You are on page 1of 13

Kalagitnaang Pagsusulit sa FILIPINO

Ikalimang Baitang
Talahanayan ng Ispesipikasyon

Pag-analisa
Pag-Unawa

Paglalapat

Bahagdan
Pagbubuo
Pagtataya
Pag-alala
Kinalalagyan ng
Layunin
aytem

Quarter 1
Naiuugnay ang sariling / 1,2 4%
karanasan sa napakinggang
teksto(F5PN-Ia-4)
Nagagamit nang wasto ang 3,4,5,6 8%
mga pangngalan at panghalip
sa pagtalakay tungkol sa sarili, /
sa mga tao, hayop, lugar, bagay
at pangyayari sa paligid: sa
usapan; at sa paglalahad
tungkol sa sariling
karanasan(F5WG-Ia-e-2)
Nasasagot ang mga tanong sa / 7,8, 4%
binasa/napakinggang kuwento
at tekstong pang-impormasyon
(F5PB-Ia-3.1, F5PBIc-3.2)
Nakasusulat ng isang maikling 9, 10,11,12,13 10%
tula, talatang nagsasalaysay, at
talambuhay ( F5PU-Ie-2.2 /
F5PU-If-2.1 , F5PU-IIc-2.5)
Naipahahayg ang sariling 14,15 4%
opinyon o reaksiyon sa isang
napakinggang balita, isyu o /
usapan
Naisasalaysay muli ang 16,17 4%
napakinggang teksto gamit ang
sariling salita /

Naisasalaysay muli ang 18,19 4%


napakinggang teskto sa tulong
ng mga pangungusap(F5PS- /
IIh-c-6.2)
Naibibigay ang paksa ng 20,21 4%
napakinggang kuwento/usapan
(F5PN-Ic-g-7) /
Naibibigay ang kahulugan ng / 22,23 4%
salitang pamilyar at di-
pamilyar na mga salita sa
pamamagitan ng tono,
damdamin, paglalarawan,
kayarian ng mga salitang iisa
ang baybay ngunit magkaiba
ang diin at tambalang salita
(F5 PT-Ic-1.15, F5PT-Ij-1.14,
F5PT-IId-9,F5PT-If-g-2)
Nabibigyang kahulugan ang 24,25 4%
bar grap,pie, at talahanayan at /
iba pa (F5EP-If-g-2
2nd Quarter 26,27 4%
Nabaybay nang wasto ang
salitang natutuhan sa aralin at /
salitang hiram (F5PU-Ic- )
Nasasagot ang mga tanong sa 28,29,30 6%
binasa,napakinggang /
talaarawan, journal at anekdota
(F5PB-Id-3.4, F5PB-Ie-3.3,
F5PB-IIf-3.3 )
Naibabahagi ang isang / 31,32 4%
pangyayaring nasaksihan o
naobserbahan (F5PS_Id-3.1 )
Nailalarawan ang tagpuan at / 33,34 4%
tauhan ng napanood na pelikula
o nabasang teksto (F5PD-Id-g-
11, F5Ps-Ie-25)
Naibibigay ang paksa/layunin / 35,36 4%
ng napakinggang
kuwento/usapan/talata, at
pinanood na dokumentaryo
(F5PN-Ic-g-7, F5PN_IIg-17,
F5PD-IIf-13)
Nagagamit ang magagalang na / 37,38 4%
pananalita sa pagsasabi ng
hinaing o reklamo, sa pagsabi
ng ideya sa isang isyu, at sa
pagtanggi (F5PS-Ig-12.18,
F5PS-IIf-12.12, F5PS-IIj-
12.10)
Nakapagbibigay ng angkop na / 39,40 4%
pamagat sa isang talata at
tekstong napakinggan( F5PB-
Ig-8,F5PN-Ih-17)
Naipahahayag ang sariling / 41,42 43 6%
opinyon o reaksiyon sa isang
napakingggang balita, isyu o
usapan (F5PS-Ia-j-1)
Naibibigay ang bagong / 44,45,46,47,48 10%
nautklasang kaalaman mula sa
binasang teksto at datos na
hinihingi ng isang form
Nagagamit ang pangkalahatang / 49 2%
sanggunian sa pagtatala ng
mahahalagang impormasyon
tungkol sa 2%isang isyu
(F5EP-IIe-I-6)
Naitatala ang mga 50 2%
impormasyon mula sa binasang /
teksto (F5EP-IIa-f-10)
KABUUAN 50 100%

