You are on page 1of 49

Filipino 2

Panitikang Pilipino

Modyul lll
Panahon ng Pambansang Pagkamulat at
Himagsikan

Nilalaman

Aralin 1. Kilusang Propaganda: Si Jose Rizal at


Marcelo H. Del Pilar

Aralin 2. Ang Mga Propagandista

Aralin 3. Panahon ng Himagsikan: Si Andres Bonifacio

Aralin 4. Iba Pang Mga Manunulat na Mapaghimagsik:


Emilio Jacinto, Apolinario Mabini at Jose Palma
Filipino 2
Modyul III
Aralin 1. KILUSANG PROPAGANDA: SI JOSE RIZAL AT
MARCELO H. DEL PILAR

Mga Layuning Tiyak:


Pagkatapos ng araling ito, dapat ka nang:
1. magkaroon ng kabatiran sa kabutihang naidulot ng kilusang Propaganda; at
2. magkaroon ng kaalaman ukol sa mga tanyag magkaroon na propagandista at
ng mga akdang naisulat nila.

PANIMULA:
Pagkaraan mapapanatili ng mga Kastila ang impluwensiya ng kanilang pulitika,
relihiyon at kultura sa Pilipinas, naging madali na para sa kanila ang pagharian ang
abuso, ang hustisya, diskriminasyon, kamangmangan at kahinaang-loob sa kapuluan.
Ang ganitong kalagayan ay nagsilang sa kawalang-kasiyahan at nang lumaon ay
naging mga lihim o piping protesta. Ang unang kilusang pangreporma ay tinawag na
kilusang propaganda at ang ikalawang kilusan ay tinawag na himagsikan. Ang mga
kilusang ito ang nagmulat sa kapilipinuhan ng mga karapatang dapat nilang matamo.

PANAHON NG PROPAGANDA
Ang mahigit na tatlong daang taong paniniil at pagsasamantala ng mga
maykapangyarihang dayuhan, paghamak sa mga Indiyo, suliranin sa sekularisasyon at
maling pamamalakad ng pamahaan ay mga sanhi sa unti-unting pagkakabuo at
paglaganap ng damdaming makabayan. Nadagdagan pa ito ng mga pangyayaring tulad
ng pagkakabukas ng Pilipinas sa pandaigdig na kalakalan, pagkakabuo ng gitnang-uri,
pagsapit ng diwang liberalismo at pagkakagarote sa tatlong paring Gomez, Burgos at
Zamora.
Sa biglang tingin ay tila takot ang bayan dahil sa ibayong higpit at pagbabanta ng
mga Kastila ngunit sa katotohanan ay dito nagsimula ang pagpapahayag ng kanilang
mapanlabang damdamin. Ang dating diwang makarelihiyon ay naging makabayan. Ang
bumubuo ng pangkat ng repormista at propagandista ay sina Jose Rizal, Marcelo H. del
Pilar, Graciano Lopez Jaena, Mariano Ponce, Antonio Luna, Jose Ma. Panganiban,
Pedro Serrano Laktaw, Isabelo de los Reyes at Pedro Paterno.

KILUSANG PROPAGANDA
Ang kilusang propaganda ay naglalayon ng mga pagbabago gaya ng mga
sumusunod :
1. Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa kortes ng Espanya
2. Pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas.
3. Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.

1
4. Sekularisasyon ng mga parokya sa kapuluan.
5. Kalayaan ng mga mamamayang Pilipino sa pamamahayag, pananalita,
pagtitipon o pagpupulong at pagpapahayag ng kanilang mga hinaing.
Upang lumaganap ang kanilang simulain at maipaabot ang kanilang mithiin para
sa bayan, ay gumawa sila ng mga hakbangin gaya ng pagsanib sa Masonaria, mga
asosasyong laban sa pamamalakad ng mga prayle, pagtatatag ng samahang binubuo
ng mga Pilipino at Kastilang may pagmamalasakit sa kapakanan ng mga Pilipino.
Mga katangian ng Panitikang Pilipino sa Panahon ng Propaganda:
1. Matindi ang damdamin ng pagka-makabayan sa mga akda.
2. Mapang-uyam at kung minsan ay garapal sa panunuligsa ang mga akda.
3. Matapat na matapat ang paglalarawan ng mga akda sa realidad
4. Kahit propaganda ang karaniwang intensiyon ng mga akda, naroon din
ang masining na paglalarawan ng marangal na mga damdamin at
matatayong na ideal o kaisipan.
5. Kapansin-pansin ang walang atubiling pagpapahayag ng kaisipan at
damdamin na pigil o pipi noong nakaraang mga dekada

ANG MGA PROPAGANDISTA AT ANG MGA AKDANG KANILANG NAISULAT

1. DR. JOSE RIZAL (1861-1896)


Labing-isang taon pa lamang siya nang maganap ang walang katarungang
pagpatay sa tatlong paring martir at maraming pagpapatapon at pagpapabilibid at ito
ang dahilan ng pagkamulat ng kanyang damdamin sa paghihimagsik na mababakas sa
kanyang mga isinulat na akda.
Ipinanganak si Dr. Jose Rizal sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19,1861.
Kinilalang henyo pagkat siya’y kilalang doktor, pintor, makata, nobelita, dalubwika,
siyentipiko, pilossopo, mananalaysay at guro. Sa gulang na tatlong taon ay natutuhan
na niya ang alpabeto. Sumulat ng tula at nakilala ang kahusayan sa pagtula sa gulang
na walong taon.Naisulat niya ang tulang “Sa Aking Kababata” sa wikang Tagalog noong
labing dalawang taong gulang at sa wikang Kastila “A La Juventud” noong labingwalong
taong gulang siya.
Si Dr. Jose Rizal ay nakapagsalita ng 22 wika. Ang unang pag-aaral na pormal
ay sa Biñan, Laguna. Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa Ateneo Municipal (Ateneo de
Manila) Colegio de Santo Tomas ngunit tinapos ito sa Universidad ng Madrid. Nag-aral
din siya sa Leipzig, Berlin at Heidelberg Gumamit siya ng sagisag panulat na “Dimas-
alang” at “Laong-Laan.”
Sa maikling panahon, si Dr. Jose Rizal ay naging tanyag dahil sa pagkalimbag
ng “Noli Me Tangere” (1887) at “El Filibusterismo” (1889), mga nobelang inihandog niya
kina Gomez, Burgos at Zamora , ang tatlong paring Pilipino na naging martir. Sa
pagbalik niya sa Pilipinas, kaagad pinatawan siya ng pagkasalang rebelyon. Hinatulan
siyang ipatapon sa Dapitan (Hulyo 7, 1892-hanggang Hulyo 11, 1896). Sa kanyang

2
paglalakbay patungong Mindanao ang sinakyang barko ay dumaan sa Dumaguete at
doon nakita niya ang pook na kaayaaya at tahimik.
Ang kanyang pagmamahal sa bayan ay nagbigay wakas sa kanyang buhay.
Binaril siya sa Bagumbayan (Luneta) noong Disyembre 30, 1896 sa paratang na
paghihimagsik laban sa pamahalaang Kastila.
a. NOLI ME TANGERE AT EL FILIBUSTERISMO – dalawang nobelang
tuwirang naglalahad ng mga sakit o kanser ng lipunan, maling pamamlakad
ng pamahalaan at simbahan at katiwalian sa mga paaralan na pumipigil sa
pagkakatuto ng mga Pilipino. Sinasabing ang mga nobelang ito ang
nagpasigla sa kilusang Propaganda at nag-udyok ng Himagsikan laban sa
Espanya.
b. SA MGA KABABAIHANG TAGA-MALOLOS - Isang sulat na bumabati sa
mga kababaihang taga-Malolos dahil sa kanilang paninindigan at
pagnanais na matuto. Ito ay may lakip na tagubilin tungkol sa
pagkakapantay-pantay ng tao, pagkakaisa, paggalang sa sarili at paalaala
sa tungkuling dapat gampanan ng isang ina ng tahanan.
k. KUNDIMAN- Tulang nagpapahayag na darating ang pagkakataon na ang
inaping baya’y ililigtas bumaha man ng dugo.

Tunay ngayong umid


Yaring dila’t puso,
Bayan palibhasa’y
Lupig at sumuko
Sa kapabayaan
Nang nagturong puno.
Datapwa’t muling
Sisikat ang araw,
Pilit maliligtas
Ang inaping bayan
Magbabalik mandin
At muling iiral
Ang ngalang Tagalog
Sa sandaigdigan.
Ibubuhos namin
Ang dugo’t babaha
Matubos nga lamang
Ang sa amang lupa
Sinta’y tatahimik,
iidlip ang nasa.

d. AWIT NI MARIA CLARA – tulang nagsisiwalat ng kanyang damdamin


tungkol sa sariling bayan.

3
Kaytamis ng oras sa sariling bayan
Kaibigang lahat ang abot ng araw
At sampu ng simoy sa parang ay buhay
Aliw ng paninindim pati kamatayan.
Maalab na halik ang nagsaliw-saliw
Sa labi ng inang mahal pagkagising
Ang pita ng bisig ay siya’y yapusin
Pati mga mata’y ngumingiti mandin.
Kung dahil sa bayan, kay tamis mamamatay
Doon sa kasuyo ang abot ng araw
Kamatayan pati ng simo’y sa parang
Sa walang pag-ibig, ni ina, ni bayan.

e. MI ULTIMO ADIOS – Huling tula ni Rizal na naisalin sa iba’t Ibang wika at


kinapapalooban ng kanyang huling habilin para sa bansang Pilipinas.

Mga patnubay na tanong:


1. Anu-anong mga larawan ang nakikita habang nagbabasa ka ng
tulang ito?
2. Batay sa tulang ito bakit masasabing dakila si Dr. Jose Rizal?

HULING PAALAM
Salin ni Jose Gatmaytan

Paalam na sintang lupang tinubuan


Bayan masagana sa init ng araw,
Edeng maligayang sa ami’y pumanaw
At perlas ng dagat sa dakong Silangan.
Inihahandog ko ng ganap na tuwa
Sa iyo ang buhay na lanta’t naaba
Naging dakila ma’y iaalay rin nga
Kung dahil sa iyong ikatitimawa
Ang nangasa-digmang dumog sa paglaban,
Handog din sa iyo ang kanilang buhay!
Hirap ay di pansin, at di gunamgunam
Ang pagkaparool o pagtatagumpay.
Bibitaya’t madlang mabangis na sakit
O pakikibakabang lubhang mapanganib
Pawang titiisin kung ito ang nais
Ng baya’t tahanang pinakaiibig.
Ako’y mamamatay ngayon minamalas
Ang kulay ng langit na nanganganinag
Na ibinabadhang araw ay sisikat

4
Sa kabila niyong mapanglaw na ulap.
Kung dugo ang iyong kinakailangan
Sa ikaririlag ng iyong pagsilang
Dugo ko’y ibuhos nang isa man lamang
Sa ngumingiti mong sinag ay kuminang.
Ang mga nasa ko mulang magkaisip
Magpahanggang ngayon maganap ang bait,
Ang ikaw’y makitang hiyas na marikit
Ng dagat Silangan na nakaliligid.
Noo mo’y maningning at sa mga mata,
mapait na luha bakas ma’y wala na,
Wala ka nang poot, wala nang balisa,
Walang kahapisa’t munti mang pangamba.
Sa sandaling buhay maalab kong nais
Ang kagalingan mo’t ang wakas ng sulit
Ng kaluluwa kong gayak nang aalis,
Ginhawa’y kamtan mo, anong pagkarikit.
Nang maaba’t ikaw’y mapataas lamang,
Mamatay at upang mabigyan kang buhay,
Malibing sa lupang puspos ng karikta’t
Sa silong ng iyong langit ay mahimlay.
Kung sa ibang araw, ika’y may mapansin
Nipot na bulaklak sa aba kong libing,
Sa gitna ng mga damong masisinsin
Hagka’t ang halik mo’y itaos sa akin
Sa samyo ng iyong pagsuyong matamis
Mataos na taghoy ng may sintang dibdib,
Bayaang tumanggap noo ko ng init
Na natatabunan ng lupang malamig.
Bayaan mong ako’y malasin ng buwan
Sa liwanag niyang linaho’t malamlam,
Bayaang ihatid sa aking libingan
Ang banaag niyang dagling napaparam.
Bayaang humalik sa simoy ng hangin,
Bayaang sa huning masaya’y awitin
Ng narapong ibon sa kurus ng libing
Ang buhay-payapang ikinaaaliw.
Bayaang ang araw na lubhang maningas
Pawiin ang ulan, gawing pawang ulap,
Maging panganorin, sa langit umakyat,
At ang aking daing ay mapakilangkap.
Bayaang ang aking maagang pagpanaw
Itangis ng inang lubos na nagmahal

5
Kung may magpatungkol sa akin ng dasal
Ako’y iyo sanang idalangin naman.
Idalanging mo rin ang kinapus-palad
Na nangamatay na’t yaong nangaghirap
Sa daming pasakit, at ang lumalanghap
Naming mga ina ng luhang masaklap.
Idalanging sampung balo at ulila
At nangapipiit na tigib ng dusa
Idalanging mo ring ikaw’y matubos na
Sa pagkaaliping laong binabata.
Kung nababalot na ang libingan
Ng sapot na itim ng gabing mapanglaw
At kung walang tanod kundi pawang patay,
Huwag gambalain ang katahimikan.
Pagpitaganan mo ang hiwagang lihim
At mapapakinggan ang tinig marahil,
Ng isang salteryo, ito nga’y ako rin,
Inaawitan ka ng aking paggiliw.
Kung ang libingan kong limot na ng madla
Ay wala nang krus ni bato mang tanda,
Sa nangagbubukid ay ipaubayang
Bungkali’t isabog ang natipang lupa.
Ang mga abo ko’y bago pailanlang
Mauwi sa wala na pinanggalingan,
Ay makalat munang parang kapupunan
Ng iyong alabok sa lupang tungtungan.
Sa gayo’y wala nang anuman sa akin
Ako’y limutin na’t aking lilibutin
Mga himpapawid, kaparanga’t bangin
At ako sa iyo’y magiging tagingting.
Bango, tinig, higing, awit na masaya,
Liwanag at kulay na lugod ng mata’y
Uulit-ulitin sa tuwi-tuwina
Ang katahimikan ng aking pag-asa.
Sintang Pilipinas, lupa kong hinirang
Dusa ng dusa ko ngayon at pakinggan,
Huling paalam ko’t sa iyo’y iiwan
Ang lahat ng lalong inirog sa buhay.
Ako’y yayao na lupang payapa
Na walang alipi’t punong mapang-aba
Doo’y di nanatay ang paniniwala
At ang naghahari’y diyos na dakila.
Paalam na ako, magulang, kapatid,
Bahagi ng puso’y unang nakaniig
6
Ipagpasalamat ang aking pag-alis
Sa buhay na itong lagi nang ligalig.
Paalam na liyag, tanging kaulayaw
Taga-ibang lupang aking katuwaan,
Paalam sa inyo, mga minamahal,
Mamatay ay ganap na katahimikan.

g. PINATUTULA AKO- tulang nalathala sa La Solidaridad at sa La


Independencia, inulit sa Republika Filipina at sa iba pang mga pahayagan
sa Pilipinas.

