You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

7 Zest for Progress


Z Peal of artnership

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Ikalawang Markahan - Modyul 2:
Pagpapasiya Gamit ang Isip
at Kilos-loob

Pangalan ng mag-aaral: ___________________________


Baitang at Seksyon: ___________________________
Paaralan: ___________________________
ALAMIN
Ang tao naiiba sa ibang nilikha, ang bawat indibidwal ay biniyayaan ng iba’t ibang
kakayahan na nagpapadakila sa kanya. Ang mga katangiang ito ay nagpapatingkad sa
kanya, katangiang taglay lamang ng tao na nagpapabukod-tangi sa kanya sa iba pang
nilikha.
Ang tao ay may tatlong mahahalagang sangkap: ang isip, ang puso at ang kamay
o katawan. Ang kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alaala at
umunawa ng kahulugan ng mga bagay gamit ang isip. Nakakapagpasya at may
emosyon gamit ang puso. At ang pagkakaroon ng pandama, panghawak, paggalaw,
paggawa at pagsasalita na karaniwang ginagamit sa pagsasakatuparan ng isang kilos o
gawa.
Sa modyul na ito inaasahang natataya mo ang iyong sariling pasya o kilos sa
bawat sitwasyon gabay ang sumusunod: Isip - Tungo ba sa katotohanan? At Kilos-loob
– Tungo sa kabutihan?

5.3 Naipapaliwanag na ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa tao,


kaya ang kanyang mga pagpapasiya ay dapat patungo sa katotohanan at
kabutihan. (EsP7PS-IIb-5.3)

5.4 Naisasagawa ang pagbuo ng angkop sa pagpapasiya tugo sa katotohanan at


kabutihan gamit ang isip at kilos-loob. (EsP7PS-IIb-5.4)

Balikan
Ating nalaman ang kakayahan ng tao na nagpapakita ng pagiging bukod-tangi
ang tao sa iba pang nilikhang may buhay tulad ng halaman at hayop. Ito ay ang
kakayahang makapag-isip at magawa ng kilos-loob, bagama’t may pagkakataong hindi
nagagawa ng tao ang tama kahit pa alam niya ito, may kakayahan pa rin siyang mag-
isip ng paraan upang baguhin at paunlarin ito.

1
Panuto: Magbigay ng halimbawa ng pagpapasyang ginawa batay sa gamit at tunguhin
ng isip at kilos

TUKLASIN

Gawain 1- Semantic Web

Panuto: Pagbuo ng isang semantic web na sasagot sa core question na “Ano


ang mga pasya tungo sa kabutihan at katotohanan”

Ano ang mga


pasya tungo
sa kabutihan
at
katotohanan

2
Tanong:
A. Batay sa iyong sagot sa nabuong semantic web, ano ang nagpapabuklod sa tao
gumawa ng pasya tungo sa katotohanan at kabutihan?
B. Ano ang maaring gamit ng isip sa paggawa ng pagpapasya? Ipaliwanag
C. Ano ang maaring gamit ng kilos-loob sa paggawa ng pagpapasya? Ipaliwanag

SURIIN
Kawangis ng Diyos ang tao dahil sa kakayahan niyang makaalam at magpasya
nang malaya. Ang kapangyarihan niyang mangatuwiran ay tinatawag na isip. Ang
kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili ay tinatawag na kilos-loob.

Tunghayan ang talahanayan sa ibaba.

Isip Kilos-loob
Gamit Pag-unawa Kumilos/Gumawa
Tunguhin Katotohanan Kabutihan

Sa pamamagitan ng isip, ang tao ay naghahanap ng katotohanan; kaya’t patuloy


siyang nagsasaliksik upang makaunawa at gumawa nang naaayon sa katotohanang
natuklasan. Sa pamamagitan ng kaalamang natuklasan, maaari siyang gumawa para sa
ikabubuti ng kanyang kapwa.

Sa pamamagitan ng kilos-loob, maaaring piliin ng tao na gawin ang mabuti.


Ngunit hindi lahat ng mabuti ay magkakapareho ng uri. Nakasalalay sa tao ang
pagsaliksik at pag-alam kung alin ang higit na mabuti upang ito ang kanyang piliing
gawin. Samakatwid ang isip at kilos-loob, tulad ng katawan, ay kailangang sanayin at
linangin upang magampanan ng mga ito ang kani-kanyang layunin. Kung hindi,
magagamit ang mga ito sa maling paraan na makahahadlang sa pagkamit ng kaganapan
ng tao.

Gawain 2- Pagbuo ng Graphic Organizer

Panuto: Sa iyong kwaderno, kopyahin ang graphic organizer sa ibaba.


Isulat sa mga patlang nito ang mga konsepto kaugnay ng nahinuha na
Kakailanganing Pag-unawa mula sa babasahin. Ang clue ay ang sagot sa
tanong na: Paano naging bukod-tanging nilalang ang tao?

