You are on page 1of 5

Asignatura Araling Panlipunan Baitang VI

W-3 Markahan 4 Petsa

I. PAMAGAT NG ARALIN Pagwawakas ng Rehimeng Marcos sa pamamagitan ng People Power I


II. MGA PINAKAMAHALAGANG Natatalakay ang mga pagkilos at pagtugon ng mga Pilipino na nagbigay
KASANAYANG PAMPAGKATUTO daan sa pagwawakas ng Batas Militar (People Power 1)
(MELCs)
III. PANGUNAHING NILALAMAN Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pagwawakas ng Rehimeng Marcos
sa pamamagitan ng People Power 1

IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


I. Panimula (Mungkahing Oras: Unang araw sa Ikatlong Linggo)
Sa nakaraang mga aralin ay natutuhan natin ang pagwawakas ng Batas Militar. Matapos na iproklama ni
Marcos ang pagtatapos ng Batas Militar noong 1972, nanatili siyang pangulo hanggang taong 1986. Pag- aaralan
naman natin kung paano nagtapos ang rehimeng Marcos sa pamamagitan ng mapayapang paraan.

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang;


a. Natutukoy ang mga pagkilos at pagtugon ng mga Pilipino na nagbigay daan sa pagwawakas ng
rehimeng Marcos sa pamamagitan ng People Power 1;
b. Nailalarawan ang mga pagkilos at pagtugon ng mga Pilipino na nagbigay daan sa pagtatapos ng
rehimeng Marcos sa pamamagitan ng People Power 1; at
c. Napahahalagahan ang pagkakaisa at mapayapang paraan sa pagkilos sa pagtatanggol sa bayan.

Sagutin ang sumusunod na pahayag. Iguhit ang puso kung tama ang pahayag at tatsulok kung mali
ang pahayag.
_____1. Ang mamamahayg na nagbibigay ng komento kay Marcos ay ipinakukulong bilang kaaway ng
pamahalaan.
_____2. Marami ang hindi sumang-ayon kay Marcos nang gamitin niya ang kapangyarihan sa pagdedeklara ng
Batas-Militar.
_____3. Winakasan ang Batas-Militar noong ika-17 ng Enero, 1981 sa bisa ng Proklamasyon Bilang 2045.
_____4. Hindi naging normal ang naging buhay ng mga Pilipino sapagkat ipinasara ni Marcos ang lahat ng
pahayagan, radio at telebisyon noong panahon ng Batas Militar.
_____5. Sa pagwawakas ng Batas Militar, nagkaroon ng kamalayan ang mamamayan na kailangan nilang
makilahok at bantayan ang kanilang karapatang pantao upang hindi na muling abusuhin.

Bago tayo magpatuloy, atin munang sagutin ang gawain sa ibaba.

Punan ng sagot ang ALAM at NAIS MALAMAN gamit ang KWL or ANNA chart. Isulat sa kolum na ALAM ang mga
nalalaman sa People Power I at sa kolum na NAIS MALAMAN sa mga nais pang matutunan.

ALAM NAIS MALAMAN NALAMAN


People Power 1

Natapos ang Batas Militar noong ika-17 ng Enero, 1981 sa bisa ng Proklamasyon Bilang 2045. Ngunit, nanatili si
Marcos bilang pangulo ng Pilipinas sa kabila ng kaliwat-kanang paratang ng paglabag sa karapang pantao ng
mga naging biktima sa ilalim ng Batas Militar. Ngayon ay atin basahin ang mga naging dahilan ng pagwawakas
ng rehimeng Marcos na nanatili sa puwesto bilang pangulo mula 1965 hanggang 1986.

