You are on page 1of 2

=Gabay sa pagbasa:

1. Ano ang mga dahilan ng "katamaran" ng mga Pilipino ayon kay Rizal?
 Hindi naman tinutulan ni Jose Rizal ang paratang na ito at sa katunayan ay inamin
pa nga niya ang katamaran ng mga Pilipino, ngunit sa pag-amin ni Jose Rizal ay
nilinaw at itinuwid niya ang mga dahilan kung bakit nasasabi na tamad ang mga
Pilipino.
 Sinabi ni Rizal na ang mga Kastila ang may sala sa pagiging tamad ng mga Pilipino.
Kung tutuusin ay masipag daw ang mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila.
Aktibo ang mga Pilipino sa agrikultura at sa pakikipagkalakalan
 Tugon ni Rizal
i. Ang katamara’y pinalulubha pang lalo ng di mabuting sistema at ng
edukasyon at limitado ang paaralan.
ii. Ang isa pang nagpalala sa katamaran ng mga Pilipino ay ang kawalan nila
ng damdamin bilang isang bansa palibhasa’y pinagkaitan sila ng karapatang
makapagtatag ng mga samahan na magbibigay sa kanila ng pagkakataong
magkaunawaan at magkaisang damdamin.
iii. Sinabi sa sanaysay ni Jose Rizal na ang isa pinaka-sanhi ng pagiging tamad
ng Pilipino ay ang mainit na singaw ng panahon. Kahit naman ang mga
banyagang nandarayuhan sa Pilipinas ay nagiging tamad pagdating dito at
ayaw humawak ng mabibigat na gawain. Sa bayang mainit ang panahon,
kahit hindi kumilos ang isang tao, siya’y pinagpapawisan at hindi mapalagay.
Ang init ay nakapagpapalusog ng lupa, kaya ang mga pananim ay hindi
kailangang laging alagaan
 Naging laganap lamang ang katamaran ng mga Pilipino noong panahon ng mga
Kastila.
i. Dahil sa masasamang palakad ng pamahalaan
ii. tiwaling pagtuturo ng relihiyon
iii. dahil sa ugali na rin ng mga Kastila. • Hindi tama ang ipinakikita ng mga
namumunong Kastila. Tanghali na kung pumasok sa opisina at maaga kung
umalis, ngayong wala namang nagagawa kundi magbasa ng dyaryo at
pumirma ang mga opisyal.
“Ang edukasyon ay siyang lupa, at ang kalayaan ay siyang araw, ng sangkatauhan. Kung walang
edukasyon at walang kalayaan, walang pagbabagong maisasagawa, walang hakbang na
makapagdudulot ng bungang ninanais.”

2. Ano-ano ang mga dahilan ng paghihirap/pagdurusa ng mga Pilipino?


 Philippines A century hence
 Spain’s implementation of her military policies – because of such laws, the Philippine
population decreased dramatically. Poverty became more rampant than ever, and
farmlands were left to wither. The family as a unit of society was neglected, and
overall, every aspect of the life of the Filipino was retarded.
 Deterioration and disappearance of Filipino indigenous culture – when Spain came
with the sword and the cross, it began the gradual destruction of the native Philippine
culture. Because of this, the Filipinos started losing confidence in their past and their
heritage, became doubtful of their present lifestyle, and eventually lost hope in the
future and the preservation of their race. Passivity and submissiveness to the
 Spanish colonizers – one of the most powerful forces that influenced a culture of
silence among the natives were the Spanish friars. Because of the use of force, the
Filipinos learned to submit themselves to the will of the foreigners.
3. Anong diwa ng panlipunang pagbabago ang kinakatawan ni Rizal?
4. Paano nagkakaugnay ang kalayaan at pagkabansa?

Paano ba masasabing isa tayong Pilipino? Ito ay dahil mayroon tayong pagkakakilanlan na
kinikilala ng mga ibang bansa. Ang ating pagkakakilanlan ay binubuo ng ating mga kultura at
tradisyon ng mga mamamayang Filipino. Ngunit ito ay napanatili at lumago lamang dahil sa ating
kalayaan. Kung hindi tayo malaya sa ating bansa, hindi mapapanatili ang ating pagkakakilanlan
dahil ang kultura at tradisyon ng sumasakop sa atin ang ating susundan. Subalit, ang kalayaan
natin ay nakamit din dahil sa kagustuhan ng ating mga ninuno na mapanatili ang ating
pagkakakilanlan. Kaya masasabi na ang kalayaan ay mahalaga upang makamit ang pagkabansa
ngunit ang pagkabansa ang nagsisilbing dahilan kung bakit gusto natin makuha ang ating
kalayaan.

You might also like