You are on page 1of 11

IKAAPAT NA

CHAPTER 1
MARKAHAN

Magbigay ng mga salita o parirala na may kaugnayan sa sa salitang “Matapat”.

MATAPAT

4 ARALIN 1
Kahanga-hangang Pinoy

ALAMIN!

LAYUNIN NG ARALIN
 Natutukoy ang katangian ng mga tauha sa kuwento.
 Nalalaman ang daloy ng kuwento.
 Nasasagot ang ilang katanungan hinggil sa aralin.
ALAMIN!

Kahanga-hangang Pinoy
Brasilia, BRAZIL – Isang Pilipino ang hinangaan ngayon sa Brazil dahil sa ipinamalas nitong kabutihang
asal.
Kamakailan lamang ay ipinalabas sa isang noontime TV program sa kilalang television station sa Brasil
ang ginawang pagsasauli ng wallet na napulot ng binatang so Jot-jot Yutuc.
Ayon sa anchor ng programa, hindi pangkaraniwan sa panahon ngayon na isauli pa ang napulot na
mahalagang bagay, lalo pa’t wala namang contact number at walang address ng may-ari.
Dahil dito, umani ito ng paghanga sa mga nakapanood sa programa.
“Napakatapat niya… Nang araw na iyon, napakahirap para sa akin dahil hindi ko alam ang gagawin ko sa
nawawalang pera,” pahayag ni Jose Souza na anchor ng programa sa TV.
Ayon kay Fabio Oliveira na siyang may-ari ng wallet, labis ang kaniyang pasasalamat kay Jot-jot na
ngayon ay itinuturing niyang kaibigan.
Kuwento niya, “kung hindi sa kagandahang-loob na ipinakita ni Jot-jot ay hindi lamang isang buwang
sahod ko ang nawala, kundi maging ang panghanda sa paparating na kaarawan ng aking anak.”
“Sa tingin ko, itinadhana talaga siya ng Diyos na makakita at magsauli ng nawawala kong wallet..
masayang-masaya talaga ako at proud ako na makilala at makita siya… para sa akin, isa siyang mabuting
halimbawa at sana makagawa rin ako ng mabuti sa kaniya balang araw…”
“At ang anak ko pagtanda niya, ikukwento ko sa kaniya ito at alam kong hindi niya rin ito
makakalimutan. Congratulations. Welcome na welcome sa Brazil ang mga taong katulad niya maging ang iba
pa, kailangan ng Brazil ang mga ganitong klase ng tao,” wika pa ni Fabio.
Para naman kay Jot-jot, hindi siya nagdalawang isip na hanapin ang may-ari ng wallet. Aniya,
“Nagpapasalamat ako sa Diyos na nabigyan ako ng pagkakataong makagawa ng mabuti.”
Ang iniingatang lumang love letter sa wallet ni Fabio mula sa noo’y kasintahan at asawa ngayon na si
Juliana ang naging susi upang matunton sila ni Jot-jot sa pamamagitan ng internet.
Umaasa rin sin Ambassador Betita na magiging magandang halimbawa at inspirasyon sa ating mga
kababayan ang ipinakita ni Jot-jot.
“Mabuhay ka Jot-jot, may there be more people like you.”
Ang ginawa ni Jot-jot ay isa lamang patunay gaya ng laging sinasabi ni Kuya Daniel Razon na “ang
paggawa ng mabuti, kailan man ay hindi magbubunga ng masama”. (Dave Tirao/Ruth Navales, UNTV News)
LEARN!
PAGSASANAY 1

A. Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.

1. Tungkol saan ang binasang balita?


__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
2. Ano ang katangian na ipinakita ni Jot-jot sa kaniyang ginawa?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
3. Paano niya natunton ang may-ari ng wallet?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

4. Paano nakatutulong ang mga ganitong pangyayari sa karangalan ng mga Pilipino?


__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
5. Bakit mahalaga ang katapatan sa lahat ng oras?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
CHAPTER
IKAAPAT NA 1
MARKAHAN

PANGUNGUSAP
- Ito ay lipon ng mga salita na nagsasaad ng buong diwa.

4 ARALIN 2
Muling pagkilala sa mga Bahagi at Anyo ng Pangungusap

ALAMIN!

LAYUNIN NG ARALIN

 Natutukoy ang mga bahagi ng pangungusap


 Nalalaman ang mga bahagi ng pangungusap
 Nakagagawa ng isang makabuluhang pangungusap
ALAMIN!

MULING PAGKILALA SA MGA BAHAGI AT ANYO NG


PANGUNGUSAP
Iyo nang natutuhan sa mga nakaraang Baitang ang mga bahagi at anyo ng pangungusap. Tandaang muli
ang mga ito.

