You are on page 1of 4

Ang Mapanagutang Pamumuno at Pagiging Tagasunod.

Lider ka ba o Taga sunod?


Sa mga pangkatang gawain minsan ikaw ang namumuno diba?

Pero may pag kakataon naman na ikaw ang sumusunod sa lider.mahirap


paghiwalayin ang pag talakay sa mga konsepto ng pagiging lider at taga
sunod.Kung walang taga sunod walang halaga ang pagiging lider. Kailangan
ng pangkat na mayMamumuno na mag bibigay ng direksyon at hindi rin
naman lahat ng miyembro ay magging lider. Makapaglilingod ka at
makapagpapakita ng pag mamahal sa kapwa kung malilinang mo ang iyong
kakayahan na gampanan ang iyong tungkulin batay sa hinihingi ng
witwasyon.

Kahalagahan ng Pamumuno at ng Lider.


Sa iyong buhay maraming pag kakataon na makaranas ka ng pamumuno ng
isang lider- mga karanasang hindi mo malilimutan dahil marami kang
natutuhan dahil nainis ka o nasaktan ka sa mga pag papasyang kanyang
ginawa. Ang kahalagahan ng isang lider ito ang mag bibigay ng lakas ng loob
at inspirasyon upang maisakatuparan ang plano ng isang pangat. Ang isang
lider ay may taglay na katapangan at katatagan na kumatawan sa pananalo
ng nakakarami at handang iapaglaban ang katotohanan para sa kabutihan
ng lahat.

Mga Katangian ng Mapanagutang Lider.


May kakayahan an glider na makakita at makakilala ng suliranin at lutasin
ito. Nangangailangan ng tibay at lakas ng loo bang pagiging lider lalo na sa
paggawa ng mga pagpapasiya para sa ikabubuti ng pangkat ng kanyang
kinabibilangan. Dahil dito nagiging instrument siya tungo sa pagbabago
isang bagay na may magagawa ka bilang kabataan.

Pamumunong Inspirasyunal, Transpormasyunal, at Adaptibo


ayon kay
Dr.Eduardo Morato (2007)
* Pamumunong Inspirasyunal - Nag bibigay ng inspirasyon at direksyon ang
isang lider.
Modelo at halimbawa siya ng mabubuting pagpapahalaga at pinalalagay ang
kanyang sarili na punong tagapaglingkod sa pamamagitan ng pagtatalaga ng
mga gawaing mag bibigay ng pagkakataong makapag lingkod sa kapwa.

* Pamumunong Transpormasyunal – Ang pag kakaroon ng pag babago ang


pinakatuon ng ganitong lider. May kakayahan siyang gawing kalakasan ang
mga kahinaan at magamit ang karanasan ng nakalipas, kasalukuyan at
hinaharap upang makamit ang mithiin ng pangkat na pinamumunuan.

* Pamumunong Adaptibo – Ibinatay sa sitwasyon ang estilo ng pamumunong


adaptibo. May mataas na antas ng pag kilala sa sarili (Self-Awareness) at
kakayahang pamahalaan ang sarili (Self-Mastery) ang lider na gumaganap ng
pamumunong adaptibo. Mayroon siyang mataas na emotional quotient (EQ)
at personalidad na madaling makakuha ng pag galang at taga sunod.

May Apat na Katangian ang Adaptibong Lider:


1. Kakayahang pamahalaan ang sarili (Self-mastery o Self-adaptation)
2. Kakayahang makibagay sa sitwasyon.
3. Kakayahang makibagay sa personalidad.
4. Kakayahang makibagay sa mga tao.

Mga Prinsipyo ng Pamumuno.


Ang sumusunod na prinsipyo ng pamumuno ang ipinatutupad ng The Royal
Austrilian Navy: Leadership Ethic (2010) upang an glider ay maging
mapanagutan.
1. Maging sapat ang kaalaman at kasanayan.
2. Kilalanin at ipagpatuloy ang pag papaunlad ng sarili.
3. Maging mabuting halimbawa.
4. Tangapin at gampanan ang tungkulin.
5. Kilalanin ang mga taga sunod at kasapi ng pangkat, pangalagaan at ipag
laban ang kanilang kapakanan.
6. Ilahad ang layunin at ang direksyong tatahakin sa pag kamit ng layunin.
7. Kilalanin at paunlarin ang potensyal ng bawat kasapi ng maging lider.
8. Gumawa ng mga pag papasyang makatwiran at napapanahon.
9. Turuan ang mga taga sunod ng pagawa ng sama-sama at mag bigay ng
mga pagkakataon upang subukin ang kanilang kakayahan.
10. Mag bigay ng nararapat na impormasyon sa mga kasapi ng pangkat.