Hinihiling nilang ang lira’y kalbitin


na laon nang sira’t napipi sa lagim;
di ko na makunan ni isang tagintig,
at ang aking “musay” walang salamisim!
Malamig umanas, nahihibang mandin,
kung pinagdurusa ng isip kong angkin
kung tumawa’y parang nagsisinungaling,
na gaya rin naman ng kanyang hinaing,
sapagka’t sa lungkot niring pagkabinbin
kaluluwa’y wala nang tuwa ni damdamin.
May isang panahon, at ito ay tapat!
Ngunit ang panahong yaon ay lumipas;
Makata kung ako’y tawagin ng lahat,
o ng kaibigan; ang tanging nalagak
sa panahong yaong lumipas at sukat
ay ang karaniwang malabi sa galak;
mahiwagang himig na siyang naggawad
sa mga panding na nangag-iingat
ng mga taginting ng gayong lumipas
na mga tugtuging sa orkestra buhat.
Ako’y isang punong katutubo lamang
Na biglang binunot sa lupang panagimpan;
Bayan ng pagsintang di malilimutan!
Pati sa pag-awit ako’y tinuruan
Niyong mga ibon sa paghuhunihan,
sa talon ng tubig ay ang ugong naman,
gayundin, ang angil ng sangkaragatan
sa kanyang malawak na dalampasigan.
Samantalang noong ako’y isang bata.
ay nangitian ko ang maagang tala,
dini sa dibdib ko’y kumukulo yatang
buklang nag-aapoy sa sariling tula;
pagka’t ang nais ko ay maging makata,
nang upang masabi sa sariling tula,

7
sa buntong-hiningang hindi maapula,
sa hanging mabilis na itinutudla,
“ikaw ay lumipad, sa langit at lupa’y
ikalat ang kanyang pangalang dakila!
Nilisan ko na nga! … Ang irog kong Bayan,
Punong walang dahon, natuyo sa ilang!
Di na inuulit yaong alingawngaw
ng mga awit ko nang nagdaang araw …
At aking binagtas ang sangkaragatan,
sa nasang magpalit,niring kapalaran;
datapwa’t ang aking imbing kabaliwa’y
Di nakapapansing ang matatagpuan
ay di ang hanap ko, ang aking kasabay
sa paglalayag ko’y yaong kamatayan.

2. Marcelo H. Pilar (1850-1896)


Isinilang si Marcelo H. del Pilar noong Agosto 30,1850 sa Sitio Cupang sa nayon
ng San Nicolas sa Bulacan. Si Hermigildo Flores ang kanyang unang guro. Nag-aral
siya sa Colegio de San Juan de Letran at nagtapos ng batas sa Universidad ng Sto.
Tomas.
Bilang pangunahing pinuno ng Kilusang Propaganda ipinakita niya kaagad ang
pagtutol sa mga pamamalakad ng mga Kastila. Lantad ang gayon niyang damdamin sa
pahayagang “Diariong Tagalog” na itinatag at pinamatnugutan niya noong 1882.
Nang ipatapon ang kanyang kapatid na si Torribio sa Marianas alam niyang
mapanganib na rin para sa kanya ang tumigil sa kanyang bayan. Noong ika-22 ng
Oktubre, 1888, naglayag siya,iniwan ang asawa’t mga anak at nagtungo sa Espanya
upang makisama sa kilusan ng mga propagandista. Agad siyang nakipagunawaan kina
Graciano Lopez Jaena sa paglalabas ng pahayagang La Solidaridad. Sa mga dahon
nito napalathala ang mga sinulat nina Jose Rizal, Mariano Ponce , Antonio Luna, Jose
Ma. Panganiban at Moises Salvador .
Nagkasakit siya ng tuberculosis noong 1889 noong naging patnugot siya ng La
Solidaridad. Sa pamamagitan ng pahayagang ito sinikap niyang maipag-laban ang
hangaring magkaroon ng repormma sa kalagayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga
reporma.
Noong Hulyo 4, 1896 sa gulang na 45, binawian siya ng buhay sa Barcelona sa
piling ng mga kaibigan. Noong Disyembre 3, 1920 ang labi ng del Pilar ay iniuwi na sa
sariling bayan.
a. CAIINGAT CAYO- Libritong ikinalat niya na magtatanggol sa oli.
b. DASALAN AT TOKSOHAN- isang parodying gumagagad sa
nilalaman ng aklat-dasalan.
c. ANG CADAQUILAAN NANG DIOS - isang sanaysay na tumutuligsa sa
mga prayle at nagpapaliwang ng kanyang sariling pagkilala sa
kadakilaan ng Diyos.

8
d. LA SOBERANIA MONACAL EN FILIPINAS –Sanaysay na tumutuligsa sa
mga prayle at nagpapalayas sa mga ito upang mawala ang mga
hadlang sa kaunlaran at kaligayahan ng Pilipinas.
e. SAGOT NG ESPANYA SA HIBIK NG PILILPINAS- Tulang may 82
taludtod. Ito ay naglalayong humingi ng pagbabago ngunit ipina-hayag na
di nakapagkakaloob ng anumang tulong ang Espanya.

Mga Patbubay na Tanong:


1. Sino ang madalas tukuyin na panginoon sa akdang ito?
2. Paano naiiba ang sampung utos ng sumusunod na akda sa 10 Utos ng
Panginoong Diyos?

DASALAN AT TOKSOHAN
ANG TANDA Ang tanda nang cara-i-cruz ang ipagadya mo sa amin panginoon
naming Fraile sa manga bangkay naming, sa ngalan nang Salapi nang Maputing
binte, at nang espiritung Bugaw. Siya nawa.
PAGSISISI Panginoon kong Fraile, Dios na hindi totoo at labis nagsisihan
kong masakit sa tanang loob ko ang dilang pag-asa ko sa iyo, ang ikaw nga ang
berdugo ko, Panginoon ko at kaaway ko na inihihibic kong lalo sa lahat, magtitica
akong matibay na matibay na dina muli-muling mabubuyo sa iyo; at lalayuan ko
na at pangingilagan ang balanang makababakla nang loob ko sa pag-asa sa iyo, at
macalilibat nang dating sakit nang mga bulsa ko, at nagtitica naman ako maglalat
hala nang dilang pagcadaya ko uma-asa akong babambuhin ka rin, alang alang sa
mahal na patron at pangangalakal mo ng Cruz, sa pag-ulol sa akin. Siya nawa.
ANG AMAIN NAMIN Amain naming sumasaconvento ka, sumpain ang ngalan mo,
malayo sa amin ang kasakiman mo, quitilin ang liig mo dito sa lupa para ng sa
langit. Saulian mo cami ngayon ng aming kaning iyong inaraoarao at patauarin
mo kami sa iyong pangungal para ng pagtaua mo kung kami nacucualthahan; at
huag mo kaming ipahintulot sa iyong manunukso at iadya mo kami sa masama
mong dila. Amen
ANG ABA GINOONG MARIA Aba ginoong baria nakapupuno ka nang alcansia. Ang
Fraile’t sumasa iyo bukod ka niyang pinagpala’t pinahigit sa lahat, pinagpala
naman ang kaban mong mapasok. Santa Baria ina nang Deretsos, ipanalangin mo
kaming huag anitan kami ipapatay siya naua.
ANG ABA PO SANTA MARIA Aba po santa bariang Hari, inayan at katamisan Aba bunga
nang aming pauis, ikaw ang pinagpaguran naming pinapanaw na taong Anac ni
Eva, ikaw nga ang ipinagbubuntunghininga naming sa aming pagtangis dito sa
bayang manga anak ilingon mo sa amin ang cara-i-cruz mo man lamang at saka
bago matapos ang pagpanaw mo sa amin ay iparinig mo sa amin ang iyong
kalansing Santa Baria ina nang deretsos, malakas at maalam, matunog na guinto
kami ipanalangin mong huag magatuloy sa amin ang manga banta nang Fraile.
Amen.

9
ANG MGA UTOS NG FRAILE
Ang manga utos nang nauna: Sambahin mo ang Fraile na lalo sa lahat.
Ang ikalaua: Huwag kang mag pahamak manuba nang ngalang deretsos.
Ang ikatlo: Mangilin ka sa Fraile linggo man at fiesta.
Ang ikaapat: Isangla mo ang catauan mo sa pagpapalibeng sa ama’t ina
Ang ikalima: Huwag kang mamamatay kung uala pang salaping pang palibing.
Ang ikaanim: Huwag kang makiapid sa kanyang asaua.
Ang ikapito: Huwag kang makinakaw.
Ang ikawalo: Huwag mong pagbibitangan sila, kahit ka masinungalingan.
Ang ikasiyam: Huwag mong ipagkait ang iyong asaua.
Ang ikapulo: Huwag mong itangui ang iyong ari.
Itong sampung utos nang Fraile’y dalawa ang kinaookulan. Ang isa: Sambahin mo ang
Fraile’t lalo sa lahat. Ang ikalawa: ihain mo naman sa kaniya ang puri mo’t kayamanan.
Siya naua.

Ang manga kabohongang asal, ang pangala’t tontogales ay tatlo:


Igalang mo………..
Katakutan mo…….. Ang Fraile
At pag manuhin mo..

APAT ANG MGA KAHOLIHOLIHANG DARATING SA FRAILE


Ang una’i ang kamatayan nang paniniuala sa kanila.
Ang ikalaua’i ang paghohokom sa madlang ginauang kadayaan.
Ang ikatlo’i ang madlang lait nang bayan.
Ang ikapat ang sila’y palayasin.

ANG MGA BIYAYA NANG FRAILE SA NANGA OLOL AY APAT


Ang nauna’i ang pag-utusan.
Ang ikalaua’i gauing tauong simbahan.
Ang ikatlo’i ligauan ang anak.
Ang ikaapat ay gamitin sa kapangyayaan.

ANG HAMPAS NANG KAGALITAN NANG FRAILE AY TATLO


Ipatibay kung maaari, gaya nitong tatlong pari.
Tauaguin filibustero at ipadala ka sa Jolo.
Formahan kaya nang causa’t bilangoin man lamang siya.

10
ANG KABANALANG ASAL PANGALA’I VIRTUDES
Ang kalihim sa anomang gagawin.
Talino sa sasabihin.
Manga deretsos ay piguilin.
Pag papa alis ay pilitin

ANG MGA GAUANG MAGALING NA IKINABABAYAD SA KASALANAN FRAILE AY


TATLO
Ang nauna’i makatulong ka sa pagligaw
Ang ikalaua’i ang paglalang ng kafiestahan.
Ang ikatlo’i mag-pamana sa simbahan.

ANG MGA KAHATOLAN NANG FRAILE SA LIHIS NA EVANGELIO AY TATLO


Ang pagbabayad nang deretsos, kalme’t kuintas ay lumumos. Sa pagtutulos ng kandila.
Maguing dukha ka mang lubos.
Una yao’t ang ikalaua kahalaya’i mag ingat ka kung hihikayat ay iba nguni at huag kung
sila.
Ikatlo at kauakasan. Ang lubos na kasunuran Sakaling ika’i uutusan nang Fraileng sino’t
alin man.

TOKSOHAN
Tanong: Ano kaya ang Fraile?
Sagot: Isang Panginoong di kailangan na ngayon kung sa ikagagaling nang bayan,
humadlang sa karunungan, puno nang dagling kayamanan ay siya pang
kinaoouian nang lahat nating sinisimpang kayamanan.
Tanong: Iilan ang Fraile?
Sagot: Isa lamang.
Tanong: Ang orden ay ilan?
Sagot: Lima
Tanong: Turan mo kung alin-alin:
Sagot: Agustino, Recoletano, Dominico, Franciscano, at Capuchino.
Tanong: Ang Agustino’t Recoletano ay Fraile?
Sagot: Oo,Fraile nga.
Tanong: Ang Capuchino ay Fraile?
Sagot: Oo, Fraile naman.
Tanong: Iba baga ang pagka Fraile nang isa sa pagka Fraile nang iba?
Sagot: Dili kung di iisa ang pagka Fraile nila, ang pagdadaya lamang ang iba’t iba.
Tanong: May mahal na asal kaya ang Fraile para baga nang kamahalan. Man lamang
naming minamasama nila?
Sagot: Uala rin nga at ang sila’i pinangingilagang tunay na tunay.

11
Tanong: Nasaan ang manga Fraile?
Sagot: Nasa sa lahat na halos, na ualang di-kinaroroonan sa Pilipinas, at pauang
nakapangyayari sa lahat.
Tanong: Paano ang paguiguing tauo nang kanilang manga anak?
Sagot: Ipinaglilihi sa lalang nila sa tiyan nang manga confesada at dili man kung
maganda; doon na ay virgen kundi pa nanganganak, virgen din yata sa
panganganak at virgen din kung maka panganak na.
Tanong: Alin kaya ang puno at dahilan nang ayaw pa tayong iuan nang Fraile?
Sagot: Dahil sa kayamana’t sa dati nila tayong naaalipin.
Tanong: At ano pa kaya ang titiguisin nila sa atin?
Sagot: Kung hindi na tayo makakaualtahan ay ang ating manga dugo hanggang sa
mamatay.
Tanong: At ang kayamanan natin ay madadala baga natin sa hukay?
Sagot: Dili’t ihabilin natin sa dapat pagmanahan na huag ipamamalay sa Kanila,
langkapan din nang aral na unti-unting kukunin sa pinag-baunan hanggang sa
maubos nilang gamitin sa tunay na kailangan.
Tanong: Nasaan ng Fraile?
Sagot: Nakakloklok sa silon sa convento sa tabi nang kanilang kaban.
Tanong: Diyata ano ang kahologan nitong uikang maloloklok ang Fraile sa tabi nang kaban
kung ang Fraile ay may voto de probreza?
Sagot: Ang kahologan ay ito, na nag Fraile ang magiingat ng manga bagay sa sagrado na
di mumunti ang halaga na siyang ipinagbibili sa atin, at itinutumbas naman natin
sa mga bagay na yaon ang buo nating yaman sa pagasang maiaakyat tayo sa
langit.
Tanong: Diyata alin ang inaala-ala nang Fraile?
Sagot: isa lamang: kung sa pangaral niya nang lihis sa utos nang Dios ay uala, at
nakikita nating hinahamak ang lahat ang baca nga sila’y palayasin, ito lamang ang
pangamba nila.

