. "May isang bagay ka pang hindi
nalalaman tungkol kay Angel." May inabot siya sakin na tatlong papel na kung hindi
ako nagkakamali, papel pa din 'to ng diary niya.

Inabot ko 'yon at binasa ko 'yon.


Ang hirap i-proseso sa utak ko lahat ng mga nakikita ko ngayon. Totoo ba lahat ng
'to? Magagawa ba talaga 'to ni Angel? Hindi ako makapaniwala. Ang hirap tanggapin.

"Naalala ko na 'yong pangyayari na yan. Simula nang makita ko silang dalawa sa unit
ni Kiro hanggang sa makipaghiwalay ako kay Angel." Nilagay ni Skie 'yong kamay niya
sa balikat ko. "Bro alam kong mahal mo si Angel pero kailangan mong malaman ang
totoo, niloloko ka lang niya. Hanggang ngayon, sila pa din ng kapatid ko. Niloko
niya tayong dalawa."

"Hindi 'yon magagawa ni Angel."

"Nagawa na niya, bro. Kitang kita ko sa phone ni Kiro 'yong mga pictures nila ni
Angel habang magkahalikan sila, 'yong mga text message nila sa isa't isa. Kinausap
ko na din si Kiro at sinabi niya sakin ang totoo, na sila pa din ni Angel hanggang
ngayon. Ginawa ka lang panakip butas ni Angel nang panahon na nag aaway sila ng
kapatid ko. Ayokong magaya ka sakin. Wag kang magpaloko sakanila."

Inalis ko 'yong kamay ni Skie sa balikat ko pagkatapos sumakay ako sa kotse ko.
Kailangan kong makausap si Angel. Kailangan niyang sabihin sakin ang totoo. Gusto
kong sa bibig mismo niya manggaling ang lahat.

Nag drive ako papunta sa bahay nila. Wala akong pakialam kung mabangga pa ako o
hindi. Kailangan kong makausap si Angel kahit pa ilang beses na niya akong
pinagtabuyan.

"Angel!" Sigaw ko habang nasa tapat ako ng bahay niya. "Angel lumabas ka dyan! Mag
usap tayo!"

May nagbukas ng pintuan at akala ko si Angel na 'yon pero hindi. Mas lalong nag
init 'yong ulo ko nang makita ko si Kiro.

"What are you doing here?"

Hindi ko siya sinagot, sinuntok ko na agad siya. Matagal ko nang gustong gawin 'to
sakanya. Bagay lang sakanya 'yan. Hayop siya. "Traydor ka! Pati kapatid mo tinalo
mong gago ka! How dare you?!"

Tumayo siya at ngimisi siya sakin. "Alam mo na pala ang lahat. Mas maganda para
tigilan mo na 'yong girlfriend ko."

"Damn you!" Lumapit ulit ako sakanya pero binawian niya ako ng suntok. Napahiga ako
sa sahig tapos napahawak ako sa labi ko na dumudugo. "Anong girlfriend pinagsasabi
mo ha! Ako ang boyfriend niya! Girlfriend ko siya!"

"Not anymore." Nakangisi pa din siya sakin. Tumayo ako para suntukin ulit siya pero
nasuntok na naman niya ako kaya napahiga ulit ako sa sahig. Ang sakit na ng mukha
ko. "Hindi mo ako kaya, Caleb."
"Hayop ka talaga!"

"Tapos na ang papel mo kay Angel. Okay na kami kaya hindi ka na niya kailangan.
Kaya pwede ba? Tigilan mo na siya. Ayaw ka na niyang makita pa."

Pinilit ko pa din tumayo. "Shut up!" Pumunta ako sa gate nila Angel pero tinulak
ako palayo ni Kiro. Medyo nanghihina na ako kaya napahiga na naman ako sa sahig.
"Angel! Kausapin mo ako please!" Hindi ko na napigilan na umiyak. "Angel, sabihin
mong hindi totoo lahat ng 'to.. Sabihin mong minahal mo din talaga ako."

"Hindi ka niya minahal. Just go, Caleb. Angel doesn't need you anymore. Go away."

Pinagsarahan ako ni Kiro ng gate. Wala na akong magawa dahil nanghihina na ako.
Nawalan na lang din ako ng malay.

The next thing I know, nagising na lang ako sa kama ko. Anong nangyari?

"Dinala ka dito ni Skie kagabi." Sambit ni Yaya sakin. "Ano bang nangyari, Caleb?
Puro ka sugat sa mukha tapos may black eye ka pa."

Hindi ko na pinansin pa 'yon. "Yaya where's Skie?"

"Umalis na siya. Dala dala niya 'yong mga gamit niya. Hindi naman niya sinabi kung
saan siya pupunta."

What? Anong balak niyang gawin?

"Yaya, paki kuha na lang po ako ng gamot sa sakit ng ulo. Wag niyo na din pong
sabihin kala Mommy 'yong tungkol dito. Mawawala din 'tong mga sugat ko."

"Sige, magpahinga ka na dyang bata ka."

Buong araw akong hindi makatayo. Ang sakit ng mukha ko pati ng katawan ko. Buong
araw ko na din tinatawagan si Skie pero nakapatay 'yong phone niya. Nag aalala na
ako sakanya. Nasan na ba 'yong lalaking 'yon?

Dalawang gabi na akong inom ng inom. Hindi ko pa din matanggap lahat ng nangyayari.
Hindi ko matanggap na niloko nga ako ni Angel. Akala ko minahal niya talaga ako.
Gusto kong paniwalaan 'yon pero sa mga nalaman ko, malinaw pa sa sikat ng araw na
niloko lang talaga niya ako. Ang sakit. Ito na ba 'yong karma ko?

Nawalan na naman ako ng malay sa bar. Pag-gising ko nakita ko si Briana at nasa


unit na kami. "Anong ginagawa mo dito?"
"Lasing na lasing ka na kaya dinala na kita sa unit mo. Caleb, I'm just here to
help you." Lumapit siya sakin. "Alam kong nasasaktan ka ngayon dahil kay Angel.
Just forget about her, I'll help you."

"No, stay away from me." Tinulak ko siya palayo. Sinubukan kong tumayo pero masakit
pa din ang ulo ko. Gabi pa din at wala pa din akong tulog.

"Caleb, alam na namin ang totoo. Niloko ka lang ni Angel. Nakita namin nila Anya si
Angel at Kiro na magkahalikan sa labas ng bar kagabi. Wala ka ng malay kaya hindi
mo na 'yon nakita. Caleb, she doesn't deserve you. Just forget about her."

"Hindi totoo yan." Sambit ko pero may pinakita saking picture si Briana. Si Kiro
'yon na may kahalikang babae hindi kita 'yong mukha niya dahil nakatalikod siya
pero nakita ko na 'yong damit na 'yon. Sinuot na 'yon dati ni.. Angel. "How can she
do this to me?"

"Caleb, kalimutan mo na lang siya. Niloloko lang niya." Lumapit ulit sakin si
Briana. "Hindi ka naman ganyan, eh. Remember, ikaw si Caleb Maniego at hindi ka
basta basta nagpapatalo kahit kanino." Lumapit pa lalo sakin si Brina. "Let me help
you ease your pain.. forget about that girl."

Hinalikan niya ako pero hindi ako pumalag. Tama sila, niloloko lang ako ni Angel at
kailangan ko na siyang kalimutan. Hindi niya naman talaga ako minahal, eh. She
never did.

Kailangan kong ibalik 'yong dating ako. 'Yong dating Caleb na hindi marunong umiyak
at masaktan. 'Yong Caleb na walang ibang alam kung hindi maglaro at magpakasaya.

I need to go back to the old me. The old Caleb Maniego.

--

Skie's point of view

Ilang linggo na 'yong nakakalipas. Hindi pa ako pumapasok sa school at hindi pa ako
nagpaparamdam o nagpapakita kahit kanino, kahit kay Anya. Isang linggo na din
nakapatay 'yong phone ko.

Gusto ko lang mapag-isa at gusto ko din matuto kung paano mabuhay na mag-isa.

Umalis ako sa bahay nila Caleb dahil nahihiya na ako sakanya tska gusto ko na din
tumayo sa sarili ko. Tinapon ko na din lahat ng credit cards na meron ako at nag
settle na lang ako sa naipon kong pera.
Naghanap ako ng studio type na apartment, sa lugar na malayo sa lahat. Nag apply
din akong staff sa isang grocery store. Sakto na 'yong sahod ko dito para sa upa sa
apartment tska para sa panggastos ko. Kailangan ko na lang sigurong maghanap pa ng
isa pang part time job. 'Yong tuition ko naman sagot ng school dahil varsity player
ako. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko mapapanindigan 'to o kung saan ako
dadalhin nito pero gusto ko pa din subukan.

Next week na lang ako papasok sa school. Nagpaalam na naman ako sa professors ko.

"Miss! Nalaglag 'yong gatas!" Sigaw ko.

Hinabol ko 'yong babae na nakaiwan ng milk bottle. Paglingon niya nahulog ko 'yong
bote na hawak ko. Literal akong napanganga sa nakita ko. Tama ba talaga ako ng
nakikita?

"Angel?"

Ibang iba na siya. Maikli na 'yong buhok niya at blonde na siya. Ibang iba na din
'yong datinh niya.

Ngumisi siya sakin.

"It's Beatrix, not Angel."

=================

Chapter 38: Beatrix

Beatrix's point of view

"Beatrix, are you ready?"

Yes, I am ready. I am ready to face them. I'm ready for my revenge and I'm going to
make sure that I will break them, one by one. Lahat silang nanloko at nanakit
sakin. I will make them feel the pain they gave me.

"I'm ready Mom, I'll go down in a minute."


I put on my red lipstick. That's the last thing that will complete the new me.
Hindi lang itsura ang magbabago sakin pati ugali ko magiiba na. Hindi na ako
papayag na masaktan pa nila ako, hindi na ngayon.

I smiled.  This would be good. This should be good.

"Burn them down, Beatrix." I whispered.

Pagbaba ko pa lang nakita ko na si Ailee sa may sala. Literal siyang napanganga ng


makita niya ako. Well, I already expected that and I'm sure everyone will have the
same reaction as hers. Just the way I planned it.

"Wow.. Angel, ibang iba ka na ngayon."

Lumapit ako sakanya. "Say goodbye to that old Angel, Ailee. Wala na 'yong Angel na
nakilala mo. I'm now Beatrix." Til now hindi pa din siya makapaniwala. I don't know
if she likes the new me but she can't change me anymore. My decision is now final.

No one can bring me back to the old me. Kasama ng naputol kong buhok ang dating
Angel na kilala nila. Binaon ko na siya sa limot na para bang nagkaroon din ako ng
amnesia.

"Before you go honey," sambit ni Mom. Pinauna ko na si Ailee sa kotse. "Beatrix, I


need to know if everything is okay with you. You've changed alot and it's not just
about your hair and your look. I know deep inside, you've also changed. Tell me,
are you okay?" She looks really concerned about me and I can't help to feel bad
about it.

Ayokong idamay si Mommy at Daddy sa lahat ng nangyayari sakin ngayon pero ayoko
nang bumalik sa dating ako. "Mom, I need to go. Maybe we can catch up later?" I
hate to do this but I need to.

"Okay, just remember that your Dad and I are just here for you no matter what. We
love you, Angel Beatrix."

Hinila ako ni Mom at niyakap niya ako ng mahigpit. "I love you too Mom."

Kung may bagay man na hindi ko kayang talikuran, 'yon ay ang mga magulang ko. Sila
lang 'yong tanging tao na palaging nandyan para sakin. Sila  taong minahal ako ng
sobra sobra. Kaya as much as possible ayoko silang maaapektuhan sa pagbabago ko.

Kahit anong mangyari, I will always be their baby girl.

"Angel--" natigilan siya bigla. Siguro na realized niya na nagkamali siya ng tawag
sakin. "Beatrix pala, sorry hindi pa kasi ako sanay, eh." napakamot pa siya ng ulo.
Kahit na mukhang boyish si Ailee, may mga cute sides pa din naman siya.

"You can call me Trix, if you want."

"Okay, Trix.." huminga muna siya ng malalim bago siya nagsalit ulit. "Masaya ako na
okay ka na ngayon pero natatakot din ako sa mga pwede mong gawin, hindi sakanila
kung hindi sa sarili mo. Punong puno kasi ng galit 'yong puso mo ngayon eh at baka
sa huli ikaw lang din ang masaktan."

Alam kong concern lang siya sakin pero hindi niya kasi alam kung anong nararamdaman
ko, eh. Hindi niya alam kung anong sakit 'yong naramdaman ko simula ng lokohin at
paglaruan nila ako. Sila na pinagkakatiwalaan at pinapahalagahan ko.

"Ailee, wag kang mag-alala sakin. Alam ko kung anong ginawaga ko at hinding hindi
ko na hahayaan na masaktan pa nila ulit ako." Alam kong may gusto pa siyang sabihin
pero pinutol ko na agad 'yon. "Tara na, baka ma-late pa tayo."

"Basta kahit anong mangyari, nandito lang ako sa tabi mo." sinubukan niyang ngumiti
pero alam kong hindi siya masaya. Siguro sa ngayon hindi pa ako maintindihan ni
Ailee pero alam ko darating din 'yong araw na maiintindihan niya kung bakit ko
ginagawa ang lahat ng 'to. "Are you ready to see them?" tanong niya bago kami
pumasok ng campus.

"Yes, I am ready."

Naglakad kami ni Ailee sa Hallway, sa hallway kung saan palaging nakatambay ang mga
studyante. Mas mapapalayo kami kapag dito kami dumaan pero gusto ko na makita ng
lahat ang bagong ako. Ang Angel na pinagtatawanan at bibu-bully na ay wala na.

"Woah, grabe! Si Angel ba yan?""Ang ganda niya!""Ang laki ng pinagbago niya!"

Halos mabali na 'yong leeg nila sa pag sunod sa lakad ko. All eyes on me but just
what I expected. Lahat sila nagulat ng makita ako. 'Yong iba pinagbubulungan pa ako
pero wala akong pakialam. Pagbulungan nila ako magdamag, the hell I care. What I
want is to have my revenge, that's all. I have my plan all intact so nothing and no
one can ruin it.

"Sa susunod nga, hindi na ako sasabay sayo maglakad sa hallway. Lahat ng mata
nasa'yo. Kahit hind iako 'yong  tinitignan nila, naiilang pa din ako." sambit ni
Ailee. Ramdam ko nga na hindi siya komportable kanina pa. well, kailangan na niyang
masanay. "Sige na, punta na ako sa room ko. See you later."

"See you later."

Ayoko naman talagang idamay si Ailee sa mga problema ko at sa paghihiganti ko pero


ito na ako eh, kailangan niya nang masanay sa bagong ako. In this point, there's no
turning back.

Pagpasok ko pa lang sa room, natahimik na silang lahat. Akala mo nakakita sila ng


multo. Naglakad ako papunta sa likod, chin up pa din at wala akong pakialam sa mga
titig nila. I've prepared myself for this.

Wala pa kahit isa sa gang ni Skien ang nandito. Akala ko nga hindi na sila papasok
pero three minutes bago mag eigt, dumating silang apat na magkakasama. Too bad,
wala 'yong bitch na girlfriend ni Skie.

Nasa harapan pa lang sila, nakatingin na ako sakanila. Natigilan silang lahat ng
makita nila ako. Akala mo nakakita sila ng multo. Hindi siguro nila inaasahan na
makikita nila ako ngayon. Akala siguro nila magmumukmok na lang ako sa bahay namin
at iiyak. Well, they are all wrong. I'm not going to sit there and cry. I won't let
them ruin me, not anymore.

"Good morning," bati ng professor namin. Napilitan ng umupo nila Skie sa upuan nila
pati si Caleb napaupo na din sa upuan niya, sa tabi ko. "Welcome back students. How
was your semestral break?"

Lahat sila sumigaw ng okay exept kala Skie. Kung ako sakanila in-enjoy na nila
'yong sembreak dahil simula ngayon, papahirapan ko na silang lahat. They just have
to wait and see but definitely it will happen soon, I'll make sure of that.

Puro refresher lang 'yong diniscuss ng professor namin. Hindi ko na din namalayan
na tapos na lumipas na pala 'yong tatlong oras. Oo, mabigat 'yong pakiramdam na
makatabi ko si Caleb pero alam ko na siya ang mas apektado sa aming dalawa. Akala
siguro niya hindi na ako magpapakita pa sakanila, na babalik na lang ako sa New
York pero hindi, hindi ako magpapatalo ng ganon ganon na lang.

Sa totoo lang, simula bata palaban na ako. Katulad lang ng Mommy ko. Hindi siya
nagpapatalo lalo na kapag nasa katwiran siya. And I know I deserve to have my
revenge.

Sinadya kong ilaglag ang ballpen ko sa harapan ni Caleb. Yumuko ako para kunin 'yon
at habang inaangat ko ang ulo ko, nakatingin ako diretso sa mata niya. I can
clearly see that he's affected by my presence, which made me smile. My plan is all
working.

Nag bell na.

Tumayo agad si Caleb palayo sakin at palapit kala Skie. Tumayo na din ako pero
hindi ko inalis ang tingin ko kala Caleb. Nilingon nila akong lahat at habang
nakatingi sila sakin, hindi maipinta 'yong mga mukha nila. It gives me the
satisfaction that I want. "Just wait and see, boys."

Pumunta ako sa Starbucks kung saan naghihintay sakin si Ailee. Sa totoo lang
masyado nang overwhelming 'yong attention na binibigay nilang lahat sakin. Kahit
saang sulok ata ng campus, pinagtitinginan nila ko. It's not that I want their
attention but somehow I want to have an impact to them. Gusto kong makita nila kung
gaano nila ako binago. Kung paano nila pinuno ng galit 'yong puso ko.

"Ikaw na naman ang headline sa buong campus." sambit ni Ailee pagkatapos inabot
niya sakin 'yong phone niya. "Tingin ko nagulat silang lahat sa pagbabago mo."

Binasa ko 'yong headline.

The not so famous transferee is back. From being brunette, she's now the blondie
hot chick that you need to look for. Will Caleb make her fall again?

Oh.. not the headline I was thinking of. I expected worse than this. Well, not bad.
Hindi siguro si Anya ang gumawa nito kaya kahit papaano, maayos pa 'yong headline
dito.

"That's good at least they noticed me." even if not, they will eventually. Umaayos
talaga sakin ang lahat. "Anyway, alam mo ba kung bakit nag-uusap na ulit si Enzo at
si Luke? Hindi ba magkaaway silang dalawa?"

"Ang sabi sakin ni caleb, nagkaayos na daw sila. Although, hindi pa ganon katulad
ng dati pero magkaibigan na daw ulit sila. Bakit?"

"Oh, nothing. I'm just curious about it." I lied. She hasn't had to know it yet
since my plan for that two is not yet final. "Ailee, thank you for staying by my
side even though I know it's hard for you. Hind ako nagkamali na sayo."

"Yes, I'm not happy with what I'm seeing right now but if that what makes you happy
then I think I'll just have to accept it. You've been a true friend to me ever
since and I'm thankful for that Trix, so expect me to be here all the time."

"Thank you, Ailee."

Pagkatapos namin magkape, inaya ko si Ailee na pumunta sa auditorium. Don ginaganap


ngayon 'yong audition ng "Mr. and Ms. Enderun". Over the week, naging somewhat
stalker na ako nila Anya. Mas maganda kung may alam ako sa mga nangayayari
sakanila. Nalaman ko na sasali siya dito ka-partner niya si Skie kaya naisipan ko
din na mga sign-up at nakahanap na ako ng partner ko.

Pagpasok namin sa loob, nakaupo na sa harapan sila Anya at Skie. Tahimik lang
kaming umupo ni Ailee sa pinakalikod. Ayoko munang mapansin ako ng lahat. I want
them to be surpirsed specially Anya.

Nasa gilid na 'yong partner na nakuha ko, si Ashton. Nakilala ko lang siya sa
Facebook pero nagkita na kami last week. Gwapo siya at may laban naman siya pageant
na 'to kaya siya 'yong napili ko. Mukhang trip niya ako kaya napapayag ko siya.
Nag text ako sakanya para sabihin na nandito na ako at maghanda na siya.

May anim nang pares na ang nakatayo sa stage pero wala don si Anya o kahit si
Briana. Nagsalita 'yong student president namin at tinawag na niya 'yong next
applicant. Confident naman na tumayo si Anya kasama si Skie pagkatapos umkayat sila
sa stage. Natawa na nga lang ako kasi akala mo sila na agad 'yong nanalo. If she
thinks they'll going to win, she needs to think again.

Nagsalita ulit 'yong student president, "And for the last applicant.." Tumayo ako
pati na din si Trent. Bumaba ako ng stairs at halos lahat sila sa auditorium
nakatingin sakin. Ngumiti lang ako at nang magtama ang mata namin ni Anya,
nginisian ko siya. Gulat na gulat siya ng makita niya ako. Halos lumuwa na ang mata
niya.

Look at me now, bitch.

Lumapit sakin si Ashton at inalalayan niya ako paakyat sa stage. "You look so
beutiful, Beatrix. They are all looking at you."

"Get used to it, Ashton."

Natutuwa ako sa mga reaksyon na nakikita ko lalo na kala Anya. Sa malayo pa lang
alam ko sinasabunutan na ako ni Anya sa isip niya. Halatang nanggigil siya sakin.
Sige lang, manggigil ka lang sakin. Madami pa akong gagawin na mas ikakagigil mo.
Ikaw ang nangunguna sa listahan ng may mga atraso sakin, kayo ng magaling mong
boyfriend.

Pagtapos ng audition, umalis na agad kami nila Ailee at Ashton sa auditorium pero
sinundan kami ni Anya and friends.

Hinila niya ako braso ko pero inalis ko agad 'yong kamay niya. The nerve of this
girl.

"Bat sumali ka sa pageant?!" Ngumisi ako. By the looks of it, mukhang threaten
siya. Dapat lang. I'm not an easy opponent. "Tell me, what do you want?" Hindi ako
sumagot, nginisian ko lang siya. "You can never defeat me, Angel."

Tinaasan ko siya ng kilay. Ang tagal kong hinantay 'tong araw na 'to. 'Yong araw na
mababasag ko siya ng harapan.

"It's Beatrix, bitch."

=================
Chapter 39: Cheater

https://www.youtube.com/watch?v=Ix5z1bRz4Sc

Beatrix's point of view

"What? Did you call me a bitch?!" Nag-aapoy na siya sa galit. I'm enjoying this.
Ang sarap niyang tignan habang galit na galit siya. "Ikaw ang bitch satin dalawa!
Malandi ka!"

"Malandi? Are you referring to yourself?" Cool kong tanong kaya mas lalo siyang
nagalit. "You're just a waste of time," tinignan ko pareho si Ailee at Ashton.
"Let's go."

Nilagpasan namin sila pero hinawakan ako ni Anya sa kamay ko at hinila niya ako
paharap sakanya. Sasampalin niya sana ako pero nahawakan ko 'yong kamay niya. You
can never touch my face again.

"Bitawan mo ko!" Sigaw niya. Mas lalo kong hinigpitan 'yong pagkakahawak sa kamay
niya. Feel that, bitch. "Ouch! Ang sakit! Bitawan mo kong babae ka!"

Nakita ko sa likod sila Skie. Tumakbo sila papunta sa amin at saktong paglapit niya
samin binitawan ko 'yong kamay ng maldita niyang girlfriend.

"Angel! Anong ginagawa mo!" Sigaw niya. Nakasunod sakanya sila Caleb. Nginitian ko
silang lahat. "Bakit mo sinaktan si Anya?"

Pumulupot si Anya sa braso ni Skie at bigla na lang siyang nagpaawa. "Babe,


sinaktan na naman niya ako."

"Ano bang problema mo ha, Angel?"

"It's Beatrix, not Angel." Ngumisi ako at pinagmasdan ko si Anya at si Skie. "She
deserves that. Sa mga ginawa niya sakin kulang pa yan. Wag kayong mag-alala, hindi
lang naman si Anya ang pagbabayarin ko, lahat kayo magbabayad sa ginawa niyo
sakin."

"Deserve mo din naman lahat ng 'yon dahil manloloko ka." Singit ni Enzo.
"Pinagsabay ko si Caleb at si Kiro. Anong klase ka?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi
niya.

What is he talking about?

"Angel pwede ba, tigilan mo na kami." Singit naman ni Luke. "Hindi ka naman namin
ginugulo, eh."
Ang kapal ng mukha niyang sabihin yan. Hindi nila ako ginugulo? Kaya nga ako naging
ganito ng dahil sakanila. "Don't act as if I'm the one being bad here. Kung ano man
ako ngayon, dahil 'yon sa inyong lahat. No one can't stop me now."

"Let's just go Beatrix." Bulong ni Ashton. "They're just wasting our time."

"Uulitin ko, wala na ang Angel na nakilala niyo. Ako na ngayon si Beatrix at lahat
ng sakit na pinaramdam niyo sakin ipaparamdam ko din sa inyo 'yon. Just wait and
see."

Ngumisi ulit ako bago ko sila talikuran. Nagtama pa 'yong mata namin ni Caleb pero
walang kahit na anong emosyon akong nakita sa mata niya. Kung ano man 'yong iniisip
niya wala na akong pakialam don. The damage has been done and there's no turning
back.

Inaya ko si Ailee at Ashton sa Tagaytay. Ilang oras lang naman 'yong byahe papunta
don. Dalawang oras lang nandon na agad kami. Tumambay kami sa Tagaytay highlands.
Kailangan ko ng hangin dito at dito ko na din sasabihin kay Ailee ang tungkol kay
Skie. Hindi ko pa talaga pinagkakatawalaan si Ashton sa lahat pero kailangan niya
din 'yon malaman. Wala na naman mawawala sakin kung malalaman niya ang tungkol don.

"Ex-boyfriend ko si Skie."

Nakatingin lang ako sakanilang dalawa. Gulat na gulat si Ailee sa mga narinig niya.
Si Ashton, nakikinig lang sakin. Expected ko nang mangyayari 'to.

"Matagal na kaming magkakilala ni Skie and during fourth year high school, naging
kami kaso nag migrate kami nila Daddy sa Canada kaya naging long distance
relationship kami. After three years, nakipagbreak siya sakin ng walang kahit na
akong dahilan. Sobra akong nasaktan ako. Nung naaksidente siya sa New York,
nagkaroon siya ng amnesia at hindi na niya ako maalala, ako at ako lang 'yong hindi
niya maalala sa lahat. Naisip ko nga siguro baka gusto na talaga niya akong
kalimutan bago pa siya maaksidente. Hindi na ako nagpakilala ulit sakanya. Nag
move-on na lang ako pero after one year, pinaki-usapan ako ng Daddy niya na bumalik
dito para patinuin ulit si Skie katulad ng ginawa ko dati at 'yon duon na nagsimula
lahat."

Hindi agad sila nakapagsalita. Kung magagalit man si Ailee dahil naglihim ako
sakanya, maiintindihan ko siya.

"Alam na ba nila Skie ang tungkol dito?" Tanong ni Ailee.

"Alam na nilang lahat ang tungkol don. Sorry kung hindi ko agad nasabi sa'yo Ailee.
Masyado lang akong pre-occupied nang mga nakaraang week."

Hinawakan ni Ailee ang kamay ko at don pa lang alam ko na ang isasagot niya. "Okay
lang Trix, naiintindihan naman kita. Buti nga sinabi mo pa samin 'yong tungkol don.
At least alam ko na 'yong buong kwento. Alam na din ba 'to ng kapatid ko?"

"I think so. Kaya ganon na lang 'yong galit niya sakin."

"Hayaan na muna natin sila. We're here to chill out, right? Sayang naman 'yong
pinag-drive ko kung mai-stress lang kayong dalawa sakanila." Singit ni Ashton. "We
could just talk about the pageant."

"Well, good idea Ash." Sagot ko. "Twenty percent will go to the online voting which
means we have to make a name online."

"Wala naman na tayong problema sa'yo Trix dahil ikaw at ikaw ang laman ng Bella
page pati sa sariling social networking sites ng mga students ikaw ang topic."
Tumingin siya kay Ashton. "Ikaw naman Ash, sikat ka kasi Varsity player ka pero I
think kulang pa 'ton. Kailangan pa natin paingayin 'yong pangalan mo."

I have a good idea about that.

"Let's pretend that we're dating in that way, mapapasama ka sa mga article na
nandon ako. What do you think?"

Ngumiti siya. "It's my pleasure to be your boyfriend even if we're just


pretending." Nakatingin lang ako sakanya habang nagsasalita siya.

Mas gwapo pala talaga siya sa personal. Ang ganda ng mga mata niya at ang inosente
ng dating niya. Hindi ako nagkamali na siya 'yong kunin kong partner.

"Ikaw Ash ha! Baka ma-fall ka dyan sa kaibigan ko." Nginisian siya ni Ailee. Ang
lakas talaga niya mang-asar, eh. "Wala ka bang girlfriend? Mamaya bukod sa kapatid
ko may iba nang sumugod kay Trix."

"I don't have a girlfriend. The last time I had one was six months ago." Syempre
bago ako nag message sakanya, inalam ko na ang tungkol don. Kagaya ng sabi ni
Ailee, ayokong may panibagong susugod sakin. "Ikaw Beatrix, wala ka na ba talagang
feelings for Caleb or kay Skie?"

Hindi ako nakasagot agad. I was caught off guard. Do I still have feelings for
them?

Hindi na naman mawawala 'yong pagmamahal ko kay Skie, sa Skie na minahal ko hindi
sa Skie ngayon. Kaya masasabi kong wala na akong feelings para sakanya, sa Skie na
nakakaharap namin ngayon.
Tingin ko naman wala na akong feelings kay Caleb dahil lahat ng 'yon napalitan na
ng galit. Nakapag move-on na din naman siya sakin duon sa Briana na 'yon kaya 'yon
lang din naman ang dapat ko gawin.

"No, I don't have any feelings for them."

"That's good. Pagkatapos ng mga ginawa nila sa'yo dapat wala ka na talagang
feelings para sakanila. And you can't do your revenge if you still care for them."

"I know that Ash. I don't care about them anymore. All I care is to make them pay."

Alam ko in some way, magiging masama ako pero palagi ko namang sinusubukan na
maging reasonable sa mga actions ko. Ayokong maging bitch na katulad ni Anya. Siya
'yong low life class bitch. Hindi ako bababa sa level niya. They'll just get what
they deserve and that's it. Pagkatapos ng lahat ng 'to, titigil na ako at baka
bumalik na lang din ako sa New York.

Ilang oras na din kaming nakatambay dito. Parang nasa hot seat si Ashton habang
tinatanong namin siya ni Ailee. Gusto din naman namin siyang mas makilala pa.
Although wala pa siya sa circle of friends ko, I think I can trust him with some
things.