3
PAGYAMANIN
Gawain 3- Speech Balloon
Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na situwasyon. Bilang isang nagdadalaga at
nagbibinata, ano ang iyong iisipin at gagawin sa mga mga situwasyong ito. Gamit ang
ilustrasyon ng angkop na speech balloon, isulat sa iyong kuwaderno ang iyong iisipin at
gagawin sa bawat situwasyon.
Isulat sa loob ng speech balloon na ito
ang dapat na iisipin .

Isulat sa loob ng speech balloon na ito


ang sasabihin o gagawin

4
Sagutin:
1. Tugma ba ang iyong sinulat na iisipin at gagawin sa bawat sitwasyon? Ipaliwanag ang
iyong sagot. ______________________________________________________________
________________________________________________________
2. Ang iyong dapat na iniisip na gawin ay lagi bang tugma sa iyong ginagawa?
Ipaliwanag.
______________________________________________________________
________________________________________________________
3. Bakit may pagkakataong mabuti ang naiisip mong gawin subalit hindi ito ang iyong
ginagawa?

5
______________________________________________________________
________________________________________________________
4. Paano ka magiging matatag upang isagawa ang mga mabuti mong iniisip?
______________________________________________________________
________________________________________________________
Gawain 4

Sinabi ni Lao-Tzu, isang Pilosopong Tsino ang pahayag na: ”The journey of a thousand
miles begins with the first step.” Anu-ano ang mga unang hakbang na dapat mong
gawin upang magamit mo ang iyong isip at kilos-loob nang tama?
Panuto: Sundin ang mga hakbang sa ibaba:
1. Balikan mo ang iyong mga tungkulin sa bawat gampanin mo.
2. Alin dito ang hindi mo nagagampanan nang maayos o kulang sa determinasyon
Gampanin Tungkulin
1. Sa sarili

2. Bilang anak Halimbawa:


a. Pag-aaral ng mabuti para
makapagtapos
b. Paggastos o paging masinop sa pera
c. Pagpapanatiling malinis at maayos
ang sariling silid
d. Pagsunod sa mga utos ng magulang
3. Bilang Kapatid

4. Bilang Mag-aaral

5. Bilang Mamamayan

6. Bilang Mananampalataya

7. Bilang Konsumer ng midya

8. Sa kalikasan

ISAISIP

Gawain 5
Panuto: Gunitain at ilarawan ang dalawang sitwasyong kinaharap mo sa nakaraang
linggo – una sa pamilya o tahanan at ikalawa sa paaralan o pamayanan o
kapitbahayan (halimbawa, sa computer shop o internet cafe). Kung mahirapan ka
sa pagtataya (sa ikatlong kolum), humingi ka ng tulong sa iyong guro magulang.

6
ISAGAWA
Gawain 6- Journal Writing
Panuto: Sa iyong journal, magsulat ng isang pagninilay. Gabay mo ang mga sumusunod
na tanong:
1. Anu- ano ang mga natuklasan ko sa paraan ko ng paggamit ng isip at kilos- loob sa
mga pang-araw-araw na sitwasyon ng buhay?
2. Paano ako magpapakatatag upang:
a. gamitin ang aking isip para sa katotohanan lamang?

b gamitin ang aking kilos-loob para sa kabutihan lamang?

TAYAHIN
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang taglay na kapangyarihan ng tao gamit ang isip at kilos-loob?


A. Kapagyarihang mag-isip, pumili at magpasya
B. Kapangyarihang magmahal at magdesisyon sa buhay
C. Kapangyarihang umunawa at magsaya
D. Kapangyarihan magsaliksik at maglibang

2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa gamit ng isip.


A. Walang kakayahan ang taong tuklasin ang totoo.
B. Natutuklasan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman.
C. Ang isip ay ginagamit sa pag-unawa.
D. Ang tao ay may kakayahan na piliin ang mabuti sa masama.

7
3. Sa pamamagitan ng kilos loob nahahanap ng tao ang ________________.
A. kabutihan
B. kaalaman
C. katotohanan
D. karunungan

4. Bakit kailangan sanayin at linangin ang isip at kilos-loob?


A. Upang magamit ang mga ito sa maling paraan na makahahadlang sa pagkamit ng
kaganapan ng tao.
B. Upang ito ang magiging gabay sa bawat pasyang gagawin sa buhay.
C. Upan magamit ito sa pansariling kasiyahan.
D. Upang magampanan ng mga ito ang kani-kanyang layunin