1. May dalawang bahagi ang pangungusap:


A. Una, ang simuno o paksa na pinag-uusapan sa pangungusap.
Halimbawa:
1. Wala sa bahay si Anna.
2. Gusto kong ipagmalaking mahal ko ang aking bansa.
3. Siya ay nagtatrabaho sa ibang bansa.
4. Sila ay nagbibigay ng karangalan sa bayan.
B. Ikalawa, ang panaguri na may sinasabi tungkol sa simuno.
1. Wala sa bahay si Anna.
2. Gusto kong ipagmalaking mahal ko ang aking bansa.
3. Siya ay nagtatrabaho sa ibang bansa.
4. Sila ay nagbibigay ng karangalan sa bayan.

2. May dalawang ayos ang pangungusap sa wikang Filipino:


A. Karaniwang ayos – ang ayos ng pangungusap na malimit na ginagamit sa pakikipag-usap.
Halimbawa: (panaguri + paksa o simuno)
1. Umiiyak si Rosa.
2. Nahulog sa hagdan si Nestor.
B. Di-karaniwan o kabalikang ayos – ang ayos ng pangungusap na malimit gamitin sa pormal na
pakikipag-usap at gamitin sa mga libro.
Halimbawa: (paksa o simuno + panaguri)
1. Si Rosa ay umiiyak.
2. Si Nestor ay nahulog sa hagdan.
3. Mga pananda o marker ng simuno o paksa ng pangungusap:
A. ang at si
Halimbawa
1. Nagsulat sa pisara si Lyka.
2. Mahal ko ang aking bansa.
B. Karaniwan ding simuno o paksa ng pangungusap ang mga panghalip na ako, siya, sila, tayo, kami
Halimbawa
1. Nahihiya ako s aiyo.
2. Tatawagin ko na siya.
3. Aalis na tayo.

LEARN!
PAGSASANAY 2

A. Buuin ang bawat pangungusap. Punan ang bawat patlang ng angkop na simuno o paksa.

a. Mahal na mahal ko __________________________________________________________________


b. Pupunta raw __________________ sa Boracay sa isang lingo.
c. Gusto kong makita roon ______________________________________________________________

B. Punan naman ng angkop na panaguri ang bawat pangungusap.


a. Tayong mga Pilipino _________________________________________________________________
b. ___________________________________________________ tayo.
c. ___________________________________________________ ang ating mga magulang.
CHAPTER
IKAAPAT 1
NA MARKAHAN

Basahin ang bawat pangungusap. Bilugan ang letra ng pinakamalapit na kahulugan ng salitang
sinalungguhitan sa loob ng pangungusap. ARALIN 3
Ang Alamat ng Kamya
1. Nilisan niya ang kanilang kubo upang mamasyal sa ilog.
ALAMIN!
a. kinupkop b. inagaw c. kinaibigan d. iniwan

2. Nais niyang malaman ang pasya ng dalaga sa inilalapit nitong pag-ibig.

a. hatol b. alis LAYUNIN NG ARALIN


c. inis d. tanong

3. Nakatira ang mag-anak sa isang liblib na lugar sa nayon.


 Nasusuri ang katangian ng tauhan
 a.Natutukoy
nakalitaw b. nakalabas
ang mga c. tago
mabubuting asal d. maingay
na ipinakita sa kuwento
 Nasasagot ang ilang katanungan hinggil sa aralin.

