You are on page 1of 1

Dating Kaibigan

Ni: Remenick David

I
Kumusta ka dilim? Dati kong kaibigan
Ako’y pumarito upang makipagkuwentuhan
Patungkol sa sapantahang naglalayag sa kawalán
Itinanim ang lagaslas ng panaghoy yaring katahimikan.

II
Ito’y sapantahang namumunla sa aking utàk
Nanatiling lumalago at namumulaklák
Sa aking Kalayaan, samyon ay panyuyuràk
Di mapakailang maging sa panaginip ko’y humahalimuyák.

III
Bahagya kong niyakap ang kaibigan habang umÍiyák
Sa piling niya’y nakapagmuni-muni ako ng tiyák
Tinuruang humulma ng huwad na ngiti at galák
Ikubli ang pagtangis at dalamhati ng pusong náwasák.

IV
Sa kandungan niya’y nahalinhan yaring lulan
Pinangiti ang kaluluwa’t luha’y pinahiran
Siya ang natatangi at lihim kong kaibigan
Na sa mariin kong pag-idlip lamang masisilayan.

You might also like