Inihanda ni:

MELESA S. JUMAWAN
Master Teacher II, ESDPES

Nagtagubiling Pagtibayin:

GERALDINE G. OPINION
Principal-I

Pinagtibay ni:

VIRGINIA C. DULFO
EPS- Filipino
Kalagitnaang Pagsusulit sa Filipino
Ikalimang Baitang

Pangalan:____________________________________________ Petsa:________________________
Baitang at Seksyon:___________________________________ Iskor:________________________

Panuto: Ipabasa sa kapatid ang teksto sa ibaba. Makinig nang mabuti at sagutin ang mga tanong
pagkatapos nito.
Ang mga sakuna o kalamdad ay mga pangyayaring kadalasan ay hindi natin inaaasam-
asam. Kadalasan ang mga ito ay nararanasan natin sa mga panahong hindi tayo handa ngunit ito
ay naging bahagi na ng ating pang-araw-araw na pamumuhay. Upang tayo ay maging ligtas sa
lahat ng oras, dapat nating pahalagahan ang pakikinig sa mga kuwentong may aral tungkol sa mga
paghahanda sa mga sakuna, balita at mga paalaala sa telebisyon at radyo. Ito ang magiging daaan
at kapupulutan natin ng aral upang magkaroon ng sapat na kaalaman. Lagi nating tandaan “ Sa
panahon ng sakuna, Ligtas ang May Alam”

1. Ano ang mga pangyayari na hindi natin inaasam?

2 .Kung sakaling magkaroon ng sakuna o kalamidad sa inyong lugar, ano ang inyong gagawin upang
mailigtas ang iyong sarili ?

Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pangngalan na bubuo sa bawat pangungusap.
3. Ang ( ibon, kabayo, pagong, aso ) ay masayang umaawit sa sanga sa isang puno.

4. Ang kapatid kong ( guro, doktor, pari, sundalo ) ay tumutulong upang gamutin ang mga
maysakit.

Panuto: Salungguhitan ang wastong panghalip sa loob ng panaklong.


5. Ang damit ( mo, iyo, kanila, ako ) ay bagay sa iyo.
6. Aalis na si Maya. Gusto mo ba ( nilang, siyang, iyong , kanilang) pasyalan?

Panuto: Basahin/ Ipabasa sa magulang ang teksto sa ibaba. Makinig nang mabuti at sagutin ang mga
tanong pagkatapos nito.
Ang La Nina ay kabaliktaran ng El Nino.Ito ay isa ring abnormalidad sa panahon na
nagdudulot na mararahas na pag-ulan, malakas na hangin at mapaminsalang pagbaha. Ang
kahulugan ng La Nina ay maliit na batang babae. Ito ay panahong nadarama pagkatapos ng El
Nino. Habang ang kalahating bahagi ng daigdig ay dumaranas ng El Nino, ang natirang bahagi
naman nito ay pinipinsala ng La Nina. Parehong mapaminsala sa buhay at ari-arian ang El Nino
at La Nina.

7. Ano ang ibig sabihin ng salitang La Nina?

8. Sa iyon palagay paano maiiwasan ang pagkakaroon ng matinding pagbaha dulot ng La Nina?

9-13. Panuto: Sumulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay o talambuhay iyong nanay o
tatay.
Pamagatan itong: Tula/Talatang Nagsasalaysay- Ang Aking Nanay/Tatay
Talambuhay –Halimbawa: Ang Talambuhay ni (Buong Pangalan ng nanay o tatay)

Rubriks sa Pagbibigay ng Iskor


Pamantayan Puntos
Malinaw ang Mensahe 2
 Wastong Gamit ng mga Sumusunod
 malaking titik
2
 bantas
 palugit
 pasok
Malinis ang Pagkakasulat 1

Panuto: Ipabasa sa kapatid at pakinggang mabuti ang balita sa ibaba. Pagkatapos ay ibigay mo ang
inyong reaksiyon ukol dito.
Patuloy ang paglobo ng bilang ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19. Sa kabila nito,
marami pa ring mamamayan ang hindi sumusunod sa mga panuntunang pangkalusugan at
pangkaligtasan ng Department of Health. Tila hindi nila alintana ang peligrong dulot ng sakit na
ito.
YouTube: Titser Myrene

14. Sa iyong palagay, ano kaya ang mangyari kung patuloy na hindi susunod sa mga panuntunang
pangkalusugan at pangkaligtasan ang maraming mamamayan?