4
ALAMIN!

ANG ALAMAT NG KAMYA

Noong unang panahon, sa isang liblib na nayon, may nakatirang isang nakapagandang babae. Siya ay
nagngangalang Kamila. Bukod sa napakaganda niya, siya’y napakamasunurin at napakabait na anak ng mag-
asawang magsasaka.
Bilang isang masunuring anak, ang isa sa mga ginagawa ni Kamila tuwing umaga ay ang pagsalok ng
tubig sa ilog. Ang naiigib niyang tubig ay isinasalin niya sa isang banga na buhat-buhat niya sa tuwing siya’y
magtutungo sa ilog. Napakalinis ng ilog kaya nasisiyahan siya sa pag-iigib. Kapag puno na ng tubig ang banga,
muli siyang maglalakad at masayang babalik sa kanilang munting kubo.
Isang araw, nang muling magtungo sa ilog si Kamila upang sumalok ng tubig, gayon na lamang ang
kaniyang pagkabigla! Dumating ang isang lalaking may matipunong katawan. Hindi niya namalayan ang
pagdating ng lalaki. Ni hindi niya nakita kung saan ito nanggaling
“Sino ka?” ang tanong ni Kamila sa lalaki.
“Ako si Jose. Huwag kang matakot sa akin. Hindi ako masamang tao,” ang sabi ni Jose
“Anong ginagawa mo rito? Isa kang mangangaso?” ang tanong ni Kamila.
“Hindi, ako’y nagmula sa karagatan. Ang totoo hindi Jose ang pangalan ko. Sa aming daigdig ay
tinatawag akong Agos. Narinig ko lamang ang pangalang Jose sa isang tagalupang tulad mo na nagdaraan sa
ilog,” ang sagot ni Agos.
“Hindi kita maunawaan. Anong daigdig ang tinutukoy mo?” ang tanong ni Kamila
“Ang karagatan. Ako’y anak ng isang diwata at isang hari ng karagatan. Ako’y hindi tao, Kamila. Ngunit
ikaw ang tanging makatutulong sa akin upang ako’y maging isang tagalupang tulad mo,” ang sabi ni Agos.
“Anong ibig mong sabihin?” ang tanong ni Kamila. “At bakit kita tutulungan? Hindi kita kilala. Natatakot
ako”.
“Kaya nga nagpakilala na ako sa iyo upang hindi ka na matakot sa akin. Hindi mo naitatanong, matagal
na kitang sinusubaybayan. Tuwing umaga ay nakikita kitang sumasalok ng tubig sa ilog. Ngayon lamang ako
nagkalakas-loob na lapitan at kausapin ka. Dahil…”
“Dahil ano?”
“Dahil mahal kita. Simula pa lamang nang makita ay naisip ko na ikaw ang babaing nais kong
mapangasawa upang ako’y maging tagalupa,” ang sagot ni Agos.
“Binigla mo ako. Hindi ko alam ang aking sasabihin. Hindi ako makapagpasya,” ang sabi ni Kamila.
“Bibigyan kita ng ilang araw para makapag-isip. Sa susunod na linggo, sa ganito ring oras, hihintayin kita
rito. Kailangang malaman ko ang pasya mo,” ang sabi ni Agos.
Hindi maipagtapat ni Kamila sa kaniyang mga magulang ang pangyayaring iyon. Nanatili siyang walang
kibo. Ngunit lagi niyang naiisip si Agos. Sa palagay niya ay umiibig din siya sa binata.
Nang dumating ang araw ng kanilang pagtatagpo, nakapagpasya na si Kamila. Ipagtatapat niya sa binata
ang tunay niyang nadarama.
Naunang dumating sa ilog si Agos. Nang magkita sila ni Kamila, agad itinanong ni Agos kung ano ang
pasya ng dalaga.
“Ano ang pasya mo, Kamila?” Ang tanong ni Agos.
“Mahala din kita,” ang sagot ni Kamila.
Tuwang-tuwa si Agos sa kaniyang narinig. Ngunit nang akmang hahawakan at yayakapin niya si Kamila,
biglang tumaas ang tubig sa ilog. Parang may kung anong buhawing umiikot hanggang sa unti-unti na ring
hinihigop ang buong katawan ni Agos. Maya-maya’y unti-unti na ring hinihigop ang buong katawan ng binata.
Hinigop nang hinigop ng tumaas na tubig ang katawan ng binata patungo sa ilalim ng ilog. Naiwang nag-iisa at
umiiyak si Kamila.
Mula noon ay hindi na nakita si Kamila ng kaniyang mga magulang. Halos araw-araw ay nagtutungo sa
ilog kaniyang ama’t ina. Sila’y nagbabakasakaling matatagpuan nila roon ang anak na dalaga. Hanggang isang
umaga, sa kanilang pagbabalik sa ilog ay nakakita sila ng isang tumutubong halaman. Ito ay namulaklak ng puti.
“Napakabangong bulaklak nito!” ang sabi ng ina ni Kamila. “Hindi kaya ito ang ating anak?”
“Malakas ang kutob ko na iyan ang ating anak, si Kamila,” ang sabi ng ama ng dalaga.
Mula noon, ang puting-puting bulak na tumutubo sa gilid ng ilog ay tinatawag nilang Kamya. Bilang
alaala ito ng kanilang anak na si Kamila na bukod sa masipag at masunurin ay ubod pa ng ganda.

LEARN!
PAGSASANAY 3

A. Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa binasang alamat?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga katangian ni Kamila?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
3. Paano ipinakilala ni Jose o Agos ang kaniyang sarili?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
4. Bakit naglakas-loob na lapitan ni Jose ang dalaga?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
5. Bakit nawala si Agos? Isalaysay ang nangyari sa kanya
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

You might also like