"I'll just go to the rest room." Paalam ko.

Nagbanyo lang ako sandali. Pabalik na din ako sa table namin kaso nakita ko si Anya
habang naglalakad siya.

Umupo siya sa table malayo sa amin at may kausap siyang lalaki. Alam ko kung anong
itsura ng likod ni Skie kaya sigurado ako na ibang lalaki ang kasama niya ngayon.
Ang tanong lang, sino kaya 'yon?

Tumayo silang dalawa kaya sinundan ko sila. Maingat lang ako habang sinusundan ko
silang dalawa, ayokong mahuli nila ako. Masama ang kutod ko sa dalawang 'yon. Sa
pagkahawak pa lang ni Anya sa kamay nung lalaki, kakaiba na. Nanlalaki ba siya?

Pumasok sila ng elevator. Damn it. Paano ko na sila masusundan? Madami pa 'yong
sumasakay kaya hindi pa sumasara 'yong pintuan.

Think Beatrix, think.

Tumakbo agad ako papunta sa fire exit. Buti na lang naka flat shoes lang ako kaya
nakatakbo ako ng mabilis. Kada floor, sinisilip ko kung bumaba na sila Anya. Susuko
na sana ako dahil sa pagod pero nang dumating ako sa fourth floor, nakita ko na
silang dalawa. Nagtago lang muna ako. Walang tao sa hallway ng hotel dito sa fourth
floor.

Tumapat sila sa room 408 pagkatapos nagulat ako nang hilahin ni Anya 'yong lalaki
pagkatapos hinalikan niya 'to.

Walang hiya siya. Kailan niya pa niloloko si Skie? Hypocrite bitch.

"I'm so hot tonight baby, I want you, I want you inside me.."

Sinara ko na lang 'yong kamay ko sa sobrang inis. "What the hell." Bulong ko sa
sarili. "Sabihin mo sakin ngayon na hindi ka malandi."

"Then let's do it tonight, baby."

Napanganga ako nang makita ko 'yong mukha nung lalaki na kasama niya. Bumilis bigla
'yong tibok ng puso ko.

What the hell is that?

Hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko. Totoo ba talaga lahat ng 'yon? Parang
ayokong maniwala. Hindi naman siya 'yon, eh. Hindi siya 'yon. Hindi pwedeng maging
siya 'yon.

"Make love to me tonight baby." Sabi pa ni Anya. Ang landi niya. Ang sarap niya
gisahin sa kumukulong mantika. "Come on baby.." Pumasok na sila sa loob ng room.

Ilang minuto din akong hindi nakagalaw sa kinakatayuan ko. Hanggang ngayon hindi pa
din talaga ako makapaniwala. Paano nila nagawang dalawa 'yon?

Bumalik na lang ako sa sarili ko ng tumawag si Ailee. "Where are you? We've been
looking for you."

"Pababa na din ako."

Pinuntahan ko na sila Ailee sa baba. Medyo wala pa din ako sa sarili ko pero hindi
ako nagpahalata sa kanilang dalawa.

"Saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap. Hindi ka din sumasagot sa mga


tawag ko. May problema ba?"

Ngumiti lang ako. "Sorry, may tinignan lang ako. Uuwi na ba tayo?"

"We still have class tomorrow. May student assembly din bukas at kailangan nandon
tayo, duon kasi tayo ipapakilala sa mga students as candidates." Sagot ni Ashton.
Updated talaga siya about sa pageant ha. "Tara na, iuuwi ko na kayo."

Hinatid muna namin si Ailee sakanila pagkatapos pumunta kami sa bahay nila Ashton.
Sobrang laki ng bahay nila dahil bukod sa may ari sila ng malalaking malls sa
Singapore, Governor din ang daddy niya.

"Why don't I drive you home then I'll just ask our driver to pick me up there."

"Don't bother. I'm okay."

Tinignan niya ako diretso sa mata ko. Ang inosente talaga ng mukha niya. "Beatrix,
thank you for giving me a chance to be your partner. Masaya ako na na nakilala
kita."

"Me too, Ashton. Thank you for everything. I hope all the best for us."

"Good night, I'll see you tomorrow. Take care, okay?"

"Okay, good night."

Ang totoo kaya ayokong magpahatid sakanya kasi pupuntahan ko pa si Skie. He needs
to know all of this.

Nag park ako sa tapat ng bahay nila. Nakita ko siya sa labas ng gate at nag
naninigarilyo siya. Kailan pa ulit siya nag yosi?

Hinawakan ko 'yong pintuan ng kotse ko pero may biglang pumigil sakin na bumaba.
Tama ba 'yong gagawin ko? Sasabihin ko ba talaga kay Skie lahat? Papaniwalaan ba
niya ako pagkatapos ng lahat ng mga sinabi ko? Malamang hindi at lalabas pa na
naninira lang ako.

Why do I care about his feelings anyway?

Tama, hindi ko na lang sasabihin sakanya ang lahat. Mas masasaktan siya kung siya
mismo 'yong makakahuli sa kanilang dalawa.

Hindi ko na pala kailangan gumawa ng way para makaganti sakanya. Mismong girlfriend
na niya 'yong gumawa ng way para masaktan siya.

Malalaman mo din ang lahat Skie at kapag nangyari 'yon, sisiguraduhin kong nasa
harapan mo ako at pinagmamasdan kang umiiyak.

Poor Skie, hindi mo alam na 'yong bitch mong girlfriend at 'yong gago mong best
friend ay niloloko ka.

=================

Chapter 40: Don't dare me

Beatrix's point of view

"Who is he?" Dad asked.

Hindi pa din alam ni Mom at Dad ang totoong nangyari sa amin ni Caleb. I still
don't want to tell them about it. It's too complicated and as much as possible I
don't want to involve them with this. I can handle this by myself.

The Mom suddenly asked, "Where's Caleb?"

So maybe I could just give them an idea.

"Dad, we broke up already and that guy is Ashton. He's my partner in our upcoming
pageant."

Nagkatinginan silang dalawa at may malaking question mark agad sa mga mukha nila. I
know them and I know that I need to explain this more but I don't have time
anymore, we will be late.

"We really need to go, I'll talk to you later. Bye!"

Tumakbo ako palabas at papunta kay Ashton. Naka blue jeans siya at white t-shirt
kaya ang sexy niyang tignan. Pinaghandaan talaga niya 'yong araw na 'to. Well, ako
din naman naghanda din. Light lang 'yong make-up ko ngayon pero naka blue backless
dress ako, hindi ako pwedeng matalbugan ni Anya dahil alam ko paghahandaan niya din
'tong araw na 'to. Kilalang kilala ko na siya at ayaw naayaw niyang nagpapatalo.

Pwes, nandito na angtatalo sakanya.

Ngayon pang alam ko na 'yong sikreto niya. Hawak ko na siya sa leeg at sa oras na
sabihin ko 'yon, paniguradong magugulo silang lahat.

"Good morning beautiful." bati ni Ashton.

"Good morning handsome," napatingin ako sa Porsche niya at walang wala 'yon sa
kotse nila Skie. "Nice car." I said smiling.
"Thank you, Beatrix. Regalo 'yan sakin ni Dad." Pinagbuksan niya ako ng pinto. The
usual thing he does. Kaya siguro madaming patay na patay sakanya. "Let's go, we
need to be early today."

Pagpasok ko sa loob tinawagan ko agad si Ailee. Nakalimang ring pa 'yong phone niya
bago niya sagutin. Wag mong sabihin na tulog pa siya? "Hi friend! Kakagising mo
lang?" tanong ko nang sagutin niya na 'yong phone.

"Uy hindi ah! Kakatapos ko lang maligo. Ikaw, nasaan ka na?"

Sumingit na si Ashton kaya hindi na ako nakapagsalita.

"Hi Ailee!" kitang kita ko dito sa upuan ko 'yong ngiti sa labi niya. Tinapat ko
sakanya 'yong phone para mas marinig pa siya ni Ailee. "On the way na kami sa
school. Sorry hindi ka namin madadaanan dyan, Porsche kasi 'yong gamit kong kotse
ngayon, eh."

"Okay lang, sasabay na lang ako sa parents ko. Mas maganda 'yong dalawa lang kayong
dadating sa school para mas lalo kayong pag-usapan. Hintayin niyo na lang ako
mamaya sa assembly. Okay? Bye."

"Bye!" Sabay namin sabi ni Ashton.

Saglit lang 'yong byahe namin dahil ang bilis magdrive ni Ashton pero hindi naman
ako kinabahan kasi race car driver naman siya. Pag park namin sa school,
pinagbukasan niya ulit ako ng pinto pagkatapos kinuha pa niya 'yong gamit ko.
Saktong sakto ang daming babae sa hallway malapit sa parking lot na nakakita samin.
As usual, pinagbubulungan nila ako at 'yong iba ang sama ng tingin sakin. Hindi na
ako magtataka, alam ko naman na patay na patay sila kay Ashton. Hindi ko sila
masisisi, dream guy naman kasi talaga siya, eh.

"I hate the way they looked at you but don't mind those girls, they're just jealous
of you. I'm just here for you, Beatrix." hinila pa niya ako palapit sakanya. "Just
stay near me, okay?"

Hindi ko alam kung ganito ba talaga ka attached sa mga kaibigan niya o baka
ginagawa niya 'to dahil sa partner niya ako sa pageant.

"You really don't need to protect me but thank you, Ashton."

Dumiretso kami sa assembly hall at pagdating namin don ang dami na agad tao. Nasa
harapan na sila Skie kasama si Anya at kung makakaway siya sa mga students akala mo
tumatakbo siyang Presidente ng Pilipinas. Habang pinagmamasdan ko siya natatawa na
lang ako sakanya, mukha siyang tanga.

Mas pinili ko na umupo sa kabilang side dahil ayokong makatabi sila Anya at isa pa
gusto ko silang makita sa malayo. After fifteen minutes dumating na din si Ailee.
"Wow, ang ganda ng get up niyong dalawa ha? Bagay na bagay kayo." 'Yan ang 'yong
bungad niya samin. "Mag start na ba?" hindi na ako nakasagot kasi namatay na 'yong
ilaw sa assembly hall tapos nagsalita na 'yong student president, si Kirby.

"Today, we will officially announce our candidates for Mr. and Ms. Enderun, are you
ready?"

Naghiyawan agad 'yong mga tao kasama na don sila Anya. Ang saya saya niya.

MWag kang mag-alala Anya, panandalian lang 'yan kaya sige, mag enjoy ka na.

Isa isang tinawag ni Kirby 'yong mga contestants hanggang sa matira na lang kaming
apat nila Anya.

Since friends naman si Kirby at Ashton, napakiusapan namin siya na kami na lang
'yong huling tawagin. Save the best for last. Gusto ko kami 'yong huling maaalala
ng mga students.

"Second to the last contestants," tumingin sa likod si Anya at hinanap niya agad
kami. Nagtama 'yong mata namin pagkatapos ngumisi siya sakin. "Skie Gonzales and
Anya Kate Lee." Nanlaki 'yong mata niya, mukhang hindi niya ini-expect na sila na
'yong tatawagin. Gusto niya din siguro na huli na sila tawagin.

Tumayo silang dalawa ni Skie at habang umaakyat sila ng stage, nakakunot na 'yong
mukha ni Anya. Akala mo naagawan siya ng shining moment. Buti pala talaga kami
'yong huling tatawagin. Ang sarap niya tignan habang naiinis siya lalo na sa
mababaw na dahilan lang naman.

Nagpalakpakan 'yong mga tao. Hindi ko naman ikakaila na si Anya at Skie ang may
pinakamalakas na cheer sa lahat ng mga tinawag. Pareho silang sikat sa campus kaya
hindi ko sila pwedeng maliitin. 'Yon din 'yong dahilan kaya hindi ako
nagpapakampante lalo na alam kong gagawin ni Anya ang lahat para manalo dito. Hindi
niya hahayaan na matalo ko siya dahil hindi kakayanin ng pride niya 'yon.

"Last but definitely not the least," hindi pa man din kami tinatawag,
nagsisigiyawan na agad 'yong mga tao. "Ashton King and Beatrix Dela Fuente!" Mas
lumakas 'yong hiyaw ng mga tao kaysa sa hiyaw nila kanina kay Skie at Anya.

Tumayo si  Ashton at inabot niya sakin 'yong kamay niya. Inalalayan niya ako
hanggang sa makarating kami sa stage. Taas noo akong naglakad habang nakangiti sa
lahat.

Nakatayo kaming lahat sa gitna ng stage habang nagsasalita si Kirby. Inexplain niya
kung paano bumoto online pati na din 'yong mga criteria for judging. May naisip na
si Ailee talent para sa amin ni Ashton at para sa online voting, kami ni Ashton ang
bahala don. Sa mga fangirls pa lang niya, panalo na siguro kami.
"Once again, our candidates for Mr. and Ms. Enderun!"

Nagpalakpakan ulit sila pagkatapos pinababa na kami ng stage. May ilang messages
lang 'yong buong student council at yong School President pagkatapos non tinapos na
nila 'yong assembly. Hinatid naman ako ni Ailee at ni Ashton sa room ko.

Halos lahat ng classmate ko don, binati ako. First time nilang gawin 'yon dahil
dati parang wala lang ako sakanila. Para sakin good thing 'yon lalo na para sa
pageant.

Binuksan ko 'yong phone ko at tinignan ko agad 'yong website ng Bella's at tulad ng


inaasahan ko, kami ni Ashton ang headline don. May pictures don habang inaalalayan
ako ni Ash pababa ng Porsche niya kanina.

Is Campus Heartthrob Ashton King dating the new IT girl, Angel Beatrix Dela Fuente?

Umaayon talaga lahat sa plano namin. Paano nga kaya kung kami 'yong manalo?
Matatanggap kaya 'yon ni Anya? Ngayon pa lang na i-imagine ko na 'yong mukha niya.

Pumasok sa room si Caleb. Tinitignan ko siya pero hindi siya tumingin sakin.
Nakasuot siya headset habang nakalagay sa bulsa niya 'yong kamay niya. Dumiretso
siya sa tabi ko. Hindi ko siya pinansin. Buong lecture tahimik lang kaming dalawa.
Pagkatapos ng class, niligpit ko agad 'yong gamit ko pagkatapos tumayo na ako at
umalis.

Pumunta muna ako sa locker ko pero hindi ko alam sinundan pala ako don ni Caleb.
Hinila niya ako papalapit sakanya kaya nagtama 'yong mata namin pero hindi ako
nagpaapekto sakanya. Nakangiti lang ako na para bang wala akong pakialam sakanya.

"Kayo na ulit ni Kiro, 'di ba? Bakit hinahatid sundo ka pa nung Ashton na 'yon ha?
Anong klaseng babae ka ba talaga?"

Inalis ko agad 'yong kamay niya sa braso ko. Anong pinagsasabi niya? Nababaliw na
ba siya?

"Kami ni Kiro? Are you even serious? Best friend ko lang siya kaya pwede ba wag
mong gawan ng malisya 'yon."

"Siya mismo nagsabi sakin! Sabi niya may relasyon kayong dalawa! Wag ka nang mag
maang-maangan pa!"

He looks so desperate. Kung ano ano na 'yong lumalabas sa bibig niya. Akala ba niya
maniniwala ako sakanya? For sure sinisiraan lang niya si Kiro sakin dahil bakit
naman sasabihin ni Kiro 'yong bagay na 'yon?
"I don't really know what you're talking about. Kung mag date man kami ni Ashton
walang masama don dahil pareho kaming single. Kaya pwede ba? Leave us alone."

Nilagpasan ko si Caleb pero hinawakan na naman niya ako sa braso ko. May kakaiba na
ngayon sa mga mata niya. "Sabihin mo, minahal mo ba talaga ako?"

Oo minahal talaga kita pero sinayang mo lang lahat 'yon Caleb dahil niloko mo lang
ako.

"Bitawan mo ako!" Sigaw ko.

"Sabihin mo muna sakin 'yong totoo, minahal mo ba talaga ako?"

"Beatrix!" Napalingon kami pareho kay Ashton. Tumakbo siya papalapit samin
pagkatapos hinila niya ako palayo kay Caleb. "What are you doing to her?" Mukhang
concern na concern siya sakin.

"Ash, I'm fine. Let's just go."

"Angel, sagutin mo ako." Tinignan ko ulit si Caleb sa mata niya. Nakita ko ulit
'yong mata na nakita ko dati sakanya pero wala na akong pakialam don. "Please,
answer me."

"Hindi, hindi kita minahal. Ayan masaya ka na? Tigilan mo na nga ako."

Pakiramdam ko parang nadudurog ngayon 'yong puso niya. Hindi ko alam kung totoong
nasasaktan nga siya ngayon o kung bakit siya nagkakaganyan pero wala na akong
pakialam. Sa oras na magkaroon ulit ako ng pakialam sakanya, masasaktan at
masasaktan lang ulit ako at masasayang lang lahat ng plano ko.

There's no turning back, Trix.

"Let's go, Ashton."

Nilagpasan na namin siya ni Ash. Pumunta kami sa canteen kung nasaan si Ailee. Busy
siya habang nakaharap sa laptop niya. Ano kayang ginagawa niya?

"Hello Ailee, what are you doing?"

"Hi! Inaayos ko 'yong campaign card niyong dalawa para don sa online voting."
Nagkatinginan kami ni Ashton. May ganon pa ba talaga? "Kailangan niyo 'to para mas
dumami 'yong votes niyo."

"Manager ka na ba namin, Ailee?" Pang-aasar ni Ashton. "If you are, you're so


dedicated."

"Oo manager niyo na akong dalawa." Natatawa pa niyang sabi. "Ang talent fee ko lang
naman, 'yong dalhin niyo ako palagi sa Tagaytay para magkape."

"Is that it? That's easy, Ailee." Confident na sabi ni Ashton. Sige, siya palagi
mag drive ha. "But you know seriously, you don't need to do that."

"Okay lang sakin 'to Ashton, ibang satisfaction 'yong mabibigay sakin kapag nakita
kong natalo 'yong kapatid ko. Ayaw na ayaw niyang natatalo siya at lalo na kung si
Trix 'yong tatalo sakanya," kumunot 'yong noo niya nung napalingon siya sa likuran
namin. "Speaking of my bitch sister."

"So gamitin pala ng connections, ganon?" Bungad niya samin. Tumayo talaga siya sa
harapan ko at sobrang taas ng kilay niya. "Dapat kami ang huling tatawagin, eh.
Kaso may kumausap kay Kirby at wala naman iba 'yong kung hindi ikaw, Ashton."

Tumayo din ako para maging pantay na 'yong mata namin. "So, anong pinaglalaban mo?"
Nagkumpulan na 'yong mga students sa gilid namin. Mga chismoso at chismosa talaga
sila. "Wala naman magbabago kung ikaw ang huling tatawagin. Isa pa, save the best
for last." Nginisian ko siya at ngayon pa lang nakikita ko nang naiinis na siya.

"Aminin mo na, na ti-threaten ka sakin. Sabi ko naman sayo, hindi mo ako kaya.
Kahit anong gawin mo, hindi ko ako kayang pantayan."

"Hindi na kita kailangan pantayan kasi naangatan na kita."

"Woah!" Sigaw ng mga students. "Burn!" Asar pa nila. Sige, asarin niyo pa si Anya.
Malapit na siyang sumabog.

"Asa ka! Mas maganda ako sayo, mas matalino at mas mayaman!" Sagot niya. "Mas angat
ako kaysa sayo!"

"Ah, oo mas angat ka nga pala sakin. Sorry nakalimutan ko. Biruin mo, dala-dalawa
'yong boyfriend mo? Sige na, ikaw na. Talo naman talaga ng malalandi ang
magagandang katulad namin." Ngumisi ulit ako. Natulala naman siya sa sinabi ko. For
sure, hindi niya inaasahan na sasabihin ko 'yon. Tumingin siya kay Ailee sandai
pagkatapos tumingin ulit siya sakin. "Bilib din ako sayo. Pagkatapos mong mag make
love sa isa, duon ka naman sa isa mong boyfriend. Ikaw na talaga, Anya."

"What are you talking about?!" Mukhang natataranta na siya. Natutuwa ako sa itsura
niya ngayon. Mukha siyang tuta na nawawala. "Pwede ba, wag mo akong siraan. Ganyan
ka na ba ka desperada?"

Naglakad ako papalapit sa tainga niya. "Gusto mo ba ilabas ko 'yong proweba? Wag mo
akong subukan."
Napaatras siya sa sinabi ko.

Tinignan ko ulit siya pagkatapos nginisian ko siya. I got you now, bitch.

--Merry Christmas everyone! :)

=================

Chapter 41: Soccer game

It's been one week. So far, maganda naman 'yong mga nangyayari. Lahat ng bagay
umaayon sa plano ko.

"Leading ka pa din sa online voting Trix kasunod mo si Anya pagkatapos si Ash naman
second lang  kay Skie pero konti lang naman lamang niya,." Sambit ni Ailee, ang
acting manager naming dalawa ni Ash. "Anong oras soccer game niyo, Ash?"

"Later by five. You two will come, right?"

"Yes, Trix needs to be there. Right?" Tinignan ako niya Ailee at ngumiti pa siya
sakin. "Gagawa pa kaming banner for you, Ash."

Napangiti naman si Ash. Ang inosente ng mukha niya. "You don't need to that. Okay
na sakin na nandon kayo lalo na si Trix." Nagkatinginan kami ni Ailee at 'yong
tingin niya halatang nang-aasar. "You'll watch the game right?" Tanong niya sakin.

I smiled. "Yes, I will."

By that, umalis si Ashton na ang laki ng ngiti sa mukha. I don't want to assume but
I think he likes me. Too bad, I'm not ready to love again, not when there's hate in
my heart. He's kind akd sweet and he deserves better than me. All I'm thinking
right now is my revenge.

"Humahabol na sayo si Anya sa votes," bulong ni Ailee ng makita namin si Anya na


parang nangangampanya lang. Alam ko kasi pageant 'to eh at hindi election. "Ang
sipag ba naman mangampanya, eh." Pareho kaming natawa. Nakakatawa naman kasi talaga
si Anya. She's so pathetic.

"Si Skie pa din ba 'yong leading sa botohan?" Tanong ko.

"Oo pero kayang kaya naman habulin ni Ash 'yon. Wag ka mag-alala."

Hindi naman talaga ako nag-aalala. May tiwala naman ako kay Ashton, eh. Gusto ko
lang palagi akong informed sa mga nangyayari. That's how you'll win this game.
Kailangan, alam mo lahat ng nangyayari sa paligid mo.

Naghiwalay na kami Ailee. Pumunta ako sa next class ko kung saan classmate ko si
Caleb. Hindi siya pumasok pero tingin ko naman dahil 'yon sa game mamaya. Semi
finals na kaya for sure, pinaghahandaan talaga nila 'tong game na 'to. Well, gusto
ko pa silang pumasok sa finals kaya hindi ko pa ilalabas ang alas ko. Gusto ko
kapag nandon na sila pinakahuli tska sila malalaglag. For sure mas masakit 'yon
para sakanila. Hindi ko na mahintay makita 'yong mga mukha nila.

Easy Trix, take it slowly but surely.

I'm done with my three classes. Fifteen minutes na lang bago magsimula 'yong
soccer game pero gutom na gutom na ako kaya pumunta muna ako sa pantry. Medyo konti
lang 'yong tao dahil for sure nasa field na 'yong karamihan ngayon. Akala ko nga
tahimik akong makakakain pero may mga tsimosa sa likod ko at ang lakas pa ng boses.

"Totoo ba talaga? Bakit naman?" Sigaw ni girl number one. Ang tinis ng boses niya.
"Siya pa naman inaabangan ko mamaya." Napabuntong hininga siya. Mukhang
disappointed siya masyado.

"Nagulat nga din kami nung sinabi nung coach nila na nag quit na si Caleb sa team."

Nabulunan ako sa narinig ko. Buti na lang nakabukas na 'yong tubig ko kaya nakainom
ako agad ng tubig.

Why did he he quit? Is he out of his mind?

"Siya 'yong MVP last year 'di ba? Gustong gusto niya mag soccer kaya bakit siya mag
qu-quit?"

"Baka dahil kay Briana?" Tanong ni girl three. "Baka pinagbawalan na niya?"

"Duh, hindi naman seryoso si Caleb 'don. Kay Angel lang naman siya nagseryoso, eh.
Isa pa, famewhore si Briana kaya gusto niya varsity player ang boyfriend niya."
Sagot ni girl one. Tama siya sa mga sinabi niya except sa part na seryoso sakin si
Caleb. "Nalulungkot talaga ako."

Tahimik akong umalis sa pwesto ko. Pumunta agad ako sa field at dumiretso ako sa
side ng team nila Ashton. Reserved na sa aming dalawa ni Ailee 'yong upuan sa
pinakaharap.

"Thank you Trix for coming." Bati sakin ni Ashton. "I hope we can win this game. I
don't want to disappoint you."

"You can do it, Ash." I said trying to cheer him up but deep inside I want Skie's
team to win. I'm sorry Ash. "Ailee!" Sigaw ko. Nang makita ako ni Ailee, tumakbo
siya papunta sakin.

"Ash, totoo ba? Nag quit na kanina lang si Caleb sa team nila?" Tanong ni Ailee.

"Yeah," tumigin siya sakin. Tinitignan ata niya kung anong magiging reaksyon ko.
"Sinabi lang kanina ni Coach samin. Although may kapalit si Caleb sa team nila,
malaking kawalan pa din siya kaya malakas talaga 'yong chance na manalo kami
ngayon."

Bigla akong kinabahan. Matatalo nga kaya sila Skie? Hindi pwede. Masyado pang maaga
para matalo sila.

"Go Skie!" Biglang sigaw ni Anya. Nasa kabilang side na sila pero ang lakas pa din
ng boses niya. May banner pa talaga siya. How cheap. "Go baby!"

She looks so desperate but I wonder what would the other guy feel about that? Your
girl, supporting another guy. Worst part is, that guy is your best friend.

Na excite na tuloy akong ibuking si Anya at ang kabit niya pero masyado pang maaga.
Pang grand finale na 'yon. Sa ngayon, pa onti-onti lang muna 'yong gagawin kong
paghihiganti sakanila. "The game will start now, cheer me okay?" Sambit ni Ash.

Sabay kami ni Ailee na nag cheer sakanya. Ang cool tignan ni Ashton habang papunta
sa gitna. Hindi na ako nagtataka kung bakit ang lakas ng cheer para sakanya. Hindi
na nga ata kami kailangan ni Ailee.

Naglakad na din sa gitna sila Skie pero wala talaga si Caleb. I can't deny the fact
that I'm a bit affected about Caleb. Alam ko kung gaano niya kagusto ang soccer at
ang mag MVP ulit ngayong season. Last chance na nila maglaro ngayon kaya alam ko na
importante 'to para sakanya. Suddenly, gusto kong malaman kung bakit siya umalis.

Nag start na 'yong game. Lamang na lamang sila Ashton. Ramdam na ramdam 'yong
pagkawala ni Caleb sa team. The struggle is real for Skie's team. Ganon nga siguro
kagaling si Caleb na pakiramdam ko siya 'yong inaasahan nilang lahat kahit na si
Skie ang captain.

Full support naman ako kay Ash pero deep inside gusto ko pa din manalo sila Skie.
Gusto ko silang makaabot sa championship dahil mas masakit bumagsak kapag nasa
pinakataas ka na.

"Go Skie baby! Kaya mo 'yan!" Sigaw ni Anya. Mukha na naman siyang tanga. "Kaya pa
yan!"

Humabol 'yong team nila Skie. Lahat ng 'yon dahil sa effort niya. Pagod na pagod na
siya pero binibigay pa din niya 'yong best niya. Nakakaawa nga siya pero hindi ko
magawang maawa sakanya. Lalo na kapag naiisip ko 'yong ginawa nila sakin.
Tuwang tuwa si Anya nang manalo sila Skie. Nagbunga naman 'yong effort niya pero
pakiramdam ko sooner or later bibigay na 'yong katawan ni Skie. Poor him, wala man
lang nagawa si Luke at Enzo kanina sa game. Medyo ilang pa din kasi sila sa isa't-
isa. Well, mas okay din dahil mas umayon lang ang lahat sa plano ko.

Pagbalik samin ni Ashton, halatang malungkot siya. Alam kong gusto niyang manalo at
ayaw din niya na mapahiya sa amin ni Ailee. "Nakakahiya, natalo kami." Sambit niya
pa.

"You did your best, Ash. For me, your still the winner," tinap ko 'tong balikat
niya para naman hinfi na siya malungkot. "Cheer up, okay?"

"Mabuti pa," singit ni Ailee. "Mag coffee tayo ulit sa Tagaytay. Tingin niyo?"

"Yeah, good idea. What do you think, Trix?"

I smiled. "That's fine with me. I'll just go to my locker." Iniwan ko muna sila
pagkatapos nagmadali akong pumunta sa locker ko para ilagay muna don 'yong mga
books ko.

May kakaiba akong naramdaman habang nakatayo ako sa tapat ng locker ko. Lumingon
ako at nakita ko si Caleb na nakasandal sa pader sa hindi malayo. Nakatingin lang
siya sakin, diretso sa mata ko. Is he really looking at me?

Ngumiti siya sakin pero bago pa siya makatalikod, may mga luha na pumatak sa mata
niya. May kung anong kumirot sa puso ko ng makita ko 'yon.

No, Trix. You shouldn't be affected.

Matagal ko nang kinalimutan ang feelings ko para kay Caleb. Wala na 'yon at hindi
na 'yon babalik pa. Sinaktan pa din niya ako.

Pumunta na akong parking lot. Wala na 'yong Porsche ni Ash, Range Rover na 'yong
nandon. Malamang pinadala niya 'yon sa driver niya.

Si Ash ulit 'yong nag drive. Sa tabi niya ako umupo pagkatapos nasa likod namin si
Ailee. Nagulat na lang ako ng biglang Paramore music 'yong tumugtog sa player ni
Ash. Kahit anong gawin ko, si Skie at si Skie pa din ang naaalala ko sa lahat ng
kanta ng Paramore. Hindi na 'yon maaalis sakin kahit na anong mangyari.

Sumandal ako at napatingin ako sa bintana. Bigla kong na-miss 'yong dating Skie.
'Yong Skie na minahal ko. I wish he could come back..

Natawa na lang ako sa isip ko. Kahit anong mangyari, hindi na siya babalik dahil
kahit bumalik pa 'yong ala-ala niya, ibang iba na din siya ngayon.