Ang Kahalagahan ng Pagiging Tagasunod.


Kapag napag-uusapan ang pamumuno, hindi matatangi na kailangan ding
pag-usapan ang tungkuling ginagampanan ng mga taga sunod o iba pang
kasapi ng pangkat.
Maaaring hindi mapantayan ang kahalagahan ng lider sa isang samahan
pero dapat mong maunawanan na ang kalakasan o kahinaan ng isang
samahan ay nakasalalay rin sa kanyang mga kasapi o taga sunod. Sa
ngayon, unti-unting nabibigyan ng pansin ang kahalagahan ng tungkulin ng
mga taga sunid sa pagkakamit ng layunin at pagtatagumpay ng isang
samahan.

Mga Tungkulin ng Tagasunod o Follower:


Tungkulin ng tagasunod o follower ang mag sulong at gumawa ng aksyong
tugma sa ipinatutupad ng lider upang makamit ang layunin ng samahan.
Gumagawa siya ng aktibong pagpapasiya upang makatulong sa
pagsasakatuparan ng mga gawain ng pangkat. Nagpapakita siya ng interes
at katalinuhan sa paggawa. Siya ay maasahan at may kakayahang gumawa
kasama ang iba upang makamit ang layunin. Kinikilala niya ang awtoridad ng
lider at nagpapataw siya ng limitasyon sa kanyang mga kilos,
pagpapahalaga, mga opinion, at pananagutan sa maaaring ibunga ng
kaniyang gawa.

Mga Kasanayang Dapat Linangin ng Isang Ulirang Tagasunod:


1. Kakayahan sa Trabaho (Job Skills) – malilinang ito sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng focus, komitment, pag susumikap na maragdagan ang
kagalingan sa paggawa at pagkakaroon ng kusang pagtulong sa
kinabibilangan ng pangkat.
2. Kakayahang Mag-organisa (Organizational Skills) – malilinang ito sa
pamamagitan ng pag kilala at pag papalaso ng pakikipag ugnayan sa mga
kasama sa pangkat at iba pang sahaman at sa mga namumuno.

3. Mga Pagpapahalaga (Values Component) – malilinang ito ng isang ulirang


tagasunod kung paiiralin niya ang isang mabuti, matatag, at matapang na
konsinsiya na gagabay sa kanya sa pag tupad ng kanyang mga gawain at
pagpapaunlad ng pakikipag ugnayan sa kapwa.

Mga Paraang Dapat Linangin ng Mapanagutang Lider at


Tagasunod Upang Matagumpay ang Pangkat.
1. Pakikipag-ugnayan at pagpapahayag ng opinion ng malinaw at may
paggalang.
2. Pakikinig at pag-unawa sa mga ideya ng ibang kasapi.
3. Pagiging handa sa mga pagtitipon at pakikilahok ng aktibo sa mga gawain.
4. Pagsuporta sa mga kasapi at gawain ng pangkat.
5. Pagbabahagi ng mga impormasyon, karanasan at kaalaman sa ibang
kasapi.
6. Kusang pag tulong sa ibang kasapi ng pangkat upang matapos ang
gawain.
7. Pag-unawa at pagtugon sa mga pag babagong kinakaharap ng pangkat.
8. Paglutas ng suliranin na kasama ang ibang kasapi.
9. Pagkakaroon ng komitment.
10. Pagtupad sa iniatang na tungkulin at pagiging maaasahan.

Lagi kang may pangangailangan na makipag-ugnayan sa iyong kapwa.


maaaring ang tungkuling iyong ginagamoanan ay lider o tagasunod. Anuman
ito alalahanin mo na ang pagkakaroon ng isang ugnayang may kapayapaan
at pagkakaisa ay kailangan upang malinang ang iyong pagkatao tungo sa
iyong pagiging ganap.
kung isinasabuhay mo ang pagiging mapanagutang lider, inaasahan na ikaw
ay magalang sa lahat, mapaglingkod sa kapwa, makatarungan ang iyong
pakikipag ugnayan tapat at maunawain at mayroon kang kakayahan
impluwensyahan ang kapwa upang makamit ang layunin ng pangkat at
tumugon sa pangangailangan ng lipunan.
kung ang pagiging taga sunod naman ang nakaatang na tungkulin sa
iyo inaasahan na magiging uliran kang taga sunod at magiging matalino sa
pag pili ng lider na susundin.
Sumusunod Kaman o ikaw ang sinusundan sa pagiging
mapanagutang lider o pagiging taga sunod, maka paglilingkod ka at
makapagpapakita ng pagmamahal sa kapwa.
Sa huli’y magiging produktibo at makabuluhan din ang iyong
pamumuhay sa lipunang iyong kinabibilangan.

You might also like