You are on page 1of 6

HOST 1: “Mapagpalang araw Palalenian at Welcome sa ating

Huntahan kasama si SK”

HOST 2: Medyo nagtataka siguro ang lahat bakit may mga biglaang
programa ang Supreme Student Government ng West Palale National
High School. Dahil sa ilang buwan na nakalipas medyo tahimik ang
ating FB Page tamang post lang at announce.

HOST 1: Pero sa pananahimik na iyon marami palang plano na


ginagawa ang ating mga SSG Officers atin naman silang palakpakan
Shout out naman natin ang ating mga SSG Officers. Dahil kahit sa
kalagitnaan ng pandemya at patuloy pa rin silang gumagawa ng
proyekto at programa na makakatulong sa kapwa nating
PALALENIANS.

HOST 2: Ang Huntahan kasama si SK ay isa sa programa pinag isipan


ng mga SSG Officers.
HOST 1: Dito ating pag uusapan ang iba’t ibang programa ng mga SK
Chairman ng bawat barangay lalo na sa usapang Droga at ano ano ang
ba ang mga programa nila patungkol drug prevention

HOST 2: Syempre atin ding pag uusapan kung ano ba mga nagawa nila
ngayung panahon ng pandemya.

HOST 1: Naku naalala ko na naman nung biglaan nalang nag announce


na bawal lumabas nun medyo nakakalungkot pero kailangan nating
sumunod para makaiwas sa COVID – 19

HOST 2: Tama maigi ng sumunod kaysa tayo naman ang magkaroon


ng COVID – 19
HOST 1: Atin ng simulan ang programa natin. Pero sino nga ba ang
ating kaHuntahan ngayun?
HOST 2: Naku isa ito sa napakasipag at napakabait na SK partner ng
ating paaralan.
HOST 1: Siya nga pala ung isang tawag lang natin nariyan na siya. At
isa pa lahat ng proyekto at programa ng paaralan ay nariyan at laging
nakasuporta.

HOST 2: Mula po sa Sangguniang Barangay ng Kanlurang Palale at


kasalukuyang Chairperson ng Sangguniang Kabataan at Alumni ng
West Palale National High School ang atin pong kahuntahan ngayung
araw na ito NICOLE CAAGBAY.

HOST 1: Magandang araw SK Nicole Caagbay

HOST 2: Welcome sa ating Huntahan at maraming salamat sa


pagtanggap ng inbitasyon para sa programang ito

HOST 1: Pero bago tayo magkipag huntahan kay SK Nicole igreet mo


muna ang viewers natin at syempre maaari ka po bang magpakilala sa
kanila

HOST 1: Ayan nakakatuwa at maraming maanonood at talagang


inabangan ng viewers si SK Nicole

HOST 2: Siguro naman ayus na ayus na pakiramdam ni SK pwede na


tayong mag tanung sa kanya.

HOST 1: Kamusta ang pagiging SK Chairperson ng Kanlurang Palale?


HOST 2: Noong high school ka pa lang ba pumasok ba sa isipan mo na
sa darating na panahon ay magigi kang Chairperson ng Kanlurang
Palale?
HOST 1: Ano – ano nga ba ang mga naging programa mo SK Nicole
para sa kabataan ng Kanlurang Palale?

HOST 2: Napakasipag talaga at napakaswerte ng mga Kanluranin kay


SK

HOST 1: SK ang Sangguniang Kabataan ba ng Kanlurang Palale ay


ayaw sa Droga?

HOST 2: Ulitin po natin na ang Sangguniang Kabataan ng Kanlurang


Palale ay ayaw sa Droga. SK may mga programa ba o proyekto kayo
patungkol sa Droga? Maari mo po ba itong ilahad

HOST 1: Salamat SK at napakaaktibo ng Sangguniang Kabataan sa


Kanlurang Palale. Lalo na isa sa pinakamaraming mag aaral ng
WPNHS ay mula sa inyong Barangay.

HOST 2: SK pwede ba magbigay ka ng ilang tips paano ba dapat


iwasan ang Droga lalo na at mga manonood natin ay ang mga mag
aaral ng WPNHS.