Mga Pangyayaring Nagbibigay-daan sa People Power 1

Ang People Power 1 o “Edsa Revolution” ay isa sa pinakamapayapang rebolusyon sa kasaysayan ng mundo
sa pagkamit ng pagbabago sa uri ng pamahalaan at sa mga namamahala.
Pag-usbong at Pagkilos ng Oposisyon
Sa patuloy na kahirapan ng mamamayan sa panahon ng Batas Militar at sa patuloy ng pagdami ng bilang
ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao, maraming mga mamamayan ang lumahok sa mga pagkilos
at pagbabatikos sa pamahalaan ni Ferdinand Marcos. Sa panahong ito, umusbong ang mga samahang
makabayan laban sa pamahalaang diktatoryal. Naranasan ng bansa ang krisis pang-ekonomiya at pampulitika
dahil sa daming oposisyon.
Dagliang Halalan o Snap Election
Ang patuloy na protesta at demonstrasyon ng iba’t ibang sektor ng mamamayan sa maraming lugar ng bansa
ay nagdulot ng pagbagsak ng ekonomiya at krisis pampulitika sa bansa. Dahil dito ay ginanap ang dagliang halalan
o “snap election” noong ika-7 ng Pebrero, 1986. Hinarang ito ng maraming opisyal ng bansa dahil ito ay labag sa
Konstitusyon. Sa pasya at pag-iindorso ng pamahalaang Estados Unidos ay ipinagpatuloy ang halalan. Magkaiba
ang naging resulta ng bilangan ng NAMFREL at COMELEC. Sa tala ng NAMFREL ang mga panalo ay sina Corazon
Aquino at Salvador Laurel, samantala, sina pangulong Ferdinand Marcos at Arturo Tolentino ang nanalo sa
COMELEC. Dalawang pagpapahayag at panunumpa ang naganap. Sina Pangulong Marcos at Tolentino sa
Batasang Pambansa at Malakanyang, habang sina Gng. Aquino at Salvador Laurel naman sa Club Filipino San
Juan. Karamihan ay hindi sumasang-ayon at naglunsad ng pagbo-boycot sa lahat ng mga serbisyong pagmamay-
ari ng pamilyang Marcos at nanawagan sa kaniyang pagbitiw sa tungkulin.
Pagtiwalag ng Militar
Ang mainit na panawagan sa pagbitiw ni Pangulong Marcos bilang pangulo ay nakaagaw pansin at suporta
mula sa mga batang kasapi ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas dahil sa naranasan nitong panggigipit at
pagmamalabis sa hanay ng kasundaluhan. Karamihan sa mga batang opisyal ng militar ay nawalan ng tiwala sa
pamumuno ng sandatahang lakas. Nag-organisa ng isang kasapi ang mga sundalo at sumabay sa panawagan ng
pagbabago. Ang plano nitong paglunsad ng coup d’ etat o pag-agaw ng kapangyarihan sa marahas na
pamamaraan ay naging hudyat sa pagtiwalag ng military sa pangulo. Karamihan sa mga sundalong kasapi sa
pagplano nito ay dinakip at pinarusahan. Upang maipagtanggol ng mga sundalo ang kanilang mga sarili ay
pinasya nilang magtago sa Kampo Aguinaldo at Kampo Krame sa pamumuno nina Minister ng Tanggulang
Pambansa Juan Ponce Enrile at Vice Chief of Staff Fidel V. Ramos. Nagbigay ito ng matinding galit kay Pangulong
Marcos kaya’t inatasan niya ang kaniyang Chief of Staff na si Heneral Favian Vern na lusubin ang Kampo Krame at
dakpin sina Enrile at Ramos at kasamahan at bawiin ang dalawang kampo.
Panawagan ni Jaime Cardinal Sin
Ang pagkampi nina Juan Ponce Enrile at Fidel V. Ramos at mga tauhan nito sa Krame at Aguinaldo ay nagdulot
ng panganib sa kanilang mga buhay. Humingi sila ng tulong kay Arsobispo Jaime Cardinal Sin na atasan ang mga
mamamayan na ipagtanggol sila mula sa mga malakihang tangkeng pandigma at malalakas na armas ng militar.
Nanawagan si Jaime Cardinal Sin sa mga tao na magpunta sa EDSA upang protektahan ang mga sundalong
nagkampo sa Krame at Aguinaldo. Tumugon agad ang mga tao at kaagad na bumuo ng barikada sa paligid ng
kampo at nagsilbing harang laban sa mga sundalo ni Pangulong Marcos. Ito ang naging simula sa People Power o
Revolution sa EDSA. Umabot ng limang araw ang barikada na tinaguriang People Power Revolution.
Tagumpay ng EDSA People Power 1
Nag-alay ang mamamayan ng mga bulaklak, pagkain at rosaryo sa mga sundalo. Sa loob ng apat na araw
at apat na gabi, maraming Pilipino mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan at mula sa ibang lugar ay nanatiling
nakahimpil sa harap ng kampo Crame at nagsilbing panangga sa mga tangke. Natapos ang himagsikan nang
bumaba si Pangulong Marcos sa Malacanang kasama ang kaniyang pamilya at nagtungo sa Hawaii. Ang mga
dasal, bulaklak, pagkain, awit at pagkabuklod-buklod ng mga tao ay nagsilbing tulay ng mga Pilipino upang
maabot at makausap sa payapang paraan ang mga sundalo ni Pangulong Marcos. Ito rin ang hudyat sa
pagbabago ng pamahalaan ng bansa.