Tumambay ulit kami sa coffee shop na pinuntahan namin dito dati. In the middle of
our conversation, naisip ko si Anya at 'yong lalaking nag traydor kay Skie.

Sa totoo lang, wala naman talaga akong ebidensya eh. Panakot ko lang 'yon kay Anya.
Sa sobrang gulat ko nang araw na 'yon, hindi ko na nakuhanan ng picture 'yong
pagtataksil nila. Well, with the right amount, makukuha ko 'yong cctv footage ng
hotel na 'to ng araw na 'yon. Good thing, powerful si Ashton kaya pwedeng pwede
niya gawin 'yon.

"I have something to say, well.. last week that we're here I found out something.."
Nagkatinginan sila pareho. Hinihintay nila 'yong susunod kong sasabihin. "Anya is
cheating. He's making out with Skie's best friend. I saw it with my own eyes." I
looked at them, Ash was surprised but not Ailee. Did she know all of this? "Ailee,
do you know this?"

Huminga siya ng malalim. "Yeah, I know. I'm really sorry, I didn't say anything. I
promised Mon and Dad that I will not tell that to anyone."

"Kailan pa nila niloloko si Skie?" Tanong ko.

"'Yong babae na sinasabi ko sayo na umahas sakin, si Anya 'yon. So technically, six
months na nilang niloloko si Skie. Hindi ko lang masabi lahat ng 'to dahil may
pinang-black mail agad sakin si Anya. Sinabi niya 'yon kala Mom at Dad at nakiusap
siya sakanila na pigilan ako na sabihin kahit kanino 'yon. Ginamit niya pa 'yong
sakit niya sa puso kahit na hindi naman 'yon ganon kalala. She's really insane."

Hindi ko masisi si Ailee. May point naman siya. Kasalanan lang talaga lahat ng 'to
ni Anya. Ang galing niya talaga magpanggap kahit kailan. Mas lalo ko siyang
kinanakamuhian. She's a fvcking b*tch.

"Trix, we can use that against her." Suggest ni Ash. Yeah, I already planned about
it. "Did you take a picture or a video of them being together?"

"I'm so surprised I wasn't able to do that but with your help, maybe we could have
the hotel's cctv footage last week."

I know confidential 'yong nga ganong bagay pero makapangyarihan naman 'yong Daddy
ni Ashton kaya kaya niyang kunin 'yon. Isa pa, hindi naman namin gagamitin sa
masama 'yong footage na 'yon. We just want to have an evidence. Mahirap humarap sa
gera ng wala kang bala.

"I'll talk to my Dad about it."

"Thank you Ash."


Nine o'clock nasa Manila na ulit kami. Hinatid muna namin si Ailee tska ako hinatid
ni Ash sa amin. Gusto ko pa ulit magkape kaya nagpababa na lang ako sa Starbucks sa
labas ng gate ng village namin. Pinauna ko na si Ash dahil halatang pagod na siya.
Galing pa siya ng soccer game kanina. Sinabi ko na lang na magpapasundo na lang ako
kay Dad later.

Umorder ako ng tatlong frappe tska tatlong ensaymada para kay Mom and Dad. Habang
naghihintay ako sa order ko, may narinig akong boses na pamilyar na pamilyar sakin.
Sinilip ko kuny sino 'yon at nakita ko si Anya. Hindi niya ako nakita dahil
nakatalikod siya sakin.

"Three grande Java chip frappuccino and three ensaymadas for AB." Sigaw ng barista.
Buti na lang ibang pangalan 'yong palagi kong sinasabi sa SB sa tuwing o-order ako.
Lumapit ako sa counter at tahimik ko lang na kinuha 'yong order ko.

Sinilip ko ulit si Anya at tutok na tutok talaga siya sa Laptop niya. Humanap ako
ng tamang pwesto para makita kung sino 'yong kausap niya. Nang makita ko na ng
malinaw kung sino 'yon, nabagsak ko 'yong hawak hawak kong paper bag.

Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Is this even real?

"Kiro.. why?"

---

=================

Chapter 42: Ex-boyfriend

Nakauwi na kami galing Tagaytay pero hanggang ngayon naiisip ko pa din 'yong nakita
ko kanina. Hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko. Si Kiro talaga 'yon pero
bakit? Bakit niya kinausap si Anya? Anong pinag-uusapan nila?

Hindi ko pa man naririnig 'yong side ni Kiro, feeling ko nag traydor na siya sakin.
I really hate this feeling.

Binuksan ko 'yong laptop ko pagkatapos tinignan ko kung online siya sa Skype. Nag
video call agad ako sakanya. Pagkatapos ng tatlong ring, sinagot na niya 'yong call
ko. As usual, naka topless na naman siya. He will never change.

"Hi Trix! Buti naalala mo na akong i-chat. It's been a while." Hindi ko maitago
'yong pagkairita ko. Naiisip ko na naman 'yong nakita ko kanina. "Why are you
looking at me like that? Something wrong?"

"I saw you video chatting with Anya," huminto ako para makita ko 'yong reaksyon
niya. He's a bit surprised. Not the reaction I'm looking for. "Tell me, what's that
all about?"

"I'll say it as, keep your friends close and your enemies closer. That's how it is.
I'm just trying to get an information that you can use against her. C'mon, do
really think I'll betray you?"

I want to believe him but I just can't. "Okay, I just want to make that clear."

"So, how are you?"

"I'm fine, just a little bit tired. Galing kami ni Ailee at Ashton sa Tagaytay."

Nilagay niya 'yong kamay niya sa baba niya na parang may iniisip siyang malalim.
"I'm not sure about that guy. Mag ingat ka sakanya."

"Kiro, okay si Ashton. He's sweet and nice," magsasalita pa sana siya pero
pinigilan ko na lang siya. He's trying to be an overprotective best friend again.
"Stop talking about Ashton, okay? I'm good with him."

Tumawa na lang siya. "So, how's your plan going?"

"Okay naman, umaayon lahat sa gusto ko," bigla na lang akong nag alangan na
magbigay ng details sakanya. Hindi ko alam kung bakit. "Kiro, I need to get a rest.
I'll talk you tomorrow."

Tinapos ko agad 'yong video call.

Matagal ko ng best friend si Kiro. Never ko siyang pinag-isipan ng masama.. ngayon


lang. Gusto kong maniwala sakanya pero hindi ko magawa lalo na wala siyang ni isang
binanggit sakin tungkol kay Anya. And the fact that it was Anya. Kailangan kong
malaman kung ano ba talagang meron sakanilang dalawa. Hindi ako matatahimik hanggat
hindi ko nalalaman ang totoo. Ramdam ko na may iba pang ibig sabihin 'yong pag-
uusap nila na 'yon. Sana lang talaga, walang masamang ibig sabihin 'yon.

--

Maaga akong nagising at dahil don, nai-kwento ko na kay Mommy at Daddy lahat ng
nangyari. Nagulat lang ako sa reaksyon ni Mom dahil parang nalulungkot siya dahil
wala na kami ni Caleb. Ayaw niyang maniwala na hindi ako minahal ni Caleb. Si Dad
naman, medyo inis kay Caleb at Skie at mas pinag-iingat niya ako.

Masaya ako na nasabi ko na din kala Mom at Dad ang lahat. Ang hirap kasi na may
tinatago ka sa parents mo. Ang bigat ng pakiramdam at parang hindi ka makagalaw ng
maayos.
Sinunod ulit ako ni Ashton gamit ang Porshe niya. As always, ang gwapo niya. Minsan
naiisip ko na swerte din pala ako dahil pumayag siya na maging partner ko siya.
"Ash, thank you."

"Huh? For what?" Clueless niyang tanong.

"Thank you kasi pumayag ka na maging partner ko. Ang dami naman kasing pwedeng
maging partner dyan pero ako pa din 'yong pinili mo."

He smiled, genuinely. "Yeah, madami sila pero nag-iisa ka lang, Trix." Natigilan
ako sa sinabi niya. I don't know how to react. "Trix.. I like you." Literal akong
napanganga sa sinabi niya. Buti na lang naka-park na kami sa school. Tinignan niya
ako at bigla na lang siyang nag panic. "Trix, sorry. Sorry hindi ko napigilan 'yong
sarili ko na sabihin 'yon. I know this is not the right time, I'm so sorry."

Inayos ko 'yong sarili ko. "Ash, no need to say sorry. That's fine. Well, at least
I know."

"Wag ka sanang maiilang sakin," habang sinasabi niya 'yon para siyang bata. Ang
inosente ng mukha niya. "I don't need you to like me too but that's how I feel,
Trix."

"Thank you Ash."

Hindi imposible na magkagusto din naman ako kay Ash. Mabait siya at sweet. Ayoko
lang muna talaga na magkaroon ng divertion. Gusto kong mag focus sa plano ko.
Siguro pagkatapos ng lahat ng 'to, kung nandyan pa din si Ash para sakin baka pwede
ko siyang bigyan ng chance, hindi lang ngayon.

"Trix!" Sigaw ni Ailee. Hingal na hingal siya. Hinawakan niya 'yong magkabilang
tuhod niya para makahinga siya ng maayos. "Bad news, naunahan ka na ni Anya sa
votes tapos si Skie ang laki na ng lamang kay Ashton."

Napatingin agad ako sa phone ko. Naunahan na nga ako ni Anya sa votes at isang libo
pa 'yong pagitan namin. Paano naman kaya niya nagawa 'yon overnight? Bigla akong
nainis. Kakaiba 'yong nararamdaman ko dito. For sure may ginawang kalokohan 'tong
babae na 'to.

"She's a thousand votes away from you in a span of one night. How can she do that?"
Tanong din ni Ashton. "Is that a legit vote?"

"I doubt, I know that girl and she'll do everything to win," nag-isip agad ako ng
pinakamadaling way para malaman ang totoo at si Ailee agad ang naisip ko. "Ailee,
sa ating tatlo, ikaw ang pinakamalapit kay Anya at nasa iisang bahay lang kayo kaya
mas madali mong malalaman ang totoo."
"Sure, mamaya pag-uwi ko maghahanap agad ako sa kwarto niya at kahit mag spy pa ako
sa mga kausap niya sa phone gagawin ko."

"I need to now, I'll see you later." Paalam ko. Dumiretso agad ako sa class kung
saan classmate ko sila Anya.

Pag pasok ko pa lang, inirapan na agad ako ni Anya. Inirapan ko din siya at
sinamaan ko siya tingin pero nginisian na lang niya ako bigla. Alam kong dahil 'yon
sa nakalamang na siya sakin sa votes.

Just wait and see, bitch.

Dumating na sila Skie pero wala si Caleb. May kakaiba sa mga inaasal niya this past
few days. Una na don 'yong pag quit niya sa soccer tapos ngayon puro ka siya absent
na hindi naman niya ginagawa dati. Hindi naman sa naaawa ako sakanya o apektado
ako, naguguluhan lang ako sa mga kinikilos niya lately.

After class, naunang umalis sila Skie pero nagpaiwan sila Anya. Hindi din muna ako
umalis dahil alam ko na pupuntahan niya ako sa pwesto ko. I'm not afraid of this
girl.

"Nakita mo na ba?" Tanong niya. "Sabi ko naman sayo, malalagpasan kita." Ang laki
ng ngiti sa mukha niya. Kulang na lang mapunit 'yong labi niya. Nakakatawa lang
siya.

"Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?" Tanong ko. Nagtaasan sila ng kilay nila.

"What are yoy talking about?"

"Niloloko mo na nga 'yong sarili mo, pinapaasa mo pa," tumawa ako ng nakakaasar.
'Yong tawa na magpapainit ng ulo niya. "Alam naman nating dalawa na may ginawa kang
kalokohan para tumaas yang vote mo. Hindi ako pinanganak kahapon. Hindi ako tanga
na katulad mo. Wag mo nang paasahin 'yang sarili mo, Anya. Ikaw din, mas masasaktan
ka lang sa huli." Lumapit pa ako lalo sakanya at nginisian ko siya. In your face,
bitch.

Maganda din na every once in awhile malaman ni Anya na hindi ako magpapadaig
sakanya. Hindi na ako 'yong Angel na inaapi-api niya lang dati.

Being nice is good but being stupid is not.

Pumunta muna ako sa locker ko. May note akong nakit, Pwede ba tayong mag-usap?
Hihintayin kita sa gym.

Hindi ako sigurado kung kanino ba talaga galing 'to pero pakiramdam ko kay Caleb
galung 'to.
Why should I talk to him?

Hindi ko pinansin 'yong note niya. Ayoko nang magkaroon ng kahit anong koneksyon
sakanya. Tapos na ang lahat sa amin at ayoko ng bumalik pa. Lahat din naman ng mga
nangyari dati puro kasinungalingan lang.

Tinawagan ko si Ashton at Ailee. Nagkita kami sa resto malapit sa school. Nag-iisip


pa din si Ailee kung paano kami mangunguna sa votes. Two weeks na lang, pageant na.

Wala na naman akong magagawa sa pandadaya ni Anya. Ayoko naman gawin 'yon. That's
too easy. Walang thrill kapag ganon. If she wants to play dirty, then so be it.

"What are your plans, Trix?"

"I won't do anything about the votes yet, madali lang habulin 'yon," kinuha ako ang
phone ko. "Gusto ko muna na kabahan si Anya."

Nag sulat ako ng article na ipapasa ko sa page ng Bellas. This is just a blind
item. Hindi pa ito ang tamang panahon para ibuking ko siya. Patikim pa lang 'to
sakanya at for sure matataranta siya.

Blind item:Let's all call this girl, slut machine. Hindi siya simpleng babae dahil
sikat siya. She's a one hella famous girl here in the campus. Ang hindi lang alam
ng iba, si Slut machine ay may tinatagong isang sikreto. She's been fvcking her
boyfriend's best friend. Paano niya kaya nasisikmura ang ganon? After ni BF, si
BF's BF naman. She's so pathetic lalo na kasali siya sa Ms. Enderun. Yan ba ang
dapat hangaan ng mga studyante? Kung ako sakanya, ngayon pa lang, aatras na ako
bago pa mabunyag ang sikreto niya sa buong campus. Well, I'll be back.. xoxo.

Alam kong ipo-post 'to sa page nila kahit na may kakilala pa sakanila si Anya.
Hindi nila pwedeng palagpasin ang bagay na 'to. Malaking scoop 'to sa page nila.

Parehong binasa ni Ailee at Ashton ang sinulat ko at pareho silang walang masabi.
Wala na akong pakialam kung harsh ba 'yong mga sinabi ko o hindi. I'm just telling
the truth.

After five minutes, naka-post na agad sa bellas ang blind item ko. Sabi na nga ba,
eh. Ano na kayang gagawin ngayon ni Anya?

"Top post na agad 'yong blind item, ang dami nang shares at comments." Sambit ni
Ailee. "Halos lahat sila si Anya 'yong hula."

"Ganon ba siya ka obvious? Wala na nga akong masyadong details, eh. Pwede naman din
masing maging ako 'yan pero well, mas mukha siyang slut kaysa sakin."
Tinignan ko si Ashton pero mukhang bothered siya. May problema ba siya? "What's
wrong Ash?" Tanong ko.

"Trix, ayoko lang na mapuno ka ng galit sa puso mo. You're beautiful inside and
out. Wag ka lang magpakain ng buo dyan sa paghihiganti mo na 'yan."

Natahimik kaming tatlo. He has a point but he will never understand me. Hindi naman
siya 'yong napahiya at nasaktan, eh. Ako 'yon kaya ako lang ang makakapagsabi kung
tama na. They deserve this. It's just a result of their actions.

Nag-aya na lang akong umuwi. Ayokong mag away pa kami ni Ashton. Hinatid nila ako
at pagdating ko sa bahay umakyat agad ako sa kwarto ko at natulog. Nagising ulit
ako ng bandang alas siyete ng gabi at sakto, bumuhos ng malakas ang ulan.

Pinatay ko 'yong AC sa kwarto ko at nung isasara ko na 'yong bintana, may nakita


akong lalaki sa tapat ng gate. Nakatayo siya don habang basang basa siya. Tinignan
ko siya nga mabuti, nanlaki 'yong mata ko nung malaman ko kung sino siya. Anong
ginagawa niya dito at bakit kailangan niyang magpaulan?

Tinignan ko 'yong phone ko at ang daming missed call at ang dami din text. Binuksan
ko na lang 'yong pinakabago.

Angel, please mag-usap tayo. Nandito ako sa tapat ng bahay niyo. Hindi ako aalis
dito hanggat hindi mo ako kinakausap. Please..

Ano bang nasa isip niya? Ang lakas ng ulan! Nababaliw na ba talaga siya?

Gusto kong bumaba at harapin siya pero hindi. Hindi ako pwedeng maawa sakanya.
Niloko niya lang ako at sinaktan.

Sinara ko na 'yong bintana, humiga ulit ako sa kama ko. Inalis ko na sa isip ko si
Caleb.

Pagkatapos ng ilang minuto, sinilip ko ulit siya pero wala na siya. Tinignan ko
ulit 'yong phone ko.

Angel.. I still love you. I always do. Sana mapatawad mo na ako. Hindi ko na kaya
na ganito tayo. Miss na miss na kita. Miss ko na 'yong nga ngiti mo, your eyes,
your smell, your laugh, your jokes, your kiss.. everything. I miss everything about
you. Mahal na mahal kita Angel.. sana bigyan mo ulit ako ng chance.. please kahit
ano gagawin ko. I already gave up soccer for you and I can gave up everything, just
tell me. Maghihintay ako kahit gaano pa katagal.. kahit umasa pa ako sa wala.
Maghihintay ako.. my angel.

- Caleb
=================

Chapter 43: Another chance

Caleb's point of view

Sa tuwing iinom ako ng alak, sa bawat hagod ng alcohol sa lalamunan ko ay ang


paglimot ko sa lahat ng problema ko pero ngayon kahit na lumaklak pa ako ng isang
bote ng alak, hindi pa din mawala 'yong sakit.

I've never been in love like this before. Iba si Angel, eh. Ibang iba siya sa lahat
ng babae na nakilala ko. Sh'e not the typical girl you'll see around. Siya 'yong
tipo na mahirap makuha, 'yong tipo nang babae na hindi mawala wala sa isip mo at
'yong tipo ng babae na kahot wala pang gawin ay napapasaya ka na. She's very
special.

"Kuya, ang aga aga alak na naman 'yang tropa mo," kinuha niya sakin 'yong bote ng
tequilla na hawak ko. "Tama na 'yan, may pasok ka ba 'di ba?"

"Hayaan mo na ako, parang tubig ko na lang naman 'to eh."

Inagaw ko ulit sakanya 'yong tequilla ko. Umiling siya at tinignan niya ako na
parang ang hopeless ko na masyado. Sabagay, hopeless na ulit ako. Patapon na naman
ang buhay ko.

"Tingin mo ba babalikan ka ni Ate Angel kung ganyan ka?" Just to hear her name
makes my heart beats so fast. Until now kahit na niloko niya ako, ganito pa din
'yong epekto niya sakin. "Ayusin mo muna 'yang sarili mo Kuya tska ka niya
babalikan, okay? I better go now. See you later."

Isang oras pa bago mag start 'yong class ko pero wala pa din akong gana na tumayo
sa kama ko. Feeling ko kulang pa 'tong tequilla na 'to sakin. Gusto ko pang uminom
ng uminom.

Ang mas masakit lang kahit na niloko niya ako, mahal na mahal ko pa din siya
hanggang ngayon.. hindi 'yon nagbago.

Pumikit ako sandali pero pag gising ko, 10AM na pala. Ang sakit ng ulo ko at hindi
ko alam kung papasok pa ba ako o hindi na. Maglalasing ba ako o papasok ako para
makita ko na naman si Angel? Either way, pareho lang akong hindi sasaya. Siguro mas
mabuti na pumasok na ako, mabuburyo na ako sa kwarto ko.

Tumayo ako sa kama ko at naligo na ako kahit na ang sakit sakit ng ulo ko. Ginusto
ko naman 'to, eh. Hindi dapat ako magreklamo. T*nginang buhay kasi 'to. Hindi naman
kasi ako ganito dati. Sa alak, sa party, sa racing, sa soccer at sa mga babae na ka
one nigth stand lang umiikot ang mundo ko. Wala pa akong kahit anong problema non
kung hindi hang over at hindi ganito, heartaches.

"Caleb, papasok ka ba talaga?"

"Yes Yaya, paki sabi na lang kala Mom."

Sa mga tingin ni Yaya, alam kong nag aalala siya sakin. Actually, lahat sila nag
aalala sakin. My life is back to what it is before. I'm back being worthless. A
pain in the ass. To cut it short, isa na naman akong basura.

The hell I care.

Nag drive ako kahit na masakit pa din ang ulo ko. Madami na akong atraso kala Skie
dahil sa biglaan kong pag quit sa team pero mas okay na 'yon. Gusto kong patunayan
kay Angel na seryoso ako sakanya at para magawa ko 'yon kailangan kong lumayo kala
Skie kahit pa kapalit non ay 'yong matagal ko nang pangarap. Mas mahalaga naman si
Angel kaysa sa paglalaro ko ng soccer.

Pagbaba ko sa kotse ko, nakita ko si Angel at Ashton na magkasama. Natigilan agad


ako at parang sinasaksak ang puso ko habang nakikita ko silang dalawa na magkasama.
Ang sakit pa din pala talaga. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko lang 'yong sarili
ko. Bumalik ulit ako sa loob ng kotse ko at duon sinandal ako ng ulo ko sa upuan. I
fvcking hate this feeling. Ang sakit. I never felt this before that's why I don't
know how to handle it.

Sobra akong nagseselos sa Ashton na 'yon. Gusto ko silang lapitan na dalawa


pagkatapos uupakan ko 'yong lalaki na 'yon sa harapan niya. If I can only do that.
Ayoko lang kasing mas lalong magalit sakin si Angel. Although it's a bit
impossible, I want to win her back.

Kaya ko naman kalimutan lahat ng ginawa niya, eh. Basta bumalik lang siya ulit
sakin. I love her so much that I'll do anything for her.

Hindi na lang muna ako pumasok sa class namin. Tumambay lang ako sa kotse ko
pagkatapos naisip ko na kausapin na ulit si Angel. Kailangan kong sabihin sakanya
kung ano ba talaga 'yong nararamdaman ko ngayon. Kailangan kong gumawa ng moves
bago pa ako maunahan ng Ashton na 'yon. I need her back, I want her back.

Kumuha ako ng papel at nag-iwan ako ng note duon, "Pwede ba tayong mag-usap?
Hinintayin kita sa gym."

Pumunta ako sa locker niya pagkatapos hinulog ko sa loob 'yong note ko. Hindi ako
makalapit sakanya dahil palagi niyang kasama si Ashton at Ailee kaya mas magandang
iwan ko na lang sa locker niya, at least siya lang 'yong unang makakakita non. Sana
pumunta siya.

Naghintay ako sa gym. Nakaupo lang ako don tahimik na naghihitay. Walang tao dito
ngayon kaya makakapag-usap kami ng matagal. Gustong gusto na ulit siyang makausap.

Tatlong oras na 'yong nakakalipas at panigurado, tapos na lahat ng class niya.


Every after class pumupunta siya ng locker kaya imposible na hindi niya makita
'yong ginawa kong note. Pupunta kaya siya?

Nakaramdam na ako ng matinding gutom pero hindi ako makaalis sa pwesto ko.
Natatakot kasi ako na kapag umalis ako dito tska siya dumating at mawala 'yong
chance na makausap ko ulit siya. Tiniis ko na lang 'yong gutom ko. Hindi pa din
naman ako nawawalan ng pag-asa na darating siya, eh.

Nag hintay pa ako ng isang oras.

Pumasok na sa gym 'yong mga basketball players. Wala na din akong choice kung hindi
unalis dito. Siguro hindi na din talaga pupunta si Angel. O baka kasi hindi niya
nakita 'yong note sa locker niya. Baka dumiretso na lang siya pauwi. Mas okay
siguro kung pumunta na lang ako sakanila.

Kumain ako sandali tapos habang nasa canteen ako nakita ako nila Skie.

"Ganon ganon na lang ba 'yon Caleb? Mag quit ka na lang sa team ng ganon ganon na
lang?" Sa tingin pa lang niya gusto na niya akong sapakin pero nakaalalay sa likod
niya si Enzo. "T*ngina bro, parang nilaglag mo na din kaming lahat eh. Ano bang
nangyayari sayo?"

"I want to win Angel's trust again that's why," There's no point hiding the truth.
Well, after all they still deserve an explanation. "I decided to stay away from all
of you."

Humigpit 'yong pagkakasara ng kamay ni Skie. The next thing I know, nakahiga na ako
sa sahig. Expected ko na naman na sasapakin niya ako, eh. Deserve ko din naman
siguro 'yon pero hindi nila maiintindihan kung bakit ko ba talaga 'to ginagawa.

"Dahil lang sa babaeng 'yon, pati kaming mga kaibigan mo tatalikuran mo na?
Magkakapatid na turingan natin Caleb! What's wrong with you!" Gusto pa akong
sapakin ni Skie pero piniglan lang siya ni Luke. "Mga bro mga kami! Babae lang
'yon!"

Tumayo ako pagkatapos pinunasan ko 'yong dugo sa labi ko. Sabi ko na nga ba eh,
hindi talaga nila ako maiintindihan. "Hindi lang basta babae si Angel, mahal ko
siya. Mahal na mahal ko siya."

"Caleb, tapos na 'yong plano natin. Ano ka ba? Itigil mo na yan." Singit ni Luke.

"Hindi Luke, hindi na 'to tungkol sa plano. Totoong mahal ko na siya Angel. I love
her so much that I can sacrifice everything for her."
"Damn you bro, damn you." Galit na galit na sabi ni Enzo. "Para lang sa babae,
tatalikuran mo na kami? I can't believe you."

"Hindi ko na tinatalikuran 'yong pagkakaibigan natin. Gusto ko lang lumayo sa inyo


para mapatunayan ko kay Angel na seryoso ako sakanya, na totoo 'tong nararamdaman
ko. Sana maintindihan niyo."

"Maintindihan?" Lumapit sakin si Enzo pagkatapos kinuha niya 'yong kwelyo ng damit
ko. "Iniintindi kita pero hindi ko kaya, eh. Mas pinili mo siya kaysa sa amin, sa
amin na nandito na sayo simula pa lang. Siya, kailan ba siya dumating sa buhay mo?
Six months ago? Are you kidding me?"

Hinila ni Skie 'yong kamay ni Enzo. "Hayaan mo na siya, hayaan na natin siya."

"What?" Sabay na sabi ni Enzo at Luke.

"If you want to stay away from us then fine. Frow on, hindi ka na namin tropa.
Simula ngayon, hindi na kita kaibigan. Tandaan mo 'yan."

Hindi na nagsalita pa si Skie. Tinalikuran na niya ako at sumunod naman sakanya si


Enzo at Luke.

Aaminin ko, masakit marinig 'yong mga sinabi ni Skie. I really don't want to lose
then but I don't have any choice now. For me they're my brothers but Angel comes
first always. Masakit man, kailangan ko 'tong gawin at kailangan ko na lang
sigurong tanggapin na wala na akong babalikan pang nga kaibigan.

Fine, then so be it.

Nag drive na ako papunta kala Angel. Biglang bumubos 'yong ulan pero wala akong
pakialam. Kailangan ko na siyang makausap. Habang tumatagal na ganito kaming
dalawa, mas lalo akong nasasaktan. I want her back so badly..

Pag park ko sa tapat ng bahay nila, hindi agad ako nakababa dahil ang lakas ng ulan
at wala akong dalang payong.

Kinuha ko 'yong phone ko pagkatapos nag text ako sakanya pero nakaka-limang text na
ako wala pa din siyang reply. Hindi ko alam kung nagpalit na ba siya ng number kaya
tinawagan ko na lang siya. Nag ring siya pero walang sumasagot. Nag text ulit ako
sakanya.

Angel, please mag-usap tayo. Nandito ako sa tapat ng bahay niyo. Hindi ako aalis
dito hanggat hindi mo ako kinakausap. Please..

Lumabas ako ng kotse ko pagkatapos tumayo ako sa tapat ng gate nila. Wala na akong
pakialam kahit na maulanan pa ako. I want to see her. I want to talk to her.

"Angel! Talk to me please!" Sigaw ko. Hindi ko alam kung naririnig ba niya ako.
Kung anong lakas ng boses ko ganon di lakas ng ulan. "Angel, please.. I'm begging
you."

Buti na lang umuulan, nasasabayan niya 'yong pagpatak ng mga luha sa mata ko.

"Angel!"

Nanlalamig na ako pero tinitiis ko pa din. Baka lumingon siya sa bintana niya o
baka naman lumabas siya para harapin na ako.

"I love you so much.. Angel. Please forgive me."

Ilang minuto na din akong nakatayo sa harap ng bahay nila. Nanlalabo na 'yong mata
ko. Nahihilo na ako at parang hindi ko na talaga kaya. Naglakad ako pabalik sa
kotse ko. Nanginginig na ako sa lamig. Hinubad ko agad 'yong damit ko para kahit
papaano mawala 'yong lamig sa katawan ko.

Kinuha ko 'yong phone ko pagkatapos nag text ako kay Angel, habang nag ta-type ako,
hindi ko na napigilan 'yong pag-iyak ko.

Ang bigat bigat ng katawan ko. Sobrang nalalamig ako. Pakiramdam ko mamamatay na
ako.

Sumandal ako sandali pero pagkatapos non, umiikot na talaga 'yong paningin ko
pagkatapos bigla na lang akong nawalan ng malay..

=================

Chapter 44: He is sick

Beatrix's point of view

Sa totoo lang, hindi talaga ako mapakali. Kanina pa ako nag aalala kay Caleb. I
shouldn't damn feel this way. Dapat wala na akong pakialam sakanya, dapat hindi ko
na siya naiisip pa pero ang hirap, eh. Basang basa siya sa ulan tapos bigla na lang
siyang nawala. What the heck.

Do I still care for him? Do I still have feelings for him?

Hindi. Hindi pwede. Hindi dapat.


Natulog ulit ako pero hindi pa nagtatagal na nakapikit 'yong mata ko, bigla na lang
nag ring 'yonh phone ko. Unknown number pero sinagot ko pa din.

"Who's this?"

"Si Skie 'to," Napahinto ako. Gustong gusto ko ng ibaba 'yong phone ko pero alam
kong may sasabihin pa siyang importante. "Nandito ako ngayon sa unit ni Caleb.
Kailangan ka niya kaya please pumunta ka dito." Gusto kong matawa. Ganon ganon na
lang kung utusan niya ako. Sino ba siya sa akala niya?

"I'm not his girlfriend anymore so please don't ask me to go there."