Panuto: Ipabasa sa kapatid at makinig nang mabuti sa tekstong nakalahad sa ibaba.


Masayang Pamilya
May kasabihan na kapag ang pamilyang sama-sama sa lahat ng pagkakataon: salusalo sa
pagkain, magsisimba at magkakasama sa pagdarasal, magtutulungan sa mga gawain sa bahay
magaan man o mabigat, may respeto sa isa’t isa, nagmamahalan ay magkakasama habang –buhay ng
may basbas ng Panginoon.
Maagang umuwi si Tatay galing sa trabaho. Ang mga bata pagkaalis at pagdating galing
paaralan ay magmamano sa mga magulang. Tuwing nasa bahay naman si nanay ay siya naman
ang gumagawa sa mga gawaing-bahay. Tumutulong ang mga anak sa paghahanda at pagliligpit ng
hapag-kainan. Pagkatapos kumain sila ay mag-aaral at gagawa ng takdang-aralin. Nagbibigayan at
nagkakaintindihan ang magkakapatid kaya walang away ang nagaganap.
Bago matulog silay ay nagdadasal at nagpapasalamat para sa buong araw. Isang masayang
pamilya sila kung maituturing.
Quarter 2 ADM MODULES sa Filipino 4 ,DEpEd, Sangay ng Lungsod ng Valenciaga

15-16. Gamit ang sariling salita, isalaysay muli ang napakinggang teksto. Isulat ito sa ibaba.
(2 puntos )

Panuto:Pakinggang mabuti ang tekstong babasahin ng iyong nanay sa ibaba.


Bumabagyo Na Naman !

Kahapon, napakalakas ng ulan at hangin. Dahil dito, hindi kami makalabas upang
mamasyal. Sa halip, kami ay nagkuwentuhan at naglaro lamang sa loob ng bahay. Sina tatay at
ate ay gumawa pa ng mainit na tsampurado para sa meryenda samantalang kami ni nanay ay
tumugtog ng gitara habang nag-aawitan ang buong pamilya. Kahit pala nasa bahay lamang kami,
maaari pa rin kaming bumuo ng masayang alaala.

YouTube: GemBee

Isalaysay muli ang tekstong napakinggan ( Bumabagyo na Naman) sa pamamagitan ng pagbuo ng


talata sa ibaba.

Bumabagyo na maman kahapon. (18.) Dahil dito, ___________________________. Sa


halip kami ay nagkuwentuhan at naglaro lamang sa loob ng bahay. Sina tatay at ate ay gumawa ng
tsampurado, samantalang kami ni nanay ay (19.) _________________________
_________________________. Kahit pala nasa bahay lamang kami ay maaari palang bumuo ng
masayang alaala.

Panuto: Makinig nang mabuti sa babasahing maikling kuwento ng iyon kapatid.Piliin ang titik ng
tamang sagot na tumutukoy sa paksa ng bawat bilang

Ang Pasko ay simbolo ng pagmamahalan at pagbibigayan nating mga tao sa mundo.


Kapag Pasko dapat may kasiyahan sa bawat isa at may pagkakaunawan tayong lahat.Tuwing Pako
tayong mga Pilipino ay nagluluto sa kaniya- kaniyang bahay at nagpapalitan ng regalo at tayo ay
naglalagay ng mga palamuti sa lob ng bahay natin.

20. Ano ang paksa ng napakinggang maikling kuwento?


a. Ang Ang Pasko ay simbolo ng pagmamahalan at pagbibigayan.
b. Dapat may kasiyahan sa bawat isa kapag Pasko
c. Tuwing Pasko may handaan ang bawat tahanan
d. Nagpapalitan ng regalo at naglalagay ng palamiti sa bawat tahanan

Panuto: Makinig nang mabuti sa babasahing usapan sa ibaba ng iyong ate at kuya.
Rayang: Bal, Kumusta naman ang iyong proyekto? Naipasa mo na ba?

Bal: Opo inay, natuwa an aking guro dahil maganda at kakaiba ang ginawa kong drowing na
nagpapakita ng pagtulong ng mga kabataan sa kalinisan ng barangay.

Bert: Ganyan nga, pag-iigihan ninyo ang inyong pag-aaral nang makapagtapos kayo at maabot ang
inyong mga pangarap.