HOST 1: Viewers, Palalenian lalo na sa iba pang kabataan. Masama ang


naidudulot ng droga. Dapat natin tandaan hindi ano mang uri ng
droga ang makakatulong sa inyo sa oras na kayo ay magkaroon ng
problema.

At sa next part ng ating huntahan pag usapan naman natin ang mga
programa at proyekto na nagawa ng Sangguniang Kabataan ng
Kanlurang Palale. Mamaya po yaan sa pagbabalik ng Huntahan
kasama si SK
COMMERCIAL
HOST 1: Welcome back sa ating Huntahan.

HOST 2: Palalenian kamusta pala ang inyong experience nyo nung


biglaang nagkalockdown? Kung babalikan natin ito talagang
nakakulong lang tayo sa bahay.

HOST 1: Syempre kasama ang ating pamilya at tamang nakaabang sa


balita kung anon na ba ang sitwasyon na nangyayari laban sa COVID-
19.

HOST 2: Palalenian, Viewers comment down naman kayo ng mga


naging experienced nyo
HOST 1: Ayan ang dami ng nagcocomment

HOST 2: SK ikaw kamusta ang lockdown experience mo?

HOST 1: Habang lockdown ba noon my mga proyekto o tulong ba na


nagawa ang Sangguniang Kabataan noon? Maaari mo ba itong ishare?
HOST 2: Hindi talaga nagpapahuli ang Sangguniang Kabataan ng
Kanlurang Palale.

HOST 1: Paano SK nagpapatuloy ang laban ng Sangguniang Barangay


at Sangguniang Kabataan ng Kanlurang Palale sa COVID – 19?
HOST 2: SK para mapigilan ang pagdami ng cases ng positive ng
COVID-19 ano ba dapat ang mga paalala ang dapat mong ibigay sa
mga kapwa nating kabataan?
HOST 1: So Palalenian, narinig natin ang mga paalala ni SK Nicole.
Dahil LIGTAS ang may ALAM. Laging tandaan ang Face Shield, Face
Mask at Alcohol ay ating sandata ngayung pandemya.

HOST 2: Pero hindi pa dito nagtatapos ang ating huntahan dahil


nabalitaan ko na si SK pala ay isang magaling na mang aawit.

HOST 1: Mamaya masasaksihan natin ang natatagong talento ni SK


Nicole sa pagbabalik ng HUNTAHAN KASAMA SI SK.

COMMERCIAL
Singing…….

HOST 1: Maraming maraming salamat SK NICOLE sa oras na binigay


mo para sa programang ito.

HOST 2: Naniniwala kami na ang mga napaghuntahan natin ngayung


oras na ito ay makakatulong sa mga kapwa nating kabataan para
mailayo sila sa droga at syempre ang mga dapat tandaan laban sa
COVID-19

HOST 1: SK Nicole baka merun ka pong sasabihin at pasasalamatan


bibigyan ka po namin ng pagkakataon?

HOST 2: Oopss dahil hindi ninyo kami iniwan at nanatili kayong


nanonood. My supresa kaming lahat sa inyo merun tayong mystery
box dito at si SK ang magbibigay ng clue para mahulaan ang object na
nasa mystery box.

HOST 1: SK NICOLE pwede mo pong hawakan ang nasa loob ng box at


bigyan ng clue ang ating mga viewers.
HOST 2: At sa tatlong makakahula ngayun ay magkakaroon po kayo
20php load kaya hula na. Icomment ang inyong sagot at bukas po
natin aannounce kung sino ang nanalo.

COMMERCIAL

HOST 1: Pasasalamat po sa Sangguniang Barangay ng Kanlurang


Palale sa pangunguna po ni Kapitan Cenon Reyes at ganun din po kay
SK Chairperson Nicole Caagbay sa pagbibigay oras at supurta sa
programang ito.

HOST 2: Kaya shoutout sa mga SK natin diyan baka gusto mong ihunta
ang nagawa ng barangay nyo? Magmessage lang sa ating FB Page

HOST 1; DepEd Tayo West Palale National High School 4A

HOST 2: hanggang sa muli Palalenian at laging tatandaan

Anumang hamon ng buhay,


may pandemya man o wala,
para sa kinabukasan ng mga Palalenian,
walang atrasan, tuloy ang laban!

You might also like