"He's dying here! Ang taas ng lagnat niya pero ayaw niyang magpadala sa hospital!
Puro ikaw 'yong binabanggit niya! Alam kong galit ka sakanya at galit ka sa amin
pero kahit ngayon lang, pag bigyan mo 'yong best friend ko. Mahal na mahal ka niya!
Tinalikuran niya kaming lahat para sayo! Kaya sana, kahit konti  lang, mag alala ka
naman sakanya." Napaupo na lang ako sa kinakatayuan ko. Skie's voice is so intense.
Ramdam mo 'yong emosyon niya. I'm honestly out of words to say. "Please, I'm
begging you.. this is not for me. This is for Caleb. He needs you."

Bigla na lang tumulo 'yong luha sa mata ko. Now, I really can't deny the fact that
I still care for Caleb. Kahit ngayon lang, kakalimutan ko muna 'yong galit ko.
Kakalimutan ko muna 'yong paghihiganti ko. "I'll be there, wait for me."

Nagpaalam agad ako kala Mommy at Daddy. Ayaw pa nila akong payagan umalis pero
sinabi ko sakanila 'yong totoo. Pinag drive na lang ako ni Daddy papunta sa unit ni
Caleb. Hinayaan ko ni Dad pumunta don mag isa. Babalik na lang daw siya kapag uuwi
na ako.

Nagmadali akong pumunta sa unit ni Caleb. Pinagbuksan ako ng pinto ni Skie. Nagulat
pa nga siya ng makita niya ako. Akala ko tuloy, multo ako. "Uhm.. thank you for
coming."

"Don't thank me. Ngayon lang naman 'to eh, after this babalik na din ulit ang lahat
sa dati."

Huminga siya ng malalim. Disappointed siya sa sinabi ko pero wala akong pakialam.
Akala ba niya, ganon ganon na lang ang lahat?

"Nandon siya sa kwarto niya."

Pagpasok ko sa kwarto ni Caleb, nakahiga siya sa kama niya at halatang lamig na


lamig siya. Dalawang patong na ng kumot 'yong gamit niya pero namimilipit pa din
siya sa lamig. Palagi niya pang binabanggit 'yong pangalan ko. Hindi ko tuloy
maiwasan na maawa sakanya.
"Nag painit ka ba ng tubig?" Tanong ko kay Skie pero sa reaksyon niya mukhang
hindi. "Hinaan mo 'yong AC. Mag papainit ako ng tubig."

Pumunta ako sa kusina at nag painit ako ng tubig para ipang punas mamaya kay Caleb.
Binuksan ko 'yong refrigerator pero walang laman. Bumalik ako sa kwarto para
kausapin si Skie. "Pupunta lang ako sa grocery sa baba, bibili akong pagkain tska
gamot. Bantayan mo na lang din 'yong pinapainit ko na tubig. Sandali lang ako."
Tumango lang siya tska ako umalis.

Nagmadali akong bumili ng kailangan ko para mamaya. Mag luluto ako ng soup para kay
Caleb tska para makainom siya ng gamot niya. I know this could ruin my plan. Kaso
ang nasa isip ko lang ngayon at maging okay si Caleb. In the first place dahil din
naman sakin kaya siya nabasa ng ulan at kung bakit siya inaapoy ng lagnat ngayon.

Wala pang twenty minutes, nasa unit na ulit ako. Nilapag ko muna sa mesa 'yong nga
pinamili ko. Naglagay ako ng maligamgam na tubig sa isang bowl tapos kumuha ako ng
maliit na towel pang punas sa katawa ni Caleb.

"Ako nang bahala kay Caleb, pwede ka ng umuwi." Sambit ko.

"Uhm.. I'll just stay here for a while kapag okay na talaga si Caleb."

Nakasandal lang siya sa pinto habang nakatingin siya sa amin. Binasa ko 'yong towel
tska ko pinunas sa buong katawan ni Caleb.

"Angel.. mahal na mahal kita.. mag usap tayo please.."

Puro ganyan 'yong naririnig ko kay Caleb. Sa totoo lang, naiiyak ako sa tuwing
sinasabi niya 'yon. Naawa ako sakany at isa pa, ramdam ko na totoo 'yong mag
sinasabi niya. Mahal pa din pala niya ako.. tama ba talaga ako? Mahal pa nga ba
talaga ako ni Caleb? O baka naman masyado lang akong nagiging malambot kaya ito
'yong naiisip ko.

Pagkatapos ko siyang punasan, iniwan ko muna siya kasama si Skie pagkatapos nagluto
ko ng mushroom soup. Fifteen minutes lang naman ako nagluto pagkatapos dinala ko
'yon sa kwarto ni Caleb. Nilagay ko siya sa tray kasama 'yong tubig tska gamot.

"Caleb, wake up." Sambit ko. Sinusubukan ko siyang gisingin ng dahan-dahan.


"Kailangan mong kumain, iinom ka pa ng gamot." Dahan-dahan niyang minulat 'yong
mata niya. Umupo siya habang nakatitig siya sakin. Parang nakakita siya ng multo
pero bigla siyang ngumit na parang gusto niyang umiyak.

Hinawakan niya 'yong mukha ko. "Hanggang dito sa panaginip, nakikita kita Angel.
Nakakatuwa lang kasi parang totoong totoo siya." May mga luha ng pumatak sa mata
niya. Mas lalong nadudurog ang puso ko sa mga nakikita ko. "Kahit panaginip lang
'to, iisipin ko na totoo 'to. Iisipin ko pag gising ko na pinuntahan mo talaga ako
dito ngayon, na nag aalala ka pa din sakin, na mahal mo pa din ako." Mas lalo lang
siyang naiyak.
Tinignan ko si Skie. Pinigilan ko siya sa kung anong sasabihin niya. "Kahit
panaginip lang 'to, kailangan mo pa din kumain at uminom ng gamot. Okay?" Sambit
ko. Mas mabuti ng isipin niya na panaginip lang lahat ng 'to. "Kainin mo 'tong soup
na ginawa ko, okay?"

Pinunasan niya 'yong mga luha niya pagkatapos ngumit siya. "Oo basta sinabi mo,
Angel. Sana hindi na ako magising sa panaginip na 'to. Mas masaya ako dito."

Hindi na ako nagsalita pa. Umupo lang ako sa tabi niya pagkatapos sinubuan ko siya
ng soup. Nakatayo pa din si Skie sa may pintuan habang pinagmamasdan niya kami.
Medyo naiilang ako na nandyan siya pero buti na lang pagkatapos ng ilang minuto,
umalis na din siya.

"Angel, mahal na mahal kita."

Natigilan ako sa sinabi ni Caleb. Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko.

"You don't have to say anything. Makinig ka lang sa mga sasabihin ko.."

Hindi ako nagsalita. Nakikinig lang ako sakanya habang sinusubuan ko siya ng soup.

"Totoo, nung una talaga, plano lang namin na ma-fall ka sakin pagkatapos non kapag
mahal mo na ako, makikipag break na ako sayo para bumalik ka na sa New York. Para
sakin, madali lang lahat ng 'yon. Sanay na akong magpa-fall ng isang babae at hindi
ako 'yong tipong nafa-fall at nag seseryoso.. pero nagkamali pala ako."

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa pinagsasabi niya ngayon pero nanatili pa
din akong tahimik habang pinapakinggan ko siya.

"Ibang iba ka sa lahat ng babaeng nakilala ko. Ikaw lang 'yong babaeng
nakapagpasaya sakin, 'yong babaeng alam 'yong worth nila, 'yong babaeng matapang
tska 'yong babaeng sineseryoso at minamahal. Nagulat nga din ako sa sarili ko kasi
hindi ako makapaniwalang nahulog ako sayo.. ang great Caleb Maniego, na fall sa
isang babae," tumawa siya sandali. "Hindi ko 'yon sinabi kala Skie kasi alam ko na
pagtatawanan nila ako at syempre magagalit sila sakin dahil masisira ang plano
kapag nahulog ako sayo kaso hindi ko talaga mapigilan eh, I really fell for you..
Angel."

Grabe 'yong mga pagtitig sakin ni Caleb. Kulang na lang matunawa ako sa kinakaupuan
ko. Ang sincere ng mukha niya. Gusto ko na tuloy maniwala sa nga sinasabi niya pero
meron pa din talagang pumipigil sakin.

"Sobrang sakit nung nakipaghiwalay ka sakin. Pakiramdam ko parang dinudurog palagi


'yong puso ko. Sabi ko pa nga, ikaw na siguro 'yong karma ko pero sabi ko sana
ibang karma na lang 'yong ibigay sakin, wag lang ikaw. Mahal na mahal kita, eh.
Hindi ko nga lang alam kung bakit hindi mo 'yon makita. May kulang pa ba sa effort
na ginagawa ko? Ano pa bang dapat kong i-sakripisyo?"

Naiiyak na naman siya.

"Tahan na, wag nang umiyak. Mas lalo kang lalagnatin niyan. Sige na ubusin mo na
'tong soup mo pagkatapos uminom ka ng gamot mo."

Hinawakan niya bigla 'yong kamay ko. Nag freeze ako bigla ka kinakaupuan ko.
"Parang totoo talaga lahat ng 'to pero natatakot akong kurutin 'yong sarili ko
ngayon kasi baka bigla na lang akong magising. Masaya na ako kahit na panaginip
lang 'to, Angel. Kahit dito man lang makasama kita."

Alam kong bato na ngayon 'yong puso ko pero hindi ko pa din talaga maiwasan na
maawa kay Caleb. Nakakaawa talaga siya ngayon. He looks so desperate right now and
that is all because of me.

"Uminom ka na ng gamot mo, okay?"

Pinainom ko siya ng gamot. Hiniga ko siya pagkatapos nakatingin lang siya sakin.
Hindi niya inaalis 'yong tingin niya sakin kahit isang beses. Hinawakan niya pa
'yong mukha ko.

"Thank you for being here with me, Angel. Mahal na mahal kita.."

Siguro dahil sa sobrang pagod, nakatulog na din siya. Pinalitan ko siya ng damit
pagkatapos kinumutan ko siya ulit. Kahit papaano naman bumaba na 'yong lagnat niya
at bukas okay na din siya.

Lumabas ako ng kwarto. Nakita ko si Skie na nakaupo sa dining table. Bumili siya ng
Chinese chicken para ata sa aming dalawa. "Kumain ka muna, for sure gutom ka na."

"No thanks."

Hindi ko siya pinansin. Hindi porket nandito ako ngayon at tinulungan ko si Caleb,
hindi ibig sabihin non, okay na kaming dalawa at hindi ibig sabihin non na magiging
malambot na 'yong puso ko para sakanila.

Tinignan ko 'yong kondisyon ng ulan sa labas. Mas lalo siyang lumakas. Nag dalawang
isip tuloy ako kung magpapasundo pa ba ako kay Daddy. Ayoko naman na sumugod siya
sa ganitong kalakas na ulan at baka mapahamak pa siya. Pwede naman siguro akong
matulog dito sandali, may isa pa namang kwarto sa unit ni Caleb.

"I'll stay here until tomorrow, magpapatila lang ako ng ulan then magpapasundo na
ako kay Daddy. Matutulog na lang ako sa isang kwarto."
Pagpasok ko sa kabilang kwarto, humiga agad ako sa kama. Sinubukan kong pumikit at
matulog pero bigla na lang kumakalam 'yong tyan ko sa gutom. Damn. Hindi pa nga
pala ako kumakain. Sumilip ako sa labas pero hindi ko nakita si Skie. Baka don siya
sa kabilang kwarto nag stay.

Lumabas agad ako para kunin 'yong take out food na dinala ni Skie. Kumain agad ako
habang wala pang nakakakita sakin. Ayokong makita ni Skie na kinakain ko 'yong
binili niya.

"You look so hungry." Nabulunan ako bigla dahil sa boses ni Skie. Lumapit agad siya
sakin pagkatapos inabutan niya ako ng bottled water. "Sorry, nagulat kita."

"What do you want?" Tanong ko. Nawalan na ako ng gana kumain pero buti na lang
nabusog na ako. "Don't act as of we are friends."

"Don't worry I don't. I'm just thankful to you because you came here for Caleb."
Seryoso 'yong mukha niya. Umupo siya sa kabilang end ng dining table habang
nakatingin siya sakin. "Bakit hindi mo sinabi na totoo lahat ng 'to? Na hindi ito
basta panaginip lang?"

"Mas mapapadali kung iisipin lang niya na panaginip lang 'to. Ngayon lang naman
'to, eh. Bukas babalik na ulit ako sa dati. Pinagbigyan ko lang naman si Caleb
dahil isa ako sa rason kung bakit siya may sakit ngayon."

Natahimik kaming dalawa. Hindi na din ako nagsalita pero bago ako makatayo pabalik
sa kwarto ko, nagsalita bigla si Skie.

"He loves you so much, I hope you could see that. Wala akong pakialam kung matindi
'yong galit mo sa amin or kung maghihiganti ka pa din sa amin pero sana wag mo nang
idamay si Caleb kasi mahal na mahal ka niya."

Iniwan ako ni Skie na nakatulala sa kinakatayuan ko.

I know the truth, alam kong totoo lahat ng sinasabi ni Caleb pero hindi na dapat pa
akong magpaapekto, alam ko na masisira lang lahat ng plano ko, lahat ng
pinaghirapan ko kapag lumambot ulit 'yong puso ko, kapag bumalik ulit 'yong loob ko
kay Caleb. Sa ngayon, mas iisipin ko kung paano ko mapapabagsak si Anya at sila
Skie.

"I'm really sorry, Caleb."

--The end is near. Are you ready? :)

=================
Chapter 45: True feelings

Beatrix's point of view

"Sorry Ashton, ano 'yong sinabi mo?" ngumiti siya sakin pero parang nasasaktan
siya, siguro dahil wala sakanya 'yong focus ko. "Sorry talaga, may iniisip lang
kasi ako."

"That's okay," May nilabas siyang usb tapos binigay niya sakin 'yon. "That's the
cctv footage that you need. You can clearly see Anya there and her other man."
napangiti agad ako. This will be the end for you, Anya. Just wait and see.

"Thank you Ash, kahit kailan maasahan ka talaga."

Nilagay ko sa bulsa ko 'yong usb. Ngayon pa lang, may plano na ako para dito. I'll
make sure na makikita ng lahat 'tong video na 'to. This will be the end of their
friendship and of course this will also be the end of Skie and Anya's relationship
or should I say, relationshit.

Tumahimik ang lahat sa canteen ng dumating sila Skie kasama si Anya. As usual, ang
sama ng tingin sakin ni Anya. Napapangisi na lang ako na alam kong nakaapekto
sakanya. Look at me like that all you want, soon I'll burn you in front of
everybody. I'll make sure you are going to pay for eveything you did to me. And I
think, it's about time for Skie to know your dirty little secret. No matter how I
look at it, it's win-win situatuon for me. Thanks to that bitch, hindi na ako
mahihirapan sa revenge ko.

"Hi!" bati ni Ailee. "Sorry ngayon lang ako, nakita mo na ba?" nilabas niya 'yong
phone niya pagkatapos pinakita niya sakin 'yong rankings. "Last time ikaw 'yong
nangunguna pero ngayon si Anya na tapos sa boys naman si Ashton na 'yong
nangunguna." hindi ko 'yon pinansin kasi alam ko kayang kaya ko naman taasan si
Anya anytime, masaya pa nga ako para kay Ashton dahil kahit may tiwala ako sakanya,
alam ko na mahirap lamangan si Skie.

"That's not a problem, sa ngayon mas maganda paghandaan 'yong pageant. Three days
na lang 'yon at kailangan handa kaming dalawa ni Ashton para duon."

"Don't worry, Beatrix. Palagi naman akong ready para sa pageant. I'll make sure,
hindi ako magiging pabigat sa'yo."

Nginitian ko si Ash, kahit kailan naman hindi siya naging pabigat sakin. Malaking
tulong pa nga siya na hindi ko inaasahan. Akala ko kasi mahihirapan ako sakanya.

Lumakas 'yong bulong-bulungan sa canteen. Akala ko kung ano na, iyon pala dumating
mag-isa si Caleb at ang nakakagulat pa, hindi siya pumunta sa table nila Skie. Nag-
solo siya sa gilid. Hindi ko maiwasan na maawa sakanya. Kilala ko siya at alam ko
na hindi siya sanay na mag-isa at nasa gilid lang. Palagi siyang apple of the eye
ng mga tao and I know he loves that. Ginagawa ba niya 'to para sa akin? Para
patunayan na seryoso talaga siya sakin?
"Anong trip ni Caleb? Magkagalit ba sila nila Skie?" Tanong ni Ailee. "Simula ng
mapatunayan ko na niloko ka nga niya talaga, hindi ko pa siya nakakausap at feeling
ko ayoko na din siyang kausapin pa."

Napatingin sa akin si Ashton, parang nag-aalala siya sakin. Nakikita ba niyang may
concern pa din ako kay Caleb?

"Trix, bakit ganyan 'yong itsura mo? Don't tell me, affected ka pa din kay Caleb?"
Singit ni Ailee. "Mahal mo pa ba siya?"

Tinignan ko si Ailee. Ginawa ko lahat para itago sakanya 'yong totoo, ang
katotohanan na may feelings pa din pala ako kay Caleb. "Hindi ako affected sakanya
at hindi ko na siya mahal. All I'm thinking right now is my revenge. That's all."
Tumayo na ako, ayoko nang tumambay dito. "Punta na ako sa lokcer ko, you can stay
here with Ashton, kaya ko na 'yong sarili ko." Pagtingin ko kay Ash, parang gusto
niya akong samahan kaya umiling na lang ako.

Umalis na ako sa canteen. Medyo naiinis ako sa sarili ko. Ako din pala kasi 'yong
nag give-up. Sabi ko hindi ko na mahal si Caleb, sabi ko wala na akong pakialam
sakanya pero kinain ko din pala lahat ng sinabi ko. Ilang beses ko nang pinipilit
'yong sarili ko na kasinungalingan lang lahat ng sinasabi sakin ni Caleb pero sa
tuwing maaalala ko 'yong pag-iyak niya ng gabi na 'yon, hindi ko maiwasan na
bumigay. Ramdam na ramdam ko kasi 'yong sakit na nararamdaman niya. Hindi pa naman
siguro ako ganon kamanhid pero kahit ganon, tuloy pa din 'yong plano ko. Siguro,
iaalis ko na lang sa listahan ko si Caleb.

Pagdating ko sa locker ko, may nakita akong note.

I'm sorry, Angel. Kahit araw-araw pa akong humingi ng sorry sa'yo gagawin ko para
lang mapatawad mo ako. I miss you.. I love you.- Caleb

May kung anong kumurot sa puso ko ng mabasa ko 'to pero alam ko sa sarili ko na
hindi pa din kami pwede. Magiging balakid lang sa plano ko si Caleb. Isa pa, hindi
ko alam kung kaya ko na ulit pumasok sa isang relasyon pagkatapos ng mga nangyari.

"So," muntik ko nang mabitawan 'yong bag ko dahil sa sobrang gulat. Tinignan ko
agad siya at aba, nakangisi pa talaga siya sa'kin. "Ready ka na ba sa pagkatalo
mo?" Kasama niya 'yong dalawa niyang alipores pero kahit tatlo pa sila, hindi ako
natatakot sakanila.

"Pagkatalo? Eh, ngayon pa lang naamoy ko na 'yong pagkapanalo ko. Naka-ready na nga
'yong winning speech ko, eh." Ngumisi din ako, 'yong ngisi na alam kong maasar
siya. Wag niya akong subukan dahil papunta pa lang siya, pabalik na ako. "Ano bang
kailangan mo sakin? Inaaksaya mo ang oras ko."

Ngumisi ulit siya, "Bago ka magyabang, tignan mo muna kung may ipagyayabang ka ba
talaga. Baka hindi mo alam, ako na 'yong nangunguna sa online voting." Kung
makangiti siya akala mo panalo na talaga siya. In her dreams.

"Ah, 'yong online voting ba na dinaya mo?"

"What are you talking about?"

Ngumiti ako. Ang galing din talaga magpatay malisya ng babaeng 'to. Pwede nang best
actress. "There's one thing you should know about me. Anya, hindi ako pinanganak
kahapon. Alam ko lahat ng kalokohan mo," mas lalo ko siyang inasar sa mga ngiti ko.
Mukhang nag pa-panic na siya. "Pati 'yong kalokohan mo sa Tagaytay, alam na alam
ko."

Nanlaki 'yong mata niya. Napatingin sakanya 'yong dalawa niyang alipores. Mukhang
hindi na niya alam ang gagawin niya. "Ganyan ka na ba talaga ka desperada? Gumagawa
ka na lang ng mga kwento para siraan ako? How pathetic."

"Oh Anya, alam naman natin pareho kung anong totoo kaya wag kang umastang ganyan sa
harapan ko kasi nagmumukha kang tanga. If I were you, I'll start to clean my
closet."

Ngumiti ulit ako bago ako tuluyang umalis. Panigurado, kinakabahan na siya Anya.
Kahit papaano naman magaling siya lalo na sa pagtatago ng sikreto kaya titignan ko
na lang kung paano niya maiiwasan 'yong gagawin ko sakanya. Tatlong araw na lang
naman, eh. Malalaman na ng lahat 'yong sikreto niya, nilang lahat.

Dumiretso na ako sa class ko. Classmate ko ulit dito si Caleb. Pagdating ko sa


room, nandon na siya sa upuan katabi ko. Nakatingin na siya agad sakin, hindi ko
tuloy maiwasan na ma conscious. What the hell is wrong with me?

Umupo ako sa tabi niya pero hindi ko pa din siya pinapansin. Kapag bumigay ako
sakanya, masisira lahat ng plano ko.

Hindi din naman niya ako kinulit habang nasa class kami. Tahimik lang din siya pero
minsan nahuhuli ko siyang nakatingin sakin.

Pagka-dismiss sa amin ng professor, may binigay siya sakin na isang piraso na white
rose. Ngumiti lang siya pero hindi siya nagsalita. Umalis na din siya agad bago pa
man ako makapag react sa ginawa niya.

After three classes, nagkita ulit kami nila Ailee sa Starbucks. So far, nangunguna
pa din si Anya sa voting. May gagawin na ako para mas maunahan ko siya pero bukas
ko na lang 'yon gagawin sa school fair.

"So what's your plan for school fair tomorrow?" Tanong ni Ashton. "We're planning
to give away foods na may names natin." Tumango ako, well that's a good idea.
"Siguro, I'll do a photo booth tapos sasali ako sa mga mag perform tomorrow."

Pareho silang napatingin sakin. Hindi sila halos makapaniwala sa sinabi ko. Mukhang
ba talaga akong walang talent? I can sing and dance. "Ang sama niyo sakin ha!
Makikita niyo bukas, manuod kayong dalawa ha."

"Okay, we'll see that tomorrow."

The day is almost over. Hinatid ako ni Ashton sa bahay. Nag-usap muna kami bago ako
bumaba ng kotse niya.

"What's up?" Tanong ko. Kanina ko pa nararamdaman na may gusto siyang sabihin
sakin. "Is there something wrong?"

Nakahawak pa din siya sa manibela niya, hindi siya makatingin sa akin kaya
hinawakan ko 'yong kamay niya. Tinignan niya muna 'yong maghawak naming kamay bago
siya tumingin sa mga mata ko. "Anong problema, Ash?" Tanong ko ulit.

"Tell me," nalulunod ako sa mga tingin niya. Napaka seryoso niya. "Do you still
love him?"

Natigilan ako sa tanong niya. Alam kong si Caleb 'yong tinutukoy niya. Literal na
hindi ako makagawal. I was freaking caught off guard.

"You don't have to answer anymore, Beatrix." Ngumiti pero parang nasasaktan siya.
Hindi ko mabasa kung anong nasa isip ngayon ni Ashton. "You still love him."

"What? No, I.." hindi ko na maituloy 'yong susunod kong sasabihin. Huminga ako ng
malalim. Paano niya nalaman 'yon? "There's no point in lying to you, right?"

Sinandal niya 'yong ulo niya sa car seat. Kitang kita sa mukha niya na disappointed
siya. "By the way you look at him, you'll know that you still love him."

"Yeah.. I do. I still love him but all I care right now is my plan. Kapag sinabi ko
ang totoo, kapag bumalik ako sakanya, masisira lang lahat ng plano ko. Hindi ako
papayag non, Ash. Ang dami ko nang sinakripisyo para lang sa plano ko na 'to."

Hinawakan ni Ashton 'yong kamay ko. "Angel," tumaas lahat ng balahibo sa katawan
ko. Ito 'yong unang beses na tinawag niya ako na Angel. "Alam mo, mas bagay sayo
'yong Angel kasi mukha ka naman talagang Anghel. Alam ko mabait ka, nilalamon ka
lang talaga ng galit mo ngayon."

"Ash.."

Humarap siya sakin pagkatapos hinawakan niya 'yong mukha ko. "Wag mong hayaan na
kainin ka ng galit mo. You're better than this, Angel. Sana kapag nakuha mo na
'yong revenge na gusto mo, bumalik ka sa dating ikaw. Kahit hindi ko pa siya
nakikilala, alam kong mas better siya kaysa kay Beatrix na kaharap ko ngayon."
Ngumiti siya sakin. "Don't worry, nandito pa din ako para sa plan mo. Kahit na
nasaktan ako sa mga nalaman ko ngayon, nandito pa din ako para sayo. Maybe we're
meant to be just friends but that's okay. I'm happy I was able to meet you."

Lumapit siya sakin, akala ko kung ano nang gagawin niya pero hinalikan niya lang
pala ako sa noo ko. Sa totoo lang, na touched ako sa ginawa ni Ashton. Kahit sa mga
sinabi niya ngayon. Parang mas nakilala ko pa siya lalo at alam ko na hindi ako
nagsisisi na siya 'yong napili ko.

"Good night, Angel Beatrix."

"Good night, Ashton."

Nakatulala na lang ako habang pinagmamasdan ko 'yong kotse niya. I was blown away.
Hindi ko alam na may ganon side pala si Ashton.

"Beatrix," sambit ni Daddy. "May bisita ka sa loob. Nandon sila sa garden, pumunta
ka na don at ako na 'yong bahala dito."

"Huh? Who's that, daddy?"

"Basta, pumunta ka na lang don sa garden."

Nagmadali akong pumunta sa likod, sa may garden. Wala naman akong inaasahan na
bisita ngayon. Pagdating ko sa don, nakaupo don si Mommy at may kausap siyang
lalaki.

"Oh, nandito na pala si Beatrix."

Tumayo 'yong lalaki pagkatapos humarap siya sakin. Literal talaga akong napanganga
ng makita ko siya.

"Kiro.. what are you doing here?"

"Aren't you happy to see me?"

"No, of course I'm happy to see you." Lumapit ako sakanya at niyakap ko siya. "Why
are you here?"
Bago pa siya makapagsalita, dumating si Daddy.

"Uhm, Beatrix, may isa ka pa palang bisita." Sambit ni Daddy. Limingon ako para
makita kung sino 'yon. Napa "what the hell" na lang ako sa isip ko.

"Skie.. what are you doing here?"

Lumapit siya sakin pagkatapos hinawakan niya 'yong kamay ko.

"We need to talk."

--#Last10Chapters

=================

Chapter 46: Last two pages

Skie's point of view

"Skie! Halika ngang bata ka! Bakit nasa labas ka?" Tawag sakin ng yaya ni Anya.
"Nasa taas pa si Anya. Naliligo pa siya pero pwede ka naman pumasok dito sa loob.
Malamig diyan sa labas." Ngumiti lang ako sakanya kaya lumapit siya sakin at hinili
niya ako papasok sa loob.

"Nanay Tessa naman, okay lang naman ako sa labas eh. Sabi ni Anya duon na din ako
maghintay dahil maliligo lang siya pagkatapos aalis na din kami."

"Malamig sa labas at baka magkasakit ka pa. Puntahan mo na lang si Anya duon sa


kwarto niya at duon ka maghintay. Okay?" Tinignan niya ako na parang wala na akong
dapat i-angal pa. Okay fine, she wins. "Gusto mo ba ng juice?"

"Nope, I'm fine. Thanks Nanay Tessa."

Dumiretso ako sa kwarto ni Anya. Bukas naman 'yong pinto niya kaya pumasok na ako.
Kumakanta pa siya habang mag sho-shower. Hindi ko na lang muna sinabi na nandito
ako para hindi siya tumigil sa pagkanta niya. Natutuwa talaga ako sa tuwing
naririnig ko siyang kumakanta.

Umupo lang ako sa kama niya. Hobby na ni Anya 'yong patayin 'yong AC kasi paglabas
niya sa banyo, lalamigin siya. Binuksan ko na lang 'yong fan dahil naiinitan na
ako.
Dahil sa pagbukas ko ng fan, may natangay na dalawang piraso ng papel. Kinuha ko
'yon agad dahil baka mamaya importante 'yon kay Anya.

"Dear diary?" Bulong ko sa sarili ko.

Kailan pa ba nagkaroon ng diary si Anya? Siguro hindi naman masama kung babasahin
ko siya. Open naman kaming dalawa sa isa't-isa.

Dear diary,

Nagkamali ako. Hindi totoo na niloko ako ni Trix. Set up lang lahat ng 'yon.
Ang tanga tanga ko dahil naniwala ako sa dalawang 'yon. Isang malaking pagkakamali
na makipag break ako sakanya. Mahal na mahal ako ni Trix at galit na galit ako sa
sarili ko dahil hindi ko siya pinaniwalaan. Pupunta ako ngayon sa apartment niya
para ayusin ang pagkakamali ko.. sana hindi pa huli ang lahat para sa amin.. mahal
na mahal ko siya.

Biglang sumakit 'yong ulo ko. Anong ibig sabihin nito? Sigurado ako, sulat kamay ko
'to at kaparehong kapareho nito 'yong klase ng papel nung nasa diary ko. Isa ba 'to
sa mga pages don sa diary?

Hindi ko pa din ma proseso sa utak 'yong mga nakasulat sa papel na 'to. I was
dumbfounded.

Narinig ko 'yong pagbukas ng pintuan ng banyo ni Anya. Sa sobrang pagkataranta ko,


nailagay ko na lang sa bulsa ko 'yong papel.

"Babe? What are you doing here?" Gulat na gulat siya na makita ako dito. "Akala ko
ba sa labas mo na ako hihintayin?"

"Pinapasok ako ni Nanay Tessa."

Lumapit siya sakin pagkatapos pinulupot niya 'yong kamay niya sa bewang ko. "Bagong
ligo ako, gusto mo ba dito na lang tayo? I miss our make love babe." Hinalikan niya
ako sa labi ko papunta sa leeg ko pero pinigilan ko siya.