(SEE NUMBERS 3 AND 4 OF “INSTRUCTIONS TO THE STUDENT”)

12
Filipino 2
Modyul III
Aralin 1

PAGTITIYAK NA PAGSUSULIT
I. Pilin ang wastong sagot at isulat ang titik bago bilang.
______ 1. Unang kilusang pangreporma
a.) KKK b.) Kilusang propaganda k.) Kilusang himagsikan
______ 2. Ang mga propagandista ay sumanib sa samahang upang mapalaganap ang
kanilang simulain.
a.) Masonaria b.) Katoliko k.) Iglesia
______ 3. Ang huling tula ni Rizal na naisalin sa iba’t ibang wika ay
a.) Pinatutula Ako b.) Awit ni Maria Clara k.) Mi Ultimo Adios
______ 4.) Parodying gumagagad sa nilalaman ng mga aklat dasalan
a.) Caiingat Cayo b.) Dasalan at Toksohan k.) Ang Cadaquilaan ng Dios
______ 5.) “Huwag kang makinakaw” sa utos ng prayleng ito ipinahihiwatig na
a.) magnanakaw sila b.) magnanakaw ka k.) Hindi dapat magnakaw
______ 6. Tulang nalathala sa La Solidaridad, La Independencia at iba pang pahayagan.
a.) Pinatutula Ako b.) Kundiman k.) Awit ni Maria Clara
______ 7. Nilalayon ng kilusang propaganda na gawing lalawigan ng Espanya
a.) Maynila b.) Pilipinas k.) Luzaon lamang
______ 8. Pangyayaring nagmulat at nagpaalab sa damdamin ni Rizal
a.) Kaapihan b.) Kalupitan ng Prayle k.) Pagkakagarote sa Gomburza
_______ 9. Tulang nagsasaad na ang inaping bayan ay ililigtas bumaha man ng dugo.
a.) Kundiman b.) Awit ni Maria Clara k.) Sa Kabataang Pilipino
_______ 10. Ang may pangalan sa panulat na Plaridel
a.) Rizal b.) del Pilar k.) Wala sa dalawa

II. Iwasto ang sariling papel mula sa Talaang Sagot. Isulat ang wastong sagot na
hinihingi sa bawat bilang.
_______ 1. Dalawang nobelang tuwirang naglalahad ng mga
_______ 2. Kanser ng lipunan, pamahalaan at bayan.
_______ 3. Sulat na bumabati sa mga kababaihan ng Malolos.
_______ 4. Ikalawang kilusang pangreporma.
_______ 5. Iminulat ng mga kilusang pangreporma sa Kapilipinuhan
_______ 6. Nais nila na magkaroon ng pangreporma sa Kapilipinuhan.
______ 7. isa pang ninanais para sa mga parokya sa kapuluan.
______ 8. Damdaming umiiral sa mga akda sa panahon ng propaganda.

13
______ 9. Isang sanaysay na tumutuligsa at nagpapahayag ng pagkilala
sa kadakilaan ng Diyos.
______ 10. Panginoong humahadlang sa karunugan at hindi kailangan ng
bayan

III. Talasalitaan: Piliin ang tamang sagot na akmang sagot sa patlang ng mga
pangungusap sa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang bago bilang:
umid ipagkait pagkaparool
pita salamisim

________ 1. Binali wala ng mga bayani ang kanilang______alang-alang sa bayan.


________ 2. Ano ang______ ni Dr. Jose Rizal sa pagsulat ng Noli?
________ 3. Nakatutuwang balikan ang_____ ng ating kahapon.
________ 4. Tunay ngayong______ang dila’t puso, Bayan palibhasa’y lupig at sumuko.
________ 5. Nais______ni G. Cruz ang karapatan ng katulong na magkaroon ng libreng
araw sa isang linggo.

14
Filipino 2
Modyul III
Aralin 2. ANG MGA PROPAGANDISTA

Mga Layuning Tiyak:


Pagkatapos ng araling ito, dapat mo nang:
1. makilala ang iba pang pangkat ng mga propagandista;
2. mapahalagahan sila sa pamamagitan ng pagbibigay puna sa kanilang mga
akdang isinulat; at
3. mapag-isa-isa ang mga propagandista at ang kanilang mga akda.

PANIMULA
Malaki ang naging bahagi ng ilan pang mga propagandista sa pagkamulat ng
bansang Pilipinas. Ibinuhos nila ang lahat ng kanilang nalalaman upang maipadama ang
kanilang marubdob na hangaring maglingkod sa bayan. Hindi maikakaila na ang sapat na
edukasyong natamo nila ang naging daan upang higit nilang hangaring makamtan ang
mga karapatang nauukol lamang para sa mga Pilipino. Hindi naman sila nabigo sapagkat
napagtagumpayan nila ang kanilang mga mithiin at adhikain para sa bayan.

ANG MGA PROPAGANDISTA

1. GRACIANO LOPEZ JAENA (1856-1896)


Siya ay kinilala hindi lamang ng kanyang mga kababayan kundi ng mga Kastila
man. Sinasabing lahat ay nabighani sa kanyang mga talumpati at pananalita na kalimita’y
tungkol sa abang kalagayan ng Pilipinas. Bilang repormista, hinangad niya ang
pagbabago sa pamamalakad ng pamahalaan at simbahan at naging unang patnugot ng
La Solidaridad.

a. FRAY BOTOD - Sinulat niya bilang paglalarawang tumutuligsa sa


kamangmangan at pagmamalabis ng mga prayle. Ang “botod” sa Hiligaynon
ay nangangahulugang malaking tiyan.
b. LA HIJA DEL FRAILE - Nobelang nang-uuyam sa mahalay na gawain ng
mga prayle.
c. MGA KAHIRAPAN SA PILIPINAS - Tumutuligsa sa maling
pamamalakad at edukasyon sa Pilipinas.
d. SA MGA PILIPINO - Talumpating naglalayong mapabuti ang
kalagayan ng kaniyang mga kababayan.

FRAY BOTOD
Ang mga tao ay natuturuan ng relihiyon at dalhin ang kanilang patay sa simbahan
at maiburol sa paraang kristiyano, ngunit upang malaman lamang ang napakalaking
halagang sinisingil ng mga prayle pagkatapos ng kanilang serbisyo, ay baon ang

15
namatayan sa pagkakautang. Sinangkalan ng mga prayle ang ngalan ng Mahal na siyang
nagbibigay biyaya upang sila ay mag-abuloy.
Ang mga prayle na dapat magbigay ng mabuting halimbawa ay siyang nagbibigay
ng daan na ang ibang paring Pilipino’y lumabis pa sa kanila.
Ang isang mahirap ay nakakautang ng pera sa mga prayle na may ibayong tubo at
dahil sa laki ng tubo, ang isang mahirap ay halos walang matira sa kanyang pag-aari.

2. MARIANO PONCE (1863-1918)


Tagapamahalang patnugot, mananalambuhay at mananaliksik ng kilusang
propaganda na nagkubli sa pangalang Tikbalang, Kalipulako at Naning. Ang kanyang
mga sanaysay ay nagbigay diin sa kahalagahan ng edukasyon, ipinagtanggol ang
kanyang mga kababayan sa paglait ng mga banyaga at inilahad ang karaingan ng bayan.

3. ANTONIO LUNA (1866-1899)


Siya ay gumamit ng pangalan sa panulat na Taga-ilog. Sumanib siya sa kilusang
Propaganda at nag-ambag ng maraming akda sa La Solidaridad. Ang kanyang mga
paksa ay tungkol sa kaugalian ng mga Pilipino at pagtuligsa sa pamamalakad ng mga
kastila.

a. NOCHE BUENA - Isang akdang naglalarawn ng aktual na buhay


Pilipino.
b. LA TERTULIA PILIPINA- (Ang Piging na Pilipino) Nagsasaad ng kahigtan
at kabutihan ng kaugaliang Pilipino kaysa Kastila.
c. LA MAESTRA DE MI PUEBLO - Pumipintas sa sistema ng edukasyon
para sa mga kababaihan.

4. DR. PEDRO PATERNO (1858-1911)


Mananaliksik, dramaturgo at nobelista ng pangkat na sumapi sa Kapatiran ng
Mason at Asociacion Hispano-Pilipino. Ang karamihan sa sinulat niya ay tungkol sa
paksang panrelihiyon at panlipunan. Siya ang unang manunulat na Pilipinong nakalaya
sa sensura sa panitikan noong mga huling panahon ng Kastila.

a. A MI MADRE - (Sa Aking Ina) nagpapahayag ng kalungkutan kung


mawala ang ina.
b. LA CRISTIANISMO Y LA ANTIGUA CIVILIZATION TAGALA - Nagsasaad
ng impluwensiya ng Kristiyanismo sa kabihasnan at kalinangan ng mga
Tagalog.

5. PASCUAL POBLETE (1858-1921)


Ama ng pahayagang Pilipino. Tinutuligsa niya ang mga pang-aapi at katiwaliang
ginagawa ng mga may kapangyarihang Kastila. Siya ang unang nagsalin ng Noli sa
Tagalog gayun din ang Conde ng Monte Cristo ni Alexander Dumas.

16
6. JOSE MARIA PANGANIBAN (1865-1895)
Tagapag-ambag ng mga sanaysay at lathalain sa pahayagan ng mga
propagandista sa ilalim ng sagsisag ng Jomapa. Ang kanyang mga sinulat ay pawang
naglalahad ng kahalagahan ng edukasyon, nagtatanggol sa mga Pilipino at humihingi ng
kalayaan sa pamamahayag.

7. PEDRO SERRANO LAKTAW


Ang bumuo ng Masonarya sa Pilipinas. Nagtatag din siya ng Lohiyang “Nilad”. Ito
ay naglalayong magkaroon ng demokratikong pamunuan, kalayaan at karapatan ng
bawa’t tao. Kinatawan sa kortes ng Espanya. Isa sa kanyang hiniling na pagbabago sa
Kortes ay ang pagiging lalawigan ng Espanya ng Pilipinas. Siya ang unang sumulat ng
Diccionario Hispano-Tagalo at Sobre La lengua Tagala ang pinagbatayan ni Lope K.
Santos ng Balarila ng Wikang Pambansa.

8. ISABELO DE LOS REYES


Manananggol, mamamahayag, manunulat at lider ng mga manggagawa na
nagtatag ng Iglesia Filipina Independiente. Kabilang siya sa tatlong panahon, Panahon
ng Propaganda, Himagsikan at Amerikano. Ang kanyang “EI Folkore Filipino” ay nagtamo
ng gantimpala sa Eksposisyon sa Madrid.

(SEE NUMBERS 3 AND 4 OF “INSTRUCTIONS TO THE STUDENT”)

17
Filipino 2
Modyul III
Aralin 2

PAGTITIYAK NA PAGSUSULIT
I. Isulat sa katabi ng akda ang propagandistang may akda nito. Maaaring mag-ulit ng
sagot.
1. Fray Botod ______________________________
2 Noche Buena ______________________________
3. Mga Sanaysay sa Kahalagahan ng Edukasyon ______________________________
4. A Mi Madre ______________________________
5. Sobre La Lengua Tagala ______________________________
6. EI Folklore Filipino ______________________________
7. La Maetra De Mi Pueblo ______________________________
8. La Hija Del Fraile ______________________________
9. Nagsalin ng Conde in Monte Cristo ______________________________
10. Mga Kahirapan sa Pilipinas ______________________________

II. Tukuyin ang akda ayon sa hinihingi ng deskripsyon o kaisipang nakatala.


________ 1. Tumutuligsa sa maling pamamalakad ng edukasyon sa Pilipinas.
________ 2. Nagsasaad ng kaligtasan at kabutihan ng kaugaliang Pilipino kaysa Kastila.
________ 3. Nagpapahayag ng kalungkutan kung mawala ang ina.
________ 4. Tumutuligsa sa kamangmangan at pagmamalabis ng mga prayle.
________ 5. Talumpating naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga kababayan niya.
________ 6. Nobelang nang-uuyam sa mahalay na gawain ng mga prayle.
________ 7. Pumipintas sa sistema ng edukasyon sa kababaihan.
________ 8. Nagsasaad ng impluwensiya ng kristiyanismo sa kabihasnan at kalinangan
ng mga Tagalog.
________ 9. Naglalayong magkaroon ng demokratikong pamunuan.
________ 10. Pinagbatayan ni Lope K. Santos ng Balarila ng Wikang Pambansa.

III. Talasalitaan: Pilin ang tamang sagot para sa mga patlang sa pangungusap. Isulat
ang sagot sa patlang bago bilang.
katiwalian nabighani Paglait pagtuligsa marubdob

_________ 1. Di natiis ng mga Pilipino ang


_________ 2. 2__ ng mga prayleng Kastila.
_________ 3. Malalakas ang _____ ng mga mamamayan laban sa pamahalaang Ramos
ukol sa mga nagyayari sa mga OCW.
_________ 4. Ang _____ na pagmamahal sa bayan ang nag-udyok kay Marcelo H. del
Pilar na sumulat laban sa mga Kastila.
_________ 5. Marami nang tao ang _____ sa katahimikan at kalinisan ng Lungsod ng
Dumaguete.

18
Filipino 2
Modyul III
Aralin 3 PANAHON NG HIMAGSIKAN, SI ANDRES BONIFACIO

Mga Layuning Tiyak:


Pagkatapos ng araling ito, dapat mo nang:
1. maitala ang naganap sa panitikan sa panahon ng himagsikan; at
2. mapahalagahan at masusing matalakay ang mahahalagang akdang naisulat ni
Andres Bonifacio.