21. Ibigay ang pagksa ng napakinggang usapan ?


a.Naipasang Proyekto c. Pagtatapos ng Pag-aaral
b.Paglilinis sa Barangay d. Pag-abot ng mga Pangarap
22. Mula sa balkonahe ng munisipyo, tanaw ang buong bayan ng San Ildefonso. Ano ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap?
a. entabladong nakausli sa dingding ng gusalic. isang bahay o gusalo
b. isang uri ng teleskopyo
c. Tuwing Pasko may handaan ang bawat tahanan
d. lugar para sa pagpalipas- oras
23. ________________ nang mabuti ng bata ang kuwento kaya siya nakakuha ng tamang
sagot.

Piliin ang titik ng tamang sagot na bubuo sa pangungusap.


a. Binasa - tinapunan ng tubig

b. Binasa - tiningnan at inintindi ng mabuti kung ano ang nakasulat

24. Batay sa bar grap sa ibaba, sa anong buwan ang may pinakamarami ang may kaarawan?

a. Pebrero b. Mayo c. Agosto d. Nobyembre


25. Batay sa pie grap sa ibaba, ano ang higit na nangangailangan ng malaking badyet para sa Pamilya
Santos para sa buwan ng Enero?

a. bayad ng kuryente, tubig at telepono c. baon ng dalawang anak sa paaralan


b. pagkain d. tuition fee

Panuto: Ayusin at buuin ang mga letra na nasa loob ng panaklong upang maibigay ang pangalan ng
tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ito sa patlang.

26. Makinig nang mabuti sa sermon ng ( i p a r ) _________ tuwing ikaw ay nagsisimba.

27. Bago at malaki ang biniling (l t e e s i b oy n)__________ ni ate.

Panuto: Ipabasa sa kapatid ang talaarawang nakalahad sa ibaba .Pagkatapos ,


sagutin ang mga tanong sa bawat bilang.
Disyembre 6, 2020
Maaga akong nagising kanina kahit walang pasok. Ang dahilan ng maaga kong paggising
ay sumama ako sa pagsimba kay nanay. Matagal na din kaming hindi nakasimba dahil sa
lockdown. Masaya ako sa nakasimba ako ulit kanina. Kaunti nga lang ang tao sa simbahan kumpara
sa dating nakasanayan. Matapos magsimba ay kumain na din kami ni nanay sa labas.
YouTube: Aral TV DepEd
Leyte

28. Ano ang dahilan ng maagang paggising ng may-akda?


a. papasok sa paaralan b. Magsisimba c. mamamasyal d. maliligo sa dagat

29. Sino ang kasama niyang magsimba?


a. nanay b. ate c. tatay d. kuya

30. Bakit matagal silang hindi nakapagsimba?


a.Hindi sila nakapagsimba dahi marami ang gawain ng kanyang nanay.
b.Hindi sila nakapagsimba dahil wala silang kasama .
c.Hindi sila nakapagsimba dahil sarado ang simbahan.
d. Hindi sila nakapagsimba dahil sa lockdown.

Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang talata sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang tanong sa bawat
bilang.
Marami ang natakot at nangamba, mga paaralan ay biglang nagsara, mga ospital ay napuno
ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19, patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng mga taong
nagkakaroon ng sakit at mga taong namamatay.
Marami rin ang nahihirapan sa pangyayaring ito. Kasabay sa paglaganap ng virus, nagkaroon
ng lockdown na siyang dahilan ng pagtigil ng mga tao sa trabaho at ang iba naman ay tuluyan nang
nawalan ng trabaho.
YouTube: Valenzuela Fblive

31. Tungkol saan ang binasang talata?


a. Paglaganap ng COVID-19 c. Gamot na inimbento para sa COVID-19
b. Pag-iwas sa COVID-19 d. Pag-Iingat sa COVID-19

32. Magbahagi ng isang pangyayaring nasaksihan o naobserbahan tungkol sa epekto ng COVID-19 sa


tao. Isulat ito sa espasyo sa ibaba.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto sa ibaba at sagutin ang mga tanong pagkatapos nito.

