You are on page 1of 1

 Sa mga Kababaihang Taga-Malolos (Liham sa mga Babaeng taga-Malolos)

ni Jose Rizal
Noong ika-12 ng Disyembre 1888, isang pangkat ng
kababaihan na binubuo ng 21 dalagang taga-Malolos ang
nagpetisyon kay Gobernador-Heneral Weyler sa paghingi ng
permisong magbukas ng panggabing paraalan sa kanilang
hangaring makapag-aral.
Nais nila magkaroon ng kaalaman sa wikang Kastila sa
patnubay ni Ginoong Teodoro Sandiko.
Ang kanilang petisyon ay agad na tinutulan ng kura ng
Malolos noon na si Padre Felipe Garcia.
Ipinagpatuloy nila ang paghingi ng permiso kahit na ito ay
hindi pinagbigyan noong una, pinahintulutan ang kanilang petisyon
at naging guro si Senora Guadalupe Reyes.
Nakarating ang balita kay Marcelo H. Del Pilar na noo’y nasa
Barcelona at nagsulat ng liham kay Jose Rizal upang makahingi ng
mensahe paukol dito.
Natanggap ni Rizal ang liham ni Del Pilar noong ika-17 ng
Pebrero, 1889 at agad siyang nagsulat ng mensahe para sa mga
matatapang na kababaihan noong ika-22 ng Pebrero, 1889 sa
London habang ginagawa ang anotasyon sa aklat na Sucesos de las
Islas Filipinas ni Morga.
Sa liham ay ipinahahayag ni Rizal ang kanyang papuri sa
katapangan ng mga dalaga upang makamit ang kanilang karapatan
sa edukasyon.
Binigyang diin ni Rizal ang pagiging ina sa pamilya na
pinakamalaking papel na ginagampanan ng kababaihan na siyang
humuhubog sa kanyang anak.
Naikumpara rin ang mga kababaihan ng Malolos sa mga
babae ng Sparta. Kung ang mga kababaihan sa ibang bansa ay
nakatuon ang atensyon at pagmamahal sa bansa, ang sa Pilipinas
ay para sa pamilya.
Bahagi rin ng liham ang pitong pagpapaalala ni Rizal na
habilin na para sa kanya ay nararapat maging panata ng bawat
Pilipina.

You might also like