PANIMULA
Ang kilusang Propaganda ay nagkawatak-watak nang si Rizal ay pansamantalang
nanirahan sa Hongkong. Sa pagkakawatak-watak nito ay pinalatin ng isa pang kilusan,
ang Katipunan na sumasagisag sa himagsikan. Ito ay pinamumunuan ni Andres
Bonifacio. Ang mga kasapi dito ay nagmumula sa masa. Ang ilan pang sumapi dito ay
ang mga kasapi ng La Liga Filipina na itinatag ni Rizal. Karamihan sa mga panitikang
naisulat sa panahong ito ay naisulat sa wikang Tagalog na di tulad ng panahon ng
propaganda na ang wikang ginamit sa pagsulat ay Kastila. Ang may pinakamaraming
naisulat ay si Andres Bonifacio na siya ding namuno sa kilusang katipunan

Mga Katangian ng Panitikan sa Panahon ng Himagsikan:


1. Binibigyang diin ang pagmumulat sa kaisipan o pangangarap na pampulitika.
2. Lubhang madamdamin ang mga akda hinggil sa bayan.
3. Nang-aakit o nagtutulak ang mga akda upang kumilos ang mambabasa.
4. Walang paghahangad na maging makasining ang mga paglalahad.

PANAHON NG HIMAGSIKAN
Bigo ang mga propagandista sa kanilang inaasahang pagbabago. Hindi
pinakinggan ng pamahalaan ang kahilingan ng mga repormador. Nahahadlangan ng
mga prayle ang anumang balak ng inang Espanya. Patuloy na umiiral ang
kapangyarihan ng mga prayle. Dahil dito, sina Bonifacio ay patuloy na umaasa ng
pagbabago at nagtatag ng Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak
ng Bayan. Nawalan din sila ng pag-asa at ang naisip nila ay maghimagsik. Ang naging
laman ng panitikan ay pawang pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan at pagbibigay
payo sa mga Pilipino upang magising, magkaisa at maghanda upang matamo ang
minimithing kalayaan.

ANDRES BONIFACIO (1863-1897)


Isinilang noong Nobyembre 30, 1863 sa isang bahay na pawid sa Tondo. Siya ang
panganay sa amin na anak nina Santiago Bonifacio isang mahirap na sastre at ni
Catalina de Castro. Natutuhan niya mula sa isang gurong Cebuano ang pagbasa,
pagsulat at pagkukuwento. Hindi siya nagkaroon ng pormal na edukasyon dahil sa
kawalan nila ng salapi.
19
Naulila siya sa gulang na 14 kaya’t naging pananagutan niya ang kanyang mga
nakababatang kapatid. Upang kumita, gumawa siya ng mga abaniko at bastong kawayan
at ipinagbili ang mga ito. Naging mensahero siya sa isang kompanya; naging ahente rin
at bodegero sa isang kasang pag-aari ng isang Aleman.
Napukaw ang Kanyang damdaming makabayan sa kanyang pagbabasa ng
sumusunod na aklat: “Noli” at “Fili” ni Jose Rizal, “Les Miserables” ni Victor Hugo, “Ang
buhay ng mga Naging Pangulo ng Estados Unidos”, “Mga Labi ng Palmera” at ang
“Kasaysayan ng Rebulusyong Pranses.”
Itinatag niya ang katipunan nang namalansag ang La Liga Filipina. Siya ay
kinikilalang “Ama ng Demokrasyang Pilipino” at “Dakilang Plebyo.” Kasal siya kay
Gregoria de Jesus na tinaguriang “Lakambini ng Katipunan.”
Ang kanyang mga isinulat ay may malaking naiambag sa diwa ng
mapanghimagsik sa larangan ng panitikan. Nagkubli siya sa pangalan o sagisag na
Agap-ito, Bagumbayan at May Pag-asa. Ang sinulat niya ay pawang nagpapahayag ng
kanyang mga adhikan para sa bayan. Ang mga sumusunod ay halimbawang ng kanyang
mga akda.

KATAPUSANG HIBIK NG PILIPINAS


Isang tulang nagpapahayag ng poot at pagbabanta sa mga sumakop sa ating bansa.
Mga Patnubay na Tanong:
1. Anong uri ang Espanya ayon kay M.H. del Pilar? Ilarawan.
2. Bakit galit ang Pilipinas sa Espanya? Ipaliwanag ang sagot.

Sumikat na, ina sa sinisilangan


Ang araw ng poot ng Katagalugan,
Tatlong daang taong aming iningatan
Sa dagat ng dusa ng karalitaan.
Walang isinuway kaming iyong anak
Sa bagyong masasal ng dalita’t hirap,
Lisa ang puso nitong Pilipinas
At ikaw ay di na Ina naming lahat.
Sa kapuwa Ina’y wala kang kaparis…
Ang layaw ng anak: dalita’t pasakit
Pag nagpatirapang sa iyo’y humibik
Lunas ng gamot mo ay kasakit-sakit.
Gapusing mahigpit ang mga Tagalog;
hinain sa sikad, kulata at suntok
makinahi’t ibiting parang isang hayop
ito baga, ina, ang iyong pag-irog?
Ipabilanggo mo’t sa dagat itapon barilin,
Barilin, lasunin nang kami’y malipol,
Sa aming tagalog ito-baga’y hatol,
Inang mahabaging sa lahat ng kampon.

20
Aming tinitiis hanggang sa mamatay
bangkay ng mistula ayaw pang tigilan
kaya kung ihulog sa mga libingan
lingsad na ang buto’t lamuray ang laman.
Wala nang namana itong Pilipinas
na layaw sa Ina kundi nga ang hirap
tiis ay pasulong, patente’ nagkalat
recargo’t impuesto’y nagsala-salabat.
Sari-saring silo sa ami’y iniisip
Kasabay ang utos tutuparing pilit
May sa alumbrado kaya kaming tikis
Kahit isang ilaw ay walang masilip.
Ang lupa at bahay na tinatahanan
Bukid at tubigang kalawak-lawakan
At gayon din naman mga halamanan
sa paring Kastila ay binubuisan.
Bukod pa sa rito’y ang iba’t iba pa
Huwag nang saysayin o Inang Espanya
Sunod kaming lahat hanggang may hininga
Tagalog di’y siyang minamasama pa.
Ikaw nga, oh Inang pabaya’t sukaban
Kami di na iyo saan man humanggan
Ihandog mo, Ina ang paglilibingan
Sa mawawakwak na maraming bangkay.
Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog
Ang barila’t kanyong katulad ay kulog
Ang sigwang masasal ng dugong aagos
Ng kanilang bala na nagpapamook.
Di na kailangan sa Espanya ang awa
ng maga tagalog oh! Inang dakila
paraiso namin ng kami’y mapuksa
langit mo naman kung kami madusta.
Paalam na, Ina, Itong Pilipinas,
paalam na, Ina, itong nasa hirap,
paalam, paalam, Inang walang habag,
paalam na ngayon, katapusang tawag.

ANG DAPAT MABATID NG MGA TAGALOG


Isang panawagan sa kaniyang mga kababayan upang buksan ang isip at hanapin ang
katwiran.

21
Mga Patnubay na Tanong:
1. Ilarawan ang buhay ng mga katutubo sa kapuluang ito bago dumating ang mga
Kastila.
2. Anu-ano ang sinasabi ng may-akda ukol sa pamamahala ng mga Kastila?

“Itong katagalugan na pinamamahalaan ng unang panahon ng ating tunay na mga kababayan


niyaong hindi pa tumutungtong sa mga lupaing ito ang mga Kastila ay nabubuhay sa lubos na
kasaganaan, at kaguinhawahan. Kasundo niya ang mga kapit bayan at lalung-lalo na ang mga taga
Japon, sila’y kabilihan at kapalitan ng mga kalakal. Malabis ang pagyabong ng lahat ng
pinagkakakitaan, kaya’t dahil dito’y mayaman ang kaasalan ng lahat bata’t matanda at sampung
mga babae ay marunong bumasa at sumulat ng talagang pagsulat nating mga Tagalog. Dumating
ang mga Kastila at dumulog na nakipagkaibigan. Sa mabuti nilang hikayat na di umano, tayo’y
aakayin sa lalung kagalingan at lalung imumulat ang ating kaisipan, ang nasabing nagsisipamahala
ay nangyaring nalamuyot sa tamis ng kanilang dila sa paghibo. Gayon man sila’y ipinailalim sa
talagang kaugalian ng mga Tagalog na sinaksihan at pinapagtibay ang kanilang pinagkayarian sa
pamamaguiatn ng isang panunumpa na kumuha ng kaunting dugo sa kani-kanilang mg ugat, at
yao’y inihalu’t ininom nila kapua tanda ng tunay at lubos na pagtatapat na di magtataksil sa
pinagkayarian. Ito’y isang tinatawag na “Pacto de Sangre” ng haring Sikatuna at ni Legaspi na
pinakakatawan ng hari sa Espanya.
Buhat nang ito’y mangyari ay bumibilang na ngayon sa tatlong daang taon mahigit na ang
lahi ni Legaspi ay ating binubuhay sa lubos na kasaganaan, ating pinagtatamasa at binubusog,
kahit abutin natin ang kasalatan at kadayukdukan; iginugugol natin ang yaman dugo at sampu ng
tunay na mga kababayan na ayaw pumayag na sa kanila’y pasakop, at gayon din naman
nakipagbaka tayo sa mga Instik at taga Holanda ng nagbalak umagaw sa kanila nitong
katagalugan.
Ngayon sa lahat na ito’y ano ang sa mga ginawa nating paggugugol nakikitang
kaguinhawahang ibinigay sa ating bayan? Ano ang nakikita nating pagtupad sa kanilang
kapangakuan na isang naging dahilan ng ating paggugugol! Wala kung di pawang kataksilan ang
ganti sa ating mga pagpapala at mga pagtupad sa kanilang ipinangakong tayo’y lalung gigisingin
sa kagalingan ay bagkus tayong binulag, inihawa tayo sa kanilang hamak na asal, pinilit na sinira
ang mahal at magandang ugali ng ating Bayan; Imulat tayo sa isang maling pagsampalataya at
isinadlak sa lubak ng kasamaan ang kapurihan ng ating Bayan; at kung tayo’y mangahas humingi
ng kahit gabahid na lingap, ang nagiging kasaguatn ay ang tayo’y itapon at ilayo sa piling ng ating
minamahal na anak, asawa at matandang magulang. Ang bawat isang himutok na pumulas sa ating
dibdib ay itinuturing na isang malaking pagkakasala at karakarakang nilalapatan ng sa hayop na
kabangisan.
Ngayong wala nang maituturing na kapanatagan sa ating pamamayan; ngayon lagi nang
ginagambala ang ating katahimikan ng umaalingawngaw na daing at pananambitan, buntong
hininga at hinagpis ng makapal na ulila, yao’t mga magulang ng mga kababayang ipinangayaya ng
mga manlulupig na Kastila; ngayon tayo’y malulunod na sa nagbabahang luha ng ina na nakitil na
buhay ng anak at panangis ng sanggol na pinangulila sa kalupitan na ang bawat patak ay katulad
ng isang kumukulong tingga, na sumasalang sa mahapding sugat na ating pusong nagdaramdam;
ngayon lalu’t lalo tayong na bibiliran ng tanikala ng pagkakaalipin, tanikalang nakalalait sa bawat
lalaking may iniingatang kapurihan. Ano ang nararapat nating gawin? Ang araw ng katwiran na
sumisikat sa Silanganan, ay malinaw na itinuturo sa ating mga matang malaong nabulagan ang

22
landas na dapat nating tunguhin, ang liwang niya’y tanaw sa ating mga mata, ang kukong nag-
akma ng kamatayang alay sa atin ng mga ganid na asal. Itinuturo ng katwiran, na wala tayong iba
pang inaantay kundi lalu’t lalong kahirapan, lalu’t lalong kataksilan, lalu’t lalong kaalipustaan at
lalut lalong kaalipinan. Itinuturo ng katwiran, na huwag nating sayangin ang panahon sa pag-asa sa
ipinangakong kaguinhawahan na hindi darating at hindi mangyayari. Itinuturo ng katwiran ang
tayo’y umasa sa ating sarili at huwag antayin sa iba ang ating kabuhayan. Itinuturo ng katwiran
ang tayo’y magkaisang loob, magkaisang isip nang tayo’y magkalakas na maihanap ang
naghaharing kasamaan sa ating bayan.
Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan; panahon nang dapat
nating ipakilala na tayo’y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at pagdadamayan.
Ngayon panahon ng dapat simulan ang pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang aral na
magwawasak sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan; panahon na ngayong dapat
makilala ng mga Tagalog ang pinagbuhatan ng kanilang mga kahirapan. Araw na itong dapat
kilalanin na sa bawat isang hakbang natin ay tumutuntong tayo at nabibingit sa malalim na hukay
ng kamatayan na sa ati’y inuumang ng mga kaaway.
Kaya! Oh mga kababayan! Ating idilat ang bulag na kaisipan at kusang igugol sa
kagalingan ng ating lakas sa tunay at lubos na pag-asa ng mag-tagumpay sa nilalayong
kaginhawahan ng bayang tinubuan.”

PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA


Isang tula ng pag-ibig sa bayan. Walang kailangang mamatay kung ang dahilan ay
pagtatanggol sa kalayaan.
Mga Patnubay na Tanong:
1. Punahin ang pagkakasulat ng tula- mga salitang ginamit at ang mga damdaming
ipinahahayag.
2. Sinu-sino ang kinakausap ng makata sa tulang ito at anu-ano ang kanyang mga
habilin.