"Actually babe, biglang sumama 'yong pakiramdam ko. Okay lang ba kung bukas na lang
tayo kumain sa labas? Itutulog ko na lang muna 'to." Kitang kita sa mukha niya
'yong disappointment. I hate lying to her but I need to talk to Angel. "I'm really
sorry babe. Promise, babawi ako sayo."

May binulong siya pero masyadong mahina 'yon kaya hindi ko naintindihan kung anong
sinabi niya. "That's fine babe, iinom na lang kami nila Krystal sa labas.
Magpahinga ka na at magpagaling ka ha? Tatlong araw na lang pageant na."
"Don't worry about me babe, I'll be fine. I just need to have some rest. Take care,
okay?" Lumapit ako sakanya at niyakap ko siya. Alam kong hindi okay sakanya na
hindi kami natuloy pero mahal niya ako at alam ko na maiintindihan niya din ako. "I
love you babe."

"I love you too, babe."

Bumalik ako sa bahay. Pagdating ko sa kwarto ko hinanap ko agad 'yong diary ko,
kinumpara ko siya sa papel na hawak ko at parehong pareho nga sila. Ilang beses ko
din pinagmasdan 'yong nakasulat dito.

Ibig sabihin, hindi talaga ako niloko ni Angel? Sino 'yong dalawang tao na
tinutukoy ko dito? Biglang sumakit 'yong ulo ko. Nalilito ako sa mga bagay na
nakasulat dito. Alam ko na sulat kamay ko 'to, hindi ako pwedeng magkamali.

Napansin ko 'yong isa pang page na kasama ng binasa ko.

Papel din 'to ng diary ko pero hindi ko na 'to sulat kamay.

Akin si Beatrix. Una pa lang sakin na siya. Alam ko na ako 'yong mahal niya. Gumulo
lang naman ang lahat ng dumating ka sa buhay namin. Kahit nuon pa, lahat na lang ng
bagay na gusto ko inaagaw mo. Kinakamuhian kita Skie. Inagaw mo sakin ang babaeng
pinakamamahal ko. Hindi kita mapapatawad. Itong ginawa namin sayo, kabayaran lang
'to sa lahat ng pang-aagaw na ginawa mo sakin. Tandaan mo, hindi ko inagaw si
Beatrix sayo. Kinuha ko lang siya pabalik sakin. Good luck sa buhay mo. Sana
mabulok na sa lupa ang mga ala-ala mo at kahit bumalik pa 'yon, sisiguraduhin kong
hindi na babalik pa sayo si Beatrix.

Sumakit na naman bigla 'yong ulo ko. Anong ibig sabihin ng sulat na 'to? At sino
'yong nagsulat nito? Ang dami ko pa ding hindi maintindihan pero isa lang ang
malinaw sakin, hindi ako niloko ni Angel. Set up lang lahat ng 'yon pero kung sino
ang gumawa non, hindi ko pa din alam.

Sandali..

"Yes, we cheated on you and yes we slept together so many times. Angel loves me
more than anyone of you because you know what? Until now we're still together."

Parang puzzle na unti unting nabubuo sa isip ko ang lahat. Kung totoo nga ang lahat
ng nakasulat sa diary ko, ibig sabihin lang lahat ng sinabi sakin ni Kiro nuon ay
hindi totoo at malaki ang posibilidad na siya ang nagsulat sa last page ng diary ko
at siya din 'yong isa sa mga nag set up kay Angel.

What the fvck. How dare him.

Mas mabuti pa, puntahan ko na si Angel. Kailangan ko siyang makausap tungkol dito.
Kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang totoo.. pero sa totoo lang, natatakot
akong malaman na nagkamali ako na sa una pa lang pala, hindi naman talaga ako
niloko ni Angel na wala naman talagang namamagitan sakanila ni Kiro. Ang dami kong
nasira at nasaktan dahil sa mga ginawa ko. Lalo na si Angel at si Caleb.

"Skie," singit ni Yaya. "Alam mo na ba, nandito--" pinutol ko kung ano man 'yong
sasabihin niya.

"Yaya, mamaya na lang. Kailangan ko ka munang umalis."

Nagmadali akong pumunta sa kotse ko. Nag drive agad ako papunta sa bahay nila
Angel. Pag park ko don, nakita ko 'yong isa naming kotse. Nagtaka ako. Sinong
magdadala niyan dito? Nandito kaya sila Dad at Mom?

Bumaba ako at agad na nang doorbell sa gate. Sinalubong ako ni Tito Shawn. "Skie,
anong ginagawa mo dito?"

"Tito, gusto ko po sanang makausap si Angel."

Natigilan siya sandali pero pinapasok niya din ako. Dumiretso kami sa garden nila.
Sa malayo pa lang, natanaw ko na si Kiro. Anong ginagawa niya dito? Hindi ba may
pasok na siya? Bigla akong nainis.

"Uhm, Beatrix, may isa ka pa palang bisita." Sambit ni Tito Shawn.

Napalingon sa amin si Angel at halatang gulat na gulat siya. "Skie.. what are you
doing here?"

Lumapit ako sakanya habang nakatingin ako kay Kito. Hinawakan ko ang kamay niya.
"We need to talk." Hinila ko siya palayo kay Kiro.

"What are we going to talk about?"

Biglang sumingit sa gitnan namin si Kiro. Tinanggal niya 'yong kamay ko sa kamay ni
Angel. "What are you doing? You can't just do that!" Ang sama ng tingin niya sakin
na akala mo anytime sasapakin na niya ako. The hell I care about him. He's a piece
of sh*t.

"It's none of your business!" Sigaw ko.

"You are harassing her so it's my business. Can you just go?"

"We need to talk." Seryoso kong sabi.

Hinila niya sa likuran niya si Angel. Mas matangkad siya sa akin at mas malaki
'yong katawan niya pero hindi pa din ako natatakot sakanya. "Get away, Skie."

"You get away from here. You're not supposed to be here in the first place. You
should be in New York, remember?"

"Til now ba hindi mo pa din matanggap na ako ang pinadala sa New York at hindi
ikaw? So pathetic." Maangas niyang sabi. Lumapit siya sa tainga ko. "You're such a
loser, brother." Bulong niya.

Nag init na bilga 'yong ulo ko at hindi ko na napigilan na sapakin siya. Sumusobra
na siya. Akala ba niya hindi ko siya papatulan? Hayop siya.

"Don't mess with me, Kiro!"

Napahiga siya sa sahig. Nilapitan naman siya agad ni Angel. "Oh my gosh! Kiro are
you okay?" Kilala ko 'yong hayop kong kapatid at alam ko na hindi naman talaga siya
nasaktan sa ginawa ko pero kung umasta siya ngayon akala mo napuruhan ko siya. Ang
lakas niya magpaawa kay Angel. "Skie, ano bang problema mo?" Inis na sabi ni Angel.
Akonpa tuloy 'yong lumabas na masama.

Damn you, Kiro. Kalag napatunayan ko na ikaw nga ang may pakana ng lahat,
sisiguraduhin ko na magsisisi kang pinanganak ka pa.

"Angel, gusto lang kitang makausap. Please."

"Wala tayong dapat pag-usapan. Umalis ka na, Skie."

Sinara ko ang kamao ko sa sobrang galit. Bakit ba palagi na lang sinisira ni Kiro
ang lahat? Bata pa lang kami, palagi na lang siyang humaharang sa mga gusto ko at
kahit sa pangarap ko. Kaya ba inagaw niya din sakin dati si Angel? Siya ang
pathetic.

"Tungkol 'to sa diary ko, please naman mag-usap tayo." Natigilan siya sandali.
Ayoko man iparinig may Kiro na tungkol nga 'to don pero wala na akong choice. "I
need to talk to you, Angel."

Tumayo siya at inalalayan niya 'yong hayop kong kapatid. "I'll just talk to him but
it will be quick, just wait at my room, okay?" Sambit niya kay Kiro.

"Are you sure you're okay being alone with him?" Tanong ni Kiro. What the fvck.
Anong tingin niya? Sasaktan ko si Angel? O baka natatakot lang siya na malaman ni
Angel ang lahat, na mabuko siya sa mga kalokohan niya.

"Yeah, I'll be fine. I can beat his ass if I want to. Just stay upstairs."
Labag pa sa loob niya na umalis pero wala na din naman siyang nagawa. Hindi niya
inaalis sakin 'yong tingin niya habang papaalis siya.

"So, what's with your diary?" Walang ganang tanong ni Angel. "What do we need to
talk about that and why does it need to involve me?"

Nilabas ko 'yong diary ko kasama 'yong last two pages. "Totoo ba talagang walang
namamagitan sa inyo ni Kiro?"

Natawa siya at halos hindi siya makapaniwala sa tanong ko. "You know what? This is
non-sense."

"Look at this," inabot ko sakanya 'yong diary ko na wala 'yong last two pages.
"Look at the last page. 'Yan lang ang mga nabasa ko nuon, 'yan ang dahilan kung
bakit nagalit ako at kung bakit ko nasabi kay Caleb na niloloko mo lang siya at isa
pa si Kiro na mismo ang nagsabi sakin na nag cheat kayong dalawa sakin, na
pinaglaruan mo lang si Caleb."

"So ngayon pati si Kiro sinisiraan mo?"

"Totoo lahat ng sinasabi ko, Angel." Binigay ko sakanya 'yong last page na hawak
ko. "Ito, tingin ko si Kiro ang nagsulat nito at isa siya sa mga nag set up sayo
para lumabas na niloko mo lang ako at mapaghiwalay tayo nuon."

Kinuha niya 'yon at binasa niya lahat. Matagal din bago siya nakapagsalita ulit.
Siguro kagaya ko, hindi niya ma i-proseso sa utak niya ang lahat.

"Skie, pwede ba? Hindi magagawa ni Kiro lahat ng 'to. Ano na naman bang balak niyo
ha? Akala mo ba maniniwala pa ulit ako sayo pagkatapos ng mga nangyari?" Binalik
niya sakin 'yong diary. "Umalis ka na."

"Pero, Angel--"

"Just go, okay?"

Gustuhin ko man manatali at pilitin siyang maniwala sakin, alam kong magsasayang
lang ako ng panahon dahil sarado na 'yong isip at puso niya. Hindi ko naman siya
masisisi dahil kasalanan ko 'to.

"I know in time you'll know the truth by yourself but I hope when that time comes,
it's not too late."

Umalis ako duon pero hindi pa din ako titigil. Aalamin ko kung ano ba talaga 'yong
totoo. Hindi ko hahayaan na manalo si Kiro dito. I'll break him into pieces.
Alam ko kung sino 'yong isang taong makakatulong sakin at siya 'yong pupuntahan ko
ngayon.

Wait and see, my little brother.

=================

Chapter 47: It's you

Angel's point of view

"I'll stay here for a week for dad's birthday." Sambit niya pero hindi agad ako
nakapagsalita. Kanina pa ako hindi mapakali. Gumugulo pa din sa isip ko 'yong mga
sinabi ni Skie kanina pati 'yong nabasa kong letter. "Is everything alright?"
Hinawakan ni Kiro 'yong kamay ko. "Trix, are you okay?"

Inayos ko ang sarili ko. "I'm just tired, Kiro. Can we talk tomorrow?" I hate lying
to him but I need to be alone even just for now.

"Okay, I'll go back here tomorrow. Just go get some rest." Tumayo siya at lumapit
sakin sakin. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. "Good night Trix."

"Night, Kiro."

Hinatid ko siya sa labas ng gate namin pagkatapos umakyat ako sa kwarto ko. Humiga
ako sa kama ko pagkatapos nag-isip ako.

Si Kiro nga kaya talaga 'yong nag sulat non? Medyo pamilyar nga talaga sakin 'yong
hand writing na 'yon, hindi ko lang ma confirm kung kay Kiro nga talaga 'yon. Kung
iisipin mo naman kasi, bakit niya isusulat 'yong mga 'yon? Ibig sabihin lang non,
may gusto siya sakin-- hindi, mahal niya ako. Sa tagal ng panahon, wala naman akong
ibang naramdaman kay Kiro o baka sadyang manhid lang ako? Pati ako nalilito na din.
Ayoko lang talagang ipakita 'yon kay Skie kanina dahil baka mamaya pinapaikot na
naman niya ako.

Bigla na lang pumasok sa isip ko si Ailee. Tinawagan ko siya pagkatapos nagkita


kami sa coffee shop malapit sa village namin. Hindi ko nga akalain na papayag
siyang makipagkita sakin dahil gabi na din at maaga pa kaming papasok bukas.

"Anong problema Trix?" Bungad niya sakin. Mukhang alalang-alala pa siya. "May
nangyari ba?" Hinila ko muna siya sa katabi kong upuan.

"Ailee, okay lang ako. Hindi 'to tungkol sakin. Tungkol 'to kay Kiro at kay Anya."
Natigilan siya sandali sa sinabi ko. "Nakita mo na ba si Kiro dati na kausap si
Anya?" Nilagay niya 'yong isang kamay niya sa baba niya na parang nag-iisip siya.
Habang tumatagal, kinakabahan ako sa isasagot niya.
"Oo, mga tatlong beses na siguro pero akala ko naman wala lang 'yon lalo na best
friend mo naman si Kiro kaya hindi ako nag-isip ng masama sakanya."

Mas lumalakas 'yong kutob ko na totoo nga 'yong sinasabi ni Skie. "May kailangan
akong ipaki-usap sayo," hinawakan ko ang kamay ni Ailee. "Pwede bang alamin mo kung
anong pinag-uusapan ni Anya at ni Kiro? Ikaw lang 'yong naisip kong makakatulong
sakin dahil ikaw lang naman 'yong kilala kong nalapit kay Anya."

"Anong meron sa kanilang dalawa?"

"Hindi ko pa din talaga masabi pero alam kong may mali lalo nang nakita ko si Anya
at Kiro na nag-uusap. Sabi ni Kiro, kumukuha lang siya ng mga bagay na magagamit
namin laban kay Anya."

"Hindi ka naniniwala sakanya?"

Umiling ako. I hate to admit this but, "No, I don't." I sighed." He's my best
friends for almost half of my life and it's hard not believe him but I can feel
that there's something wrong about it."

"Don't worry, aalamin ko lahat yan. Titingin ako sa kwarto mamaya ni Anya at
titignan ko kung may mahahanap ako don. Mabuti pa matulog ka na dahil maaga pa
'yong pasok mo bukas."

Hindi ako nagkamali, talagang maasahan ko si Ailee. Kahit na kapatid niya si Anya
alam ko na sakin pa din siya kakampi. Isa pa, wala naman magandang naidulot sakanya
'yong bitch niyang kapatid. Nakakaawa nga si Ailee, hindi niya deserve si Anya
bilang kapatid.

Bumalik ako sa bahay para na din makapag pahinga. Pagdating ko don may binigay
sakin na bulaklak si Mom. "May nag deliver kanina nung pag-alis mo."

"Thank you Mom. Akyat na muna ako sa taas." Sambit ko.

"Beatrix, is everything alright?" Humarap ulit ako sakanya. Ayokong nakikitang


ganito si Mon pero ayokong sabihin pa sakanya lahat ng problema ko dahil lalo lang
siyang mag-aalala. "Alam kong wala na kayo ni Caleb pero talaga bang hindi mo na
siya mahal?"

Tinignan ko 'yong sulat sa bulaklak at galing nga 'yon kay Caleb. I know Mom likes
Caleb so much. "I don't know Mom, maybe I still do but I just need time to think."

"Alright, if you need me you know I'm always here." Lumapit siya sakin at niyakap
niya ako. "I love you anak."
"I love you too, Mom."

Pagpasok ko pa lang sa kwarto ko, tinignan ko agad 'yong letter sa bulaklak na


binigay ni Caleb. Isa bouquet ng white rose.

Angel,Kahit paulit-ulit pa akong mag sorry sayo, gagawin ko. I'm so sorry. Sana
isang araw mapatawad mo din ako. Maghihintay ako kahit gaano katagal. I love you so
much.. I miss you.- Caleb

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Ayokong bumigay kay Caleb pero
hindi maiwasang lumambot ng puso ko sa mga pinapakita niya. Hindi naman siguro siya
mag bibigay ng sobrang effort kung hindi siya seryoso sa mga sinasabi niya.

"No Trix, don't think of him. You'll be distracted."

Tinabi ko 'yong bulaklak na binigay niya tska ako natulog. Sa ngayon, iisa lang
dapat ang nasa isip ko at 'yon ay ang makaganti kay Anya at kala Skie.

--

"So you think there's something going on between Anya and your best friend?" Tanong
ni Ashton habang pinagdi-drive niya ako papunta sa school. "Oh, wait. Talking about
Anya, there she is."

Tinignan ko si Anya at nasa coffee shop siya. Napahawak ako sa bibig ko ng makita
ko kung sino 'yong kausap niya. Si Kiro. What the hell.

"Oh.. he's with your best friend again."

"Pwede ba tayong huminto sandali sa tapat ng coffee shop?" Tumango siya at nag park
kami sa tapat ng coffee shop. "Anong pinag-uusapan niyong dalawa? Bakit hindi ko
magawang maniwala sayo Kiro? Ikaw ba talaga 'yong nagsulat nung nabasa ko?" Bulong
ko sa sarili ko pero masyado atang malakas 'yon dahil narinig siya ni Ashton.

"Anong nabasa mo?" Tanong niya.

"May pinabasa sakin si Skie na sulat at base sa nagsulat ng letter, simula pa lang
sakanya na ako na inagaw lang ako ni Skie sakanya at ramdam ko don 'yong galit niya
kay Skie."

"Sigurado ka bang hindi 'yon ginawa lang ni Skie para lituhin ka?" Na-isip ka na
din 'yon pero parang hindi eh. Isa pa, alam ko 'yong sulat kamay ni Skie. "Isipin
mong nabuti, Trix."
Inalala ko 'yong hand writing ni Kiro at oo, sakanya nga 'yon. Pakiramdam ko hindi
ako makahinga. Totoo ba talaga? Siya 'yong may gawa non?

Bago maaksindente si Skie, pinapunta ako ni Kiro sa unit niya pero wala pala siya
don at nalaman ko pumunta siya sa unit ko. Nag text daw siya sakin na siya na lang
'yong pupunta sa unit ko pero wala akong natanggap na kahit ano. Kinabukasan
nakipaghiwalay sakin si Skie na hindi ko alam kung bakit at kung anong dahilan.
After two days, naaksidente siya.

Unti-unting nagiging malinaw ang lahat sakin pero parang ayokong maniwala. Bakit
naman ako ise-set up ni Kiro para mapaghiwalay kami ni Skie? Best friend niya ako!

Oh my gosh.

Sobrang manhid ko para hindi maramdaman na mahal ako ni Kiro, simula pa lang.
Ginawa niya talaga 'yon para mag hiwalay kami ni Skie para mapunta ako sakanya.

"Trix, ayos ka lang ba?"

Nahihirapan akong huminga. Naiiyak ako. What the hell is happening. Bakit ganon?
Paano nagawa sakin 'yon ni Kiro? I've trusted him but he betrayed me.

"Trix! Please talk to me." Hinawakan ni Ashton 'yong mukha ko. "Inhale, exhale..
breathe slowly." Ginawa ko 'yong sinabi niya at kahit papaano, naging okay ako.

"Thank you, Ashton."

Hinawakan niya 'yong kamay ko. "Trix, wag mo muna lang munang isipin si Kiro baka
mamaya mapano ka pa. Gagawa tayo ng paraan para malaman ang totoo. Kung niloloko ka
nga niya talaga mas maganda na mahuli natin sila sa akto dahil for sure tatanggi
lang naman siya sayo. Let's plan for this, okay?"

Tama si Ashton. Kung kakausapin ko si Kiro ngayon na wala naman akong matibay na
ebidenysa, mababaliwala lang ang lahat. Hindi dapat ako magpadalos dalos. Mabuti pa
hintayin ko na lang kung may makukuhang information si Ailee sa kapatid niya.

"Let's just go, Ash. We're going to be late."

Nag drive kami papunta sa school. Malapit na ang pageant at ayokong matalo dahil
lang sa iniisip ko ang tungkol kay Kiro.

Hinatid ako ni Ashton sa classroom ko. Classmate ko don sila Skie at nandon na sila
maliban kay Anya.

Umupo ako sa likod kung nasaan si Caleb. Tahimik lang siya pero minsan napapatingin
siya sakin. Pakiramdam ko gusto niya akong kausapin pero nag-aalangan siya.

"I hope you'd like the flowers." Bulong niya sakin. Hindi ko siya pinansin. "Hindi
ako mag sasawang mag hintay sayo.. Angel."

Ang hirap mag concentrate dahil kay Caleb pero buti na lang maagang natapos 'yong
class namin. Hindi na nakapasok si Anya. Ano kayang ginawa niya? Kasama pa din kaya
niya si Kiro?

Pagkatapos ng class ko nagkita kita ulit kami ni Ailee at Ashton.

"Maaga akong uuwi para maghanap ng kung ano sa kwarto ni Anya. Aalis daw sila nila
Daddy kaya magagawa kong mag spy."

"Okay ka na ba Trix?" Tanong ni Ashton.

"Okay na ako Ash, wag ka nang mag-alala." Sagot ko. "Uuwi na lang agad ako para
makapag pahinga."

"Anong nangyari sayo, Trix?" Tanong ni Ailee. "Masama ba pakiramdam mo?"

"Ayos lang ako, Ailee. Uuwi na lang ako agad para makapaghinga. Kailangan ko ng
lakas para sa pageant bukas."

Hinatid ako ni Ashton pauwi. Alam ko na madami pa siyang gustong sabihin sakin pero
hinayaan niya na akong magpahinga.

Tatapusin ko muna 'tong pageant na 'to tska ko iisipin si Kiro at 'yong huli kong
revenge kay Anya. Kailangan kong mag focus dahil ayokong matalo. Isa pa, mahihiya
ako kay Ashton kapag hindi ko ginalingan bukas. Ang dami na niyang naitulong sakin
at ang isang bagay na pwede kong ibigay sakanya at ang ipanalo ang pageant bukas.

Bago ko ipikit ang mata ko, kinuha ko ulit 'yong bulaklak na binigay sakin si Caleb
at sakto, napadungaw ako sa bintana namin. Nakita ko sa baba si Caleb habang
nakasandal siya sa kotse niya.

May kung anong nagtulak sakin para bumaba at kausapin siya.

Nanlaki 'yong mata niya sa sobrang gulat ng nakita niya ako. Akala mo nakakita siya
ng multo.

"Angel, totoo ba talaga 'to? Bumaba ka talaga?" Hindi pa din siya makapaniwala.
"Hindi ba talaga ako nananaginip?"

Ngumiti ako sakanya. Gusto ko man gawing bata ang puso ko, hindi ko magawa. Sobrang
effort na 'yong pinakita sakin ni Caleb. Na realized ko na bigyan ulit siya ng
chance. Oo may takot pa din sa puso ko na baka niloloko niya ulit ako pero sapat na
din sakin lahat ng mga sakripisyong ginagawa niya.

"Salamat sa bulaklak." Sagot ko. "Bakit ka nandito?"

"Gabi-gabi naman akong nandito. Hoping na baka masilayan kita kahit na sandali
lang. Para sakin sapat na 'yon kaya hindi ako makapaniwala na nandito ka ngayon sa
harapan ko." Lumapit siya sakin pero ingat pa din siya sa mga galaw niya. Kita ko
sa maya niyang gusto nita akong hawakan at yakapin. "I miss you so much, Angel."
Nakita kong may tumulong mga luha sa mata niya. "Hindi ko akalain na kakausapin mo
na ulit ako. It's like I'm dreaming right now."

"Caleb, I can't deny that I still have doubts with you but I want to give you a
chance to prove yourself again." Huminga ako ng malalim. "I don't want to fool
myself anymore. Caleb.. I still love you."

"Really?" Mas lalo siyang naiyak sa sinabi ko pero alam ko na may halong saya na
'yong pag-iyak niya ngayon. "Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon,
Angel."

We both smiled at each other.

Niyaka niya ako ng sobrang higpit pero hindi ako kumawala. Maybe, I miss him too.
'Yong feeling na 'to, sobrang totoo na kahit 'yong mga pag aalinlangan ko,
nawawala.

"Gagawin ko ang lahat para bumalik 'yong tiwala mo sakin pero hindi kita
minamadali, alam ko nasaktan ka ng sobra at mahihirapan kang magtiwala ulit. Kaya
kong maghintay, Angel kahit na gaano katagal. Bumalik ka lang ulit sakin. Maha na
mahal kita.."

"Thank you.. Caleb."

Ayoko na ulit masaktan pero kung patuloy akong magiging ganito, hindi ako magiging
tuluyang masaya.

This time, I'll take the risk.

=================

Chapter 48: Pageant


"Okay ka lang ba, Trix?" Sambit ni Ailee sakin. "Kanina ka pa tulala dyan? Iniisip
mo pa din ba si Kiro at si Anya? Wag kang mag-alala, kung may sikreto nga silang
dalawa, malalaman din natin 'yon, okay?"

Sa totoo lang, hindi naman si Kiro at si Anya 'yong iniisip ko. Naiisip ko si
Caleb. Mahirap din sakin na bumigay ng ganon, na lumambot ulit 'yong puso para
sakanya pero ayoko naman lokohin 'yong sarili ko. Nagalit man ako sakanya, hindi pa
din pala nawala 'yong pagmamahal ko para sakanya. Tama si Ashton, masyado akong
kinakain ng galit ko.

Sa totoo lang, nawawalan na ako ng gana para ituloy 'tong paghihiganti na 'to. Kaso
sa tuwing naaalala ko 'yong mga ginawa sakin ni Anya at ni Skie, bumabalik pa din
lahat ng galit at sakit.

"Sorry, wala lang 'to." Sagot ko. "Malapit na magsimula 'yong pageant, magbibihis
na ako."

"Me too, just text me when you're done. Susunduin ko kayo." Sagot ni Ashton.

Sinamahan ako ni Ailee sa room namin at duon ako nag bihis. Katulong namin 'yong
iba kong classmates sa pag-aayos sakin. Mula sa buhok ko hanggang sa mga susuotin
ko mamaya.

Kahit anong mangyari, kailangan kong manalo dito. Gusto kong makita 'yong mukha ni
Anya habang tinatalo ko siya. Kahit duon man lang malabawi ako sa lahat ng
pagpapahirap niya sakin.

"Never mo bang nagustuhan si Ashton? Halata naman na gusto ko niya, eh." Biglang
singit ni Ailee sakin habang inaayusan niya ako. "Gwapo naman siya, mabait tska
super yaman pa. Parang nasakanya na nga lahat, eh."

Well, attractive naman talaga si Ashton pero siguro dahil sa mahal ko pa din talaga
si Caleb kaya hindi ako nagkagusto sakanya. Kung dati ko pa siguro siya nakilala,
hindi imposible na magkagusto din ako sakanya.

"Teka, wag mong sabihin na mahal mo pa si Caleb or baka si Skie kaya hindi ka
nagkagusto kay Ashton?"

Naguluhan lang ako kung bakit nabanggit pa ni Ailee si Skie, eh matagal na naman
akong nakapag move-on sakanya.

"Trix, umamin ka sakin." Pangungulit pa niya. "Totoo ba?"

Wala na din naman rason para hindi ko sabihin kay Ailee ang totoo. Siya at si
Ashton naman 'yong mga taong pinagkakatiwalaan ko dito.
"Okay, sasabihin ko na." Tumigil muna siya sa pag-aayos sakin. Nakatitig talaga
siya sakin. Feeling ko pa nga kinakabahan siya sa sasabihin ko. "Ang totoo, mahal
ko pa din pala si Caleb. Nag-usap na kami nung isang araw, sinabi ko na sakanya
'yong totoo pero hindi pa din naman kami nagkakabalikan. Kahit na alam ko na kung
ano talagang nararamdaman ko ngayon, hindi pa din ganon kadaling ibalik ang lahat
pero sabi niya maghihintay siya at gagawin niya lahat para bumalik 'yong tiwala ko
sakanya, para bumalik kami sa dati."

Natulala si Ailee. Hindi niya pa siguro na proseso 'yong mga sinabi ko.

"Oh my.. seriously?" Napa-nganga siya ng literal. Hindi ko alam kung okay ba siya
sa sinabi ko o hindi. "Well, kung mahal mo pa din talaga siya then go. Mahirap
pigilin 'yong nararamdaman mo pero just make sure na totoo na talaga sayo si Caleb
at hindi na 'to basta dahil sa plan nila. Ayokong makita ka ulit na nasasaktan."

Napangiti ako sa sinabi ni Ailee. She's really a good friend. Hindi ako nagkamali
sakanya.

"Thank you, Ailee. I think, I've learned my lesson. Isa pa, mukha naman talagang
seryoso si Caleb sa mga sinasabi niya. Action speaks louder than words sabi nila."

Ngumiti din siya sakin at duon ko nasabi na okay din naman siya sa mga sinabi ko.
Ever since naman okay siya kay Caleb, actually close pa nga sila. Nagbago lang
talaga lahat ng dahil sa plano nila ni Skie, ng lokohin nila ako.

"Kung saan ka sasaya, susuportahan kita. May tiwala naman ako sayo, eh." Tinuloy na
niya 'yong pag-aayos sakin. "Kagaya na lang dito sa pageant, may tiwala akong
mananalo ka dito. Sigurado na ako don. Last check ko, ikaw ang leading sa voting,
kaso sa guy si Skie 'yong ngunguna."

"May tiwala ako kay Ashton, kaya niyang ipanalo 'to." Sambit ko.

Pagkatapos nila akong ayusan, tinawagan namin si Ashton at sinundo niya kami sa
room. Inalalayan niya ako papunta sa auditorium kung saan gaganapin 'yong pageant.
Confident naman ako na mananalo kami ni Ashton dito pero syempre alam ko na hindi
papatalo dito si Anya. Gagawin niya ang lahat para hindi matalo sakin, kahit pa
siguro ang mandaya pero nakahanda na ako para don.

Speaking of that b*tch.

"Oh well, for sure naman ako na ang mananalo dito kaya ready na 'yong winning
speech ko para mamaya," huminto siya sa harap ko at ngumisi. Halatang nang-aasar
siya. "Ready ka na ba sa pagkatalo mo, Angel?"

Ngumisi din ako. "Tingin ko ikaw dapat ang naghahanda para don."
"I'm going to win this pageant, no matter what." Confident niya sabi. "Sabi ko
naman sayo, wag mo akong kalabanin. Mararamdaman mo mamaya kung gaano kasakit ang
matalo sakin. You'll just always be behind me, Angel."

