MGA HALIMBAWA NG TULA
Ni: Aljohar Tediaros
“Pabango”
I
Kagalaka’y dama ng imaheng patay,
Amoy ng talino’y iyong tinataglay,
Bango sa umaga ng bukang liwayway,
Larawan sa mukha mong walang kapantay.
II
Sa kabila nito ay may alaala,
Amoy ng naglaho’ng galak at tiwala,
Saiyong mukha ay aking nakikita,
Ang mabangong amoy gusto ng mawala.
III
Natatawa ako pag naaamoy ka,
Dahil nariyan na’t tayo’y tahimik na,
Hindi maka imik salita’y bilang na,
Hanggang ngayon akoy lito’t nagtataka.
IV
Masakit mang amoy ang naaalala,
Kausapin ka man ay suntok sa tala,
Katabing upoan nawa’y maniwala,
Maging kaibigan kay ‘di magsasawa.
“Lapis”
Ikaw ang hawak
Sa pagguhit ng tala
Kaligayahan.
“Baso”
Minsan ika’y mabait,
Minsan ika’y masungit,
Hawak ka ng mahigpit,
At halik ay didikit