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya


Sa pagkadalisay at pagkadakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? wala na nga, wala.
Ulit-ulitin mang basahin ng isip
at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng sangkatauhan ito’y namamasid.
Banal na pag-ibig! Pag ikaw ang nukal
Sa tapat na puso ng sino’t alin man
Umawit tumula kumatha’t sumulat
Kalakhan din niya’y isinisiwalat.
Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong mahal sa Bayan nagkupkop
Dugo yaman dunong katiisa’t pagod

23
Buhay may abuting magkalagot lagot.
Bakit? Alin ito na sakdal ng laki
Na hinahandugan ng buong pag kasi
Na sa lalung mahal na kapangyayari
At guinugugulan ng buhay na uwi.
Ay! Ito’y ang Inang bayang tinubuan
siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ng kawiliwiling liwanag ng araw
na nagbigay init sa lunong katawan.
Sa kaniya’y utang ang unang pagtanggap
ng simuy ng hanging nagbibigay lunas
sa inis na puso na sisingapsingap
sa balong malalim ng siphayo’t harap.
Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan
ang lahat ng lalung sa gunita’y mahal
mula sa masaya’t gasong kasanggulan
hangang sa katawa’y mapa sa libingan.
Ang nanga nakaraang panahon ng aliw
ang inaasahang araw na darating
ng pagkatimawa ng mga alipin
liban pa sa bayan saan tatanghalin?
At ang baling kahoy at ang baling sanga
sa parang niya’t gubat na kaaya-aya
sukat nang makita’t sa alaala
ang ina’t ang giliw lumipas na saya.
Tubig niyang malinaw na anaki’y bulog
Bukal sa batisang nagkalat sa bundok
Malambot na huni ng matuling agos
na nakaaaliw sa pusong may lungkot.
Sa aba ng abang mawalay sa Bayan!
gunita may laging sakbibi ng lumbay
walang alaala’t inaasam-asam
kung di ang makita’y lupang tinubuan.
Kung ang bayang ito’y nasasa panganib
At siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya tatalikdang pilit.
Datapwat kung ang bayan ng katagalugan
Ay linalapastangan at niyuyurakan
katwiran puri niya’t kamahalan
ng sama ng lilong ibang bayan.
Di gaano kaya ang paghihinagpis

24
ng pusong Tagalog sa puring nalait?
at aling kalooban na lalong tahimik
ang di pupukawin sa panghihimagsik?
Saan magbubuhat ang paghihinay (?)
sa paghihiganti’t gumugol ng buhay
kung wala ding iba na kasasadlakan
kung di ang lugami sa kaalipinan.
Kung ang pagka baun niya’t pagka busabos
sa lusak ng dayat tunay na pag-ayop
supil ang pang hampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pina-aagos.
Sa kaniyang anyo’y sino ang tutunghay
na di aakayin sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagkasukaban
ang hindi gumugol ng dugo at buhay.
Mangyayari kaya na ito’y malangap
ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang na sa yapak
na kasuklamsuklam sa Kastilang hamak.
Nasaan ang dangal ng mga Tagalog
nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
baya’t inaapi bakit di kumilos?
at natitilihang ito’y mapanood.
Hayo na nga kayo, kayong nanga buhay
sa pag-asang lubos na kaginhawahan
at walang tinamo kundi kapaitan
hayo na’t ibiguin ang naabang bayan.
Kayong naturan na sa kapapasakit
ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
muling pabalungit tunay na pag-ibig
kusang ibulalas sa bayang piniit.
Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
kahuy niaring buhay na nilanta’t sukat
ng balabalaki’t makapal na hirap
muling manariwa’t sa bayat’t lumiyag.
Kayong mga pusong kusang nagbawal
ng daya at bagsik ng ganid na asal
ngayon ay magbangu’t baya’y itanghal
agawin sa kuko ng mga sukaban.
Kayong dukhang walang tanging hangad
kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas

25
pagka’t ang ginhawa niya ay sa lahat
Ipahandog-handog ang buong pag-ibig
hangang sa may dugo’y ubusing itiguis
kung sa pagtatanggol buhay ay nasawi
ito’y kapalaran at tunay na langit.

KATUNGKULANG GAGAWIN NG MGA Z, LL, B


Z, LL, B ay nangangahulugang “Anak ng Bayan- Inihanda niya ito upang maging
kautusan ng mga kaanib sa katipunan, ngunit dahil sa pagbibigay at paggalang kay
Jacinto ay ang kartilyang ginawa ng huli ang isinaalang-alang.
Mga Patnubay na Tanong:
1. Piliin ang mga pahayag sa adkang nagpapatunay na ang akdang ito’y may bahid
ng relihiyon?
2. Anu-ano raw ang mga layunin ng Katipunan?

1. Sumampalataya sa Maykapal ng taimtim sa puso


2. Gunamgunamin sa sarili tuina, na ang matapat ng pagsampalataya sa kanya ay ang
pag-ibig sa lupang tinubuan sapagkat ito ang tunay nag pag-ibig sa kapwa.
3. Ykintal sa puso ang pag-asa sa malabis na kapurihan at kapalaran na kung
ikamamatay ng tao’y magbubuhat sa pagliligtas sa kaalipinan ng bayan.
4. Sa kalamigan ng loob, katigasan, katiisan at pag-asa ano mang gagawin
magbubuhat ang ikagaganap ng mabuting ninanais.
5. Kaingat-ingatan gaya ng puri ang mga bilin at balak ng K.K.K.
6. Sa isang nasa panganib sa pagtupad ng kanyang tungkulin, idadamay ng lahat ang
buhay at yaman upang magligtas yaon.
7. Hangarin ang kalagayan isa’t isa, maging huwaran ng kaniyang kapwa sa mabuting
pagpapasunod at pagtupad ng kaniyang tungkulin.
8. Bahaginan ng makakaya ang alin mang nagdaralita.
9. Ang kasipagan sa paghahanapbuhay ay pagmamahal din sa sarili, sa asawa, anak at
kapatid o kababayan.
10. Lubos na pagsampalataya sa parusang inilaan sa baling suwail at magtaksil, gayon
din sa pala na kakamtan ukol sa mabuting gawa. Sampalatayanan din naman ang
mga layong tinutungo ng K.K.K. ay kaloob ng Maykapal, samakatwid ang hangad
ng bayan ay hangad din niya.

KATIPUNAN MARARAHAS NG MGA ANAK NG BAYAN


Isang panawagan sa mga kababayan upang ihanda ang loob sa pakikihamok. Umaasa
siya sa tagumpay pagkat nasa kanila ang “katwiran at kabanalang gawa.”

Ang iyong ipinakikilalang katapangan sa pakikihamok sa kaaway ng mga Kastila buhat pa


nang simulan itong paghihimagsik ay siyang nagsasabing mataos na di ninyo ikinasisindak ang
ugong ng paghahanda at pagsalakay ditto ng hukbong akay ni Polavieja, na sa kaunting panahon

26
ay nagpakilala na ng malabis na karuwagan at hamak na kaasalan ng alipin sa kanyang
pagpapahirap at malimit na pagpatay sa makapal na kalahing hindi nagsisilaban. Yaong
pagpapasunog nito sa mga bata, yaong paglalapastangan at pagdungis sa kapurihan ng mga babae
na di na pinakundanganan ang kanilang kahinaan, yaong pagputol ng buhay ng mga matatandang
hindi na makausad at sanggol na sumususo pa, na kailanman ay hindi na makausad at sanggol na
sumususo pa, na kailanman ay hindi aasalin at gagawin ng sino pa mang lalaking may puri at may
tapang, ay humihingi ng isang masiglang paghihiganti at matinding kaparusahan.
Sa inyong pamimiyapis, mangyayaring abutin ang kayo’y tanghaling bangkay sa gitna ng
parang ng pakikidigma, ngunit ito’y kapurihang maipamamana sa ating Bayan, sa ating Lahi at sa
ating Angkan.
Ang inyong mapupugtong hininga ay siyang magbibigay-buhay sa ating bayan at siyang
matamis na alaala sa gunita ng inyong mga kapatid na maiiwan.
Dapat naman ninyong mabatid, na ang kadahilanan ng ating pagugugol ay lalong mahalaga
sa loob at sampu ng ingat na buhay, ay nang upang tamuhin at kamtan yaong nilalayong at
magbabangon ng kapurihan na inilugmok ng kaalipinan sa hukay ng kadustaang walang katulad.
Sasagi kaya sa inyong loob ang panglulumo at aabutin kaya ng panghihinayang na
mamatay sa kadahilanang ito? Hindi! Hindi! Sapagka’t nakikintal sa inyong gunita yaong libu-
libong kinitil na buhay ng mapanganyayang kamay ng Kastila, yaong daing, yaong himutok at
panangis ng mga pinapangulila ng kanilang kalupitan, yaong mga kapatid nating nangapipiit sa
kalagimlagim na bilangguan at nagtitiis ng walang awang pagpapahirap, yaong walang tilang pag-
agos ng luha ng mga nawalay sa piling ng kanilang mga anak, asawa, at matatandang magulang na
itinapon sa iba’t ibang malalayong lupa at ang katampalasanang pagpatay sa ating pinakaiibig
nating kababayan na si Jose Rizal, ay nagbukas na sa ating puso ng isang sugat na kailan pa may
hindi mababahaw. Lahat ng ito’y sukat nang magpaningas sa lalong malamig na dugo at
magbunsod sa atin sa pakikihamok sa hamak na Kastila na nagbibigay sa atin ng lahat ng
kahirapan at kamatayan.
Kaya mga kapatid, igayak ang loob sa pakikipaglaban at pakaasahan ang pagtatagumpay,
pagka’t nasa atin ang katwiran, at kabanalang gawa, ang kaaway iyang kasuklamsuklam na
dayuhang dito’y napasoot ang tanging ipinaglalababan at ang maling katwirang paggagaga at
panglulupig dito sa di nila bayan.
Sa lahat ng ito, nang malubos ang kabanalan at kapurihan ng ating lahi, ang tanghalin ng
sangdaigdigan ang kamahalan ng ating kalooban, ay huwag nating tularan ang ating mga kalaban
sa pagkahamak na asal na ugaling gamit sa pakikidigma huwag tayong makipaghamok sa kaibigan
lamang na pumatay, kungdi sa pagtatanggol ng kalayaan ng ating Bayan, ay maihiyaw ng buong
lakas na Mabuhay! Mabuhay! Ang Haring Bayan Katagalugan!

TAPUNAN NG LINGAP
Humihingi siya ng lingap sa Maykapal upang mapagtagumpayan ang pakikitunggali sa
manlulupig at matamo ang katahimikan at kalayaang ipinaglalaban.

Sumandaling dinggin itong karaingan


nagsisipag-inot magbangon ng bayan,
malaong panahon na nahahandusay
sa madlang pahirap sa Kastilang lalang.

27
Nangasaan ngayon, mga ginigiliw,
ang tapang at dangal na dapat gugulin
sa isang matuwid na kilala natin
ay huwag ang gawang mga pagtataksil.
At ating lisanin ang dating ugali
Na ikinasisira ng taas ng uri,
Ng bayang Tagalog ay may asa dili
Ang puring nilupig ng bakang maputi.
Aanhin ang yama’t mga kapurihang
Tanawin ng tao at wikang mainam
Kung mananatili Ina nating Bayan
Sa Kastilang ganid, Kastilang sungayan.
Kaya ng halina, mga kaibigan,
Kami ay tulungang ibangon sa hukay,
ang inang nabulid sa kapighatian
nang upang magkamit ng kaligayahan.
Mga kapatid ko’y iwaksi ang sindak,
Sa mga balita ng Kastilang uslak
Ugali ng isang sa tapang ay salat
na kahit sa bibig tayo’y ginugulat.
At huwag matakot sa pakikibaka,
sa lahing berdugo na lahing Espanya,
nangaririto na para manggagaga,
ang ating sariling ibig pang makuha.
Sa Diyos manalig at huwag pahimok,
Sa kaaway natin na may loob hayop,
walang ginagawa kundi ang manakot
at viva ng viva’y sila ring ang ubos.
Ay! Ang lingap mo po, nanunungong langit,
Diyos na poon ko’y huwag ipagkait
sa mga anak mong napatatangkilik
ng huwag lumagos sa masamang hilig.
Kupkupin mo nama’t ituro ang landas
ng katahimikan at magandang palad
kaluluwa naming nang di mapahamak.

(SEE NUMBERS 3 AND 4 OF “INSTRUCTIONS TO THE STUDENT”)

28
Filipino 2
Modyul III
Aralin 3

PAGTIYAK NA PAGSUSULIT
I. Pagtapat-tapatin. Hanapin ang sagot ng mga kaisipan sa Titik A na
matatagpuan sa titik B. Titik lamang ang isulat sa patlang bago bilang.
A B
______ 1. Kapisanang sumasagisag sa a.) pacto de Sangre himagsikan
______ 2. Sagisag sa panulat ni b.) Tapunan ng Lingap
Andres Bonifacio
______ 3. Tulang nagpapahayag k.) Pag-ibig sa
Tinabuang Lupa
______ 4. Tanda ng hindi pagtataksil d.) K K K sa pinagkayarian
______ 5. Tulang nagpahayag ng e.) Tatlong daang taon
pag-ibig sa bayan
______ 6. Tulang humihingi ng lingap g.) Wikang Tagalog
upang matamo ang katahimikan at kalayaan
______ 7. Haba ng taong iningatan h.) Pagmumulat sa
ang dusa at karalitaan
______ 8. Ipinahahayag ni Andres i.) Adhikain para sa bayan
______ 9. Sa anong wika nasulat ang l.) Katapusang Hibik ng Pilipinas
panitikan sa panahon ng himagsikan
______ 10. Binibigyang diin sa m.) Agap-ito
panitikan sa panahon ng himagsikan

II. Tama o Mali: Isulat sa patlang bago bilang ang salitang Tama
kung wasto ang kaisipan at isulat ang salitang Mali kung hindi wasto ang
kaisipan.

________ 1. Nakatupad ang Inang Espanya sa kanyang pagiging ina ng Pilipinas ayon
sa Katapusang Hibik ng Pilipinas.
________ 2. Ang mga paglalahad sa panahon ng himagsikan ay walang hangad na
maging masining.
________ 3. Ang mga kasapi sa kilusan ni Andres Bonifacio ay nagmula sa masa.
________ 4. Nagtagumpay ang mga propagandista na matamo ang pagbabago.

29
________ 5. Ang isinulat ni Andres Bonifacio ay nag-ambag ng malaki sa diwa ng
paghihimagsik..
________ 6. Ang pagsampalataya ay dapat pana-panahon lamang ayon sa
katungkulang gagawin.
________ 7. Ayon kay Bonifacio, marapat magbangon ang bayan sa matagal na
pagkakahandusay at pahirap.
________ 8. Ang kilusang propaganda ay lalong nabuklod ng sandaling lisanin ni Rizal
ito.
________ 9. Sa panahon ng himagsikan, ang laman ng panitikan ay pawang
panrelihiyon.
________ 10. Dapat mabatid ng Tagalog na hanapin ang katuwiran.