Hindi ako nagpatinag sakanya. Pinanatili ko 'yong ngiti sa mukha ko. Actually, I'm
amused. Ano kayang magiging reaksyon niya kapag hindi siya nanalo mamaya? Well, at
least ako, manalo matalo, nakahanda na ako sa lahat ng pwedeng mangyari. Hindi ko
nga lang alam kay Anya.

"Libre lang naman mangarap, hindi ko na ipakakait sayo 'yon."

Sinamaan niya ako ng tingin. Feeling ko gusto niya akong sampalin ngayon pero
masyadong madaming tao at hindi magiging maganda sa image niya kapag nang-away siya
ng ibang candidate. Hindi naman siguro siya ganon, ka-tanga.

"Anya, let's go." Singit ng magaling niyang boyfriend. "The pageant will start in
ten minutes." Inirapan niya muna ako bago siya pumulupot kay Skie. How pathetic.

"Pasalamat siya babae siya kaya hindi ko siya pinatulan." Bulong sakin ni Ashton.
"Wag mo na lang siyang pansinin, Beatrix. Manalo o matalo ka man, ikaw pa din 'yong
Ms. Enderun para sakin."

"Thank you Ashton, ipanalo natin dalawa 'to pero kung matalo man tayo ayos lang din
sakin. Masaya na ako na nagkakilala tayo dahil sa pageant na 'to. Nagkaroon ulit
ako ng bagong kaibigan."

Ang laki ng ngiti sakin ngayon ni Ash. "Ang sarap naman pakinggan na kaibigan na
talaga 'yong turing mo sakin. Thank you, Angel."

Natigilan ako sa sinabi niya. "Angel? First time mo ata akong tawagin na Angel."

"Pakiramdam ko kasi wala na 'yong pader na nakapalibot dyan sa puso mo. Mas okay ka
na ngayon tska mas okay pala pakinggan 'yong Angel kaysa sa Beatrix."

Mas prefer ko pa din ang Beatrix kaysa sa Angel pero okay na din. Naiisip ko, wala
na ba talaga 'yong bagay na nakaharang sa puso ko? Hindi naman siguro magiging
dahilan 'yon para magpa-api at masaktan ulit ako. Hindi na nila magagawa sakin
'yon. Hindi na.

After ten minutes, nag start na 'yong pageant. Nagpakilala muna kami isa-isa. Kami
ang last ni Ashton at kami pa din ang may pinakamalakas na cheer galing sa mga tao.
Tinignan ko si Anya at mukhang naiirita siya.

"Nag bayad ka pa talaga ng mga taga cheer mo ha?" Bulong sakin ni Anya sa
backstage. Natawa na lang ako sa sinabi niya. "You're so cheap." Naririnig ba niya
'yong sarili niya?
"Tingin ko, mas cheap 'yong babaeng pumapatol pa sa iba kahit may boyfriend na
siya. Hindi ba, Anya?"

Nanlaki 'yong mata niya sa sinabi ko. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya.
Tumawa na lang ako na may halong pang-aasar. Iniwan ko siya don na nakatulala.

Serves you right, b*tch.

"Anong nangyari? Inaway ka ba niya?" Tanong ni Ashton. "Sumusobra na talaga siya."


Hinawakan ko 'yong kamay niya para kumalma siya.

"Just calm down, I've got this." Sambit ko sabay kindat. Natawa tuloy siya sibgla.
"I can handle her myself."

"Sabihin mo lang kapag inaway ka niya, ako 'yong makakaharap niya."

Para sa isang kaibigan, napaka-protective ni Ashton. Ang swerte siguro ng magiging


girlfrind niya.

"Trix! Ashton!" Sigaw ni Ailee.

Napatingin ako sakanya at bigla akong natigilan. Bumalik 'yong tingin ko kay Ashton
pabali kay Ailee.

Bagay pala silang dalawa.

"Oh, bakit ganyan ka makatingin sakin?" Tanong ni Ailee. "Anong meron?" Clueless
niyang tanong.

"I just thought na bagay kayong dalawa ni Ashton." Pang-aasar ko. Well, totoo
naman. Mas prefer ko si Ashton kaysa kay Luke or kay Enzo. "Yeah, you look good
together."

Nagkatinginan silang dalawa pagkatapos natihimik kaming lahat. Medyo awkward pero
feeling ko may kakaibang na-feel 'tong dalawa na 'to. Natatawa na lang ako sa isip
ko.

"Uhm.. come on Trix," aya sakin ni Ashton. Para pa siyang nahihiya. Nakakatuwa
siya. "It's time for evening gown, change your clothes."

Umalis na agad siya. Feeling ko namumula pa 'yong pisngi niya. Natawa pa tuloy ako
kahit nasa harapan ko pa si Ailee. "Last mo na 'yon ha?" Sambit niya.
"Masama na bang mag voice out ng opinion mo?" Pang-aasar ko. "Tara na."

Buti na lang hindi na umimik si Ailee. Sinundan niya ako sa room kung saan nagpalit
ako ng evening gown.

Simple lang 'yong isusuot ko. Pink long dress tapos medydo light na make-up lang.
Hindi din naman kami nagtagal, pagkatapos kong makapagbihis pumunta na kami sa
auditorium.

Pinalakad na agad kami ng emcee sa stage. Ang lakas pa din ng cheer nila sa amin
kahit na kala Anya at Skie. Minsan napapatingin sakin si Skie kaya hindi ko na din
mapigilan tumigin sakanya, nakita 'yon si Anya kaya ang sama na naman ng tingin
niya sakin.

After non, nag proceed na kami sa talent portion.

Si Skie at Anya, sumayaw habang kami ni Ashton, kumanta ng Beauty and the beat. Ang
ganda ng boses ni Ashton kaya confident ako na pasok kami sa top five.

Nung tinawag ulit kami sa stage, tinawag na 'yong unang tatlong pasok sa top five
at wala pa kami don at sila Anya. Nung tinawag sila Anya, tinignan niya ako na
parang siya na 'yong nanalo pero nawala naman agad 'yon ng tawagin na din kami ng
emcee. Gusto ko tuloy matawa dahil sakanya.

"Akalain mo umabot ka pa sa top five," bulong niya sakin. "Binayaran mo ba 'yong


mga judges?"

"Hindi ko sila binayaran pero may kilala akong handang magbayad sa mga judges para
lang manalo dito sa pageant." Ngumiti pa ako sakanya at kinindatan ko siya. Alam ko
gusto niyang mainis pero hindi niya magawa dahil nasa stage pa din kami. "Smile
lang, mas pumapangit ka lalo kapag nakasimangot ka." Pang-aasar ko sakanya.

Feeling ko anytime soon, sasabog na siya. Nag e-enjoy akong panuorin siya pero
hinila na ako ni Ashton papunta sa backstage para magpalit ng damit. Nagsuot ulit
ako ng pink na dress pero hindi na ganon kahaba.

Question and answer na 'yong susunod at kampante naman ako na makakasagot ako. Last
na naman kaming tatawagin. Nauna na si Skie at Anya. Okay naman 'yong sagot ni Skie
pero si Anya.. nevermind.

Tinawag na kami at unang tinanong si Ashton. Gusto talaga nila akong ihuli ha.

Okay din 'yong sagot ni Ashton pero mas maayos pa din 'yong sagot ni Skie. Kahit
ganon, naniniwala pa din ako na ipapanalo niya 'to.

"Goodluck, Angel." Bulong sakin ni Ashton ng tawagin na ako.


"Ito na ang tanong mo candidate number 16," sambit ng emcee. "Paano kung isang araw
bumalik sa buhay mo ang lalaking minahal mo ng sobra, babalik ka ba sakanya o
kakalimutan mo na siya ng tuluyan?"

Natigilan ako.

What the hell.

Hindi ganitong tanong 'yong inaasahan ko. Akala ko tungkol sa world peace, politics
o kung ano pang may sense 'yong itatanong nila pero bakit ito pa?

Ilang segundo na akong walang imik. Mas lalo akong kinabahan. Para akong na mental
block bigla. Wala na, talo na ako. Anong gagawin ko? Parang may mga luha na gusto
ng tumulo sa dulo ng mga mata ko.

"Go Angel!"

Bigla akong natauhan sa boses niya. Tinanggal niya 'yong cap niya pagkatapos tinaas
niya 'yong banner na may nakasulat na, "GO ANGEL BEATRIX DELA FUENTE"

Ngumiti siya sakin at napangiti din ako. Alam ko na kung anong isasagot ko.

"Para sa akin ang mga bagay na bahagi na lang ng nakaraan ay hindi na dapat pa
binabalik. May rason kung bakit sila nawala sa buhay mo pero ang mahalaga, naging
matatag ka at natuto kang lumaban. Sa buhay hindi lang tayo dapat mag move-on kung
hindi dapat mag move forward tayo."

Hindi ko alam kung talagang nakalaan sakin 'yong tanong na 'yon o hindi pero masaya
na din ako dahil na realized ko kung ano ba talagang gagawin ko kapag isang araw
bumalik ang alaala ni Skie. Bahagi na lang siya ng nakaraan ko at si Caleb na ang
present ko ngayon. Kung papapiliin man ako sakanilang dalawa, siya ang pipiliin
ko..

.. si Caleb.

-Last 5 chapters! :)

=================

Chapter 49: Defeat

Naka-line up na kaming lahat sa stage habang hinihintay 'yong decision ng mga


judges. Hindi maalis 'yong tingin ko kay Caleb na hanggang ngayon hawak hawak pa
din 'yong banner ko. Mukha siyang ewan sa totoo lang pero ang cute niya tignan.

"You're really in love with him," bulong sakin ni Ashton. "The way you look at each
other is breathtaking."

"Am I that obvious?" Bulong ko. "Well, yeah. I really love him." And I know he
loves me too.

"I'm happy for you, Angel."

Isa-isa ng tinawag 'yong winners. Inaasahan ko na naman na maiiwan kaming apat nila
Skie. Kung sinong mananalo dito? Hindi ko alam pero manalo o matalo, wala na akong
paki-alam pa. Pagkatapos naman nito, malalaman pa din ng lahat ang totoo. Ang
pagtataksil ni Anya kay Skie at ang pagkakataksil kay Skie ng matalik niyang
kaibigan.

It will all ends tonight.

"For our first runner up," nag play 'yong background music pagkatapos pinatay 'yong
ibang ilaw sa auditorium. "Contestant number.. 18 and 21!"

Napatingin agad ako kay Anya. Halos hindi siya makagalaw at para siyang
pinagbagsakan ng langit at lupa. Alam ko hindi niya 'to inaasahan dahil alam ko na
binayaran niya 'yong mga judges para sila ni Skie 'yong manalo pero nakagawa agad
ako ng paraan tungkol don. Pinigilan 'yon ni Ailee at tinapatan niya 'yong binigay
na halaga ni Anya para ipanalo kung sino man talaga ang mararapat manalo. Lucky me,
ako pala 'yong pinili nila at si.. Skie.

"Congratulations Angel, I know you'll win this," sambit ni Ashton sabay yakap
sakin. "I'm so proud of you." Bigla akong nalungkot para sakanya. Sana kaming
dalawa 'yong nanalo.

"Para sa akin, ikaw pa din 'yong panalo Ash, congrats sa ating dalawa." Niyakap ko
siya pabalik bago siya naglakad sa harapan.

Hindi maipinta 'yong mukha ni Anya. Parang wala oa siya sa sarili niya. Nakakatawa
siya tignan. Cheaters never win, b*tch.

"And for our Mr. and Ms. Enderun, contestant number 16 and 17!"

Naghiyawan lahat ng tao sa auditorium. Dahan dahan akong naglakad papunta sa harap
at ganon din si Skie. Hindi ko inaasahan na kaming dalawa pa talaga 'yong mananalo
dito pero okay na din, mas nadagdagan naman 'yong inis ni Anya dahil dito. Natalo
ka na nga, iba pa naging partner ng boyfriend mo. Mahal man niya si Skie o hindi,
nakasalalay pa din dito 'yong ego niya.
Kumaway pa ako para lalong maasar si Anya. Nag e-enjoy akong panuorin siya. Ngayon
pa lang quota na ako sa paghihiganti ko pero syempre kailangan pa din malaman ng
lahat ang baho niya.

"Congratulations Angel," Sambit ni Skie. Ngumiti lang ako sakanya pero hindi ko
siya kinausap. "Nakikita ko si Caleb mula dito at mukhang masaya na ulit siya, okay
na ba kayong dalawa?" Dagdag pa niya. Hindi ba niya mahalata na ayokong makipag-
usap sakanya?

"It's none of your business, Skie. Please stop asking me." Sagot ko.

"Sorry." Sagot niya.

Sinuot na samin 'yong sash at 'yong crown. Nag picture taking kami. Kami si Skie at
picture kasama lahat ng candidates. Nakita ko sa malayo si Mom at Dad. Masayang
masaya sila at kasama din nila si Ailee.

Pagkababa namin ng stage, dumiretso kami kala Mom. Niyakap agad ako ni Mommy.
"Congratulations Beatrix! I'm so proud of you!"

"Me too baby, I'm so proud of you." dagdag ni Daddy. "From my little girl to a fine
lady."

"Thank you Daddy and Mommy."

Nag group hug kaming tatlo. I miss this. After all of this, makakabawi din ako
sakanila. I'll be their little girl again. After this night, matatapos na din ang
lahat.

"We'll be having an after party at the gym later by ten! I hope you can come!"
Sigaw ng emcee. "Congratulations to the winners!"

"Congratulations," singit ni Caleb. "I'm so proud of you, Angel." Ngumiti siya


sakin, isang genuine na ngiti.

"Thank you Caleb." Sagot ko.

"We're going to eat dinner, would you like to come guys?" Alok ni Mommy sakanila.

"I'm going to come with my family." Sabay na sabi ni Ailee at Ashton. Nagkatinginan
pa silang dalawa. "Let's just see each other later."
Bagay talaga silang dalawa.

"Caleb, sumama ka na samin." Alok ni Daddy. Nagkatinginan kaming dalawa kaya


ngumiti lang ako. Wala naman kaso sakin kung sumama siya. "Matagal na tayong hindi
nakakapag-usap."

"Oo nga, sumama ka na samin." Dagdag pa ni Mommy.

"Kung okay lang po kay Angel." Nahihiya pa siyang sabihin 'yon. "Okay lang ba
sayo?" Tanong niya sakin.

"That's fine, you can come with us." Sagot ko.

Nagpaalam na muna ako kala Ailee pagkatapos pumunta kami favorite resto ni Daddy na
malapit lang sa school.

"Mukhang okay na kayong dalawa," singit ni Daddy habang kumakain kami. "Kayo na ba
ulit?" Pareho kaming muntik nang mabulunan sa sinabi niya. Nagtawanan tuloy sila
Mommy.

"Dad, hindi po."

"I'm trying," singit ni Caleb. "I hope she'll say yes to me again." Nakatingin pa
talaga siya sakin habang sinasabi niya 'yon.

"We will see." Sagot ko.

Nasabi ko na kay Mom at Dad lahat kaya medyo nakakapagtaka na okay pa din sila kay
Caleb para sakin. Ang expected ko kasi, aayawan na nila si Caleb. Siguro nakikita
din nila 'yong effort niya.

Ayoko naman madaliin ang lahat sa amin although bumabalik na ulit 'yong loob ko
sakanya. Ayoko lang na magsisi ako sa huli.

After namin kumain, umuwi na din sila Mom at Dad. Hinatid naman ako ni Caleb
pabalik sa school para sa after party. Nagpalit na din ako ng party dress.

Pagdating namin sa party, madami nang tao at nandon na din si Ashton at Ailee.

"Naka handa na lahat." Bulong sakin ni Ailee. "After ng slow dance niyo ni Skie,
ipi-play na namin 'yong video."

"Thank you, Ailee."


Bago ako bumalik kay Caleb, kinausap muna ako ni Ashton. Mukhang seryoso 'yong
sasabihin niya sakin. "Sure ka na ba talaga dito?" Tanong niya.

"What do you mean? This is what we've planned before."

"Well, I thought we can just make it more private." May awa sa mga mata ni Ashton.
"I just realized, this is too much."

"Ashton, ngayon pa ba ako mag ba-back out? Isa pa, nagawa akong ipahiya nila Anya
sa harap ng madaming tao. I don't think this is too much. It's just fair."

Magsasalita pa sana siya pero siguro nakita niya na hindi na talaga ako mapipigilan
kaya nanahimik na lang din siya.

Naiintindihan ko naman si Ashton pero hindi niya kasi naramdaman 'yong naramdaman
ko dati. 'Yong sakit na mapahiya sa harap ng tao, na mapaglaruan at mapagtawanan.
Bagay lang naman 'to sakanila lalo na kay Anya. Hindi ako magbibigay ng awa
sakanya.

Nag open 'yong floor. Una puro party songs 'yong mga pinapatugtog nila pagkatapos
slow dance naman. Inaya ako ni Ashton sumayaw pero imbis na ako, tinulak ko si
Ailee papunta sakanya kaya silang dalawa 'yong nagsayaw. Nakita ko pa si Enzo na
papalapit sana samin pero umatras din siya. Tama lang 'yon, wala akong tiwala
sakanya. Sasaktan niya lang din ulit si Ailee at ayokong mangyari 'yon.

Pagtalikod ko nakita ko si Caleb. Hindi na ako tumanggi ng ayan niya akong sumayaw.

Habang sumasayaw kami, halos matunaw na ako sa tingin niya. "Bakit ganyan ka
makatingin sakin?" tanong ko.

"Kinakabasido ko 'yong mukha mo."

"Bakit naman?"

"Kasi gusto ko kahit maliit na detalye tungkol sayo, alam ko."

Hindi ako nakapagsalita at bigla na lang nag-init 'yong pisngi ko. Yumuko pa ako
para hindi niya makita na namumula 'yong pisngi ko.

"You're blushing.." bulong niya. Ngumiti na lang ako. Nilapit niya pa ako lalo
sakanya para mayakap niya ako kaya bumilis 'yong tibok ng puso ko. "Sorry.. sorry
kung niyayakap man kita ngayon. Hindi ko na talaga kayang pigilan 'yong sarili ko.
Miss na miss na kita, Angel. Pakiramdam ko mababaliw na ako kakaisip sayo."
Hindi na lang ako nagsalita. Hinayaan ko na lang din siya na yakapin ako.

"I love you.. I always do."

Sambit niya. Hindi na ako nakasagot kasi tinawag na kami ni Skie ng emcee sa gitna
para mag slow dance. Kailangan daw 'yon dahil kami daw 'yong nanalo. As much as I
don't want to. Okay na din para maasar si Anya tska para may dramtic effect bago
niya malaman ang totoo.

Pumunta kaming dalawa sa gitna. Nakapatay 'yong ilaw pagkatapos nakatutok sa amin
'yong spotlight. Nasa malayo pa lang ako, nakikita ko na 'yong nanggigigil na mukha
ni Anya. Tuwang tuwa ako sa nakikita ko.

Nag play na 'yong song at what the hell.

Sa dami dami ng kanta na tutugtugin nila bakit I won't give up pa?

https://www.youtube.com/watch?v=ZYqcpTYQ8I4

Nilagay ni Skie 'yong kamay niya sa bewang ko at 'yong kamay ko naman nilagay ko sa
balikat niya. For the sake of the program, I'll do this.

Tahimik lang kaming nagsasayaw. Akala ko nga hindi na siya magsasalita pero hindi.

"Are you still mad at me?" Tanong niya.

"Ask yourself, Skie. After what you've done to me? Am I mad at you?"

Biglang lumungkot 'yong mukha niya. Halos matigilan ako dahil nag flashback sakin
lahat ng kung anong meron kami dati. What is happening to me?

"I know, I'm such a fvcking douchebag. Oo nasaktan kita pero maniwala ka, nagsisisi
na ako. Sorry kung mas pinaniwalaan ko 'yong mga nakasulat sa diary, sorry kung mas
naniwala ako kay Kiro. Wala naman kasi akong maalala eh. Fvck my amnesia. For the
first time, gusto kong maalala lahat.. Angel please forgive me."

Nagulat ako kasi kusa na lang tumulo 'yong mga luha sa mata ko. For a second,
pakiramdam ko nakasama ko ulit si Skie. 'Yong Skie na minahal ko.

"Angel, just tell what I can do to--"

"Stop."
"What?"

Pinunasan ko 'yong mga luha ko. Hindi ko na pwede 'tong maramdaman. Hindi ko na
kayang lumapit at makipag-usap kay Skie.

Inalis ko 'yong kamay ko sa balikat niya. Tumalikod na ako para umalis pero
tinatawag pa din ako ni Skie.

"Angel wait!"

Papaalis na sana ako kaso biglang nag open 'yong projector na malaki sa stage.

Napalingon ako pati si Skie.

Nag play 'yong cctv video. Kitang kita don 'yong mukha ni Anya at ni Luke.
Naghahalikan pagkatapos pumasok sila sa loob ng hotel room. Lahat ng tao sa gym
natahimik, 'yong iba nag bubulungan. May nag flash pang mga pictures ni Anya at
Luke at halatang recent lang. Ang masama, sobrang intimate sila sa isa't-isa.

Tinignan ko si Skie. Nakasara 'yong kamao niya. Kahit nasa malayo ako sakanya, alam
kong galit siya, o mas magandang sabihin na sobra siyang nasasaktan ngayon.

"Stop that!" Sigaw ni Anya. "Stop that damn video!" Tumakbo siya papalapit kay
Skie. "Babe, don't believe that."

"Kailan pa?" Tanong ni Skie.

"Babe, hindi 'yan totoo!"

"Sagutin mo ako, kailan niyo pa ako niloloko ng kaibigan ko ha?!" Nilapitan niya si
Luke.

Hinabol siya ni Anya. "Babe please!"

"Ikaw! Traydor kang hayop ka!" Sinapak niya agad 'yong kaibigan niya, 'yong traydor
niyang kaibigan. "Pati girlfriend ko bro?! Ang dami naman babae dyan, 'yong
girlfriend ko pa?! Gago ka!" Susuntukin niya sana ulit si Luke pero pinigilan siya
ni Caleb at Enzo.

"Bro, I'm sorry. Iniwasan ko naman si Anya kaso hindi ko na naiwasan na mahulog
sakanya. Sakin siya palagi pumupunta kapag wala ka, hindi ko naman siya maiwan."

What a damn excuse.


"Fvck your excuses! Niloko niyo ako!" May mga luha ng pumapatak sa mata ni Skie.
"Pinagkatiwalaan ko kayo ng sobra pero ginago niyo ako! Ang sakit! Sobrang sakit
eh!"

"Skie let me explain!" Sigaw ni Anya. "You are sometimes cold to me. Ayaw mo nang
makipag make love sakin kaya hindi ko naiwasan hanapin 'yon sa iba at hindi ko
sinasadya na sa kaibigan mo pa."

Hindi ko naiwasan magalit. Anong klase ba siya?! She's so pathetic. What a crazy
b*tch.

"Ano?! Anya naman! Dahil lang don?!"

"Listen to me, ikaw ang mahal ko Skie. I don't love him. Babe please forgive me."
Nakita ko na din 'yong luha sa mata ni Anya. Hindi ko nga lang alam kung totoo 'yon
o hindi.

"Don't talk to me. Lumayo kayo sakin! Mga traydor!"

Pinunasan ni Skie 'yong mga luha niya pagkatapos naglakad siya palayo. Napahinto
siya sa harapan ko.

"I guess we're even now. Are you happy? Napahiya na ako sa harap ng madaming tao,
niloko ng mga taong mahal ko at nasaktan ng sobra. Sana kaya mo na akong
patawarin."

What now, Beatrix?

This is what you want right? This is all what you've been waiting for. You should
be happy. Nasaktan mo na din sila.

I should be happy but I'm not.

Did I break them or did this revenge break me?

--

=================

Chapter 50: The past

Habang natulala ako sa mga sinabi ni Skie, may bigla na lang sumampal sakin.
Napahawak ako bigla sa pisngi ko dahil sa sobrang sakit. Hindi ako makagalaw sa
kinakatayuan ko. Hindi ako makapag-react sa ginawa sakin ni Anya. Galit na galit
siya at kulang na lang kumuha siya ng kutsilyo at saksakin niya ako.

"How dare you! I know you're behind all of this!" Sinabunutan niya ako pagkatapos
hinila niya ako pahiga sa sahig. Napahiga ako pero hindi pa din ako makagalaw. "I'm
going to make you pay for this, you b*tch!"

Para akong tanga. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko maigalaw 'yong
katawan ko. Buti na lang mas humigpit 'yong pagkakasabunot niya sakin kaya parang
natauhan na ako.

"Get away from me!" Sigaw ko.

Tinulak ko siya palayo pero hindi siya kumakawala. "Not until you're dead!"

"Anya! Bitawan mo siya!"

Sigaw ni Ashton at Caleb. Hinawakan ni Ashton si Anya habang si Caleb inalalayan


akong tumayo. Inayos niya 'yong buhok ko pagkatapos tinignan niya ako sa mata ko.
Mukhang alalang alala siya sakin.

"Anong masakit sayo?" Tanong niya.

"Ayos lang ako, Caleb. Walang masakit sakin."

"Are you sure? Let's go, I'll take you home." Hinawakan niya 'yong kamay ko tska
niya ako inalalayan maglakad. "Kumapit ka lang sakin." Tumango lang ako.

"Where are you going b*tch! Magtutuso pa tayong dalawa!" Sigaw ni Anya. Tumalikod
ako para makita siya. Ayaw niya talagang paawat kaya nakawala siya sa pagkakahawak
ni Ashton. "Come here! Kakalbuhin pa kita!"

Malapit na siya samin pero hinila siya ni Ailee pagkatapos sinampal niya 'yong
kapatid niya. Nagulat kaming lahat sa ginawa niya. Napahawak sa pisngi niya si
Anya. "What the?" sambit niya.

"Tumigil ka na Anya!" Sigaw ni Ailee. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito at


masasabi kong nakakatakot siya. "Kung dati hinahayaan lang kita sa mga kalokohan mo
pwes ngayon hindi na kita hahayaan pa."

"Ah ganon? Sige, isusumbong kita kala mommy! Hindi mo ako kaya, pwede ba wag ka ng
makialam dito!" Tumaas 'yong kilay ko don. Ang spoiled brat niya masyado. "Tumabi
ka, dadaan ako."

Nanatili lang si Ailee sa kinakatayuan niya. Hindi siya natinag sa mga sinabi ni ng
kapatid niya. "Sige banggain mo ako, tignan natin kung anong mangyayari."

Sinubukan lagpasan ni Anya si Ailee pero hindi siya nakalagpas, napaupo pa siya sa
sahig. Gulat na gulat siya sa ginawa ng kapatid niya at feeling ko anytime, sasabog
na siya. Hindi ko din akalain na magagawa na talagang kalabanin ni Ailee si Anya.

"Alam mo Anya, ikaw ang may kasalanan ng lahat ng 'to. Alam mo kung bakit? Kasi
malandi ka! May boyfriend ka na pero ano? Nang-agaw ka pa ng boyfriend ng may
boyfriend? Tapos ngayon nahuli ka, mag mamaktol ka? How stupid. Lahat ng 'to
deserve mo, kabayaran 'to sa mga ginawa mo. Kaya wag mong sisihin si Angel dito.
Sisihin mo 'yong sarili mo."

Wow, this girl on on fire.

Tinulungan ni Luke si Anya na tumayo. Hindi na nagsalita pa si Anya at tumakbo siya


palayo.

"Sige na iuwi mo si Angel," sambit ni Ashton. "Ako nang bahala kay Ailee."

Inalalayan ako ni Caleb papunta sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at
sinuotan niya ako ng seatbelt. Nagkaroon ng katahimikan sandali bago ako nagsalita.

"Caleb, mali ba 'yong ginawa ko?" Tanong ko. "Ang sama ko ba?"

Hinawakan niya 'yong kamay ko at tinignan niya ako sa mata ko. "I want to be
honest, mali naman talaga na maghiganti ka pero hindi din naman kita masisi. Alam
ko nasaktan ka ng sobra at minsan paghihiganti talaga 'yong unang pumapasok satin
kapag naloko at nasaktan tayo," Hinawakan niya 'yong mukha ko. "Angel, you have a
good heart. Iknow that and it's never too late to make things right."

Yeah, to make things right.

"Thank you, Caleb. Thank you for staying by my side and for everything."

"Anything for you, Angel."

Hinatid na ako ni Caleb papunta sa amin. Nag stop kami sa highway malapit samin
dahil may banggaan daw sa hindi malayo sa amin. Pinatay ni Caleb 'yong music habang
naghihintay. Bumaba siya ng kotse para silipin 'yong aksidente, mag iiba daw kami
ng way kung matatagalan pang maalis 'yong mga nag banggaan.

"Angel!" Sigaw niya pagbalik niya. "Si Skie! Si Skie nabangga 'yong kotse niya!"

https://www.youtube.com/watch?v=TfKYWOUlq1o
Nag freeze ako sa sinabi niya pero nagawa ko pa din lumabas ng kotse at sumama
sakanya papunta kay Skie. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at pati ata paa ko
nanginginig na.

Nakabaliktad 'yong kotse ni Skie, naka higa siya sa tabi bintana ng kotse niya at
punong puno siya ng dugo. Pakiramdam ko nanghihina ako pero pilit ko 'yon
nilalabanan. Parehong pareho 'to sa aksidente na nangyari more than one year ago.
Unti unting nag flashback sa utak ko lahat ng mga nangyari dati. Ganito din 'yon,
parang isa 'tong dejavu. Hindi ko na naiwasan na maiyak.

"Skie.." naglakad ako papalapit sakanya pero may pumigili sakin.

"Sino sila?" Sabi ng traffic enforcer. "Bawal ho lumapit dito."

Hindi ako nagpapigil sakanya. "Kaibigan ko siya! Palapitin niyo ako!"

"Hintayin na lang natin 'yong rescuer, baka makasama pa kung igagalaw natin siya."

"Let me go please!" Pagmamakaawa ko.

"Angel, hintayin na lang natin 'yong rescue team. Baka mas lalong lumala 'yong
sitwasyon ni Skie kapag naiba 'yong pwesto niya." Hinila ako palapit ni Caleb tska
niya ako niyakap. "Just calm down, everything will going to be alright."

Dumating na din 'yong ambulance. Binigyan nila si Skie ng first aid kit pagkatapos
nilagyan siya neck brace tska nilagay sa spine board.

Sumama kami sa loob ng ambulance. Walang malay si Skie. Nakapalibot sakanya 'yong
rescue people.

"Bro, please wag kang bibitiw ha? Kaya mo 'to." Sambit ni Caleb. May mga luha na sa
gilid ng mata niya. "Mag-uusap pa tayong dalawa kaya lumaban ka."

Hindi na niya napigilan na maiyak.