Masayang naglalakad pauwi galing sa paaralan si Lloyd kasama ang kanyang mga kaklase ng
may makasalubong silang makitid daan na isang asong ulol. Napahinto siya at nanginig sa takot.
Nagtakbuhan ang kanyang mga kaklase. “ Aray!” “Anong nagyari sa iyo Lloyd pag-aalala ng ng
matalik niyang kaibigan na si Ben na nakasalubong niya. “ Nakagat ka ba ng aso?” “Hindi!” umiiyak
na sagot niLloyd, nasugatan ang tuhod ko, nadapa ako. Kung hindi sana akotumakbo ay hindi ako
nadapa”, pagsisisi ni Lloyd.
YouTube: Teacher Beth

33. Batay sa binasa, anong katangian mayroon Ben?


a. Mapagmahal b.Matapang c. Maalalahanin d. Maalalahanin

34. Saan nakasalubong ni Lloyd ang asong ulol?


a. saloob ng paaralan paaralan c. sa isang makitid na daan
b.sa labas ng paaralan d. sa may parke

Panuto: Ipabasa sa kapatid at tukuyin ang paksa ng bawat teksto sa pamamagitan ng pagpili nang
titik nang tamang sagot.
Teksto
Isa sa lumalalang problema ng bansa ang maruming kapaligiran.Kahit saan ka tumingin,
makakakita ka ng mga kalat sa lansangan. Maging sa mga estero at sapa ay puno pa rin ng basura.
Bagamat mabaho sa kanilang paligid, patuloy pa rin sa pagkalat ang mga mamamayan. Hindi nila
iniisipang peligro na hatid ng maruming paligid. Maaari silang magkasakit sa tiyan, sakitsa balat, at
iba pa. Kailan pa natin lilinisin ang paligid? Kapag nagkasakit na ang isa sa pamilya mo? Hihintayin
mo pa bang mangyari iyon?

You Tube: Teacher Karen

35. Piliin ang paksa ng napakinggang teksto.


a. Ang kapaligiran ay pinagmulan ng sakit
b. Ang basura ng mga tao ay mabuti
c. Magtulungan upang magkaroon ngmalinis na kapaligiran
d. Kalimutan ang pagiging malinis

Panuto: Ipabasa sa dalawang kapatid ang usapan sa ibaba. Makinig nang mabuti at sagutin ang
tanong pagkatapos nito.
Teksto
Nagkasalubong sa paaralan sina Lina at Marlon. Narito ang usapan nila.

Lina: Magandang umaga Marlon.


Marlon: magandang umaga rin naman sa iyo Lina.
Lina: Kumusta ka?
Marlon: Mabuti naman. Maraming salamat. Ikaw kumusta ka?
Lina: Mabuti naman.
Marlon: Paalam Lina
Lina : Paalam , Marlon

https://images.app.goo.gl

36. Ano ang paksa ng napakinggang usapan?


a.Pagkukumustahan ng Magkakaibigan c. Pamamasyal ng Magkakaibigan
b.Paglalaro ng Magkakaibigan d. Pag-aaral ng Magkakaibigan

37. Napansin mong inuuna ng kapitan ng barangay na kinabibilangan mo na unang bigyan ng relief
goods ang mga kakilala niya kahit na huli itong dumating sa inyo.Paano mo sasabihin ang
iyong reklamo sa ginagawa niya?
a. Mawalang- galang po kapitan. Maaari po bang bigyan ninyo ang nauna sa pila?
b. Bakit sila ang una mong binibigyan? Kami naman ang nauna sa pila!
c. Huwag mo nang uulitin yan kapitan, mali ang ginagawa mo
d. Salamat Kapitan sa ginagawa mo.

38. Isinasama ka ng mga kaibigan mo na umuwi upang manood ng paborito ninyong palabas ngunit
mayroon pa kayong klase. Ano ang sasabihin mo sa kanila?
a . I pagpaumanhin ninyo. Hindi ako sasama dahil may klase pa tayo.
b. Kayo na lang. Ayokong sumama sa inyo!
c. Salamat sa imbitasyon .Halika umuwi na tayo.
d. Bakit mo ako iniimbitahan? Kayo na lang!

Panuto: Ipabasa ang maikling talata na nakalahad sa ibaba, Sagutin ang mga katanungan pagkatapos
nito.
Teksto A
Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat lugar sa ating bansa
ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa kanilang patron.
Isa pang kilalang tradisyon natin ay ang bayanihan. Ang bayanihan ay ang pagtutulungan ng
mga tao para sa isang gawain. May mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa ganitong tradisyon
lalo na sa mga lalawigan.
www. Academia.educ.

39. Ano ang angkop na pamagat ng napakinggang talata?


a. Tradisyon ng mga Pilipino c. Ang Bayanihan
b. Kapistahan ng mga Pilipino d. Mga Kapistahan sa Lalawigan
Teksto
Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng maraming
suliranin, dapat umira ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan upang lalong tumibay ang
pagsasamahan ng isa’t isa. Anumang problema ang dumating kailangan mapanatiling buo at matatag
ang pamilya. Bukod dito, biyaya ng Diyos ang ating pamilya kaya’t patuloy mong ingatan.
www. Academia.educ.

