You are on page 1of 5

ESP 8

Written Work No. 1 Quarter 1

Name: ________________________________________ Date: ___________ Score: _________


I. Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat
sa sagutang papel.

1. Hindi maipagkakaila ang saya sa ngiti ni Aleng Nina nang binigyan ito ng House & Lot ng
Engineer na anak. Bilang Kabataan, anong impluwensiya ang masasalamin sa anak ni Aleng
Nina?
A. pag-aalaga sa kanyang Ina
B. pagmamahal sa kanyang Ina
C. pag-aasikaso sa kanyang Ina
D. pagbibigay-buhay sa kanyang Ina

2. Sa kabila ng kahirapan, hindi nawawalan ng pag-asa ang ama ni Linda sa pagtaguyod sa kanila.
Alin sa sumusunod ang positibong impluwensiyang ipinakita ng ama?
A. pagiging matatag
B. pagiging madasalin
C. pagiging masayahin
D. pagiging disiplinado

3. Binaha ang aming lugar noong bagyong Ondoy at sa awa ng Panginoon ay may mabuting loob na
nag-alok na patuluyin kami sa kanilang tahanan. Anong aral ang mapupulot sa sitwasyon?
A. pagiging madasalin
B. pagkakaroon ng pag-asa
C. pagiging maramot sa iba
D. pagiging matulungin sa kapwa

4. Kilala ang pamilyang Pilipino sa pagkalinga sa kanilang mga anak. Alin sa mga sumusunod ang
nagpapatunay nito?
A. hinahatid sa eskwelahan
B. laging binibigyan ng pera ang anak
C. pinapadalhan ng mga pagkain sa loob ng klase
D. sinusuportahan sa gustong makamit ng anak
5. Nagsisigaw si Loloy nang madatnan ang kanyang ina na nakahandusay sa sala sa sobrang sakit
ng tiyan. Dali-dali namang pumasok ang nakatatandang kapatid at dinala ang ina sa hospital. Alin
sa sumusunod ang positibong pag-uugali ang ipinakita sa sitwasyon?
A. ang pag-alalay sa ina papunta sa ospital
B. labis ang kasiyahang ipinapakita ng kapatid
C. ang kapatid may nakaramdan ng pagkabalisa sa nangyayari
D. nakatutulong ang mga kapamilya sa oras ng pangangailangan

6. Alin sa mga sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang


maayos na pamilya?
A. pagkakaroon ng mga anak
B. pagtatanggol ng karapatan
C. pagsunod sa mga patakaran
D. pinagsama ng kasal ang magulang
7. Ang pamilyang Dela Cruz ay hindi nakalilimot manalangin nang sama-sama tuwing Linggo. Ano
ang dapat tularan sa pamilya Dela Cruz?
A. pagiging disiplinado
B. pagiging matatag sa sarili
C. walang anumang alitan ang bawat isa
D. may pagkakaisa sa pagsamba sa Panginoon

8. “Kapag sama-sama at nagtulungan ang bawat kasapi ng pamilya ito ay magiging buo at matatag.”
Anong aral ang mapupulot sa kasabihan?
A. Ang pamilya ang pundasyon sa lipunan.
B. Ang pamilya ang salamin sa lipunan.
C. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
D. Kung matatag ang pamilya, may pakinabang sa lipunan.

9. “Ang pagmamahalan ay nagpapatibay sa isang pamilya.” Anong mensahe ang ipinahiwatig sa


pahayag?
A. Ipadama ang pagmamahal sa bawat kasapi ng pamilya.
B. Dito ipinapakita ang pagsasama ng buhay at pagmamahal.
C. Nakapagbibigay-buhay dahil nakatakda ito sa pagkakaroon ng anak.
D. Nagkaroon ng kaligayahan ang bawat kasapi ng pamilya kung may pagmamahalan.

10. Laging ipinagdiriwang ng pamilya Santos ang tagumpay ng kanilang anak.


Anong kaugalian ang maaring tularan sa pamilya Santos?
A. paghamon sa anak na magtagumpay
B. pagpapakita ng interes sa kanilang larangan
C. pagmamalaki sa tagumpay ng kasapi ng pamilya
D. pasasalamat at suporta sa tagumpay na nakamit

II. A.Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad na likas ang pamilya bilang institusyon at
MALI naman kung hindi. Kung ang sagot ay MALI, pangatwiranan:
_____1. Ang pagkakaroon ng anak ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang
maayos na pamilya.
_____2. Ang pamilya ay hindi nilikha para sa kapakanan ng mga miyembro lamang, kundi para sa
tungkuling panlipunan din nito.
_____3. Ang pamilyang hindi nagkakaunawaan ay magkakaroon din ng di- maayos na lipunan.
_____4. Ang pamilya ay pinagtibay ng pagmamahalan magkalayo man sila sa isa’t ay buo pa rin ang
pagtitinginan.
_____5. Bukod sa pagkakaroon ng anak, may pananagutan ang magulang na gabayan ang anak
upang lumaki at umunlad itong may pagpapahalaga at pananampalataya. isa.

B. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa
pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya at MALI naman kung
hindi. Kung ang sagot ay MALI, patunayan:

______6. Pakikinig sa mga aral ng mga magulang lalo na kung nakagawa ng pagkakamali.
______7. Pag- upo at panonood ng telebisyon buong hapon dahil sa wala namang pasok sa paaralan.
______8. Pagpapaliban sa inutos ng inay dahil pagod ka galing sa paaralan.
______9. Pagsasabi ng totoo sa kapatid dahil nabasag mo ang tempered glass ng kanyang cellphone.
______10. Pagkakaroon palagi ng mga bagong usong gamit tulad ng sapatos o cellphone.
III. A. Kilalanin ang mga gawi o karanasan ng pamilya na nagpapakita ng edukasyon, paggabay sa
pagpapasya at paghubog ng pananampalataya. Isulat ang salitang SANG-AYON sa patlang kung
ang sinasaad na sitwasyon ay tama at DI SANG-AYON kung ito naman ay mali.
___________1. Tanggapin ang Diyos at dapat maging sentro sa pamilya.

___________2. Ang pagpapasiyang isasagawa ng bata ang siyang batayan kung anong uri ng tao
siya sa hinaharap.
___________3.Ang karapatan para sa edukasyon ng mga anak ay maaaring isawalangbahala ng
mga magulang.
___________4. Habang bata pa ay tinuruan na ni Aling Nena si Ben sa mga gawaing bahay.
___________5. Mahalagang magabayan ang isang bata sa paggawa ng tamang pagpapasiya
upang hindi siya masanay na gumawa ng mga maling pasiya at matuto ang mga ito.

B. Suriin ang mga sumusunod na pangungusap, iguhit ang kung ito ay banta sa

pagbibigay ng edukasyon,paggabay sa pagpapasya o paghubog ng panampsalataya at


naman kung hindi.
___________6. Ang kawalan ng panahon ng mga magulang upang turuan at gabayan ang
kanilang mga anak ang siyang maaaring dahilan upang malihis ng landas ang
mga ito.
___________7. Magkasama ang buong pamilya sa pagsimba tuwing linggo.
___________8. Unti-unting nagkawatak-watak at nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang pamilya
dahil sa palaging busy ang bawat kasapi nito.

___________9. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang anak ni Mang Juan na si

Lena dahil sa padalos-dalos na desisyon nito sa buhay.

___________10. Masayang nakapagtapos at nagkaroon ng magandang trabaho ang kambal na sila


Nero at Mira dahil sa gabay na ibinigay ng mga magulang nila.

IV. A. Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Tukuyin ang mga gawain o
karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel
na panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan (papel na
pampulitikal).Lagyan ng tsek ( ) kung ito ay nagpapakita ng papel panlipunan at pampolitikal at
ekis ( ) kung hindi.

____1. Pakikilahok sa mga samahan na boluntaryong naglilingkod sa pamayanan o kayaý


tumutulong sa mga kapus- palad.

____2. Ang pagbukas ng tahanan ng isang pamilya para sa mga naapektuhan ng


pagbaha at mga sakuna.

B. Suriin ang mga larawan. Isulat ang Deal kung nagpapakita ng panlipunan at pampolitikal na
papel at No Deal naman kung hindi.
Pangatwiranan.

3.__ 5.__ 6._____


4.__
C. Ibigay ang inyong hinuha sa mga sumusunod, na pahayag na kakikitaan ng pananagutan ng
pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan. Isulat ang TAMA kung ito’y nagpapakita
ng pananagutan ng pamilya at MALI naman kung hindi. Kung mali, patunayan ang sagot.

____7. Pagbibigay ng pagkain, damit at iba pa sa mga taong naapektuhan ng


kalamidad.
____8. Ang pagbukas ng tahanan ng isang pamilya para sa mga naapektuhan ng pagbaha
at mga sakuna.
____9. Ang paggawa ng usaping di- tiyak tungkol sa pag- aaway ng kabilang bahay.
____10. Pangalagaan ang mga kabataan, sa pamamagitan ng mga institusyon at batas, laban sa
mapanirang droga, pornograpiya, alkoholismo, at iba pa.

D. Isulat ang salitang Panlipunan kung ang sitwasyon ay paglalahad ng pagganap sa panlipunang
papel ng pamilya at Pampolitikal kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagganap sa pampolitikal
na papel ng pamilya.

________11. Pinatuloy ni Aling Rosa ang dayong napadpad sa lugar nila dala ng
kawalang matirhan nito.
________12. Nagpadala ng liham ang kabataan ng barangay upang ipaalam sa
kanilang punong barangay ang napagkasunduang proyekto ukol sa kabataan.

________13. Ipinaglaban ni Anton sa mga kaklase ang paniniwala at doktrina


ng simbahang kinabibilangan matapos pag-usapan ang isyu ng
relihiyon.
________14. Nakiisa ang mayayaman sa pagtulong ng gobyerno sa apektado ng
COVID-19 pandemya.
_______15. Napaso na ang prangkisa ng ABS-CBN kayat pinasara ito ng NTC na naaayon sa
batas.

GURO AKO CHANNEL

You might also like