5. Nahuli ng kanyang guro si Rolando na nagpapakopya sa kanyang kaibigan sa oras ng


pagsusulit. Nagawa niya lamang ito dahil sa patuloy na pangungulit nito at panunumbat.
Nang ipatawag ng guro ay palaging sinisisi ni Rolando ang kaibigan at ito raw na
nararapat na sisihin. Ano ang nakaligtaan ni Rolando sa pagkakataon na ito?
A. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng epekto nito para sa
sarili.
B. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng kapwa ng akuin
ang pagkakamali.
C. Walang anomang pwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng kilos para sa
kanyang sarili.
D. Lahat ng nabanggit

6. Ano ang ginagamit ng tao para makaunawa ng mga bagay na kanyang nakikita at
nababasa?
A. Mata
B. Pandama
C. Kilos-loob
D. Isip

7. Batid mo ang ginagawang kalokohan ng iyong nakababatang kapatid, bilang panganay


ano ang kaya mong gawin?
A. Kausapin siya ng masinsinan
B. Alamin ang mga dahilan kung bakit niya ito ginagawa at kung ano ang kaniyang
problema.
C. Pakinggan ko siya at gabayan tungo sa kabutihan.
D. Lahat ng nabanggit

8. Dahil ang tao ay bukod-tangi sa lahat ng nilikhang maybuhay nararapat lang na ang mga
pagpapasiyang ginawa niya ay dapat patungo sa katotohanan at kabutihan.
A. Tama, sapagkat naiiba siya sa lahat.
B. Tama, dahil natatangi siyang nilalang na may isip at kilos-loob
C. Hindi, Dahil ang tao ay may kakayahan na makapagpili
D. Hindi, dahil hindi ito responsibilidad ng tao.

8
9. Ang paghahanap ng isip sa kanyang tunay na tunguhin ay hindi nagtatapos. Ang
pahayag ay:
A. Mali, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao
B. Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi perpekto, mayroon itong hangganan
C. Tama, dahil hindi katulad ng katawan, ang isip ay hindi tuluyang nagpapahinga
D. Mali, dahil kapag naabot na ng tao ang kanyang kaganapan ay hihinto na ang
kanyang paghahanap sa kanyang tunay na tunguhin

10. Sobra ang sukli na natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang
restawran. Kung ikaw si Melody ano bang tamang gawin sa sitwasyong ito?
A. Itago ang sobrang sukli para may pambiling muli
B. Isauli sa kahera ang sobrang sukli
C. Ibigay sa pulubing nasa labas ng restawran
D. Ipambili agad ng iba pang ulam

11. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?


A. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng control sa sarili o disiplina.
B. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob.
C. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili.
D. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng karanasan.

12. Hangad ni Seth na mapasaya ang kaniyang magulang kaya bilang anak kailangan niyang
maging ganito maliban sa:
A. Maging mabait at masunurin
B. Maging Maluho at matiyaga
C. Maging masipag at maalaga sa magulang at kapatid
D. Maging responsible sa lahat ng bagay

13. Ang mga sumusunod ay mga kakayahang gawin ng isip maliban sa;
A. Maghusga
B. Mangatwiran
C. Magsuri
D. Maggalaw

14. Nasunugan ng bahay ang dati mong kaalitan. Balita mo pa walang naisalba ni anong
gamit ang kanyang pamilya dahil sa bilis ng paglaki at pagkalat ng apoy. Sa ganitong
pagkakataon, ano ang nakabubuting gawin?
A. Wala, dahil ayoko silang abutan ng kahit konting tulong dahil sa ginawa niya saakin
noon.
B. Tutulungan ko siya at kakalimutan ko nalang ang nakaraan dahil matagal na rin
naman.
C. Pagtatawanan ko ang kaniyang sinapit.
D. Tutulong ako sa ibang nasunugan

15. Alin ang hindi totoo tungkol sa kilos-loob?


A. Ang kilos-loob ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
B. Ang kilos-loob ay hindi naakit sa kasamaan
C. Naiimpluwensyahan ng kilos-loob ang isip
D. Sa pamamagitan ng kilos-loob, maaring piliin ng tao na gawin ang mabuti.

9
Susi sa Pagwawasto
15. B
14. B
13. D
12. B
11. B
10. B
9. C
8. B
7. D
6. D
5. 10
4. D
3. A
2. A
1. A
Tayahin

Sanggunian
Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Modyul para sa Mag-aaral, pp 117-
134

10
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rey Anne S. Diaz


SST-I, Basilan NHS, Isabela City Division
Editor: April Joy I. Delos Reyes, SST-I
Tagasuri: Aimee A. Torrevillas
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Julieto H. Fernandez, OIC-SDS
Maria Laarni T. Villanueva, OIC-ASDS
Eduardo G. Gulang, SGOD Chief
Henry R. Tura, CID Chief
Elsa A. Usman , LR Supervisor
Violeta M. Sta. Elena, ADM Module Coordinator

11

You might also like