III. Talasalitaan: Piliin ang tamang sagot at isulat sa patlang bago bilang.

____ 1. Ang pumapanig sa kaaway ng sariling bansa ay ___.


a. kuhila
b. alila
k. dakila
____ 2. Si Dr. Edith L. Tiempo ay makasining dahil siya ay ___.
a. propesora
b. doktor
k. may mataas na pinag-aralan sa pagsusulat
____ 3. Hangarin ng Espanyang tayong mga Pilipino raw ay ____.
a. yumaman
b. maging edukado
k. mapuksa.
____ 4. kung masasal ang kaba ng dibdib, ito ay ___.
a. marahan
b. mabilis
k. huminto
____ 5. Ang pagkaing hinain na’y nasa ___.
a. palayok
b. palanggana
k. mesa

30
Filipino 2
Modyul III
Aralin 4. IBA PANG MGA MANUNULAT NA MAPANGHIMAGSIK:
EMILIO JACINTO, APOLINARIO MABINI AT JOSE PALMA

Mga layuning Tiyak:


Pagkatapos ng araling ito, dapat mo nang:
1. makilala ang iba pang mga bayaning mapanghimagsik; at
2. mapahalagahan sila sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga akdang isinulat
nila bilang kontribusyon sa panahon ng himagsikan.

PANIMULA
Bukod sa mga naunang pangkat ng mga mapanghimagsik na manunulat , hindi
dapat makaligtaan sa larangang ito ang mga pangalan nina Jacinto, Mabini at Jose
Palma. Kabilang sila sa mga bayaning magbuwis ng buhay para sa kilusang ito. Bawat
isa sa kanila ay naghandog ng kanilang nalalaman upang maibangon ang lugaming
kalagayan ng bayan. Si Jacinto bilang Utak ng Katipunan ng mga tulang makabayan.
Ang tungkuling pukawin ang damdaming makabayan ang pilit nilang ginampanan. Ang
kanilang nagawa para sa bayan ay malaking bahagi sa pagtulong ng bayang Pilipinas.

1. EMILIO JACINTO (1875-1899)


Si Emilio Jacinto ang kinilalang “Utak ng Katipunan” dahilan na rin sa kanyang
katalinuhan.
Isinilang siya sa Troza, Maynila noong Disyembre 15, 1875. Isang tenedor de libro
ang ama na si Mariano Jacinto samantalang isang hilot naman ang ina niyang si Josefa
Dizon.
Ang kaunting kinikita ng mga magulang niya’y nakasasapat para sa isang maliit na
pamilya. Nag-iisang anak si Jacinto kaya nakapag-aral siya hanggang sa kolehiyo.
Tinapos niya sa Kolehiyo de San Juan de Letran ang Bachiller en Artes ngunit nakaisang
taon lamang siya sa pag-aaral na batas sa Universidad ng Sto. Tomas sapagka’t ang
isipan niya’y nakataun sa pagsapi sa Katipunan.
Sa gulang na 19 na taon sumama na si Jacinto sa Katipunan. Patakaran ni
Bonifacio na lahat na kasapi at ibig sumapi sa Katipunan ay marunong magsalita at
magsulat sa wikang Kastila, intsik at Tagalog –yaong tinawag na lengua de tienda.
Kinakailangan ni Jacinto na mag-aaral at magsanay sa pagsasalita at pagsulat.
Sinasabing sa loob ng isang taon, naging matatas siya sa pagsasalita at naging mahusay
sa pagsulat. Katunayan nang masulat na ni Emilio Jacinto ang kartilya ng Katipunan,
hindi na ipinagamit ni Bonifacio ang sarili niyang nasulat na kartilya. Ipinalit ang ginawa ni
Jacinto. Mula noon naging manunulat na ng Katipunan si Jacinto. Ginamit niya sa
pagsulat ang sagisag na “Dimas-llaw,” ginagamit naman niyang pangalan bilang kasapi
ng Katipunan ang “Pingkian.”

31
Ang anak ng katipunan ay siya ring patnugot ng “Kalayaan,” pahayagan ng nasabing
samahan. Ito’y naglalaman ng mga pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan, panawagan
sa mga Pilipino upang magkaisa at magmithi ng kasarinlan, ng pahayag o manipesto
upang ipaglaban ang kalayaan, at mga tulang naghahandog ng buhay para sa bayan.
Kaniyang sinulat sa sagisag ng Dinmas-Ilaw, ang mga sumusunod:

SA MAY NASANG MAKISANIB SA KATIPUNANG ITO


Sinulat upang maging pamantayan ng mga dapat ugaliin ng mga sasapi sa Katipunan.
“Sa pagkakailangan na ang lahat na nag-ibig pumasok sa katipunang ito ay nagkaroon ng
lubos na pananalig at kaisipan sa mga layong tinutungo at mga kaaralang pinaiiral, ay minamarapat
ng ipakilala sa kanila ang mga bagay na ito, at ng bukas makalawa’y huwag silang magsisi at
tuparing maluwag sa kalooban ang kanilang mga tungkulin.
Ang kabagayang pinag –uusig ng katipunang ito ay lubos na dakila at mahalaga;
papagisahin ang loob at kaisipan ng lahat ng tagalog. (Sa salitang “Tagalog” katutura’y ang lahat
nang tumubo sa Sangkapuluang ito; sa makatwid, “Bisaya” man, “Iloko” man, O “Kapangpangan”
man atb., ay “Tagalog” din.)
Alang-alang sa mga pagkukurong ito, kami’y payapang naghihintay ng pagwawagi ng
damdaming makabayan ngayon sa hinaharap sa pamamagitan ng isang mahigpit na panunumpa,
upang sa pagkakaisang ito’y magkalakas na iwasak ang masinsing tabing na nakabubulag sa
kaisipan at matuklasan ang tunay na landas ng katwiran at kaliwanagan.
Dito’y isa sa mga kauna-unahang utos, ang tunay na pag-ibig sa bayang tinubuan at lubos
na pagdadamayan ng isa’t-isa.
Maralita, mayaman, mangmang, marunong, lahat dito’y magkakapantay at tunay na
magkakapatid.
Kapagkarakang mapasok dito ang sino man, tatalikdang pilit ang buhalhal na kaugalian at
pailalim sa kapangyarihan ng mga banal na utos ng Katipunan.
Ang gawang lahat na laban sa kamahalan at kalinisan, dito’y kinasusuklaman; kaya’t sa
bagay na ito’y ipinaiilalim sa masigasig na pakikibalita ang kabuhayan ng sino mang mag-iibig
maki-anib sa Katipunang ito.
Kung ang hangad ng papasok dito’y ng tumalastas lamang ng mga kalihiman nito, o ang
kilalanin ang mga naririto’t ng maipagbili sa isang dakot na salapi, huwag magpatuloy sapagka’t
dito’y bantain lamang ay talastas na ng makapal na nakikiramdam sa kaniya at karakarakang
nilalapatan ng mabisang gamut, na laan sa mga sukaban.
Dito’y gawa ang hinahanap at gawa ang tinitingnan kaya’t dapat pumasok ang di
makagagawa kahit magaling magsalita.
Ipinauunawa rin na ang mga katungkulang ginaganap ng lahat ng napapasok sa Katipunang
ito, ay lubhang mabibigat, lalong-lalo na kung gugunitain na di mangyayaring maiwasan at walang
kusang pagkukulang na di aabutin ng kakilakilabot na kaparusahan.
Kung ang hangad ng papasok dito, ang siya’y abuluyan ng ginhawa’t malayaw na
katahimikan ng katawan, huwag magpatuloy sapagka’t mabigat na mga katungkulan ang
matatagpuan; gaya ng pagtangkilik sa mga naaapi at madaluhong na pag-uusig sa lahat ng
kasamaan; sa bagay na ito ay aabutin ang maligalig na pamumuhay.

32
Di kaila sa kangino pa man ang mga nagbalang kapahamakan sa mga Tagalog na nakaisip
nitong mga banal na kabagayan (at hindi man) at mga pahirap na ibinibigay ng naghaharing
kalupitan, kalikuan at kasamaan.
Talastas din naman ng lahat ang pagkakailangan ng salapi, na sa ngayo’y isa sa mga unang
lakas na maasahan, magbibigay-buhay sa lahat; sa bagay na ito, kinakailangan ang lubos na
pagtupad sa mga pagbabayaran; piso sa pagpasok at sa buwan-buwan ay sikapat. Ang salaping
ito’y ipinagbibigay alam ng mag-iingat sa tuwing kapanahunan, bukod pa sa mapagsiyasat ng sino
man, kailanma’t iibigin. Di makikilos ang salaping ito kung di pagkayarian ng karamihan.
Ang lahat ng pinagsaysay ay dapat gunitain at mahinahong pagbulaybulayin, sapagka’t di
magaganap at di matitiis ng walang tunay na pag-ibig sa tinubuang lupa ang tunay na adhikang
ipagtangkilik ng kagalingan.

Mga Aral ng Katipunan ng mga A.N.B.


Ito’y ang kartilyang naglalaman ng mga kautusan sa mga kaanib ng Katipunan. May
labintatlong aral na dapat sundin ng mga kasapi:
I. Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na
walang lilim, kung di damong makamandag.
II. Ang gawang magaling na nagbubuhat sa pagpipita sa sarili at hindi sa talagang nasang
gumawa ng kagalingan ay di kabaitan.
III. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawanggawa, ang pag-ibig sa kapwa at ang isukat
ang bawa’t kilos, gawa’t pangungusap sa talagang katwiran.
IV. Maitim man at maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao’y magkakapantay; mangyayaring
ang isa’y higtan sa dunong, sa yaman, sa ganda…nguni’t di mahihigtan sa pagkatao.
V. Ang may mataas na kalooban ay inuuna ang puri sa pagpipita sa sarili; ang may hawak na
kalooban ay inuuna ang pagpipita sa sarili bago puri.
VI. Sa taong may hiya, salita’y panunumpa.
VII. Huwag mong sasayangin ang panahon; ang yamang nawalay mangyayaring magbalik;
ngunit panahong nagdaan na’y di na muli pang magdaraan.
VIII. Ipagtanggol mo ang inaapi at kabakahin ang umaapi.
IX. Ang taong matalino’y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin at marunong ipaglihim ang
dapat ipaglihim.
X. Sa daang matinik ng kabuhayan, lalaki ay siyang patnugot ng asawa’t mga anak; kung ang
umaakay ay tungo sa sama, ang patutunguhan ng inaakay ay kasamaan din.
XI. Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kungdi isang
katuwang at karamay sa mga kahirapan nitong kabuhayan; gamitin mo na buong
pagpipitagan ang kaniyang kahinaan, at alalahanin ang inang pinagbuhata’t nang-iwi sa
iyong kasanggulan.
XII. Ang di ibig ng gawin sa asawa mo, anak at kapatid ay huwag mong gagawin sa asawa,
anak at kapatid ng iba
XIII. Ang kamahalan ng tao’y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng ilong at

33
puti ng mukha, wala sa pagkaparing kahalili ng Diyos, wala sa wagas at tunay ng mahal na
tao, kahit laking gubat at walang nabatid kungdi ang sariling wika, yaong may magandang
asal, may isang pangungusap, may dangal at puri, yaong di napaaapi’t di nakikiapid, yaong
marunong magdamdam at marunong lumingap sa bayang tinubuan.
Paglaganap ng mga aral na ito at maningning na sumikat ang araw ng mahal na kalayaan
dito sa kaabaabang sangkapuluan, at sabugan ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang
magkalahi’t magkakapatid ng ligayang walang katapusan, ang mga ginugol ng buhay, pagod at
mga tiniis na kahirapa’y labis ng matumbasan.

Liwanag at Dilim
Ang Kodigo ng Rebolusyon. Katipunan ng mga sanaysay na may iba’t-ibang paksa, gaya
ng “Ang Ningning at ang Liwaanag”. “Ako’y Umaasa”. “Kalayaan”. Ang Tao’y
Magkakapantay”. “Ang Pag-ibig”. “Ang Gumawa”. “Ang Bayan at ang mga Pinuno”. At
“Ang Maling Pananampalataya”.

ANG NINGNING AT ANG LIWANAG


Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin.
Ang liwanag ay kinakailangan ng mata upang mapagwari ang buong katunayan ng mga
bagaybagay.
Ang bubog kung tinataman ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning ngunit
sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot.
Ang ningning ay masaya.
Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabighani sa ningning. Sa katunayan ng
masamanng kaugalin; nagdaraan ang isang karuwaheng maningning na hinihila ng kabayong
matutulin. Tayo’y magpupugay at ang isasaloob ay mahal na tao ang tanungin. Datapwa’t maaari
isang magnanakaw, marahil sa ilalim ng kaniyang ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas na
tinataglay ay natatago ang isang pusong sukaban.
Magdaraan ang isang maralitang nagkakanghihirap sa pinapasan. Tayo’y napapangiti at
isasaloob: Saan kaya ninakaw? Datapwa’y maliwanag nating nakikita sa pawis ng kaniyang noo at
sa hapo ng kaniyang katawan na siya’y nabubuhay sa sipag at kapagalang tunay.
Ay! Sa ating nangungugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwil sa
liwanag.
Ito na nga ang dahilang isa pa na kung kaya ang tao at ang bayan ay namumuhay sa
hinagpis at dalita.
Ito na nga ang dahilan na kung kaya ang mga loob ng inaakay ng kapalaluan at ng
kasakiman ay nagpupumilit na lumitaw na maningning, lalung-lalo na nga ang mga hari at mga
pinuno na pinagkakatiwalaan na sa ikagiginhawa ng kanilang mga kampon at walang ibang nasa
kung di ang mamalagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at ikamatay ng Bayan na nagbigay sa
kanila ng kapangyarihang ito.
Tayo’y mapagsampalataya sa maningning, huwag nating pagtakhan na ang ibig mabuhay
sa dugo ng ating mga ugat ay nagbalat- Kayo ng maningning.

34
Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahayinan ng puspos na galang ay ang maliwanag at
magandang asal at matapat na loob, ang kahit sino ay walang magpapaningning pagkat di natin
pahahalagahan, at ang mga isip at akdang ano pa man ay hindi hihiwalay sa maliwanag na banal na
landas ng katwiran.
Ang kaliluhan at ang katampalasanan ay humahanap ng ningning upang huwag
mapagmalas ng mga matang tumatanghal ng kanilang kapangitan; ngunit ang kagalingan at ang
pag-ibig na dalisay ay hubad, mahinhin, at maliwanag na napatatanaw sa paningin.
Ang lumipas na pinapanginoon ng Tagalog ay labis na nagpapatunay ng katotohanan nito.
Mapalad ang araw ng liwanag!
Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matuto kaya na kumuhang halimbawa at lakas
sa pinagdaanang mga hirap at bintang na mga kaapihan?