"Sorry if I'm crying right now," pinunasan niya 'yong mga luha sa mata niya. "Ang
sakit lang na makita siyang ganito. Para ko na siyang kapatid, eh."

"Just like what you said, everything is going to be alright. Skie would be fine, I
know that."

Niyakap ako ni Caleb. Alam ko kaya 'to ni Skie. Nakaya niya na 'to dati kaya mas
kakayanin niya 'to ngayon. He'll survive this. He needs to.
Dinala agad si Skie sa emergency room habang kamo ni Caleb nagkaupo sa bench sa
labas. Tinawagan na ni Caleb sila Tito Charles at papunta na sila dito.

Hindi ako mapakali habang naghihintay sa labas. Lahat ng naramdaman ko nuon,


nararamdaman ko ulit ngayon. 'Yong kaba, takot at sakit. Bakit kailangan mangyari
pa 'to ulit? Bakit kailangan maaksidente ulit ni Skie?

Kasalanan ko ba lahat ng 'to?

Kung hindi ko siguro tinuloy 'yong plano ko baka sana hindi siya umalis at hindi
siya naaksidente ngayon. Kung hindi dahil sakin, hindi siya mapapahamak.

Ang sama ko.

Naiyak na naman ako habang naghihintay. Tinawagan ko na din sila Mommy at pati sila
papunta na din dito.

"Angel, kamusta si Skie?" Tanong ni Tita Serina. Nanginginig 'yong kamay niya at
iyak siya ng iyak. "Malala ba siya? Anong sabi ng doktor?"

"Tita, kumalma muna kayo." Sambit ko. Pinaupo ko muna siya dahil baka mamaya
mawalan siya bigla ng malay. "Hindi pa po namin alam 'yong lagay ni Skie pero nasa
emergency room na siya kaya hintayin na lang natin 'yong doktor."

Umiyak ulit si Tita, awang awa ako sakanya. Niyakap siya ni Tito Charles.

"Anak ikaw, okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?" Tanong sakin ni Mommy. "Ano
bang nangyari?" Hindi ako makasagot. Hindi ko masabi na kasalanan ko ang lahat ng
'to.

"Tita, aksidente po lahat ng nangyari. Nabangga po ng truck 'yong kotse ni Skie.


Mamaya po pupunta ako sa police station para kausapin 'yong mga pulis." Singit ni
Caleb.

Tinignan niya ako at parang alam niyang sinisisi ko 'yong sarili ko.

Lumabas na 'yong doktor. Lumapit agad kami sakanya. "Family of the patient?"

"I'm his mother, how's my son?"

"He's not on a critical condition anymore but we still need to do some tests on
him. I guess it's a miracle that he survive this kind of accident." Para akong
nabunutan ng tinik sa mga sinabi niya. "As of now, wala pa din siyang malay.
Hintayin na lang natin na magising siya. Ililipat ko na siya sa private room. If
you have any questions, don't hesitate to call me."

"Thank you Doc."

Dinala na si Skie sa kwarto niya. Nag-aalala pa din ako sa kalagayan niya pero at
least hindi na siya malala.

"Beatrix, can we talk?" Tanong ni Kiro. Halos hindi ko na siya napansin dahil sa
pag-aalala ko kay Skie. "Alone." Tinignan ko si Caleb, mukhang ayaw pa niya akong
iwan.

"Mag-uusap lang kami." Tumango lang siya at nanatili sa labas ng kwarto ni Skie.
Lahat sila nasa loob na maliban sa aming tatlo. "Anong pag-uusapan natin, Kiro?"

"Why are you with him? I thought you guys are over." Halatang naiirita siya. "Don't
tell me, you're back together?"

Bumalik sa isip ko lahat ng ginawa niya. Halos makalimutan ko na lahat ng 'yon


dahil sa pageant at sa nangyari kay Skie pero since nandito na siya, mas mabuting
i-confront ko na siya tungkol don. Ayoko ng maghintay ng ebidensya. This couldn't
wait any longer.

"I just realized that I still love him." Sagot ko. Nakatingin lang ako sakanya para
tignan kung anong magiging reaksyon niya. "I still love him, Kiro."

Sinara niya ang kamao niya dala na din siguro ng matinding galit. So, ano? Ayaw
niya na bumalik ako kay Caleb. Mas lalo lang talagang tumitindi 'yong paniniwala ko
na ginawa nga niya lahat ng 'yon.

"Niloko ka niya tapos ngayon mahal mo pa din siya? That's so pathetic!"

Sinara ko din 'yong kamay ko. Hindi ko na napigilan magalit. Naririnig ba niya
'yong sarili niya?

"Niloko mo din naman ako, 'di ba?"

Nanlaki 'yong mata niya sa sobrang gulat. Akala siguro niya wala pa din akong ideya
sa mga ginawa niya sakin.

"What are you talking about?"

Huminga muna ako ng malalim. I'm trying to stay calm as possible. "I've read your
letter, I've read everything. Everything to know that you betrayed me. You fooled
me and your brother. How could you?! I thought you're my best friend!"
"What? Beatrix, I don't know what you're talking about!" Hinawakan niya 'yong kamay
ko pero inalis ko agad 'yon. "Beatrix, listen to me!"

"Ikaw ang makinig sakin! Niloko mo ako Kiro! Sinet up mo ako! Pinalabas mo na may
relasyon tayo para hiwalayan ako ni Skie pati si Caleb dinamay mo, pinalabas ko din
sakanya na niloloko ko lang siya. How could you?!" Hinawakan ni Kiro ang kamay ko.
Gusto kong kumawala pero hindi ko magawa. "Bitawan mo ako!" Sigaw ko.

Lumapit agad sa amin si Caleb. "Bitawan mo siya!" Tinulak niya palayo sakin si
Kiro. Hinila niya ako palapit sakanya at niyakap. "Angel, ayos ka lang ba?" Tumango
ako.

"Leave us alone!" Sigaw ni Kiro. Hinila niya at sinuntok si Caleb. "Wag kang
makialam dito, kaming dalawa lang 'yong nag-uusap dito!"

"Kiro! Ano ba?" Susuntukin pa sana niya si Caleb pero pinigilan ko siya. "Tumigil
ka na! Kahit anong gawin mo, si Caleb ang mahal ko. Naiintindihan mo?"

"Beatrix, please listen to me! I don't know what you are talking about! I'm
innocent! You don't have proofs about what you're saying!"

Damn. Yeah. I don't have enough proofs to-- No, I have one. I just need to ask it.

"Tell me Kiro, do you love me?" Tanong ko.

Natigilan siya. Hindi siya makagalaw sa kinakatayuan niya. Hindi niya siguro
inaasahan na tatanungin ko 'yon.

"Do you love me?" Tanong ko ulit. "Answer me Kiro. Mahal mo ba ako?"

Pumikit siya at huminga ng malalim.

"Yes, Beatrix. I do love you more than just my best friend," tinignan niya ako
diretso sa mata ko. "Sige aaminin ko na, ginawa ko nga 'yon. I set you up so that
Skie will break up with you. You don't deserve my brother! He can't love you the
way I love you."

"What?" Bulong ko. Para akong nanghihina.

"Sinabi ko din na niloloko mo lang si Caleb para hindi na siya bumalik sayo. Just
like my brother, he doesn't deserve you!"

"At sino, sino ang deserve ko? Ikaw?!"


"Oo ako! I'm the only one who deserves you! Ako lang ang nagmahal sayo ng sobra,
Beatrix. Simula pagkabata natin, ako 'yong palaging nasa tabi mo. Ako 'yong palagi
mong nasasandalan at ako 'yong palaging nandito para sayo kahit na anong mangyari.
I love you so much that I betrayed my brother, that I sacrificed my dreams, that I
sacrificed everything!"

Kusa nang tumulo 'yong mga luha ko. Sobrang sakit na malaman 'yong totoo. Hindi ko
matanggap na nagawa niya sakin 'yon pero mas lalong hindi ko matanggap na nasira
kami ni Skie dahil lang sa mga kasinungalingan ni Kiro.

"Beatrix, I love you."

Pinunasan ko 'yong mga luha sa mata ko. Nanginginig na 'yong buong katawan ko sa
galit at sakit. "Sorry Kiro, I don't love you."

"Beatrix, please give me a chance."

"Stop, just stop Kiro."

"Beatrix--" pinutol ko na 'yong sasabihin niya.

"Don't go near me, okay? I don't want to see you. I can't stand being next to you."

Tinalikuran ko na siya at tingin ko simula ngayon, tatalikuran ko na din 'yong


pagkakaibigan namin.

=================

Chapter 51: Wake up

Naglakad ako palayo kay Kiro. Ayoko siyang makita, msyadong masakit. Hindi ko
akalain na 'yong isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko ng sobra, siya pa 'yong
manloloko sakin. Mas masakit pa 'to sa panlolokong ginawa sakin dati nila Caleb.
Mahalaga sakin si Kiro, mahal ko siya pero bilang matalik na kaibigan lang. Para ko
na siyang kapatid.

"Why do you have to do this, Kiro?"

Napaupo ako sa bench sa labas ng hospital. Iyak lang ako ng iyak. Wala na akong
pakialam kung nagiging mahina na naman ako ngayon. Kahit anong tigas ng puso ko,
lalambot at lalambot 'yon para sa mga taong mahal ko.
"Do you mind if I sit with you?" tanong ni Caleb.

Hindi ko siya sinagot. Nakatulala lang ako habang patuloy na tumutulo 'yong luha sa
mata ko. Ayoko talagang may nakakakita sakin na umiiyak pero hindi ko maiwasan.

"Here," inabot sakin ni Caleb 'yong panyo niya. "Please stop crying, it hurts me a
lot to see you like this."

Kinuha ko 'yong panyo niya at pinunasan ko 'yong mga luha ko. "Hindi pala totoo na
niloko ko ako. I'm sorry, Caleb." Hindi ko magawang tumingin sakanya dahil nahihiya
ako. All this time, pinapahirapan ko siya pero hindi naman pala dapat.

Hinawakan niya 'yong kamay ko. "Angel, let's move-on. Ang mahalaga naman okay na
tayo at willing pa din akong patunayan 'yong sarili ko sayo." Iniharap niya 'yong
mukha ko sa mukha niya. "Mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat para sayo."
Ngumiti siya sakin at pakiramdam ko bumalik lahat sa dati. 'Yong panahon na mahal
namin ang isa't isa at masaya kami.

"I love you too.. Caleb."

Niyakap ko siya. That's what I need, his comfort. Sa lahat ng nangyayari ngayon,
kailangan na kailangan ko ng comfort. Feeling ko babagsak na 'yong katawan ko
anytime. Sana matapos na 'to lahat. Handa akong bumalik sa dating ako.

Nagpaalam kami ni Caleb para pumunta sa prisinto pero si Tito Charles at daddy na
daw ang bahala don. Wala na sa hospital si Kiro, sabi ni Tita Serina umuwi na daw
muna siya sa bahay nila. Nag stay pa kami sa hospital para samahan si Tita at para
na din kay Skie.

After all, mahalaga pa din pala sakin si Skie. Hindi man katulad ng dati pero I
still care for him.

The next morning, umuwi na kami nila Mommy at Daddy. Hindi pa din gumigising si
Skie pero sabi naman ng doctor niya, nasa stable condition na siya.

Palagi akong dumadalaw sa hospital, kasama ko si Caleb. Buti na lang din, hindi
kami nag papang-abot ni Kiro don. I still don't want to see him.

Si Anya, hindi pa siya bumibisita sa hospital. Siguro nahihiya siyang magpakita kay
Skie. Dapat lang, pagkatapos ba naman ng lahat ng ginawa niya.

It's been three days na tulog pa din si Skie. Habang tumatagal mas lalo akong nag-
aalala pero buti na lang, sa wakas nagising na siya.

"Anak, kamusta?" Naiiyak na tanong ni Tita Serina. "May masakit ba sayo? Tell me."
Lahat kami nakatingin sakanya. Ngumiti siya pagkatapos bigla siyang tumingin sakin,
ang tagal niya akong tinitignan. Bigla na lang bumilis 'yong tibok ng puso ko.

Bakit siya nakatingin sakin nang ganito? Posible bang bumalik na 'yong alaala niya
dahil sa aksidente?

"Trix?" Tanong niya.

Biglang naging blanko 'yong utak ko. Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko. Hindi
ako makapagsalita.

"Skie, bumalik na ba 'yong alaala mo?" Tanong ni Tito Charles.

Natahimik kaming lahat. Kinakabahan ako sa isasagot ni Skie pero bumalik 'yong
tingin niya kay Tito Charles at umiling siya.

"Nope, I still don't remember anything. Hindi ko lang akalain na nandito si Angel."

Oh.. okay.

"I'm okay Mom and Dad, don't worry about me. I'm still alive."

Niyakap siya ni Tita at duon na siya umiyak ng umiyak. "I'm so worried about you
son. It's your second car accident! I don't know what I'll do if something bad
happens to you but I'm so happy that you're okay now." Hindi ko naiwasan maiyak
habang pinapanuod ko sila.

Alam kong may trauma na si Tita at Tito sa nangyari dati kay Skie kaya nga sobrang
ingat nila sakanya. Takot na takot silang mawala si Skie. I know, they love him so
much. Minsan lang, hindi 'yon makita ni Skie.

"Hindi ko siguro mapapatawad 'yong sarili ko kung may nangyaring masama sayo,
anak." Singit ni Tito Charles. "Siguro wake up call na 'to sakin. Dahil sa ayokong
may mangyari pa ulit sayo, masyado na akong naging mahigpit sayo anak. Alam ko
malayo na 'yong loob mo sakin pero wag kang mag-alala, babawi ako sayo."

Isang beses ko pa lang nakita na umiyak si Tito Charles, nung unang car accident ni
Skie at ngayon umiiyak na naman siya.

"Dad," sagot ni Skie. May mga luha na din na tumulo sa mata niya. "Sorry for
everything. Sorry for disappointing you, for breaking your rules and for being a
rebellious son." Lumapit si Tito sakanya at nagyakapan sila. Mas lalo akong naiyak.
Sobrang touching ng pag-uusap nila.
"Don't say sorry, son. May pagkukulang ako sayo bilang ama mo kaya hindi kita
masisi kung bakit naging ganon ka. Ako dapat humingi ng sorry sayo. Sorry kasi
hindi ako naging mabuting ama sayo. Sorry kung pakiramdam mo na mas mahal namin si
Kiro. I'm sorry anak. Babawi ako sayo, ibabalik natin 'yong dati."

"Yes, dad."

Nag yakapan silang pamilya. Umalis muna kami ni Caleb para bigyan sila ng time.
Naglakad lakad kami sa may garden.

"All this time," sambit ni Caleb. "Ang sama ng loob ni Skie sa daddy niya. Akala
niya kasi wala ng pakialam sakanya si Tito Charles pero alam ko naman na masyado
lang silang nag-iingat. Siguro pareho silang may mali pero masaya ako na okay na
sila ngayon."

Huminto kami para umupo.

"I'm happy for him, at least mawawala na 'yong sama ng loob niya sa parents niya.

Nagkaroon ng isang minutong katahimikan. Sabay kaming napatingin ni Caleb sa isa't-


isa.

"Angel, may itatanong ako sayo."

Hindi ko naiwasan kabahan, bakit kaya? "Ano 'yon?"

"Nung sinabi ni Skie na wala pa din siyang naaalala, na disappoint ka ba?"

Ako? Hindi ah. Siguro, konti.

"Hindi naman, bakit mo naitanong?" Umiwas siya ng tingin sakin. "Caleb?"

Huminga siya ng malalim. "Kanina kasi parang ang lungkot ng mukha mo nung sinabi
niyang wala pa din siyang naaalala."

Akala ko lang kasi may naalala na siya pero wala pa din pala. Akala ko lang may
ibig sabihin 'yong mga tingin niya na 'yon. "Hindi na ako umaasa ba babalik pa
'yong alala niya."

"What if, one day.. bumalik 'yong memories niya tapos sabihin niyang mahal ka pa
din niya. Babalikan mo ba siya?"

Tumingin siya sakin at halatang nag-aalala siya. Nuon hindi ko alam kung anong
gagawin ko pero ngayon, alam ko na.

"Nag move-on na ako. Isa pa may mahal na akong iba at ikaw 'yon, Caleb."

Parang hindi siya makapaniwala sa sagot ko. Ngumiti siya at niyakap niya ako ng
mahigpit. "Ang totoo, takot na takot akong mawala ka sakin. Natatakot ako na baka
kapag bumalik si Skie sa buhay mo, mawala ka na sakin. Ayokong mawala ka pa ulit
sakin, Angel. Mahal na mahal kita."

Ramdam ko 'yong takot niya at ramdam ko 'yong pagmamahal niya sakin.

"Wag kang mag-alala, hindi na ako mawawala ulit sayo Caleb."

"What do you mean?"

Ngumiti ako. Pagkatapos ng mga nangyari, hindi ako sinukuan ni Caleb at nanatili
siya sa tabi ko. Nag sakripisyo siya para sakin at pinatunayan niya na mahal niya
talaga ako. Ngayon na nalaman kong siniraan lang siya ni Kiro sakin, tingin ko
panahon na para makipagbalikan na ako sakanya.

"Sabi nga nila, love is sweeter the second time around. Can we start all over
again?"

Napanganga siya at halatang hindi makapaniwala. Kinurot pa niya 'yong pisngi niya.
"Totoo ba talaga lahat ng 'to? Hindi ba 'to panaginip lang?"

Tumango ako. "You're not dreaming."

"Seriously?" Tumayo siya pagkatapos tumalon talon pa siya. "Kami na ulit! Kami na
ulit ng babaeng pinakamamahal ko!" Sigaw niya. Tumayo ako para pigilan siya.

"Caleb! Ano ka ba?"

"Sorry, masayang masaya lang ako!" Binuhat niya ako pagkatapos niyakap ng mahigpit.
"Oh Angel, you don't know how happy I am right now." 'Yong ngiti niya abot langit
na. Natawa tuloy ako. "I love you so much my love."

"I love you too, Caleb."

Hinawakan niya 'yong mukha ko pagkatapos hinalikan niya ako sa labi ko. That kiss
tells me that I missed him. I miss everything about us.

"Are you back together?"


Napalingon kaming dalawa ni Caleb. Nakita namin si Skie na nakasakay sa wheel chair
kasama si Tita Serina.

"Yes bro, kami na ulit."

Ngumiti si Skie. And there's that weird feeling again.

"I'm happy for the both of you."

"Thank you bro." Sagot ni Caleb. "Bakit nasa labas ka na? Hindi ba makakasama sa'yo
yan?"

"Okay na ako, bro. Gusto ko lang magpahangin. Actually, gusto ko din sana makausap
si Angel kung okay lang sa'yo?"

"Oo naman, I think mas okay nga talaga kung mag-usap kayo." Tumingin sakin si
Caleb. "Well, I think Skie deserves an apology from you, for what you did at the
party." Ngumiti siya pagkatapos hinalikan niya 'yong noo ko. "Go talk to him."

"Wait, alam mo?"

"Hindi ko sinasadya na marinig 'yong pag-uusap ni Ailee at Ashton nung gabing 'yon.
Sinunukan ko silang pigilan pero huli na ang lahat." Hinawakan niya ang kamay ko.
"Don't worry, I understand you. It's never too late to make things right. Go talk
to him, okay?"

"Thank you for everything."

Iniwan muna nila kami. Akala ko hindi papayag si Caleb dahil sa mga sinabi niya
kanina at akala ko din, magagalit siya sakin dahil sa ginawa ko sa best friend niya
pero buti na lang napaka understanding niya.

"Skie, sorry sa ginawa ko." Sambit ko. "Ang totoo, ako 'yong may pakanan non."

Natahimik kaming dalawa. Tatanggapin ko kung hindi man niya ako mapatawad.

Ngumiti lang siya. "Kung tutuusin dapat nga magpasalamat pa ako sayo. Kung hindi
dahil sa ginawa mo, hindi ko malalaman 'yong totoo. Baka hanggang ngayon
pinagmumukha pa din nila akong tanga."

"Sorry sa nangyari."

"Quits na tayo, okay na 'yon."


Natahimik ulit kaming dalawa. Ito na naman 'yong weird feeling na naramdaman ko
kanina. "Mahal mo ba si Caleb?"

Hindi agad ako nakasagot. Hindi ko kasi inaasahan na itatanong niya 'yon. "Oo
naman, mahal ko siya. Why do you ask?"

"Gusto ko lang malaman." Hinawakan niya 'yong gulong ng wheelchair niya. "I think I
need to rest again."

"Ihahatid na kita sa kwarto mo." Alok ko.

"Wag na Trix, ayos lang ako." Napahinto ako dahil sa pagtawag niya sakin ng Trix.
"May problema ba?"

"Ha? Wala." Kahit ayaw niya, hinatid ko pa din siya pabalik sa kwarto niya. "At
least kahit man lang dito, makabawi ako sa'yo."

Pagdating namin sa kwarto niya, bumalik na agad sa kama si Skie at nagpahinga.


Bukas na 'yong birthday ni Tito Charles at balak nila sa bahay na mag celebrate
tutal bukas makakalabas na naman ng hospital si Skie.

Nagpalaam na kami ni Caleb pauwi. Bago ako ihatid ni Caleb sa bahay, dinala niya
ako sa favorite restaurant namin.

"Bakit tayo nandito?" Tanong ko.

"I miss having a date with you."

"Why so sweet, my love?"

Natawa kami pareho. Na-miss ko din 'to. Na-miss ko siya ng sobra.

"Angel, can I ask a favor from you?"

"What is it?"

Hinawakan niya 'yong kamay ko. Para na akong natutunaw sa mga tingin niya. "Can you
stay with me forever?"

"Paano 'yon walang forever?" Pagbibiro ko. "Joke lang. Don't worry, I'll stay with
you no matter what."
"Talaga? Kahit na bumalik pa 'yong alaala ni Skie? Kahit makipagbalikan siya sayo,
mananatili ka pa din sa tabi ko?"

Natahimik ako. Hindi ko din alam kung bakit. Kitang kita ko sa mata ni Caleb na
nasaktan siya. Sh*t. Ano bang nasa isip ko? Bakit ko siya sinasaktan ng ganito?

Mahal ko siya at siguro naman kahit bumalik pa si Skie sa buhay ko, siya at siya pa
din ang pipiliin ko.

"No matter what I'll stay by your side, Caleb."

And that's a promise that I'm not going to break.

--Last 2 chapters!

=================

Chapter 52: Goodbye best friend

Ang daming tao dito sa bahay nila.

Tatlong purpose meron ang party na 'to. Una, para sa birthday ni Tito Charles.
Pangalawa, welcome party kay Skie dahil na discharge na siya kanina sa hospital. At
ang panghuli, despedida party para kay Kiro dahil babalik na siya sa New York bukas
ng umaga.

Ayoko pa din sana makita si Kiro pero nakakahiyang tanggihan sila Tito Charles.

"Babe, are you alright?" Tanong ni Caleb. "Ang tahimik mo dyan, may problema ba?"

Umiling ako. Sa totoo lang, wala naman talagang problema. Hindi ko lang talaga alam
kung bakit parang wala ako sa mood. "Baka gutom lang 'to babe. Kakain na lang ulit
ako."

Natawa siya pagkatapos kinurot niya ako sa pisngi ko. "Ikaw talaga, ang cute mo."
Lumapit siya sakin at hinalikan niya ako sa pisngi. "Stay here, I'll get you more
food."

Kanina ko pa hindi makita sila Mommy at Daddy pero for sure kasama niya sila Tito
Charles at 'yong barkada nila dati. Parang mini reunion nga daw nila 'to eh kasi
lahat sila nandito. Buti pa sila, matatag 'yong friendship. Pag tanda kaya namin
nila Ailee, magkakaibigan pa din kami?
"Beatrix," sambit niya. Hindi ko siya tinignan. Inaasahan ko na naman na kakausapin
niya ako pero nakapag decide na ako na wag siyang pansinin. Masakit pa din kasi
hanggang ngayon 'yong ginawang panloloko sakin. "Please, talk to me."

Buti na lang bumalik na si Caleb. "Babe, sa labas na lang tayo kumain." Tumayo ako
at hinila ko siya palabas.

"Anong sabi niya? Ginulo ka ba niya?"

"Gusto niya akong kausapin pero ayoko. Hayaan mo na siya, babe." Duon kami sa tabi
ng pool umupo. Sana lang wag na kaming sundan ni Kiro dito. "May balita ka ba kay
Anya at Luke?"

"Wala akong balita kay Anya pero ang alam ko si Luke pumunta ng US kahapon. Kausap
ko si Enzo kanina, sabi niya gustong makausap ni Luke si Skie pero nahihiya pa
siyang humarap sa ngayon." Dapat lang naman na mahiya siya, best friend niya 'yong
tinalo niya eh. "Oo nga pala, ano palang napag-usapan niyo ni Skie kahapon?"

"Wala naman, tinanong lang niya ako kung mahal ba kita."

"Anong sagot mo?"

Tinignan ko siya, seryoso? Tinatanong niya pa talaga kung anong sinagot ko? "Sabi
ko, hindi." Nanlaki 'yong mata niya pero binawi ko naman agad 'yong sinabi ko.
"Biro lang, babe. Syempre ang sagot ko mahal kita. Kailangan pa bang tanungin
'yon?"

Niyakap niya ako ng mahigpit. "Sorry babe. Alam ko naman kung anong sinagot mo, eh.
Naglalambing lang naman ako."

Minsan ang abnormal ni Caleb pero isa 'yon sa mga minahal ko sakanya.

"Oo nga pala, nag-usap na ba kayo ni Skie?"

"Actually hindi pa pero mamaya kakausapin ko siya," napatayo siya bigla dahil sa
tunog ng phone niya. "Babe, sasagutin ko lang 'to."

Lumayo siya sandali. Biglang kumunot 'yong noo niya. Mukhang may hindi ata
magandang nangyari. Ano kaya 'yon?

"Anong nangyari?" Tanong ko pero umaasa ako na hindi naman ganon kasama 'yong
sasabihin niya.

"Babe sorry, kailangan ko munang umuwi. Si Mommy kasi tska si Daddy nag aaway na
naman, si Carmy hindi mapalagay eh. I'm sorry, babe."
"Okay lang babe, nandito naman sila Daddy kaya ayos lang ako dito. Umuwi ka na,
kailangan ka nila don."

"Thank you babe," hinila niya ako patayo pagkatapos niyakap niya ako ng mahigpit.
"I love you, babe."

"I love you too."

"Kapag ginulo ka ni Kiro, sabihin mo agad sakin ha? Babalik ako dito."

Pinisil ko 'yong magkabilang pisngi niya. "Baka nakakalimutan mo, black belter
'tong girlfriend mo." Sabay kaming tumawa.

"Alam ko po miss black belter pero syempre gusto ako pa din 'yong magtatanggol
sayo." Lumapit siya at hinalikan niya ako. "Mahal na mahal kita, Angel Beatrix Dela
Fuente."

"I love you too, Caleb Andrei Maniego."

Pagkaalis ni Caleb, pumasok na ako sa loob. Hinanap ko sila Mommy pero busy sila sa
games para sa kanilang mga adult. Ayoko naman silang guluhin dahil mukhang ang
saya-saya nila.

Sabi ni Tita Serina, pwede muna akong mag stay sa kwarto sa taas kaya umakyat na
lang muna ako.

"Beatrix," hinawakan niya 'yong kamay ko pagkatapos hinila niya ako papunta sa
kwarto niya. Bumilis 'yong tibok ng puso ko. Anong balak niyang gawin? "Please,
talk to me! I'm begging you, Beatrix."

"Let go of me, Kiro!" Sigaw ko pero sinara na niya 'yong pinto kaya feeling ko wala
din makakarinig sakin dito. "Wala na tayong dapat pag-usapan pa!" Pilit ko siyang
tinutulak palayo pero ang lakas niya. "Bitawan mo ako!"

"Not until you talk me!"

"Ano pa bang pag-uusapan natin ha?" Kahit tumingin sa mata niya, hindi ko magawa.
Ganon ko siya kinakamuhian ngayon. "Ayaw na kitang makausap kahit makita ka ayoko
na!"

Hawak niya pa din 'yong braso ko ng bigla na lang siyang lumuhod sa harapan ko. May
mga luha na umaagos mula sa mata niya. "Kaya ko lang naman nagawa 'yon dahil mahal
na mahal kita. Please forgive me, my love."
"No Kiro, you don't love me. If you do, you're not going to do that. You lied to me
and you of all people, betrayed me."

Yumuko siya pero hanggang ngayon nakaluhod pa din siya sa harapan ko. "Alam ko,
mali 'yong ginawa ko pero gusto ko lang naman na mapunta ka sakin. I want you to
end up with me. I can love you better than anyone. Simula pagkabata, ako na 'yong
palaging nandito para sayo. Ultimo maliit na detalye tungkol sayo, alam ko."

"Kiro, mahal kita pero bilang best friend lang. Don't you get it?"

"Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin, Beatrix? Kahit ano gagawin ko para mahalin
mo lang ako. Please, I'm begging you."

Hindi pa din siya tumitigil sa pag-iyak niya. Oo, naawa ako sakanya ngayon pero
hindi pa din maalis 'yong galit ko sakanya. Ang sakit pa din ng ginawa niya sakin.
Hindi ko kayang kalimutan na lang ang lahat ng ganon-ganon na lang.

"Kiro hindi talaga kita kayang mahalin, lalo na sa nalaman ko ngayon. Alam mo bang
dahil sayo kaya kami naghiwalay ni Skie, kung bakit siya naaksidente at nawalan ng
alaala?"

"Kaya ko lang naman nagawa 'yon kasi mahal kita. Please, forgive me Beatrix." Mas
lalong humigpit 'yong pagkakahawak niya sa kamay ko. "I love you so much."

"Kiro, pwede ba bitawan mo na ako!"

"Ayaw mo talaga ha?" Bigla na lang akong kinabahan sa mga tingin ni Kiro.
Pakiramdam ko may gagawin siyang masama sakin. "I hate to do this but you pushed me
to my limits." Bago pa ako makagawa ng paraan, sinuntok na ako ni Kiro sa tyan ko.
Namilipit agad ako sa sakit. Hindi ako makagalaw at halos nanginginig na 'yong
buong katawan ko.

Binuhat ako ni Kiro papunta sa kama niya. Hindi pa din ako makagalaw at nakahawak
lang ako sa tyan ko.

I can't believe he can do this to me.

Hinalikan niya ako. Nagpupumiglas ako pero wala 'yon nagawa dahil nanghihina pa din
ako. Hinalikan niya ako ng madiin, nakakatakot si Kiro. Parang wala siya sa sarili
niya. Hinalikan niya pa din ako hanggang sa makarating siya sa leeg ko. Duon na ako
sumigaw ng malakas.