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: Ikalawang araw sa Ikatlong Linggo)


Ngayon ikaw ay nagkaroon ng kaalaman, tungkol sa mga pagkilos at pagtugon ng mga Pilipino na nagbigay
daan sa pagwawakas ng panunungkulan ni Marcos sa pamamagitan ng People Power 1, sukatin ang iyong
kaalaman sa pamamagitan sa pagsagot sa mga katanungan sa ibaba. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ano ang mga isinagawang pagkilos ng mamamayan para maging matagumapay ang People Power 1?
2. Bakit naging suliranin sa pangasiwaang Marcos ang oposisyon at mga taong tulad ni Senador
Benigno Aquino Jr.?
3. Bakit nawalan ng kasiyahan sa hukbo ng mga batang opisyal ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas?
4. Sa paanong paraan ipinaglaban ng mga Pilipino ang demokrasya laban kay pangulong Marcos?
5. Bilang isang mag-aaral, paano mo maibabahagi sa iyong kamag-aral ang pagpapahalaga sa mapayapang
pamamaraan na pakikipaglaban noong panahon ng People Power 1?

Matapos mong masagutan ang mga katanungan, ngayon naman ay iyong sukatin ang iyong mga
natutunan sa pamamagitan sa pagsagot sa mga sumusunod na gawain.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Piliin ang tamang sagot sa kahon. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

EDSA Juan Ponce Enrile People Power I


Jaime Cardinal Sin Snap Election Corazon Aquino

_______1. Siya ay alagad ng simbahan na may malaking bahagi sa matagumpay na People Power 1.
_______2. Ang patuloy na protesta at demonstrasyon ng iba’t ibang sektor ng mamamayan sa maraming lugar
ang nagdulot ng pagbagsak ng ekonomiya at krisis pampulitika sa bansa kaya nagdesisyon si Marcos
na papiliin ang mga tao kung nais pa nilang ipagpatuloy ang kanyang panunungkulan.
_______3. Ang kaniyang pagtiwalag kay Pangulong Marcos ay malaking tulong sa tagumpay ng People Power 1
_______4. Ito ay isa sa pinakamapayapang rebolusyon sa kasaysayan ng mundo sa pagkamit ng pagbabago sa
uri ng pamahalaan at sa mga namamahala.
_______5. Dito naganap ang makasaysayang People Power I.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Magbigay ng mahahalagang pangyayari sa People Power I, gamit ang chart na
nagbigay-daan sa pagwawakas ng rehimeng Marcos. Ipaliwanag ang sagot sa sagutang papel.