SA ANAK NG BAYAN
Isang tulang nagpapahayag ng pag-aalaala sa mga kababayan:

Sa iyo, Oh Anak ng Bayan,


Anak ng dalita, na nagbabatang pumapasan ng
Madlang kabigatan sa balat ng lupa, sa iyo
Ko inihahandog itong munting kaya ng kapus kong isip.
Iyo ngang marapatin sapagkat iniaalay ng isang
Pusong nabubuhay at nabubuhol sa iyo, sa pamamagitan
Ng lalung tapat na pakikipagkapwa.
Inakala ko na kahit bahagya ay iyong
pakinabangan; at ako may di bihasa sa
magandang pagtatalatag ng mga piling
pangungusap, ay aking pinangahasang isinulat.
Mapalad ako kung makabahid ng tulong sa lalong
Ikagiginhawa ng aking mga kababayan na siya
Kong lagi at matinding nais.

PAHAYAG
Isang manipestong humihikayat sa kaniyang mga kababayan upang ipaglaban ang
kalayaan at humiwalay sa Espanya.

Ngayong pinasisimulan namin ng buong kasayahan ang ikalawang panahon ng aming


pagsasakit, mula sa mga kabundukang ito, na kailan may isang nag-aalay ng dalisay na pananalig
sa aming kalayaan, at paghiwalay sa Espanya, ay aming ipinupukol ang hiyaw ng aming mga
pagtawag sa lahat ng mga nakararamdam sa kanilang dibdib, na ang tumitibok ay matitining na
puso, sa lahat ng taong may bait at puri may dangal at lupang tinubuan.
Hindi kami natanging mga lahi: tinatawagan namin ang lahat ng may inang puri at
pamahalaan ng isang may paglingap sa kanilang bayan; gayon ang Katagalugan para ng taga Asya,
Amerika, o Europa; tayong lahat ay nagdurusa at lahat ng nagsisipagdusa, ay aming

35
inaanyayahang ibangon ang isang bayang inilugmok, pinasakitan, isang Inang bayan minulat at
itinulak sa putik ng kaalipustahan . Hindi namin inililisan ang sino man kahit man Kastila,
sapagkat may mararangal na Kastilang nakikihanay sa aming hukbo, na walang mga ligalig ang
mga kalooban, at sukat sa kanilang pagkamagalang sa katwiran, karaingang damayan baga ng mga
may kaya at wagas na kamahalan.
Mangagsipanandata kayo mararangal na puso mangagsipanandata kayo! Siya na ang
manga pagtitiis!
Ang katagalugan ay hinila sa kaalipinan. Ang Inang Bayan ay tinatangisan ang pagkapalugi
ng kaniyang mga anak.
Masdan ninyo ang ating mga sambahang dinungisan ng mga kahalili ni Jesukristo na ang
mga lalong kagalang – galang na kasangkapan ay ginawa lamang sa masisibang sisidlan ng
kanilang gawang pangangalakal sa ngalan ng Diyos. Walang bahala sa kanilang pinanumpang
karalitaan, kagandahang ugali at sa kalinisan ng lahat, ang mga Prayle ay salapi lamang ang
tinitingnan, ng makapagbinyag, makapagkasal at makapaglibing sa mga bulaan na di nananalig sa
isang Diyos na tunay; ngunit laghasain o lamunin ng mga uwak ang mga tagalog na walang pilak.
Sukat ang mayayaman lamang ang pinagbibiyayaan ng dalangin at katawan ni Jesukristo.
Masdan ninyo ang ating mga tahanan. ang kanilang mga haliging bato at lupang dinilig ng
pawis ng ating magulang ay pinag agawan lamang niyang mga Frayle na walang kinikilalang
kautusan kung di ang kapangyarihan ng kanilang kalooban at mga matatapang na magnanakaw ng
mga bunga ng ating kapagalan, samantalang isinisigaw nila ang kanilang panatang
pagpapakarukha at pag-iingat ng katauhan laban sa kahalayan.
Ay! ng isang mag-anak na may itinagong ano mang yaman!
Ay! ng Inang may alagang isang bulaklak na may kagandahan.

LIWANAG AT DILIM
(Light and Darkness)

Mga Patnubay na Tanong:


1. Ano ang kaugnayan ng pamagat sa nilalaman ng akda?
2. Ano raw ang kahalagahan ng paggawa sa buhay ng tao?
I- Ang Ningning at ang Liwanag
Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin. Ang liwanag naman ay
kinakailangan ng ating mga mata upang makita natin ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.
Ang ningning ay maaaring madaya, sapagka’t mayroong mga taong sandali lamang sila’y
nadadala na sa kislap o ningning ng isang bagay.
Kaya, huwag tayong madadala sa ningning ng mga bagay-bagay. Mayroon tayong
kasabihan na ‘Hindi lahat ng kumikinang ay ginto”. Ang ibig sabihin nito ay mayroong mga taong
madaling humatol sa mga kagandahang panlabas na di muna inuuri o dili kaya tinitingnan ang
kalooban.

36
II - Ang Kalayaan
Dapat tayong magkaroon ng pagkakaisa upang magkaroon ng lalong kaluwalhatian nang
mapatatag ang isang tunay na Republika ng Pilipinas na pawang mga Pilipino ang namamahala.
Ang kalayaan ay pinakamahalaga sa isang bansa at sa tao. Kung sa isang bansa ay wala ang
kalayaan ito ay magiging walang kabuluhan sapagka’t hindi man lamang magkakaroon ng pag-
uunlad at parati na lang aasa sa kapwa bansa.
Kung sa isang tao naman dapat din nating bigyan ng kalayaan upang matutuhan niya ang
hindi aasa sa kapwa. Matuto siyang magsikap sa sariling kapakanan.

III - Ang Tao’y Magkakapantay


Ang tao’y nilalang ng Diyos na magkakapantay kaya’t naniniwala si Emilio Jacinto na
dapat pagbigyan ang kani-kaniyang karapatan. Tunay ngang sa ibabaw ng lupa’y may mahirap,
mayaman, maganda at pangit, ngunit’t ang ating pagkatao ay iisa.
Ang lahat ng tao ay magkakapantay sapagka’t iisa ang pagkatao ng lahat.
Kayong lahat ay magkakapantay, kayong lahat ay magkakapatid”, sinabi ni Kristo.
Ang ibig sabihin nito ay huwag tayong mapagmalabis sa ating mga kapwa tao, dapat tayong
magpakumbaba, maunawain upang maalaala man lang ang kaniyang sampung utos na ibigin natin
ang kapuwa-tao sa balat ng lupa.

IV - Ang Pag-ibig sa Bayan


Ano ang pag-ibig? Ang pag-ibig ay isang damdamin na may iba’t ibang uri. May pag-
ibig sa bayan, sa kapwa-tao, sa paggawa ng kabutihan, at lalung-lalo na ang pag-ibig sa Diyos.
Ang pag-ibig ay kinakailangan ng bawa’t nilikha, kung ang pag-ibig ay wala na, ang mga
bansa ay hindi magtatagal, at mawawala sa balat ng lupa ang lahat ng pagkakapisanan at ang
kabuhayan natin ay walang pagtatagumpay.

V – Mga Bayan at ang mga Pinuno (Gobyerno)


Dito ay ninanais ni Emilio Jacinto na ang isang bayan ay mabigyan ng kalayaan, maging
maligaya, at umunlad.
Nais din niyang ipaalaala sa atin ang mga ginawang kapinsalaan, pagmamalupit sa ating
bayan noong tayo’y nasasakupan pa ng Kastila. Kahit na mali ang ginagawa ng mga pinuno ng
bayan hindi tayo binibigyan ng kapangyarihang makapangatwiran sa kanila.
Kaya kinakailangan na ang mga bagay na ito ay ating malaman pagka’t siyang bulok kung
baga sa bunga, o hangin kung baga sa layag, at dahil sa nagtuturo kung ano ang bayan at kung ano
sa isa’t isa ang bagay na dapat kalagyan sa timbangan ng katuwiran.
Kinakailangang mabuksang tuluyan ang ating pag-iisip nang makilala ang masama at
mabuting pinuno, at nang huwag masayang ang di masukat nating mga pinuhunan.

37
VI. - Ang Maling Pagsampalataya
Iyan ang sabi ng ating panginoong Hesukristo. “Hindi lahat ng tumatawag sa akin na
Panginoon” ay aking didinggin at tutungo sa langit”. Ang ibig sabihin nito na hindi lahat ng
nagdarasal ay may luklukan sa langit, sapagka’t maraming hindi taimtim sa puso nila ang
pagdalangin. Mapapansin natin sa loob ng simbahang karamihan ay nakaluhod subali’t malikot
ang kanilang mata sa paligid ligid at ang minamasdan ay mga kilos ng mga dalaga, at kung ano pa
mang nakikita.
Mayroon namang ang pag-iisip ay lumilipad at ang iba naman ay hindi buhos ang isip sa
Diyos. Ito ang tinatawag nating maling pagsampalataya.
Ngayon ay panahon na upang ating sikapin na maging karapat-dapat sa Diyos at sa
kapuwa-tao. Sinabi ni Hesukristo sa nagsisipagbalita sa kanya ukol sa kayamanan at magagandang
batong hiyas ng simbahan.” Ang lahat ng iyong nakikita ay darating ang oras na walang matitira na
di malilipol”, at kayong binubulag ng kadiliman ng mga binyagan kay Kristo, sa iyong mga
simbahang lipos ng ningning at kapalaluan, di baga ninyo nakikita na ang inyong mga gawa ay
laban kay Kristo, pagka’t siyang itinatakwil at isinusumpa?.

VII. - Ang Paggawa


Ang paggawa ay dapat ikarangal ng tao at hindi dapat ikahiya kung ang pagkita ng salapi
ay sa mabuting paraan sa pagpapatulo ng pawis at hindi sa karumal-dumal na gawain.
Dapat nating ilagay sa wastong katayuan ang ating pagkatao kung saan tayo nababagay,
kung tayo man ay mahirap, di tayo dapat umayos at mamuhay nang higit sa ating kinikita. Ang
bata mula sa kamusmusan ay nararapat imulat hubugin at igawi kabutihang-asal at sa pag-ibig sa
paggawa.
Ang gumawa ay isa sa malalaki’t mahalagang biyaya pagka’t sa pamamagitan nito ang
magigising ay mararagdagan ng lakas ng isip, loob at mga kabuhayan.
Anong laking katotohanan ang sinabi ng ating si Baltazar sa kaniyang tulang laki sa layaw.
“Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad , sa bait at muni’t sa hatol ay salat.”
Kaya dapat na tayo’y magtrabaho, pagka’t kung tayo’y lubiran ng buong kailanngan at sa
kasaganaan, aabutin na lamang natin at sukat, tayo’y lalong malulugmok sa lalong kahamak-
hamak at kasuklam-suklam na kabuhayan, na tungo sa pagkalipol ng ating pagkatao.

2. APOLINARIO MABINI (1864 – 1903)


Kilala sa bansag na “Dakilang Lumpo,” si Mabini ay tinagurian ding “Utak ng
Himagsikan.” Sa Bugsong ito ng paghihimagsik laban sa mga Amerikano, siya ang
naging punong ministro ng Unang Republika at Kalihim ng mga Gawaing Panlabas. Siya
rin ang tagapayo ng unang pangulong Heneral Emilio Aguinaldo.
Tubong Tanauan, Batangas, isang anak-maralita, nagtungo sa Maynila upang
mag-aral ng batas. Ang guro niya sa paaralan ng kanilang parokya- si Pari Valerio
Malabanan- ang nagmungkahing magpatala siya sa San Juan de Letran. Dahil sa likas
na talino naipasa niya ang pagsusulit at nagbigyan siya ng iskolarship. Bilang mag-aaral
sa batas humanga ang propesor niya sa kanyang katalinuhan.

38
Dating kasapi sa La Liga na palihim na gumagawa upang magkaroon ng
pagbabago sa pamahalaan at sa pagpapalaganap ng damdaming makabayan. Ang
pinakatanyag sa lahat ay ang:

Ang Tunay na Sampung Utos ng Diyos.