40. Ano ang angkop na pamagat ng napakinggang talata?


a. Ang Pamilyang Pilipino c. Ang Problema sa Pamilya
b. Ang Pamilya d. Biyaya ng Diyos ang Pamilya

Panuto: Kumpetuhin ang mga pangungusap. Ibihay ang sariling opinyon o reaksiyon sa mga
sumusunod na isyu.

41. Paglabas ng mga bata sa mga lansangan kahit na may COVID-19 pa.
Opinyon : Para sa akin ______________________________________________________

42. Pagbubukas ng ilang pasyalan sa mga lugar na mababa ang bilang ng positibo sa COVID-19.

Opinyon: Sa palaga ko______________________________________________ .

Panuto : Ipabasa ang usapan ng mag-ina sa iyong dalawang kapatid kaugnay ng balitang
napapanood tungkol sa mga frontliners.
Anak: Inay, nakakaawa pala ang mga doktor at nars ngayon sa mga ospital na gumagamit sa
pasyenteng may COVID -19.

Inay: Oo anak. Tinitiis nila ang init ng suot nilang PPE, gutom, antok, pagod at pagkawalay sa
pamilya para sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Anak: Bayani po pala talaga silang maituturing dahil sa kanilang ginagawa.

YouTube: Titser Myrene

43. Magbigay ng reaksiyon mula sa napakinggang usapan. Isulat ito sa ibaba.

Panuto: 44-48. Ibigay ang hinihinging datos ng pormularyong pampaaralan na nakasaad sa ibaba.
(5 puntos )
Impormasyong Pampaaralan
Pangalan ng Paaralan ______________________________________________________________
Pangalan:________________________________________________________________________
Grado at Baitang :_________________________________________________________________
Tirahan: ________________________________________________________________________
Pangalan ng Magulan: _____________________________________________________________
https://images.app.goo.gl/Puw
GGq7uTtK9yHU5A

49. Ito ay aklat na ang mga salita ay nakaayos ng paalpabeto. Nagtuturo ng taman bigkas at
nagbibigay kahulugan sa isang salit. Anong uri n sanggunian ito?
a. Internet b. Diksyunaryo c. Ensiklopedya d. Almanac

Panuto: Basahin ang teksto sa ibaba at ibigay ang hinihnging impormasyon.


Takbo rito, takbo roon ang napakalikot at napakabibong asong si Tutop. Siya ay naiiba sa
lahat ng alagang aso ng magandang batang si Angela spagkat ang balahibong nito ay puting- puti at
sobra ang kinis ng balat nito.
Araw-araw naglalaro sina Angel at Tutop sa paborito nilang habulan at takbo-takbuhan sa
kanilang bakuran. Kay ganda-gandang pakinggan ang mga halakhak at tahol ng dalawang
nagkakatuwaan. Galan na galak si Ginang Gigi, ang butihing ina ni Angel tuwing nakikita niya
masayang naglalaro ang dalawa.

DepEd ADM, ,Tanggub Division Module Filipino 6 Quarter


2

50 . Ibigay ang pangaknan ng dalawang magkaibigan

SUSI SA PAGWAWASTO

1. sakuna o kalamidad 21. A 36. A


2. (iba-ibang sagot) 22. A 37. A
3. Ibon 23. B 38. A
4. Doktor 24. C 39. A
5. Mo 25. B 40. A
6. Siyang 26. Pari 41. (iba-ibang sagot)
7. Ang ibig sabihin ng La Nina ay 27. telebisyon 42. (iba-ibang sagot)
maliit na batang babae.
8. (iba-ibang sagot ) 28. B 43. (iba-ibang sagot)
9-13. (pagsulat ng maikling tula/ 29. A 44-48. Pagbibigay ng
talatang nagsasalaysay/ talambuhay) impormasyon sa hinihinging
datos sa isang pormularyo.
14. (iba-ibang sagot) 30. D 49. B
15-16. (iba-ibang sagot) 31. A 50. Angela at Tutop
17. (iba-ibang sagot) 32. (iba-ibang sagot)
18. hindi kami makalabas ng bahay 33. C
19. tumugtog ng gitara habang nag- 34. C
aawitan ang buong pamilya
20. A 35. A

Inihanda ni:

MELESA S. JUMAWAN
Master Teacher II, ESDPES

You might also like