You are on page 1of 6

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 9

PANGALAN: _________________________________ PETSA:___________________


GRADE/SECTION:___________________ ISKOR:___________________

I.A. PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang titik ng
tamang sagot.

_____1. Ang mga sumusunod ay paglalarawan sa paggawa maliban sa:


a. Anumang gawaing makatao, nararapat sa tao bilang anak ng Diyos.
b. Isang Gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa
kaniyang kapwa.
c. Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng
kapwa.
d. Isang Gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkakaisa, at
paagkamalikhain.
_____2. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan
ang kaniyang pangangailangan. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangangailangan.
Kung wala siyang pera.
b. Tama, dahil di nabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang pera.
c. Mali, dahil hindi nararapat na dahilan ng paggawa ang pera.
d. Mali, dahil mas mahalagang isipin na natutugunan ang pangangailangan ng kapwa
bago ang sarili.
_____3. Ano ang obheto ng paggawa?
a. Kalipunan ng Gawain,resources, instrumento, at teknolohiya na ginagamit ng tao
upang makalikha ng mga produkto.
b. Mga taong gagamit ng produktong nilikha.
c. Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto.
d. Kakayahang kakailanganin ng tao upang maakalikha ng isang produkto.
_____4. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?
a. Sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto
b. Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao.
c. Sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto.
d. Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao
_____5. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimensiyon?
a. Ang paggawa ay paggawa para sa kapwa at kasama ang kapwa.
b. Ang paggawa ay paggawa ng isang bagay para sa iba.
c. Ang paggawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan,ugnayan at pakikisangkot sa ating
kapwa.
d. Ang paggawa ay pagkilala sa kagalingan ng mga likha ng kapwa.
_____6. Ang pakikilahok ay makakamit lamang kung kinikilala ng tao ang kaniyang _________.
a. Pananagutan c. dignidad
b. Tungkulin d. Karapatan
_____7. Alin sa mga sumsunod ang hindi benepisyo ng bolunterismo?
a. Nagkakaroon ang tao ng personal na paglago.
b. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makilala ang kaniyang sarili.
c. Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan.
d. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at relasyon sa iba.
_____8. Anu- ano ang dapat Makita sa isang tao na nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
a. Pagmamahal, pagmamalasakit at talent
b. Panahon, talent at kayamanan
c. Talento, panahon at pagkakaisa
d. Kayamanan, talent at bayanihan
_____9. Ano ang makakamit ng ating lipunan kung ang bawat isa ay nagsasagawa ng kanilang taos
pusong pakikilahok at bolunterismo?
a. Pagkakaisa
b. Kabutihang panlahat
c. Pag-unlad
d. Natataguyod ang pananagutan
_____10. Ito ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula
sa kanyang kapwa.
a. Bolunterismo
b. Dignidad
c. Pakikilahok
d. Pananagutan

B. PAG-IISA-ISA: Isa-isahin ang mga sumusunod.

1.2 MGA MAHAHALAGANG LAYUNIN NG PAGGAWA


3- MGA ANTAS NG PAKIKILAHOK NA MAKATUTULONG SA PAKIKIBAHAGI SA LIPUNAN
8-10 3TS NA DAPAT MAKITA SA PAKIKILAHOK AT BOLUNTERISMO

II. PAGBIBIGAY KAHULUGAN: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod. ( 3 puntos ang bawat
isa)
1. PAGGAWA-______________________________________________________________
____________________________________________________________

2. OBHETO NG PAGGAWA-____________________________________________________
____________________________________________________________________

3. SUBHETO NG PAGGAWA-___________________________________________________
__________________________________________________________________

4. PAKIKILAHOK-____________________________________________________________
_________________________________________________________________

5. BOLUNTERISMO-_________________________________________________________
_________________________________________________________________

B.PANUTO: Isulat sa loob ng kahon ang salita o mga salitang nagbibigay kahulugan sa salitang
PAKIKILAHOK at BOLUNTERISMO.

PAKIKILAHOK

BOLUNTERISMO

B. PANUTO: Tingnan ang kahon sa ibaba. Sa unang kahon ay isulat mo ang iyong mga talento/
kakayahan. Sa ikalawang kolum ay isulat mo ang iyong mga maaaring gawin o maitulong mula sa mga
talento/kakayahan na iyong taglay.

Talento/ kakayahan Paano ko gagamitin?


Halimbawa: pagluluto Ako ang magluluto o maghahanda ng pagkain ng
mga kasama kong volunteer
1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

IV.TAMA O MALI: Isulat ang Tama kung ang bawat pahayag ay totoo, at Mali kung hindi.

________1. Ang paggawa ay itinuturing na isang tungkuling kailangang isagawa nang may pananagutan.

________2. Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nangangailangan lamang ng orihinalidad.

________3. May mga bagay na inilaan na gawin ng tao dahil siya ay katangi-tanging nilikha.

________4. Maaaring ihalintulad sa iba pang mga nilikha ng Diyos ang tao.

________5. Pinagkalooban ng Diyos ang tao ng talento upang gamitin ito sap ag-unlad niya at ng
komunidad.

________6. Ang tao ay gumagawa upang kitain niya ang salapi na pangtustos sa kanyang
pangangailangan.

________7. Si Kenneth Cobonpue ay nakilala sa pagdidisenyo ng mga kasuotan.

________8. Ang paggawa ay isang obligasyon, isang tungkulin ng isang tao.

________9. Ang taong binigyan nang labis ay mayroong mas malaking pananagutan na magbahagi ng
yaman para sa kapwa na nangangailangan.

________10. Nilikha ang teknolohiya upang gawing perpekto ang gawain ng tao.

________11. Mas kailangang manaig ang obheto ng paggawa kaysa sa subheto ng paggawa.

________12. Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa.

________13. Ang tunay na halaga ng tao ay nakabatay sa kung paano niya pinagsisikapang hubugin ang
kaniyang mabuting pagkatao.

________14. Hindi makakamit ng tao ang kanyang kaganapan kung siya ay nakikipamuhay na kasama
ang iba.

________15. Ang pakikilahok ay makakamit lamang kung kinikilala ng tao ang kanyang pananagutan.

________16. Ang bolunterismo ay isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa


kapwa at sa lipunan.
________17. Sa pakikilahok nagiging konsiderasyon ang personal na interes o tungkulin.

________18. Lahat ng pakikilahok ay may aspekto ng bolunterismo pero hindi lahat ng bolunterismo ay
may aspekto ng pakikilahok.

________19. Ang panahon ay mahalaga sapagkat kapag ito’t lumipas hindi na ito maibabalik.

________20. Hinihimok ng lahat ng kabataan ngayon na makiisa at magbigay ng sarili para sa kapakanan
ng iba.

V.PAGLALAHAD: Sagutin ang mga sumusunod. (5 puntos ang bawat isa)

1.Mahalaga ba ang pakikilahok at bolunterismo ng isang kabataan? Ipaliwanag.

2. Anu-ano ang maidudulot nito sa iyong kapwa? Sa pamayanan? Sa lipunan?

VI.PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na pahayag. (5 puntos ang bawat isa)

1.Sumulat ng isang salaysay ng pagkakataong nagawa mo ang :

A.PAKIKILAHOK

B. BOLUNTERISMO

You might also like