UNA. Ibigin mo ang Dios at ang iyong puri nang lalo sa lahat ng bagay; ang Diyos na
siyang bukal ng buong katotohanan; ng buong katwiran at buong lakas; ang
paghahangad ng puri ang siya lamang makaakit sa iyo na huwag magbulaan, kundi
laging manuto sa katwiran at magtaglay ng kasipagan.
IKALAWA. Sambahin mo ang Diyos sa paraang lalong minamatuwid at minamarapat ng iyong
bait at sariling kalooban, na kung tawagi’y konsensiya sapagkat sa iyong
konsensiya na sumisisi sa gawa mong masama at pumupuri sa magaling ay doon
mangungusap ang iyong Diyos.
IKATLO. Sanayin mo at dagdagan ang katutubong alam at talos ng isip na ipinagkaloob ng
Diyos sa iyo sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsasalita mo sa buong makakaya
ang gawang kinahihiligan ng iyong loob, na huwag kang sisinsay kailanman sa daan
ng magaling at ng katuwiran, nang mapasaiyo ang lahat ng bagay na dapat mong
kailanganin at sa paraang ito’y makatulong na sa ikasusulong ng kalahatan; kung
gayo’y magaganap mo ang pinatutungkol sa iyo ng Diyos sa buhay na ito, at kung
may puri ka may ipatatanghal mo ang kaluwalhatian ng iyong Diyos.
IKAAPAT. Ibigin mo ang iyong bayan o Inang Bayan na pangalawa sa Diyos at ang iyong puri
na higit sa iyong sarili, sapagkat siya ang kaisa-isang Paraisong pinaglalagyan sa
iyo ng Diyos sa buhay na ito; bugtong na pasunod sa iyong lahi, kaisa-isang
mamamana mo sa iyong mga ninuno; at siya lamang pag-asa ng iyong kaanak; dahil
sa kaniya’y humawak ka ng buhay, pag-ibig at pag-aari; matatamo mo ang
kaginhawahan, kapurihan ng Diyos.
IKALIMA Pagsakitan mo ang kaginhawahan ng iyong bayan nang higit sa iyong sarili at
pagpilitan mong siya’y pagharian ng kabaitan, ng katwiran at ng kasipagan;
sapagkat kung maginhawa siya’y pilit ding giginhawa ikaw at ang kasambahay at
kamag-anakan.
IKAANIM. Pagpilitan mo ang kasarilinan ng iyong bayan, sapagkat ikaw lamang ang tunay na
nakapagmamalasakit sa kanyang kadakilaan at ikatatanghal, palibhasa’y ang
kanyang pagdakila ang magdadala sa iyo ng lahat mong kailangan at ang kaniyang
pagtatanghal ang siya mong kabantugan at kabuhayang walang hanggan.
IKAPITO Sa iyong baya’t huwag kang kumilala sa kapangyarihan nino mang tao hindi
palagay ninyong magkababayan, sapagkat ang buong kapanghariha’y sa Diyos
nagmumula at ang Diyos ay sa konsensiya ng bawa’t tao nagungusap; Kaya’t ang
sinumang ituro at ihalal ng mga konsensiya ng lahat ng mamamayan ang siya
lamang makapagtataglay ng wagas na kapanngyarihan.
IKAWALO Ihanap mo ang iyong bayan ng Republika, yaon bagang ang lahat na nagpupuno ay
palagay ng mga mamamayan, at huwag mong payagan kailanman ang pamahalaang
makahari sapagkat walang bibibigyan ang hari ng kamahalan kundi ang isa o ilan
lamang ng mag-anak upang maitanghal ang sarili niyang kamag-anakan na siyang
panggagalingan ng lahat na maghahari; hindi ganito ang Republika na nagbibigay
39
ng kamahalan at karapatan sa lahat ayon sa bait ng bawa’t isa, ng pagdakila alang-
alang sa kaluwagan at kalayaan at ng kasaganaan at karilagang tinataglaw ng
kasipagan.
IKASIYAM Ibigin mo ang iyong kapwa-tao paris ng pag-ibig mo sa iyong sarili sapagkat
binigyan siya ng Diyos at gayundin naman ikaw ng katungkulang tulungan ka at
huwag gawin sa iyo ang di niya ibig na gawin mo sa kanya ngunit kung ang iyong
kapwa ay nagkukulang dito sa kamahal mahalang katungkulan at nagtatangka nang
masama sa iyong buhay at kalayaan at pag-aari, at dapat mong ibuwal at lipulin siya
sapagkat ang nananaig ngayo’y ang kauna-unahang utos ng Diyos na mag-ingat ka
at iniigatan kita.
IKASAMPU. Laging itatangi mo sa iyong kapwa ang iyong kababayan at lagi naming aariin na
siyang tunay na kaibigan at kapatid o kundi ma’y kasama, palibhasa’y iisa ang
iyong kasayahan at kadalamhatian, at gayon ding magkakaayon ang inyong mga
hinahangad at pag-aari.
Kaya’t habang tumutuloy ang mga patuto ng bayan na ibinangon at inalagaan ng pagkakani-kaniya
ng mga lahi at angkan, ay sa kanya lamang dapat kang makisama ng tunay na makipag-isa sa
hinahangad at pag-aari, upang magkalakas ka sa pakikibaka sa kaaway ninyong dalawa at sa
paghanap ng lahat na kinakailangan sa kabuhayan ng tao.

3. JOSE V. PALMA (1876- 1903)


Isinilang siya sa Tondo, Maynila noong Hunyo 6, 1876. Nag-aral siya sa Ateneo de
Manila. Samantalang habang siya’y nasa Ateneo, marami siyang nasulat na tula. Ang
mga ito’y ipinalimbag ng nakatatanda niyang kapatid na si Rafael bilang isang aklat-
Katipunan ng mga tulang liriko na may pamagat na Melancolia (mga Panimdim).
Kabilang si Palma sa mga manunulat sa panahong ang bawat manunulat- makata,
nobelista o mananaysay – ay pinasigla ng damdaming makabayan. Ang mga makata ay
higit na natulungan ng mga pahayagan. Nakahihigit pa rin si Jose Palma dahil kagawad
siya ng pahayagang “La independencia.” Ito ang pahayagang itinatag nina Heneral
Antonio Luna at Rafael Palma.
Ang tulang “Filipinas” ang makabuluhang ambag niya sa panitikang Pilipino. Ito
ang naging titik ng musikang nilikha ni Julian Felipe; na siyang naging pambansang awit
ng Pilipinas.
Mag-aaral sa Ateneo at kaibigan ni Gregorio del Pilar. Kasama sa paghihimagsik
laban sa mga Amerikano. Tagalibang sa mga kasamang kawal sa pamamagitan ng
kaniyang mga kundiman.

a. “MELENCHOLIAS” (Mga Panimdim) Pamagat ng aklat na pinagtipunan


niya ng kaniyang mga tula.
b. “DE MI JARDIN” Isang tulang nagpapahiwatig ng pangungulila sa
minamahal; tulad ng bulaklak na naluluoy kapag
nawalay sa kaniyang mga sanga at dahon.

40
k. “HIMNO NACIONAL FILIPINA” (Pambansang Awit ng Pilipinas) mga titik nito ang
pinakadakila niyang ambag sa ating panitikan. Ito’y
nilapatan ng musika ni Julian Felipe.

HIMNO NACIONAL FILIPINO


(Salin ni Jose Villa Panganiban)

Lupang pinpintuho
Anak ng Araw ng Silangan
Ang apoy niyang naglilingas
Ay tumitibok sa iyo.

Bayan ng mga Pag-ibig


Duyan ng kabayanihan
Ang manloloob
ay di makayuyurak sa iyo kailanman.

Sa bughaw mo langit, sa mga ulap mo,


Sa iyong mga bundok at sa dagat mo,
Kumikinang at tumitibok ang tulain

Ang watawat mong mga paghahamok


Ang tinanglawan ng tagumpay
Ay di makikitang pagdimlan kailanman
Ng mga bituin mo’t ng iyong araw.

Lupa ng ligaya, ng liwanag at mga pag-ibig


Sa kalungan mo’y kay tamis mabuhay;
Ikinaluluwalhati ng iyong mga anak,
Na kapat inapi ko’y mamatay dahil sa iyo.

(SEE NUMBERS 3 AND 4 OF “INSTRUCTIONS TO THE STUDENT”)

41
Filipino 2
Modyul III
Aralin 4

PAGTITIYAK NA PAGSUSULIT

I. Tukuyin ang wastong kaisipan sa bawa’t bilang.


___________ 1. Tungkulin ni Jacinto sa Katipunan
___________ 2. Nangangahulugan ng lahat ng tumubo sa sangkalupaan ng Pilipinas.
___________ 3. Hindi maaaring higtan ng sinuman ayon sa kartilya.
___________ 4. Hindi kailangan sapagkat ito ay nakasisilaw at nakasisira ng paningin.
___________ 5. Kodigo ng rebolusyon.
___________ 6. Ang tulang nagpapahayag ng pag-aalaala sa kababayan.
___________ 7. Manipestong humihikayat sa kaniyang mga kababayan upang ipaglaban ang
kalayaan at humiwalay sa Espanya.
___________ 8. Utak ng Himagsikan.
___________ 9. Ito daw ang sumisisi sa gawang masama ng tao ayon kay Mabini.
___________ 10. Paraan para madagdagan ang katutubong alam.

II. Iwasto ang sagot sa talaang sagot. Isulat ang tamang sagot sa patlang
bago bilang.
___________ 1. Kinakailangan ng mga mata upang mapagwari ang buong katunayan ng mga
bagay-bagay.
___________ 2. Ayon kay Jacinto, ito ay pinakamahalaga sa isang bansa at sa tao.
___________ 3. Dahil ang tao ay magkakapantay, dapat itong bigyan ng bagay na ito.
___________ 4. Dapat ikarangal ng tao kung ang pagkita ng salapi ay sa marangal na
paraan.
___________ 5. Paksa ng katipunan ng mga tula ni Palma.
___________ 6. Sagisag sa panulat ni Emilio Jacinto.
___________ 7. Pamantayang mga dapat ugaliin ng mga sasapi sa Katipunan.
___________ 8. Inuuna ng may mataas na kalooban.
___________ 9. Nagpupumilit lumitaw na maningning lalo na sa mga hari at pinuno.
___________ 10. Dapat ibigin ng lahat gaya ng pag-ibig sa sarili pa.

III. Talasalitaan: Piliin ang tamang sagot at isulat ito sa patlang bago bilang isulat
ang tamang sagot bago bilang.
_____ 1. Ang isang dakot na bigas ay isang ___.
a. tsupa b. kilo k. kamal ng kamay,.
______ 2. Ang Pilipino’y bihasa sa kahirapan samakatuwid ___.
a. sanay na sanay na sila sa hirap. b. Naninibago sila sa hirap
k. di nila alam ang kahirapan
______ 3. Kung taimtim ang pananalangin ito ay ___.
a. wala sa isip ng nananalangin b. lubos na nasa isip ng nananalangin
k. hindi tama ang pananalangin
______ 4. Halos malulugmok si Efren Contemplacion sa lungkot. Ibig sabihin siya’y ___.
a. Halos makahandusay k. halos mamatay
b. Halos mahimatay

42
______ 5. Katutubi kay Emilio Jacinto ang pagiging palaaral. Ito’y nagangahulugang.
a. bukal b. tamad k. ningas kugon

43
Filipino 2
Modyul III

MGA TALAA NG SAGOT SA PAGTITIYAK NA PAGSUSULIT

Aralin 1
I 1. b 2. a 3. k 4. b 5. a 6. a 7. b 8. k 9. a 10. b

II. 1. Noli Me Tangere 6. Kortes ng Espanya


2. EI Filibusterismo 7. Sekularisasyon
3. Sa Mga Kababaihang Taga Malolos 8. makabayan
4. Kilusang Himagsikan 9. Ang Cadaquilaan ng Dios
5. karapatan nila 10. Prayle

III. Talasalitaan: 1. pagkaparool; 2. pita; 3. salamisim; 4. umid; 5. ipagkait

Aralin2
I. 1. Graciano Lopez Jaena 6. Isabelo de los Reyes
2. Antonio Luna 7. Antonio Luna
3. Mariano Ponce 8. Graciano Lopez Jaena
4. Pedro Paterno 9. Pascual Poblete
5. Pedro Serrano Laktaw 10. Graciano Lopez Jaena

II. 1. Ang kahirapan sa Pilipinas


2. La Tertulia Pilipina
3. A Mi Madre
4. Fray Botod
5. Sa Mga Pilipino
6. La Hija Del Fraile
7. La Maestra de Mi Pueblo
8. La Cristinismo y La Antigua Civilization Tagala
9. Lohiyang Nilad
10. Sobre La Lengua Tagala o Diccionario Hispano – Tagalog

III. Talasalitaan: 1./2. paglait, katiwalaan; 3. pagtuligsa; 4. marubdob; 5. nabighani

Aralin 3
I. 1. d 2. m 3. l 4. a 5. k 6. b 7. e 8. I 9. g 10. h

II. 1. Mali 2. Tama 3. Tama 4. Mali 5. Tama


6. Mali 7. Tama 8. Mali 9. Mali 10. Tama

III. Talasalitaan: 4. mabilis


1. kuhila
2. may mataas na pinag-aralan sa pagsusulat
3. mapuksa 5. mesa

44
Aralin 4
I. 1. Utak ng Katipunan 6. Sa Anak ng Bayan
2. Tagalog 7. Pahayag
3. Pagkatao 8. Apolinario Mabini
4. Ningning 9. Konsiyensiya
5. Liwanag at Dilim 10. Pag-aaral

II. 1. Liwanag
2. Kalayaan
3. Karapatan
4. Paggawa
5. Makabayan
6. Dimas-Ilaw
7. Sa may nasang makisanib sa Katipunang ito
8. Puri
9. Kasakiman
10. Kapwa-tao

III. Talasalitaan:

1. dakot 4. halos mahahandusay


2. bihasa 5. bukal
3. taimtim

45
Pangalan: ________________________________________ Puntos:_____________
Tirahan: ______________________________________________________________

Filipino 2
Modyul III

PAGSUSULIT SA MODYUL

I. Ibagay ang tunay na pangalan ng sumusunod na sagisag-panulat


o taguri:

_____________ 1. Plaridel
_____________ 2. Dakilang lumpo
_____________ 3. Dimas-Alang
_____________ 4. Ama ng Pahayagan ng Pilipinas
_____________ 5. Ama ng Demokrasyang Pilipino
_____________ 6. Taga-Ilog
_____________ 7. Jomapa
_____________ 8. Bagumbayan
_____________ 9. Utak ng Katipunan
_____________ 10. Tikbalang
_____________ 11. Dimas-Ilaw
_____________ 12. Utak ng Himagsikan

II. Ibigay ang pamagat ng akdang nagsasaad ng sumusunod:

_________ 1. Aktuwal na buhay ng Pilipino


_________ 2. ng kalungkutan kung mawala ang ina
_________ 3. huling habilin ng may-akda para sa Pilipinas
_________ 4. na darating ang pagkakataon na ang inaping Baya’y
ililigtas, bumaha man ang dugo.
_________ 5. pagtutuligsa sa kamangmangan at pagmamalabis ng mga
Prayle
_________ 6. ng mga parodying gumagagad sa aklat-dasalan
_________ 7. pang-uyam sa mahalay na gawin ng mga Prayle
_________ 8. poot at pagbabanta sa mga sumakop sa ating bansa
_________ 9. isang panawagan sa mga kababayan na buksan ang isip at
hanapin ang katwiran
_________ 10. paalaala kung ano ang tunay na kabanalan ng tao batay sa
Sampung Utos ng Diyos

46
II. Pag-iisa-isa: Ibigay ang sumusunod:

A. Mga pagbabagong hinangad ng kilusang propaganda:


1.
2.
3
4.
5.

B. Ang mga kilalang manunulat sa kilusang Propaganda:


1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5.

K. Mga kilalang manunulat sa panahon ng Himagsikan:


1.
2.
3.
4.

D. Mga katangian ng panitikan sa panahon ng Himagsikan:


1.
2
3
4.

E. Mga katangian ng panitikan sa panahon ng kilusang Propaganda:


1.
2.
3
4.
5.

V. Pagtatapat-tapat: Isulat sa patlang bago bilang sa Hanay A ang


titik sa Hanay B na angkop na kahulugan sa Hanay A.

Hanay A Hanay B
____ 1. ipagkait a. mahili g sa arte
____ 2. marubdob b. takot magsalita
____ 3. kuhila k. alaala sa nakaraan
____ 4. umid d. pagpuna
____ 5. bukal e. ayaw ibigay
____ 6. masasal f. maalab
____ 7. katiwalian g. taksil

47
____ 8. taimtim h. katumbalikan
____ 9. pita i. mabilis
____ 10. pagtuligsa j. katutubo
k. lubos na nasa isip
l. nais ilayon

48

You might also like