"Tulong!" Sinigaw ko 'yon ng malakas pero parang hindi din umabot sa labas ng
kwarto 'yong boses ko.
Parang walang narinig si Kiro, patuloy pa din siya sa paghalik niya sakin hanggang
sa makarating na siya sa dibdib ko. Sinira niya 'yong t-shirt ko at ngayon kitang
kita na 'yong bra ko. Duon na ako napaiyak. Parang hindi ko na kilala 'yong Kiro na
nasa harapan ko ngayon. Ibang iba siya sa Kiro na kilala ko.

"Kiro, please stop." Pagmamakaawa ko. "Please stop.." Parang mas lalo akong
nanghihina.

Hindi ko na namalayan bumukas na pala 'yong pinto. Hinila ni Skie si Kiro palayo
sakin.

"Gago ka! Anong ginagawa mo kay Angel?" Nanlaki 'yong mata niya ng makita niya ako.
Bumalik 'yong tingin niya kay Kiro pagkatapos sinuntok niya ng malakas 'yong
kapatid niya. "Hayop ka Kiro! Tignan mo 'yong ginawa mo kay Angel! Damn you!"
Napahiga si Kiro sa lakas ng suntok ni Skie at mukhang nawalan pa siya ng malay.

Lumapit sakin si Skie at kinuha niya 'yong kumot para matakpan 'yong dibdib ko.

"Ayos ka lang ba?" Hinawakan niya 'yong mukha ko at kitang kita ko sa mata niya
'yong pag-aalala. "Anong ginawa niya sayo ha? Nasaktan ka ba? Angel, please
magsalita ka."

Nakatulala lang ako habang pinagmamasdan ko siya. Hindi ko alam pero sa puntong
'yon, pakiramdam ko ibang Skie 'yong nasa harapan ko. 'Yong Skie na ibibaon ko na
sa limot, 'yong Skie na minahal ko ng sobra sobra.

"Skie, anong nangyayari dito?" Paglingon ko sa pinto, nandon na sila Tito Charles.

Hindi siya sinagot ni Skie.

"Angel, are you okay?" Tanong niya. Hinawakan niya 'yong mukha ko at tumigin siya
diretso sa mata ko. "Please, talk to me."

"I'm.. okay."

Hanggang ngayon naiiyak pa din ako. Halo halong emosyon na 'yong nararamdaman ko
ngayon.

Tumakbo palapit sakin si Mommy.

"Angel, what happened?" Niyakap niya ako pagkatapos inayos niya 'yong buhok ko.
"Are you okay?"

"Angel, I'm sorry," singit ni Kiro. "I didn't mean to hurt you." Lalapit sana siya
sakin pero pinigilan siya ni Skie.
"Wag kang lumapit sakanya! Muntik mo na siyang babuyin, paano kung hindi ako
dumating ha? How could you, Kiro?!"

"What?!" Lumapit si Dad kay Kiro. "Nagawa mo 'yon sa anak ko, Kiro?!" Kinuha ni Dad
'yong kwelyo ng damit niya. "Best friend ka niya 'di ba? Paano mo 'yon nagawa ha?"

Namagitan agad sakanila si Tito Charles. "Shawn, calm down."

"Paano ako kakalma Charles? Nakikita mo ba 'yong anak ko ngayon?"

"Kami na ang kakausap kay Kiro. I'm really sorry about this."

Nilayo na nila Tito Charles si Kiro sa amin. Lumapit sakin si Dad at pati siya
alalang alala sakin. Bigla na lang sumama 'yong pakiramdam ko.

"I want to go home." Sambit ko. "Dad, Mom, let's go home."

Inalalayan nila ako papunta sa kotse namin. Pinahiram muna ako ni Skie ng t-hirt.
Pakiramdam ko, pagod na pagod ako. Gusto ko ng matapos ang araw na 'to. Gusto ko ng
matulog. Parang sasabog na 'yong utak ko sa mga nangyayari.

Pagkauwi namin, binuhat na ako ni Dad papunta sa kama ko.

"Beatrix, tell us what happened." Demand ni Daddy. Ayoko na sana siyang sagutin
pero alam ko kailangan din nilang malaman 'yong totoo. "We're so worried about
you."

"Sinet-up ako ni Kiro nuon para mag break kami ni Skie. Pinalabas niya na niloloko
ko lang 'yong kapatid niya. At ngayon, pinalabas niya na kaming dalawa para
magkasira kami ni Caleb."

"Why would he do that?" Tanong ni Mom.

"Because, he loves me."

Natahimik kaming tatlo. Siguro hindi pa nag sink-in kala Mom 'yong katotohanan.

"Anong plano mo ngayon, anak?"

"I don't love him and I can't love him." Sagot ko. "Para ko na siyang kapatid at
hanggang don lang talaga 'yon. Kahit papaano naiintindihan ko kung bakit niya
nagawa 'yon pero hindi pa din maalis sakin na masaktan at magalit sakanya. Mom,
Dad, alam ko humingi na siya ng sorry sakin pero hindi ko pa din siya mapatawad at
ayoko munang makita o makausap si Kiro sa ngayon."

Niyakap ako ni Mom. "We understand you, Beatrix. Whatever your decision is, we're
here to support you."

"Don't worry, I won't let that guy go near you." Dagdag ni Daddy.

"Bigyan mo na lang muna siya ng space. Ma-realized din ni Kiro 'yong mga mali niya.
Siguro pag tumagal, makakaya mo na din siyang mapatawad. He's still your best
friend."

Sa ngayon, hindi ko alam kung best friend pa din ba ang turing ko sakanya.

"Tama, aalis na din naman siya bukas kaya hindi ka na niya magugulo. Hayaan mo na
lang muna siya."

Siguro nga tama sila. Hahayaan ko na lang muna si Kiro.

"Get some rest, Beatrix."

"Thank you, Mom and Dad."

Niyakap nila akong dalawa pagkatapos iniwan na nila ako sa kwarto ko. Hindi
nagtagal, nakatulog na din ako.

Kinabukasan pagmulat ko pa lang ng mata ko, nakita ko na agad si Caleb.

"Good morning my princess."

"What are you doing here?" Tinignan ko ang phone ko at may 23 text messages ako at
5 missed calls galing kay Caleb. "Oh, I'm sorry babe. Nakatulog na agad ako
kagabi."

"That's okay, babe." Inayos niya 'yong buhok ko at tinignan niya ako. "I got
worried last night because you're not answering my calls so I went here and your
Mom told me everything and I really hate myself for leaving you yesterday. Hindi
siguro nangyari 'yon kung nandon ako. I'm really sorry, babe."

"It's not your fault. Tapos na 'yon kaya wag na natin 'yon pag-usapan, okay?"

Tinitigan ako ni Caleb at maya maya hinila niya ako palapit sakanya at niyakap niya
ako ng mahigpit. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung may nagyaring masama
sayo. Baka hindi ko mapatawad 'yong sarili ko."
"I'm fine babe."

Humarap siya sakin at ngumiti. "Teka," tinignan niya 'yong t-shirt na suot ko. "Kay
Skie ba damit 'to?"

"Oo, pinahiram niya ako kagabi. Nasira na kasi 'yong damit ko."

"What? Sinira ni Kiro 'yong damit mo? Gago talaga 'yong lalaki 'yon. Buti wala ako
don kung hindi baka nasa hospital na siya ngayon."

"Calm down, babe. Kalimutan na natin 'yon, okay na ako. Aalis na din naman siya
ngayon kaya hindi na niya ako magugulo. Tama na, okay?"

Tumango siya at pilit ngumiti. "Mabuti pa, bumaba ka na. May dala akong pancakes
para sayo."

"Sige, magbibihis lang ako. Baba na din ako."

Iniwan muna ako ni Caleb sa kwarto. Naghanap agad ako ng damit sa closet ko. Bago
ako magpalit, napatingin ako sa salamin.

Ito 'yong t-shirt na niregalo ko kay Skie nung birthday niya. Sa lahat ba naman ng
ipapahiram niya ito pa talaga.

Bigla tuloy nag flashback sakin 'yong itsura niya kahapon habang nakatingin siya
sakin at alalang alala.

Umiling ako. Hindi ko na dapat pa isipin 'yon.

Nagbihis agad ako. Binuksan ko muna 'yong kurtina ng kwarto ko bago ako bumaba.
Pagdungaw ko sa bintana, nakita ko si Kiro nakatingin sakin habang nakasandal siya
sa kotse niya. May tinaype siya sa phone niya pagkatapos nag beep 'yong phone ko.

I'm sorry for everything, I hope in time you can forgive me.. Goodbye Beatrix.

Sumakay na siya sa kotse niya at umalis.

"Goodbye, Kiro."

=================
Chapter 53: Farewell

This is the last chapter. Thank you for reading until the end. I hope you did enjoy
the story!

--

Graduation day, ito 'yong isa sa mga pinakahihintay kong araw. Halos lahat naman
ata ng tao, gustong makapagtapos ng pag-aaral. Kumbaga sa isang karera, itong araw
na 'to 'yong finish line.

"Congrats sa atin," sambit ni Ailee. "Ano nang plano mo?" Natigilan ako sa tanong
niya dahil sa totoo lang wala pa akong naiisip sa ngayon.

Pagkatapos ng lahat ng mga nangyari samin, hindi ko na naisip pa kung anong gagawin
ko after graduation. Masyado akong pre-occupied.

"Sa totoo lang wala pa akong naiisip. Ikaw, anong balak mo?"

"Ayon, ako daw mag ma-manage ng flower shop business namin. Okay lang naman sakin,
gusto ko naman 'yon eh." Buti pa si Ailee, meron nang plano. "Kayo, 'di ba may
family business din kayo? Hindi ba ikaw ang mag ma-manage non?"

"Siguro pero hindi naman ako pinipilit nila Mommy tungkol don, malaya pa din naman
ako sa gusto kong gawin."

Napabuntong hininga siya. "Buti ka pa, malaya sa kung anong gusto mo. I mean, gusto
ko nga 'yong flower shop business namin pero mas gusto kong mag pinta. Ayaw lang
kasi ng family ko."

"Then, do both at the same time. Kaya mo yan, ikaw pa." Pahawak siya sa baba na
parang napapaisip siya. "It's your life anyway."

"Tama ka, Angel. Siguro nga it's time to voice out what I want."

"Ano nga palang balita sa kapatid mo?" Biglang nag bago 'yong mood niya. Napataas
'yong kilay niya at parang gusto niyang mag chance topic na lang kami. "Anong
problema? Nag sumbong ba siya sa parents niyo?"

"Actually tahimik lang siya tungkol sa nangyari pero mas lalo siyang nagpapa-awa sa
parents ko ngayon. Feeling ko babalikan niya din ako anytime soon." Pareho kaming
napatingin kay Anya. Kung titignan mo siya sa malayo, parang ang amo-amo niya pero
ang totoo, hindi. "Looks can really be deceiving."

"Sa pagkakakilala ko sayo, hindi ka kayang pabagsakin ng isang katulad lang ni


Anya," ngumisi ako sakanya. "Ikaw pa, si Ailee ka eh.

Ngumiti siya, 'yong ngiti na matagal ko nang hindi nakikita. "Tama, si Ailee ako.
Thank you, Angel."

"Thank you saan?"

"Thank you for being a good friend to me, a true one. I'm so lucky to be one of
your friends." Ngumiti kami pareho at sabay nagyakapan. I feel the same way too.
"Cheers to our friendship!"

"Teka!" Sigaw ni Caleb at kasama niya pa talaga si Ashton. "Sali kami sa group hug
niyo!" Lumapit silang dalawa samin pagkatapos niyakap nila kami. "Group hug!" Sigaw
nilang dalawa. Mga loko-loko talaga sila.

"Congras sa ating lahat," sambit ni Ashton. "Sana kahit graduate na tayo, maging
magkakaibigan pa din tayo."

Inakbayan siya bigla ni Ailee. "Oo naman, noh." Napangiti ako bigla, naisip ko na
naman kasi 'yong fact na bagay talaga silang dalawa. "Teka, friends na din ba kayo
ni Caleb?"

"Yeah, we are." Sabay pa sila. Mukha ngang magkaibigan na silang dalawa. "Ang mga
pogi, madaling nagkakasundo." Pagbibiro ni Caleb.

"Tara na, alis na nga tayo." Pangbabara naman ni Ailee. Natawa tuloy kaming lahat.
"Kakain kami ng family ko sa labas, kayo anong balak niyo?"

"Ganon din, kayo Angel?" Tanong ni Ashton. "Magkasama ba kayo ni Caleb?"

"Oo, magkasama 'yong family namin na mag ce-celebrate." Sagot ko.

"Wow, going strong. We're so happy for you. Kaya ikaw Caleb, wag na wag mong
sasaktan 'tong kaibigan ko ha? Kung hindi malalagot ka sakin." Sambit ni Ailee.

Sumingit din si Ashton, "Oo nga bro, wag na wag mong sasaktan si Angel kung hindi
madami nang nakaabang sayo."

"Teka, paano naman ako? Wala bang concern sakin?" Sagot niya. Hinila niya ako
palapit sakanya pagkatapos niyakap niya ako mula sa likod. "Hindi ko kayang
ipangako na hindi ko na ulit masasaktan si Angel dahil part naman talaga ng
relasyon 'yong minsan nagkakasakitan pero isa lang 'yong kayang kong ipangako, 'yon
ay ang mahalin siya ng lubos."

Napangiti ako sa sinabi niya. Tama naman si Caleb, eh. Sa relasyon, hindi maiiwasan
na minsan masaktan niyo ang isa't-isa pero ang mahalaga, 'yong pagmamahal niyo.

"Sige na, kayo na sweet. Mauna na nga ako, na bitter ako sa inyo. Kayo na ang may
lovelife." Pagtataray ni Ailee. "Bye guys, see you around. Congrats sa ating
lahat!"

"Sama na ako sayo palabas, bye Angel at Caleb. Congrats ulit."

"Bye, ingat kayo!" Sabay naming sabi ni Caleb.

Sabay mag dinner 'yong family ko tska family ni Caleb. First time nga na
magkakasama kaming lahat kaya excited kaming dalawa ni Caleb. Nandon din kasi 'yong
Dad niya kaya kumpleto kaming lahat.

Sa malapit na restaurant kami kumain. Masaya namin kami at mukhang nagkakasundo si


Daddy at 'yong Dad ni Caleb ganon din si Mommy at Tita. Si Carmi naman, tuwang tuwa
kasi nagkabalikan na daw kami ni Caleb. Kwento siya ng kwento tungkol sa mga ginawa
ni Caleb nung naghiwalay kami.

Halos hindi na daw siya kumakain tapos palagi lang siyang nasa kwarto. Hindi din
daw siya makausap ng maayos at palaging tulala.

Naisip ko tuloy pati mga sacrifice na ginawa niya para sakin. Hindi talaga ako
nagkamali na pinatawad ko siya at binigyan ng second chance.

"What's you plan after this, Caleb?" Tanong ni Daddy. Medyo na caught off guard si
Caleb don. "Balita ko, mahilig ka daw mag pinta? Are you planning to have an art
gallery here?"

Magsasalita pa lang sana siya pero bigla na lang nagsalita 'yong Dad niya.
"Actually, he got invitation from Japan art school to study there. And at the same
time for him to manage our business there."

Nanlaki 'yong mata ko sa sinabi niya. Hindi pa sakin nababanggit ni Caleb ang
tungkol duon. "Dad, I'm still thinking about it!"

"Come on son, this is what you've all wanted right? Bata ka pa lang pangarap mo
nang makakuha ng invite don. Isa pa, ikaw lang ang maasahan ko para sa business
natin."

"Well, if it's your family business and your dream, then there's nothing wrong
about it," sagot ni Daddy. "Magiging LDR nga lang kayo ng anak ko. We need her here
for our own business."

"I'm still not sure about it, Tito." tinignan ako ni Caleb at mukhang unease na
siya bigla. Siguro akal niya magagalit ako dahil hindi niya nabanggit sakin ang
tungkol sa usapan nila ng Dad niya. "And I still need to talk to your daughter
about it." Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.

"Son, you have to think about it fast because they need you there as soon as
possible."

'Yong thought pa lang na aalis siya, nalulungkot na ako. Paano pa kaya kapag umalis
na talaga siya? Kaso sino ba ako para pigilan siya? Family business nila 'yon at
isa pa pangarap niya 'yon. Matagal na niyang gustong makakuha ng invite sa school
na 'yon.

Kung pwede nga lang din akong sumunod sakanya pero hindi pwede. Nakaya ko naman
'yong long distance relationship dati, eh. For sure kakayanin ko ulit 'yon. Sana
kayanin ko..

After namin mag celebrate, inaya muna ako ni Caleb pumunta sa Tagaytay para mag
kape at mag-usap.

"Babe, sorry kung hindi ko pa nasasabi sayo 'yong tungkol sa usapan namin ni Dad.
Hindi pa naman kasi ako sure don." Sambit niya. May pag-aalala sa mukha niya.
"Please don't get mad at me."

Hinawakan ko ang kamayniya at ngumiti ako. "I'm not mad, babe. I understand you."

"Really?"

"Pangarap mo 'yon at isa pa kailangan ka ng family business niyo don kaya bakit
hindi ka pa sigurado sa offer ng Dad mo?" Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
Halos tunawin niya ako sa mga tingin niya. "Why?"

"Ayoko lang na magkahiwalay tayo. Maisip ko pa lang na iiwan kita dito parang hindi
ko na kaya. Kung pwede nga lang araw-araw makita ko 'yong mukha mo, mahawakan,
mahalikan ka at mayakap ka. Gusto ko palagi lang akong nasa tabi mo, babe."

Hinawakan ko 'yong kamay niya. "Babe, gusto ko din na palagi ka lang nasa tabi ko
pero mas gugustuhin ko na maabot mo 'yong mga pangarap mo. Being your girlfriend is
also supporting you in whatever you do. It's not going to be easy but I know it's
worth it."

"Are you sure?" May pag-aalala sa boses at sa expression ng mukha niya. "I can
decline that offer and just stay here for you. You're the most important to me,
babe."

"Babe, nakaya ko naman 'yong LDR before, for sure kakayanin ko ulit 'yon para sayo.
Ayokong maging hadlang sa pag tupad ng pangarap mo. Malulungkot lang ako non. Kaya
please, go pursue your dream. Kahit anong mangyari, nandito pa din ako para sayo,
malapit o malayo man tayo sa isa't-isa."
Lumapit siya sakin at niyakap niya ako ng mahigpit, sobrang higpit feeling ko hindi
na ako makahinga.

Pinigilan kong umiyak dahil alam ko mas mahihirapan siyang umalis kapag nakita niya
akong umiiyak at nasasaktan.

Hindi naman kasi madali ang malayo sakanya pero mas makakabuti 'yon para sakanya at
para na din sa amin.

Sinulit namin ni Caleb 'yong isang linggo na nandito siya. Nagbakasyon kami kung
saan-saan sa pinas. Mas lalo ko siyang nakilala dahil don pero mas lalo akong
nalulungkot dahil ngayon na 'yong araw ng pag-alis niya.

Tumayo siya sa harapan ko at hinawakan niya kamay ko habang nakatingin siya sakin.
"Palagi akong tatawag sayo, mag vi-video chat tayo, iiwan kong bukas 'yong skype sa
kwarto ko para palagi mo pa din mararamdaman 'yong presence ko. Syempre kapag may
time, uuwi ako dito kahit isang araw lang basta makita kita. Kahit isang oras lang,
sapat na sakin." Hinila niya ako papalapit sakanya pagkatapos niyakap na naman niya
ako ng sobrang higpit. "Mahal na mahal kita, babe. Hintayin mo ako, okay? Babalik
ako at pagbalik ko pangako, papakasalan na kita. Hayaan mo lang muna akong tuparin
'yong pangarap ko para pag balik ko mas worth it na ako para maging asawa mo."

Niyakap ko siya pabalik. "Mahal na mahal din kita Mister Maniego. Kahit gaano pa
yan katagal, hihintayin kita. Nandito lang ako palagi para sayo at wag kang mag-
alala, palagi kitang dadalawin sa Japan."

Matagal niya akong tinignan. Unti-unti niyang nilapit sakin 'yong mukha niya tska
niya ako hinalikan sa labi ko.

Hindi ko na napigilan na umiyak. Ma-miss ko siya ng sobra. 'Yong mukha niya, 'yong
ngiti niya, 'yong boses niya, lahat sakanya.

Pinahid niya 'yong mga luha sa mukha ko. Ngumiti siya sakin at ganon din ako.
Niyakap ko ulit siya.

"I love you so much, my future wife."

"I love you too, my future husband."

Duon natapos 'yong huli namin pag-uusap. Nagpaalam na siya sakin at ganon din ako.

Ito na naman ako, papasok na naman ako sa long distance relationship pero this time
alam ko makakaya ko 'to. I'll do everything para this time hindi na mag fail 'yong
relationship ko. Para hindi na ulit ako masaktan.
Sa lahat ng nangyari, na realize ko na breaking someone's heart will never give you
happiness and contentment. At ang lahat ng paghihiganti ay hindi magdudulot ng
maganda.

And one thing,

Don't ever break a bad boy's heart.

--Epilogue will be posted soon.

=================

Epilogue

Skie's point of view

I'm staring at her from afar and she looks so happy. I should be happy too but the
thing is, she's now happy with another man, with my best friend.

"Congratulations Skie," Sambit ni Dad. Niyakap niya ako ng mahigpit. Ito 'yong
yakap na matagal ko ng hinahanap. Masasabi ko na kahit papaano, bumalik na 'yong
relasyon na meron kami dati si Dad. "You make us so proud son, I'm happy for you."
Lumapit din sakin si Mom para yakapin ako. I can't help but to smile. Hindi na ako
hihiling ng kahit ano pang graduation gift, makasama ko lang si Mom at Dad masaya
na ako.

"Thank you, Dad and Mom."

"Where do you want to eat?" Tanong ni Mom. "Gutom na ako, eh." Sabay kaming tumawa
ni Dad. Kahit kailan ang takaw talaga ni Mom.

"I know a place near here." Sambit ko.

Pumunta kami sa favorite resto ko malapit dito sa school. Una akong bumaba para
tignan 'yong place, sila Dad naman naghahanap ng parking lot.

Napahinto ako ng makita ko siya. Kasama niya sila Tito Shawn pati si Caleb at 'yong
family niya. Mukhang masayang masaya sila. They look so good together.

Sinara ko 'yong kamay ko sa sobrang galit.


Bumalik ako kala Dad para sabihin na puno na 'yong resto at mag-iba na lang kami ng
place. Buti naniwala at pumayag sila. I just can't stand being there, seeing her
happy with my best friend. It fvcking hurts, it really does.

"Skie, kanina ka pa wala sa sarili mo? Are you okay?" Tanong ni Mom. "Iniisip mo pa
din ba si Anya? Do you still love her?"

Hindi ko sinagot si Mom. "I don't want to ruin this moment so let's talk about
her."

"Well, let's talk about your plans." Singit ni Daddy. "Where do you want to work?
Our company is always open for you. I think you already know that I need you
there."

"Akala ko ba si Kiro 'yong mag ma-manage ng company?" Sagot ko. Ayoko naman
talagang sirain 'yong moment namin pero hindi ko lang mapigilan na sabihin 'yon.
That's what they wanted in the first place. "That's fine with me, Dad. I
understand."

"Skie, it's always you. Nasabi lang namin 'yon dati dahil hindi ka pa nagtitino
pero ikaw naman talaga ang nakaplano na mag manage non. Hindi pa kaya ni Kiro na i-
manage 'yon. Maybe someday you can both manage it."

Huminga na lang ako ng malalim. Ayokong magalit kaya inintindi ko na lang si Dad.
May point naman siya, eh. Bakit niya ipagkakatiwala ang kumpanya sa isang kagaya
ko? Ang dating ako.

"Sure, Dad." Sagot ko.

"Naiintindihan ko naman kung malayo pa din ang loob mo sakin, anak--" pinutol ko
agad ang sasabihin ni Dad.

"Dad hindi 'yan totoo. Kasalanan ko naman lahat kaya naiintindihan ko. This time,
aayusin ko na ang lahat para bumalik na tayo sa dati. I miss the old times with you
and Mom."

Nagkatinginan silang dalawa at mukhang masaya sila sa sinabi ko.

This time, I'll be back to my better version.

Umuwi na sila Dad sa bahay habang ako nag drive papunta sa isang coffee shop sa
Tagaytay, hinihintay siya. Kailangan na namin mag-usap.

"Babe?" Inangat ko ang ulo ko at nakita ko siya. "Babe, I miss you." Lumapit siya
sakin pero tinulak ko siya palayo.
"Don't call me babe, we're over." Sagot ko. "Sit there, I need to talk to you."

"Skie, please naman patawarin mo na ako. Nagsisisi na ako sa mga ginawa ko. Mahal
na mahal pa din kita."

Hindi ko pinansin 'yong mga sinabi niya.

"Aminin mo, ikaw ba 'yong babaeng nagkagusto sakin nung high school pa lang tayo?
'Yong babaeng nagregalo sakin ng kwintas na 'to," inabot ko sakanya 'yong kwintas
na may nakaukit na pangalan ko at pangalan niya sa loob ng heart pendant. "Tama
ako, planado lahat. 'Yong babaeng nakita kong ka-sex ni Kiro sa condo ni Trix nuon,
ikaw 'yon hindi ba? Ikaw din 'yong kasama niya sa mga pictures, kaya medyo blurred
lahat. Ginaya mo lang 'yong itsura niya para isipin ko na siya nga 'yon at para
maisip ko na nagtaksil siya sakin para maghiwalay kami!"

Nanlaki ang mata niya at literal siyang nakanganga. "Oh my gosh, Skie. Nakakaalala
ka na?" Tanong.

"Yes, my memory is back. So this time, you can't fool me anymore."

"Kailan pa?" Halos hindi siya makapaniwala at halatang may takot sa mata niya.
"Matagal na ba?"

"Pageant night, nang maaksidente ulit ako. Bumalik na sakin lahat ng alaala ko."

Natahimik siya, nag-iisip siguro siya ng idadahilan niya sakin pero kahit ano pang
sabihin niya, hindi na niya ako maloloko pa.

"Ang totoo, alam ni Kiro na patay na patay ako sayo high school pa lang tayo pero
hindi mo ako pinapansin dahil si Angel na lang palagi 'yong nakikita mo. Mahal na
ni Kiro si Angel nuon pa lang kaya nakaisip kami ng plano para maghiwalay kayo. Oo
tama ka, planado lahat ng 'yon."

Biglang uminit 'yong buong katawan ko. How could they fvcking do this? Sinira nila
lahat sa amin ni Trix. Sinira nila ang buhay ko.

"Gusto kong mapunta ka sakin at si Kiro gusto naman makuha si Angel kaya nag-isip
kami ng way para maghiwalay kayo. Wala sa plano na maaaksidente ka, na mawawala
'yong memory mo pero mas naging okay pa sa amin ni Kiro dahil nagkaroon ako ng
chance na gayahin si Angel, umaasa na baka mahulog ka sakin kapag gnaya ko siya.
Hindi naman ako nagkamali, hindi ba? You did fall for me."

Tumawa ako. How pathetic. "Siguro pero dahil lang 'yon sa pag-gaya mo kay Trix pero
ngayon na bumalik na lahat ng ala-ala ko, nawala na lahat ng pagmamahal ko sayo at
napalitan na 'yon ng galit."
Umiyak siya harapan ko. Gustuhin ko man maawa sakanya pero hindi ko magawa. She's a
fvking liar and I hate her.

"Skie please patawarin mo ako. Let's start all over again. Wala ka na naman
babalikan pa kay Angel dahil masaya na siya kay Caleb. It's too late for he both of
you."

Lumapit siya sakin at niyakap niya ako ng mahigpit. "Mahal na mahal kita, Skie.
Hindi ko kaya kapag wala ka, ikakamatay ko."

Tinulak ko siya palayo sa akin. Napahiga siya sa sahig habang iyak pa din siya ng
iyak. "Then die now."

Buti na lang nasa dulo kami ng coffee shop kaya walang nakakakita sa amin dito.
Ayokong isipin nila na sinasaktan ko si Anya.

"Skie, ganon ganon mo na lang ba itatapon ang lahat sa atin? Kahit papaano naman
may pinagsamahan tayo 'di ba? Just consider it, let's start all over again. I'll do
whatever it takes to get you back."

Umuling ako. She's so hopeless. No wonder, hindi ko siya nagustuhan nuon.

"We're over, Anya. I don't want to see your face anymore so don't go near me, you
understand?"

Iyak pa din siya ng iyak. Well, she deserves it. She ruined my life. Siya ang gago
kong kapatid. Mas mabuti na silang dalawa na lang 'yong magsama. Hinding hindi ko
sila mapapatawad.

"Skie.. please.."

Hindi ko na siya sinagot. Naglakad na ako palayo pero may isang bagay pa pala akong
nakalimutan sabihin sakanya kaya huminto muna ako.

"And one thing, don't you dare tell them that my memory is back."

Tuluyan na akong umalis sa coffee shop na 'yon. Pagsakay ko sa kotse ko, sakto
nakita ko ulit siya. Kasama niya si Caleb at mukhang masayang masaya silang dalawa.

If I could just be happy for the both of them.. but I fvcking can't because I still
love her. Nothings changed. Mahal na mahal ko pa din si Trix pero huli na ang
lahat. She's now happy with my best friend and I don't want to hurt two special
people in my life just for my benefit.
Tumulo ang luha sa mata ko pero pinunasan ko agad 'yon.

Nag drive ako pabalik sa bahay. Hinanap ko 'yong diary ko at isa-isa kong sinunog
ang bawat pahina.

From now on, you'll gonna be my greatest what if.. Angel Beatrix Dela Fuente.

END OF BOOK 1

=================

Book 2

Bago ang lahat, maraming salamat sa lahat ng nagmahal at sumuporta sa Breaking the
Bad Boy. Salamat sa pag-iintay ng update. Pasensya na natagalan bago matapos pero
salamat pa din at nag tiis kayo. Sana nag-enjoy kayo sa story.

And yes, meron po itong prequel/sequel. Si Skie, Angel, Caleb pa din ang bida may
ibang nadagdag syempre. Ipapakita don ang past ni Sky, Angel at Kiro at ang susunod
na mangyayari after graduation nila (Present time).

Don't break the Bad Boy's heart ang title.

Posted na po siya sa profile ko, pwede niyo na siya i-add sa library niyo pero
isusulat ko siya pagkatapos pa ng Dear tadhana.

Salamat po ulit sa inyong lahat! God bless.

To God be the glory.

You might also like