You are on page 1of 1

"May Pag-Asa Pa"

Mga Pilipino babangon at lalaban


Di susuko ano man ang pagdaanan
Bagong pag-asa atin na at harapin
Sama-sama at tayo na at manalangin

Maging matatag sa ano mang pagsubok


Lumaban tayo at wag maging marupok
Sapagkat darating ang liwanag natin
Atin ng hangarin ang pagbangon natin

May mga taong bukas palad kung tumulong


Sila ang mga bayaning dapat ituring
Iaalay ang puso sa bawat tao
Kapalit ay lungkot at pagsusumamo

Tayo na at sama-sama sa pag-unlad


Babangon at ang pag-asa'y ilalahad
Kapit bisig at sama-samang harapin
Bagong liwanag na dudungaw sa atin

You might also like