People Power Pagbagsak ng Rehimeng Marcos


I
E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: Ikatlong araw sa Ikatlong Linggo)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Gamit ang graphic organizer, ipaliwanag kung paano ipinakita ng mga Pilipino
ang kanilang pagmamahal sa bayan noong panahon ng People Power I. Ipaliwanag ang sagot. Gawin ito sa
sagutang papel.

Mapayapang
bansa, Pilipinas

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Ipaliwanag kung paano nakatulong ang sumusunod na pangyayari sa mapayapa
at matagumpay na People Power I. Gamitin ang Read and React chart. Gawin ito sa sagutang papel.

READ: Nanawagan si Jaime Cardinal Sin sa mga tao na magpunta sa EDSA upang
protektahan ang mga sundalong nagkampo sa Krame at Aguinaldo.

REACT:

READ: Nag-alay ang mamamayan ng mga bulaklak, pagkain at rosaryo sa mga


sundalo.

REACT:

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Ipaliwanag ang sagot sa sagutang papel.

Kung dumating ang pagkakataon na maulit ang People Power, makiki-isa o sasali ka ba sa pakikipaglaban ng
demokrasya? Bakit?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Balikan ang KWL Chart. Sagutin ang huling kolum. Itala ang iyong nalaman o
natutunan sa ating aralin.

ALAM NAIS MALAMAN NALAMAN


People Power 1

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Performance Task


Panuto: Pumili ng gawain na angkop sa iyong interes at kakayahan. Gawing gabay ang tanong kung paano naging
matagumpay ang pagkilos at pagtugon ng mga Pilipino na nagbigay daan sa pagwawakas ng Rehimeng Marcos
sa pamamagitan ng People Power 1.
a. Bumuo ng Collage
b. Bumuo ng Sanaysay
c. Gumuhit ng Poster
d. Bumuo ng Tula/Awit
A. Paglalapat (Mungkahing Oras: Ikaapat na araw sa Ikatlong Linggo)
Ang People Power I ay isang mahalaga at makasaysayang paraan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa
demokrasya. Bilang isang mag- aaral, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa demokrasyang ating
tinatamasa sa kasalukuyan?

V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: Ikaapat na Araw sa Ikalimang Linggo)


(Ang mga Gawain sa Pagkatuto para sa Pagpapayaman, Pagpapahusay, o Pagtataya ay ibibigay sa ikatlo at
ikaanim na linggo)
Panuto: Talakayin ang naidulot na kabutihan ng People Power 1 sa mamamayang Pilipino. Sumulat ng limang (5)
pangungusap ukol dito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: Ikalimang araw sa Ikatlong Linggo)


• Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.
Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng
mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa
iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa
gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa LP Gawain Sa LP Gawain Sa LP Gawain Sa LP
Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8
VII. SANGGUNIAN Ang Pilipinas sa Makabagong Henerasyon 5 p.269

Bautista, Evelyn B. “Isang Lahi…Isang Mithi” Kasaysayan Ikalimang Baitang. Makati City: Salesiana, c2002.

DepEd Learning Resource Portal. MISOSA 5: Mga Pangyayaring nagbigay-daan sa People Power I.
c2014. https://lrmds.deped.gov.ph. May 22, 2021. https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6261

Knowledge Channel. Kasaysayan TV: People Power Part 1. Kanasanayang Pampagkatuto:


Panunumbalik ng Demokrasya. c2010. https://www.youtube.com/c/knowledgechannelorg. May 22,
2021. https://www.youtube.com/watch?v=7hKjEzB_gzI

Inihanda ni: LHEN CLAUDES F. SAN JUAN, Sinuri nina: JEAN L. DANGA, JESUSA L. PARTOSA, MA.
JEAN D. SAN JUAN TERESA P. BARCELO, MARIA THERESA O.
SUMARAGO, ROSANITO S. PARAS at RICARDO
P. MAKABENTA

You might also like